0727

Page 1

Volume 24 Issue 30 July 27, '14

from your Pastor

Sa Diyos ang luwalhati sa Kanyang kadakilaan sa ating mga buhay at sa ating simbahan. Palagi nating nararanasan ang Kanyang katapatan sa kabila ng ating pagkukulang; ganundin ang Kanyang mahabaging pagpapatawad tuwing inaamin natin ang ating mga kasalanan at nagpapa kumbabang nagsisisi. Tunay ngang mahaba ang pagtitiis ng Diyos para sa atin, at iyan ay patunay ng Kanyang pagpupunyaging may pag-ibig upang tulungan tayong gawin ang Kanyang kalooban nang may pagsisikap at pagmamahal sa Kanya bilang ating Panginoon at Tagapagligtas. Pinupuri rin nating ang Diyos sa patuloy Niyang pagbibigay sa atin ng kagalakan. Ating pahalagahan ang kaligayahan ng kaligtasang ating natamo mula sa Kanya dahil iyan ang galak na nagbibigay sa atin ng lakas ayon sa Nehemiah 8:10. Kaya nga huwag nating pabayaaan ang ating paglapit sa Diyos sa pamamagitan ng pananalangin at pagbabasa DR. ED M. LAURENA ng Kanyang Salita o ang ating personal devotion tungo sa ating paglago sa buhay Kristiyano. Sa Kanyang gabay, magsumikap tayong sumama sa ating discipleship program na siyang binigyang diin ng ating mga aralin sa Sunday School ngayong buwan ng Hulyo. Alalahanin nating ang lahat ng ating mga ginagawa para sa Diyos ay hindi mababale-wala. Dahil dito, pasasalamat nang may pagsamba sa Panginoon ang dapat nating tugon. Bukod dito, Siya ay ating pasalamatan sa mga sagot Niya sa ating mga panalangin. Isa riyan ay ang matagumpay na unang anibersaryo ng ating Outreach sa Thailand noong nakaraang Linggo, kung saan 63 ang bilang ng dumalo, 12 ang mga naligtas, at 4 ang nabawtismuhan. Ngayong Linggo naman ay ang ika-apat na anibersaryo ng ating Outreach sa Singapore, na umaasa rin sa pagpapala ng Diyos. Muli ay hinihikayat ko ang bawat-isang makiisa sa ating layuning magampanan ang ating bahagi sa katuparan ng dakilang tagubilin ng ating Diyos, habang ating itinatanghal ang Panginoon, ipinapangaral ang Kanyang Ebanghelyo, at isinasabuhay ang Kanyang Salita, sa Kanyang biyaya at kapangyarihan!


Sunday School Outline DETERMINATION TO MAKE DISCIPLESHIP AS PART OF OUR LIFE Psalm 90:12 / Matthew 6:33

I. To make discipleship as part of our life, determination to prioritize it is a must. A. Our priorities must be set in order. B. Our priorities must order our lives. II. To make discipleship as part of our life, determination toward personal purity is mandatory. A. Personal purity must be desired with God’s grace. B. Personal purity must be decided through God’s guidance. C. Personal purity must be dedicated to God’s glory. III. To make discipleship as part of our life has the promised prosperity from the Master. A. When we make serving as part of our life, God will take care of our physical needs. B. When we make serving as part of our life, God will take care of our personal needs that are necessary for His kingdom.

FIRST ANNIVERSARY IN THAILAND-OUTREACH TRIUMPHANTLY BLESSED

T

HE LORD INDEED showed His greatness and faithfulness in our work in Thailand as He blessed the first Outreach Anniversary last Sunday, July 20. With the theme “Jesus Saves,” the triumphant celebration, attended by 63 worshippers, yielded salvation of souls from the 25 first time visitors, and baptism of four new converts. Dr. Ed Laurena challenged them with the Word of God in the morning service and Rev. Arnold Vallejo preached to them in the afternoon. Earlier on July 18, the Outreach members held their first revival night in their mission house with Rev. Arnold Vallejo of CBBC-Los Baños as their speaker. Our brethren there are joyfully expressing their gratefulness to us here in CBBCSan Pedro for faithfully loving and supporting them. To God be the glory for His goodness. Let us continually uphold them in our prayers.


