MAY 25 - MAY 31, 2014
P10.00
Vol. 3 No. 012
TRUTH ALWAYS PREVAILS
Tingnan ang buong larawan sa pahina 2
Coco farmers to PNoy: Heads should roll at UCPB board Barefaced scam happening in UCPB
by KMP News Bureau
Mr. Jonie Sanchez explains to the residents of Purok Narra, Brgy. Isabang Lucena City the procedures and techniques of growing vegetables using recycled plastic bottles during the Urban Container Gardening Project of Guri-Guri Collective, May 19.
QUEZON PUBLIC MARKET, PINASINAYAAN
by Quezon PIO
Pinangunahan ni Quezon Governor David “Jay-Jay” C. Suarez ang pagpapasinaya ng pampublikong pamilihang bayan ng Quezon, Quezon, kamakailan. Ayon kay Governor Suarez, malaking tulong sa kaunlaran ng isang bayan ang maayos, maganda at malinis na pamilihang bayan dahil ito ang sentro ng business commerce sa isang lokalidad at walang bayan o lungsod ang uunlad kung hindi maayos, maganda at malinis ang kanyang public market. Ayon pa dito na napaka-
swerte ng bayan ng Quezon dahil sa 39 na bayan at 2 lungsod sa lalawigan ng Quezon, at lahat ay may pangangailangan sa palengke, ang bayan ng Quezon lamang ang nabiyayaan ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon ng pondo para pagandahin, ayusin at baguhin ang kanyang palengke. Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga mamamayan ng Quezon, Quezon sa pamumuno ni Mayor Crispin Clacio sa napakahalagang proyekto na ipinagkaloob sa kanilang bayan ang public market na
nagkakahalaga ng P4M. G a y u n d i n , ipinagpasalamat din ng alkalde ang iba’t iba pang proyekto na ipinagkaloob ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Governor Suarez kabilang dito ang computer building annex sa ilalim ng computer literacy program na may 25 units ng computer with accessories, 1 classroom kindergarten school building, pagpapasemento ng kalsada na nagkakahalaga ng P6M, at pagpapasemento ng barangay road na nagkakahalaga ng P5M.
Masayang nagpakuha ng larawan ang mga miyembro ng media practitioners sa pangunguna ni Camp Nakar Press Club chairman Gemi Formaran kasama si Southern Luzon Command chief Lt.Gen. Caesar Ronnie F. Ordoyo sa isinagawang Solcom Fellowship Day with Tri-Media noong nakaraang Huwebes (May 22, 2014). (Sa kaliwang larawan) Masiglang naglaban ang mixed players mula sa SOLCOM at media sa larong badminton at volleyball. Roy M. Sta. Rosa
The militant peasant group Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) and the claimants movement Coco Levy Fund Ibalik sa Amin (CLAIM) today urged President Aquino to immediately axe directors of the United Coconut Planters Bank (UCPB) engaged in “barefaced scam” of the multibillion coco levy funds. “What’s happening in UCPB is a barefaced scam, another organized racket and plunder, seeking legitimacy from the courts,” says KMP chair Rafael Mariano referring to the bank’s bid to claim P15.6 billion from the estimated P71 billion coco levy funds. “We challenge Aquino to immediately kick UCPB directors, including bogus and self-proclaimed coconut farmer-representatives in the board, involved in this maneuver to profit from small coconut farmers’ money,” says Arvin Borromeo, spokesperson of CLAIM-Quezon. “Heads should roll in UCPB, unless this anticoconut farmer maneuver by the UCPB board enjoys the blessings of Aquino himself who is also itching to profit from the coco levy fund,” says Borromeo. Reports also said that in December 2012, UCPB filed two cases in Makati City against the Presidential Commission on Good Government and asked the courts to declare P15.6 billion of the P71 billion worth continue on page 3
