Vol. 25 | Issue 26 | June 28, 2015
from your
Pastor
Ang Diyos ay ating purihin sa Kanyang karunungan. Sa Kanyang sakdal na kahusayan ay nilalang Niya ang langit at ang lupa. Sa Kanyang maluwalhating kapangyarihan ay nilikha Niyang ganap na maganda at mabuti ang lahat ng Kanyang ginawa. Sa Kanyang dakilang katalinuhan ay nagkaroon ng liwanag at buhay sa mundo. Sa Kanyang natatanging katuruan ay matututunan, masusumpungan at matatamo ang tunay, tiyak, at tamang kaligtasan, katuwiran at kaayusang matatagpuan lamang sa Panginoong HesuKristo. Salamat sa Diyos dahil ang mga katotohanang iyan ay Kanyang ipinaunawa sa atin sa pamamagitan ng Kanyang karunungang ipinagkakaloob kaya ang mga ito ngayon ay ating lubusang naiintindihan, pinanghahawakan at sinasampalatayanan. Sa loob ng apat na linggo sa buwan ng Hunyo ay ating pinag-aralan sa ating Sunday School ang paksang, “Kaya ng Diyos na Tayo ay Bigyan ng Karunungan” (“God Can Give Us Wisdom”). Pasalamatan natin ang Panginoon dahil palagi Siyang handang magbigay sa atin ng karunungan. Kailangan lang nating hingin ito sa Kanya. Ayon sa James 1:5, “If any of you lack wisdom, let him ask of God, that giveth to all men liberally, and upbraideth not; and it shall be given him.” Tunay ngang wala tayong maipagmamalaki sa Kanya pagdating sa ating sariling kaalaman, at hindi dapat natin ipagyabang ang ating kakayahan o pinag-aralan.
Nararapat na tayo ay laging kakitaan ng pagpapakumbaba upang tayo ay makatanggap mula sa Diyos ng karunungang kailangan natin sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Tayo ay magalak na ang ating Panginoon ay patuloy sa Kanyang pagpupunyaging may pagmamahal na tayo ay himukin, hamunin, at hulmahin sa Kanyang karunungan upang ating gawin ang Kanyang kalooban para sa Kanyang karangalan. Naniniwala akong ang inyong katapatan sa Diyos at pakikibahagi sa Kanyang gawain sa pamamagitan ng ating simbahan ay bunga ng karunungang naidadagdag sa inyong buhay-Kristiyano dahil sa inyong pakikinig, pagbabasa at pagsunod sa Kanyang Salita. Ganundin ay pinasasalamatan ko ang patuloy ninyong pakikiisa sa pagsulong sa kaharian ng Panginoon, sa inyong pag-aakay ng kaluluwa, at pagtuturo sa iba ng Ebanghelyo. Huwag din nating kaligtaang isama sa panalangin ang palagiang pagtustos at pagbuhos ng Diyos ng Kanyang biyaya sa pagsasaayos ng ating bahay-sambahan. Muli nating itagubilin ang ating mga sarili sa Diyos na Siyang marunong sa lahat. Ngayon at sa mga araw pang darating, ang Panginoon ang ating pagkatiwalaan sa Kanyang karunungan. Tunay ngang “The LORD giveth wisdom: out of his mouth cometh knowledge and understanding” (Proverbs 2:6).
DR. ED M. LAURENA
God Can Give Us Wisdom When We Obey Him 1Samuel 15:22 / 1Peter 1:22
I. God can give us wisdom when we obey His voice through our God-given authorities. A. God gives us wisdom through our parents. B. God gives us wisdom through the public servants. C. God gives us wisdom through our pastor. II. God can give us wisdom when we obey His voice through our God-given abilities. A. He gave us the abilities for us to grow then go. B. He gave us the abilities for the furtherance of the Gospel. C. He gave us the abilities for God to get the glory.
