ADN Sunday News (Vol. 3, No. 015)

Page 1

HUNYO 15 – HUNYO 21, 2014

P10.00

Vol. 3 No. 015

TRUTH ALWAYS PREVAILS

Tingnan ang buong larawan sa pahina 2

Apat sugatan sa karambola ng 3 sasakyan sa Tiaong

Ang mga akusadong pulis na suspek sa Atimonan Masaker na unipormado habang dinidinig ang kaso nitong nakaraang linggo sa RTC Branch 62 ng Gumaca,Quezon. Raffy Sarnate

MARANTAN ET AL BINASAHAN NG KASONG MULTIPLE MURDER

Humarap kay Hon.Judge Napoleon Matienzo ng RTC Branch 62 sa Gumaca Quezon ang mga akusado sa sensational na kasong Atimonan Massacre na naganap noong buwan ng Enero ,2013. Sa 13 mga akusado hindi humarap si supt Balauag na sinasabing maysakit at PO1 Jailani na sinasabing tumakas mula sa detention Center. Hindi nagbigay mg kanilang plea ang mga akusado kung kayat si Judge Matienzo na mismo ang nagbigay ng Not Guilty Plea sa kasong multiple murder.

Kinuestiyon ng mga Prosecutor kung bakit pawang mga nakasuot pa rin ng unipormeng pang pulis ang mga akusado gayong tinanggal na sila sa serbisyo. Ayon naman sa mga abugado ng akusado, may inihain silang motion for reconsideration sa court of appeals at sa Supreme Court. Kapag sumagot na umano ang mga ito saka lamang sila mag dedesisyon kung kailangang maguniporme pa sila o hindi depende sa sagot sa kanila. Sa labas ng hall of justice, may limampung kalalakihan naman ang nagsasagawa ng rally panig kina

Marantan. Ayon sa grupo na ang karamihan ay mula sa samahang guardians hindi dapat na kinasuhan sina Maramtam at lalong hndi sila dapat makulong sapagkat tumupad lamang ag mga ito sa kanilang tungkulin. Nagsiuwi na ang mga rallyista makaraang mabigyan ng inirasyon pack lunch. Nagmula pa umano ang mga ito sa lungsod ng Lucena. Itinakda sa June 23 ng umaga ang paghahain ng petition for bail at sa hapon naman ang marking of evidences. Sa July 23 naman isasagawa ang pre trial hearing. Johnny Glorioso

Free art workshop to young artist LUCENA CITY: 200 young art potentials took advantage of the free art workshop given by renowned realist Ronald Cortez at the Event Center of SM City Lucena. Cortez is a native of Lucban, Quezon

and is now based in New York City but he still finds time to impart his talent with his fellow Quezonians, particularly the young art aspirants, every time he comes home for a visit. The participants, ages ranging from

as young as 6-years old flocked to the event, with pencils and sketch pads in hand, and listened attentively as Cortez explained the techniques to be a real realist. continue on page 4

KALAGAYAN NG KALAYAAN. An Independence Day collaborated art exhibit with “SILAYAN Quezon” and other participating artists. Displayed last June 12, 2014 at Perez Park, Lucena City. Guni-guri Collective / Photo by Neil Evangelista

Apat katao ang i iulat na mga nasugatan makaraang magkarambola ang dalawang mpasaherong bus at isang trailer truck sa may bahagi ng Lagnas bridge sakop ng brgy Lagalag, Tiaong, QueOn. Ayon kay Sr. Supt Laudemir Llaneta, hepe ng pykis sa bayang ito, ang mga asugatan ay sina Danilo Pasoot , Arvin Marco,Aida Ludovice at Abegail Janera. Sa imbestigasyo , patungong timog ang Trailer Truck na minamaneho ni Ronnel Pasoot ng isang Mitsubishi passnger bus na monamaneho ni richard quinto ang magovetake sa sinusundang Kia bus ng DLTBco. Dahil dito nabunggo nito ang kasalubong na trailer truck bago nasagi ang nilampasang dltbco. Nagtamo ang mga sasakyang ng pinsala samantalang nasugod na sa hospial ang apat na mga sugatan. Iniimbestigahan ngayon ang mga driver ng dalawang sasakyan . Tumakas naman ang driver ng mitsubishi fuso passenger bus na may plate number EVK 280. Johnny Glorioso

