1109

Page 1

Volume 24 Issue 45 Nov 9, '14

from your Pastor “Thank you for giving to the Lord.” This theme of our recentlyconcluded Frontliners and Missions’ Conference has expressed clearly our hearts’ gratefulness to God and to those who are helping mission works. It has also resounded loudly our spirits’ cheerfulness in giving. “All glory be to God!” is what we can exclaim for the victory He has wrought in the mission-focused occasion we had just hosted that aimed to prioritize what is closest to God’s heart: keeping people out of hell. We are aware that mission work delights God; and we thank Him for enabling us as a church and as individual Christians to do our utmost part and give our all in the fulfilment of the Great Commission. Thank you, Church, for giving to the Lord because you love God. Thank you for being very supportive, participative and active in the work of the Lord. I commend you for allowing God to use you to become a blessing in our last week’s mission-gathering. You have once again shown your devotion to our God and commitment to our church’s heavenly endeavour through your labour of love along DR. ED M. LAURENA with your sacrifices, contributions and gifts for the missionaries, preachers and God’s workers who attended. As your Pastor, I am truly thankful to have you as my co-labourers in advancing God’s kingdom and as my faithful partners in the ministry. Together, by the grace, love, mercy, and power of the Lord, let us all continue abounding in the work of the Lord (I Corinthians 15:58). Truly, we thank and praise God for using our church to send-out, support, sustain and strengthen missionaries. We then must keep on trusting God, increasing our faith in Him while pursuing to accomplish more in praying and providing for, and in performing and participating in mission works for the glory of God. All these we can surely do if we first give ourselves to the Lord, by the will of God (II Corinthians 8:5).


Sunday School Outline DISCIPLESHIP PROMOTES THE SENDING AUTHORITY Acts 13:1-3 / Romans 10:14-15

I. Discipleship promotes the genuine love of the sending authority to the sinful world. A. The Church’s daily activities practice this genuine love. B. The Church’s weekly program proves this genuine love. C. The Church’s pulpit presents this genuine love. II. Discipleship promotes the generous love of the sending authority to the servant-missionaries all over the world. A. This is shown through supplication. B. This is shown through sincere love. C. This is shown through our support. III. Discipleship promotes the great love of the sending authority to the Saviour. A. Our objection shows our ingratitude. B. Our obedience shows our great love and gratitude for the Saviour.

Church Bulletin

S

FRONTLINERS’ CONFERENCE PRESENTS DIVIDED SESSIONS BY DESIGN

EEING THE VARYING needs of our church’s ministerial Frontliners in the Baptist Fundamental circles across the country, the Frontliners’ Conference also aimed to equip the servants during the morning and afternoon divided sessions. By design, sessions were divided to classes for Pastors/Preachers, Pastors/Preachers' Wives, Sunday School Teachers for Children, Sunday School Teachers for Young People and Adults, Music Ministers, and Ushers/Greeters. The emphasis for the Pastors and Preachers during the sessions were on “Things Learned During Conferences,” “Realities in the Ministry,” and “Growing our Members in our Pulpit” as respectively given out by Ptr. Flor Ventura, Ptr. Genesis Refugio, and Dr. Gil Laurena. Complementing those sessions, the dutiful wives were exhorted to fulfill spiritually their versatile roles as Helpmeet, Homemakers, and Mommies as was taught by Ma'am Norie Calicdan, Ma'am Hydie Refugio, and Ma'am Dhel Laurena. Likewise the Sunday School teachers for the children’s department to young people and adults were reminded of the primacy of teaching the next ministers with an unadulterated Biblical teaching

and doctrine outpouring from a heart that is truly yielded to Biblical authority. The music ministers were also wonderfully educated and enlightened about the dangers of diverting to modernistic syncopated sensual beats and rhythms. They were admonished to be mindful cautiously so as not to incorporate worldly ways with God’s music in the hope of attracting or impressing a crowd but should always aim for God’s glory and sanctification of His people. Likewise, the renewed team of Ushers and Greeters were given tools from God’s Word to set the mood and atmosphere of the congregation by creating early on at the start of each service an amiable, cheerful, and helpful atmosphere. Indeed, the lessons taught were generally caught and embraced by the ministers, frontliners and members. The gathering was also an opportune time for reunion, revival, and renewal to be more engaged and effective to carry out and proclaim the message of salvation to the nations.


