Vol. 25 | Issue 4 | Jan 25, 2015
from your
Pastor
Pagpupuring punong-puno ng pasasalamat sa Panginoon ang namamayani sa ating mga puso at pumapailanlang sa ating simbahan sa pagdiriwang natin ng ating ika-36 na Anibersaryo. Tunay ngang ang kaluwalhatian ay sa Diyos sa pagkilos Niya sa unang Linggo ng ating selebrasyon, kung saan maraming mga kaluluwa ang naakay sa Panginoon at daan-daang bisita ang tumanggap kay HesuKristo bilang kanilang Tagapagligtas at Panginoon. Lubos ang ating kagalakang muling makita at mapatunayang “Kaya ng Diyos!” abutin ang Kanyang layunin at gampanan ang Kanyang pakay sa pamamagitan ng mga Kristiyanong sa Kanya ay masidhing nananampalataya at marubdob na umiibig. Wala sa Kanyang mahirap gawin, at ang katotohanang iyan ay ating natutunan at laging nasasaksihan mula sa Kanyang Salitang dalisay, dakila, at daluyan ng pagpapala. Salamat sa Panginoon dahil iningatan at patuloy na itinataguyod Niya ang Kanyang Salitang makapangyarihan at matatag, ang King James Bible
na ating nahahawakan, nababasa, at naririnig sa ating kapanahunan. Sa biyaya ng Diyos, tayo ay magpunyaging manatili sa Kanyang kalooban at magsikap na tumalima sa Kanyang tagubilin. Sa ating mga sarili ay hindi natin kayang gawin ang mga bagay na nakalulugod sa Kanya, subalit dahil sa Kanyang kakayahang nakapangyayari sa atin, makakaya natin. Tayo nga sa Kanyang habag, karunungan at gabay ay magpakatapat sa Kanya sa ating pananalangin, pagsamba, paglilingkod, pagbibigay, at pakiki-isa sa lahat ng gawain ng ating simbahan. Asahan nating ang ating Diyos, sa Kanyang kamangha-manghang kakayahan, ay ang Siyang maitataas sa ating matagumpay na patotoo: “Praise ye the LORD… The works of the Lord are great, sought out of all them that have pleasure therein” (Psalm 111:1-2).
DR. ED M. LAURENA
God Can Preserve His Inspired Word
The Product of Preservation 2Timothy 2:15 / 2Timothy 3:14-17
I. God’s inspired-preserved Word equips the believers. A. God’s powerful Word equips us for the faith. B. God’s powerful Word equips us for the fight. C. God’s powerful Word equips us for the flight. II. God’s inspired-preserved Word enlightens the believers. A. God’s preserving Word communicates to us. B. God’s preserving Word convicts
02
us. C. God’s preserving Word corrects us. D. God’s preserving Word commands us. III. God’s inspired-preserved Word enables the believers. A. God’s penetrating Word enables us to grow spiritually. B. God’s penetrating Word enables us to go spiritually. C. God’s penetrating Word enables us to glow spiritually.
03
KASAYSAYA DAKILANG PATOTOO SA KAKAYAHAN NG DIY
(Unang bahag
“Ang Diyos ang nagtatag ng Kanyang simbahan, at Kanya itong pinalalago sa pamamagitan ng Kanyang mga anak.” Iyan ang mariing ipinahayag ni Pastor Ed Laurena
habang kanyang ipinaliliwanag ang mabiyayang kasaysayan ng Christian Bible Baptist Church (CBBC) sa San Pedro, Laguna. Tinukoy din niyang ang Panginoong HesuKristo ang Founder at Foundation ng kauna-unahang Baptist church na nagsimula sa Jerusalem. Ito ay ayon sa Matthew 16:18, “… Upon this rock I will build my church; and the gates of hell shall not prevail against it.” Salamat sa Diyos dahil ang naturang Baptist Church na itinayo at pinagtibay ng Panginoong Hesus ang pinanggalingan ng CBBC. Sa kapangyarihan ng Diyos na magsugo ng Kanyang mangangaral sa kalooban Niyang lugar sa tamang panahon, nahamon, nahimok at nahikayat si Pastor Laurena noong 1977 na sumunod sa panawagan ng Panginoon.