Sektor ng agrikultura sa lungsod, patuloy na sinusuportahan ni Mayor Dondon Alcala Sa kabila ng pagiging isang highly urbanized city ng Lucena, patuloy pa rin ang suportang ibinibigay ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa sektor ng agrikultura. Ayon kay Mayor Dondon Alcala, kaniyang pinupulong ang hepe ng City Agriculturist Office na si Melissa Letargo, upang alamin ang mga pangangailangan ng mga nasa sektor ng agrikultura sa lungsod. Malaki rin aniya ang itinutulong ni Department of Agriculture Secretary Proceso “Procy” Alcala sa kaniya dahil sa mga programa at proyektong ibinibigay nito sa mga magsasakang Lucenahin. Kung matatandaan, una ng ipinagkaloob ni DA Sec. Procy Alcala ang dalawang satellite market sa Lucena na nakakatulong sa mga magsasaka na dalhin ang kanilang mga produkto dito upang ibenta gayundin ang mini rice mill bukod pa dito ang pondong ipagkakaloob sa pagsasa-ayos ng Slaughter House at Auction Market. Dagdag pa ni Mayor Alcala, ilan rin sa mga programa ng pamahalaang panglungsod na ipiangkakaloob sa mga magsasakang Lucenahin ay ang pagbibigay ng libreng baka, baboy, libreng mga panananim, pamamahagi ng certified seeds, mga fertilizers at marami pang iba. (PIO Lucena/ R. Lim)
2
MAY 25 - MAY 31, 2014
EDITORIAL
editorial cartoon from the internet
Edukasyong Ipinagkait Nalalapit na naman ang pagbubukas ng klase at nahaharap na naman ang mga mamayan sa mga gastusing may kinalaman sa pag-aaral. Marami ang may problema sa pambili ng mga gamit tulad ng kwaderno, bag at iba pa, bukod pa sa bagong uniporme at sapatos ng mga mag-aaral. Kakambal na ng pasukan sa eskwela ang paggastos at isa itong pagsubok sa mga kapos-palad nating mga kababayan. Higit sa lahat maraming mga estudyante at magulang ang dismayado sa pagbubukas muli ng mga paaralan sapagkat hindi na nila kaya pang ipagpatuloy ang pag-aaral bunsod sa hindi mapigilang pagtaas ng matrikula. Ang mga pribado gayudin ang mga pampublikong kolehiyo at unibersidad ay may kanya-kanyang pagtataas sa mga bayarin. Sa patuloy na hindi maabot na presyo ng edukasyon, maraming kabataan ang hindi na makakapasok sa paaralan sa susunod na buwan. Ngayong Hunyo, madadagdagan na naman ang mga Out of School Youth at mga kabataang pinipili ang maghanap buhay ng maaga kaysa ang magtapos ng pag-aaral upang labanan ang kahirapan. Tunay na sa ating bansa, nagiging pribilehiyo na ang pagkakaroon ng diploma kahit na nakasaad sa ating Konstitusyon na karapatan ng bawat mamayan ang magkaroon ng edukasyon. Sa patuloy na pagbabawas ng budyet ng ating gobyerno para sa edukasyon at pagsasapribado ng mga State Universities, parami ng parami rin ang mga Pilipinong nagiging mangmang at kulang sa pinagaralan. Sinasabi ng mga eksperto na angat ang galing at talino ng mga Pilipino ngunit sa patuloy na pagpapabaya ng kinauukulan na hasain at linangin ang likas na kakayahan ng mga mamamayan, mananatili lugmok ang ating bansa sa kahirapan at umaasa lamang sa ayuda ng mas malalakas at makapangyarihang mga bansa. Sa pagwawalang-bahala ng gobyerno sa kahalagahan ng edukasyon, maraming oportunidad sa pag-unlad, pagbabago at pagbangon ang nasasayang. Hindi lamang ito isang panawagan, kundi isa ring paghamon sa bawat mamamayan na ipaglaban natin ang ating karapatang magkaroon ng sapat na edukasyon upang makapag-ambag tayo sa pagsulong ng ating bayan. Panahon na upang imulat natin ang ating isipan sa kapabayaan ng mga nakatataas. Sa dami ng yaman ng ating bansa na nauuwi lamang sa bulsa ng mga mapagsamantalang nasa kapangyarihan, ngayon na ang oras upang hingin at bawiin natin ang nararapat na nasa atin. Ngayon na ang panahon upang ipaglaban natin ang libreng edukasyon para sa lahat sa ikagaganda ng ating kinabukasan.
