ADN Sunday News (Vol. 3, No. 013)

Page 1

P10.00

HUNYO 1 – HUNYO 7, 2014

Vol. 3 No. 013

TRUTH ALWAYS PREVAILS

Tingnan ang buong larawan sa pahina 2

Isa Patay Isa pa Sugatan sa Pamamaril sa Piyesta ng Brgy sa Sariaya

Larawang kuha ni Aaron Bonette

PINSALANG DULOT NG NASUNOG NA LUCENA PUBLIC MARKET TINATAYANG AABOT SA 50 MILYONG PISO Tinatayang aabot sa halagang 50 milyong piso ang kabuuang pinsalang dulot ng pagkasunog ng malaking bahagi ng Lucena Public Market. Ayon kay Fire Senior Inspector Joel Reyes, naniniwala syang ang overloaded na main switch ang pinagmulan ng apoy na sumiklab dakong alas otso ng gabi. Sa halip umanong gumamit ng fuse ang mga end user ay solid wire ang ginamit ng mga ito, dahilan upang maginit at magapoy. Pasado alas otso ng gabi ng ideklara

ang first alarm na kaagad namang nirespondihan ng dalawang firetruck subalit bigo namang makakuha ng tubig sa mga fire hydrants. Umabot naman sa mahigit sa 20 mga firetrucks ang nagrespondi ng umabot ang sunog sa Task Force Alpha pasado alas 9 ng gabi. Hatinggabi na ng ideklarang fire under control at umaga na ng magdeklara ng fire out. Nahirapan ang mga bumbero dahilan sa masikip na trapiko dulot ng madaming taong nagdiriwang ng isang linggong kapistahan, sangkaterbang

mga perya at ng katatapos lamang na Mardi Gras sa Lucena. Ayon sa mahigit sa 300 stallholders, nabigo ang karamihan sa kanilang maisalba ang kanilang mga paninda dahilan sa nakakandado ang kabuuan ng palenge. Ayon naman kay Lucena city Mayor Roderick Alcala, nakahanda ang pamahalaang lokal na magbigay ng tulong pinansiyal sa lahat ng mga naapektuhang mga maninindahan. Johnny Glorioso

SUNOG SA LUCENA PUBLIC MARKET Masidhing inaapula ng mga bumbero ang apoy na tumutupok sa kabuuan ng Lucena City Public Market kung saan 37 stall holders and apektado sa naturang sunog. Ito ay naganap kaalinsabay sa selebrasyon ng “ Pasayahan sa Lucena 2014�, Miyerkules ng gabi. Sa kabilang larawan, malungkot si Mayor Dondon Alcala na naganap kung saan siniguro naman niya sa 370 stall holders na apektado na magkakaroon sila ng tulong pinansyal at karampatang relokasyon. Roy Sta. Rosa

Nauwi sa pamamaril ang masayang inuman habang nasa kainitan ang pagdiriwang ng kapiyestahan sa brgy Montecillo, Sariaya, Quezon. Ayon sa ulat ni PSupt Joel De Mesa, hepe ng pulis sa bayang ito masayang nagiinuman ang magkakaibigang sina Jason Luna, Michael Gutierrez, at Arnel Aguado sa basketball court ng brgy Montecillo. Nasa kainitan umano ang inuman ng biglang magbunot ng dalang baril si Michael at pinaputukan ng sunod sunod ang pinsang si Jason na tinamaan sa ibat ibamg bahagi ng katawan. Si Arnel na katabi ni Jason ay tinamaan din ng mga balang tumagos sa katawan ni Jason. Mabilis itong isinugod sa pagamutan sa Sariaya subalit inilipat din kaagad sa Mt Carmel Hospital sa Lucena kung saan ito ideneklarang dead on arrival. Si Arnel naman na may mga tama din ng bala sa dalawang paa ay dinala sa Lucena United Doctors Hospital. Siyam na basyo mula sa 9mm caliber pistol at isang slug ang nakuha ng mga pulis sa lugar na pinangyarihan ng krimen. Kasalukuyan pang nagsasagawa ng follow up operation ang mga pulis para sa ikadarakip ng suspek. Johnny Glorioso

Tricycle Driver Patay Makaraang Makipagsuntukan sa isa pang Tricycle Driver sa Tayabas City

