Vol. 25 | Issue 8 | Feb 22, 2015
from your
Pastor
Sa Diyos ang luwalhati sa tagumpay na Kanyang ipinagkaloob sa magalak nating pagdaos ng ating ika-36 na Anibersaryo bilang Kanyang simbahan. Sa apat na Linggong pagsisikap natin sa pag-iimbita, pag-aakay ng kaluluwa, at pamamahagi ng Gospel tracts, tayo ay pinagpala ng Diyos ng 9,859 na mga bisitang nakinig ng mabuting balita ng kaligtasan sa pamamagitan ni HesuKristo. Ganundin ay biniyayaan tayo ng Panginoon ng mga mangangaral na inihayag ang katotohanang si Hesus lang ang tanging daan patungong langit, at ang pinanggagalingan ng buhay na walang hanggan dahil sa Kanyang pag-ibig at awa, ayon sa Bibliya. Bukod diyan, pagpapasalamat sa Panginoon ang namumukod sa ating mga patotoo sa Kanyang pagsagot sa ating panalangin ukol sa paggamit niya sa atin upang magkaroon ng bahagi sa Kanyang gawain. Lahat ng mga matatatapat na miyembro ay nakiisa sa layuning isulong ang kaharian ng Diyos, at iyan ay nakapagbigay ng lakas, kasiyahan, at revival sa bawat isang may bahagi. Magpatuloy tayo, sa tulong ng Panginoong maging kaagapay sa pagtupad sa Kanyang dakilang tagubilin.
Ngayon ay ating salubungin nang may kahandaan at kasigasigan ang mga hamon ng pagbunga ng ating nakaraang Anibersaryo. Kailangan natin ang maraming manggagawa para i-follow up ang ating mga bisita. Dahil dito, mas masidhing panalangin at ibayong kasipagan ang nararapat. Lalong naging maliwanag ang pangangailangan natin ng isang mas malaki at malawak na pagtitipunan. Kung gayon, tayo ay sama-sama muling magpasakop sa Diyos at atin Siyang sampalatayanan nang lubos. Buong puso nating pagkatiwalaan ang Kanyang kakahayang kumilos upang palaguin tayo at ang Kanyang gawain, habang ating ginagawa ang tungkuling Kanyang iniutos sa atin. Sa naturang naisin at pakay natin bilang nagkakaisang simbahan, tayo ay laging sa Panginoon umasa at sa Kanya lamang natin ibigay ang lahat ng karangalan at pagsamba dahil “Worthy is the Lamb that was slain to receive power, and riches, and wisdom, and strength, and honor, and glory, and blessing� (Revelation 5:12).
DR. ED M. LAURENA
God Can Create A New Heart
The New Birth — Salvation John 3:1-8 / Ephesians 1:7-10
I. The new birth is explained by the Scriptures. A. The new birth is not man’s way. B. The new birth is God’s work. II. The new birth is expounded by the Saviour. A. The new birth is expounded by God’s goodness.
B. The new birth is expounded by God’s grace. III. The new birth is experienced by the sinner. A. The new birth is experienced through repentance. B. The new birth is experienced through regeneration.
