ADN Sunday News (Vol. 3, No. 010)

Page 1

P10.00

MAY 11 - MAY 17, 2014

Vol. 3 No. 010

TRUTH ALWAYS PREVAILS

Tingnan ang buong larawan sa pahina 2

Tatlong carnapped vehicle nabawi, tatlong suspek huli

Three of the four dead inmates at the Quezon Medical Center where they were rushed after the incident. At right ares members of the local media and throngs of onlookers in front of the jail Gemi Formaran

4 PATAY ,16 PA SUGATAN SA GULONG NAGANAP SA QPJ

Apat na inmates ang iniulat na nasawi samantalang pa ag mga nasugatan sa marahas na kaguluhang naganap sa loob ng Quezon Provincial Jail dito sa lungsod ng Lucena. Ayon sa ulat isang inmate na kinilalang si Antonio Satumba gang lider ng lokal na sputnik gang ang nagpasimula ng kaguluhan. Noong nakaraang linggo, matapos na makagalit ni Satumba ang kanyang ama at mga kapatid na kapwa inmates ay nanggulo ang grupo sa kitchen area at ipinaghahagis ang mga plastic na upuan. Mierkules ng umaga, ipinasya ng pamunuan ng bilangguan na ilipat na ng ibang kulungan si Satumba upang mahinto ang paghahari harian nito sa loob ng kanyang selda. Mahigpit naman itong tinutulan ng mga kasamahan ni Satumba at dito na nagsimula ang gulo. Nagsimulang batuhin ng mga

inmates ang mga guardiya at armado ng mga patalim at improvised na baril ay sumugod ang mga ito. Wala namang nagawa ang mga guardiya kundi gumanti ng putok. Nasugatan ang 16 na kinilalang sina Alvin Castillo, Jason Magpantay, Nelson Escollar,Adolfo deMesa, RickyRamos, Jose Gonzalez, Rommel Falcon,Alberto Perez, Francis Cabutihan, Michael Angcaco, Ronan Abordo, Armelito Austria, Nicanor Ramirez, Roger Villareal,Rommel Romero at Felipe Forneste. Si Gary Enguerra ay nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa Quezon Medical Center samantalang patay na ng idating sa ospital sina JoseEscasa, Christian Contemplacion, at Manuelito Palma. Sa clearing operations, nakuha ng

mga autoridad ang isang homemade shotgun, isang caliber 22, 2 piraso ng fire cartridge para sa kalibre 45 baril at improvised na patalim. Sa isimagawang press conference matapos ang kaguluhan, hindi masagot ng maayos ni BJMP Regional Director Chief Supt Serafin Barreto ang katanungan ng mga taga media hinggil sa ipinakitang video footage ng mga ito na nagpapakita ng panggugulpi ng isang jailguard sa isang inmate na nakaposas at naka suot lang ng briefs. Hindi naman matanggap ng mga taga media ang aroganteng pagsagot ni Chief Superintendent Barreto lalo na sa punto ng pagkakarun ng mga inmates ng mga sumpak at mga patalim. Kaagad namang na relieve sa tungkulin si Chief Inspector Princesito Heje subalit walang inianunsiyo kung sino ang kapalit. Johnny Glorioso

More colorful ‘Pasayahan sa Lucena’ kicks off May 23 LUCENA CITY -- This year’s “Pasayahan sa Lucena” will be more colorful and entertaining compared to that of last year, the event’s organizer said. “Thousands of spectators for the year’s event will definitely enjoy the week- long festivities,” said Archie Ilagan, the Pasayahan 2014 over-all chairman. He said this year’s event would be more enjoyable for spectators since there will be more events lined up, and a number of entertainment personalities are expected to grace the week- long festivities. Themed “Carnival sa Bagong Lucena,” Ilagan said the activity will be highlighted by a float parade and street merry-making by flower-costumed participants before its

formal end on June 1, two days afdter the city’s feast day on May 30. Ilagan was also the chairman of last year’s Pasayahan. The week-long celebration will kick off on May 23 at 4 a.m. which will be covered live through “Umagang kay Ganda hosted by Ms. Amy Perez. According to Ilagan, the set of activities include: May 24-Motorcade (1 p.m.), Mayor’s Night (9 p.m.), and Fireworks Display (11 p.m.) May 25 -- Flores de Mayo (4 p.m.)to be led by couple Francis and Edna Dy, the Hermano and Hermana Mayor, with Mr. Aaron Villena as guest. Pacific Mall will be the assembly area, and the sponsors’ night (8

