Volume 24 Issue 39 Sept 28, '14
from your Pastor Magpasalamat tayo sa Diyos na tayo ay Kanyang minahal, kaya tayo ngayon ay may buhay na walang hanggan, tiyak na kaligtasan at naghihintay na tahanan sa langit. Purihin natin Siya sa Kanyang pagibig na lagi Niyang ipinararanas sa atin, kaya tayo ay nagkakamit ng kapatawaran tuwing tayo ay lumalapit sa Kanya nang may pagpapakumbaba at pagsisisi. Tunay ngang nais Niya tayong pagpalain ayon sa Kanyang saganang biyaya. Kaya naman ay pagsikapan nating magkaroon ng maayos, kalugod-lugod at positibong tugon sa Kanyang banal na layunin sa ating buhay. Sa ating mga sarili ay hindi natin ito magagawa, kaya kailangan natin ang Kanyang kapangyarihan, gabay at awa. Samakatuwid ay nararapat na tayo ay tuwinang manangan sa Kanya at manampalataya sa Kanyang Salita. Sa buwang ito ng Setyembre ay natutunan natin sa ating Sunday DR. ED M. LAURENA School ang mga aralin tungkol sa pagpapala ng Discipleship. Sa tulong ng Panginoon ay magpunyagi tayong isabuhay ang mga katotohanang binigyan diin katulad ng pagpapahalaga sa Salita ng Diyos, pagbibigay nang may kagalakan, pagkakaroon ng maka-Diyos na pag-uugali, at pag-aakay ng kaluluwa. Masumpungan nawa tayo ng Diyos na patuloy nating isinasagawa ang mga ito bilang Kanyang mga anak na masunurin at bilang Kanyang simbahang naninindigan sa Kanyang katuruan. Muli ay hinihikayat ko ang lahat na ating mahalin ang Diyos, sambahin Siya sa espiritu at katotohanan, at paglingkuran Siya nang may katapatan, dahil karapat-dapat Siyang tumanggap ng luwalhati at karangalan. Ipagpatuloy nating suportahan ang Kanyang gawain, habang ating ipinapanalangin ang bawat isa. Ganundin ay magsilbi tayong pagpapala sa iba habang tayo ay lumalago at nagbubunga sa ating pananampalataya. Sa Linggong ito at sa mga araw pang darating, unahin natin ang Panginoon at ang Kanyang kaharian. Magkaroon tayo ng marubdob na adhikaing masasambit sa mga salitang ito: “...It is good for me to draw near to God: I have put my trust in the Lord God, that I may declare all thy works� (Psalm 73:28).
Sunday School Outline
Church Bulletin
WE LEARN ABOUT SOULWINNING John 3:14-18 / Romans 10:14
I. Through discipleship, God’s people will learn that soulwinning is in the heart of the God-head. A. God the Father’s eternal love is the basis of our soulwinning endeavor. B. God the Son’s sacrificial work of authoring our eternal salvation is the basis of our soulwinning endeavor. C. God the Spirit’s divine act in convicting sinners to receive the eternal gift is the basis of our soulwinning endeavor. II. Through discipleship, God’s people will learn that soulwinning is the heartbeat of the Baptist Church. A. A Church that has no soulwinning program is a disobedient church. B. A Church that has no soulwinning program is a discouraged church. C. A Church that has no soulwinning program is a dying church. III. Through discipleship, God’s people will learn that soulwinning must be in the heart of every child of God. A. Church members are responsible to reach and strengthen their Jerusalem. B. Church members are responsible to reach and secure Judea and Samaria. C. Church members are responsible to reach and support the salvation of people unto the uttermost part of the earth.
Thriving Work Site Bible Study Celebrated its 1st Anniversary
T
HE BIBLE STUDY that is regularly conducted at the Barangay Hall of Urdaneta Village, Makati City victoriously held its first anniversary celebration last September 24. With Dr. Ed preaching the Gospel to 48 attendees, the occasion resulted in the salvation of 40 souls. The blessing-filled program exhibited God’s greatness, goodness and graciousness through the declared testimonies of thanksgiving and praises to the Lord for the changed lives and heavenly benefits being received from God through listening to His Word. Likewise, the Barangay Captain expressed his appreciation to the participants who are exerting their efforts to make the Bible Study a vital part of their weekly schedule. Considered as an office or work site Bible study, such spiritual endeavor is a product of believers’ prayer, preparation, participation, and especially of God’s power, provision and performance. Through the
Holy Spirit’s work, along our Church’s program, and their desire to win souls and to share the Gospel of Christ, Sis. Angeli Beth Abel and Sis. Emily Aguilar who are both dentists in the said Village initiated the Bible study a year ago. Today, the weekly Bible study has an average attendance of 20 being attended by Barangay staff and police force, with Rev. Jun Garapan preaching and teaching God’s Word.