CHOIR NG IBA’T-IBANG CBBC CHURCHES AT MISSIONS: NAGTANGHAL SA MISSIONS’ CONFERENCE

P

AGPAPASALAMAT AT PAGPUPURI sa Panginoon ang pumailanlang noong ating Missions’ Conference. Tampok dito ang iba’tibang awiting pang-misyon na itinanghal ng mga choir ng mga simbahan at mission na nanggaling sa ating simbahan. Noong unang gabi ay ipinadama sa atin ng ating CBBC Choir ang pusong mapagpasalamat sa awiting “Pasasalamat sa Kaloob” na siyang Missions’ Conference 2014 theme song. Nagbigay inspirasyon naman ang special number ng CBBMission-Lipa na “It’s Not in Vain.” Sinundan nito ng marubdob na pag-awit ng choir ng CBBC-Dagupan ng “Hear Their Cry at So Many People to Win.” Napakamaluwalhating “Hold Up the Light” naman ang idiniin ng Choir ng CBBC-Fort Bonifacio. Bago mangaral ang ating Pastor, inawit nang may sigasig ang “I Cheer You On.” Sa umaga ng pangalawang araw ay bumungad sa atin ang awit na “Go Ye Into All The World ng CBBM-Candelaria. Nagbigay papuri tayo sa Diyos habang ang “Ten Thousand Hallelujas” ay buong galak na inawit kasama ng mga instrumento ng mga taga CBBOutreach-Dasmariñas. Hinamon tayo ng awiting “Each One, Reach One” ng CBBC-Sta. Cruz. Muli ay itinaguyod tayong makinig ng Salita ng Diyos habang inaawit ng CBBC Men’s Quartet ang “Faithful in the Ministry.” Kinagabihan, pinukaw tayo ng ating Junior Choir sa kanilang medley na “I Want to be a Missionary.” Handog ng pasasalamat ang narinig natin mula sa CBBC-Tanza sa kanilang “I Want to Thank You, Jesus.” Samantala, pagpapatotoo ang hatid ng “Changed” ng Joint-Choir ng CBBC-Calauan at CBBM-San

Pablo City. Masiglang inihayag ng CBBCTanauan Choir ang kanilang pagtitiwala sa Panginoon sa awiting “Manangan sa Kanya/ Alam ng Diyos.” Inihanda tayo ng ating Ladies’ Trio sa pangangaral ng Salita ng Diyos sa kanilang “Why We Go.” Patuloy na ginamit ng Panginoon ang mga awitin upang palakasin tayo sa huling araw ng Conference. “Be the One” ang mapagsumamong paanyaya ng CBBMAntipolo; habang pinapili tayong may karunungan ng awit na “Diyos O Kayamanan” na mariing itinanong ng CBBM-Noveleta. Nagbigay kaaliwan naman ang pagsilendro ni Pastor Alvin Reyes ng “Count Your Blessings.” Mapagpunyaging “Unti Then” ang inilahad ng CBBC-Los Baños, at nananawagang “The Kingdom Work of God” ng ating Mixed Quartet ang nagtuon sa atin sa pagtalima sa mensahe ng tagapagsalita. Noong pinakahuling gabi, inawit nang may paninindigan ng CBBC-Bauan Choir ang adaptation ng “We Preach Christ” sa Tagalog. Ipinamalita ng CBBC-Manila Choir ang pakay ng simbahang ganapin ang Dakilang Tagubilin sa awiting “To the Ends of the Earth.” Naguumapaw naman sa pagsamba ang inihain ng pangwakas na awiting “Ano ang Ihahandog?” Tunay ngang sa Diyos ang karangalan sa Kanyang kadakilaan at kapangyarihang naipahayag at naipadama ng mga awiting nagtaas at nagbubunyi ng Kanyang pangalan at katapatan; ganundin ay nagpapalakas sa Kanyang mga banal. Ating tuwina ipamuhay ang katotohanan ng Psalm 149:1, “Praise ye the LORD. Sing unto the LORD a new song’ and his praise in the congregation of saints.”