Kinarnap na kotse ng retired Dep Ed Supervisor nabawi Nabawi din kaagad ng mga pulis sa bayan ng Lucban ang kotse ni retired Dep Ed Supervisor Gloria Potes na tinamgkang itakas ng sarili nitong driver. Ayon sa ulat, bumaba mula sa kotse si Mrs Potes upang bumili na tinapay sa isang bakery sa bayan ng Lucban. Nang bumalik ito, wala na ang kulay pulang Toyota Vios na may plate number ZFZ 196, at itinakas na umano ng driver nito. Kaagad namang nagulat sa himpilan ng pulisiya ang biktima. Nagpalabas noon din ng alarma si PSInsp Javier Baasis at nasabat ang kotse sa bayan ng Luisiana, Laguna at nadakip ang driver na tumangay dito. Ang kotse at ang driver nito ay dinala na sa himpilan ng pulisiya sa Lucban subalit hindi kaagad makapag desisyon ang biktima kung kakasuhan o hindi ang kanyang driver. Johnny Glorioso

Adopt-a-reef project, Inilunsad sa Catanauan Inilunsad sa bayan ng Catanauan ang pang-siyam na Adopt-A-Reef Project ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor sa ilalim ng Serbisyong Suarez sa Pangisdaan sa Brgy. Ajos noong June 4, 2014. Ayon kay Provincial Agriculturist Roberto Gajo, itinaguyod ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez ang naturang proyekto dahil sa patuloy na pagbaba ng bilang ng mga nahuhuling isda ng mga mangingisda sa mga pambayang katubigan ng lalawigan. Bukod sa bayan ng Catanauan, naisagawa na rin ang naturang proyekto at kasalukuyang pinakikinabangan ng mga mangingisda sa bayan ng Infanta, Sariaya, Padre Burgos, Unisan, San Francisco, Plaridel, Gumaca at Guinayangan. Ang adopt-a-reef project sa Catanauan na itinayo sa tulong ng pribadong sektor sa naturang bayan sa katauhan ni Ka Oscar Tan ay magkakaroon ng kapakinabangan para sa humigit kumulang tatlong daang