CBBC Pulpit Accommodated Guest Speakers In introducing guest speakers, Dr. Ed Laurena always declares: “It is good to have friends in the ministry!” Indeed, during and even prior to CBBC’s 36th Church Anniversary celebration, these friends of our dear pastor came and delivered to us the Word of God which strengthened us in the faith. These preachers who were mostly Americans adhered to their calling stated in Isaiah 61:1, “to preach good tidings unto the meek; … to bind up the brokenhearted, to proclaim liberty to the captives, and the opening of the prison to them that are bound.” The foreign tongue was not a hindrance because it was the Holy Spirit that made the listeners realize the great blessings from these preachers’ testimonies, learned principles and ministerial goals and visions, woven together by God to create powerful messages. From the State of Ohio, Dr. Phil Clayton got here in the second week of January. On the onset, this evangelist and church planter charged the frontliners on “The Value of Souls.” The following Sunday, January 11, he featured “The Gospel According to Psalm Chapter 2” in his preaching before the morning congregation. He also took time to tour the Bible College students to the Book of Acts, as he emphasized the need to participate in fulfilling the Great Commission, hence, to establish churches. Surely, the aspiring young preachers had their calling sharpened and their commitment revisited and revived. In addendum, a bonus treat was handed over by his better-half, Mrs. Sharon Clayton. She presented her “teachimony” to the single working ladies’ Sunday School class on January 11 and spoke in the Pastor's Wife class on Wednesday, January 14. A week after, Dr. Phil Stringer of Ravenswood Baptist Church in Chicago, Illinois came to preach in
02
the evening service of January 18. Inspired by Joshua 5:13, he reminded us that we are never alone; God is always in every godly endeavor. This message propelled the members to go soulwinning and involve in inviting for the church anniversary which commenced the following week. On January 19, Monday, at the BHBC chapel, he laid down the 15 Biblical Foundations of Pre-Tribulation. The 3-part teaching did not seem to be boring (though it took three and a half hours); rather, it cultivated the excitement of the listeners including the graduates and some interested church members. Moreover, it is also pleasurable to know that God uses our blessed desk to build up young preachers like Evangelist Thaddeus Kuntz, a disciple of Dr. Phil Clayton. He was given the privilege to speak last January 21, at the Prayer Meeting, where he emphasized that the believer’s relationship with Jesus must be pursued and prioritized. ... continued on page 03
CBBA ANNOUNCES ENROLLMENT FOR SCHOOL YEAR 2015-2016 The Christian Bible Baptist Academy (CBBA) of San Pedro, Laguna is now ready for the School Year 2015-2016’s enrollment that starts on March 3 and ends on April 17. Likewise, it is pleased to announce the opening of its learning centers to new students (with ages five to ten years old) whose parents are not members of the Christian Bible Baptist Church (CBBC), but are interested to have their children educated in a biblical Christian way, and are willing to fulfill CBBA’s set requirements as well as to abide by the Memorandum of Agreement that seals CBBA and parents’ partnership for children’s learning endeavors. It was also a tremendous blessing to have for a number of services Dr. Dan "The Baptist" Ferrell of Morning Star Baptist Church, Cincinnati, Ohio. Who can forget that Sunday morning when he exposed the reasons why Zacchaeus climbed up the tree? Dr. Ferrell elaborated the life, the list, the look and the Lord of this publican who got up to the sycamore tree as a sinner and went down as a saint who joyfully served Jesus right after he got saved. Furthermore, Dr. Ferrell also expressed his love for the students as he spent extra time in teaching a series of lessons about the Baptist church as the church which Christ built and soon will be His own Bride in the Marriage of the Lamb.
With these speakers enumerated and recalled to have heralded the Word of God behind our sacred pulpit is truly an evidence of God’s love to CBBC. Certainly, they were a blessing to all of us; but we have to recognize as well that we have been a blessing to them. More than these, let us continue to praise God for the pastor He has given us. By the strength and wisdom He has given him, we commend that it is Jesus, the Saviour, whose Book and Blood unite us together in love and joy of being Christians despite the race, language and culture. To God be all the glory!
Along with the increasing excitement of the CBBC church family in the middle of the 4-week commemoration of God’s faithfulness was the joy to see more visiting preachers who joined us in the feat. For many, it was their first time to hear Pastor Allan Fong of Heritage Baptist Church in San Leandro, California. He surely was mightily used of God during the Revival Night last January 30 wherein he detailed “Jesus’ Strategies in Winning the World” based on Matt 4:18-22. On the second Anniversary Sunday, February 1, he preached about Jesus as the Fountain of Life, that whoever comes to Him shall never thirst again. He also graced one chapel service wherein he used the account of Stephen in Acts 6 to charge the Bible students to never leave a problem unresolved. Pastor Fong was also accompanied by some of his faithful Filipino church members including his son, Preacher Justin Fong who, by God’s grace, preached on a Wednesday night, and played the violin as Dr. Phil Clayton strummed the guitar in one of the chapel services at BHBC. CBBC’s great event was all the more blessed with the presence of a great man of God, Dr. Larry Clayton, who by his experience in the ministry for over 60 years, is of a huge influence to our pastor. His charisma surely increases when he begins to play the harmonica before the congregation. He remains to be a priceless encouragement to every preacher, even to those Filipino pastor friends who are based in California including Pastors Larry Obero, Gil de Rosas, and Willie Del whom we had on February 15, our Victory Sunday.