Kapwa papauwi na sa lungsod ng Tayabas mula brgy Silangang Palale ang dalawang tricycle driver ng magkahamunang magkarera. Nauna umanong makarating sa bayan ang suspek na si Dominador Daluraya, 54 na taong gulang gamit ang kanyang tricycle. Napikon marahil dahil sa pagkatalo naghamon ng suntukan ang biktimang si Alfredo Oriasel Jr, 57. Nagsuntukan ang dalawa hanggang sa bumagsak si Oriasel na mabilis na isinugod sa pagamutan, subalit nalagutan ito ng hininga habang nilalapatan ng lunas. Boluntaryo namang sumuko sa mga pulis ang suspek na ngayon ay nakakulong na. Johnny Glorioso

DTI-Quezon Kasama sa Brigada Eskwela 2014 Ang DTI-Quezon ay sumali sa Brigada Eskwela 2014 noong May 22, 2014 sa Hermana Fausta Elementary School sa Purok Ilang-ilang, Kanlurang Mayao, Lucena City. Maagang pumunta ng eskwelahan ang DTIQuezon upang makasimula habang malamig pa ang araw. Sa pangunguna ni Director Marcy Alcantara, labingisang staff ang dumating, dala ang walis tingting, walis tambo, timba, paint brushes, at pamunas upang tumulong sa paglilinis ng mga silid-aralan. Nilinis ang mga upuan at mga mesa na puno ng alikabok sa pamamagitan ng

continue on page 4


2

JUNE 1 - JUNE 7, 2014

EDITORIAL

Edukasyong Ipinagkait Nalalapit na naman ang pagbubukas ng klase at nahaharap na naman ang mga mamayan sa mga gastusing may kinalaman sa pag-aaral. Marami ang may problema sa pambili ng mga gamit tulad ng kwaderno, bag at iba pa, bukod pa sa bagong uniporme at sapatos ng mga mag-aaral. Kakambal na ng pasukan sa eskwela ang paggastos at isa itong pagsubok sa mga kapos-palad nating mga kababayan. Higit sa lahat maraming mga estudyante at magulang ang dismayado sa pagbubukas muli ng mga paaralan sapagkat hindi na nila kaya pang ipagpatuloy ang pag-aaral bunsod sa hindi mapigilang pagtaas ng matrikula. Ang mga pribado gayudin ang mga pampublikong kolehiyo at unibersidad ay may kanya-kanyang pagtataas sa mgabayarin. Sa patuloy na hindi maabot napresyo ng edukasyon, maraming kabataan ang hindi na makakapasok sa paaralan sa susunod na buwan. Ngayong Hunyo, madadagdagan na naman ang mga Out of School Youth at mga kabataang pinipili ang maghanap buhay ng maaga kaysa ang magtapos ng pag-aaral upang labanan ang kahirapan. Tunay na sa ating bansa, nagiging pribilehiyo na ang pagkakaroon ng diploma kahit na nakasaad sa ating Konstitusyon na karapatan ng bawat mamayan ang magkaroon ng edukasyon. Sa patuloy na pagbabawas ng budyet ng ating gobyerno para sa edukasyon at pagsasapribado ng mga State Universities, parami ng parami rin ang mga Pilipinong nagiging mangmang at kulang sa pinagaralan. Sinasabi ng mga eksperto na angat ang galing at talino ng mga Pilipino ngunit sa patuloy na pagpapabaya ng kinauukulan na hasain at linangin ang likas na kakayahan ng mga mamamayan, mananatili lugmok ang ating bansa sa kahirapan at umaasa lamang sa ayuda ng mas malalakas at makapangyarihang mga bansa. Sa pagwawalang-bahala ng gobyerno sa kahalagahan ng edukasyon, maraming oportunidad sa pag-unlad, pagbabago at pagbangon ang nasasayang. Hindi lamang ito isang panawagan, kundi isa ring paghamon sa bawat mamamayan na ipaglaban natin ang ating karapatang magkaroon ng sapat na edukasyon upang makapag-ambag tayo sa pagsulong ng ating bayan. Panahon na upang imulat natin ang ating isipan sa kapabayaan ng mga nakatataas. Sa dami ng yaman ng ating bansa na nauuwi lamang sa bulsa ng mga mapagsamantalang nasa kapangyarihan, ngayon na ang oras upang hingin at bawiin natin ang nararapat na nasa atin. Ngayon na ang panahon upang ipaglaban natin ang libreng edukasyon para sa lahat sa ikagaganda ng ating kinabukasan.