continue on page 4


2

JUNE 15- JUNE 21, 2014

EDITORIAL

Kalayaan? Ngayong Hunyo 12, 2014, mamarakahan ang ika-116 na taon ng “Araw ng Kalayaan”. Bibigyang buhay na naman ang pagwagayway ng unang presidente ng Republika ng Pilipinas na si Emilio Aguinaldo ang watawat na sumisimbulo sa pagkakaroon ng bansa ng indipendensya. Sa kulay na asul, pula, puti at nagniningning na sinag ng dilaw na mga bituin at araw, muling sasariwain ng sambayanan ang paglaya nito sa kamay ng mga mapanupil at mananakop. Sa kabilang banda ano ang kalagayan ng sambayanang Pilipino, gayong isandaan at labing-anim na itong lumaya sa kamay ng mga dayuhan? Ano ang pagkakaiba ng kalagayan ng mamamayan noon at ngayon at sa tagal nang nagsasarili ng bansa? Nanantiling naghihirap ang sambayanang Pilipino, kahit hitik ang ating mga likas na yaman, sagana ang ating pagkukunan ng kabuhayan at mahusay ang mamamayan, di mapantayang talento at kakayanan ng mga Pilipino, nanatiling atrasado ang ating bansa. Ano nga ba ang dahilan ng ating pagkalugmok? Kung babalikan natin ang kasaysayan, bago pa man iwagayway ni Emilio Aguinaldo ang bandila, may iba nang niluluto ang mga Kastila at Americano. Bago pa man pumutok ang gyera at tuluyang makamit ang ‘kalayaan’, nagkaroon na nang bayaran. Sa halagang 400,000 pesos isinuko ni Aguinaldo ang ating bansa sa mga Kastila at sa halaga namang 20 milyong dolyar sa ilalim ng Treaty of Paris, ipinagbenta ng mga Kastila ang Pilipinas sa mga Americano. Kung gayon paanong lumaya ang Pilipinas? Isang napakagandang palabas, na pawang teleserye sa telebisyon na may ‘happy ending’? Dito umusbong ang pagiging mala-kolonyal ng Pilipinas, hindi naman lingid sa ating kaalaman ang estilo ng mga Imperyalistang bansa kagaya ng Amerika na manlinlang sa pamamagitan ng pagbibigay ng huwad na kalayaan Anong ang ibig-sabihin ng Kalayaang ipinagdiriwang kung ang sambayanan naman ay hindi pa rin lumalaya sa dusta nitong kalagayan? Kung gayon, muli nating isipin, malaya nga ba tayo, kung nananatili ang pagsasamantala, panlilinlang at panlalamang sa samabayanang Pilipino. Nariyan ang anomalya sa Pork Barrel, matinding korapsyon na umaalingasaw sa pamahalaan, nariyan ang interbensyon ng US sa Pilipinas sa pamamagitan ng EDCA o Enhanced Defense Cooperation Agreement, panibagong banta sa ating soberanya at seguridad at panibagong banta sa pang-aabuso sa kababaihan. Kailangan natin imulat ang sarili natin na hindi lamang salita ang ‘kalayaan’, at hindi lamang ang pagiging literal nito ang ating pagtutuonan ng pansin. Ano nga ba ang pagkakaiba ng kolonya at nagugutom sa nakalayang nagugutom? Bottom line, nagugutom at naghihirap ang sambayanang Pilipino at ang mga inaasahan nating mangunguna sa pagpapalaya ay siya pang umaabuso sa pwesto. Walang ibang magpapalaya sa ating dustang sitwasyon kundi ang ating sama-sama pagkilos at pagkakaisa laban sa masasamang elemento ng lipunan at mapagsamantala, hangga’t hindi tayo namumulat, mananatili tayong bulag at sunud-sunuran sa dikta ng iilang nagtatamasa ng karangyaan at naliligayahan sa palabas na ‘kalayaan.’

EATING TOO MUCH PORK? editorial cartoon from the internet

ANO BA YAN! JOHNNY GLORIOSO

For your reactions, comments or suggestions, email me at mjdzmm@yahoo.com

Not Guilty!!! Sakto lang ang dating namin sa Regional Trial Court ng Gumaca, bago pa lang nagsisimula ang nakatakdang arraignment sa labintatlong akusado sa sensational na kaso ng Atimonan Massacre. Una kong napansin ang may limampu katao humigit kumulang na nagsisisigaw sa ibaba ng Gusali ng Katarungan. Isinisigaw ng mga tao ang diumano ay maling paratang sa mga pulis na hindi umano dapat tinanggal sa serbisyo. Sa personal kong pananaw, naghakot ng mga supporters ang mga akusado upang kahit papano ay makakuha ng simpatiya. Hindi lang ako nakakatiyak kung may epekto ito sa Hearing Officer bagaman at ang mas apektado ay mga naulila ng mga nasawi sa nabanggit na Atimonan Massacre. Nangangalaiti sa galit ang naiwang maybahay ni G. Lontok na kasamang nasawi at nabaril sa naturang insidente.” Kayo kaya ang makaranas ng pagbabarilin sa ulo ang inyong mga mahal sa buhay, tingnan ko kung makakasigaw kayo ng ganyan”. Napansin ko din kaagad na iba na ang Huwes na dumidinig