THE BLESSINGS OF DISCIPLESHIP
A
KO PO SI Julius Marcos, at kilala po bilang Bro. Mac ng CBBC-Outreach, Jhongli Taiwan. Tunay ko pong nakilala at tinanggap ang Panginoong Jesus sa aking puso at nagbago ang aking buhay noong Oktubre 19, 2003 sa pamamagitan po ng preaching ni Ptr. Ed sa CBBC Kaohsiung Outreach. Ngunit, bata pa lang po ako ay nagkaroon na po ako ng pagkakataong makapunta at maka-attend ng Sunday School sa CBBC, San Pedro, doon po sa may ice plant. Pinasasalamatan ko ang Diyos sa Kanyang kadakilaan dahil nasumpungan Niya muli ako upang tubusin at tawagin para gamitin sa Kanyang gawain dito sa Jhongli, Taiwan. Di ko po kailanman inisip sa aking buhay na ako bilang isang makasalanang may maraming nagawang kalokohan ay maaaring baguhin at magamit sa Kanyang gawain. Sa CBBCO Kaohsiung, tinuruan kaming magbahagi ng Salita ng Panginoon patungkol sa kaligtasan, at iyan para sa akin ang mabisang discipleship na aking napagdaanan. Masasabi kong naging kasiyahan ko at ng aking asawa na maibahagi ang pagmamahal at kaligtasan sa pamamagitan ng ating Panginoon Hesus. Di naglaon ay inilipat ako ng Panginoon ng trabaho at dinala kami sa lugar ng Jhongli, Taiwan. Sa Jhongli ay naghanap kami ng Church kung saan kami ay makapaglingkod sa Diyos. May nakita naman kami ngunit hinahanap-hanap namin ang kaligayahan ng pagbabahagi ng Salita ng Panginoon. Dahil sa di namin maramdaman ang init ng pag-aakay ng kaluluwa sa simbahang aming dinaluhan doon, nanalangin kami para sa gabay at sa kalooban ng Diyos na makapagsimula ng gawaing naayon sa Kanyang pakay na ipangaral lagi ang Ebanghelyo ni Kristo. Salamat sa Diyos na Kanyang inilalagay sa aming puso araw-araw na makita ang pangangailangan ng kaligtasan ng bawat kaluluwa sapagkat alam naming totoo ang impyerno para sa mga taong di pa tinatanggap ang Panginoong HesuKristo. Sa biyaya ng Panginoon ay binigyan po kami ng pagkakataong makilala ang taong ginamit Niya para makasama namin sa isang dorm ng mga kalalakihan upang makapagbahagi ng Salita ng Diyos. Mula sa grupong iyon ay nagsimula ang gawain ng Panginoon dito sa Jhongli. Ginamit ng Panginoon ang Park kung saan una kaming nagtipon para sa Bible study na may apat na first time visitors. Sa aming pagpapatuloy sa pagbabagi ng Ebanghelyo ay unti-unti kaming nadadagdagan. Sa Park ay naranasan naming mag-aral ng Salita ng Diyos kahit ano pa ang panahon: minsan ay umuulan, minsan ay sobrang lamig at minsan naman ay may bagyo. Sa kabila ng mga ito, pinupuri namin ang Panginoon dahil tunay Siyang mapagpala. Nakita Niya ang lahat ng aming pangangailan at binigyan Niya kami ng mission house para sa aming maluwalhating pananambahan tungo sa Kanyang kapurihan. Ngayon, kami po sa CBBCO-Jhongli ay maglilimang taon na sa January 2015, at patuloy na pinagpapala at ginagamit upang ang pagmamahal at pagliligtas ng ating Panginoon ay maibahagi sa mga tao nang sila naman ay magkaroon ng katiyakan ng buhay na walang hanggan mula sa ating Panginoong Hesus. Sa Panginoon ang lahat ng papuri!
