Vol. 25 | Issue 7 | Feb 15, 2015
from your
Pastor
It is a wonderful blessing to be reminded that God truly loves us, and He always shows such love through His marvelous works in our lives. Ephesians 5:25 asserts that “… Christ also loved the church, and gave himself for it…” We really are so privileged to be loved by the Lord. The question then that we have to reflect upon is, “If we love the Lord, how do we show our love to Him?” His command is this: “Thou shalt love the Lord thy God with all thy heart, and with all thy soul, and with all thy mind” (Matthew 22:37). We praise and thank God for exhorting, encouraging, and enabling us to love Him. One of the great ways to show our love to Him is to follow how He showed His love. It is very clear in the Scriptures that the very act that God did to show His love was to “give.” Yes, God the Father gave to us His Son as clearly expressed in John 3:16, and Jesus Christ gave Himself to us for our salvation. Thus, we can manifest our love to Him by giving to Him, and the acceptable means is by giving to Him according to what the Bible teaches. Such is through His church.
I commend you for faithfully showing your love to the Lord through His church, our beloved CBBC. I urge you, by the love, mercy and grace of God that you continue with the good work of supporting His church. Together, let us plant ourselves in the church; participate in all its programs; provide for its ministries with our contributions; perspire for it through our diligent and willing involvement; pray for it, its workers, and needs; and protect it by practicing and promoting its standards and advancing its goal to fulfill the Great Commission. On this thanksgiving celebration of our Anniversary’s victory, which showcases and highlights God’s love, and our love to Him, we give to the Lord all the glory and honour He fully deserves. As His church, let us worshipfully and jubilantly exalt Him for in 36 years, “The LORD hath done great things for us; whereof we are glad” (Psalm 126:3).
DR. ED M. LAURENA
Kasaysayan ng Kaligtasan Sa pagsulat niya tungkol sa kasaysayan ng Canada, nabanggit ni Donald Grant Creighton ang katotohanang ito: “History is the record of an encounter between character and circumstance.” Isa itong mapanghikayat na pahayag na hindi lahat ng patungkol sa kasaysayan ay nakakainip pakinggan o pag-aralan. Bilang Kristyano, marapat lamang na magalak tayo sa bawat patotoo ng kasaysayan ng kaligtasan ng sinumang kapatiran. Masaya si Apostol Juan sa sulat niya kay Gaius sa 3 John 3, “For I rejoiced greatly, when the brethren came and testified of the truth that is in thee, even as thou walkest in the truth.” Ang paglakad natin bilang mananampalataya ay malaking bahagi sa pagpapatibay na minsan sa ating personal na kasaysayan ay nakatagpo nga natin ang makatotohanang pag-ibig ng Diyos. Ang bawat kasaysayan ng kaligtasan ay patunay sa marami pang banal na katotohanan: Ang Diyos ay buhay! “Buhay ang Kristong aking pinaglilingkuran,” sabi nga ng isang awitin. Siya ay wala na sa libingan. Siya ay patuloy na nagliligtas at nagtatangi ng mga taong sa Kanya ay naglilingkod. 2 Timothy 1:10 “But is now made manifest by the appearing of our Saviour Jesus Christ, who hath abolished death, and hath brought life and immortality to light through the gospel.” Ang Diyos ang may akda ng bagong-buhay! Nilinaw ni Hesus sa pantas na si Nicodemus na siya ay kailangang isilang muli, John 3:7 “Ye must be born again.” Ang pagbabagongbuhay na ito ay dulot ng Banal na Espiritu na Siyang nagpapaunawa ng Salita ng Diyos na magiging daan naman para sa epektibong transpormasyon ng buhay ng isang pusakal. “Therefore if any man be in Christ, he is a new creature: old things are passed away; behold, all things are become new” (2 Cor 5:17).
(John 12:46) ang inihandog ng Panginoon sa atin na sa Kanya ay totoong nananampalataya. Higit sa lahat, sa Kanya ay may buhay na walang hanggan, John 6:47 “…He that believeth on me hath everlasting life.” Purihin ang Panginoon dahil tayong mga anak Niya ay nagkaroon ng dalawang kapanganakan, at isa na lamang kamatayan!
Sa Diyos ay may buhay na walang hanggan! Hindi lamang kapatawaran (Acts 10:23), at hindi lamang kaliwanagan
Ang kwento ng ating kaligtasan ay laging magtatapos sa pasasalamat dahil tayo ay minsang natagpuan sa paanan
02
ng krus kung saan ang dugo ng Panginoong Hesus ay nadanak dahil sa pag-ibig.