TRUTH ALWAYS PREVAILS
JOHNNY GLORIOSO - Publisher | Editor-in-Chief SHERYL GARCIA - Managing Editor Columnists | Contributors: GEMI FORMARAN, LANNY TOLDA, MICHAEL ALEGRE, RAFFY SARNATE, ALEXANDREA PACALDA Ang ADN SUNDAY NEWS (ADNSN) ay inilalathala ng Ang Diaryo Natin Group of Publications tuwing Linggo Facebook: ADN Sunday News | Twitter: @ADNSundayNews Email: adnsundaynews@gmail.com Downloads: www.issuu.com/adnsundaynews DTI Cert. No. 03189625
ANO BA YAN! JOHNNY GLORIOSO
For your reactions, comments or suggestions, email me at mjdzmm@yahoo.com
Double Standard Madami ang pumuna sa diumano ay di makataong naging pagtrato ng pamahalaan kay Andrea Rosal, anak ng dating Spokesperson ng New Peoples Army na si Gregorio Rosal. Ang di pagbibigay dito ng kaukulang pangangalaga habang nasa loob ng isang masikip na bilangguan gayong ito ay nagdadalang tao. Ang resulta, isang araw lang na nabuhay ang isinilang nitong sanggol at pumanaw na kaagad. Ramdam ko ang sakit ng sinapit ni Andrea sapagkat naranasan ko din at naramdaman ang hapdi ng sakit na idinulot ng pagkawala ng isang sanggol na mahal sa buhay. Sa ganang amin, nagawa namin ang lahat upang ang bata ay maisalba, subalit sa panig ni Andrea, naghahanap ang Ina at mga kaanak nito, nagiisip na kung sana ay nabigyan ito ng wastong pagkalinga, nabuhay sana ang sanggol. Tinitingnan nila ang pagtrato ng ating pamahalaan sa PDAP Queen na si Napoles, kumpara kay Andrea. Ang paggastos ng ating pamahalaan ng malaki upang maipagamot ito at ang kawalan ng effort upang maisalba ang sanggol. Tinitingnan nila amg kulungan ni Napoles, kumpara sa naging kulungan ni Andrea, at ang malaking halagang ginugugol ng ating pamahalaan sa kulungan ni Napoles , kumpara sa naging kulungan ni Andrea. Kayo, ano sa palagay niyo, nagkarun nga ba ng double standard sa pagtrato sa dalawanga babae? Makaraan ito, sunod sunod ang naging pagatake ng mga rebelde sa ibat ibang panig ng ating bansa, naging masigla ang kanilang opensiba kahit pa nga sabihing marami ang nalagas
sa kanilang panig. Para sa amin , pagpapakita ito ng kanilang pakikiisa at pagtutol sa naging pagtrato ng ating pamahalaan sa anak ng kanilang kinikilalang magiting na lider ng kanilang kilusan, kahit pa nga sabihing sa bawat inilunsad nilang opensiba ay palagi silang talunan dahilan sa kahandaan ng ating mga sundalo. NAPOLIST OR NAPOLES LIST Kabi kabila ang kumalabas na mga listahan ng mga diumano ay kabilang sa mga opisyal ng ating bayan na sangkot sa maanomalyang PDAP ni Napoles. Mismong si Pangulong Pnoy na din ag magsabi na duda na siya sa mga lumalabas na listahan at sa provative value ng mga Napoles statements, partikular ang mga listahang naglalaman ng mga pangalan ng mga opisyal ng bayan na sangkot sa naturang anomaliya. Kung totoo ang pinanumpaan niya sa hearing ng Senado na nakalimutan na niya ang mga mahahalagang detalye at pangalan ng mga opisyal na sangkot sa PDAP , ano ang nangyari at biglang nagbalik sa kanyang isipan kung sinu sino ang mga ito ngayon? Ang bawat sabihin niya ngayon ay ipinalalagay na totoo ng madami at habang banggit siya ng banggit ng mga pangalan ng mga senador, kongresista at cabinet opisyal ay padagdag ng padagdag ang pagkawasak ng mga institusyong kanyang isinasangkot. At sa dami ng mga pangalang diumano ay sangkot, waring wala nang matitira sa mga naka puestong opisyal mg bayan. With extreme pressure
bearing down on Napoles, she is now having problems in allocating her selective amnesia. The names she releases yesterday is different from the list she mentioned today, and it constantly changes everytime she whips out her latest enumerations, and that is bad for her credibility if she still have it. FELLOWSHIP WITH THE ARMY Nauna nang nagpadaos ng fellowship with the media ang kasundaluhan na pinamumunuan ni Lt. Gen Ordoyo, at siya na mismo ang maysabi na kasunod na nito ang fellowship with the PNP . Siguro ang mangyayari naman ay mga pulis ang host. Hindi masyadong madaming miembro ng media ang lumahok sa sports