p.m.) May 26 -- Singing Lolo Finals (6 p.m.), and Gandang Lola 2014 (9 p.m.) to be hosted by Laguna Rep. Sol Aragones and JC Cuadrado, and with Raynond Lauchengco as guest singer in the main stage. May 27 -- Kusinerong Lucenahin to be held along Quezon Avenue(2 p.m.), and Ginoo & Bb. Pasayahan 2014 (8:30 p.m.) with Miss Earth Samantha Purvoir and Victor Basa as hosts and Bryan Termulo as guest singer. May 28 -- The much awaited Grand Parade to take off at Quezon National High School compound (1 p.m.) and Mall Show with singer Enrique Gil at Pacific Mall (9

continue on page 2

Tatlong suspected carnapper ang nadakip at tatlong sasakyan din ang narekober sa isang operasyong isinagawa ng mga pulis na pinamumunuan ni PSI Araja hepe ng General Luna, Quezon. Ayon kay PSSupt Genaro Ylagan, Quezon PNP Provincial Director, isang informant ang nagtimbre hinggil sa mga nakaw na motorsiklo sa Brgy Recto, bayang nabanggit. Nahuli sa isinagawang police operation ang tatlong mga suspek na kinilalang sina Roger Mercado Lorica, 54 na taong gulang, Nelson Penoso, 40 taong gulang at Lolibert Lorica 34, pawang mga residente ng Brgy Recto, Gen Luna, Quezon. Nabawi din mula sa pagiingat ng mga suspek ang tatlong motorsiklo na pawang walang kaukulang mga dokumento. Kaagad na ikinulong ang tatlong suspek samantalang dinala na din ang mga motorsiklo para sa kaukulang disposisyon.Johnny Glorioso

Pasyente sa isang ospital minolestiya ng x-ray technician CATANAUAN QUEZON – Isang dalagang pasyente sa ospital ang minolestiya ng x-ray technician sa bayan ng Catanauan, Quezon nitong nakaraang linggo. Kinilala ng Catanauan police ang suspek na si Arnel Marantal, 50-anyos at residente ng naturang bayan. Sa inisyal na imbestigasyon bandang alas-10:00 ng umaga habang ang biktima kasama ang kanyang ina ay nasa loob ng x-ray room ng ospital. Ang suspek ay nagsabi sa ina ng biktima na ilagay ang lata sa dibdib ng kanyang anak at pagkatapos ay ilagay naman ito sa kandungan. Tinulungan ng suspek ang ina ng biktima hanggang sa hawakan nito ang maselang bahagi ng katawan ng biktima. Samantala, inihahanda na ang kaso sa laban x-ray technician. Topher Reyes

Electrician patay makaraang makuryente sa Tayabas City

Patay kaagad ang isang electrician makaraang makuryente habang nag aayos ng linya ng kuryente sa brgy kanlurang Palale, Tayabas City. Kinilala ang biktima na si Emiliano Alboro Alcala, 47 taong gulang, isang electrician ng brgy Mamala 2, Sariaya, Quezon. Ayon sa ulat, inaayos ng biktima ang sirang electrical wiring ng poste ng Meralco na nakakabit sa tower ng Smart ng aksidenteng makuryente ito at mamatay noon din. Kinailanagan pa ng mga nagresponding mga pulis na hingin ang tulong ng Meralco personnel upang maibaba ang biktima mula sa pagkakabitin sa poste at naalis lamang dakong alas otso na ng gabi. Ang labi ng biktima na kasalukuyang nakalagak na ngayon sa Funeraria Pagbilao ay isasailalim sa post mortem examination. Johnny Glorioso