02
Father's Sunday Victoriously Celebrated Last Sunday, the dutiful and faithful fathers of the church were given simple tokens as mementos of God's favor on them and the church family's support of their role in the home and the society. Not only has God given men the incredible privilege of imitating Him as Father, but He has also placed upon the shoulders of fathers an incredible responsibility. Here in CBBC, we thank the Lord for a continued upholding and striving to promote the role of the fathers as leaders in the home. Love was truly expressed as most of the fathers went home that Sunday sharing meals and treats with their respective families. A home is a blessing from the Lord and as with all blessings, there is accountability. We thank these fathers for embracing this charge regarding their home to them for they bear the accountability-the reward for doing so or the consequence for failing to carry it out. We thank them for bringing up godly children amidst the immorality and wickedness
of the day. We thank them for creating a strong bond with their wife and their children all the days of their life. We thank them for happy, well-adjusted children who love God and their families. We thank them for striving to be spiritual men leading spiritual homes in a spiritual way that brings up spiritual children. We thank them for bringing heaven
on earth while awaiting our eternal abode in heaven. May fathers be ever fervent of leading their own respective homes for God's glory, and may we, as children give them the love, support, and encouragement that they need to exercise their God-given responsibility.
Please continue to pray for our
building project.
03
04
05
Turuan Mo Akong Tumalima, Panginoon!
“He hath shewed thee, O man, what is good; and what doth the Lord require of thee, but to do justly, and to love mercy, and to walk humbly with thy God?” - Micah 6:8 Ang pagka-alam sa karunungang nasa Panginoon ay yayabong sa isang taong lumalakad na nagpapasa-ilalim dito. Kung nais nating lumago sa karunungang makalangit, huwag nating isuot ang lumang pagkataong sinisisi ang iba sa mga maling sitwasyong ating kinalalagyan. TUMIGIL. Paano tayo susunod sa karungunang nasa Diyos kung ang karunungang yaon ay taliwas sa ating kinagigiliwan at mundong ating ginagalawan? Katulad sa halimbawang ipinakita ng ating Panginoong Hesukristo nang Siya ay nasa matinding pagtangis sa pagharap sa Krus, sinabi sa Luke 22:42, “...Father, if thou be willing, remove this cup from me: nevertheless not my will, but thine, be done.” Sinabi sa Hebrews 12:2, “...who for the joy that was set before him endured the cross, despising the shame, and is set down at the right hand of the throne of God.” Ang Panginoong Hesus ay nagparaya at sumunod sa dakilang kalooban ng Diyos Ama sa langit. TUMINGIN. Matuto tayong tumingin at tanungin ang Dakilang Persona ng Diyos kung ano ang nararapat nating baguhin at burahin sa ating mga maling pagka-alam at pang-unawa. Maliit man o malaking kaganapan sa ating buhay ay nararapat na mapasailalim sa karunungang nasa Diyos. Sinabi ni Apostol Pablo sa Philippians 3:20, “For our conversation is in heaven; from whence also we look for the Saviour, the Lord Jesus Christ.” Nararapat na ang ating tinitingnan upang ipamuhay ay yaong mga 04
