0830

Page 1

Vol. 25 | Issue 35 | August 30, 2015

from your

Pastor

Ang tunay na kagalakan ay sa Diyos nagmumula. Ito rin ang dalisay na kaligayahang nagpapalakas sa atin ayon sa Nehemiah 8:10, “…The joy of the Lord is your strength.” Salamat sa Panginoon dahil handa Siya laging magbigay sa atin ng galak, tuwa, ligaya o saya sa ikasisigla ng ating puso, pananampalataya at pamumuhay. Iyan ay mabiyaya at mabuting pagpapalang ating kailangan sa gitna ng mga pagsubok. Natutunan natin mula sa mga aralin sa Sunday School sa buwang ito ang mga paraan kung paano tayo pinagkakalooban ng Diyos ng galak. Atin ngang isa-isip na ang Diyos ang nagpupuno sa atin ng Kanyang ligaya sa ating kaligtasan, sa ating matagumpay na pagsamba, sa ating pag-aakay ng kaluluwa, sa ating pagiging-isa bilang magkakapatid sa Panginoon, at sa ating paglilingkod. Makitaan nawa tayong masigla sa ating pagiging Kristiyano dahil iyan ay ang Kanyang kalooban. Idiniin sa Philippians 4:4 ang utos na ito: “Rejoice in the Lord alway: and again I say, rejoice.” Ang Kanyang Salita ay nagpapaalala sa ating maging magalak palagi. Hindi dapat na ang ating kalagayan o ating kinalalagyan o anumang “sirkumstansya” ang magdikta sa atin upang maging masaya. Ang katapatan ng Diyos ay sapat upang magpaligaya sa atin. Dagdag pa riyan ay ang Kanyang pag-ibig, pagpapatnubay, at pagkalinga sa atin. Kaya nga buong-pusong pasasalamat, pagpupuri, at pagluwalhati sa Kanya ay mga mahahalaga nating pagtugon. Ayon sa Psalm 27:6, ang kagalakang ito ay naipapakita sa tapat na pag-aalay at pag-awit, “… Therefore will I offer in his tabernacle sacrifices of joy; I will sing, yea,

I will sing praises unto the LORD.” Ganundin, ano pa kaya ang narararapat nating gawin upang magalak naman sa atin ang Panginoon? Maliwanag sa Hebrews 11:6 na pananampalataya ang makalulugod sa Diyos. Kung gayon, dapat nating ipakita sa Kanya ang ating pananampalatayang nasisilayan sa ating katapatan. Maging tapat tayo sa Kanya, sa Kanyang Salita, sa Kanyang simbahan, at sa Kanyang gawain. Ibig sabihin ay unahin natin Siya. Sa pag-una sa Kanya at sa Kanyang kaharian, kailangan nating maging maagap, o kaya ay maaga, at hindi mahuhuli o nagpapahuli. Mas magiging magalak tayo sa ating buhay-Kristiyano kung mismong sa pagpunta sa simbahan ay maayos tayo pagdating sa tamang oras ng pananambahan. Bilang inyong Pastor, ako ay nagagalak sa inyong katapatan sa Panginoon. Sa Kanyang biyaya, magpatuloy tayong maging kabahagi ng Kanyang gawain. Ang lahat ng ginagawa at ibinibigay natin para sa Kanya ay malaking pagpapala. Hinihimok at hinihikayat ko ang bawat isang maging katuwang para sa katuparan ng dakilang tagubilin. Ngayong Linggo, at sa mga araw pang darating, maging magalak tayong mabuhay para sa Diyos. Isabuhay natin ang katotohanang ito ng Psalm 5:11, “But let all those that put their trust in thee rejoice: let them ever shout for joy, because thou defendest them: let them also that love thy name be joyful in thee.”

DR. ED M. LAURENA


God Can Give Us Joy

Joy in Service Hebrews 12:1-3

I. God can give the believers joy with their humble service. A. A humble servant is willing to submit. B. A humble servant is willing to sacrifice. C. A humble servant is willing to serve. II God can give the believers joy with their honest service. A. Honest service is what God demands. B. Honest service is what God deserves. C. Honest service will receive dividends.

