Vol. 25 | Issue 17 | Apr 26, 2015
from your
Pastor
Taos-pusong pasasalamat at pagpupuri sa Diyos ang nararapat na mangibabaw sa ating paglapit sa Panginoon at pag-una sa Kanya at sa Kanyang kaharian sa araw na ito ng Linggo. Kasabay iyan ng ating tapat at magalak na pananambahan sa espiritu at katotohanan. Tunay ngang naisin ng Diyos na magkaroon tayo ng mapagpasalamat na puso para sa lahat ng Kanyang mga pagpapala sa atin, lalo na ang kaloob Niyang buhay na walang hanggan, tiyak na kaligtasan, at ang dakilang karangalang maging anak Niya. Tama rin lang na tayo ay magkaroon ng ugaling laging nagpapasalamat sa mga biyayang tuwinang bigay Niya katulad ng Kanyang kapatawaran, kahabagan, kalakasan, at kapangyarihan upang gawin ang Kanyang kalooban para sa Kanyang kaluwalhatian. Sa katapatan, kabutihan, karunungan at kakayahan ng Diyos, tayo ay magpasyang maging mapagpasalamat na Kristiyanong kinakikitaan ng kasiyahan, katiwasayan, at kaayusan dahil sa pagkilos at pamamatnubay Niya sa atin. Nakatutuwang tayo ay may palaging patotoong nagpapasalamat sa Panginoon habang idinidiin ang diwa ng Psalm 68:19, “Blessed be the Lord, who daily loadeth us with benefits, even the God of our salvation.” Bilang inyong Pastor na nagagalak sa pagbati at pagpaparangal ninyo sa akin sa aking kaarawan, labis at lubos kong pinasasalamatan, una sa lahat, ang Diyos sa makabuluhan, makulay, at mabungang buhay na aking tinatamasa ngayon, kasama kayo. Salamat sa Diyos sa
idinulot Niya sa aking kaligtasan nang aking tanggapin ang Panginoon at Manunubos na si HesuKristo noong ako ay 15 taong gulang. Ganundin ay nagpapasalamat ako sa Diyos sa aking maka-Bibliyang bawtismong nagpabilang sa akin sa isang simbahang Baptist. Sa Diyos ang aking pasasalamat sa pagkakaroon ko ng pamilyang sinusuportahan ako sa paglilingkod sa Kanya; maging sa pagkakatiwala Niya sa akin ng gawain upang pangunahan ang Kanyang simbahan dito sa lungsod ng San Pedro sa ikalalaganap ng Ebanghelyo, at sa ikatutupad ng Kanyang dakilang tagubilin. Muli ay namamayani sa akin ang pasasalamat sa Panginoon sa pagtawag Niya sa aking maging Pastor dito sa CBBC, at makasama kayo bilang aking mga kapatid sa pananampalataya at maging katuwang sa Kanyang gawain. Salamat sa inyong pagmamahal at pagtatapat sa Diyos, sa inyong pag-ibig at panalangin sa akin at sa aking pamilya, at sa inyong pakikiisa at pakikibahagi sa programa at proyekto ng ating simbahan. Sa ngalan ng aking sambahayan, ako ay nagpapasalamat sa Diyos sa inyo, at kayo ay akin ding pinasasalamatan, kalakip ang mga katagang ito: “We give thanks to God always for you all, making mention of you in our prayers; Remembering without ceasing your work of faith, and labour of love, and patience of hope in our Lord Jesus Christ, in the sight of God and our Father” (I Thessalonians 1:2-3).
DR. ED M. LAURENA
God Can Bless Every Christian
Church Life
Matt. 16:18-19; 1 Tim. 3:15
I. God can bless the believer’s Church life through His instructions. A. Blessings depend on the believer’s position on God’s Word. B. Blessings depend on the believer’s point of view of God’s work. C. Blessings depend on the believer’s perspective of God’s will. D. Blessings depend on the believer’s perspective on God’s ways.
02
II. God can bless the believers’ Church life through their involvement. A. Blessings depend on our dedicated involvement. B. Blessings depend on our determined involvement. C. Blessings depend on our delightful involvement.