sa kaso, hindi na si Hon. judge Chona. Naalala ko na, nang huli kasi akong nagtungo dun ay hiniling ng kampo ng mga akusado na mag inhibit si Judge Chona, masyado daw kasing mabilis ang naging pagpapalabas nito ng warrant of arrest laban sa mga akusado, kakapasok lang ng demanda ay may warrant of arrest na agad kinabukasan kung kayat ang hinala ng mga akusado ay magiging alangan ang kanilang katatayuan. But anyway, its the Honorable Judge Napoleon E, Matienzo who presided over the arraignment. Except for Supt. Balauag who according to his Attorney is indisposed, and Po2 Jailani na tumakas umano mula sa detention center ay andun lahat ng mga akusado sa pangunguna ni Supt Hanzel Marantan, na sa tingin ko ay tumaba pa at waring walang problema. Ang lahat ay nakasuot pa din ng kani kanilang mga uniporme, bagay na tinanong naman ng mga Abugado ng prosecutors sa dahilang ang mga ito ay pawang nadismiss na sa serbisyo. Ang dahilan ng mga akusado, sa pamamagitan ng kani kanilang mga Abugado ay may inihain silang Motion

for Reconsideration sa Court of Appeals at sa Supreme Court. Kapag nagbaba na o sumagot na ang mga naturang korte ay saka lang din sila magdedesisyon kung mag uuniporme pa sila o hindi na. Ang grupo ay may kani kanilang mga Abugado at ang siyam sa kanila ay hindi naghain ng plea kung guilty or not guilty, kung kayat si Judge Matienzo na mismo ang nagpasok ng not guilty plea. Tanging sina Insp Golod at Caracedo lang ang personal na naghain ng kanilang plea of not guilty. Dahil dito, itinakda na kaagad ang pretrial at marking of evidences ganundin ang petition for bail. Makaraan namang mabigyan ng mga pack lunch ang mga rallyista ay masayang nakiumpok pa dito ang mga akusado sa pangunguna ni Marantan na nagpakuha pa ng larawan. Masayang nilisan ng grupo ang RTC Gumaca, sakay ng mga alkiladong mga sasakyan. Tanong nga ng grupo ng mga naulila, “ papanong di sasaya ay pinakain na may pabaon pa” Basta ako, iisa ang napansin ko..............masyadong matalim ang tingin sa akin ni Marantan.

TRUTH ALWAYS PREVAILS

JOHNNY GLORIOSO - Publisher | Editor-in-Chief SHERYL GARCIA - Managing Editor Columnists | Contributors: GEMI FORMARAN, LANNY TOLDA, MICHAEL ALEGRE, RAFFY SARNATE, AARON BONETTE, ALEXANDREA PACALDA Ang ADN SUNDAY NEWS (ADNSN) ay inilalathala ng Ang Diaryo Natin Group of Publications tuwing Linggo Facebook: ADN Sunday News | Twitter: @ADNSundayNews Email: adnsundaynews@gmail.com Downloads: www.issuu.com/adnsundaynews DTI Cert. No. 03189625


JUNE 15- JUNE 21, 2014

3

GEMI A BREAK GEMI FORMARAN

Cocolisap multiplies as fast as the gays Had I been a coconut farmer or land owner, I would have felt so grateful to Mar Roxas and Kiko Pangilinan with their recent visit to the province reportedly aimed at combating the alarming problem on coconut- scale insect otherwise known as “cocolisap”. Mar and Kiko told Quezon officials and stakeholders during a consultation assembly held at Kalilayan Hall in Lucena that they were sent by President Noynoy to help the province fight with the dreaded coconut fest. But I’m a journalist and much aware that the anticocolisap program was only secondary purpose of the two gentlemen’s visit to Quezon. Obviously, it was already a part of Mar’s early campaign for president. On the other hand, Korina’s hubby has good reasons to campaign this early. In fact, he should have started campaigning since July 1, 2010. Its but natural for unpopular presidentiables to do things ten times earlier for them to at least get even with their popular would -be opponents. Lets face the fact that