bagay na sumasalamin sa Persona ng Diyos dahil Siya lamang ang banal at makapangyarihan sa lahat. May mga dakilang kaparaanang ginagamit ang Diyos upang makita natin bilang babala at paalala katulad ng sinabi Niya sa Numbers 15:39, “And it shall be unto you for a fringe, that ye may look upon it, and remember all the commandments of the LORD, and DO them; and that ye seek not after your own heart and your own eyes, after which ye use to go a whoring.” Maging sa pagkakataong tayo ay tinutuligsa dahil sa panibugho at inggit, matuto tayong tumingin sa Diyos at sabihin mula sa Micah 7:7, “Therefore I will look unto the LORD; I will wait for the God of my salvation: my God will hear me.” TUMALIMA. Ang diwa ng Kristiyanismo ay pagsunod at pagtalima, may papalakpak man o wala. Hindi ito isang maskarang isinusuot tuwing may makakakita. Ang paglakad sa pananampalataya ay pag-usad sa pataas na antas ng Kristiyanismo. Hindi palagiang hayag ang resulta nito ngunit tiyak na ang ating pagsunod ay magbubunga ng gantimpala, pagpapala, at pabor sapagkat kailanman ang Diyos ay hindi tataliwas sa Kanyang ipinangakong Salita. Ang
disiplinang palagiang isagawa at tumalima sa karunungang makalangit ay kinakailangan bago makamtan ang kagalakang dulot ng pangakong tinupad ng Salita ng Diyos. Maaaring napagtanto nating ang karunungang mula sa Diyos ay nakikibaka laban sa mga naisin ng ating puso, ngunit huwag tayong manghinawang sundin at tuparin ang natutunang kaalamang ito. Habang tayo ay sumusunod sa pamamagitan ng pagtalima, ang Diyos ay patuloy na magdadagdag ng karunungang tanging sa Kanya nagmula. Ito ay malaking benepisyo sa atin, ang patuloy na madagdagan ang kaalaman sa katotohanan sa pamamagitan ng pagsasagawa at pagtalima. Ang Panginoong Hesus mismo ay nagpahayag ng Kanyang paninindigang gagawin Niya ang kalooban ng Diyos sa kabila ng pasakit at paguusig. Kung wala ito, walang mabuting balita ng katiyakan ng langit na maihahayag sa mundo. Ang Panginoong Hesus ay ang katuparan at kapahayagan ng dalisay na karunungang ito. Sa iyong paglakad sa buhay na ito, ano ang karunungang iyong sandigan sa iyong pagtalima?
Salamat Sa Diyos Sa Kanyang Karunungan Beata B. Agustin
Salamat sa Diyos sa Kanyang karunungang nagtuturo sa aking puso! Kanyang pinapangaralan akong pagsisihan aking kasalanang itinatago… …Ganundi’y pinamumunuan aking pagtalima sa Kanyang mga payo. Lagi Niya akong sinasawata sa aking kayabangan nang sa Kanya ako’y sumuko; Kaya sa pagsasanay sa katuwiran, ako’y di dapat huminto!!! Salamat sa Diyos sa Kanyang karunungang pumapawi sa aking duda! Kanyang pinapanatag ako pag nag-aalala dahil sa panghihina... …Ganundi’y itinataguyod pag natatakot, nagkakasakit o kaya’y nagdurusa. Lagi Niya akong pinapangaralang sa Kanya ako lubusang magtiwala; Kaya sa pag-aaral ng Kanyang Salita, ako’y di dapat manghinawa!!! Salamat sa Diyos sa Kanyang karunungang gumagabay sa aking pag-iisip! Kanyang iniilawan aking pagpapasyang panalangin ang kalakip… …Ganundi’y hinaharangan mali kong pagpili sa pagkilos Niyang sumasagip. Lagi Niya akong minamatyagan, hindi lang basta sinisilip; Kaya sa paghihintay sa Kanyang pahintulot, ako’y di dapat mainip!!! Salamat sa Diyos sa Kanyang karunungang sumasagot sa aking tanong! Kanyang tinutugon aking “Bakit?” tuwing may pagsubok na sinusuong… …Ganundi’y ipinapaunawa kung paano maging matagumpay sa pagsulong. Lagi Niya akong inaakay upang sa Kanyang layon humantong; Kaya sa pagpupunyagi sa Kanyang kabanalan, ako’y di dapat umurong!!! Salamat sa