02


August 30 CBBA/ Area 6 SEPTEMBER 6 Practice Preaching

Batangas City Sports Complex | San Pedro Team Color: RED Departure Time 6:00AM | Transportation Fee: Php 100.00 | Bring Your Own Food 03


Ika-limang Anibersaryo Ng Singapore Outreach - Maluwalhating Ginanap Ang Panginoon ay purihin sa limang taong pagpapamalas Niya ng Kanyang katapatan sa gawain sa bansang Singapore. Sa kapangyarihan ng Diyos, maluwalhating ginanap ng ating mga kapatid sa pangunguna ni Preacher Jong Longcanaya ang kanilang Outreach Anniversary noong ika-9 ng Agosto. Sa biyaya ng Panginoon, ang kanilang mga panalangin ay tinugon. Nagkaroon sila ng malaking tagumpay sa araw ng kanilang pagdiriwang. Pinagpala sila ng Panginoon ng 78 sa kanilang attendance na may 25 na first-time visitors. Ganundin ay 23 sa mga bagong dumalo ang nagkaroon ng patotoong tinanggap nila ang Panginoong HesuKristo bilang kanilang Tagapagligtas. Isa ring biyaya ng Panginoon ay ang pagkakaroon nila ng gawain sa Lucky Plaza, na siya ring ikinatuwa ng kanilang mga bisitang nagnanais pang makadalo pagkatapos ng anibersaryo. Sa ngayon, tuloy-tuloy

ang kanilang pag-follow up upang makasamang muli ang kanilang mga naging bisita sa susunod nilang pananambahan. Patuloy nating isama sa panalangin ang Outreach natin sa Singapore.

Labor of Love Holiday, Pinag-ibayo Habang ang bagyong si Ineng ay nananalasa sa bahaging Ilocos at Benguet, ang mga kalalakihan naman ng simbahan ay nag-aalab sa apoy ng lubos at taos na pagtulong para sa kabuoan ng Renovation Project. Noong Biyernes, Agosto 21, bagamat maraming Sunday School classes ang hindi tumuloy sa kanilang retreat activities dahil sa lakas ng ulan, hindi pa rin nasayang ang kanilang pagpunta dahil napakinabangan ang kanilang lakas at napag-ibayo ang kanilang pag-ibig sa Diyos. Ang High School students ay tumulak patungong Alabang para sa kanilang programang tumagal hanggang tanghali. Samantala, ang mga kolehiyala ng BHBC naman ay naglinis ng kanal at kalye, at pagkatapos ay nagdaos ng Lunch Fellowship. Kinakitaan din ng galak sa pakikiisa ang mga tatay mula sa mga klase ng Young Builders, Cheerful 04

Achievers, Joyful Beginners, at Young at Hearts. Sa nilalayong pagtatapos ng proyekto bago ang Oktubre 25, ito ay lubos na nangangailangan ng panalangin at pananalapi ng buong kongregasyon. Lahat tayo ay patuloy na makiisa! Sa Diyos ang papuri!


Ako’y Maglilingkod Pa Rin! Sa isang simbahan sa Inglatera ay masigasig na nagtatrabaho ang isang janitor. Nang malaman ng mga diakonong ang lalaking ito ay hindi marunong magbasa at sumulat, agad siyang tinanggal sa kanyang responsibilidad sa simbahan. Hindi nga man lamang nakatapos ng unang baitang sa elementarya ang janitor na ito. Sa kanyang paninibugho, ang kakarampot niyang ipon ay ipinamuhunan sa maliit na negosyo ng pagtitinda ng sapatos. Hindi naglaon at ang kanyang hanapbuhay ay lumago hanggang sa ito ay nakabili pa ng ilang pwesto sa iba’t ibang bayan. Sa pangkalahatan, kumikita ito ng malaking halaga kada-buwan. Minsan, may isa pang negosyante ang sa kanya ay nagtanong, “Para sa isang taong hindi marunong magbasa at sumulat, tunay na kahanga-hanga ang iyong pagpupunyagi. Kung ikaw ay nakapag-aral noon, ano kaya ang buhay mo ngayon?” Sumagot ang lalaki, “Ako marahil ay janitor ng simbahan.” Tunay na hindi matatawaran ang ginawang paninindigan ng janitor na ito. Kung may babaguhin nga kaya ang Panginoon sa ating nakaraan, mananatili pa rin ba tayo sa katayuan ng ating paglilingkod sa Kanya? Maaalala natin ang mga Israelita nang sila ay hinabol ng Paraon at ng mga kawal nito, habang ang Dagat na Pula ay nasa harap nila at walang masuotan para sila ay maligtas. Dahil sa kagipitan ay nasambit nila kay Moses, “Is not this the word that we did tell thee in Egypt, saying, Let us alone, that we may serve the Egyptians? For it had been better for us to serve the Egyptians, than that we should die in the wilderness” (Exodus 14:12). Gaano na nga ba kalalim ang pagkabaon ng iyong puso sa gawain ng Panginoon? Marahil ikaw ay nagsuko na ng buhay sa Diyos at minsan na ring nangakong susundin ang Kanyang kalooban; subalit ang lahat ng ito ay binaliktad mo nang ang karamdaman ay dumapo sa dating maayos mong kalusugan. Kapag ang laman ng iyong pitaka ay hindi na sapat para pambili ng shampoo mo, at ang kalahati ng commitment mo ay di mo pa naibigay, daglian mo bang