PANGANGARAL NG SALITA NG DIYOS: BINIGYANGDIIN SA MISSIONS’ CONFERENCE

N

AMULAT ANG ATING simbahan na walang kabuluhan ang isang pagtitipon kung wala ang pangangaral ng Salita ng Diyos mula sa mga lalaking pinili upang maibahagi ito sa buong kongregasyon ng mananampalataya. Batid nating ang preaching ang pinakamahalagang bahagi ng programa sa buong okasyong ito. Hindi naman tayo binigo ng Panginoon dahil ang lahat ay tunay na nakinabang sa oras ng pakikinig at pagaaral. Hindi nga lumayo sa temang “Thank You for Giving to the Lord” ang limang sermon na pinangunahan ng ating butihing pastor, Dr. Ed Laurena. Hindi nagkulang ang naturang tagapagsalita sa kanyang makabuluhang paalala na ang impyerno ay totoo. Mula sa Matthew 5:22, ang mga tagapakinig ay walangtakot na binigyang-babala na kung hindi kikilos ay marami ang mapapahamak sa lugar kung saan lalo’t higit ang ating mga mahal sa buhay ay ayaw nating mapunta pagkatapos ng kamatayan. Impyerno rin ang siyang dapat magtulak sa atin na kung hindi man makapangaral sa malayong lugar ay makapagbigay naman para makapagsugo ng mga mangangaral doon. Dahil nga dito ay lalong nag-init ang apoy ng mga pastor at misyonero na kinilala rin noong gabing iyon. Nang sumunod na araw naman, bago dumako sa divided sessions ay inilarawan ni Dr. Adiel de Torres ng Carpenter’s Baptist Church ang makabuluhang pagbibigay. Hinikayat niya ang simbahang patuloy na magbigay para sa gawain dahil katulad ng sinabi sa Matthew 26:13 na “Wheresoever this gospel shall be preached in the whole world, there shall also this, that this woman hath done, be told for a memorial of her.” Samantala, ipinaliwanang ni Pastor Genesis Refugio ng Bible Baptist Church in Dipolog City ang malalim na kahulugan ng pagbibigay ayon sa Mark 12:41-44. Kinilala ng Panginoon ang paghahandog ng isang babae dahil ibinigay niya ang lahat (two mites), kumpara sa lahat ng nagbigay subalit bahagi lamang ng kanilang kasaganaan. “For all they did cast in of their abundance; but she of her want did cast in all that she had, even all her living (Mark 12:44).” Malinaw na naunawaan ng lahat na “There is No Poor in Giving.”

Sa huling araw ng Missions Conference, sinalubong naman ni Pastor Arnold Vallejo ng CBBC-Los Banos ang buong delegasyon ng katotohanan tungkol sa “Selfishness at Unselfishness”. Ginamit niyang halimbawa si Apostol Pablo sa konteksto ng Philippians 1:3-8. Ang tagapagsalita na dati-rating nangarap ng maraming karangyaan sa buhay para sa kanyang pamilya ay natutong magbigay dahil na rin sa patotoo ng Panginoong hindi niya pababayaan ang Kanyang mga anak lalo pa’t sumusunod at walang-alinlangang nagbigay ng buhay para sa kanya. Ang tanyag na “pusit story ” ni Pastor Arnold ang naging jumping board para maunawaan ng marami na: “Selfishness robs us of our joy;” habang “Unselfishness directs us to Christ-centeredness.” Ang pinakahihintay ng lahat na main challenge noong huling gabi ay ibinigay naman ni Dr. Gil Laurena ng CBBC-Taguig City. Matapang na naihayag sa likod ng pulpito ang dapat maging pananaw ng bawat Kristyano sa “pananalapi”. Aniya, “Money is what money represents.” Kung paano nga naman natin pinamamahalaan ang pera ay malinaw na indikasyon ng lalim ng relasyon natin sa Panginoon. Ipinahayag ni Dr. Gil sa liwanag ng Prov. 3:9,10 na ang pananalapi natin ay nararapat lamang magamit sa ikaluluwalhati ng Panginoon; at ang tanging paraan sa tamang pamamahala nito ay walang iba kundi sa pamamagitan ng “WISDOM” o karunungang mula sa Diyos na siyang pangunahing bagay sa buhay, taliwas sa ginagawa ng naliligaw na mananampalataya na nasisilaw at napapatakbo ng pera. Bilang pangwakas ay kanyang hinamon na ang diamonds ay gawin nating diadem sa pamamagitan ng pag-aadvance ng ating kayaman at pagpapagamit nito sa misyon. Sa kabuuan, tunay na hindi babalik ang Salita ng Diyos sa Kanya na walang kabuluhan. Bago nga matapos ang pagtitipon, nagpahayag ng commitment sa Faith Promise ang mga miyembro ng CBBC-City of San Pedro. Salamat sa Panginoon na sa naging pagtatapos ng okasyon, pangalan pa rin niya ang naitaas at naluwalhati! Tiyak na ang 699 na delegasyon ay umuwing pinagpala, dala ang desisyong patuloy na susuporta sa gawain ng Panginoon!