2

MAY 11 - MAY 17, 2014

EDITORIAL

editorial cartoon from the internet

Sa Saliw ng Cha-cha Sa mga nagdaang panahon at administrasyon, laging matunog ang pagtutulak ng Charter Change, ang mga tangkang pagamyenda ng konstitusyon dito sa ating bansa, sa simula ay ‘di man nababanggit ng kung sinumang pangulong umupo, sa bandang huli ay lumalabas rin, kagaya ng nangyayari ngayon, mukhang minamadali ang pagpasa nito sa ilalim ni pangulong Noynoy Aquino. Paano naman tayong mamamayan na hindi pamilyar sa ganitong mga usapin, ni hindi nga tayo pamilyar kung ano nga ba ang aamyendahan, at ano nga ba ang magiging epekto nito sa ating pang-araw-araw na buhay. Kung matatandaan natin, sa pagbisita ng pangulo ng America na si Barack Obama, may pirmahan na naganap, tandang tanda pa nating habang pumipirma si President Obama ay nakatayo naman si Pnoy sa gilid habang nakangiti. Ang kasunduuan ay patungkol sa EDCA o Ehanced Defense Cooperation Agreement, laman nito ang pagpapahintulot sa mga tropang Kano na magbase nang libre sa lokal na mga kampo ng gobyerno ng Pilipinas para patindihin ang presensiya nito sa bansa at sa Asya-Pasipiko. Samantala, pakay naman ng Cha-cha ang ibukas ang mga lupain at negosyo sa Pilipinas sa 100 porsiyentong pag-aari ng mga dayuhan kahit ito ay labag sa Saligang Batas ng 1987. Subalit, ang Cha-cha umano ay kasama upang mas maging madulas ang Trans-Pacific Partnership Agreement ni Pres. Obama. Bakit nga ba panganib sa soberanya ng bansa at sa mismong karaniwang mamamayan ang mga ganitong panukala? Ano nga ba ang ilan sa mga magiging malaking epekto nito kung hahayaan nating magpatuloy ang tinatawag ng mga progresibong grupo na “economic imperialist agenda”. Maraming umalma lalo na ang mga nasa pampublikong sektor ng pagseserbisyo sa lipunan, kagaya ng mga empleyado ng mga pampublikong ospital, ang matagal na nilang tinututulan na pagsasapribado ay nagbabadyang matuloy kung maaprubahan ang Cha-cha. Ang sana’y mga serbisyong publiko na may subsidyo ng gobyerno ay nangaganib na mawala. Ang sana’y karapatan at serbisyong para sa mamamamyan ay magiging negosyo sa ilalim rin ng Public-Private Partnership na papaigtingin kung hahayaan nating sumaliw sa Cha-cha ang mga kongresista at senador. Bukod pa ito sa iba pang mga pahirap na probisyon at mga panukalang hindi naman nagdudulot ng tunay na pagbabago sa pamumuhay ng karaniwang tao. Hindi mawawala ang mga pansariling motibo ng sinumang nasa administrasyon, sa tuwing isusulong nila ang Cha-cha, malinaw na hindi naman para sa ikabubuti ng karaniwang tao ang pagkakaroon ng probisyon o amyenda sa saligang batas ng bansa, kundi ay sa mga mapagkumpromisong mga aksyon na kung hindi sa negosyo ay sa dikta naman ng mga malalaki at mayayamang bansa. Kailangan nating pag-aralang mabuti, maging mapanuri at mapag-obserba kung ano nga ba ang maidudulot ng panukalang lagi’t laging minamadali ng kinauukulang ipasa. Ito nga ba ang makakatulong sa ating mga mamamayan, o sa mga iilan lang na mga malalaking negosyante na mga dayuhan pa? Ang Pilipinas ay dapat sa mga Pilipino kaya dapat sila mismo ang lumilinang at nakikinabang rito, walang ibang makakapagpasya kung ‘di tayo mismo, at huwag natin dapat iasa sa iilang mga taong nakaupo sa pwesto.

ANO BA YAN! JOHNNY GLORIOSO

For your reactions, comments or suggestions, email me at mjdzmm@yahoo.com

MARCHING ORDER... CLEAN THE D.A. Sa biglang tingin ay isang malaking sampal kay kabayang Procy ang paglalagay kay dating Senador Kiko bilang Presidential assistant na nasa ilalim ng tanggapan ng Pangulo. Mantakin naman ninyo na apat namalalaking ahensiya ng Kagawaran ng Agrikultura ang inalis kay kabayan at ibinigay kay ka Kiko. Kumbaga sa karne ay pawang mga choice cuts ito, yung malamang bahagi at kahit pa nga sabihing madami pang natira kay kabayan ay sa pananaw ng ilan ay nawalan na ng tiwala ang Pangulo sa kanya. Subalit namnamin po natin na political position ito at ang palagiang pananaw dito ay political accomodation. Dalawa na lang ang natitirang walang puesto sa pamahalaang PNoy. Sina dating Senador Ping Lacson na nauna nang inilagay na tututok naman sa mga typhoon victims at ito ngang si Ka Kiko na bagaman at nasa ilalim niya dati ang sektor

