Volume 24 Issue 48 Nov 30, '14
from your Pastor
Tunay ngang mapagbiyaya ang Diyos! Iyan ay palagi nating nararamdaman at napapatunayan, lalo na ang kaloob Niyang biyaya ng tiyak na kaligtasan at lahat ng mga kalakip nito katulad ng Kanyang pagpapatawad at habag sa atin. Pusong mapagpasalamat ang karapat-dapat nating ibigay sa Kanya tuwina. Makitaan nawa tayo ng ating Diyos ng tapat na paghahayag sa Kanya ng ating pagpapasalamat. Kaya nga, maging masaya tayo sa pagpapatotoo sa Kanyang kabutihan araw-araw. Ayon sa Ephesians 5:20, “Giving thanks always for all things unto God and the Father in the name of our Lord Jesus Christ.” Ganundin ay pinupuri natin ang Panginoon sa walang-patid Niyang paghahatid sa atin ng Kanyang pagpapalang makalangit. Kasama rito ang ating paglago sa pananampalataya at pagsasaayos ng ating buhay dahil sa mga katotohanang natututunan natin at mga pangangaral na ating naririnig mula sa Kanyang Salita. Bukod pa riyan ay ang kagalakang manambahan, ang katiwasayang manalangin, ang kasigasigang makibahagi sa Kanyang gawaing DR. ED M. LAURENA mag-akay ng kaluluwa, magbunga sa discipleship, at makasuporta sa misyon. Ang nararapat nating tugon sa mga dakilang pagpapalang ito ay ang ating pananatili sa kalooban ng Diyos at paglilingkod sa Kanya sa pamamagitan ng ating simbahan. Sa pagtatapos ng ating missions’ month ngayong Nobyembre ay ang muling panimula ng ating marubdob na pagpupunyagi upang ipagpatuloy ang layuning magampanan ang ating bahagi sa ikalalaganap ng Ebanghelyo ni Hesus, sa pagsulong ng Kanyang kaharian at sa pagtatatag pa ng maraming simbahan ng Diyos. Kung gayon, tayo sa Kanyang kapangyarihan ay magkaisa sa pagtupad ng Kanyang Dakilang Tagubilin habang niluluwalhati Siyang may pasasalamat, at isinasabuhay ang katuruan ng Colossians 2:7, “Rooted and built up in him, and established in the faith, as ye have been taught, abounding therein with thanksgiving.”
Sunday School Outline
DISCIPLESHIP RESULTS Acts 6:7
I. Through discipleship, God’s people become soul-sensitive. A. Through discipleship, God’s people’s hearts are softened. B. Through discipleship, God’s people’s heads are strengthened. C. Through discipleship, God’s people’s hands are made to serve. II. Through discipleship, God’s people become selfless in service. A. God’s people become more sacrificing. B. God’s people become more satisfied. C. God’s people become more supportive. III. Through discipleship, God’s people become Saviour-seekers. A. God’s people become seekers of God’s will. B. God’s people become seekers of God’s Word. C. God’s people become seekers of God’s worth.
Church Bulletin
THE BLESSINGS OF DISCIPLESHIP
T
JOHN 15:16
"Ye have not chosen me, but I have chosen you, and ordained you, that ye should go and bring forth fruit, and that your fruit should remain: that whatsoever ye shall ask of the Father in my name, he may give it you."
I
LANG ORAS NA rin sa gubat ang dalawang mangangaso subalit wala ni isa sa kanilang mga tira ang tumama sa kahit isa sa mga nagdaang usa sa paligid ng kanilang kinatatayuan. Malapit nang magtakip-silim at nagwika ang isa, “Kung hindi pa tatama ang tira kong ito, ibig sabihin, umuwi na tayo!” Sa kabila ng kawalan ng bunga ng kanilang pagpapagal, kung magsalita ay tila baga kay dami na nilang nahuli sa tagal ng oras na kanilang iginugol dito. Marami sa atin ay katulad ng mga mangangasong ito. Hindi sapat na maging abala tayo, dapat pa rin ay kakitaan tayo ng bunga! O kay saya nga natin nang inihayag ang tema ng 2014, “Making Disciples”. Sya nga naman, bilang mga manggagawa na naghahasik ng binhi ng Salita ng Diyos sa sanlibutan, wala tayong nais makita kundi ang bunga ng ating pagpapagal --- sabi nga, “bring forth fruit.” Subalit ang mas mabigat na hamon sa atin ay “that your fruit should remain.”