DVBS Workshop
April 27
DVBS PROPER 1st Batch May 4-8 2nd Batch May 11-15
Pagtuturo sa mga Tagapagturo: Ginampanan sa Educator's Training SOT Hindi matatawarang sa mahigit na dalawang dekada, ang School of TomorrowAccelerated Christian Education (SOT-ACE) Curriculum ay naging gabay sa paraan ng pagtuturo at pamamahala sa pang-edukasyong ministeryo ng ating Simbahan. Noong nagdaang Abril 20-24, nabigyan ng pagkakataong muling maipaalala at maituro sa mga butihing tagapagturo sa ating Christian Bible Baptist Academy ang nararapat na pagsasagawa at pamamalakad ng Learning Center. Naging tunay na pagpapala ang pamamahayag ng Salita ng Diyos ng Main Trainor sa daily devotions na kung saan binigyang diin niya ang mahahalagang panuntunan ng Bibliya sa pagtuturo sa mga sumusunod na paksa: "Guiding Towards Destiny" Matt. 6:33, "Shepherding the Child's Heart" Prov. 4:23, "Creative Correction: Rescue for the Soul" Heb. 12:5-6, "Battle Cry for the Next Generation" 1 Cor. 11:1 at "You are SALT!" Matt. 5:13. Sa Chapel Hour ay tinalakay ang "Handling Discouragements" Psalms 42 para sa higit na 100 Educators na nasa naturang Training. Ang lectures na "Learning Center Operations,"
"Marking and Scoring Procedure," at "Prime Time and Devotion Time Rules" ay lalong magiging tunay na kapaki-pakinabang kung matagumpay na maisasagawa. Ang group activities na "Demo Teaching" at "Procedures Bowl" ay nagbigay diin sa pagkaalam at pagsasagawa. May tatlong programang inihanda sa mga Educators: Preschool and ABC's Starter and Refresher, Elementary and Highschool Starter for 3 Years and Below, at Refresher for 4 Years and Above. Nag-simulate at nagsagawa din ang mga Educator ng mga natutunan sa PACE Work at Final Test sa Modules. Ginampanan noong Biyernes ng hapon sa "MiniGraduation," ang pagbibigay parangal at Certificate sa mga nagtapos sa Training sa Bethany, Makati. Patuloy nating paigtingin ang ating ministeryong pang-edukasyon para sa susunod na henerasyon. 03
Salamat Dahil May Simbahan Maraming patotoo na tayong narinig: “Salamat dahil ako ay kabilang sa tamang simbahan!” Subalit nalalaman nga ba ng bawat mananampalataya kung gaano kalaki ang pribilehiyo at biyaya na mapabilang sa isang Baptist Church? Biyaya ng Kaligtasan. Ang unang simbahang itinayo ng Panginoon ay lalo pang pinagtibay nang may madagdag ditong 3,000 katao dahil sa pangangaral ni Apostol Pedro kung saan marami ang nangaligtas, Acts 2:41 “Then they that gladly received his word were baptized: and the same day there were added unto them about three thousand souls.” Ang kaligayahan ng isang miyembro sa kanyang pagiging kabilang ng simbahan ay laging maguugat sa kaligtasang kanyang tinanggap dahil may nangaral na manggagawa o miyembrong naniniwala sa nag-iisang daan patungo sa langit, si Hesu-Kristo. Kasunod ng pagtanggap niya ay ang bautismo na nagbigaykaganapan sa kanyang pagiging Baptist. Biyaya ng Kaalaman. Kasabay sa paglago ng simbahan ayon sa dami ay ang pagyabong din dapat nito sa pananampalataya. Hindi sapat na dumami lamang sa bilang; kaya nga bunsod sa Acts 2:42, “And 04
they continued stedfastly in the apostles' doctrine and fellowship, and in breaking of bread, and in prayers.” Ang mga pangaral na nakabatay sa King James Bible na naririnig natin sa bawat pagtitipon ang siyang nagbubuklod sa atin upang malirip ang isipan ni Kristo bilang Ulo ng simbahang siyang Kanyang katawan, Eph 5:23 “… Christ is the head of the church: and he is the saviour of the body.”; Col 1:18 “And he is the head of the body, the church.” Biyaya ng Kapatiran. Ang simbahan, bilang lupon ng mga ligtas at nabautismuhan, ay binubuo ng pamilya ng Diyos. Tayo ay itinuring Niyang mga anak, at inaatasang manatili sa Kanyang pag-ibig. Sabi nga sa Hebrews 13:1, “Let brotherly love continue.” Ang salitang “fellowship” na binabanggit sa Bagong Tipan ay nangangahulugan ng pakikibahagi; at tayo nga ay inaasahang makisama sa mga kapatiran upang makibahagi kay Kristo sa paglilingkod (2 Cor 8:4), pamamahayag (Phil 1:5) at maging sa paghihirap o
pagtitiis (Phil 3:10) alang-alang sa Kanyang pangalan. Ang mga biyayang ito ay hindi nga natatamo, ni hindi nakikita ng mga taong may maling pananaw tungkol sa simbahan. Ang simbahan ay binubuo ng mga taong niligtas ng Diyos, at hindi ng haligi at pader na konkreto. Kaya nga ang mga nakikiisa sa programa dito at ang tapat na mga dumadalo, ay yaong masasabing buhay na Kristiyano! Mahal nila ang simbahan, ang Pastor at higit sa lahat ay ang Panginoon. Patotoo ni John Wesley, “I want the whole Christ for my Saviour, the whole Bible for my book, the whole Church for my fellowship, and the whole world for my mission field.” Tandaan nating hindi tayo ang kailangan ng simbahan, tayo po ang siyang nangangailangan nito! Ang ating pasasalamat at pagpapahalaga sa simbahan ay pagdadagdag ng kabuluhan sa ating katauhan at higit sa lahat ay ang paghahatid sa Diyos ng kaluwalhatiian (Eph 3:20). Salamat dahil may simbahan!
