Volume 24 Issue 52 Dec 28, '14
from your Pastor
Ang Diyos ay ating maligayang pasalamatan sa Kanyang biyaya, pagibig, kapangyarihan, habag, at katapatan na nagdulot sa atin ng tagumpay at pagpapala sa taong 2014. Bilang Kanyang mga anak, ating naranasan ang di-nagmamaliw Niyang pagmamahal, lalo na sa Kanyang tuwinang pagtugon sa ating pangangailangan. Higit pa riyan ay ang pagpapalakas Niya sa ating pananampalataya at pagkilos sa ating paglilingkod sa Kanya. Tunay ngang ang mga natutunan natin mula sa Kanyang Salita, ganundin ang Kanyang pamamatnubay ang kumilos upang tayo ay lumago at umunlad sa ating buhayKristiano. Sa darating na Bagong Taon 2015, muli tayong maging masunurin sa paghimok, paghamon, at paghikayat ng Banal na Espiritu sa pananangan sa kalooban ng Panginoon at paglakad sa Kanyang kabanalan, yamang alam nating hindi Niya nakakalimutan ang ating mga ginagawa para sa Kanya. Ayon sa Hebrews 6:10, “For God is not unrighteous to forget your work and labor of DR. ED M. LAURENA love, which ye have showed toward his name, in that ye have ministered to the saints, and do minister.” Bilang simbahan ng Diyos, tayo sa Kanyang pangunguna at pagtataguyod ay naging masigasig at masigla sa pagtahak sa landas ng “Making Disciples in 2014” na ating layunin sa taong ito. Sa Panginoon ang papuri sa Kanyang pagyakag at paggabay sa atin upang tayo ay makiisa at makilahok sa pagganap nito na siya ring hakbang sa pagtupad sa Kanyang dakilang tagubilin. Hindi makakalampas sa paningin at pagpaparangal ng Diyos ang taos-pusong pakikibahagi ng bawat isa sa pananalangin, pag-aakay ng kaluluwa, pagtuturo sa mga bagong bawtismadong kapatiran, pagsuporta sa mga misyon, at pagbibigay sa Kanyang gawain. Mainam ngang tayo ay magpunyaging may kagalakan habang nagpapasakop sa Kanyang pamumuno at inuuna ang Kanyang kaharian. Alalahanin natin ang sinabi ng Hebrews 12:28, “Wherefore we receiving a kingdom which cannot be moved, let us have grace, whereby we may serve God acceptably with reverence and godly fear.” Ngayong matatapos ang 2014, pagluwalhati sa Panginoon ay nararapat nating gawin. Atin Siyang ipagbunyi at ating itanghal ang Kanyang pangalan. Siya ang pinakadahilan kaya tayo ay may nagawa, may naabot at may natapos ngayong 2014. Huwag nating kaliligtaang kung wala Siya ay wala tayong magagawa. Sa ating pagsamba sa huling Linggo ng taon, ibigay natin sa ating Diyos ang maligaya at marubdob nating pagtatapat, kaakibat ang pagpapatotoong Siya ang ating Panginoong iniibig. Tunay ngang “Blessing, and glory, and wisdom, and thanksgiving, and honour, and power, and might, be unto our God for ever and ever. Amen” (Revelation 7:12).
Sunday School Outline
Church Bulletin
The Success of the Home Joshua 1:8 ; 24:15
I. Through discipleship, the success of the home is governed by God’s Word. A. A home that is governed by God’s law is successful. B. A home whose Governor is God is successful. II. Through discipleship, the success of the home is guarded by God’s way. A. God’s way is always perfect. B. God’s way is always perfect though God’s people do not understand it. C. God’s way is absolutely perfect. III. Through discipleship, the success of the home is guaranteed by God’s will. A. Through God’s will, the home will be sanctified. B. Through God’s will, the home will be satisfied.