ng Agrikultura noon panahong Senador pa siya ay wala nang gaanong background. Sa pananaw ko lang, may kinalaman na naman sa darating na halalan ito at hindi rin naman puedeng basta na lang iitsa puera si kabayang Procy dahilan sa political kingpin din naman siya sa lalawigan ng Quezon na dati na ding barkada ni PNoy noong magkakasama pa sila sa mababang kapulungan. Anyway nga, Former Senator Francis Kiko Pangilinan has been tapped by no less than President Aquino to do some serious house cleaning in the Department of Agriculture. It simply means that the Department is dirty, very dirty indeed that it needs to be cleaned of corruption and smuggling. He was appointed as Presidential Assistant for Food Security and Agricultural Modernization with special Instructions to clean up the National Food Authority, National

Irrigation Administration , the Philippine Coconut Authority and the Fertilizer and Pesticides Authority. In other word, Pangilinan has two missions: Oversee four agencies removed from Secretary Alcala, and clean it of corruption. Which signifies that Secretary Alcala has failed to do his job. The National Food Authority is underfire for causing an urban rice shortage despite the pronouncement that we will be rice sufficient this year. Underfire for overpriced rice importations thats why Secretary Alcala and NFA Administrator Orlan Calayag are facing a P457 million plunder rap. The Philippine Coconut Authority is besieged by the problem of coco levy, and the coconut planters have been begging for help for decades.And it simply needs some help to be

continue on page 4

PASAYAHAN... from page 1 p.m.) May 29 -- Cultural Night with Sikada Cultural Dance Group at Pacific Mall( 5 p.m.), and Street Fashion Show to be hosted by Bb. Pilipinas Universe Karen Agustin (9 p.m.) May 30 -- SMB Night (8 p.m.), and May 31-June 1- “1st Mayor Roderick ‘Dondon’ Alcala Invitational Shootfest” to be held at Banahaw Firing Range (8 a.m.), Ouan’s Worth Farm. Ilagan thanked City Mayor Roderick Alcala who is also the Pasayahan sa Lucena 2013 honorary chairman for his allout support for the success of the festivities. He said last year’s celebration was also supported all the way by the mayor. Meanwhile, City police director, Supt. Allen Rae Co who is in charge of traffic control said he already asked the Police Regional Office 4-A for an additional policemen to augment with his

personnel during the week- long celebration. He said additional personnel from Quezon Provincial Public Safety Company under Supt. Ranser Evasco and nearby towns will also provide assistance on orders of Quezon police director, Senior Supt. Ronaldo Ylagan. A brainchild of then OIC Mayor Euclides Abcede and

Revenue District Officer Aquinaldo Miravalles, the event was conceived in 1987 to lure traders and investors to the city. Quezon especially the Bondoc Peninsula (third district) was then considered a rebel infested province which made the local economy paralyzed and the potential foreign and local investors scared. Gemi Formaran

TRUTH ALWAYS PREVAILS

JOHNNY GLORIOSO - Publisher | Editor-in-Chief SHERYL GARCIA - Managing Editor Columnists | Contributors: GEMI FORMARAN, LANNY TOLDA, MICHAEL ALEGRE, RAFFY SARNATE, ALEXANDREA PACALDA Ang ADN SUNDAY NEWS (ADNSN) ay inilalathala ng Ang Diaryo Natin Group of Publications tuwing Linggo Facebook: ADN Sunday News | Twitter: @ADNSundayNews Email: adnsundaynews@gmail.com Downloads: www.issuu.com/adnsundaynews DTI Cert. No. 03189625


MAY 11 - MAY 17, 2014

3

GEMI A BREAK GEMI FORMARAN

Quezon inmates in jail riot “high” on drugs? To accuse is one thing, to prove it is another! This is what my father, the late Gil “Banat” Formaran, used to say whenever there were fellow radio commentators accusing public officials of having done something wrong but have no solid basis to substantiate their allegations. And so this is the basic reason why I consider as purely hearsays those allegations made by somebody against anybody that could not be supported by proof. That’s why I don’t just believe in rumors that some inmates of the Quezon District Jail in Lucena City have been into drugs although there is already an instance that a relative of an inmate has been caught red handed with shabu while entering the compound’s main gate several months ago . But I was really surprised upon learning that a jail official of the said facility had those rumors confirmed? He was heard to have said that many of those inmates who staged a riot last Wednesday were “high” with drugs. “Puro kasi sabog sa droga ang marami sa mga iyan kaya matatapang”, a policeman quoted the visibly disgusted jail official as saying shortly after the violent commotion that left 4 inmates dead and 16 others wounded. A lady employee of the provincial government also heard similar remarks from the jail official while the latter was talking with a police official regarding the incident. “Dahil siguro sa galit kaya nakaimik siya ng ganun at