Kasama ang kanyang maybahay na si Ma’am Dhel at ang kanilang sanggol na si Mishael, siya ay nagtungo sa San Pedro, Laguna mula sa Camalig, Albay noong January 5, 1978. Nagkaroon ng pinakaunang Linggong pananambahan ang Christian Baptist Mission noong ika22 ng Enero, 1978 at 42 ang dumalo sa Mission House na isang inupahang apartment.
Pagkalipas ng isang taon, sa biyaya ng Diyos, ang Christian Baptist Mission na may attendance na 146 ay na-organize bilang Christian Baptist Church (CBC). Sa tagumpay na iginawad ng Diyos noong 1980 ay nagdiwang ang Simbahan ng kanyang unang anibersaryo. Sa taon ding yaon nagsimulang magsuporta ang Simbahan ng mga mission, at naglunsad ng pagbibigay ng first fruits.
Ang lumalagong Simbahan ay dumanas ng matinding pagsubok noong 1981 kaya bumaba ang bilang ng mga dumadalo sa 40. Gayunpaman, ang habag at lakas ng Diyos ang nagtaguyod sa Kanyang Simbahan kaya ang mga miyembrong matatapat at masisipag ay nagsipagbunga na nagdulot ng mahigit na 150 na attendance. Dahil sa dumadaming nagtitipon, ang Simbahan ay kinailangang lumipat sa may San Pedro Ice Plant sa National Highway. Samantala, isang mahalagang nangyari sa taong ito ay ang pagsimula ng unang mission sa Los Baños, Laguna. Noong 1982 naman ay sinimulan ang mini-Bible Institute upang maituro nang lubusan ang Salita ng Diyos at mga doktrina sa mga manggagawa ng Simbahan. 04
AN NG CBBC: YOS NA MAGPALAGO NG KANYANG GAWAIN
gi: 1978-1988)
Sa taong 1983, nakabili ang Simbahan ng 500 sqm na lupa sa St. Francis Homes 2. Sa tulong ng Diyos at sa sacrificial giving ng mga miyembro, nasimulan ang pagtatayo ng bahay-sambahan. Ang 1984 at 1985 ay panahon ng building construction. Sa kakayahang ipinagkatiwala ng Diyos sa Kanyang mga anak na manampalataya sa Kanya, natapos ang kauna-unahang church building ng Simbahan noong 1985. Ito ang tinatawag natin ngayong “Old Building.” Sa taong 1984 na-organize na simbahan ang mission sa Los Baños, kaya ito ang unang “daughter church” ng CBBC. Noong 1985 din ay naging “Christian Bible Baptist Church” ang “official name” ng Simbahan buhat sa dati nitong pangalang, Christian Baptist Church. Samantala, ang Christian Bible Baptist Academy o CBBA na gumagamit ng Accelerated Christian Education (ACE) curriculum ay nagbukas at 30 magaaral ang nag-umpisang pumasok.
Noong 1986 ay nagkaron ng building extension para sa CBBA. Kasabay nito ay ang pagsimula ng Christian Bible Baptist Seminary na may 9 na Bible students. Ang pangalawang mission work ay sinimulan sa Lipa, Batangas, at nagkaroon din ng overseas outreach sa Saudi Arabia. Sa 1987 hanggang 1988 ay naabot hanggang nalampasan ng CBBC ang 450 na attendance. Nakabili rin ng lupa at nagkaroon ng panibagong building construction ang Simbahan. Sa taong 1988 ay na-organize na mga simbahan ang apat na mission works na pinangungunahan ng mga sinugong lingkod ng Diyos: Fort Bonifacio, Taguig, Metro Manila - Pastor Gil Laurena; Lipa, Batangas – Pastor Rusty Ocampo; Cabuyao, Laguna - Pastor Ramon Revilla; at Calamba, Laguna - Pastor Jecel Saguindan. Tunay ngang ang Simbahang itinatag ng Diyos ay magpapatuloy dahil sa Kanyang kakayahan at para sa Kanyang kaluwalhatian!!!