natatanong ang katotohanan ng Psalm 37:25 at Philippians 4:19? Ang desisyon mong “Ako’y maglilingkod pa rin!” ay maguugat lamang sa kagalakan mula sa taos-pusong pagpapagal para sa ikaluluwalhati ng Diyos. Tandaan nating ang paglilingkod ay hindi kailaman dapat ibatay sa emosyon, edukasyon o sa estado ng buhay. Hinihikayat tayo ni Haring David sa Psalm 100:2, “Serve the Lord with gladness…” Bagamat may mga mahihirap na sitwasyon sa buhay ay pinatunayan naman ni Apostol Pablong ang ginagawa ng bawat Kristyano sa Panginoon

ang siyang magiging daluyan ng lakas upang sa Kanyang biyaya ay manatili sa gawain, “I can do all things through Christ which strengtheneth me (Phil 4:13)”. Kaya nga, walang makahahadlang sa isang Kristyanong may malinis at tapat na motibo sa paglilingkod. Nawa, ang maging ugat ng ating determinasyong manatili sa gawain ay walang iba kundi ang pag-ibig ng Diyos na nagdulot ng kaligtasan sa atin, at gayundin naman, sa ating paglilingkod ay makita ang pag-ibig natin sa Kanya. 05


“Not slothful in business; fervent in spirit; serving the Lord;” —Romans 12:11 Sometimes we wonder why professing believers walk away from the opportunity of serving the Lord through the local church, CBBC-SPL. Sometimes Christians fall into the trap of shopping for what constitutes real service for Christ really means. However, the manifestation of a REAL JOYFUL SERVICE TO CHRIST boils down from the heart. AWAY WITH A DUPLICITOUS HEART. The Pharisees of Jesus' time had a hard time following God because of a duplicitous heart. They were in such opposition to His ministry and in His claim to being the Messiah. In Luke 16:13, the Lord admonished them by saying, “...Ye cannot serve God and mammon.” You cannot be coveting riches while serving God. You will either serve God or love the other. The Pharisees knew that if they follow Jesus Christ, then Jesus would be the Master of their lives and they did not want this. The Pharisees wanted to have control of their own worship and perception of religiosity. They were into this perverted teaching 06

that material possessions are a sign of spirituality—much of what the Prosperity Gospel preaches today. However, Jesus’ ministry proves that God alone is worthy to be served and that material wealth and blessings do not equate spiritual servitude. Most often, Christians tend to pursue wealth and edge away from serving God. The Lord is calling us to serve Him with a heart whose sole purpose is Christ. AWAY WITH A DERIDED HEART. These people had a derision in their heart as attested in verse 14, “And the Pharisees also, who were covetous, heard all these things: and they derided him.” Derided means “to turn one's

nose up.” The Pharisees desired to downplay Jesus’ teaching because they rejected the Person of Christ. The Pharisees were outwardly pious but inwardly full of covetousness. The great will in their lives was the things of this world and not the Lord Jesus Christ. This is why they had derision for Him. The Pharisees and the Scribes murmured during Jesus' time whenever they saw the Lord purportedly fellowshipping with sinners and violating the laws of Moses but really, they were deriding the Person of Christ and not recognizing Him as the fulfillment of the law. We, Christians today also tend to deride the work of God when we do not serve Him sincerely and faithfully. The Lord is calling us to serve Him with a heart desirous of Him and Him alone. AWAY WITH A DECEIVING HEART. The Pharisees would give their alms and offering for the purpose of portraying themselves as great; but the Lord admonished them, “...Ye are they which justify yourselves before men; but God knoweth your hearts; for that which is highly esteemed among men is abomination in the sight of God.” It is not just looking great but living right with the heart as Matthew 23:5 rebukes, “But all their works they do for to be seen of men: they make broad their phylacteries, and enlarge their borders of their garments.” Let us never get to the place where we are serving the Lord for the praise of men; otherwise we will lose the blessing of serving God. God indeed always looks at the heart when we serve and when we give. By His grace, let us serve HIM with a joyful heart.