AREA 2 KNOW YOUR
AREA
Area Leader: Bro. Pops Villarosa Asst. Leader: Bro. JC Marquez Contact Number: 0906.550.1401
Places: Country Homes Muntinlupa City Hall Soldiers' Hill Village Green Heights Village Habitat Summitville Bayanan (leftside)
T
HERE IS ONLY one life that wins and that is a life hidden in Jesus Christ. When we became believers in Christ, there is a persistent foe in our midst whose goal is to defeat us. Every man may have a winning life and every man may live that life.
W
INNING IS DONE BY LOSING. This is a paradox that will never ever be grasped until we have done it. The verses in Matthew 16:24-25 implore us, “...If any man will come after me, let him deny himself, and take up his cross, and follow me. For whosoever will save his life shall lose it: and whosoever will lose his life for my sake shall find it.” The greatest sermon ever preached on the subject of salvation is the Sermon on the Mount. In Matthew 5:3, Christ describes the attitude of those who will enter the Kingdom: "Blessed are the poor in spirit; for theirs is the kingdom of heaven." Poverty of spirit is the foundation of virtue. It refers to someone so poor that he is forced to beg. Such a person is destitute, humbled by his wretched state. The Lord is saying that those who enter His Kingdom know they have no resources of their own. Until we know how wretched we are, we will never appreciate how precious Christ's forgiveness is. Until we know how utterly poor we are, we can never know how great His riches are.
W
INNING IS DONE BY DYING. If the Lord Jesus Christ has not died on the Cross of Calvary, there would not have been a glorious resurrection. He himself proved that death is swallowed up in victory. In our lives, victory is only achieved if we be yielded to the Spirit and dead to self. If we feed the dead in us instead of the living, then we would always find ourselves defeated and downtrodden. Out of the carcass comes the honey as Judges 14:9 attests, and out of our deadness life is born.
W
INNING IS DONE BY LOVING. There is a pervasive self-love amongst Christianity. We use Jesus Christ as a cloak to boost esteem and self-image. Genuine love is not focused on self but focused on God and others. The Scriptural passage in James 5:19-20 admonishes us, “Brethren, if any of you do err from the truth, and one convert him; Let him know, that he which converteth the sinner from the error of his way shall save a soul from death, and shall hide a multitude of sins” because “but love covereth all sins.” Proverbs 10:12. Let us not shove people away from true Christianity by our condemning attitude but rather draw and bring them in by a compassionate love that the Lord Jesus has exemplified during His earthly ministry.
W
INNING IS DONE BY LIVING. Living out our belief is not just expressed in an unmoveable righteousness but by reaching out to people that are dying as we once were. A person only starts to live when he can live outside himself. The Psalmist said, "The Lord is near unto those who are of a broken heart, and saveth such as be of a contrite spirit" (Ps. 34:18). We, too, must see the need and do the deed necessary to lift them from such a wreckage of a life. To continue wallowing in self-absorption is not living but merely existing, and such aimless existence that is! The culture of prevailing is about who ultimately wins. A life truly won by Christ is a winning life and a truly winning life is one that is winning souls of men. Let us be winners and make winners of others.
Sa Pag-aakay ng Kaluluwa Beata B. Agustin
Sa pag-aakay ng kaluluwa, ang Diyos ay ating kasama… Kaya pananampalataya’y ating panaigin sa kabutihang nagbubunga! Bilang Kanyang mga iniligtas, lagi nating asahan ang Kanyang biyaya, Pagkat sa bawat hakbang sa pagdadala ng Ebanghelyo’y Siya ang gumagawa!! Tunay ngang tinutulungan Niya tayo upang abutin yaong napapahamak at nawawala!!! Sa pag-aakay ng kaluluwa, ang Diyos ay ating patnubay… Kaya pagdududa’y ating iwaksi sa karunungan Niyang bigay! Bilang Kanyang mga anak, lagi nating hingin ang Kanyang gabay, Pagkat sa bawat dalangin sa katubusan ng makasalana’y ayon sa Kanyang pakay!! Tunay ngang inaalalayan Niya tayo para ilapit sa Kanya mga nawawalay!!!
Romans 10:14 How then shall they call on him in whom they have not believed? and how shall they believe in him of whom they have not heard? and how shall they hear without a preacher?