Church Bulletin Buwan ng Nutrisyon, Makabuluhang Ipinagdiwang ng CBBA

B

ILANG PAGDIRIWANG NG Buwan ng Nutrisyon sa Christian Bible Baptist Academy, isang makabuluhang programa ang masayang ginampanan noong Biyernes, Hulyo 25, kasama ang mga mag-aaral, magulang/tagapangalaga, at mga guro. Binigyan diin sa pagiriwang ang temang galing sa Department of Education at National Nutrition Council na “Kalamidad Paghandaan: Gutom at Malnutrisyon Iwasan!” Ito ay sa pamamagitan ng masiglang partisipasyon ng bawat mag-aaral sa gabay ng mga guro mula sa pag-emcee, pag-awit ng koro, pagsasadula, pag-uulat at talakayang akma sa temang nabanggit. Naging pagpapapala rin ang pamamahayag ng Salita ng Diyos

mula sa Genesis 6 na “Healthy in Calamity” ni Rev. Duke Lumictin na kung saan inilahad ang “3S” ng Vicious Cycle ng Kalamidad: Nagsimula sa “Sin” na nagdulot ng “Storm” na nagbunga ng “Shortage.” Hinimok ang bawat isang maging maagap at umiwas sa mga pagkain at aktibidad na nagdudulot ng lalong paglala ng maling kalusugan at kalamidad. Nang tanghali ay masayang nagsalo-salo sa masustansyang piging ang lahat. Matapos ay ang “Cooking Contest” mula sa mga binuong pangkat ng “Go, Grow, and Glow.” Ang mga mag-aaral ay nagpakita din ng pagiging malikhain sa “Slogan and Poster-Making Contest.” Sa pagtatapos ng matagumpay na pagdiriwang ay ginawaran ng Best in Costume ang Pre-School, Best in Unity ang pangkat “Go,” Best in Slogan, Resourceful at Relevant naman ang pangkat “Grow,” Best in Poster at Creative ang pangkat “Glow,” at Best Group ang pangkat “Grow.”

BYCM Evangelistic Campaign Successfully Concluded

G

OD HAS SURELY expanded the territory for the Baptist Youth Campus Ministry (BYCM). After a month-long exertion of efforts in praying and working, the Lord truly wrought great victory in fulfilling the godly endeavour of seeing souls saved. Last July 25, Friday, the two other campuses were reached for the Gospel's sake through the BYCM Evangelistic Campaign. From Bulihan National High School in Silang, Cavite, and San Pedro Relocation Center National High School in Barangay Langgam, about 300 souls confessed and accepted Jesus as their Lord and personal Saviour. The precious labouring of 28 workers including members from those campuses surely paid off. Reinforcing the victory was the exemplary participation of the respective leaders and members of the areas which cover these schools. They extended physical support by providing for the workers' means of transportation, and snacks during the after-event fellowships. Because God has seen the faithfulness of His

dear children, He has entrusted another campus to BYCM's care: the Technological Institute of the Philippines (TIP) in Quezon City. The opportunity for Bible study and classroom evangelism was channeled through Architect Omar Tubayan, who is a member of the TIP faculty. As such, last Tuesday, July 22, Bros. Justin Sales and Norman Gagni kicked off in preaching the Good News. In two collegiate classes, about 50 souls followed the sinner's prayer. Bible studies are then set weekly. Indeed, much were added to those who have been faithful in little, Luke 16:10. BYCM needs the congregation's prayer and supplication, for it to pursue enthusiastically the youth whose future are at stake for the devil's tactics toward ruin and destruction.


THE BLESSINGS OF DISCIPLESHIP

A

KO PO AY lubos na nagpapasalamat sa Panginoon sa kaligtasang ipinagkaloob Niya sa akin at sa pribelehiyong maging kabilang sa pamilya ng simbahang ito. Bago po ako maligtas, ako po ay namulat at lumaki sa magulong buhay, sirang tahanan, at lulong sa bisyo. Ako nga ay lubos na nagpapasalamat na ako ay nakasumpong ng biyaya ng Diyos. Ako po ay nagpapasalamat sa buhay ng ating pastor na nagtuturo ng kahalagahan ng buhay ng isang Kristiyano, ganundin ang ang paglilingkod sa Panginoon, lalung-lalo na sa larangan ng pag-aakay ng kaluluwa ng tao patungo sa langit. Lubos ang aking papuri at pasasalamat sa Panginoong magamit ang aking buhay para sa ikaliligtas pa ng marami, sa kanilang pagbabago, at pag -lago sa pananampalataya. Naisin kong maging mas kagamit-gamit ang buhay ko sa gawain ng Panginoon habang ako ay nagpapatuloy sa Kanyang biyaya. Lahat ng papuri at pasasalamat ay sa Panginoon. - Bro. Jason Gaton