hindi na naisip na masama ang epekto nun sa BJMP”, said the policeman referring to the jail official. Kung totoo ang sinasabi nya at wala siyang nagawa para mapigil iyon ay istupido siya! The public would always ask how illegal drugs could be smuggled inside the jail facility amid claims by jail officials that the entire compound especially its main entrance have been secured and under a very tight watch. They claim that visiting relatives of the inmates including women, elderly and children are being frisked before or after checking their belongings. And this is true! But shortly after the riot, jail guards and policemen who engaged in a shootout with the inmates were able to recover a home- made shotgun, a cal.22 revolver and several bladed weapons and steel bars . This only shows that smuggling small pieces of plastic sachets containing drugs inside the compound is easier to do, especially if some of the jail personnel are in cahoots with the illegal activity. Kung naipuslit nga ang mga baril at patalim sa loob, hindi na nakapagtataka ang droga! On the other hand, a jail official expressed disgust with the leadership style of their boss, Chief Supt. Serrafin Barreto, the BJMP Director for Calabarzon whose office is also in Lucena. He branded Barretto of being “soft” when it comes to the implementation of policies inside the jail facility making

the inmates disrespectful to the jail personnel. I still remember the commotion that took place inside the same jail compound last February when a group of defiant inmates refused to get out of their cells with their visiting families and allegedly threatened to have them hostaged?. Anticipating a hostage scenario, the then jail warden, Supt. Felixberto Jagorin immediately sought the help of Senior Supt. Ronnie Ylagan and Supt. Allen Co, the provincial and city director, respectively. When the policemen arrived, Jagorin asked for the go signal from Barretto to assault the inmates but the general did not allow it, saying the situation might end up in a worse scenario. As a result, no one was hurt but only Jagorin who was eventually relieved as jail warden over an alleged mismanagement on the situation. And that was the worst part of the story. Si Warden lang ang nasaktan sa pangyayari! As to the latest bloody incident, the jail warden, Chief Insp. Princesito Heje who had replaced Jagorin in February was also relieved from his post by Barretto, pending an investigation. “Nung una ay walang assault na naganap pero na nasibak ang warden. Ngayon na nagkaroon, sibak pa rin ang warden. Ano kaya ang gagawin ng bagong warden pag nagkagulo ulit”, a low morale jail guard lamented. He pointed out that had the earlier plan to assault the inmates had pushed through, the latest incident might have been

TIRADOR

prevented. The jail guard said they are aware that Barretto is aspiring for a higher position in the BJMP but he said latter should also protect his men in times of trouble the way he is protecting his career. He said sacking a jail warden and other jail personnel from their posts is not the only solution to save his face from criticisms. Barretto is among the candidates for national director of BJMP. Kaya ba naghuhugas ng kamay si general? For the record, the riot was triggered by the inmates’ direct resistance on the transfer of their gang leader, Antonio Satumba to another jail facility. A murder suspect who has been jailed since 2009, Satumba is also the leader of Sigue-Sigue Sputnik Gang who has been a perennial trouble maker in the jail, that prompted a court to issue an order transferring him to another jail facility. Satumba, according to police has been instigating his followers and co- inmates to stage civil disobedience through riot regarding their disgust with the alleged jail mismanagement. As the jail guards were about to transfer Satumba, his followers, numbering around 100 started doing a riot at the plaza of the jail compound. This prompted the jail guards and the policemen to defend themselves. 4 na preso ang tumumba pero nakaligtas si Satumba! As an initial action, the Quezon Police Provincial Office immediately activated

the Special Investigation Task Group (SITG) on Thursday in connection with incident. With SITG’s activation, the case will be subjected to in dept investigation, according to Ylagan who chairs the group. He said all the people who were involved in the incident will be questioned while all the witnesses will be interviewed in order to get the real picture of what had transpired. Para nga naman malinaw! I was told that everyone in the Provincial Prosecutor’s Office and Regional Trial Courts almost went panicked upon hearing volleys of gunfire emanating from the jail compound. Even the employees at the provincial capitol were who were busy with their works were almost shocked due to a series of loud gunfire. Nangalat daw sa takot ang mga bakla sa kapitolyo! By the way, where was the great provincial governor, whose office is only a few meters away from the jail facility, when the violent commotion happened? Many including myself were expecting to see Gov. Jayjay Suarez in the scene right after the incident. But he did not show up. And just like the usual, only his superman, the handsome Rommel Edaño was around. My friend Janet Buelo, the brightest PIO of the Capitol and the prettiest lady of PGO was also there. Hindi kaya nasa basketball court sa mansion nila sa Unisan si Gov. at naglalaro kasama ang mga maskulado at cute niyang police-bodyguards?