at this time, there is really nobody else who can match Jojo Binay’s popularity. Not even PNoy who is reportedly planning to run again once the charter is amended. So, using government resources and doing it this early under the guise of providing assistance to the diseaseridden and calamity- stricken provinces is but normal for Mar. Mar is a weak candidate and everybody knows that. But I would be lying If I say I like Binay. Honestly, I would still prefer PNoy than any of these two wannabes! Yes, many of PNoy’s functionaries are corrupt, but they are not the presidentf! Didn’t we have corrupt cabinet members during the time of Marcos, FVR, ERAP and GMA? Believe it or not, ChaCha will push through! By the way, some of the participants wondered why the event was held at the very small Kalilayan Hall and not in a bigger venue considering that the province’ visitors were two prominent cabinet members. They have no idea why Gov. Jayjay or his

Congresswoman mommy did not use the Quezon Convention Center (QCC) which can accommodate thousands of attendees including the 41 mayors, the members of their Sangguniang Bayan and the concerned stakeholders, among others. They said it was not really good seeing a sweaty Local Government Secretary and a Presidential Assistant for Food Security and Agricultural Modernization Secretary both using “abaniko” and making themselves comfortable in an overcrowded venue. Perhaps, its becuse Mar and Kiko are among the leading big boys of PNoy and of course, they belong to the ruling Liberal Party. While the Suarezes are on the opposition side. Lets imagine that it was Binay and not Roxas who spearheaded the activity! We can expect a Quezon Convention Center tightly filled with thousands of shoveled (paid) supporters. Secondly, the first family would not directly benefit to the anti- cocolisap fund to be released by the national government since the Philippine Coconut Authority and the

municipal governments of the province will be implementing agencies of the program. And lastly, had the big event been held at QCC, it would have had an strong impact in favor of Roxas and his party mates in the province . Binay, of course, would not like it. Going back to cocolisap, it was learned from PCA that urgent and concerted action is needed in all areas affected by the infestation which has now hit 1.2 million coconut trees nationwide, Southern Tagalog region being the hardest hit. It said the massive infestation has adversely affected 972,263 coconut trees in the four provinces of Cavite, Laguna, Batangas and Quezon in Calabarzon region alone. In his speech, Roxas said massive operation has now been at the Cabinet level the president has already issued an executive order establishing emergency measures to combat the infestation on coconut trees and other high value crops. Roxas, Pangilinan and Suarez led in signing the commitment of support of stakeholders in the massive operation against cocolisap

TIRADOR

scheduled to kick off on June 20 in Quezon. With that, Pangilinan said some 6,000 coconut trees daily will be treated with organic pesticides in Quezon; 10,000 in Batangas; and 13,000 in Laguna. Municipal mayors will be in the frontlines in the comprehensive operation against the infestation. He said the PCA-led multi-agencies will implement emergency measures and methodologies that include leaf pruning, burning, use of organic pesticides, utilization of biological control agents, and buffering to prevent the further spread of the dreaded pest, the infested areas will be declared to be under quarantine. In my interview the other day, a coconut trader lauded the effort made by the two Secretaries, adding that the formed body would help a lot to boost the ailing coconut industry. He described the proliferation of cocolisap as “salot”. When I asked him how fast this kind of insect multiplies, the trader replied, “Napakabilis pong dumami! Halos kasing bilis ng pagdami ng mga bakla sa kapitolyo”!!!