fest, marahil ay marami ang hindi sportsminded, subalit madami naman ang dumalo sa fellowship. Hindi pumayag si CG na hindi ako pupunta dun kung kayat sa halip na umuwi muna ay nagtiyaga na akong maghintay hanggang sa oras ng fellowship. Sangkaterba din ang mga ipina raffle na premyo subalit madami ang pumuna, napansin ko ito dahilan sa may mga kasamahan daw tayo na naghakot kahit hindi media. Ay naku, hayaan na nga natin sila dahil dun sila maligaya. Anyway, naging successful ang okasyon at naging masaya ang lahat. Salamat po ng madami Lt.Gen. Caesar Ordoyo. Kahit huli na ay babatiin ko pa din ang mga birthday celebrants na mga miembro ng media na nagdiwang ng kanilang kaarawan ngayong buwan ng Mayo. Sorry Jettay at hindi ako nakadalo kahit gusto ko. Happy Birthday na lang.
MAY 25 - MAY 31, 2014
3
GEMI A BREAK GEMI FORMARAN
Gen. Ordoyo, the most media- friendly Solcom commander Before proceeding, let me remind our friends from the shooting community and all the shooting enthusiasts in the province about the forthcoming 1st Mayor Roderick “Dondon” Alcala Invitational Shootfest, a Level 2 match, sanctioned by the Philippine Practical Shooting Association (PPSA) which will be held on May 31 and June 1 at Banahaw Firing Range, Ouan’s Worth Farm. The event is a part of this year’s “Pasayahan sa Lucena”, chaired by our good friend, Archie Ilagan and hosted by K- 609 Gun Club under the leadership of your’s truly. With Col. Allen Rae Co as the match director, we are very positive that the competition will again, be successful. We also thank Col. Ronnie Ylagan for allowing some of his police commanders to form a team and participate in the competition which they used to do whenever there were shooting competitions in the province. The match will start through a ceremonial shoot to be done by Mayor Dondon and Col. Co.
--o0o--
I’ve been covering Camp Guillermo Nakar since 1989, the year when I started working as a radio reporter. Not for the fact that Gen. Nakar is my name sake but because the camp houses both the headquarters of Southern Luzon Command (Solcom) and Quezon Police Provincial Office, and other military and police support units. Since that year, I have witnessed the leadership and management style of so many SOLCOM commanders in the persons of Generals Alejandro Galido, Evaristo Carino, Federico Ruiz, Cesar
Fortuno, Raymundo Jarque, Oswaldo Villanueva, Clemente Mariano, Jose Maria Solquillo, Samuel Dunque, Voltaire Gazmin, Diomedio Villanueva, Jose Lachica. They were followed by Generals Narciso Abaya, Ernesto Carolina, Roy Kyamko, Alfonso Dagudag, Pedro Cabuay, Alexander Yano, Rodolfo Obaniana, Delfin Bangit, Roland Detabali, Eduardo del Rosario (acting) , Nonato Alfredo Peralta (Acting) and Caesar Ronnie Ordoyo (present). But among these 24 military generals, only a few of them have showed genuine concern and respect to the welfare of working journalists. One of them is Gen. Ordoyo, a native of Iloilo and a member of Philippine Military Academy Class’ 80. He is a a son of a retired General who served as commander of the Army’s 6th Infantry Division based in the said province. Gen. Ordoyo is among the few Solcom commanders who believed in the importance of media in the society and its significant contributions to the success of the government’s campaign against insurgents. He understands that the military would not have been that successful against the enemies without the big help of the media. But the Solcom chief, despite his being mediafriendly has been consistent with his stand that being a journalist requires responsibility and moral ascendancy. During light moments, the soft spoken general keeps on reminding us that we as media practitioners should also be responsible with everything that we write or broadcast. It means that when we write or air something especially if it concerns public interest, it should be accurate and backed by facts in order for us to be
TIRADOR
RAFFY SARNATE