Para sa mga reaksiyon, suhestyon, reklamo at sumbong magtext sa 09212820262 o mag-email sa raffysarnate@yahoo.com

RAFFY SARNATE

Bakulaw na media umatake na naman! Pambihira talaga itong Bakulaw na Media! Abay! Mantakin mo ng umarangkada na naman! Hindi ko na babanggitin ang kanyang pangalan tawagin na lamang nating “Chicboy” may pagka-praning ito mga Mare at Pare ko! Marami na itong nakaaway na mga Media hindi nga ito pinapatulan dahil malala ang sayad may topak may pagka bangaw pa! Ilang beses na rin nating nakaaway yang Bakulaw na Media na ito! Abay isipin mo mga Mare at Pare ko, kung hindi ba naman torpe at kalahati ang Chicboy na Bakulaw na ito abay siniraan tayo na Member daw tayo ng 3rd Sex gago talaga itong Chicboy na Bakulaw na ito. Abay magbago ka na naglilinislinisan ka ay dami mong atraso, lumiliit na ang Mundo mo ay hindi ka pa rin nagbabago. Ang sabi nga ng kanta ni Neil Sedaka. “My World Keeps Getting Smaller Everday.

Kaya payo ko sa iyo Chicboy na Bakulaw magbago ka na, masaya ang maraming kaibigan, kaysa maraming kaaway. Mahalin mo ang trabaho mo ng ito ay mapamahal din sa iyo. Wala tayong tinutumbok kung sino ang Bakulaw na Chicboy na media, pag may nag-reak siya yon! Ano na get nyo? Bibigyan ko kayo ng Clue! Dati itong Driver ng Van na noong kanyang igarahe pagbalik ay reporter na. Sobrang taas ng pride nito akala mo ay siya na ang pinakamagaling na Media, na ang feeling niya ay siya ang pinakasikat pero wala namang binatbat. Alam kung inggit ka sa akin, dahil mas sikat ako sa iyo, ikaw ay pa-laos na. Alam nyo mga Mare at Pare ko, hindi yan nagtapos ng Mascom at Journalism biglang ulpot na lamang yan na parang Kabute dito sa Quezon. Sa palagay mo kaya Bakulaw kung alam mong ikaw ang tinutumbok ko sa kolum na ito kung

talagang tunay kang Mamamahayag ano ang ibig sabihin ng MEDIA at PRESS Puwede kang mag-Text o mag-email sa aking address sa aking katanungan, pagnasagot mo ang aking mga katanungan may Premyu kang One Thousand Pesos (P1,000.00) kung ikaw nga ang tinutumbok ko, hindi rito kasali ang mambabasa at kasamahan ko sa pamamahayag ikaw lang Bakulaw ang tinutukoy ko. Sige! Mag-Text ka na at mag-email antay ko ang iyong kasagotan kung ikaw nga si Chicboy na Bakulaw. APAT ANG PATAY, LABING-16 ANG SUGATAN SA QUEZON PROVINCIAL JAIL Grabe ang nangyari diyan sa Quezon Provincial Jail abay! Mantakin mo mga Mare at Pare ko! Na apat ang patay at labing-isa ang mga sugatan na mga Preso? Na kaya pala nag-riot ang mga ito ay

dahil ililipat ang kanilang pinuno ng Sputnik Gang na si Antonio Satumba na taga Tiaong na may kasong Murder noong 2009 pa, mag-anak pala ang nakakulong duon Ama at kapatid na pawang angkan ng Satumba. Ang tanong saan galing ang mga armas ng mga yan! May shotgun na, may sumpak pa balisong at may mga bato pa, sino ang nagsu-supply dyan ng mga armas at bakit nakakalusot sa mga Jail Guard na nagbabantay diyan sa Quezon Provincial Jail? Aba! Ay talagang palaban ang mga Preso diyan sa Quezon Provincial Jail? Ang kaawa-awa nito ay baka may Preso na malapit ng lumaya ay nadamay pa, at ang masakit ay baka napasama pa sa namatay. Biruin mo mga Mare at Pare ko! Halimbawa ay labindalawa ng taon kang nakakulong kinabukasan ay lalaya ka na ay biglang nagkaroon ng Riot diyan hanggang sa magkabarilan ay

