Vol. 25 | Issue 22 | May 31, 2015
from your
Pastor
Tunay ngang ang Diyos ang ating tagumpay. Bukod sa pagbibigay Niya sa atin ng kakayahang magwagi at magpunyagi sa ating buhay Kristiyano, Siya rin ang nakikipaglaban sa atin upang maluwalhati nating magampanan ang Kanyang kalooban. Binigyan-diin ito ng Bibliya sa 2 Corinthians 2:14, “Now thanks be unto God, which always causeth us to triumph in Christ….” Pasalamatan natin palagi ang Panginoon sa pagkakaloob Niya sa atin ng tagumpay laban sa ating mga kaaway na sumasalungat sa Kanyang kabanalan, katuwiran, at kabutihan. Isang dakilang pagpapala para sa ating mga anak ng Diyos na Siya ay ating kakampi at kasama sa pakikipagpunyagi upang labanan ang mga balakid at hadlang na nagpupumilit na tayo ay pahintuin at pahinain sa paggawa ng kaayusan at pagtupad sa makalangit na layunin para sa Kanyang kapurihan, karangalan, at kaluwalhatian. Binaybay ng ating mga aralin sa Sunday School sa buwang ito ang mga nakasaad sa Salita ng Diyos na ating mga katunggali, at hinimay ding maigi sa pagtuturo kung papaano natin mapagtagumpayan ang mga ito. Sa Diyos ang ating papuri sa Kanyang kapangyarihang ipagtanggol tayo laban sa Diyablo, sa kasalanan, sa mundo, sa kapighatian, at maski sa ating mga laman. Kailangan lang nating magtiwala at manangan sa Panginoong Siyang ating tanggulan, lakas, at kalasag na lumilipol ng kasamaan. Ayon sa Colossians 2:15, “…Having spoiled principalities and powers, he made a shew of them openly, triumphing over them in it.” Totoo ngang tayo ay wagi dahil sa ating Tagapagligtas na si Hesus na tuwinang matagumpay. Panghawakan
natin ang Kanyang patotoong nabanggit Niya sa John 16:33, “These things I have spoken unto you, that in me ye might have peace. In the world ye shall have tribulation: but be of good cheer; I have overcome the world.” Dahil nga sa katiyakan ng tagumpay na mayroon tayong galing sa Diyos, magpatuloy tayong lumago at lumakad sa pananampalataya, habang Siya ay ating sinusunod at nilulugod. Sa panuntunan, pamantayan at gabay ng Kanyang Salita, magpatuloy tayo sa pagsamba, pag-ibig, at paglilingkod sa Kanya sa Kanyang biyaya, sa pamamagitan ng ating simbahan. Sa Panginoon ang luwalhati sa tagumpay ng bawat gawaing naidaos ng ating simbahan, katulad ng High School Mission trip, at mga fellowshipretreat ng mga Sunday School class. Sa pagtatapos ng bakasyon at pagsisimula ng pasukan, maging sa pagdating ng bagong buwan, maraming mga pangyayari ang handang sumalubong sa atin, katulad ng mga pagsubok at mga kaganapang kailangan nating harapin. Sa pagsuong natin sa mga iyan, ating isa-isip at isapusong bilang mga anak ng Diyos, tayo nga ay hindi talunan, kundi mga mapagtagumpay. Sa Kanyang tulong at karunungan, pagsikapan nating mabuhay para sa ikararangal ng Kanyang pangalan, sa ikasusulong ng Kanyang kaharian, at ikaliligtas ng mga napapahamak. Magalak tayo dahil tayong mga tunay na mananampalataya ay ipinaglalaban ng Diyos, “For whatsoever is born of God overcometh the world: and this is the victory that overcometh the world, even our faith” (I John 5:4).
DR. ED M. LAURENA
God Can Give Us Victory
Over Sin Psalm 32:1-5
I. God can give us victory over sin when we conceal it not. A. There is a physical problem with concealed sins. B. There is an emotional problem with concealed sins. C. There is a spiritual problem with concealed sins. II. God can give us victory over sin when we confront it. A. God’s people must acknowledge the existence of their sins. B. God’s people must admit the extent of their sins. C. God’s people must accept the error of their sins. III. God can give us victory over sin when we confess it. A. Confession to God brings cleansing. B. Confession to God brings closeness. C. Confession to God brings consecration.