Para sa mga reaksiyon, suhestyon, reklamo at sumbong magtext sa 09212820262 o mag-email sa raffysarnate@yahoo.com
Pasayahan sa Lucena handa na! Mga mandurukot handa na rin!! Habang nalalapit ang pasayahan sa Lucena, mga mandurukot, holdapers at snatchers handing handa na rin. Alam ninyo mga mare at pare ko kung saan naroroon ang kasayahan ay andon din ang mga mandurugas habang libang na libang sa panunuod ang mga turista palibhasa nga ay tatangatanga at tiwala sa kanilang sarili sa panunuod ng mga parade ay duon naman sinasamantala ng mga kawatan. Katulad ng nangyari sa bayan ng Lucban, Quezon sa nagdaang Pahiyas Festival abay mantakin mong labinwalong katao ang nadukutan ayon sa blotter ng pulisya. Grabe talaga! Karamihan sa mga yan ay dayo at hindi lihitimong taga bayan ng Lucban, diyan sinasamantala na ang iba’y galing Probinsya at Metro Manila. Ang kahabag-habag na nangyari ay duon sa isang
Senior Citizen na nadukutan ng halagang P520,000 pesos. Mantakin mo yan mga mare at pare ko? Ang isa pa, ng nakapanayam natin si Mayor Oli Dator ay siya mismo ang nanghuhuli ng mga kawatan at wala raw ginagawa ang Hepe ng kanyang kapulisan kundi patulog-tulog sa pansitan kaya ngayong pagkatapos ng kanilang seminar ay ibang Hepe ng Lucban, Quezon ang kanyang madadatnan. Kaya dito sa darating na Pasayahan Festival ay dapat pagtuunan ng pansin ng mga kapulisan na ang iba ay naka sibilyan para marami silang mahuli na mga kawatan. Tama po ba Col. Allen Rae Co? Paalala rin natin duon sa mga turista at mga bisitang taga ibang bayan ay huwag laging magpokus ang inyong mga mata sa pinapanuod ninyo, tingnan din ninyo ang kapaligiran na wala kayong kaalam-alam na kayo pala ay nadudukutan na ay sige pa
rin ang inyong tawa sa kababangla sa mga parada! Ay sus mag-inang biglang buka at anak ng baklang bakulaw! Dito sa darating na Pahiyas Festival ay maraming Events kayong masasaksihan. Unang una ay sa May 23, 4:00 Umagang kay Ganda, Live Coverage na ang Host ay si Amy Perez, May 24, 1:00 pm Motortrade – Opening Salvo, 9:00 pm Mayors Night w/ Aegis Band, 11:00 pm Fire Works Display. May 25, Sunday 4:00 pm Flores de Mayo, May 26, 6:00 pm Singing Lolo, 9pm Gandang Lola, May 27, 2pm Kusinerong Lucenahin, 8:30pm Ginoo at Bb. Pasayahan 2014, May 28 Grand Parade1:00pm, 5:00pm Mall Show w/ Enrique Gil. Yan ang mga Activities na naka Schedule sa darating na Pasayahan Festival, kaya dapat alerto ang mga kapulisan sa mga naglipanang mga kawatan.
called credible journalists. I feel that the good general, while saying those words, has no intention of hurting anyone among us in the media. But its natural for those being hit directly or indirectly by that statement to feel antagonized. It could not be avoided, since truth really hurts. Last Thursday (May 22), Solcom hosted a Fellowship Day with Tri- Media. Teams composed of mixed journalists and soldiers battled with each other during the whole day sportsfest and it was immediately followed by an abundant fellowship night from 6:00 p.m. to 10:00 p.m. Some of those journalists who did not participate in basketball, volleyball and badminton games joined the singing contest and parlor games during the fellowship night. Everybody won a raffle prize not just once but twice. Aimed at promoting camaraderie between journalists and soldiers, the Solcom chief came up with the idea of hosting such activities. And that, again, makes Gen. Ordoyo different from his predecessors. He will be retiring this year, but the legacy that he will be leaving would always remind us that once upon a time, there was one Gen. Ordoyo who is a true gentleman and a real media- friendly Solcom commander! But aside from him, I also give credit to PAF Lt. Col. Lloyd Cabacungan, the good spokesman of Solcom. It was him who was tasked by the Solcom chief to organize the back- to- back event. Since last month, Cabacungan was already busy in the event preparation and in holding meetings with media group presidents. While his right hand, the energetic Marine Sgt. Wigberto Cilo- Cilo, did the leg work.