Kaarawan ni Dr. Ed Laurena, Masayang Ipinagdiwang “Let the elders that rule well be counted worthy of double honour, especially they who labour in the word and doctrine (1 Timothy 5:17).” Ang katotohanan sa talatang ito ang siyang nagtulak sa buong kongregasyon ng Christian Bible Baptist Church ng San Pedro City upang ipagdiwang at ipagpasalamat sa Panginoon ang buhay ni Dr. Ed Laurena. Bago pa man sumapit ang tunay na kaarawan ng ating Pastor noong Miyerkules, Abril 22, ay nauna nang alalahanin ang kanyang pagdatal sapamamagitan ng isang malawakang selebrasyon noong Linggo, Abril 19. Pagkatapos ng panghapong pananambahan ay nagtipon ang bawat Area at pinagsalu-saluhan ang mga dinalang pagkain. Nang sumapit nga ang takdang araw, nag-uumapaw na kagalakan ang nabanaag sa may kaarawan nang siya mismo ang nagpahayag ng Salita ng Diyos. Ipinadama niya ang taos-pusong pasasalamat sa Panginoon gamit ang 1 Corinthians 15:57-58 at Psalm 68:19. Kinilala niya ang kapangyarihan ng Panginoon sa kanyang buhay maging sa buhay ng mga taong sa kanya ay umaagapay sa ministeryo. Matapos ang serbisyo ay umawit ang piling mga bata na nagpasalamat para sa impluwensya ni Dr. Ed sa kanila bilang susunod na henerasyon. Samantala, sa video presentation naman ay nagsalita ang ilan sa mga pamilyang naging bunga na rin ng tapat at maalab na paglilingkod ng butihing pastor. Ang pagtanaw ni Dr. Ed sa lumalaki pa lalong gawain ay sinuportahan naman ng Preachers at Pastors (kasama ang kanilang maybahay) sapamamagitan ng
kanilang presensya sa okasyon. Sila, kasama ang Area Leaders ng CBBC – CSP ay nag-alay ng dalawa sa paboritong awitin ni Pastor, “Till the Storm Passes By” at “The Winning Side.” Ang pasasalamat nila Preacher Ed Almario, Pastor Oliver America at Pastor Ed dela Peña ay lubos na nakapagbigay-kulay pa sa pagtitipon. Bago ang piging na pinaghandaan ng Sunday School Adults Department ay iprinisenta ni Rev. Duke Lumictin ang regalo ng kongregasyon bilang pag-alala sa lalaki ng Diyos na maayos na nangunguna, namumuno at nagaakay ng kaluluwa patungo sa magandang buhay-pag-ibig kay Hesus. Hindi pa rito nagtatapos ang paggunita sa kanyang kaarawan dahil mamayang gabi naman ay makakasama niya at ng kanyang pamilya ang Young People ng simbahan. Nakaantabay ang isa na namang okasyon ng pasasalamat at pagpupuri sa Panginoon dahil sa pastor na ibinigay sa CBBC ayon sa Kanyang puso. Panalangin ni Dr. Ed at ng buong pamilya ng CBBC ay ang marami pang taon ng kalakasan, karunungan, maayos na kalusugan at sama-samang kaligayahan sa paglilingkod sa Panginoon!
05
Are You Playing Church?