02
Working Single Men Visited the Mangyans It was such a tremendous opportunity for the class handled by Sir Rey Dalde to go to the CBBC Mission work in Millsite, San Teodoro, Oriental Mindoro. With much excitement, twenty-three of them got their overnight bags ready last May 18 for a night travel via roll-on, roll-off transport. When they landed at the Calapan port and went through another couple of hour drive, it was true what the Bible said in Lamentations 3:51, “Mine eye affecteth mine heart.” Ushered and assisted by the Preacher Rosendo Caasi, the men took the privilege in teaching basic principles in Sunday School Teaching. About 15 Mangyan young people attended and showed interest in teaching kids for the Lord’s glory! For a bonus, they also enjoyed the beauty of nature when they had a swift dip into the river nearby the mission site. Though the trip was somehow long and tiring, it was surely worthwhile and victorious, by God’s grace. There was no dull moment for every second was reckoned to godly fellowshipping and joyful serving. To God be the glory!
Joyful Beginners: “Sulit ang Retreat!” Maaaring ang Joyful Beginners’ class ang huling lumabas para sa retreat ng mga klase sa Sunday School ng Young People and Adults. Gayunpaman, sulit ang retreat dahil bago ang mga abalang araw ng paghahanda sa darating na pasukan, sila ay binigyan ng pagkakataong mapalakas ang kanilang pananampalataya sa Panginoon. Tatlumpu’t anim na miyembro ng klase, kasama pa ang kanikanilang mga anak, ang pumunta noong Lunes, Mayo 25, sa isang clubhouse sa Brgy. Malamig, Sta. Rosa City. Ang buong maghapon ay naging tunay na kapaki-pakinabang, lalo na ang inabangang devotion ng mag-asawang huwaran ng klase, sina Rev. Rey at Gng. Ellen Calma. Sila ay nagsalita sa mga lalaki at babae tungkol sa kahalagahan ng paglilingkod sa Panginoon. Hindi rin naglaon at naglaan ang mga
nasabing pinuno ng sapat na oras upang isa-isang masuri ng bawat myembro ng klase ang kanyakanyang hangaring makapagumpisa at layuning magpunyaging maglingkod at magpagamit sa Diyos. Tunay na kaylaking biyaya nito sa kanila at gayundin sa ating simbahan kung sila ay lalo pa nating ipapanalangin, lalo’t higit yaong nagpahayag na ng kanilang ministeryong papasukan. Purihin ang Panginoon sa tagumpay na ito!
03
High School Summer Camp 2015 Vibrantly Held Exploring the refreshingly rural town of Candelaria, Quezon in the closing of the Summer season, about 60 high schoolers and their respective Sunday School teachers excitedly trooped to the venue last Sunday night to hold a 2-day Mission Retreat on the succeeding days May 25-26, Monday and Tuesday. On its 2nd year and in keeping with the church family's emphasis on preserving godliness and humble righteousness throughout the lives of these precious young people, the High School Sunday School department created a mini-camp program that raised mission awareness while exercising and maintaining godly fun and fellowship. With the theme “Trust God,” the camp emphasized God's Omniscience, Omnipresence, and Omnipotence to these youths and challenged them to bear the testimony of Jesus Christ in their lives, and be a blessing to the Lord's work and their respective families. Early on Monday morning, they helped to haul and move things of CBBC Candelaria mission to a new location. The main night was highlighted by a program “Talents' Night” where the teens showed their Godgiven skills in song leading, Sunday School teaching, special number and preaching. Preacher Ramir Calicdan delivered an insightful message anchored on Proverbs 12:27 exhorting the
04
students not to waste godly things that they already have by engaging in riotous living. Complementing the main preaching, the 2-day camp was infused with vibrant divided sessions’ exhortations by Rev. Duke Lumictin, Preacher Pops Villarosa, Bro. Justin Sales, and CBBM Candelaria preacher's wife, Ma'am Norilyn Calicdan. On the second day, the high schoolers enjoyed their games and activities and were likewise treated to a breezy afternoon of sun, sea, and sky at the Monte Vista Resort nearby. We appreciate the parents and guardians who allowed their teens to be a part of this blessed event. In a generation where God-centeredness is replaced by too much emphasis on worldly pursuits, our church strives and perseveres to put up programs of keeping our youth sanctified and separated, from the world, all for God’s glory. May these endeavours be richly blessed.