Nagsisi tayo
at patuloy na tumatalikod sa kasalanan habang niyayakap ang mga
katotohanang
nabanggit.
Tuwina ay malaking hamon sa atin na maging bahagi sa kasaysayan ng kaligtasan ng maraming hindi pa nakakikilala sa Panginoon. Huwag nawa nating pigilan ang ating bibig sa pagpapahayag ng Mabuting Balita, at gumanap sa katuparan ng Dakilang Tagubilin.
K A S AY S AYA N N G C B B C :
DAKILANG PATOTOO SA KATAPATAN NG DIYOS NA PAGPALAIN ANG KANYANG SIMBAHAN (Pang-apat na Bahagi: 2009-2014) Ang dakilang katapatan ng Diyos ang namamayani sa pagpupunyagi ng Kanyang simbahang itinatag, pinagtitibay, pinalalakas, pinayayabong, at pina-uunlad upang isulong ang Kanyang kaharian. Iyan ang patotoo ng CBBC, San Pedro City na may pagpapasalamat at pagpupuri sa Diyos sa 36 na taon nitong pagbabahagi ng Ebanghelyo at pagdadala ng pangalan ng Panginoon at Tagapagligtas na si HesuKristo. Laging binabanggit ni Pastor Ed M. Laurena sa kanyang pangangaral na “Ang CBBC ay simbahan ng Panginoon at anumang pagbubunying natatanggap ng CBBC na bunga ng kanyang mga nagagawa, nagagampanan, at natatapos ay dahil lahat sa Diyos, at nagbuhat sa Diyos, kaya ang parangal at luwalhati ay sa Diyos.” Bilang simbahan ng Panginoon, ang CBBC ay naniniwalang “Except the LORD build the house, they labour in vain that build it…” (Psalm 127:1); at nagsusumikap na tuwina ay buong pusong sumamba sa Diyos na karapat-dapat tumanggap ng kaluwalhatian! Tunay ngang napakabuti ng Diyos na sa Kanyang biyaya, habag, karunungan, at kapangyarihan ay Kanyang pinagpapala ang CBBC. Nasaksihan ito sa kanyang patuloy na paglago mula nang ito ay itatag na simbahan noong 1979, isang taon pagkatapos nitong maging isang mission work, ayon sa mga naunang bahagi ng kanyang naitalang kasaysayan sa mga taong 1980 hanggang 2008. Ang 2009 ay taon ng pagpapalakas ng pananampalataya dahil sa “Back to Basics” na tema ng CBBC. Sa Enero ay nagkaroon na ng Soulwinning Conference. Idinaos naman ang Prophetic Revivals sa pangangaral ni Dr. Larry Clayton bago ang isang buwang pagdiriwang ng ika-30ng Anibersaryo ng simbahan, kung saan 20,166 na first time visitors (ftvs) ang nakadalo. Sa Abril ay Leadership Conference ang itinampok na sinundan ng National Baptist Youth Convention (NBYC) 10. Samantala, ang mission work sa Tanza, Cavite sa pangunguna ni Pastor Rey Baugan ay na-organize bilang simbahan noong Mayo 5. Noong Hunyo ay limang mangangaral ang na-ordinahan bilang “Reverend.” Ang mission work sa Noveleta, Cavite ay sinimulan sa pangunguna ni Preacher Ryan Porcioncula noong Disyembre 6, 2009. “Revive Us Again” ang naging marubdob na panalangin ng simbahan sa 2010. Sa ika-31ng Anibersaryo ng CBBC na ipinagdiwang ng isang buwan ay may 14,685 na bisitang dumalo. Nagkaroon ng feeding program noong Marso 12. Natapos ang pagpapatayo ng Administration Building. Sa dalawang linggong Daily Vacation Bible School (DVBS) ay may naitalang 2,564 na tumanggap sa Panginoong Hesus. Nagkaroon ang simbahan ng average attendance na 2,869 tuwing Linggo, at 22,224 ang kabuoang bilang ng mga bisita, habang 1,502 ang bilang ng mga nagpa-bawtismo. Sa isang banda, ang Taiwan Outreach sa Kaohsiung ay nagbunga ng dalawa pang outreaches sa Jhong-Li at Tai-chung. Ganundin, ang Outreach sa Singapore ay sinimulan.