namatay ka pa at nadamay ka pa na Miembro ka ng Sputnik Gang ay di panibagong kaso na naman ay sus ko ay patawarin ng sampung Bakulaw na Bakla. Narito nga pala ang talaan ng mga pangalan ng namatay tatlo lang ang nakuha nating pangalan sa apat na namatay at sampu naman ang mga pangalan ng mga nasugatan. Ang namatay ay sina, Gary Esguera ng Gumaca, Qezon, Jose Umali Escasa at Manuelito Palma. Ang mga nasugatan naman ay sina Jayson Magpantay, Nelson Escolar ng Atimonan, Quezon, Ricky Ramos ng Sariaya, Quezon, Adolfo de Mesa ng Lucban, Quezon, Jose Cueto Gonsalez ng Mauban, Quezon, Alberto Perez ng San Antonio, Michael Aglaser, Ronan Abordo ng Sariaya, Quezon, Francis Cabutihan ng Lucban, Quezon at Michael Ancaco ng Candelaria, Quezon. Sa

continue on page 4


4

TRUTH

ALWAYS

PREVAILS

‘UNION-BUSTING’ SA MALAKING ELECTRONICS FIRM SA LAGUNA BINATIKOS Binatikos ng isang maka-manggagawang nongovernment organization (NGO) ang anila’y ilegal na pagtanggal sa 24 manggagawang lider-unyon sa NXP Semiconductors, isang malaking electronics firm sa Laguna. Sinabi ni Anna Leah Escresa, executive director ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research (Eiler), na mistulang union-busting o tangkang pagbuwag ng unyon ang ginawa ng manedsment ng kompanya. Sa kabila ito ng pagkakaroon ng mga negosasyon para sa bagong Collective Bargaining Agreement (CBA). “Layunin ng illegal dismissal ng NXP Semiconductors sa 24 unyonista na idiskaril ang mga negosasyon sa CBA at pahinain ang unyon, na matibay na naggigiit sa karapatan ng mga manggagawa ng NXP para sa mas mataas na sahod at seguridad sa trabaho,” ani Escresa. Sinabi rin ni Reden

Alcantara, presidente ng NXP Semiconductors Company Workers Union (NXPSCIWU), na desperado ang manedsment na puwersahin ang unyon na isuko ang kanilang “makatarungang mga hiling” para bumuti umano ang lagay ng mga manggagawa. “Nagtatanim ng takot sa mga manggagawa ang manedsment ng NXP. May matinding presensiya ng Regional Special Action Force (RSAF) na nakadamitsibilyan sa kompanya na paikut0ikot kahit sa production area. Kahit ang shuttle buses na nagdadala sa mga manggagawa mula at papunta sa lugar ng NXP ay guwardiyado nang husto. Parang nasa batas militar kami at itinuturing ang mga manggagawa na kriminal,” sabi pa ni Alcantara. Nakatanggap ng termination notice ang 24 unyonista noong Mayo 6 mula sa kompanya dahil sa pamumuno umano ng “ilegal na mga welga” nang di sila pumasok sa

mga holiday na idineklara ng gobyerno noong Abril 9, 17, 18 at Mayo 1. Kabilang sa opisyal na dinismis ang mga miyembro ng executive board ng unyon, pati ang Shop Steward Council na bahagi ng pakikipagnegosasyon para sa CBA. Agad umanong inilagay ang mga pangalan nila sa blacklist at di pinapasok sa Light Industry Science Park I kung saan matatagpuan ang pabrika ng NXP. Hinarang din ng manedsment ang pagbigay ng mga benepisyo nila, pati ang educational subsidy na dapat ibibigay sa Mayo 15. “Seryosong nagaalala kami sa pagtanggal sa mga lider-unyon ng NXP nang walang due process at batay sa walang-kuwenta at dikatanggap-tanggap na mga dahilan sa gitna ng mga negosasyon,” sabi pa ni Escresa. Ipinaglalaban ng unyon ang 8-porsiyentong taas-sahod sa mga m a n g g a g a w a ,