Ang pananatili sa simbahan at paglago sa pananampalataya ng ating mga naakay sa Panginoon ang makapagpapaliwanag at makapaglalarawan ng ating katapatan at maayos na paglakad sa Panginoon, tulad ng nakasaad sa Matthew 7:16, “Ye shall know them by their fruits”, at Matthew 12:33, “Either make the tree good, and his fruit good; or else make the tree corrupt, and his fruit corrupt: for the tree is known by his fruit.” Sa kabilang banda, nawa sa buong taon ng ating pag-aaral tungkol sa discipleship ay natuklasan at natutunan din natin ang bunga nito sa ating buhay Kristiyano. Ayon nga sa, Galatians 5:22-23 “But the fruit of the Spirit is love, joy, peace, longsuffering, gentleness, goodness, faith, Meekness, temperance: against such there is no law.” Higit kaninuman, sa atin dapat unang magbubunga ang mga pangaral upang maipasa natin ito sa iba at sa Diyos lamang ang luwalhati!
AOS-PUSO AKONG nagpapasalamat sa Dios at sa mga taong ginamit Niya para ako ay maturuang lumago at magamit sa Kanyang gawain. Ako ay naligtas sa biyaya ng Dios noong Marso 10, 1984 at nabautismuhan noong Abril 14, 1984. Bago ako maligtas, ako ay napasama sa maling barkada at natuto ng ibat-ibang klase ng bisyo kasama na ang “drugs.” Ako ay na-“kick-out” sa school dahil sa drugs at minabuti ng aking ina na doon sa Negros (Visayas) ako magtapos ng aking pag-aaral sa High School na sa kalaunan ay ang lugar na pagdadalhan din pala sa akin ng Dios para makapag-umpisa ng gawain. Nang ako ay makatapos ng pag-aaral ay bumalik ako sa Maynila.Inimbita ako ng aking nakatatandang kapatid sa isang simbahan, sa Malate Baptist Church. Doon ko unang narinig ang Salita ng Dios tungkol sa kaligtasan. Simula noon, untiunting nagbago ang lahat sa aking buhay. Isa sa mga taong ginamit ng Dios para ako ay maturuan sa pamamagitan ng “Discipleship” ay si Bro. Lawrence Macawili na sa ngayon ay nag-papastor na rin sa Cavite. Hindi siya nagsawang turuan ako ng Salita ng Dios. Dumating ang panahong ako ay nawala o nag-backslide, subalit hindi hinayaan ng Dios na ako ay tuluyang malugmok at malayo sa simbahan. Isang araw ay binisita ako ng ilang mga kabataan sa aming bahay at inimbitahan sa Christian Bible Baptist Mission sa Solanie Hotel sa Taft Avenue, Manila. Ang taong ginamit ng Dios para ako ay muling makabalik sa simbahan ay si Rev. Allan S. Earnhart. Sa patuloy kong pagdalo sa mga pagtitipon, lalong lumawak ang aking kaalaman sa Salita ng Dios. Di naglaon ay nag-resign ako sa trabaho dahil sa panawagan ng Dios para mag-“full-time” sa gawain at mag-aral din sa Baptist Heritage Bible College. Pinasasalamatan ko ang aking mga guro sa Bible School na tumulong upang pagtibayin ang aking panawagan sa Dios. Nakatapos ako sa biyaya ng Dios noong Abril 18, 2008. Tunay ngang malaki ang bahagi ng discipleship o pagtuturo ng mga taong ginamit ng Dios sa aking buhay. Wala ako ngayon sa gawain kung walang mga Kristianong nagturo sa akin. Sa kasalukuyan ay may gawaing nasimulan na tayo sa Siaton, Negros Oriental at may mga mananampalataya at ilang pamilyang natuturuan o na-didisciple din sa biyaya ng Dios. Nagbukas na rin po ng gawain sa Dumaguete City, Negros Oriental. Maraming salamat sa pagkakataong maibahagi ang aking buhay at ang gawaing ipinagkatiwala ng Dios sa amin dito sa Negros. Kasama ng aking maybahay na si Marites at ng aming anak na si Ekia Lois, salamat po at pagpalain po tayong lahat ng Dios!