A
SOULWINNING CLINIC CONDUCTED AT PNPA
FTER HAVING ACQUIRED their own Bibles which is their personal spiritual combat equipment and manual, the Philippine National Police Academy (PNPA) Baptist Cadets showed their strong desire to serve the Lord. Consequently, they requested our beloved pastor, Dr. Ed Laurena for the conduct of a Soulwinning Clinic. This must be their ardent response to the challenge bestowed upon them during their victorious anniversary celebration last month which was themed: “Will You Be the One?” In coordination with Preacher Ronnie Delfin, the outreach incharge, Preacher Pops Villarosa was sent to facilitate the soulwinning tutorial last December 7, Sunday. The Baptist Cadets’ active participation in the conduct of the said activity immensely contributed to its success. Indeed, they were not too late to begin in embodying this year’s theme of Making Disciples. To God be the glory!
Paskong Kristiyano: Maluwalhating Ipinagdiwang sa CBBC
S
A GITNA NG kaabalahan ng maraming tao sa komersiyalisasyong dulot ng Kapaskuhan, hindi kaylanman isinantabi ng CBBC Family ang tunay na diwa ng Pasko sa pamamagitan ng isang selebrasyon ng pagpapahayag ng Salita ng Diyos noong Linggo ng hapon at sinundan pa ng magalak na fellowship at mapagpalang kainan. Binigyang diin muli ng ating mahal na Pastor na ating unahin at pansinin ang spiritual na kahalagahan sa mga pagdiriwang sa ganitong pagkakataon upang magamit natin sa pag-aakay sa ikaliligtas ng mga taong wala pa kay Kristo.
Ang naturang gabi ay dinaluhan ng higit na isang libong miyembro ng simbahan at tinampukan ng Division at Area celebration sa kani-kanyang itinakdang lugar. Ang divided celebration ay pinalooban ng masiglang palaro, awitan, kasiyahan, kantahan, mabiyayang palitan at bigayan ng regalo, at nagtapos sa salo-salong piging at kainan. Nagkaroon din ng pagkakataon na magkasama-sama, magkakilanlan at magbatian ang mga miyembro ng bawat area. Tunay ngang kaaya-aya ang magdiwang ng Kapaskuha kasama ang mga kapatid sa Panginoong Hesus. Maligayang pasko at manigong bagong taong 2015 sa bawat member ng CBBC Family!!!
CHILD DEDICATION, MAGALAK NA GINAMPANAN
B
AGO ANG REGULAR na Prayer Meeting na pinaaga noong Myerkules, 24 ng Disyembre, ginampanan ang paghahandog sa 18 mga sanggol at bata. Magalak na iprinisenta ng mga magulang ang kanilang mga anak bilang pagpapahayag na ang mga ito ay ipinagkatiwala lamang sa kanila. Ipinaliwanag ni Dr. Ed Laurena ayon sa Psalm 127 na hindi dapat kagustuhan ng magulang
ang masunod sa buhay ng anak, kundi ang kalooban ng Diyos. Binigyang diin rin niya na ang paghahandog na ito ay malayo sa inaakalang binyag kung ihahalintulad sa ibang relihiyon. Sa pangwakas na panalangin ay mababanaag ang panghihikayat ni Dr. Ed sa mga magulang, maging sa mga myembro, na panatilihin ang bata at palakihin ito sa liwanag ng Salita ng Diyos at sa kagalakan sa pagkakabilang sa tamang simbahan.