Coco farmers...
from page 1
of coco levy fund shares as owned by UCPB. Borromeo described the filing of cases as “brazen and crude” linking the legal move to the controversial hiring by the bank of the law firm of Atty. Nilo Divina, a UCPB board director. “Under the guise of filing cases, the law firm owned by a UCPB director is being paid out of coconut farmers’ money. This is a scam, a systematic plunder led by UCPB insiders themselves,” Borromeo, a Catanauanbased coco farmer said. “Sa mga miyembro ng UCPB board, mahiya naman kayo,” Borromeo stressed adding: “members of the board, including bogus coconut farmer-representatives, have benefited and feasted over the coco levy funds for decades.” Mariano said the filing of cases is a calculated and deliberate move by the board. “It came less than two months after the PCGG remitted an estimated P56 billion to the Bureau of Treasury in October 2012,” Mariano said adding: “It clearly shows that the Aquino administration wants to continuously deny small coconut farmers of their legitimate and rightful claim over the funds.” The KMP and CLAIM reiterated calls for the passage of House Bill 1327 that seeks the return of the coco levy funds to genuine small coconut farmers. According to KMP and CLAIM, HB 1327 is the “legislative counterpart” of the small coconut farmers’ proposal for the “cash distribution of the recovered funds.”
4
MAY 25 - MAY 31, 2014
TRUTH ALWAYS PREVAILS
PROBLEMA SA MALINIS NA TUBIG NG ALABAT, TINUGUNAN NI GOV. SUAREZ
Malapit nang magkaroon ng malakas na daloy ng malinis na tubig ang bayan ng Alabat matapos maisagawa ang groundbreaking ceremony ng Alabat Water Supply System na pinangunahan ni Quezon Governor David “Jay-Jay” C. Suarez sa Brgy. Camagong, Alabat, Quezon, kamakailan. “Ang tubig ay buhay, kaya sa pagkakataong ito ang biyayang dala ni Governor Suarez ay buhay para sa mga kababayan natin dito sa
bayan ng Alabat”, ito ang naging pahayag ni Mayor Fernando Mesa. Ayon pa kay Mesa tinugunan kaagad ng gobernador ang kahilingan ng kanilang bayan na magkaroon ng maayos at malinis na daloy ng tubig na tatlong dekada ng problema ng Alabat. Ayon naman kay Governor Suarez na tinugunan niya kaagad ang naturang kahilingan dahil nais niyang tuldukan ang tatlong dekada ng problema sa tubig ng naturang bayan sapagkat alam niya ang kahalagahan ng tubig sa
isang bayan. Idinagdag pa ng gobernador na ang isasagawang water supply system ay first phase pa lamang ng gagawing programa para sa patubig sa bayan ng Alabat at ang phase 2 ay ang expansion ng water supply and water source at paano mase-secure ang panggagalingan ng tubig. Gayundin, ang pagpapalit ng linya ng tubig para magkaroon ng magandang daloy ng tubig at magkakaroon din ng treatment facility para masigurong malinis ang dadaloy na tubig sa mga
kabahayan. Ang water supply system sa bayan ng Alabat ay magkatuwang na proyekto ng pamahalaang panlalawigan at pamahalaang bayan ng Alabat na may kabuuang pondo na P9M kung saan ang P5M ay magmumula sa probinsya at ang P4M ay magmumula sa naturang bayan. Nakiisa din sa naturang groundbreaking ceremony sina ViceGovernor Sam Nantes at 4th District Board Member Rhodora “Doray” Tan. (Quezon PIO)
Guni-guri collective’s Free Urban Container Gardening Seminar, successfully held The Guni-Guri Collective, a group of multimedia artists in Quezon, successfully held their first 'Free Urban Container Gardening Seminar' last May 19, 2014 at around 10 am at Purok Narra, Brgy. Isabang and 2pm at Señorita’s Garden, Lucena City. Mr. Jonie Sanchez, the guest speaker from San Pablo City, an organic farmer and lecturer, tackled the basic procedures and components on how to grow a healthy and organic vegetables in urban areas using recycled plastic soda bottles and water containers. This successful project was carried out as the result of the funds gathered from the collective’s exhibit last March 22-29 called 'HIMASA\WASIWAS', a genderrelated benefit art show at Unomish Bar & Resto Lucena City. Free gardening kits were given to the residents of Purok Narra, hand in hand with the knowledge of selfsustainability through planting their own vegetables. Being an agricultural province, we cannot deny the fact that the seventy-five percent of Quezon’s population belongs to the peasant sector. Due to land