03
Makasaysayang Ipinagdiwang ang Ika-36 na Taon ng Simbahan t
Matapos ang mabiyaya at abalang apat na linggong pagdiriwang ng ika-36 na taon ng CBBC, ang mga mananampalataya ay kinakitaan ng kagalakan at tagumpay. Tunay ngang pasasalamat at pagpupuri sa Diyos ang namayani nang ihayag ng ating Pastor na ang kolektibong pagpapagal ng mga butihing miyembro at manggagawa sa loob ng apat na linggo ay nagbunga ng mahigit sa siyam na libong (9,859) bisita. Sa Larangan ng Pag-aakay. Sa mithiing magkaroon ng 10,000 na bisita, maituturing na tunay na tagumpay at biyaya mula sa Diyos na Kanyang ginamit ang simbahan sa pag-aakay ng maraming kaluluwa sa soulwinning at saturation ng bawat area sa loob ng mga nasabing linggo. Pinaigting at pinagsikapan na maabot sa lahat ng makakaya ang mga lugar na kailangang makarinig ng Salita ng Diyos Sa Larangan ng Pagbibigay. Ipinakita ng mga miyembro ang kanilang pakikiisa sa gawain sa kanilang pagbibigay ng kanilang contributions
04
at pledges o commitments. Ang mga bisita ay umuwing puno ng Salita ng Diyos at busog sa mga miryendang pinagsikapang inihanda ng church members at workers. Naisagawa din ng bawat area ang soulwinning, Gospel tractdistribution, panunundo at paghahatid gamit ang mga ipinagkaloob ng mga pusong nagbibigay para sa gawain. Sa Larangan ng Pagpapagal. Di maipagkakaila na ang apat na linggo ay tunay na puno ng maigting na pagpapagal sa gitna ng init, alikabok, pag-uusig, at ang umusbong na MERS Virus. Sa kabila ng lahat ng iyon, ang bawat isa mula sa
Area 1 hanggang 36 ay nagpakita ng magalak na pagpupunyagi upang makamit ang layunin. Sa Larangan ng Pagpapatuloy. Hindi ang paghinto at pamamahinga ang susunod nating hakbangin sa natapos na pagdiriwang, kundi ang pagpapatuloy. Kailangan ang pagpa-follow-up sa higit sa siyam na libong bisita upang magkaroon ng bungang mananatili. Magpatuloy din tayo sa pamumuhay nang may pagsunod sa Salita ng Diyos na kakikitaan ng mundo ng ilaw ni Kristo na nasa ating puso. Ganundin ay magsikap tayo sa ating pagtayo nang may paninindigan sa paniniwalang nakasalig sa Salita ng Diyos.
Sa pagwawakas noong Pebrero 15, Linggo ng gabi, nagdiwang ang mga butihing miyembro at manggagawang nagpagal para sa anibersaryo sa pamamagitan ng malaking piging na ikinabusog ng marami. Nag-uumapaw ang litson, sari-saring putahe ng ulam, kakanin, at miryenda sa mga mahahabang mesang inilatag sa kalye at plaza ng Saint Francis Homes 2. Purihin at pasalamatan natin ang Panginoon sa Kanyang patuloy na paggawa ng dakilang bagay sa atin sa pamamagitan ng Kanyang simbahan.
05
Bagong Buhay, Iyo Na Bang Nakamtan? Kaakibat sa lahat ng uri ng pagbabago ay ang pagsuko -- pagsuko sa nakagawian, sa nakasanayan, at sa madali o maalwan. Sa gitna ng buhay na itong malimit na kakikitaan ng pagkakataon ng pagbagsak, pagkakamali, at panghihina, isang inspirasyon ng pagbabago at pagpapatuloy ay ang katiyakang may kapangyarihan tayong masasandigan sa Persona ng Panginoong Hesukristo. Kung ating tunay na tinanggap ang Panginoong Hesukristo sa ating puso bilang Diyos at sariling Tagapagligtas, Siya mismo ang gumagawa para tayo ay lumakad sa bagong buhay ayon sa 1 Corinthians 5:17, “Therefore if any man be in Christ, he is a new creature: old things are passed away; behold, all things are become new;” at John 3:6, “That which is born of the flesh is flesh; and that which is born of the Spirit is spirit.” Bagong Pagtibok. Matibay na inusal sa Ezekiel 36:26 mula sa bibig ng Diyos, “A new heart also will I give you, and a new spirit will I put within you: and I will