THE BLESSINGS OF DISCIPLESHIP
“Making Disciples in 2014” is the theme of our Church this year. It is anchored on Acts 6:1-7, and upheld by the phrases, “... when the number of the disciples was multiplied” in Acts 6:1, and “... and the number of the disciples multiplied” in Acts 6:7. With God’s guidance, such theme has propelled us to aim for a remarkable increase not just in terms of church attendance, but especially in the spiritual growth of members. As your Pastor, I can say that it is all by the grace and through the power of God that we have been able to strive in doing our best as a church in “making disciples.” For any significant increase, it is truly God’s accomplishment, not ours. I thank the Lord that our Sunday School lessons have been planned, prepared, prayed for, and presented prudently to cater to the discipleship needs of the believers. For twelve months, we have been taught with the following discipleship truths: Daily in the WordJanuary; Developing a Heart for God-February; Dedication in Fulfilling the Great CommissionMarch; Discipleship’s Attitude-April; Demonstration of Discipleship-May; Decision in Making Disciples-June; Determination of the Disciplers-July; Dangers in Not Involving in Making Disciples-August; Discipleship Benefits-September; Discipleship Conference-October; Discipleship Promotes Missions-November; Discipleship Strengthens the Christian HomeDecember. Moreover, I praise God for evidences and proofs that discipleship is indeed at work and alive in our church. Our Acts 29 Newsletter has highlighted various news, feature and literary articles on discipleship. It has also published notable testimonies of Area leaders and mission preachers asserting, affirming, and ascertaining that discipleship is vital in the growth and strengthening of an individual Christian’s faith and of a church’s ministry. Likewise, our Seven-stage discipleship sessions have been well-monitored, and I give glory to God for an increasing number of members who are involving. Furthermore, I am blessed with the good report of Area leaders regarding area soulwinning, visitation, Bible studies, as well as members’ church attendance, giving and support. I commend all the members who are actively, willingly and joyfully committing themselves to be fruitful disciples of the Lord. Together, let us constantly grow in God’s grace, increase in His wisdom, and continue making disciples, as we keep on depending on the Holy Spirit and following His leading. Let us truly have the desire, decision, determination, dedication and delight to become Jesus Christ’s disciple. “Therefore, my beloved brethren, be ye stedfast, unmoveable, always abounding in the work of the Lord, forasmuch as ye know that your labour is not in vain in the Lord” (I Corinthians 15:58).
Pastor Ed M. Laurena
BAPTIST HERITAGE BIBLE COLLEGE AND CBBC SCHOOL FOR THE DEAF HELD RESPECTIVE CHRISTMAS FELLOWSHIPS
T
WO OF CBBC’S educational ministries recently concluded the year 2014 by joyous fellowships. Last Tuesday night, December 16, collegians and members of the faculty from our very own Baptist Heritage Bible College (BHBC) assembled for a celebration of God’s faithfulness in the year that had passed. Though the weather did not permit the crowd to experience a fresher catch of the yuletide breeze at the roof deck as originally planned, the vast space at the second floor allowed them to enjoy a blissful program prepared by the students themselves. It was surely a time of merriment as everybody enjoyed singing beautiful Christmas hymns and watching hilarious but meaningful skit presentations centered on the event’s theme: “Keep That Which I Have Committed” from 2 Tim 1:12. The students showed that the multi-faceted fulfillment of being in the ministry is only made possible through grace as the Lord and Saviour Jesus who keeps their personal commitments alive in serving Him until He comes. The attendees were all the more boosted that night when Ptr. Ed dela Pena preached on Jephthah’s conviction when he said in Judges 11:35, “I cannot go back.” Thus, BHBC President Dr. Ed Laurena, for a closing remark, reinforced the message of keeping
on as the New Year 2015 nearly begins. Meanwhile, those in the School for the Deaf had their turn of gathering in the true spirit of Christmas last December 19, Friday. With the presence of 9 teachers, the students and their parents, no one can afford to be silent because there was no enough room for their delight in fun and fellowship. They were all divided into 5 groups which were distinguished by respective color assignments. From each group were representatives who joined the games and competitions on solo and choir singing, preaching, Sunday School teaching and drama acting (all expressed, of course, by sign language). Preacher Elmer Panizales, one of the faculty members, exhorted a Bible passage which brought great challenge to everyone present. To highlight the essence of giving, 10 students were chosen to receive and take home a special grocery package. Truly, the heart of every Christian happening is the exaltation of God’s glory! With these events, students did not only have much fun but that they were reminded of how our loving God gave His only begotten Son for our salvation, that He who came here, by the name Jesus, gave everything for man’s redemption. Praise God for His wonderful love!