Diyos sa Kanyang karunungang nag-aayos sa aking pagkakamali! Kanyang pinupuna pagsuway ko sa utos Niya nang ako’y mapabuti… …Ganundi’y itinutuwid ako tuwina sa paglabag sa pamantayan Niyang natatangi. Lagi Niya akong itinatama tungo sa Kanyang landas na kapuri-puri; Kaya sa pananatili sa Kanyang pagsusuri, ako’y di dapat magpahuli!!! Salamat sa Diyos sa Kanyang karunungang nagpapalago sa aking kaalaman! Kanyang pinamumunga ang paglakad ko ayon sa makalangit Niyang pamantayan… …Ganundi’y pinayayabong pagtitiyaga ko sa Kanyang wagas na panuntunan. Lagi Niya akong hinahasang ipamuhay aking mga maka-Bibliyang natutunan; Kaya sa pagsisikap sa Kanyang kaharian, ako’y di dapat katitisuran!!! Salamat sa Diyos sa Kanyang karunungang namamayani sa aking paglilingkod! Kanyang pinalalakas aking pananampalataya ayon sa batas Niyang kailangang masunod... …Ganundi’y pinatitibay pagtangkilik ko sa Kanyang gawaing nakalulugod. Lagi Niya akong pinatatatag sa Kanyang biyaya lalo na pag ako’y nakaluhod; Kaya sa paggawa ng Kanyang kalooban, ako’y di dapat mapagod!!! 05
Dr. Ed M. Laurena, Pastor CHURCH ATTENDANCE
June 21 & June 24 Sun. School Sunday AM Sunday PM Wendesday FTVs Baptisms
2, 530 2, 821 1, 478 429 130 33
St. Francis Homes 2, Landayan, City of San Pedro
SCHEDULE OF SERVICES SUNDAY ∙Sunday School ---- 8:30 am ∙Morning Service --- 9:30 am ∙Youth Fellowship -- 2:00 pm ∙Discipleship -------- 3:00 pm 7 Stage Discipleship Children's Discipleship Men Mentoring Men ∙Afternoon Service - 4:00 pm WEDNESDAY ∙Doctrine Class ----- 5:45 pm ∙Prayer Meeting----- 7:00 pm THURSDAY & SATURDAY ∙ Soulwinning and Visitation
Maaari Mong Matiyak ang Langit!
A
NG SABI NI HESUS, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay: walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.” Juan 14:6 Wala nang iba pang makapagliligtas sa iyo mula sa impiyerno. Magtiwala ka kay Hesus ngayon! Roma 6:23 “Kung ipahahayag ng iyong bibig na si Hesus ay Panginoon at mananampalataya ka nang buong pusong Siya’y muling binuhay ng Diyos, ikaw ay maliligtas”. Roma 10:9 1. Aminin mong ikaw ay isang makasalanan. Roma 3:10
2. Magsisi ka sa iyong kasalanan. Gawa 17:30 3. Manampalataya kang si Kristo Hesus ay namatay para sa iyo, nalibing at nabuhay namagmuli. Roma 10:9-10 4. Sa pamamagitan ng panalangin, tanggapin mo si Hesus sa iyong puso bilang iyong Tagapagligtas. Roma 10:13 Manalangin ka ng ganito: Panginoon, ako po ay isang makasalanan at nangangailangan ng kapatawaran. Nananampalataya po akong nadanak ang dugo ni Hesus at Siya ay namatay sa krus para sa akin.
tel - (02)869.0433 cel - 0905.3004422 Website: www.cbbcphilippines.com Email address: admin@cbbcphilippines.com BIBLE READING Psalm 80-85 Mon Psalm 86-89 Tue Psalm 90-95 Wed Psalm 96-102 Thu Psalm 103-105 Fri Sat Psalm 106-107 Sun Psalm 108-114 Nagsisisi po ako sa aking mga kasalanan. Tinatanggap ko po si Kristo Hesus sa aking puso bilang aking Tagapagligtas. Amen. Kung tinanggap mo si Hesus bilang iyong Tagapagligtas, ito na ang simula ng iyong bagong buhay kay Kristo. Roma 8:1 Ngayon: 1. Basahin mo ang iyong Biblia araw-araw upang makilala pa nang lubusan si Kristo Hesus. 2. Makipag-usap ka sa Diyos sa panalangin araw-araw. 3. Manambahan ka sa isang simbahan na pinapangaral si Kristo at ang Biblia ang tanging pamantayan. 4. Ibahagi sa iba si Kristo Hesus.
ACTS29 - the official Sunday publication of Christian Bible Baptist Church