MINISTRY IN

O

UR GRADE 7 and 8 Girls are praising and thanking God for the privilege to be a part of this great church wherein they are taught and trained to live according to His Word. Our Grade 7 Girls Sunday school class under Ma’am Cristina Alvior has 40-50 students, like that of the Grade 8 class of Ma’am Medelyn Espinosa. Meanwhile, about 15-20 of our Grade 7 and 8 girls return in the afternoon and join our divided class fellowship where we regularly conduct at the second floor of the New Bldg. Every meeting, our girls have a privilege to lead the Sunday school program and share their testimonies and personal devotion that help them to be responsible. They also have a Campus Ministry that encourages them to win souls in their schools. Furthermore, they are so blessed for having a loving church that cares for them and their future.

AREA 11 KNOW YOUR

AREA

Area Leader: Rev. Duke Lumictin Contact #: 0998.973.8648

Email address: thedukex08@yahoo. com.ph Places: Carmona Silang


CASUAL CHRISTIANS

A

RESEARCH BODY known as the Barna group defines Casual Christians as those professing Christ-believers who perceive Christianity as "faith in moderation." They feel religious without having to prioritize their faith. Highly esteemed that they can be nice human beings, respectable parents, exemplary citizens, reliable employees and of good status in all their affiliations, they tend to have never defended the faith for they lack a firm Biblical moral and social disposition. These casual Christians comfortably declare that they have the best of both worlds--- the earthly and the spiritual. They rarely feel the demands and pressures of real Christianity which promises a rewarding and joyful end. The following can serve as a summary of the distinguishing marks of casual Christians. If these characteristics reflect your attitude toward the faith, then, you are simply like them who treat Christianity as a religion that is after much traditions. INFORMALITY. If going to church shall be as the same as going to work, will you be commended for keeping a good time sheet or will you be sanctioned for habitual tardiness? A casual Christian drags himself into the church. Consequently, his attire is usually like he just dropped by to have his attendance checked by the usher. Not that going to church is a formal suit and gown affair, but as 1 Tim 2:9 says, dressing up must be observed with modesty, decency and propriety. IRREGULARITY. Do you go by every-other-Sunday show-up in church? When Jesus visits the church through a heart-pounding message every service, will you be like Thomas, one of the twelve disciples, who was not with them when Jesus came (John 20:24)? The temple of the Lord is the New Testament Church, of which you are a part of. It is imperative that the Lord will find us “Not forsaking the assembling of ourselves together, as the manner of some is; but exhorting one another: and so much the more, as ye see the day approaching. Hebrews 10:25” INDIFFERENCE. Do you agree with the priests in Malachi 1:13, Behold, what a weariness is it! Is it tiresome for you to be hearing program after program, activity after activity? The “na naman” attitude whenever Pastor encourages us to give, to join, to support, etc. triggers many casual Christians just to make it usual for them to be simply spectators of what is happening in the church. Perhaps, the one great reason for all these is the shallow relationship of the concerned to the Lord and Saviour Jesus Christ. Should you be one of the casual Christians, the Bible encourages us with Matthew 6:33, But seek ye first the kingdom of God, and his righteousness; and all these things shall be added unto you. A serious prayer of repentance from neglecting the Word of God to take effect in our lives will be so much appreciated by God, and by His grace, casual Christianity will start to disappear in your walk.