- Rev. Enrique “Aike” De Jesus
MAKING YOUR MARK AS A DISCIPLER “And he spake a parable unto them, Can the blind lead the blind? shall they not both fall into the ditch? The disciple is not above his master: but every one that is perfect shall be as his master.” – Luke 6:3940 Discipleship is a journey. It is not about a program but about a relationship with God and with His people. Discipleship is not about studying methods and materials but about knowing and living out God’s Word. Discipleship is not about specific meeting times and places but about seeing lives transformed by the grace of God. Discipleship is not merely a ritualistic program; it is a renewing process.
D
ISCIPLESHIP IS BECOMING LIKE JESUS. “Now when they saw the boldness of Peter and John, and perceived that they were unlearned and ignorant men, they marvelled; and they took knowledge of them, that they had been with Jesus.”Acts 4:13. As disciples of Jesus, we are to learn, and when we are fully trained, we will be like Him. That is the true primal goal of discipleship. It is not to generate Bible scholars or evangelists, or counselors or even leaders. The result of discipleship is to be like Jesus. That is a powerful thing. Let us consider the impact the early disciples had. It was not their theological Bible knowledge or their oratory skills that made them stand out. The apostle Paul, who devoted his life to equipping believers to be followers of Jesus, embraced this principle. No matter where people are engaged in the process of discipleship, no matter what tools or techniques they use to pass on spiritual truths from the very Word of God, the goal is to produce, train or mold men and women who become more and more like Jesus, who then are able to pass on this same character to others and help them do the same as 2 Cor. 3:18 assures, “But we all, with open face beholding as in a glass the glory of the Lord, are changed into the same image from glory to glory, even as by the Spirit of the Lord.” Disciples begin the journey at different places and travel at different paces reaching toward the same destination or goal—to become more like Jesus…to be Christlike.
D
ISCIPLESHIP IS BUILDING LIKE JESUS DID. “From whom the whole body fitly joined
together and compacted by that which every joint supplieth, according to the effectual working in the measure of every part, maketh increase of the body unto the edifying of itself in love.”- Ephesians 4:16. All true followers of the Lord Jesus Christ need to find their respective places and continue on the journey. Every church-- and consequently members as well-must develop and follow a discipleship plan that helps believers have a great beginning and continue on a lifelong journey of love, trust and obedience to God that transforms their lives so that they think and act like Christ at home, at church, in the community and in the world. It has been said that “Church growth comes from within. The biblical principle of equipping the people of God is the hope of the church. It is the church’s hope for being built up within by the dynamic of the Christ-life. It is the church’s hope for fulfillment of the mission of Jesus in our world.” The typical church evaluates its ministry thru attendance, membership, financial stability, ratio of pastoral staff to members and size of buildings. Those measures are interesting but ultimately the church’s primary reason for existence is life transformation.
D
ISCIPLESHIP IS BEARING LIKE JESUS DID. Jesus gave purpose to His church when He told his followers to make disciples wherever they went as attested in Matthew 28:18-20. We admit that we sometimes fail to live in the manner modelled and prescribed by Jesus. As such, we ought to persevere by His power. We thank Him for having been given the responsibility of not only proclaiming the Gospel but also for providing nurture for those choosing to identify themselves as a part of it…to equip them in the ministries and missions. The Christian life modeled and accompanied by loving support and accountability will create an environment where a nurturing spirit easily outpours. Our Lord and Saviour Jesus Christ intended that we, disciples, become disciple-makers. As followers of Christ, we must strive, by God’s grace and guidance to grow in His Word and use our spirituality to be involved in ministry endeavors inside as well as outside the church, so that non-believers would become a part of God’s Church family and would then become disciple-makers as well.