Joshua 24:15 And if it seem evil unto you to serve the LORD, choose you this day whom ye will serve; whether the gods which your fathers served that were on the other side of the flood, or the gods of the Amorites, in whose land ye dwell: but as for me and my house, we will serve the LORD.
I
Tagumpay ng Isang Tahanan: Saan nga ba Nakasalalay?
SANG QUOTATION NA nagmula kay George Herbert ang mainam na pagaralan kaugnay ng usapang tahanan at ang tagumpay nito, “God hath often a great share in a little home.” Kung malayo sa Panginoon at ang pamilya ay may masasabi rin sa lipunan, maituturing ba itong tagumpay? Kung lilimiin ang quotation, gaano man kaliit o kapayak ang buhay ng isang pamilya, basta ang Diyos ay may malaking puwang dito, ang tagumpay ay tunay na nasa kanilang kamay. Ang nakalulungkot lang, ang karamihan sa mga Pilipinong pamilya ay nakatuon sa pag-aahon sa karukhaan, o dili kaya ay sa pagpapanatili ng estado ng kanilang pamilya sa lipunan. Hindi sa PERA nakasalalay ang tagumpay ng tahanan. Ilan sa mga pamilya ng 8 milyong ama ng tahanan ang makapagpapatotoo na hindi pa rin kayang ipagpalit sa salapi ang halaga ng mga panahong kasama nila ang kanilang asawa at mga anak. Ang dolyares na kinita sa ibayong-dagat, nauubos din naman, di ba? “Lay not up for yourselves treasures upon earth, where moth and rust doth corrupt… Matthew 6:19”. Hindi sa PANGARAP nakasalalay ang tagumpay ng tahanan. Wala namang masama sa pangarap, subalit may mga pangarap na umiikot sa pagkakamit ng mataas na estado ng buhay. Pangarap ng mga anak na
makapag-aaral sa kolehiyo para magkaroon ng prominenteng titulo pagkatapos. Ang mga magulang naman, sadsad sa pagtatrabaho upang pagdating ng oras ng paglisan, sa mga anak ay may maiiwan. Psalm 127:2, “It is vain for you to rise up early, to sit up late, to eat the bread of sorrows: for so he giveth his beloved sleep.” Marami pa rin sa mga Kristiyanong pamilya ang may mentalidad na ganito; subalit ang gamot ay laging paalala sa kanila na higit sa lahat, nasa PANGINOON ang tunay na tagumpay ng tahanang pinakaaalagaan. Nakita ito ni Joshua: hindi lamang dapat “great share” ang puwang ng Diyos sa tahanan, kundi Siya dapat ang lahat – ang Kasapatan (2 Cor 9:8), ang Karunungan (Ps 127:1), ang Kaayusan (1 Cor 14:40), at ang Pag-ibig (1 John 3:16). Hinamon ni Joshua ang mga kalalakihan at mga ama ng tahanan bilang pinagkatiwalaang pinuno: kailangan nilang mamili kung kanino maglilingkod. Para kanino nga ba sila? Kung paglilingkuran ng buong sambahayan ang Panginoon, tiyak na patuloy na malalasap ang sama-samang pagkain sa hapag, responsableng pag-aaral ng mga anak, makabuluhang paghahanap-buhay, at masayang pananambahan tuwing araw ng Linggo kung saan ang Salita na Diyos na siyang gabay ay napag-aaralan.