03
Sa 2011, “Victorious Christian Living” ang binigyan diin sa mga aralin sa Sunday School. Bago sumapit ang Anibersaryo, ang Medical Missions ay isinagawa kung saan may 1,600 na nagpahayag ng kanilang pananampalataya sa Panginoon. Sa ika-32ng Anibersaryo ay may nadalang 10,608 na mga bisita. Samantala, ang mission work sa Tanauan, Batangas sa pangunguna ni Pastor Oliver America ay na-organize bilang simbahan noong Pebrero 25. Nagdaos naman ang Discipleship Program ng ika-8 nitong pagtatapos. Ganundin, ipinagdiwang ng Outreach sa Correctional Institute for Women (CIW) ang unang taon nitong anibersaryo. Sa Disyembre ay nagkaroon ang simbahan ng Family Camp sa Rizal Re-creation Center sa Rizal, Laguna. Ang unang araw ng 2012 ay sinalubong ng CBBC ng New Year’s Service at ipinahayag ang “Resolved to Involve in 2012” na siyang layunin ng simbahan. Ang Sunday School School ng Adults’ Department ay hinati sa apat ayon sa mga edad ng mga asawang lalaking dumadalo. Ang Divided Sunday School Fellowship pagkatapos ng pananambahan sa hapon ay sinimulan. Nagkaroon din ng National Pastors and Workers’ Conference. Sa ika-33ng Anibersaryo, mahigit 8,000 na bisita ang dumalo. Ang katatapos na bagong tayong Men’s Dorm na may tatlong palapag ay tinirhan ng BHBC gentlemen at graduates. Ang taong 2013 ay “Year of Continuing” para sa simbahan. Ang ika-34 na Anibersaryo ay pinaghandaan sa pamamagitan ng “round-the-clock prayer vigil” at Lord’s Supper na matagumpay na nagampanan. Sa dalawang linggong pagdiriwang sa Enero 20 at 27 ay may mahigit na 7,000 na bisitang dumating. Noong Pebrero naman ay ginanap ang Single Parents and Couples’ Fellowship. Sa evangelistic crusade sa Bicol noong Marso 26 hanggang 28 ay may 1,476 na kaluluwang naakay sa Panginoon. Sinimulan na rin ang mission work sa Goa, Camarines Sur sa pangunguna ni Preacher Nelson Pana. Ganundin ay nagkaroon ng unang pagtitipon sa Bangkok Outreach sa Thailand. Nagsimula rin ang “Men Mentoring Men” na programa para sa mga padre de pamilya ng simbahan. Noong Agosto 25, inilahad ang “Nehemiah Project” para sa pagpapatayo ng bagong church auditorium. Sa Linggo ring iyon ay ipinagdiwang ni Dr. Ed ang kanyang mabiyayang 40ng taon sa gawain ng Diyos. Samantala, nakabili ang simbahan ng lupa sa Bicol para sa church’s camp site, at isa pang church property sa dulo ng St. Francis Homes 2. “Making Disciples” ang pinagtuunan ng simbahan sa taong 2014. Ang isang buwang pagdiriwang ng ika-35ng Anibersaryo ay nagdulot ng mahigit na 10,000 na bisita. Pagsapit ng Summer ay ginanap ang mga gawaing ang pakay ay tulungan ang mga kabataang tumatag sa pananampalataya. Kabilang dito ang NBYC 15, ang Grade 6 Pupils’ Retreat, Children’s Junior Camp, ang kauna-unahang High Schoolers’ Camp, at ang DVBS. Sa isang banda, ang re-organization ng Bible Baptist Church sa Miag-ao, Iloilo ay pinamunuan ni Dr. Ed noong Agosto 7-8. Samantala, ang “God Loves You” Gospel tract-distribution at church soulwinning noong Agosto 17 hanggang Setyembre 7 ay nakapagtala ng mahigit 100,000 Gospel tracts na naipamigay at 4,900 na mga kaluluwang naakay sa Panginoon. Ginanap naman noong Nobyembre 2 hanggang 4 ang Missions’ Conference sa gabi at ang Frontliners’ Conference sa umaga. Nagsimula na rin ang mission work sa Bayambang, Pangasinan sa pangunguna ni Preacher Ed Almario. Nadagdagan pa ng Sunday School rooms dahil sa bagong biling church property sa likod ng church auditorium. Tunay ngang sa Diyos ang lahat ng papuri at pasasalamat sa lahat ng mga nagawa ng CBBC, at sa mga gagawin pa nito sa mga darating pang mga taon sa kakayahan, kapangyarihan at biyaya ng Diyos!