B
AGO NAISULAT ANG isang aklat na pinamagatang “Good News is For Sharing,” nakalap ng manunulat na si Lieghton Ford ang maraming kadahilanan sa hindi pagbabahagi ng malaking porsyento ng mga Kristyano ng Balita ng Kaligtasan. Ilan sa mga kinilalang sagot ay ang mga sumusunod: “Sa dami ng aking mga ginagawa, hindi ko na maalalang mag-witness.” “Busy ang mga tao, baka maging abala lamang ako sa kanila.” “Baka hindi ko masagot ang kanilang mga katanungan.” “Anong gagawin ko kung ayaw sumunod sa panalangin?” “Kilala nila ako (alam nila ang nakaraan ko), baka hindi sila maniwala sa sasabihin ko.” “Hindi ko alam kung paano sisimulan ang pagbabahagi.” Alin kaya sa mga ito ang malimit nating sambitin upang ikubli ang isang mas malaking dahilan para hindi mag-akay ng kaluluwa kahit alam nating ang kaligtasan ay kay Kristo lamang matatagpuan? Marahil kung aaralin nang mas malalim, ang pinakaugat ng mga kadahilanang ito (na minsan ay nagiging palusot na) ay ang takot na tayo ay tanggihan o iwaksi. Sa isang banda, ang nagiging sagabal talaga ay ang atin ding mga sarili –mga maling pananaw at panghihina ng loob. Ang “rejection” ay tunay
na nakapanghihina ng loob subalit kailangang lagi nating alalahanin ang halimbawang ipinakita ni Hesus. Hindi Niya ikinahiya ang krus kung saan mga kasalanan mismo natin ang napako roon, kasama Niya. Ito ay upang ang katuwiran ay ating makamtan sa pamamagitan ng pagtanggap sa Kanya. Paalala ito ng 2 Corinthians 5:21, “For he hath made him to be sin for us, who knew no sin; that we might be made the righteousness of God in him.” Ang pagbabahagi ng Ebanghelyo ay hindi dapat nakasentro sa nagbabahagi kundi sa Tagapagligtas at sa pag-ibig ng Ama. Mapalad tayong Kanyang nagagamit sa pangangaral, hindi sa ating kakayanan kundi sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu ang tao ay makauunawa, “…not by might, nor by power, but by my spirit, saith the LORD of hosts” (Zec 4:6). Mamulat nawa tayo sa pagtitiwala sa Panginoon upang ang sagabal sa pangangaral ay ating malampasan, tulad ni Apostol Pablo na kinilalang malaking pribilehiyo ang maging “preacher.” Sa lahat ng bagay naging kasapatan at kaligayahan niya ang mangaral; ito ang patotoo niyang binitawan sa pagtatapos ng aklat ng Mga Gawa, “Preaching the kingdom of God, and teaching those things which concern the Lord Jesus Christ, with all confidence, no man forbidding him” (Acts 28:31).
Sa pag-aakay ng kaluluwa, ang Diyos ay ating guro… Kaya pagsasabuhay ng Kanyang Salita’y ating isapuso! Bilang Kanyang mga binanal, lagi nating sundin ang Kanyang pagsugo, Pagkat sa bawat aralin tungkol sa langit ay Siya ang ipinapatotoo!! Tunay ngang tinuturuan Niya tayong mangaral ng tama sa ating paghayo!!! Sa pag-aakay ng kaluluwa, ang Diyos ay ating tagapagtanggol… Kaya pagkamatatakuti’y ating gapiin nang sa lunggati’y di mabuhol! Bilang Kanyang mga kawal, lagi nating itaguyod ang Kanyang hatol, Pagkat bawat tagumpay laban sa kaaway ay sa Kanyang kaharian nauukol!! Tunay ngang pinawawagi Niya tayo mula sa manunupil na humahabol!!! Sa pag-aakay ng kaluluwa, ang Diyos ay ating ilaw… Kaya pagbibigay-babala hinggil sa impyerno’y ating gawin sa Kanyang pagpukaw! Bilang mga pinawalang-sala Niya, lagi nating naisin ang Kanyang pagsasaklaw, Pagkat sa bawat diin sa pangangailangan kay Hesus ay Siya ang isinisigaw!! Tunay ngang tinatanglawan Niya tayo sa daang katuwiran ang nangingibabaw!!! Sa pag-aakay ng kaluluwa, ang Diyos ay ating kalasag… Kaya pagharap sa tao’y ating paigtingin nang katiyakan ng langit ay maihayag! Bilang mga tinawag Niya, lagi nating pakinggan ang Kanyang pagyakag, Pagkat sa bawat tumatanggap ng mabuting balita’y hinihimok ng Kanyang paliwanag!! Tunay ngang inaayos Niya tayo sa pamamaraang sakdal Niyang inilatag. Sa pag-aakay ng kaluluwa, ang Diyos ay ating kapangyarihan… Kaya pagmamataas at pagmamatigas ay ating iwaksi’t pagsisihan! Bilang mga katiwala Niya, lagi nating itaas ang Kanyang pangalan, Pagkat sa bawat pagpupunyagi sa katuparan ng dakilang tagubili’y Siya ang napapapurihan!! Tunay ngang pinalalakas Niya tayo habang Siya’y ating matapat na pinaglilingkuran!!!