Para sa mga reaksiyon, suhestyon, reklamo at sumbong magtext sa 09212820262 o mag-email sa raffysarnate@yahoo.com

RAFFY SARNATE

Mayor Dondon Alcala nagkaloob ng tulong sa mga nasunugan Nagkaloob ng tulong pinansiyal si Lucena City Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa mga nasunugan sa Lucena City Public Market kamakailan. Matatandaang nasunog ang Public Market habang idinadaos ang Pasayahan Festival, na habang masayang nanunood ang mga bisita at mga Turista ay patuloy namang nilalamon ng apoy ang Lucena Public Market. Ayon sa isang negosyante at mga Bolante na ating nakapanayam kamakailan, sila raw ay binigyan ng tulong

ni Mayor Dondon Alcala ng ang bawat isang Bolante ay tatanggap ng halagang Five Thousand Pesos (P 5,000.00) at ang mga nakapuwesto naman sa loob ng palengke ay tig-te-Ten Thousand Pesos (P 10,000.00). “Kung tutuosin ay bariya lang yon na tulong dahil mas malaki ang nawalang puhunan namin sa negosyo!” iyak ng iyak na sambot ng Ale habang kinakapanayam ng inyong lingkod. Pero malaking tulong na rin yon ni Mayor Dondon Alcala sa amin para muli kaming makapag simula sa aming Negosyo. “Nagpapasalamat

po kami kay Mayor Alcala at nabigyan kami ng tulong kahit limang libo lamang, sabi naman ng isang Bolante. Dapat lang namang tulungan ng City Government ang mga nasunugang mga Negosyante. Ay kung ibang Alkalde yan ay ika-katwiran niya ay bahala na kayo sa buhay ninyo! Talagang ganon may sinuswerte , at may minamalas. Si Mayor Dondon Alcala ay marunong tumanaw ng utang na loob sa kanyang mga kababayan at sila ang nagluklok sa panunungkulan bilang Alkade ng Lungsod ng Lucena. Kamakailan lang ay nagkaloob si Mayor Dondon

Alcala ng mga School Supplies sa mga batang estudyante sa elementary sa mga bara-Barangay, nagbigay din siya nitong nakaraang Mayo sa mga Senior Citizen at halagang tig-li-limang daang piso (P 500.0) ang bawat isa na pa-Birthday ni Mayor. Aba! Ay san ka pa, ay wala ka nang hahanapin pa! Basta’t Alcala, Ok Ka Pare Ko! Ang iba pang proyekto ni Mayor Alcala ay ang bagong City Hall, at ang Bagong Lucena Public Market. Ang isa pa mga Mare at Pare ko! Atin lang ipina-paalala sa ating mga kababayang

JOIN EU BAHAGHARI and Gabriela Youth-MSEUF, visit facebook page; www.facebook.com/bahagharimseuf & www.facebook.com/gymseuf

Lucenahin ay bigyan pa natin ng dalawang Termino si Mayor Dondon Alcala hanggang tatlong Termino sa kanyang panunungkulan bilang Alkalde sa darating na Presidential Eleksyon 2016, napaaga yata ang pangangampanya ng inyong lingkod! Hindi po mga Mare at Pare Ko! Ipinapaalala ko lang! Dahil may balita tayo na muli babalik ang Agila at ang Lawin. Ramdam mo na ba! Aba’y Oo Naman! Kilangan pa bang I-memorize yan? Ang tanong! Makabalik naman kaya?


4

TRUTH

Adopt-a-reef from page 1 (300) mangingisda sa tatlong barangay, ang Ajos, Pala at Madulao. Ang Adopt-A-Reef Project ay isang konsepto na kung saan ang pamahalaang panlalawigan ng Quezon ay magbibigay ng mga gamit upang bumuo ng isang pangitlugan ng mga isda at ilalagay sa mga pambayang katubigan. Ito ay ipaaampon o ituturn-over sa komunidad na kung saan ang sangguniang barangay, Municipal Fisheries and Aquatic Resources Management Council (MFARMC) at iba pang sektor sa komunidad ang siyang mangangalaga ng nasabing proyekto at ang tanggapan ng panlalawigang agrikultor ang magiging responsable sa pamamahala o pagmo-monitor ng naturang proyekto. Ayon pa kay Gajo, nakita sa proyektong ito na higit na nagiging daan upang patuloy na dumami ang mga uri ng isda sa mga pambayang katubigan. Sa katunayan aniya, kung dati-rati ang mga mangingisda ay nag-