take away the stony heart out of your flesh, and I will give you an heart of flesh.” Isang ebidensyang tunay nating tinanggap ang Panginoong Hesukristo ay ang pagkakaroon ng bagong pusong inilagay mismo ng Diyos sa atin, “For ye have not received the spirit of bondage again to fear; but ye have received the Spirit of adoption, whereby we cry, Abba, Father” (Romans 8:15). Sa kapangyarihan at biyaya ng Diyos, patuloy Niya tayong hinuhubog sa Kanyang dakilang imahe. Naging posible ito dahil binigyan Niya tayo ng bagong puso… nang ating tinanggap si Kristo. Bagong Pagkilos. May katiyakan tayo ng pagkilos ng Banal na Espiritu ayon sa Ephesians 1:17-18, “That the God of our Lord Jesus Christ, the Father of glory, may give unto you the spirit of wisdom and revelation in the knowledge of him: The eyes of your understanding being enlightened; that ye may know what is the hope of his calling, and what the riches of the glory of his inheritance in the saints.” Ang Diyos ay patuloy na nagpupunyaging tayo ay kausapin sa Espiritu sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Siya ay hindi nanghihinawa. Hindi lang Niya tayo iniligtas mula sa hatol ng impiyerno, kinalas din Niya ang tanikala ng kasalanang umaalipin sa atin. Ang tamang reaksyon ay ang hayaan nating gumawa ang Banal na Espiritu sa ating pagkatao. Hindi na ang lumang pagkatao ang kikilos kundi ang bagong pagkataong kinasihan ng Banal na Diyos. Bagong Pagtahak. Binanggit sa
06
Romans 6:1-2, “What shall we say then? Shall we continue in sin, that grace may abound? God forbid. How shall we, that are dead to sin, live any longer therein?” May aral sa sinabi ng yumaong pinuno ng India na si Mahatma Gandhi na, “Be the change you want to see in the world.” Marami tayong gustong baguhin para sa ikabubuti ng mundo, na nakakaligtaan na nating ang mahalagang susi doon ay ang pagbabago muna ng ating mga sarili. Gumawa ang Panginoon ng kaparaanang tayo ay magtagumpay sa kapangyarihan ng kasalanan na siyang susi sa ating pagpabago, Romans 6:14, “For sin shall not have dominion over you: for ye are not under the law, but under grace.” Kaalinsunod nito ay ang bagong
pananaw at pagtahak sa mga plano ng Diyos sa ating buhay, hindi sa ating sariling dunong at kaparaanan kundi sa Panginoon ayon sa Hebrews 10:20 “By a new and living way, which he hath consecrated for us, through the veil, that is to say, his flesh.” May tunay na kapanatagan dito. May isang matamis na koro ng isang awitin… “Bagong buhay, aking nakamtan, Sagana at walang bayad, kay Kristo ko tinanggap. Aking karum’han, kaligaligan, naparam na nang masumpungan kay Kristo ang bagong buhay.” Nangusap ang Panginoong Hesus sa Revelation 21:5 “…Behold, I make all things new.” Kaibigan, iyo na bang nakamtan ang pagbabagong dulot ng Diyos?
Paglilingkod Sa Diyos Bilang Bagong Nilalang Beata B. Agustin
Paglilingkod sa Diyos na may pag-ibig… …Habang sa Kanya nagtitiwala’t nakasandig! Iyan ba ang tibok ng puso mong pagluwalhati ang himig Sa gitna ng makamundong aliw na iyong naririnig? Bilang bagong nilalang ng Diyos, ikaw sa biyaya Niya’y makapaglilingkod nang may pag-ibig. Paglilingkod sa Diyos na may pagtatapat… …Habang sa Kanya nananampalataya’t nagpapasalamat! Iyan ba ang tugon mo sa panawagang makalangit na siyang nararapat Sa pagkakataong nakakaranas ka ng kawalan o pagiging salat? Bilang iniligtas ng Diyos, ikaw sa kapangyarihan Niya’y makapaglilingkod nang may pagtatapat. Paglilingkod sa Diyos na may pagsunod… …Habang sa Kanya nagpapaturo’t napaluluhod! Iyan ba ang namumukod sa isip mong sa Salita Niya