05
What God’s Word Can Do “For as the rain cometh down, and the snow from heaven, and returneth not thither, but watereth the earth, and maketh it bring forth and bud, that it may give seed to the sower, and bread to the eater: So shall my word be that goeth forth out of my mouth: it shall not return unto me void, but it shall accomplish that which I please, and it shall prosper in the thing whereto I sent it.” – Isaiah 55:10-11 People are always looking for results as evidential proof that something is working. This makes one person’s judgment limited to what one can grasp, feel, and see at a given point in time, not realizing that results could be just like a ripple in the water but that can continually reverberate through timeless eternity. What are the products of the Word of God in, through, and for us? THE PRODUCT OF THE WORD OF GOD “IN” US. We are continually changed by what we allow ourselves to feel, hear, and see as true believers in Christ. Philippians 2:13 affirms, “For it is God which worketh in you both to will and to do of his good pleasure.” God works in us to fulfil His productive plan. We cannot expect Him to work in our lives if we have plans of our own. If we are not fully cooperating with Him we may be like the clay which was marred in the potter’s hand and God would have to shape us into a different vessel and change His original plan. It is because of His mercy that He does not discard us but continues to shape us. Let us first yield our lives to God for Him to fulfil His intended fruits in our lives. THE PRODUCT OF THE WORD OF GOD “THROUGH” US. Through our entire lifetime, we are continually touching lives, for good or for bad, by the things we do and say. It is without doubt that great power lies in Jesus’ farewell Words to his disciples in John 14:12 when He said, “Verily, verily, I say unto you, He that 06
believeth on me, the works that I do shall he do also; and greater works than these shall he do; because I go unto my Father.” God works in us to make us a channel of blessing to others as Ephesians 2:10 exhorts, “For we are his workmanship, created in Christ Jesus unto good works, which God hath before ordained that we should walk in them.” The work of God through our lives will make us a blessing to others and we then will be rich in good works. We cannot work effectively for God in our human strength and wisdom. The work of God through us is done through His power which works mightily in us as testified by the Apostle Paul in Colossians 1:29, “Whereunto I also labour, striving according to his working, which worketh in me mightily.” THE PRODUCT OF THE WORD OF GOD “FOR” US. God works for us and gives us a part to fulfil in His kingdom. God decides what He wants us to do. He determines what kind of ministry He wants us to fulfil. Like a human body which has many different parts, we also are given many different kinds of
ministries to fulfil. We should not be envious of somebody else nor should we despise the role given to others. God gives each one of us the part we have to fulfil in His Kingdom as 1 Corinthians 12:11 assures, “But all these worketh that one and the selfsame Spirit, dividing to every man severally as he will.” God works to lead us to perfection as Philippians 1:6 says, “Being confident of this very thing, that he which hath begun a good work in you will perform it until the day of Jesus Christ:” He will not stop halfway but will continue to work until we attain maturity and perfection. It is such a wonder that our great God spoke and breathed all creation out of nothing. It is even more wonderful that His redemptive work produced saints out of us sinners. He is truly a wonderful God that we must serve!
Magagawa Natin Sa Pamamagitan Ni Kristo Beata B. Agustin
Magagawa natin sa pamamagitan ni Kristong dakila Na lumago sa pananampalataya Habang nagtitiwala sa Kanyang Salitang mabiyaya Upang mamunga sa mabubuting gawa At makamtan makalangit na pagpapala! Magagawa natin sa pamamagitan ni Kristong Tagapagligtas Na tumatag sa Kanyang makapangyarihang lakas Habang nagpapasakop sa Kanyang Salitang sakdal na batas Upang tumibay sa pagbagtas sa banal na landas At masupil ang kasalanan nang sa kapahamaka’y makaiwas!
Magagawa natin sa pamamagitan ni Kristong may-akda ng karunungan Na maunawaan ang Kanyang kalooban Habang inaaral ang Kanyang Salitang gabay sa katotohanan Upang lumakad ayon sa makatuwiran Niyang pamantayan At matamo ang marangal na katagumpayan! Magagawa natin sa pamamagitan ni Kristong pinuno natin Na matutong maging masunurin Habang iginagalang ang Kanyang Salitang dalisay na pag-ibig ang diin Upang makabahagi sa Kanyang gawain At magampanan ang iniwan Niyang tagubilin!