THE BLESSINGS OF DISCIPLESHIP

A

KO PO AY nagpupuri at nagpapasalamat sa Panginoon sa Kanyang kadakilaan at sa Kanyang kabanalan. Maraming salamat sa Kanyang banal na dugo na nadanak sa krus ng Kalbaryo para sa katubusan ng aking mga kasalanan. Pinasasalamatan ko ang Diyos sa Kanyang pagmamahal at sa pagbigay Niya ng Kanyang Bugtong na anak na si Hesu Kristo para sa aking kaligtasan sa kapahamakan sa impiyerno. Malaking biyaya po sa aking mapabilang sa programa ng “discipleship” ng CBBC. Tunay nga pong may paglago espirituwal na mangyayari kapag ang isang Kristyano ay nagpatuloy sa pakikinig ng Salita ng Diyos na may kagalakan at pagpapakumbaba sa kanyang puso. Ako po ay natuto sa Kanyang Salita sa biyaya ng Panginoon at tunay pong binago Niya ang mithiin ng aking puso at aking pananaw sa buhay. Ngayon po ay nagtuturo na rin ako sa biyaya ng Panginoon, at wala po akong ibang nais kundi maging isang sisidlan at daluyan ng pagpapala para sa iba. Isang napakalaking pribilehiyo pong dalhin ang Salita ng Diyos at ito ay ipangaral para sa kaunawaan at kaligtasan ng mga nasa kadiliman o ng mga hindi pa nakakakilala kay Kristo, at para sa ikalalago espirituwal ng mga mananampalataya. Bilang isang “discipler” at mangangaral, lagi kong pinapahalagahan ang panalangin dahil ito ang pinakasusi para mabuksan ang aking puso at malayang makagawa ang Banal na Espiritu sa aking buhay. Kagalakan ko pong makita ang mga anak ng Diyos na natuturuan sa kanilang paglago, pagpapatuloy, at pagkahulma para gumawa sa Panginoon. Ako po ay patuloy na natututo habang nagtuturo sa biyaya ng Panginoon. Tuwina ko pong ibinibigay sa Diyos ang bawat hakbangin ng aking buhay. Ang papuri at parangal ay ibinabalik ko po sa Panginoon.

- Preacher Leopoldo “Jay” Servino, Jr.

THE MAN WHO HONORS THE ORDER

T

Proverbs 21:5

HE AUTHORITY OF the local church rests in her Head, Jesus Christ (Eph 5:23). Henceforth, it is not us we but He who builds and multiplies the church, as He said, “All power is given unto me in heaven and in earth (Matthew 28:18).” However, it is undeniable that under this power is the overseeing function of the church pastor who is known to be the under shepherd. A biblical pastor under Christ initiates the work planned by the Head. He leads the church in recognizing the need for preaching the Word to the lost. His sermons always contain the Gospel, hence assuring that all guests would be led to the sinner’s prayer and that members, on the other hand, would respond to the challenge of committing their efforts to the Lord for the advancement of His work. He freely accepts the charge of the Great Commission which is not limited to the nearby cities only but also unto the uttermost parts of the earth (Acts 1:8). A biblical pastor understands the value of training leaders who will be sent out to extend God’s love to unreached places all over the world. A wise pastor does not keep all his best men, and send the rest. Rather, he continually gives attention in equipping leaders while realizing God’s hands working in their lives as faithful men who will soon multiply themselves in the mission field. He does not think of losing able men, but understands that God surely “would send forth labourers into his harvest, (Luke 10:2).” A biblical pastor undertakes the responsibility of guiding freshly starting missionaries. He keeps purity in his motives and does not try to send out men to many too soon, and then boast in his “church-planting or mission-minded efforts.” He holds the character and commitment until he sees how mightily God can give the increase to such work. We can now see how blessed we are to have a pastor whose heart beats for God and for whom God loves. The thoughts of our diligent pastor are always toward keeping people out of hell, thereby inviting us to greater rewards for eternity. His efforts in honoring the order in mission and church planting covet our continued support through prayers, ministry-involvement and faithful giving… all for God’s glory!