nalulugod Sa kabila ng mga nakakapagod na alalahaning sumusugod? Bilang anak ng Diyos, ikaw sa pamumuno Niya’y makapaglilingkod nang may pagsunod. Paglilingkod sa Diyos na may pagsusumikap… Habang sa Kanya nananalangi’t nakikiusap! Iyan ba ang pinag-iigihan mo dahil tama kahit mahirap Sa liwanag ng katotohanang pinadidilim ng kasalanang laganap? Bilang tinubos ng Diyos, ikaw sa patnubay Niya’y makapaglilingkod nang may pagsisikap. Paglilingkod sa Diyos na may pagkagalak… …Habang sa Kanya nakatayo’t nagpapahatak! Iyan ba ang nakikita sa mukha mong maging pagpapala ang balak Sa likod ng iyong paghalakhak na sa pagdurusa’y napapaiyak? Bilang pinatawad ng Diyos, ikaw sa ligaya Niya’y makapaglilingkod nang may galak. Paglilingkod sa Diyos na may pagpupunyagi… …Habang sa Kanya nagpupuri’t nagpapakabuti! Iyan ba ang layunin ng buhay mong Siya ang nag-mamay-ari Sa dami ng mga pagsubok na dumarating sa iyo palagi? Bilang tagapagmana ng Diyos, ikaw sa lakas Niya’y makapaglilingkod nang may pagpupunyagi. Paglilingkod sa Diyos na may pagsamba… …Habang sa Kanya nagsusumamo’t nagmamakaawa! Iyan ba ang inuuna mo sa pagtangkilik sa gawain Niya Sa kakulangan ng iyong kakayahang di maikakaila? Bilang binanal ng Diyos, ikaw sa tagumpay Niya’y makapaglilingkod nang may pagsamba. 07
Dr. Ed M. Laurena, Pastor CHURCH ATTENDANCE
Feb 15 & Feb 18 Sunday AM Sunday PM Wednesday FTVs
4, 917 1, 983 551 2, 522
St. Francis Homes 2, Landayan, City of San Pedro
SCHEDULE OF SERVICES SUNDAY ∙Sunday School ---- 8:30 am ∙Morning Service --- 9:30 am ∙Youth Fellowship -- 2:00 pm ∙Discipleship -------- 3:00 pm 7 Stage Discipleship Children's Discipleship Men Mentoring Men ∙Afternoon Service - 4:00 pm WEDNESDAY ∙Doctrine Class ----- 5:45 pm ∙Prayer Meeting----- 7:00 pm THURSDAY & SATURDAY ∙ Soulwinning and Visitation
Maaari Mong Matiyak ang Langit!
A
NG SABI NI HESUS, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay: walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.” Juan 14:6 Wala nang iba pang makapagliligtas sa iyo mula sa impiyerno. Magtiwala ka kay Hesus ngayon! Roma 6:23 “Kung ipahahayag ng iyong bibig na si Hesus ay Panginoon at mananampalataya ka nang buong pusong Siya’y muling binuhay ng Diyos, ikaw ay maliligtas”. Roma 10:9 1. Aminin mong ikaw ay isang makasalanan. Roma 3:10
2. Magsisi ka sa iyong kasalanan. Gawa 17:30 3. Manampalataya kang si Kristo Hesus ay namatay para sa iyo, nalibing at nabuhay namagmuli. Roma 10:9-10 4. Sa pamamagitan ng panalangin, tanggapin mo si Hesus sa iyong puso bilang iyong Tagapagligtas. Roma 10:13 Manalangin ka ng ganito: Panginoon, ako po ay isang makasalanan at nangangailangan ng kapatawaran. Nananampalataya po akong nadanak ang dugo ni Hesus at Siya ay namatay sa krus para sa akin.
tel - (02)869.0433 cel - 0905.3004422 Website: www.cbbcphilippines.com Email address: admin@cbbcphilippines.com BIBLE READING Num 28-30 Mon Num 31-32 Tue Num 33-34 Wed Num 35-36 Thu Deut 1-2 Fri Deut 3-4 Sat Deut 5-7 Sun Nagsisisi po ako sa aking mga kasalanan. Tinatanggap ko po si Kristo Hesus sa aking puso bilang aking Tagapagligtas. Amen. Kung tinanggap mo si Hesus bilang iyong Tagapagligtas, ito na ang simula ng iyong bagong buhay kay Kristo. Roma 8:1 Ngayon: 1. Basahin mo ang iyong Biblia araw-araw upang makilala pa nang lubusan si Kristo Hesus. 2. Makipag-usap ka sa Diyos sa panalangin araw-araw. 3. Manambahan ka sa isang simbahan na pinapangaral si Kristo at ang Biblia ang tanging pamantayan. 4. Ibahagi sa iba si Kristo Hesus.
ACTS29 - the official Sunday publication of Christian Bible Baptist Church