Original Sin
"Behold, I was shapen in iniquity; and in sin did my mother conceive me." - Psalm 51:5 In our former manner of religion, we used to believe that through baptism, an infant is made free from original sin inherited from the first human beings; hence this is what is pertained to as regeneration. The baby who is a year old or even younger is said to have become a part of the Christian family. This is not what the Bible teaches. Primarily, we do not believe in baptismal regeneration. It is not the water that cleanses a person, but since then, “it is the blood that maketh an atonement for the soul (Leviticus 17:11).” One can only be legitimately called a Christian if by grace, through faith, he has accepted Jesus Christ as his Saviour. Secondly, we view sin according to the Bible’s declaration as the “transgression of the law.” What about original sin? Contrary to how we understood original sin as that which was actually committed by Adam and Eve, original sin is but the common term which refers to the propensity or tendency to do evil. “Wherefore, as by one man sin entered into the world, and death by sin; and so death passed upon all men, for that all have sinned” (Romans 5:12). King David, in the aforementioned text, confessed his original corruption. He was genuinely penitent and hid nothing of his state. He saw and bewailed, not only the acts of sin which he has committed, but the disposition that led to those acts. Being “shapen” is to be brought forth from the womb, with the warmth alluding to the whole process of the formation of the embryo. That iniquity which was said to be grown inside man’s spiritual anatomy
relates to his crookedness and being sinful in nature. Such also explains the reality in Proverbs 22:15, “Foolishness is bound in the heart of a child.” Did someone teach you to tell a lie int the most artistic way? Or have you learned of anyone who can demonstrate the most strategic form of pick-pocketing? You may even wonder how a child can easily master the words of a worldly song and worse, how he can effortlessly and unconsciously utter vulgar words. It is like wondering how the worm gets inside an apple. It did not creep in from the outside. Scientists have discovered that the worm comes from inside. An insect simply lays an egg in the apple blossom. Sometime later, the worm hatches in the heart of the apple, then eats his way out. Sin, like the worm, begins in the heart and works
out through a person's thoughts, words, and actions. Though man’s depravity seems natural, David, as godly as he was, still praised God for he was “fearfully and wonderfully made” (Psalm 139:14). He still hoped that God would enable him to make good resolutions, that in the hidden part in the new man, which is called "the hidden man of the heart" (1 Peter 3:4), he would make him to know wisdom, so as to discern and avoid the designs of the tempter another time. God gives wisdom for us to know how to deal with our sinfulness and that we may allow godliness, as being a real Christian, to come out. Thus, we may say, “…in the hidden part thou shalt make me to know wisdom” (Psalm 51:6); and thank God “…which giveth us the victory through our Lord Jesus Christ” (1 Corinthians 15:57). 05
Ikaw Ba Ay Isang Pakawala?