aani lamang ng isang kilo sa bawat paglabas para mangisda, ngayon ay may mga tala na umaabot na sa tatlo hanggang limang kilo ang huli ng mga mangingisda. “Patunay lamang ito ng naisin ni Governor Suarez na mabigyan ng maayos na buhay ang ating maliliit na mangingisda ay nagkakaroon ng katuparan. Patuloy na isinasagawa ng gobernador ang iba pang proyektong pampangisdaan para higit mabigyan ng kakayahan ang mga kababayan nating mangingisda”, dagdag pa ni Gajo. Ayon pa dito na patuloy na itataguyod ng pamahalaang panlalawigan sa iba pang coastal communities ang naturang proyekto dahil nakita sa impact assessment ng proyektong ito ang patuloy na pagtaas o pagdami ng huli ng mga mangingisda. Sa naging pahayag naman ni Oscar Tan o mas kilala sa tawag na Ka Oca, ang private-counter part ng

ALWAYS

PREVAILS

naturang proyekto, naniniwala siya na sa ganitong paraan para maibabalik at muling dadami ang isda sa karagatang sakop ng bayan ng Catanauan. Nagpahayag naman ng pasasalamat si Santiago Seguros, MFARMC Chairman kay Governor Suarez sa pagkakaloob ng naturang proyekto na malaking maitutulong sa kanilang maliliit na mangingisda. Hiningi din nito ang kooperasyon ng mga mangingisdang patuloy na nagsasagawa ng iligal na paraan ng pangingisda na tumigil na sa gawaing ito upang maging matagumpay ang naturang proyekto. Bukod sa siyam (9) na concrete artificial reef, dalawampung (20) bottom set payao at pitong (7) bamboo rack, nagkaloob din si Governor Suarez ng apat (4) na motorized banca sa barangay at samahan ng mga mangingisda na magagamit sa pagbabantay sa mga inilagay na mga artificial reef. Reygan Mantilla, Quezon PIO

Consultative meeting sa problema ng cocolisap dinaluhan nina Sec. Roxas at Pangilinan Kaunaunahang tinungo nina Sec Mar Roxas ng DILG at Kiko Pangilinan Presidential Assistant for Food Security and Agricultural Modernization, ang lalawigan ng quezon sa lahat ng mga lalawigang may problema sa cocolisap. Ayon kay Quezon Gov. David Jayjay Suarez ang Quezon din ang kaunaunahan lalawigan na nagdeklara ng state of emergency at una ding nagtayo dito ng laboratory upang makontrol ang cocolisap. Sinabi naman ni Sec Kiko Pangilinan na ang bulto ng ekonomoya ng Quezon ay nakatuon sa niyog. At dahil nagtayo na sila ng command post na tututok sa

problemang may kinalaman sa ccolisap. Isang malaking grupo din ng mga magsasaka ang binuo.Gagamutin ng grupo ang 6000 puno ng niyog bWat araw at may 300 magsasaka ang itatalaga upang maisulong ang paggagamot sa pesteng cocolisap ng sabay sabay, sapagkat kapag hindi ito nagawa, ang mga peste ay lilipat lamang sa karatig na lugar. Apat na proseso din umano ag kailangang maisagawa ng sabay sabay. Ito ay ang Injection na gagamitin sa pagkontrol sa cocolisap na pupuksa sa may 60 porsiyento ng peste.isasabay naman ang pag spray ng biological pesticides, bukod pa sa isasagawang proning at burning ng

mga dahon ng niyog. Ang sabay sabay na gamutan ay uumpisahan na kaagad at nakatuon sa kabuuan mg rehiyong calabarzon at lalawigan ng Basilan. Sa pamamagitan nito, hindi lamang natin matitiyak ang pagsugpo sa pesteng cocolisap at madadagdagan pa ang kita ng mga magsasaka na siyang puksa sa pesteng ito. Ang talakayan para sa cocolisap ay dinaluhan ng mga pang rehiyong tanggapan ng Department of Agriculture, DILG at PNP. Dumating din ang mga kongresista at representante nito ganundin ang pamunuan ng lalawigan at ibat ibang mga Punong Bayan. Johnny Glorioso

