1026

Page 1

Volume 24 Issue 43 Oct 26, '14

from your Pastor Pasalamatan natin ang Diyos sa Kanyang patuloy na pagkilos sa ating buhay para sa ating kaayusan at ikabubuti, ganundin sa Kanyang pagpapala sa ating simbahan tungo sa ating pagtataguyod sa Kanyang gawain, lalung-lalo na sa pagtupad sa Dakilang Tagubilin. Sa Kanyang biyaya ay ating ipamuhay nang may sigla at galak ang Kanyang Salitang ating naririnig at natututunan sa tulong ng Banal na Espiritu bilang pagpapatunay ng ating pag-ibig sa Kanya at pagsunod sa Kanyang kalooban. Sa ating sarili ay mahirap itong gawin kaya kailangan nating umasa sa Kanyang kapangyarihan at habag, at magtiwala sa Kanyang gabay at karunungan. Ito ang katotohanang pinagdiinan ng ating mga aralin sa Sunday School tungkol sa “Discipleship Training” ngayong Oktubre na naglalayong ihayag ang kahalagahan at ilatag ang mga panuntunan sa pagsasanay sa ating mga mananampalataya bilang kamanggagawa sa pag-aakay ng kaluluwa at pagsulong ng Kanyang kaharian. Purihin din natin ang Panginoon sa mga napapanahong menDR. ED M. LAURENA saheng ipinapadala Niya sa atin sa pamamagitan ng Kanyang mga mangangaral at misyonero. Napakatapat sa atin ng Diyos na Kanyang tinutugon ang ating pangangailangan. Ang ating mga panalangin ay Kanyang sinasagot, katulad na lamang ng tagumpay ng Missions’ Conference sa Taiwan noong nakaraang Oktubre 10 na nagpalakas at naghamon muli sa mga kapatid natin doong magpunyagi sa pakikibahagi sa pagmimisyon. Tayo rin ay maghanda, manalangin at maki-isa para sa ating Missions’ Conference. Maging katuwang tayo sa gawain ng Diyos at magsilbi tayong kalakasan ng Kanyang simbahan sa pamumuno ng Panginoong Hesus habang ipinapatotoong “We are labourers together with God” (I Corinthians 3:9).


Sunday School Outline

Church Bulletin

TRAINING MISSIONARIES Acts 9:27-43

I. Through discipleship program, missionaries are being trained to have biblical conviction. A. The need of godless people is biblical conviction. B. The need of good people is biblical conviction. C. The need of God’s people is biblical conviction. II. Through discipleship program, missionaries are being trained to build the lives of others. A. Building the lives of others is through sound doctrine. B. Building the lives of others is through solid dedication. C. Building the lives of others is through strong determination. III. Through discipleship program, missionaries are being trained to be the best for God’s glory. A. Being the best for God is workable. B. Being the best for God is worthwhile. C. Being the best for God is His will.

7-STAGE DISCIPLESHIP PROGRAM COMMENCED TO ANOTHER SEASON OF VICTORY

C

HRISTIAN BIBLE BAPTIST CHURCH’S discipleship ministry from which fruitful soulwinners and new ministry workers sprout has victoriously celebrated its 12th Commencement Exercises last Sunday, October 12. Preceding the regular Sunday evening service, disciplees and disciplers gathered to praise the Lord for another triumphant season of teaching the Word of God through the Seven Stage Discipleship Program. Preacher Jonah Raña, as the ministry coordinator, headed the occasion where 105 disciplees were promoted and 7 ladies graduated. Selected individuals surely edified the congregation by their testimonies on how they have learned to enjoy growing in Christ with the guidance of their God-given committed disciplers. Citations were given to disciplees who garnered the most number of Souls Won, Tracts Distributed and First Time Visitors brought to church. A special number was also rendered by the disciplees from the Children’s Discipleship classes. Desiree Francisco, a sixth grader, also chosen as the Best Junior Disciplee, shared her blissful testimony of how this program got her excited to win souls for Jesus even at a tender age. As to the young people and adults’ graduating batch, they are expected to give back the favor in mentoring new converts starting this Sunday at the 3 o’clock discipleship time. Mrs. April Paldo emerged as the Most Outstanding Disciplee. She considered this feat as a higher form of recognition compared to a Bachelor’s Degree in a secular college. While sharing her testimony, tears fell down as she remembered bringing her two sons in soulwinning, her infant in a stroller and the elder boy being a toddler. God was indeed good that she was used for the salvation of over 6oo souls this year. As a reward, she received a certificate, CDs of special edition and a gift Bible. To conclude the event, Dr. Ed Laurena expounded on the theme verse, Proverbs 20:6 which says: “Most men will proclaim every one his own goodness: but a faithful man who can find?” He reiterated that only by faithfulness can we really make disciples. Many people can be good, but God looks for our faithfulness. To God be the glory.