Salamat, Diyos, Sa Aming Tahanan Beata B. Agustin
“Yea doubtless, and I count all things but loss for the excellency of the knowledge of Christ Jesus my Lord: for whom I have suffered the loss of all things, and do count them but dung, that I may win Christ.” - Philippians 3:8
O
VER THE COURSE of each of our individual lives, the culture of the times, the anti-God world system pushes the five P's: Power, Position, Prestige, Pleasure, and Prosperity to define success. Advertisers tantalize us with the possibility of their attainment and the media glamorize the results of having them. These are not bad things in and of themselves but, they are not the ultimate or even major measurements of success according to God's standards. As Christians, we should strive to have good success according to God’s plan, along His purpose, based on His precepts, with His principles, through His power, and for His praise. Thus: We should not chase for the cheap. The great Russian intellect Alexander Solzhenitsyn said, "We always pay dearly for chasing after what is cheap." Certainly, material success typified by the five P's does not necessarily result in devastation. In fact, power, position, prestige, pleasure, and prosperity are rather amoral-neither good nor bad from a moral position. It is the use or abuse of these that determines the outcome. It is worth noting that the Beatitudes in the Scriptural account in Matthew Chapter 5 each begins with "blessed," which is the most universal concept for success throughout the entire Bible. God wants us to be blessed and to be successful but He wants us to succeed His way. We should not cleave for the clays. Some of the well-known pathos of the famous millionaires known to men have expressed the following: "I have made many millions but they have brought me no happiness" by John D. Rockefeller; "The care of two hundred million is enough to kill anyone. There's no pleasure in it" by William Henry Vanderbilt; "I am the most miserable man on the earth" by John Jacob
Astor; and "I was happier when doing a mechanic's job" by Henry Ford. We must move away from thinking of success as power, prosperity, position, pleasure, or prestige and begin building a definition of success around real values. Biblical success is the progressive realization and internalization of all that God wants us to be and to do. We should note that success from God's perspective is progressive. It is not static and it does not deal just with the results. Success deals with the process ... the journey. God makes it clear that He wants us to focus on the roots and not just the fruit of our lives. We must let God take care of the results while we focus on doing the right things. We must work on what we can control-like our attitude, our obedience, our thoughts, our words-and we must let God produce what He will. If we do not do these, we will have a tendency to "fake it." We will put our focus on how we appear outwardly versus cultivating who we are internally. Let us remember that God hates a pretext to perfection. He deeply desires our progression into His likeness. There is a difference between progressing and pretending to progress. A real, authentic Christianity notes how easy it is to make others believe that we are spiritually mature. It is possible for the Christian to avoid the pain and humiliation of repentance and renewal by maintaining an outward facade of spiritual commitment, moral impeccability, and orthodox behavior. In doing so, he can preserve a reputation for spiritual growth and maturity that is satisfying to the ego and seems to gain much in the way of opportunity for service and the commendation of the Christian community but it is not the way God wants us to proceed in our Christianity. Biblical success involves progressing in our character and conduct. If we are godly in the truest sense of the word, what we do will glorify God, for it will be a by-product of our faith. God has placed us Christians here to share our faith, lead the lost to Christ, help other Christians mature in their faith, and to influence society to a truly good success.
Salamat, Diyos, sa aming tahanang Iyong binibiyayaan… …Ng bigay Mong ligaya ng tiyak na kaligtasan Ganundin sa buhay na walang hanggan… Kaya sa Iyong kalooban kami nananangan; Ikaw ang aming pinapupuriha’t Salita Mo’y pinagkakatiwalaan!!! Salamat, Diyos, sa aming tahanang Iyong pinagpapala… …Ng hatid Mong kapatawaran sa aming mga sala Ganundin sa kapayapaan sa gitna ng pag-aalala… Kaya sa Iyong kasaganaan kami sumisigla; Ikaw ang aming dinadakila’t gawi Mo’y kinikilala!!! Salamat, Diyos, sa aming tahanang Iyong pinatatatag… …Ng kapangyarihan Mong di natitinag Ganundin sa katotohanang nagliliwanag… Kaya sa Iyong lakas kami sumisipag; Ikaw ang aming tinatawag at kaluwalhatian Mo’y itinatanyag!!! Salamat, Diyos, sa aming tahanang Iyong pinayayabong… …Ng katapatan Mong araw-araw na sumasalubong Ganundin sa habag na walang sawang tumutulong… Kaya sa Iyong kabutihan kami sumisilong; Ikaw ang aming nakakapulong at kaharian Mo’y isinusulong!!! Salamat, Diyos, sa aming tahanang Iyong inaayos… …Ng pag-ibig Mong patuloy na kumikilos Ganundin sa pag-aarugang lubos… Kaya sa Iyong pangangalaga kami di humuhulagpos; Ikaw ang aming sinasamba’t utos Mo’y sinusunod nang taos!!! Salamat, Diyos, sa aming tahanang Iyong pinababanal… …Ng katuwiran Mong ipinapangaral Ganundin sa pamantayan tungo sa kagandahang asal… Kaya sa Iyong katuruan kami nagkakadangal; Ikaw ang aming minamahal at pangalan Mo’y itinatanghal!!! Salamat, Diyos, sa aming tahanang Iyong pinagtatagumpay… …Ng kakayahan Mong umaalalay Ganundin sa paghihimok na maglingkod nang tunay… Kaya sa Iyong gabay kami nakasalalay; Ikaw ang aming hinihintay at katotohanan Mo’y pinagtitibay!!!