“For sin shall not have dominion over you; for ye are not under the law, but under grace.” - Romans 6:14 May isang halamang nagngangalang Samphire at ito ay matatagpuan lamang na tumutubo sa matatarik na talampas sa tabi ng dagat. Bagaman ito ay nabubuhay na malapit sa hampas ng alon ng tubig-alat, hindi ito matatagpuang tumutubo kung saan ito ay malalampasan ng alon. May isang pangyayari na kung saan ang isang barko at grupo ng mga manlalayag na sakay nito ay inihampas ng unos at alon sa talampas, at ang Samphire ay nagdulot ng labis na kapanatagan sa Kapitan at ng kanyang mga kasama. Sila ay kumapit sa madawag na halaman at nakasigurong hindi na maaabot ng tubig at maliligtas na mula sa panganib. Sa lugar ng talampas na may Samphire, maaaring lumapit ang alon at maabot ng ampiyas nito, pero hindi na sila maabot ng tubig-dagat upang lunurin at patayin. Ganito rin ang posisyon na mayroon ang tunay na Kristiyanong tumanggap sa Panginoong Hesukristo bilang Tagapagligtas. Nakikita natin ang kumpletong kalagayan ng nagngangalit na alon ng sanlibutan sa kasalanan, ngunit tayo ay may kapanatagan ng kaligtasan at kapayapaang kailanman ay hindi tayo nito magagapi. TAYO AY BINIGYAN NA. “For God hath not given us the spirit of fear; but of power, and of love, and of a sound mind.” (2 Timothy 1:7) Sinumang nakakaunawa ng pakikipag-niig na ito sa Panginoong Hesukristo ay makikita kung gaano kabiyayang pagmamahal ang isinagawa ng Diyos na banal upang mabigyan ang makasalanang tao ng tagumpay sa kasalanan. Ang isang makasalanan ay ginabayan ng Banal na Espiritu upang makilala at manampalataya sa Panginoong Hesukristo, at sa mismong oras ng kanyang pagtanggap ay naging kaisa na ng Diyos at nagkaroon ng dalisay na relasyon: Si Kristo Hesus at ang kaluluwa'y nagsalo. Mula sa bukal ng buhay na nakay Kristo, ang isang mananampalataya ay binigyan ng kakayanang manaig sa mga pain ng kaaway. TAYO AY BINANGON NA. Inusal ni Apostol Pablo patungkol sa lahat ng mananampalataya sa Colossians 3:1, “If ye then be 06
risen with Christ...” Hindi lang tayo binigyan ng kapayapaan kundi ibinangon pa tayo kasama ng kay Kristong pagkalibing, “And you hath he quickened, who were dead in trespasses and sins” Ephesians 2:1. Ang mga katotohanang ito ay hindi lang sapat na manatiling doktrina sa ating buhay. Nais ng Diyos na tayo ay magkaroon ng personal na pagsasagawa nito. Nararapat na ang katotohanan ng doktrinang ito ay maisalin sa isang dakilang karanasang lalong magpapatibay sa ating paglakad bilang anak ng Diyos. TAYO AY BINABANTAYAN PA. “...Behold, I make all things new...” ang kamangha-manghang inusal ng ating Tagapagligtas sa Revelation 21:5. Binigyan tayo ng isang panibagong simula kasama Niya at ang katiyakan Niya sa John 17:21-22, “That they all may be one; as thou, Father, art in me, and I in thee, that they may also be one in us: that the world may believe that thou hast sent me. And the glory which thou gavest
me I have given them; that they may be one, even as we are one.” Sa lahat ng ito, ang Panginoon pa rin ang magpapanatili sa atin sa Kanyang kalooban, 2 Timothy 1:12. Sa henerasyong ating ginagalawan, nakakalungkot na ang mga pagsalangsang o kasalanang dati-rati ay nagdudulot ng kahihiyan sa gumagawa ay ngayon namang itinataas at ipinaglalantaran sa mundo. Ang mga kasalanang dati'y itinatago at pilit na iwinawaksi ng lipunan ay siya ngayong konsepto ng maraming lathalain, literatura, pelikula, at telebisyon at gayon ding nag-aani ng maraming parangal. Ang tanging bagay na makakapaglayo sa atin sa pagkahulog sa bitag ng kasalanan ay ang pagmamahal natin sa Diyos. Huwag nawa tayong kumawala sa pagkiling sa kabanalan, kaayusan, katinuan, at katuwiran.