THE BLESSINGS OF DISCIPLESHIP

A

eaven on our minds. It has been quoted that, “The gospel is only good news if it gets there in time.” Stephen’s joyful countenance just before death wonderfully evidenced what was foremost in his mind. In Acts 7:55 “But he, being full of the Holy Ghost, looked up stedfastly into heaven, and saw the glory of God, and Jesus standing on the right hand of God.” Sadly, we get our minds too clouded with wretched things that they convolute to a shrinking mentality of the momentary. The Book of Revelation testifies of a reality which would occur in the coming day, “And after these things I heard a great voice of much people in heaven, saying, Alleluia; Salvation, and glory, and honour, and power, unto the Lord our God”-Revelation 19:1. We, too, must have heaven on our minds.

KO PO AY tunay na nagpapasalamat sa Diyos sa mga nag-uumapaw na biyayang ipinagkaloob Niya sa akin at sa pribilehiyo na ako’y magamit sa Kanyang dakilang gawain dito sa bansang Taiwan. Ako po ay naligtas noong Setyembre 11, 1994, at nabautismuhan noong Disyembre 28, 1994 sa Temple Baptist Church, Kabankalan City, Negros Occidental. Ako ay pinagpalang matanggap sa trabaho bilang Engineer sa Kaohsiung, Taiwan noong Oktubre, 2003. Yaon din ang ginawang kaparaanan ng Panginoon para ako ay mahamon mula sa aking natutulog na Kristyanismo. Sa mayamang biyaya ng Panginoon, ako sa unang pagkakataon ay nakapagbahagi ng Gospel Message noong taong 2004. Sa pamamagitan ng mapursige, maalab, at makukulit na follow-up at Bible Studies ng mga kapatiran ay malalim na naitanim sa aking puso ang kahalagahan ng gawain ng Diyos. Aking napagtanto na wala nang iba pang dadakila sa buhay na ipinamumuhay kay Kristo Hesus. Ako’y lubos na nagpapasalamat sa mga kapatirang yaon na nagbigay ng kanilang oras at buhay para sa aking ikatututo. Ang iba sa kanila ay wala na sa Taiwan at nasa iba’t-ibang dako ng mundo pero ang kanilang bahagi sa aking buhay ay patuloy na namumunga. Sa pamamagitan ng Practice Preaching at Songleading sa Outreach ay natuto po akong magsalita at umawit para sa Panginoon. Ako din ay napagkatiwalaan sa Ushering Ministry, Songleading at Choir Ministry. Nabiyayaan din akong maghayag ng Salita ng Diyos sa regular Bible studies, Sunday School at Worship Services. Ako po ay lubos na kinabahan sa aking unang preaching noong 2006 dahil umuwi at natapos na ang working contract ng mga preacher doon at ako na ang kailangang mag-“Preach the Word, cry aloud and spare not!” Salamat sa Training na ginamit ng Diyos upang ako ay masanay at mahubog sa gawain. Tunay ngang walang katumbas na pagpapala ang paghahanda sa akin ng Panginoon sa susunod na antas ng pananampalataya at paglilingkod. Sa kasalukuyan, ako po ay nangangaral sa regular Sunday Services at Bible Studies tuwing Martes hanggang Huwebes sa Mission House at Sabado sa kalapit-bayang Tainan. Isama po ninyo ang pagsisimula ng Outreach doon. Yaong mga kapatirang nagtapos sa Discipleship Lessons ng ABCs of Christian Growth at Forty-Three Steps ay nagtuturo na rin sa mga bagong miyembro. Lahat ay nagpupunyaging matuto at magturo at nagagalak na isagawa ang Discipleship. Kung loloobin ng Panginoong iiwan ko ang bansang Taiwan at ilalagay sa ibang lugar, ako ay naniniwalang ang gawain ay magpapatuloy dahil sa Discipleship Program na batay sa King James Bible. Purihin ang Panginoon sa Kanyang kadakilaan!