Magagawa natin sa pamamagitan ni Kristong laging tumutulong Na makaniig Siya sa loob ng mapanalangining pagkukulong Habang pinagbubulay-bulayan ang Kanyang Salitang mapagkanlong Upang maglingkod na kaharian Niya ang isinusulong At magalak sa pagpupuri sa sambahang pagpupulong! Magagawa natin sa pamamagitan ni Kristong ating ilaw Na makita ang panukala Niyang malinaw Habang pinahahalagahan ang Kanyang Salitang katapatan ang isinisigaw Upang pasalamatan Siya sa kahabagan Niyang sumasaklaw At magpakumbaba buhat sa kayabangang nararapat na matunaw. Magagawa natin sa pamamagitan ni Kristong mapaghimok Na magwagi laban sa mga suliraning nagpapalugmok Habang isinasabuhay ang Kanyang Salitang naglililok Upang matanggihan ang makamundong alok At magpunyagi sa gitna ng mga pagsubok! 07
Dr. Ed M. Laurena, Pastor CHURCH ATTENDANCE
Jan 18 & Jan 21 Sun School Sunday AM Sunday PM Wednesday FTVs Baptisms
2, 277 2, 724 1, 261 600 159 21
St. Francis Homes 2, Landayan, City of San Pedro
SCHEDULE OF SERVICES SUNDAY ∙Sunday School ---- 8:30 am ∙Morning Service --- 9:30 am ∙Youth Fellowship -- 2:00 pm ∙Discipleship -------- 3:00 pm 7 Stage Discipleship Children's Discipleship Men Mentoring Men ∙Afternoon Service - 4:00 pm WEDNESDAY ∙Doctrine Class ----- 5:45 pm ∙Prayer Meeting----- 7:00 pm THURSDAY & SATURDAY ∙ Soulwinning and Visitation
Maaari Mong Matiyak ang Langit!
A
NG SABI NI HESUS, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay: walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.” Juan 14:6 Wala nang iba pang makapagliligtas sa iyo mula sa impiyerno. Magtiwala ka kay Hesus ngayon! Roma 6:23 “Kung ipahahayag ng iyong bibig na si Hesus ay Panginoon at mananampalataya ka nang buong pusong Siya’y muling binuhay ng Diyos, ikaw ay maliligtas”. Roma 10:9 1. Aminin mong ikaw ay isang makasalanan. Roma 3:10
2. Magsisi ka sa iyong kasalanan. Gawa 17:30 3. Manampalataya kang si Kristo Hesus ay namatay para sa iyo, nalibing at nabuhay namagmuli. Roma 10:9-10 4. Sa pamamagitan ng panalangin, tanggapin mo si Hesus sa iyong puso bilang iyong Tagapagligtas. Roma 10:13 Manalangin ka ng ganito: Panginoon, ako po ay isang makasalanan at nangangailangan ng kapatawaran. Nananampalataya po akong nadanak ang dugo ni Hesus at Siya ay namatay sa krus para sa akin.
tel - (02)869.0433 cel - 0905.3004422 Website: www.cbbcphilippines.com Email address: admin@cbbcphilippines.com BIBLE READING Ex 25-27 Mon Ex 28-29 Tue Ex 30-32 Wed Ex 33-35 Thu Ex 36-38 Fri Ex 39-40 Sat Lev. 1-4 Sun Nagsisisi po ako sa aking mga kasalanan. Tinatanggap ko po si Kristo Hesus sa aking puso bilang aking Tagapagligtas. Amen. Kung tinanggap mo si Hesus bilang iyong Tagapagligtas, ito na ang simula ng iyong bagong buhay kay Kristo. Roma 8:1 Ngayon: 1. Basahin mo ang iyong Biblia araw-araw upang makilala pa nang lubusan si Kristo Hesus. 2. Makipag-usap ka sa Diyos sa panalangin araw-araw. 3. Manambahan ka sa isang simbahan na pinapangaral si Kristo at ang Biblia ang tanging pamantayan. 4. Ibahagi sa iba si Kristo Hesus.
ACTS29 - the official Sunday publication of Christian Bible Baptist Church