Acts 11:26 "And when he had found him, he brought him unto Antioch. And it came to pass, that a whole year they assembled themselves with the church, and taught much people. And the disciples were called Christians first in Antioch." The flourishing of the early church with the conversion of the Gentiles brought much distress and despair to the religious leaders like the Pharisees, the Sadducees and the Sanhedrin--during the time of the Apostle Paul. There was a genuine awakening of a faith far more precious and perennial than the ritualistic religion of their day. THERE SHOULD BE CONFORMITY, NOT UNIFORMITY. 1 John 2:19 reveals, "They went out from us, but they were not of us; for if they had been of us, they would no doubt have continued with us: but they went out, that they might be made manifest that they were not all of us." John says that some who had made a profession of being Christians on that day had all the outward trappings of being Christians. They bore the Christian name, and they identified themselves with the Church. They were Scripturally baptized. They partook in the breaking of bread and the cup. However, John says that one way which can tell whether or not one is really a child of God is that eventually a man will show his true colors and will leave the assembly of God if he is not a child of God. He will withdraw from the local, New Testament, Bible-believing Church, the body of true believers, and he will go right back into the world. To know God’s truth, to study about it, to hear about it, to be enlightened on it would lead to transformation and conformity to the Rock and Anchor of our Faith--the Lord Jesus Christ, "And be not conformed to this world: but be ye transformed by the renewing of your mind, that ye may prove what is that good, and acceptable, and perfect, will of God."-Romans 12:2. Identifying 06
with a body of believers and then turning away from the Person of Christ is merely uniformity. THERE SHOULD BE SUBSTANCE, NOT STYLE. It is a fact that many go to church sporadically, sit through the entire service time but inwardly would rather sit at home or fulfill their bucket list. It could be that you are disengaged and bored during worship time when you do attend. Your social media posts resemble Hollywood not the work of the Spirit. You choose friends who complement your worldly lifestyle, rather than friends who challenge you to live for God. You look forward to spending time in cheap thrills and frills, but avoid prayer and Bible study. The things of the world are exciting and the things of God are dull. Your movie and video choices look no different than what the culture promotes. Your conversations at work include every topic except God, and at home, your words are shallow and lifeless. Your waking thoughts are either focused on wealth, pleasure, or entertainment. You have religion but not a genuine relationship. You adopt and adapt the worldly style of living but not the substance of the one walking in the Spirit, "If we live in the Spirit, let us also walk in the Spirit."Galatians 5:25
THERE SHOULD BE TRANSCENDENCE AND NOT TRIVIALITY. Floyd Mayweather wrote on Instagram, “Yes, I got a 14-passenger jet. Got to give them another reason to hate, but I will motivate the people that are ambitious and want to be winners in life. I am guilty! I’m materialistic and I’m motivated by money… but GOD is first in my life.” How can God be first in the life of a person who admitted that he is materialistic and is motivated by money? There should be a distinction of God's pre-eminence in the way we live, "For in him we live, and move, and have our being; as certain also of your own poets have said, For we are also his offspring."-Acts 17:28. We must realize that the presence of a BIG GOD in our shrinking lives would lead us to a life of transcendence and not triviality. The question we must ask ourselves is, “Am I just playing church?” We need to examine ourselves if we have never made a personal commitment to Christ and His Church. We need to evaluate if we know more Bible than we live out in our individual lives. We need to express a conviction of changed action and attitude while continuing to hear God’s Word preached and taught in this blessed Church.