H

Bro. Paul Aller

“And a vision appeared to Paul in the night; There stood a man of Macedonia, and prayed him, saying, Come over into Macedonia, and help us. And after he had seen the vision, immediately we endeavoured to go into Macedonia, assuredly gathering that the Lord had called us for to preach the gospel unto them.” - Acts 16:9-10 Early believers came to an understanding that mission-work is the priority of their age. If we see the business of God’s people chronicled in the Book of Acts, we will see an urgency for the salvation of men which is direly lacking in our time. Yet, we are in a time when missions are at the very forefront of God’s mind. It could not be evaded that our generation of Christians is responsible for this generation of souls on the earth.

H

eathen in our hearts. When James Calvert went out as a missionary to the cannibals of the Fiji Islands, the ship captain tried to turn him back, saying, "You will lose your life and the lives of those with you if you go among such savages." To that, Calvert replied, "We died before we came here." We easily and dramatically talk of the Second Coming when half the world has never even heard of the first coming--Christ’s birth, death, and resurrection as payment for man’s sin-debt. Psalms 98:2 says, “The LORD hath made known his salvation: his righteousness hath he openly shewed in the sight of the heathen.” We, too, must have the heathen in our hearts.

H

ope in our spirits. David Livingstone, the very remarkable Scottish-English missionary to the Africans in 1800’s emphatically asserted, "Sympathy is no substitute for action." We see of the dire misery of the hungering, the hopeless, and the helpless and just easily dismiss them as sorry victims of a circumstance and society that is equally hopeless and helpless. We see many people and say, “There are so many.”…and yet we do not really see any… by our impersonal indifference for the souls of men. Yet Colossians 1:27 exhorts us to make victors out of victims, “To whom God would make known what is the riches of the glory of this mystery among the Gentiles; which is Christ in you, the hope of glory.” This hope maybe the only lifeline any person could ever have to live honourably and with dignity towards God and men. We, too, must be bearer of this hope in our spirits. It is an irreplaceable privilege to be a part of the CBBC San Pedro Church family. The LORD has designed that the mark of this great church is not its seating capacity, but its sending capacity for missions. Our love, as individual members of this Church family is the root of its mission’s endeavour; sacrifice is its fruit in our lives. May we catch in our minds, hearts, and minds the vision for missions.

MINISTRY IN FOCUS SENIOR COLLEGE MEN

S

INCE JUNE THIS year, in the thrust of reaching the spiritual needs of every male collegian, the class of young college men was divided into two smaller groups. The Junior class which was earlier featured is composed of freshman and sophomore college men while the Senior class is comprised of third year, fourth year and graduating men from the secular academe and CBBC’s very own Baptist Heritage Bible College. Every Sunday morning, 25-30 students gather at the BHBC Library. Their assembly is majority made up of secular college students while in the evening fellowship, they increase to a maximum attendance of 40 due to Bible students enjoining them. With the leadership of their newly instituted Sunday School Teacher, Bro. Julius Dayandayan, these young men continue to be encouraged in involving in the ministry as some of them are being fruitful soulwinners and faithful ministry workers remarkably reaching their classmates and the community for the Gospel and growth in the Word of God. With their increasing love for God, and through the Biblical guidance of this church, they are built up to be committed to serve Him through whatever vocation they will be into after college. To God be the glory!