THE MISSION SENDING AUTHORITY “And he called unto him the twelve, and began to send them forth by two and two; and gave them power over unclean spirits.” -Mark 6:7 “And when he had called unto him his twelve disciples, he gave them power against unclean spirits, to cast them out, and to heal all manner of sickness and all manner of disease.” -Matthew 10:1

T

HESE TWO PARALLEL verses account for the men that had been for some time called by the grace of God, and were already the disciples of Christ. They were more familiar and intimate with Him, than the others who were also called disciples. They had sat down at His feet and had received His very words. They had heard His doctrines and had seen His very miracles. Jesus Himself trained them up for public ministerial work but had not yet called and sent them forth to enter on such service. Then when all things were ready, and they being properly instructed, and likewise the time for the conversion of a large number of souls was determined, He called them together privately. He gave them a commission to go preach the Gospel and ordained them ministers of the Word. He installed them into the office of an Undershepherd. There were undeniable and unbroken truths here that cannot be altered by the current modernistic and haphazard ways of church planting. Christianity is founded on the Person of Christ and must therefore follow the Precepts He has instituted for Authority to be attained.

A

UTHORITY SIGNIFIES A DEFINED PATH. Jesus Himself has trodden a path that was set before Him by the Father, as asserted by Matthew 3:3 “For this is he that was spoken of by the prophet Esaias, saying The voice of one crying in the wilderness, Prepare ye the way of the Lord, make his paths straight.” Dwight L. Moody was quoted saying this, “The tendency of the world is down – God’s path is up.” Jesus assures us of a proven path of certainty, a certainty that the results will be according to God's doing.

A

UTHORITY SIGNIFIES A DESIGNATED POWER. All others do not assure a power as potent as God does. There is a tremendous working of the Holy Spirit when we do things God's way. The Book of Acts evidences the events transpiring to the conversion of a multitude of personalities that otherwise would not have accepted Christ if the Holy Spirit’s power is not at work. We must ascribe this working power to the fact that the disciples were sent and ordained...thus, there was that authority which signified a designated power as 1 Corinthians 1:24 affirms, “But unto them which are called, both Jews and Greeks, Christ the power of God, and the wisdom of God.”

A

UTHORITY SIGNIFIES A PRAISE. Titus was burdened for the people of Macedonia and was found worthy to be a partner and fellowlabourer of the Gospel. He then endeavored to be the messenger of that locality having been sent by his mother church as attested in 2 Corinthians 8:16-17 “But thanks be to God, which put the same earnest care into the heart of Titus for you. For indeed he accepted the exhortation, but being more forward, of his own accord he went in unto you,” and so it resulted to the praise of God in verse 18 “...And we have sent with him the brother, whose praise is in the gospel throughout all the churches.” Authority signifies a praise to God that is unparalleled by its opposition. Since we know that the mission of God is ultimately the redemption of His whole creation and the extension of the knowledge of His glory to the ends of the Earth, the fact that God chooses human agents through the authority of a genuine New Testament Church to send and to use in accomplishing this mission is of great significance. To belong to God's church family is providing a reservoir of those whom God can send...either through us or by us. Let us promote the sending authority of the Church.