04
God Be Thanked For Our Great Salvation Beata B. Agustin
God be thanked for our great salvation with His eternal security Along His sanctification’s fullness of pardon’s bounty Indeed forgiving us wholly from sin’s penalty By His love beyond hell’s intensity. God be thanked for our precious salvation with His priceless treasure Along His everlasting life’s gift surpassing galaxy’s measure Indeed blessing us within glad contentment’s enclosure By His riches in glory beyond worldliness’ pleasure. God be thanked for our steadfast salvation with His firm commitment Along His adoption’s decree enabling our heaven’s settlement Indeed enlisting us for His kingdom’s advancement By His call beyond Satan’s detriment. God be thanked for our assured salvation with His compassionate graciousness Along His justification’s act imputing to us His righteousness Indeed granting us new nature for testimony’s holiness By His mercy beyond iniquities’ filthiness. God be thanked for our purposeful salvation with His sovereign might Along His regeneration’s will with His Word for faith that’s right Indeed converting us to fulfill His plan’s delight By His truth-light beyond doubts’ fright. God be thanked for our miraculous salvation with His grand redemption Along His sacrifice’s accomplishment for our transformation Indeed sealing us as His heirs with stewards’ function By His power beyond weaknesses’ affliction. God be thanked for our victorious salvation with His perfect deliverance Along His covenant’s goal for our grand well-being’s appearance Indeed taking us up during rapture’s magnificent entrance By His triumph beyond challenges’ encumbrance. 05
Dr. Ed M. Laurena, Pastor CHURCH ATTENDANCE
Feb 8 & Feb 11 Sun School Sunday AM Sunday PM Wednesday FTVs Baptisms
1, 555 4, 843 1, 690 551 2, 364 2
St. Francis Homes 2, Landayan, City of San Pedro
SCHEDULE OF SERVICES SUNDAY ∙Sunday School ---- 8:30 am ∙Morning Service --- 9:30 am ∙Youth Fellowship -- 2:00 pm ∙Discipleship -------- 3:00 pm 7 Stage Discipleship Children's Discipleship Men Mentoring Men ∙Afternoon Service - 4:00 pm WEDNESDAY ∙Doctrine Class ----- 5:45 pm ∙Prayer Meeting----- 7:00 pm THURSDAY & SATURDAY ∙ Soulwinning and Visitation
Maaari Mong Matiyak ang Langit!
A
NG SABI NI HESUS, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay: walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.” Juan 14:6 Wala nang iba pang makapagliligtas sa iyo mula sa impiyerno. Magtiwala ka kay Hesus ngayon! Roma 6:23 “Kung ipahahayag ng iyong bibig na si Hesus ay Panginoon at mananampalataya ka nang buong pusong Siya’y muling binuhay ng Diyos, ikaw ay maliligtas”. Roma 10:9 1. Aminin mong ikaw ay isang makasalanan. Roma 3:10
2. Magsisi ka sa iyong kasalanan. Gawa 17:30 3. Manampalataya kang si Kristo Hesus ay namatay para sa iyo, nalibing at nabuhay namagmuli. Roma 10:9-10 4. Sa pamamagitan ng panalangin, tanggapin mo si Hesus sa iyong puso bilang iyong Tagapagligtas. Roma 10:13 Manalangin ka ng ganito: Panginoon, ako po ay isang makasalanan at nangangailangan ng kapatawaran. Nananampalataya po akong nadanak ang dugo ni Hesus at Siya ay namatay sa krus para sa akin.
tel - (02)869.0433 cel - 0905.3004422 Website: www.cbbcphilippines.com Email address: admin@cbbcphilippines.com BIBLE READING Num 11-13 Mon Num 14-15 Tue Num 16-17 Wed Num 18-20 Thu Num 21-22 Fri Num 23-25 Sat Num 26-27 Sun Nagsisisi po ako sa aking mga kasalanan. Tinatanggap ko po si Kristo Hesus sa aking puso bilang aking Tagapagligtas. Amen. Kung tinanggap mo si Hesus bilang iyong Tagapagligtas, ito na ang simula ng iyong bagong buhay kay Kristo. Roma 8:1 Ngayon: 1. Basahin mo ang iyong Biblia araw-araw upang makilala pa nang lubusan si Kristo Hesus. 2. Makipag-usap ka sa Diyos sa panalangin araw-araw. 3. Manambahan ka sa isang simbahan na pinapangaral si Kristo at ang Biblia ang tanging pamantayan. 4. Ibahagi sa iba si Kristo Hesus.
ACTS29 - the official Sunday publication of Christian Bible Baptist Church