Thank You, Lord, For Your Discipleship Work In My Life Beata B. Agustin
Thank You, Lord, that You eternally saved me at Calvary’s hill From hell’s penalty and transgressions’ bill… …Unto good testimony toward heavenly deeds to fulfill For Your discipleship work in my life around Your will! Thank You, Lord, that You securely redeemed me thru love’s action From worthlessness’ void and sins’ damnation… …Unto worshipful praise toward blissful jubilation For Your discipleship work in my heart by Your perfection! Thank You, Lord, that You graciously chose me by compassion’s light From slothfulness’ enclosure and futility’s blight… …Unto effective service toward fruitful ministry delight For Your discipleship work in my faith along Your might! Thank You, Lord, that You assuredly called me for adoption’s fellowship From worldliness’ friendship and humanism’s partnership… …Unto submissive obedience toward cheerful followership For Your discipleship work in my stewardship under Your leadership! Thank You, Lord, that You fully ransomed me with blood’s purity From pride’s vanity and haughtiness’ iniquity… …Unto glorious surrender toward victorious humility For Your discipleship work in my soul midst Your sovereignty! Thank You, Lord, that You truly justified me by mercy’s righteousness From wickedness’ embarrassment and dishonesty’s shamefulness… …Unto radiant spirituality toward shining faithfulness For Your discipleship work in my spirit upon Your holiness! Thank You, Lord, that You richly promised me with godliness’ contentment From earthliness’ wealth and education’s allurement… …Unto virtuous involvement toward everlasting divine investment For Your discipleship work in my commitment thru Your involvement!
Christian Bible Baptist Church
Preaching the Gospel that only Jesus Saves
Dr. Ed M. Laurena, Pastor CHURCH ATTENDANCE
Nov 23 & Nov 26 2, 183 2, 725 1, 260 543 132 26
Sun School Sunday AM Sunday PM Wednesday FTV Baptisms
Maaari Mong Matiyak ang Langit!
A
NG SABI NI HESUS, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay: walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.” Juan 14:6 Wala nang iba pang makapagliligtas sa iyo mula sa impiyerno. Magtiwala ka kay Hesus ngayon! Roma 6:23 “Kung ipahahayag ng iyong bibig na si Hesus ay Panginoon at mananampalataya ka nang buong puso na Siya’y muling binuhay ng Diyos, ikaw ay maliligtas”. Roma 10:9 1. Aminin mo na ikaw ay isang makasalanan. Roma 3:10 2. Magsisi ka sa iyong kasalanan. Gawa 17:30 3. Manampalataya ka na si Kristo Hesus ay namatay para sa iyo, nalibing at nabuhay namagmuli. Roma 10:9-10 4. Sa pamamagitan ng panalangin, tanggapin mo si Hesus sa iyong puso bilang iyong Tagapagligtas. Roma 10:13 Manalangin ka ng ganito: Panginoon, ako po ay isang makasalanan at nangangailangan ng kapatawaran. Nanampalataya po ako na nadanak ng dugo ni Hesus at Siya ay namatay sa krus para sa akin. Nagsisisi po ako sa aking mga kasalanan. Tinatanggap ko po si Kristo Hesus sa aking puso bilang aking Tagapagligtas. Amen. "Kung tinanggap mo si Hesus bilang iyong Tagapagligtas, ito na ang simula ng iyong bagong buhay kay Kristo." Roma 8:1 Ngayon: 1. Basahin mo ang iyong Biblia araw-araw upang makilala pa nang lubusan si Kristo Hesus. 2. Makipag-usap ka sa Diyos sa panalangin araw-araw. 3. Manambahan ka sa isang simbahan na pinapangaral si Kristo at ang Biblia ang tanging pamantayan. 4. Ibahagi sa iba si Kristo Hesus. ACTS29 - the official Sunday publication of Christian Bible Baptist Church
St. Francis Homes 2, Landayan, San Pedro, Laguna 4023 SCHEDULE OF SERVICES SUNDAY ∙Sunday School ---- 8:30 am ∙Morning Service --- 9:30 am ∙Youth Fellowship -- 1:30 pm ∙Discipleship -------- 3:00 pm 7 Stage Discipleship Children's Discipleship Men Mentoring Men ∙Afternoon Service - 4:00 pm WEDNESDAY ∙Doctrine Class ----- 5:45 pm ∙Prayer Meeting----- 7:00 pm Soulwinning & Visitation Thursdays and Saturdays tel - (02)869.0433 cel - 0905.3004422
www.cbbcphilippines.com admin@cbbcphilippines.com BIBLE READING Mon Tue Wed Thu Fri Sat Sun
1 Cor 9-11 1 Cor 12-14 1 Cor 15-16 2 Cor 1-4 2 Cor 5-9 2 Cor 10-13 Gal 1-3