grabbing and not having their own land to till, these large number of people migrate to urban areas hoping for a better life. Not having enough skills and education, most of them end up in squatters area in poverty level and unemployed. With this reality, self-sustainability by planting their own food and recycling will greatly help, at least to alleviate hunger in every community. Purok Narra at Brgy. Isabang was the first community to receive this alternative type of planting vegetables and its residents also showed interest in learning to grow their safe and clean organic food. The collective is still planning to conduct a second seminar this coming June; hopefully reach other communities in the province. It is still a surprise for us artists, that our crafts and our art can come to this point of educating and helping communities, said Ms Odessa Karuka, one Guni-guri’s founder and coordinator of the Urban Container Gardening Project. contributed by:Marlon V. Ala
DTI-Quezon Kasama sa Brigada Eskwela Sa kahilingan ng Hermana Fausta Elemetary School, ang DTI-Quezon ay sasali sa Brigada Eskwela ngayong ika-22 ng Mayo, 2014. Sa pangunguna ni Director Marcy Alcantara, magdadala ng timba, pamunas, walis na tambo, at walis na tingting ang mga taga DTI upang maglinis ng mga classrooms ng
nasabing paaralan. Inaasahang ang DTI staff, mga guro at mga magulang ay magsasamasama upang maging handa ang nasabing paaralan sa darating na pagbubukas ng mga paaralan. Ang Brigada Eskwela at taunang programa ng DepEd upang ihanda ang mga paaralan sa pagsisimula ng pasukan.
TSPI partners with DTI to assist small businesses
Southern Luzon Command (Solcom) chief, Lt. Gen. Caesar Ronnie Ordoyo stresses the significant role of the media in the society and how the members of the fourth state helps the military in its campaign for peace during the opening rites of Solcom Fellowhip Day with Tri- Media held at Camp Guillermo Nakar in Lucena City yesterday. With the Solcom chief are acting chief of staff, Col. Mario San Pedro, deputy Solcom commander, Navy Capt. Ramon Renales, Camp Nakar Press Corps president Gemi Formaran and Quezon Tri- Media Group president Danny Ordoñez. It was Solcom spokesman Lt. Col. Lloyd Cabacungan who organized the one day sports fest and fellowship night. (ADN)
TSPI (Tulay sa Pagunlad, Inc.), sought the assistance of DTI in facilitating the business name registration of their members by explaining to the general membership in Sariaya, Quezon the requirements and assisting them fillout the forms. Since the businesses established by the members were in the barangay level only, they paid only P 215.00. As to the general membership, DTIQuezon thru Ms. Leila Cabreros, explained the consumers’ rights and responsibilities and how to file complaint in order
to protect themselves from unscrupulous businessmen. There were 3 males and 276 females that attended the lecture series conducted by DTIQuezon. Another mandate of DTI was explained by Mr. Pablito Budoy. The national agency is providing various services like marketing, training/workshops, and even financing. While the members were receiving loans from TSPI, the management wanted to encourage the members to engage in business to improve their living
condition and not only depend on loans given by the institution. TSPI will pursue a public-private partnership with DTI and other national agencies in order for them to experience the services that would bring them to the national level. The first encounter between TSPI and DTI was Ugnayan 2014 in Sariaya. TSPI saw the value of working with the government and the rest of their cluster meetings will include DTI in their program to open the minds and hearts of the members when engaging in individual enterprise.