Triumphing In The Lord Is Very Possible Beata B. Agustin Triumphing in the Lord is very possible because of His mercy When we willingly offer ourselves to Him thru His clemency. Let’s keep on trusting Him and His help’s constancy For He’s our Father Who loves us, blessing our prayer-fervency So we can overcome the adversary’s poverty attacks against our satisfied sufficiency! Triumphing in the Lord is very possible because of His protection When we dependently yield ourselves to Him with our sincere subjection. Let’s keep on following Him and His authority’s commission For He’s our Lord Who controls us, subjugating our disobedience-insubordination So we can face the detractor’s hurled confusion regarding our eternal salvation! Triumphing in the Lord is very possible because of His deliverance When we wholly lay ourselves to Him along His assurance. Let’s keep on seeking Him and His favor’s appearance For He’s our Guide Who leads us, correcting our unbelief-ignorance So we can stand against the enemy’s enslaving lies upon our biblical truth’s temperance! Triumphing in the Lord is very possible because of His security When we joyfully surrender ourselves to Him with our acknowledged inability. Let’s keep on clinging to Him and His Word’s certainty For He’s our Shield Who guards us, hiding our feebleness-vulnerability So we can vanquish the foe’s inflicted doubts on our heaven-bound spirituality! Triumphing in the Lord is very possible because of His might When we earnestly give ourselves to Him for His delight. Let’s keep on abiding in Him and His will’s light For He’s our Strength Who empowers us, stretching our faith’s performance-height So we can win over the rival’s arrogant jealousy toward our pursuits that are gloriously right! Triumphing in the Lord is very possible because of His defense When we fully bring ourselves to Him with our repentance devoid of any pretense. Let’s keep on staying in Him and His fellowship’s presence For He’s our Saviour Who forgives us, disciplining our misbehavior-offense So we can combat the opponent’s evil strongholds with our diligent service-persistence! Triumphing in the Lord is very possible because of His grace When we humbly submit ourselves to Him according to His assigned Christian race. Let’s keep on esteeming Him and His name’s worship-praise For He’s our Life Who upholds us, sustaining our commitment-brace So we can persevere over the contender’s insulting jeers amidst our admitted weakness’ trace! 07
Dr. Ed M. Laurena, Pastor CHURCH ATTENDANCE
May 24 & May 27 Sun. School Sunday AM Sunday PM Wendesday FTVs Baptisms
2, 678 2, 801 1, 123 566 124 21
St. Francis Homes 2, Landayan, City of San Pedro
SCHEDULE OF SERVICES SUNDAY ∙Sunday School ---- 8:30 am ∙Morning Service --- 9:30 am ∙Youth Fellowship -- 2:00 pm ∙Discipleship -------- 3:00 pm 7 Stage Discipleship Children's Discipleship Men Mentoring Men ∙Afternoon Service - 4:00 pm WEDNESDAY ∙Doctrine Class ----- 5:45 pm ∙Prayer Meeting----- 7:00 pm THURSDAY & SATURDAY ∙ Soulwinning and Visitation
Maaari Mong Matiyak ang Langit!
A
NG SABI NI HESUS, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay: walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.” Juan 14:6 Wala nang iba pang makapagliligtas sa iyo mula sa impiyerno. Magtiwala ka kay Hesus ngayon! Roma 6:23 “Kung ipahahayag ng iyong bibig na si Hesus ay Panginoon at mananampalataya ka nang buong pusong Siya’y muling binuhay ng Diyos, ikaw ay maliligtas”. Roma 10:9 1. Aminin mong ikaw ay isang makasalanan. Roma 3:10
2. Magsisi ka sa iyong kasalanan. Gawa 17:30 3. Manampalataya kang si Kristo Hesus ay namatay para sa iyo, nalibing at nabuhay namagmuli. Roma 10:9-10 4. Sa pamamagitan ng panalangin, tanggapin mo si Hesus sa iyong puso bilang iyong Tagapagligtas. Roma 10:13 Manalangin ka ng ganito: Panginoon, ako po ay isang makasalanan at nangangailangan ng kapatawaran. Nananampalataya po akong nadanak ang dugo ni Hesus at Siya ay namatay sa krus para sa akin.
tel - (02)869.0433 cel - 0905.3004422 Website: www.cbbcphilippines.com Email address: admin@cbbcphilippines.com BIBLE READING Job 1-4 Mon Job 5-7 Tue Job 8-10 Wed Job 11-13 Thu Job 14-16 Fri Job 17-20 Sat Job 21-23 Sun Nagsisisi po ako sa aking mga kasalanan. Tinatanggap ko po si Kristo Hesus sa aking puso bilang aking Tagapagligtas. Amen. Kung tinanggap mo si Hesus bilang iyong Tagapagligtas, ito na ang simula ng iyong bagong buhay kay Kristo. Roma 8:1 Ngayon: 1. Basahin mo ang iyong Biblia araw-araw upang makilala pa nang lubusan si Kristo Hesus. 2. Makipag-usap ka sa Diyos sa panalangin araw-araw. 3. Manambahan ka sa isang simbahan na pinapangaral si Kristo at ang Biblia ang tanging pamantayan. 4. Ibahagi sa iba si Kristo Hesus.
ACTS29 - the official Sunday publication of Christian Bible Baptist Church