Christian Bible Baptist Church
Preaching the Gospel that only Jesus Saves
Dr. Ed M. Laurena, Pastor CHURCH ATTENDANCE
Dec 21 & Dec 24 2, 301 2, 773 1, 608 497 126 17
Sun School Sunday AM Sunday PM Wednesday FTV Baptisms
Maaari Mong Matiyak ang Langit!
A
NG SABI NI HESUS, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay: walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.” Juan 14:6 Wala nang iba pang makapagliligtas sa iyo mula sa impiyerno. Magtiwala ka kay Hesus ngayon! Roma 6:23 “Kung ipahahayag ng iyong bibig na si Hesus ay Panginoon at mananampalataya ka nang buong puso na Siya’y muling binuhay ng Diyos, ikaw ay maliligtas”. Roma 10:9 1. Aminin mo na ikaw ay isang makasalanan. Roma 3:10 2. Magsisi ka sa iyong kasalanan. Gawa 17:30 3. Manampalataya ka na si Kristo Hesus ay namatay para sa iyo, nalibing at nabuhay namagmuli. Roma 10:9-10 4. Sa pamamagitan ng panalangin, tanggapin mo si Hesus sa iyong puso bilang iyong Tagapagligtas. Roma 10:13 Manalangin ka ng ganito: Panginoon, ako po ay isang makasalanan at nangangailangan ng kapatawaran. Nanampalataya po ako na nadanak ng dugo ni Hesus at Siya ay namatay sa krus para sa akin. Nagsisisi po ako sa aking mga kasalanan. Tinatanggap ko po si Kristo Hesus sa aking puso bilang aking Tagapagligtas. Amen. "Kung tinanggap mo si Hesus bilang iyong Tagapagligtas, ito na ang simula ng iyong bagong buhay kay Kristo." Roma 8:1 Ngayon: 1. Basahin mo ang iyong Biblia araw-araw upang makilala pa nang lubusan si Kristo Hesus. 2. Makipag-usap ka sa Diyos sa panalangin araw-araw. 3. Manambahan ka sa isang simbahan na pinapangaral si Kristo at ang Biblia ang tanging pamantayan. 4. Ibahagi sa iba si Kristo Hesus. ACTS29 - the official Sunday publication of Christian Bible Baptist Church
St. Francis Homes 2, Landayan, San Pedro, Laguna 4023 SCHEDULE OF SERVICES SUNDAY ∙Sunday School ---- 8:30 am ∙Morning Service --- 9:30 am ∙Youth Fellowship -- 1:30 pm ∙Discipleship -------- 3:00 pm 7 Stage Discipleship Children's Discipleship Men Mentoring Men ∙Afternoon Service - 4:00 pm WEDNESDAY ∙Doctrine Class ----- 5:45 pm ∙Prayer Meeting----- 7:00 pm Soulwinning & Visitation Thursdays and Saturdays tel - (02)869.0433 cel - 0905.3004422
www.cbbcphilippines.com admin@cbbcphilippines.com BIBLE READING Mon Tue Wed Thu Fri Sat Sun
Rev 13-16 Rev 17-19 Rev 20-22 Gen 4-7 Gen 8-11 Gen 12-15 Gen 16-18