Christian Bible Baptist Church
Preaching the Gospel that only Jesus Saves
Dr. Ed M. Laurena, Pastor CHURCH ATTENDANCE
Sept 21 & Sept 24 2, 551 2, 769 1, 231 443 167 37
Sun School Sunday AM Sunday PM Wednesday FTV Baptisms
Maaari Mong Matiyak ang Langit!
A
NG SABI NI HESUS, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay: walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.” Juan 14:6 Wala nang iba pang makapagliligtas sa iyo mula sa impiyerno. Magtiwala ka kay Hesus ngayon! Roma 6:23 “Kung ipahahayag ng iyong bibig na si Hesus ay Panginoon at mananampalataya ka nang buong puso na Siya’y muling binuhay ng Diyos, ikaw ay maliligtas”. Roma 10:9 1. Aminin mo na ikaw ay isang makasalanan. Roma 3:10 2. Magsisi ka sa iyong kasalanan. Gawa 17:30 3. Manampalataya ka na si Kristo Hesus ay namatay para sa iyo, nalibing at nabuhay namagmuli. Roma 10:9-10 4. Sa pamamagitan ng panalangin, tanggapin mo si Hesus sa iyong puso bilang iyong Tagapagligtas. Roma 10:13 Manalangin ka ng ganito: Panginoon, ako po ay isang makasalanan at nangangailangan ng kapatawaran. Nanampalataya po ako na nadanak ng dugo ni Hesus at Siya ay namatay sa krus para sa akin. Nagsisisi po ako sa aking mga kasalanan. Tinatanggap ko po si Kristo Hesus sa aking puso bilang aking Tagapagligtas. Amen. "Kung tinanggap mo si Hesus bilang iyong Tagapagligtas, ito na ang simula ng iyong bagong buhay kay Kristo." Roma 8:1 Ngayon: 1. Basahin mo ang iyong Biblia araw-araw upang makilala pa nang lubusan si Kristo Hesus. 2. Makipag-usap ka sa Diyos sa panalangin araw-araw. 3. Manambahan ka sa isang simbahan na pinapangaral si Kristo at ang Biblia ang tanging pamantayan. 4. Ibahagi sa iba si Kristo Hesus. ACTS29 - the official Sunday publication of Christian Bible Baptist Church
St. Francis Homes 2, Landayan, San Pedro, Laguna 4023 SCHEDULE OF SERVICES SUNDAY ∙Sunday School ---- 8:30 am ∙Morning Service --- 9:30 am ∙Youth Fellowship -- 1:30 pm ∙Discipleship -------- 3:00 pm 7 Stage Discipleship Children's Discipleship Men Mentoring Men ∙Afternoon Service - 4:00 pm WEDNESDAY ∙Doctrine Class ----- 5:45 pm ∙Prayer Meeting----- 7:00 pm Soulwinning & Visitation Thursdays and Saturdays tel - (02)869.0433 cel - 0905.3004422 or 0926.7247837 or 0917.8870954 www.cbbcphilippines.com admin@cbbcphilippines.com BIBLE READING Mon Tue Wed Thu Fri Sat Sun
Zech. 1-7 Zech. 8-14 Malachi 1-4 Matt 1-4 Matt 5-6 Matt 7-8 Matt 9-10