RELOKASYON. Sa maagap na inisyatiba ng Pamahalaang Panglunsod ng Lucena sa ilalim ng pamamahala ni Mayor Dondon Alcala, ilang araw na lang at inaasahang tapos na ang paggawa ng pansamantalang pwestong paglilipatan ng mga maninindahang nasalanta ng sunog ng naganap sa pelengke nitong nakaraang linggo. Leo David

Free art workshop.. from page 1 Cortez also had something to say for the parents, “Sana po, request ko lang sa mga magulang na i-encourage ang mga anak nila kung hilig nila ang magpinta o potential artist, even in the years to

come. Cortez also said the he give free art workshop to the children of the employees of the Philippine Consulate in New York City, when he currently works. Reygan Mantilla

Medical at dental mission, Isinagawa ng SM Foundation Mahigit 1,500 pasyente mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod ng Lucena at mga karatig-bayan ang nabiyayaan ng libreng pagpapasuring medical at pagpapabunot ng ngipin handog ng SM Foundation Inc. sa dalawang magkahiwalay na lugar, sa SM City Lucena at sa Covered Court ng Brgy. Ibabang Iyam, Lungsod ng Lucena. Ayon kay Lilibeth Azores, PR Manager for South Luzon 2 & 3, taontaon nilang isinasagawa ang naturang medical at dental mission sa lungsod ng Lucena bilang pasasalamat ng SM

sa publiko sa patuloy na pagtangkilik sa kanila kaya naman ibinabalik nila ito sa pamamagitan ng serbisyong kanilang kinakailangan, ang pagbibigay ng medical na atensyon. Ayon pa kay Azores na hindi lamang nakasentro sa loob ng mall ang pagkakaloob nila ng serbisyong medical kung hindi ibinababa din nila ito sa barangay upang mas marami ang mabigyan ng tulong at medikasyon. Umabot sa kabuuang 1,564 ang bilang ng mga pasyeteng nabiyayaan ng serbisyong medikal na kinabibilangan ng check-up, dental, FBS, foot dopler, bone density,

urinalysis, ECG at x-ray gamit ang kanilang sariling mobile clinic. Binigyang prayoridad umano ng SM Foundation ang libreng laboratory, X-ray at ECG na medyo may kamahalan kapag ipinatest sa mga pribadong laboratory .Karamihan sa mga nagtungo dito ay mga matatanda at bata na madalas dapuan ng sakit samantalang marami rin ang sinamantala ang pagkakataong magpabunot ng ngipin. Binibigyan din ng libreng gamot ang lahat ng pasyente base sa inireseta ng sumuri at gumamot na doctor. Reygan Mantilla

Lucena,City--Ipinagdiwang noong June 12,2014 ang Ika- 116th Day Anniversary ng Araw ng Kalayaan na ginanap sa SM City Lucena.Naging Panauhing Pandangal sina,Ist Dist.Bokal Alona Obispo,2nd.Dist.Bokal Ferdinand(Bong)Talabong,Lucena,City Vice Mayor Phillip Castillo,at ilang Konsehal ng Lungsod ng Lucena.Nagbigay ng ilang Mensahe si SM Mall Manager Maricel Alquiros,habang Punong abala naman sa pag-entertain ng mga bisita si,SM Mall PRO Officer for Souther Luzon 1&2 Lilibeth Azores.Raffy Sarnate


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.