Making Godly Determination a Part of our Lives “For he looked for a city which hath foundations, whose builder and maker is God.”-Hebrews 11:10 There are two ways to live. One is of making or building something, the other is of breaking or destroying that which has been built. In this lifetime, we will be given countless opportunities either to be a builder or to be a destroyer of the design which God has before ordained. Often, unknowingly or deliberately, we fail to deliver to the expectation. The heart-breaking reality is that some of us Christians are more enamoured with idols: career, lust, spouse, past bitterness, and money other than Jesus; therefore, we miss out on all that the indwelling life of Jesus can produce in and through us for the glory of God. We habitually succumb to the routine, tasks, and activities the world has set for us and fail to do that which is utmost. The self-help culture clings to the fiction of the 28-day rule: “It takes 28 days to make a new habit.” Accordingly, this also applies in breaking an old habit and making a new one. This 28-day rule may vary depending on the difficulty of the change that is necessary. Nonetheless, what really maters is one’s determination to do something over and over again amidst setbacks and personal preferences, or his determination to stop that which is being habitually done over and over again. Abraham was given a divine assignment by God, a task too perplexing and too farfetched ever to be a success in the human perspective. To carry out God’s plan, he was asked to break away from his nativity and make a new life in a far-off place…“For he looked for a city which hath foundations, whose builder and maker is God.”-Hebrews 11:10. He succeeded in his determination to do God’s will. How do we make our determination a part of our lives as Abraham did? WE SHOULD MAKE OUR DETERMINATION REAL. Is our faith in Christ real or counterfeit? Is it an illusion, a facade, a poor imitation of the authenticity and sincerity that is of Christ? Is our perspective of God and the world real as how God’s Word depicts it? Or is it a tainted version from the influences of this world? WE SHOULD MAKE IT READY. Our daily routine and activities must be geared towards making us ready always to give a reason of the hope that is in us. The Scripture affirms in Luke 1:17 “And he shall go before him in the spirit and power of Elias, to turn the hearts of the fathers to the children, and the disobedient to the wisdom of the just; to make ready a people prepared for the Lord.” The people are ready to be discipled, but are we ready disciplers? WE SHOULD MAKE IT RENEWED. Whether we like it or not, our exposure to the unbelieving world corrupts our minds and hearts. Let us have the resolution always to be renewed having the mind of Christ, our Saviour according to Philippians 2:5, “Let this mind be in you, which was also in Christ Jesus.” WE MUST MAKE IT RESPONSIVE. Are we sensitive to the Saviour? Are we listening to that still small voice of God’s Spirit from within our hearts, or are we quenching it? The Lord in Luke 20:3 is requiring an answer, “And he answered and said unto them, I will also ask you one thing; and answer me.” The Lord demands a response from us. Determination does not always roar. Many times, determination is the quiet voice at the end of the day which says, “I will try again tomorrow.” Let us determinedly break away from habits that do not align with God’s eternal precepts and make way for more souls to count in heaven’s glory through our regular soulwinning and discipling endeavors.


Pagpupunyagi Sa Pagsunod Kay Kristo Beata B. Agustin

Pagpupunyaging puno ng biyaya ng Diyos tuwina! Iya’y ating kailangan pag minsa’y nanghihina, Dahil sa pagsunod kay Kristo, ang paggawa ng mabuti’y nararapat na sumagana.. Bilang Kanyang iniligtas mula sa impyernong kapahamaka’t masaklap na tadhana; Habang tayo’y nagpapasalamat sa makalangit Niyang yamang pamana!!! Pagpupunyaging puno ng kagalakan ng Diyos na lagi Niyang dulot! Iya’y ating kailangan pag minsa’y nalulungkot sa lunggating sumusulpot, Dahil sa pagsunod kay Kristo, ang pagtitiwala sa Kanya’y huwag na huwag maudlot… Bilang Kanyang tinubos na nananalanging marubdob sa awa Niyang parating sumisipot; Habang tayo’y namamalagi sa kalooban Niya’t nananalig sa Kanyang mga ipinapahintulot!!! Pagpupunyaging puno ng habag ng Diyos sa Kanyang pagmamahal! Iya’y ating kailangan pag minsa’y nanghihinawa sa pagpapagal, Dahil sa pagsunod kay Kristo, ang paglakad sa katuwira’y pagpapasyang sa puso’y bukal… Bilang Kanyang pinatawad sa dugo Niyang sa pagkadalisay ay sakdal; Habang tayo’y nakikipagniig sa Kanya nang walang nakakasagabal!!! Pagpupunyaging puno ng pagpapala ng Diyos sa Kanyang kadakilaan! Iya’y ating kailangan pag minsa’y nakakaranas ng kawalan, Dahil sa pagsunod kay Kristo, ang paghihirap ay pinagtatagumpayan… Bilang Kanyang pinangakuan ng kasaganaan sa Kanyang kaharian; Habang tayo’y nagtitiyaga upang magbunga sa paglilingkod nang may kasipagan!!! Pagpupunyaging puno ng pananampalatayang sa Diyos pumupukaw! Iya’y ating kailangan pag minsa’y nadadapa sa pighating humahataw, Dahil sa pagsunod kay Kristo, ang pagbuhat ng ating krus ay dapat gawin araw-araw… Bilang Kanyang tinawag nang sa kabanala’y mangibabaw; Habang tayo’y nakikinig sa Kanyang Salita’t sa utos Niya maligayang nagpapasaklaw!!! Pagpupunyaging puno ng katapatang sa Diyos nanggagaling! Iya’y ating kailangan pag minsa’y napapatuon sa mundo’t sa katanyagan napapabaling, Dahil sa pagsunod kay Kristo, ang pagsisikap na may pagpapakumbaba’y hinihiling... Bilang Kanyang pinawalang-sala upang sa Kanya’y magningning at sa sarili’y di magmagaling; Habang tayo’y nakasandig sa katotohanan Niya’t nagpapahinga sa Kanyang piling!!! Pagpupunyaging puno ng kasigasigang sa Diyos ang papuri! Iya’y ating kailangan pag minsa’y napapatigil sa pagkapagod at pagkabagot na pakiwari, Dahil sa pagsunod kay Kristo, ang pag-una sa Kanya’y pagbibigay-galang sa Hari ng mga hari… Bilang Kanyang katiwala sa gabay ng Kanyang panuntunang mapag-suri; Habang tayo’y nabubuhay na pag-ibig Niya ang ating pinakamahalagang pag-aari!!!