Halina sa Gawain ng Diyos Beata B. Agustin

Halina sa gawain ng Diyos na matagumpay. Iya’y panawagan para sa ating may kaligtasang tunay! Habang nagagalak sa natanggap nating walang hanggang buhay… Kasama tayo sa pag-aakay ng kaluluwa tungo kay Kristo sa Kanyang gabay!!! Halina sa gawain ng Diyos na makabuluhan. Iya’y utos para sa ating nagtataglay ng tiyak na katubusan! Habang pinakikinggan ang Kanyang Salitang dalisay sa katotohanan… Katulong tayo sa paghahatid sa mga nawawala kay Hesus-ang tanging daan!!! Halina sa gawain ng Diyos na mabiyaya. Iya’y hamon para sa ating sa hatol ng sala’y napalaya! Habang nananagana sa Kanyang pagpapalang nagpapaligaya… Kaisa tayo sa pagdadala ng ilaw Niya tungo sa tamang pananampalataya!!! Halina sa gawain ng Diyos na makalangit. Iya’y pagyakag para sa ating minahal Niya nang higit! Habang nananalangi’t sa Kanyang puso’y laging lumalapit… Katuwang tayo sa pagmamalasakit sa kapatid na di naghihintay ng kapalit!!! Halina sa gawain ng Diyos na maluwalhati. Iya’y pag-uudyok para sa ating pinatawad Niya’t kinakandili! Habang nagagalak na manangan sa Kanya sa paggawa ng mabuti… Kabalikat tayo sa pag-alalay sa mga nanghihina nang sila sa kalooban Niya’y manatili!!! Halina sa gawain ng Diyos na marangal. Iya’y panuntunan para sa ating nilinis ng Kanyang dugong banal! Habang nagpupunyaging lumakad sa katuwirang hatid ay magandang asal… Kaagapay tayo sa pagtuturo ng pamantayang alituntunin Niya ang ipinapangaral!!! Halina sa gawain ng Diyos na matatag. Iya’y paghimok para sa ating pinalalakas Niya kapag naduduwag! Habang nagpapatuloy sa paglilingkod kahit may pagsubok na nagpapatinag… Kabahagi tayo sa pagbibigay sa simbahan sa pagpuring Siya lamang ang maitanyag!!!


Christian Bible Baptist Church

Preaching the Gospel that only Jesus Saves

Dr. Ed M. Laurena, Pastor CHURCH ATTENDANCE

Nov 2 & Nov 5 2, 228 2, 583 1, 279 495 114 15

Sun School Sunday AM Sunday PM Wednesday FTV Baptisms

Maaari Mong Matiyak ang Langit!

A

NG SABI NI HESUS, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay: walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.” Juan 14:6 Wala nang iba pang makapagliligtas sa iyo mula sa impiyerno. Magtiwala ka kay Hesus ngayon! Roma 6:23 “Kung ipahahayag ng iyong bibig na si Hesus ay Panginoon at mananampalataya ka nang buong puso na Siya’y muling binuhay ng Diyos, ikaw ay maliligtas”. Roma 10:9 1. Aminin mo na ikaw ay isang makasalanan. Roma 3:10 2. Magsisi ka sa iyong kasalanan. Gawa 17:30 3. Manampalataya ka na si Kristo Hesus ay namatay para sa iyo, nalibing at nabuhay namagmuli. Roma 10:9-10 4. Sa pamamagitan ng panalangin, tanggapin mo si Hesus sa iyong puso bilang iyong Tagapagligtas. Roma 10:13 Manalangin ka ng ganito: Panginoon, ako po ay isang makasalanan at nangangailangan ng kapatawaran. Nanampalataya po ako na nadanak ng dugo ni Hesus at Siya ay namatay sa krus para sa akin. Nagsisisi po ako sa aking mga kasalanan. Tinatanggap ko po si Kristo Hesus sa aking puso bilang aking Tagapagligtas. Amen. "Kung tinanggap mo si Hesus bilang iyong Tagapagligtas, ito na ang simula ng iyong bagong buhay kay Kristo." Roma 8:1 Ngayon: 1. Basahin mo ang iyong Biblia araw-araw upang makilala pa nang lubusan si Kristo Hesus. 2. Makipag-usap ka sa Diyos sa panalangin araw-araw. 3. Manambahan ka sa isang simbahan na pinapangaral si Kristo at ang Biblia ang tanging pamantayan. 4. Ibahagi sa iba si Kristo Hesus. ACTS29 - the official Sunday publication of Christian Bible Baptist Church

St. Francis Homes 2, Landayan, San Pedro, Laguna 4023 SCHEDULE OF SERVICES SUNDAY ∙Sunday School ---- 8:30 am ∙Morning Service --- 9:30 am ∙Youth Fellowship -- 1:30 pm ∙Discipleship -------- 3:00 pm 7 Stage Discipleship Children's Discipleship Men Mentoring Men ∙Afternoon Service - 4:00 pm WEDNESDAY ∙Doctrine Class ----- 5:45 pm ∙Prayer Meeting----- 7:00 pm Soulwinning & Visitation Thursdays and Saturdays tel - (02)869.0433 cel - 0905.3004422

www.cbbcphilippines.com admin@cbbcphilippines.com BIBLE READING Mon Tue Wed Thu Fri Sat Sun

John 13-15 John 16-18 John 19-21 Acts 1-3 Acts 4-6 Acts 7-8 Acts 9-10


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.