Salamat, Panginoon, Sa Pagpapala Mo Beata B. Agustin
Salamat, Panginoon, sa pagpapala Mong laging sapat!!! Tiyak na sa aming pangangailanga’y nakalapat Tunay ngang pagpapatibay ng Iyong pagiging tapat… Narito kaming sumasamba sa Iyo nang may galak na siyang nararapat! Salamat, Panginoon, sa pagpapala Mong laging mabiyaya!!! Tiyak na sa aming puso’y nagdudulot ng ligaya Tunay ngang patotoo sa Iyong kapatawarang mapagpalaya… Narito kaming nagtitiwala sa Iyo para sa kalakasan ng aming pananampalataya! Salamat, Panginoon, sa pagpapala Mong laging puno!!! Tiyak na sa aming espiritu’y nananagana sa kayamanang di maka-mundo Tunay ngang pagkakaloob ng Iyong habag tuwing inaasam ang Iyong pagsaklolo… Narito kaming umaasa sa Iyo at sa pangako Mong di nagbabago! Salamat, Panginoon, sa pagpapala Mong laging magaling!!! Tiyak na sa aming kaluluwa’y liwanag sa tamang paghiling Tunay ngang pagpapakilala ng Iyong patnubay laban sa makasariling pagkiling… Narito kaming nagpapasakop sa Iyo dahil tuwina Kang nananangan sa aming piling! Salamat, Panginoon, sa pagpapala Mong laging napapanahon!!! Tiyak na sa aming panalangi’y sagot na makatuwiran ang tugon Tunay ngang pagpapamalas ng Iyong mapag-alagang layon… Narito kaming naghihintay sa Iyo ayon sa karunungan Mong ilaw sa lahat ng pagkakataon! Salamat, Panginoon, sa pagpapala Mong laging banal!!! Tiyak na sa aming pagpupunyagi’y nagpaparangal Tunay ngang pagkilos ng Iyong Salitang ipinapangaral… Narito kaming nagpapaturo sa Iyo tungo sa makalangit na pagpapagal! Salamat, Panginoon, sa pagpapala Mong laging mabuti!!! Tiyak na sa aming paglilingkod ay nakakapagpasidhi Tunay ngang ipinakikita ang Iyong pag-ibig na kumakandili… Narito kaming nagpupuri sa Iyo sa kadakilaan Mong maluwalhati! 07
Dr. Ed M. Laurena, Pastor CHURCH ATTENDANCE
Apr 19 & Apr 22 Sun. School Sunday AM Sunday PM Wendesday FTVs Baptisms
2, 591 2, 936 1, 383 632 184 36
St. Francis Homes 2, Landayan, City of San Pedro
SCHEDULE OF SERVICES SUNDAY ∙Sunday School ---- 8:30 am ∙Morning Service --- 9:30 am ∙Youth Fellowship -- 2:00 pm ∙Discipleship -------- 3:00 pm 7 Stage Discipleship Children's Discipleship Men Mentoring Men ∙Afternoon Service - 4:00 pm WEDNESDAY ∙Doctrine Class ----- 5:45 pm ∙Prayer Meeting----- 7:00 pm THURSDAY & SATURDAY ∙ Soulwinning and Visitation
Maaari Mong Matiyak ang Langit!
A
NG SABI NI HESUS, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay: walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.” Juan 14:6 Wala nang iba pang makapagliligtas sa iyo mula sa impiyerno. Magtiwala ka kay Hesus ngayon! Roma 6:23 “Kung ipahahayag ng iyong bibig na si Hesus ay Panginoon at mananampalataya ka nang buong pusong Siya’y muling binuhay ng Diyos, ikaw ay maliligtas”. Roma 10:9 1. Aminin mong ikaw ay isang makasalanan. Roma 3:10
2. Magsisi ka sa iyong kasalanan. Gawa 17:30 3. Manampalataya kang si Kristo Hesus ay namatay para sa iyo, nalibing at nabuhay namagmuli. Roma 10:9-10 4. Sa pamamagitan ng panalangin, tanggapin mo si Hesus sa iyong puso bilang iyong Tagapagligtas. Roma 10:13 Manalangin ka ng ganito: Panginoon, ako po ay isang makasalanan at nangangailangan ng kapatawaran. Nananampalataya po akong nadanak ang dugo ni Hesus at Siya ay namatay sa krus para sa akin.
tel - (02)869.0433 cel - 0905.3004422 Website: www.cbbcphilippines.com Email address: admin@cbbcphilippines.com BIBLE READING Mon 2 kings 18-19 Tue 2 Kings 20-22 Wed 2 Kings 23-25 1 Chro 1-2 Thu 1 Chro 3-5 Fri 1 Chro 6 Sat 1 Chro 7-8 Sun Nagsisisi po ako sa aking mga kasalanan. Tinatanggap ko po si Kristo Hesus sa aking puso bilang aking Tagapagligtas. Amen. Kung tinanggap mo si Hesus bilang iyong Tagapagligtas, ito na ang simula ng iyong bagong buhay kay Kristo. Roma 8:1 Ngayon: 1. Basahin mo ang iyong Biblia araw-araw upang makilala pa nang lubusan si Kristo Hesus. 2. Makipag-usap ka sa Diyos sa panalangin araw-araw. 3. Manambahan ka sa isang simbahan na pinapangaral si Kristo at ang Biblia ang tanging pamantayan. 4. Ibahagi sa iba si Kristo Hesus.
ACTS29 - the official Sunday publication of Christian Bible Baptist Church