ANG KAWALAN NG KABIGATAN PARA SA KALIGTASAN

M

ATAPOS ANG KANYANG pagkaligtas, si Sadhu Sundar, isang dating Hindu ay kaagad na nakadama ng panawagan para maging misyonero sa India. Bago niya tuluyang iwanan ang dating pananampalataya, isinama siya ng kaibigang monghe sa monasteryo sa bundok ng Himalayas. Wala sa hinagap niya na ang susunod na mga pangyayari ay magpapalalim pa ng kanyang kabigatan para sa kaligtasan ng maraming kaluluwa. Sa kasagsagan ng malakas na pagpatak ng niyebe, ang simoy ng malamig na hangin ay tila espadang gumuguhit sa kanyang balat. Sabi ng monghe sa kanya, "Dapat makarating tayo sa monasteryo bago sumapit ang dilim. Kung hindi, aabutan tayo ng umaga na malalamig na bangkay!" Sa kanilang paglalakbay, narinig ni Sadhu ang isang ingay ng lalaking nananaghoy at humuhingi ng saklolo. Ganun na lamang ang pagkabahala niya kaya nga hinanap niya kung saan nagmumula ang ingay. Bilang isang Kristyano, nais niyang matulungan ang lalaki. Samantala, ang monghe naman ay nagngingitngit dahil sa oras na kanilang hinahabol. Hindi pinansin ni Sadhu ang monghe, bagkus daglian niyang nilapitan ang lalaking halos nasa bingit na ng pagkabulid sa malalim na bangin. Bali na ang buto nito sa kaliwang binti. Kinuha ni Sadhu ang kanyang kumot at balabal, ibinuhol at unti-unting iniakyat ang sugatang lalaki. Banlas-pawis siya habang tinatahak nila ang daan papunta sa monasteryo, sumusunod sa yapak ng monghe na nauuna na sa kanila. Sa pagtatakip-silim, nadapa ang dalawa sa may hagdan bago sumapit ang pinto. Isang malaking harang ang sa kanila ay lumantad. Nang mausisa ni Sadhu, ito ay ang monghe na nanigas at namatay na dahil sa lamig. Makalipas ang sampung taon, si Sadhu ay walang dudang naging misyonero. Isang kabataan ang sa kanya ay minsang nagtanong: "Ano po ang pinakamahirap sa ministry?" Sumagot si Sadhu, "Ang nagpapahirap sa ministry ay ang kawalan ng kabigatan para sa kaligtasan ng sangkatauhan." "Say not ye, There are yet four months, and then cometh harvest? behold, I say unto you, Lift up your eyes, and look on the fields; for they are white already to harvest." -John 4:35 Si Hesus na Tagapagligtas mismo ang nagsabi na wala nang mas nararapat pang panahon para mag-akay ng kaluluwa kaysa ngayon. Naririnig natin ang panaghoy ng mga tao, “I looked on my right hand, and beheld, but there was no man that would know me: refuge failed me; no man cared for my soul. (Psalm 142:4)” Tandaan natin ang isang tanyag na kawikaan mula sa isang preacher, "Every heart with Jesus in it is a missionary, and the heart without Him is a mission field." Ipagsusulit natin sa Panginoon ang bawat kaluluwang dapat ay nabahaginan natin ng Salita ng Diyos. Ang pagsunod sa Dakilang Tagubilin ang syang tanging makapagpapagaan ng kabigatan natin para sa kaligtasan ng sanlibutan. Bawat isa sa atin ay maaaring maging misyonero!

Kailangan Ka Sa Gawain Ng Diyos Bilang Misyonero Beata B. Agustin Kailangan ka sa gawain ng Diyos bilang misyonerong nag-aakay ng kaluluwa Dahil marami ang mapapahamak sa impyerno bunga ng pagkakasala! Hwag mong ipagkait ang natanggap mong kaligtasang napakahalaga; Maging masigasig ka sa iyong pananampalataya… Nang ang mga nawawala’y sa Panginoong Hesus mo madala!!! Kailangan ka sa gawain ng Diyos bilang misyonerong naghahayag ng katotohanan Dahil marami ang bulag sa makalangit na karunungan! Huwag mong sarilinin ang ibinigay sa iyong buhay na walang hanggan; Maging matiyaga ka sa pagbabahagi ng pag-ibig ng Diyos na dulot ay katubusan… Nang ang mga naghahanap ng katuwira’y maituro mo kay Hesus-ang tamang daan!!! Kailangan ka sa gawain ng Diyos bilang misyonerong hatid ay maka-Bibliyang pangangaral Dahil marami ang nalilito’t nadadaya kaya’t sa maling doktrina nabubuwal! Huwag mong itago ang iyong natutunan tungkol sa Kristyanismong marangal; Maging masipag ka sa pagkatuto’t pagtuturo ng Salitang Banal… Nang ang mga naguguluha’y maisama mo sa liwanag at di sila mananatiling hangal!!! Kailangan ka sa gawain ng Diyos bilang misyonerong nagpapalakas ng katawan ni Kristo Dahil marami sa simbahan ay mga bagong miyembro! Huwag mong hayaang manghina ang iba sa iyong pakikipagtalo; Maging mapanalanginin ka’t handang dumamay sa mga nanlulumo… Nang ang mga nagnanais tumatag ay matulungan mong lumago!!! Kailangan ka sa gawain ng Diyos bilang misyonerong malugod na nagbibigay Dahil marami ang manggagawang Kanyang isusugo ayon sa itinalaga Niyang pakay! Huwag mong ipagdamot kayamanang sa iyong pangalan nakalagay; Maging masaya ka sa iyong paghahandog, pagkakaloob at pag-aalay… Nang ang mga misyon ay maisulong tungo sa maluwalhating pagtatagumpay!!! Kailangan ka sa gawain ng Diyos bilang misyonerong tinutupad ang dakilang tagubilin Dahil marami ang naghihintay na marinig ang Ebanghelyo’t dapat silang abutin! Huwag mong hintaying huli na ang lahat bago ang panawagan sa iyo’y tugunin; Maging maagap ka sa pagtalima’t ang Panginoo’y maalab na sundin… Nang ang mga nasa dilim ay makasumpong ng biyaya’t sila ri’y pagpalain!!! Kailangan ka sa gawain ng Diyos bilang misyonerong naglilingkod nang tapat Dahil marami ang naghahanap ng halimbawang may kabanalang iniuulat! Huwag mong maliitin ministeryong iniatang sa iyong balikat; Maging mabuti kang katiwalang laging nagpapasalamat… Nang ang mga kapatira’y mahimok unahin ang Panginoon higit sa lahat!!!