Always Rejoice In The Lord, Being Thankful! Beata B. Agustin

Always rejoice in the Lord and in His granted salvation! Be thankful that you’re assured of heaven against hell’s awful damnation. Cheer up! Claim His promises with His faithfulness’ confirmation; Delight in His grace while overcoming doubt and confusion’s intervention. Eagerly seek Him for His guidance in your everyday direction!!! Always rejoice in the Lord as well as in His perfect Scriptures! Be thankful that you’re rescued from false teachings of religiosity’s procedures. Cheer up! Cleave to His truth with His testimony that forever endures; Depend on His Word while standing against vain philosophies of humanistic cultures. Earnestly ask Him for His wisdom for your godly gestures!!! Always rejoice in the Lord within His worship sanctuary! Be thankful that you’re enabled to praise Him for His acts of victory. Cheer up! Consider His deeds of wondrous miracles and marvelous glory; Desire for His presence while proclaiming His Gospel and redemption story. Excitedly meet Him for His revival for your soul from sin-injury!!! Always rejoice in the Lord along His ready strengthening! Be thankful that you’re empowered against worldliness’ draining. Cheer up! Cling to His might for faith’s bright refining; Dwell in His will while walking toward prosperous righteousness-gaining. Energetically follow Him for His leadership in your obedient learning!!! Always rejoice in the Lord for His abundant sufficiency Be thankful that you’re supplied midst scarcity and deficiency. Cheer up! Come to His fellowship with your trust’s fervency; Devote to His contentment while giving generously to His work by His mercy. Enthusiastically stick to Him for His blessings to your need’s urgency!!! Always rejoice in the Lord for His answered-prayer settlement! Be thankful that you’re encouraged to yield to Him every moment. Cheer up! Call His name, telling Him your sentiment and predicament; Draw to His throne of grace while begging for your supplication’s fulfillment. Expressively talk to Him for His favor upon your heavenly investment!!! Always rejoice in the Lord with His holy standards! Be thankful that you’re protected by His sanctifying safeguards. Cheer up! Choose His counsel while you work with your fellow-stewards; Do His commands while serving Him with all your best despite trials’ hazards. Expectantly wait for Him for His coming with His rewards for your labor-cards!!!

07


Dr. Ed M. Laurena, Pastor CHURCH ATTENDANCE Aug 23 & Aug 26 Sun. School Sunday AM Sunday PM Wednesday FTVs Baptisms

2, 380 2, 783 1, 477 518 97 16

St. Francis Homes 2, Landayan, City of San Pedro

SCHEDULE OF SERVICES SUNDAY ∙Sunday School ---- 8:30 am ∙Morning Service --- 9:30 am ∙Youth Fellowship -- 2:00 pm ∙Discipleship -------- 3:00 pm 7 Stage Discipleship Children's Discipleship Men Mentoring Men ∙Afternoon Service - 4:00 pm WEDNESDAY ∙Doctrine Class ----- 5:45 pm ∙Prayer Meeting----- 7:00 pm THURSDAY & SATURDAY ∙ Soulwinning and Visitation

Maaari Mong Matiyak ang Langit! Ang sabi ni Hesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay: walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.” Juan 14:6 Wala nang iba pang makapagliligtas sa iyo mula sa impiyerno. Magtiwala ka kay Hesus ngayon! Roma 6:23 “Kung ipahahayag ng iyong bibig na si Hesus ay Panginoon at mananampalataya ka nang buong pusong Siya’y muling binuhay ng Diyos, ikaw ay maliligtas”. Roma 10:9 1. Aminin mong ikaw ay isang makasalanan. Roma 3:10

2. Magsisi ka sa iyong kasalanan. Gawa 17:30 3. Manampalataya kang si Kristo Hesus ay namatay para sa iyo, nalibing at nabuhay namagmuli. Roma 10:9-10 4. Sa pamamagitan ng panalangin, tanggapin mo si Hesus sa iyong puso bilang iyong Tagapagligtas. Roma 10:13 Manalangin ka ng ganito: Panginoon, ako po ay isang makasalanan at nangangailangan ng kapatawaran. Nananampalataya po akong nadanak ang dugo ni Hesus at Siya ay

ACTS29 - the official Sunday publication of Christian

tel - (02)869.0433 cel - 0905.3004422 Website: www.cbbcphilippines.com Email address: admin@cbbcphilippines.com BIBLE READING Ezek 5-8 Mon Ezek 9-12 Tue Ezek 13-15 Wed Ezek 16-17 Thu Ezek 18-20 Fri Ezek 21-22 Sat Ezek 23-24 Sun namatay sa krus para sa akin. Nagsisisi po ako sa aking mga kasalanan. Tinatanggap ko po si Kristo Hesus sa aking puso bilang aking Tagapagligtas. Amen. Kung tinanggap mo si Hesus bilang iyong Tagapagligtas, ito na ang simula ng iyong bagong buhay kay Kristo. Roma 8:1 Ngayon: 1. Basahin mo ang iyong Biblia araw-araw upang makilala pa nang lubusan si Kristo Hesus. 2. Makipag-usap ka sa Diyos sa panalangin araw-araw. 3. Manambahan ka sa isang simbahan na pinapangaral si Kristo at ang Biblia ang tanging pamantayan. 4. Ibahagi sa iba si Kristo Hesus. Bible Baptist Church


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.