samantalang inaalok naman ng manedsment ang 3/5 porsiyentong taas-sahod hanggang sa susunod na CBA. Pinuna na rin ng unyon, na kumakatawan sa 5,000 manggagawa ng planta sa Cabuyao, ang dumaraming bilang ng kinukuhang kontraktuwal na mga manggagawa para palitan ang regular na mga manggagawa. Ang NXP Semiconductors ay kompanyang electronics na gumagawa ng iba’t ibang klase ng sensor, audio amplifier at microchips. Ayon sanoa Eiler, masamang ehemplo ang kompanyang ito sa iba pang kompanya na maaaring gamitin ang kaso ng NXP para pagbantaan din ang kanilang mga manggagawa na dipumapasok tuwing holiday. Ang unyon ng mga manggagawa sa NXP ay bahagi ng isang pederasyon sa ilalim ng Kilusang Mayo Uno o KMU. Kontribusyon ni Kenneth Roland A. Guda ng Pinoyweeklyonline

Davao City- Hundreds of Lumad evacuess from Talaingod, Davao del Norte got a free shower on a very hot day from the central 911. The Bakwits have sought refuge at UCCP Haran. They have been there for a week now, alleging intensive militarization in their communities as the reason why they evacuated Photos by: FREEDIE DEL ROSARIO of Kilab Multimedia

urban container gardening project. Learn some of the basic things that you need to know about growing your own organic food garden even in a small place. All you have to do is register by sending a message to Guni Guri Collective page and leave your NAME AND CONTACT NUMBER. If you are bringing your friend(s), have them listed as well as the seats are limited. Graphics by Aaron Bonette of Guni-Guri Collective

TIRADOR... from page 3

ngayon ay patuloy pa rin ang isinasagawang Imbestigasyon ng Pulisya hinggil sa

nangyaring insidente ng barilan sa Quezon Provincial Jail. Raffy Sarnate

ANO BA YAN?!!... from page 3 able to be redirected to uplift the lives of coconut farmers. Secretary Alcala was quoted to have said “ Two heads are better than one” but in any basic management course, this will only lead to confusion, so it is inadvisable. The reality is that the Department of Agriculture has not met expectations, rice self sufficiency as a goal has not been met. Rice smuggling has continued to plague the nation, and irrigation has continued to lag behind, leading to lower income to the farmers.

Still, ang pagkakalagay kay dating Senador Kiko Pangilinan sa Department of Agriculture gives so many question than answer, dahilan sa parang choice cuts ang napunta sa kanya. Maliwanag ang atas na paglilinis sa nabamggit na mga departamento na ang ibig sabihin ay madumi ang mga ito at kinakailangang linisin. Walisin ang mga taong hindi gumagana ng naaayon sa expectation ng Pangulo at palitan ng mga taong magiging mas epektibo.

Pagpapalakas sa mga Woodcraft Makers, Patuloy ang pagsasagawa Isang Techno Demo ang isinagawa sa Conference Room ng DTI-Quezon para sa 16 na kalalakihan at 16 na kababaihan na gumagawa ng furniture at iba pang produkto na yari sa kahoy, uway at kawayan noong April 22, 2014. Ang mga dumalo ay galing sa mga bayan ng Gumaca, Candelaria, Tiaong, Pagbilao, Tayabas at Lucena. Malaking problema sa mga dumalo ang bukbok, ang paglalagay ng pandikit para sa kahoy at kawayan, hindi pantay na ibabaw ng kahoy, paano gumawa ng matibay na istante, at paano gumamit ng makabagong fillers para sa mga kahoy. Ang DTI-Quezon ay nakipag-ugnayan sa TimbermateHMT Industries Corp. upang maturuan ang mga lokal na manggagawa sa tamang paraan para sa paggamot, pangangalaga,

pananatili at finishing ng kahoy at iba pang produktong kahoy. Bagamat gagamit ng kemikal para magkaroon ng solusyon ang mga problemang kinahaharap ng mga manggagawa, ang mga ito ay mayroong “low toxicity” at “environment friendly.” Ang mga manggagawa ay binigyan ng hands-on training upang makagamayan ang paggamit ng ibat ibang applications. Inimbita ng kompanya ang mga dumalo sa techno-demo sa kanilang head office sa Angeles, Pampanga para masaksihan ang isang kompleto at actual na procedures para sa wood products. Nagkaroon ng kumpyansa ang mga dumalo sapagkat ang mga produkto nila ay tataas ang uri, hindi agad masisira at maaalis ang mga maliliit na depekto ng produkto. Kontribusyon ng DTI Quezon

HTTP://ISSUU.COM/ADNSUNDAYNEWS


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.