Christian Bible Baptist Church

Preaching the Gospel that only Jesus Saves

Dr. Ed M. Laurena, Pastor CHURCH ATTENDANCE

Oct 19 & Oct 22 2, 625 2, 701 1, 167 471 127 17

Sun School Sunday AM Sunday PM Wednesday FTV Baptisms

Maaari Mong Matiyak ang Langit!

A

NG SABI NI HESUS, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay: walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.” Juan 14:6 Wala nang iba pang makapagliligtas sa iyo mula sa impiyerno. Magtiwala ka kay Hesus ngayon! Roma 6:23 “Kung ipahahayag ng iyong bibig na si Hesus ay Panginoon at mananampalataya ka nang buong puso na Siya’y muling binuhay ng Diyos, ikaw ay maliligtas”. Roma 10:9 1. Aminin mo na ikaw ay isang makasalanan. Roma 3:10 2. Magsisi ka sa iyong kasalanan. Gawa 17:30 3. Manampalataya ka na si Kristo Hesus ay namatay para sa iyo, nalibing at nabuhay namagmuli. Roma 10:9-10 4. Sa pamamagitan ng panalangin, tanggapin mo si Hesus sa iyong puso bilang iyong Tagapagligtas. Roma 10:13 Manalangin ka ng ganito: Panginoon, ako po ay isang makasalanan at nangangailangan ng kapatawaran. Nanampalataya po ako na nadanak ng dugo ni Hesus at Siya ay namatay sa krus para sa akin. Nagsisisi po ako sa aking mga kasalanan. Tinatanggap ko po si Kristo Hesus sa aking puso bilang aking Tagapagligtas. Amen. "Kung tinanggap mo si Hesus bilang iyong Tagapagligtas, ito na ang simula ng iyong bagong buhay kay Kristo." Roma 8:1 Ngayon: 1. Basahin mo ang iyong Biblia araw-araw upang makilala pa nang lubusan si Kristo Hesus. 2. Makipag-usap ka sa Diyos sa panalangin araw-araw. 3. Manambahan ka sa isang simbahan na pinapangaral si Kristo at ang Biblia ang tanging pamantayan. 4. Ibahagi sa iba si Kristo Hesus. ACTS29 - the official Sunday publication of Christian Bible Baptist Church

St. Francis Homes 2, Landayan, San Pedro, Laguna 4023 SCHEDULE OF SERVICES SUNDAY ∙Sunday School ---- 8:30 am ∙Morning Service --- 9:30 am ∙Youth Fellowship -- 1:30 pm ∙Discipleship -------- 3:00 pm 7 Stage Discipleship Children's Discipleship Men Mentoring Men ∙Afternoon Service - 4:00 pm WEDNESDAY ∙Doctrine Class ----- 5:45 pm ∙Prayer Meeting----- 7:00 pm Soulwinning & Visitation Thursdays and Saturdays tel - (02)869.0433 cel - 0905.3004422

www.cbbcphilippines.com admin@cbbcphilippines.com BIBLE READING Mon Tue Wed Thu Fri Sat Sun

Luke 8-9 Luke 10-11 Luke 12-13 Luke 14-16 Luke 17-18 Luke 19-20 Luke 21-22


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.