Christian Bible Baptist Church

Preaching the Gospel that only Jesus Saves

Dr. Ed M. Laurena, Pastor CHURCH ATTENDANCE

July 20 & July 23 Sun School Sunday AM Sunday PM Wednesday FTV Baptisms

Maaari Mong Matiyak ang Langit!

A

NG SABI NI HESUS, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay: walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.” Juan 14:6 Wala nang iba pang makapagliligtas sa iyo mula sa impiyerno. Magtiwala ka kay Hesus ngayon! Roma 6:23 “Kung ipahahayag ng iyong bibig na si Hesus ay Panginoon at mananampalataya ka nang buong puso na Siya’y muling binuhay ng Diyos, ikaw ay maliligtas”. Roma 10:9 1. Aminin mo na ikaw ay isang makasalanan. Roma 3:10 2. Magsisi ka sa iyong kasalanan. Gawa 17:30 3. Manampalataya ka na si Kristo Hesus ay namatay para sa iyo, nalibing at nabuhay namagmuli. Roma 10:9-10 4. Sa pamamagitan ng panalangin, tanggapin mo si Hesus sa iyong puso bilang iyong Tagapagligtas. Roma 10:13 Manalangin ka ng ganito: Panginoon, ako po ay isang makasalanan at nangangailangan ng kapatawaran. Nanampalataya po ako na nadanak ng dugo ni Hesus at Siya ay namatay sa krus para sa akin. Nagsisisi po ako sa aking mga kasalanan. Tinatanggap ko po si Kristo Hesus sa aking puso bilang aking Tagapagligtas. Amen. "Kung tinanggap mo si Hesus bilang iyong Tagapagligtas, ito na ang simula ng iyong bagong buhay kay Kristo." Roma 8:1 Ngayon: 1. Basahin mo ang iyong Biblia araw-araw upang makilala pa nang lubusan si Kristo Hesus. 2. Makipag-usap ka sa Diyos sa panalangin araw-araw. 3. Manambahan ka sa isang simbahan na pinapangaral si Kristo at ang Biblia ang tanging pamantayan. 4. Ibahagi sa iba si Kristo Hesus. ACTS29 - the official Sunday publication of Christian Bible Baptist Church

2, 138 2, 472 1, 219 335 151 21

St. Francis Homes 2, Landayan, San Pedro, Laguna 4023 SCHEDULE OF SERVICES SUNDAY ∙Sunday School ---- 8:30 am ∙Morning Service --- 9:30 am ∙Youth Fellowship -- 1:30 pm ∙Discipleship -------- 3:00 pm 7 Stage Discipleship Children's Discipleship Men Mentoring Men ∙Afternoon Service - 4:00 pm WEDNESDAY ∙Doctrine Class ----- 5:45 pm ∙Prayer Meeting----- 7:00 pm Soulwinning & Visitation Thursdays and Saturdays tel - (02)869.0433 cel - 0905.3004422 or 0926.7247837 or 0917.8870954 www.cbbcphilippines.com admin@cbbcphilippines.com BIBLE READING Mon Tue Wed Thu Fri Sat Sun

Is 1-4 Is 5-8 Is 9-12 Is 13-17 Is 18-22 Is 23-27 Is 28-30


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.