TRUTH ALWAYS PREVAILS

JOHNNY GLORIOSO - Publisher | Editor-in-Chief SHERYL GARCIA - Managing Editor Columnists | Contributors: GEMI FORMARAN, LANNY TOLDA, MICHAEL ALEGRE, RAFFY SARNATE, AARON BONETTE, ALEXANDREA PACALDA Ang ADN SUNDAY NEWS (ADNSN) ay inilalathala ng Ang Diaryo Natin Group of Publications tuwing Linggo Facebook: ADN Sunday News | Twitter: @ADNSundayNews Email: adnsundaynews@gmail.com Downloads: www.issuu.com/adnsundaynews DTI Cert. No. 03189625

editorial cartoon from the internet

ANO BA YAN! JOHNNY GLORIOSO

For your reactions, comments or suggestions, email me at mjdzmm@yahoo.com

Ang Pasayahan 2014 Hindi po namin layunin na laitin ang mga tagapagtaguyod ng taunang Pasayahan sa Lucena, ang amin po ay mga mumunting puna na naririnig namin at nais lamang maiparating nang sa ganun ay baka sakaling kapulutan ng mga mahahalagang aral tungo na din sa ikapagtatagumpay ng taunang selebrasyon. Una po ay ang mga puesto ng mga peryante na sa ganang amin ay hindi na nararapat sa pinaglagyan nilang mga side streets na kalapit lamang ng mga main streets na nagdudulot ng napakasikip na daloy ng trapiko. Noong una na kokonti pa ang mga sasakyan at kokonti pa din ang tao ay okaynlang ito, subalit sa pagdaan ng makabagong panahon waring malaking sagabal na ito. Puede naman marahil na ilagay ito sa mga intersections na hindi gaanong abala. Saan man po sila ilagay, dadayuhin din sila. Wala ding mga portalets na dapat ay isina alang alang upang hindi pumanghi ang kapaligiran. Ang main stage sa Quezon Avenue ay kumuha ng malaking espasyo na dapat marahil ay hindi na gaanong sumakop sa main street upang hindi lubhang makaabala sa daloy ng nagsisikip ng trapiko. Ang malaking sunog na tumupok sa halos kabuuan ng Public Market ay hindi sana naging grabe kung nakadaan lang kaagad ang mga truck ng bumbero at kung meron sanang sapat na tubig na nakuha mula sa mga fire hydrants. Ang akala ng marami, natugunan na ang problemang ito ng QMWD ng magkasunog sa may daang patungo sa Sacred Heart, dahilan sa naging laman ito ng talumpating pribiliheyo ng ilang lokal na mambabatas. Ang mga firetrucks sa paniniwala ko ay sadyang hindi nagpupuno ng tubig sapagkat ang bigat nito ay makakasira sa gulo kapag matagal na nakahinto nang puno ng tubig. Dahil dito ang mga naunang nagresponding mga bumbero ay walang nagawa dahil nga sa wala din namang nakuhang tubig sa fire hydrants. Umabot ang alarma sa Task Force Alpha na dinaluhan ng hindi bababa sa 20 firetrucks subalit umaga na din ng madeklara itong fire out.

ANG G. AT BB. PASAYAHAN Tagumpay na sanang maituturing ang taunang palatuntunang ito na dinadayo taun taon ng mga lokal na mga Turista lalo pa nga at may mga sikat na mga personalidad ang imbitado . Subalit makaraang maipahayag ang mga nagwagi sa sinasabing prestiyosong pa contest ay biglang nagkarun ng komting gulo na nagbigay dungis sa patimpalak. Ang Over All Chairman ng Pasayahan ay itinulak at tinawag na sinungaling ng candidate number 3 na si Aegean Veluya. Bagsak sa stage si G. Ilagan at nadamay pati ang isang babaeng katabi nito. Naawat ng ilang mga technicians si Veluya at nagawang madala sa himpilan ng pulisiya. Tinangka naming kapanayamin ito subalit kami ay nabigo. Tinangka din naming makausap ang Overall Chairman subalit hindi siya sumasagot sa kayang cell phone. Dahil dito, sinikap naming makuha ang katotohanan mula sa ilang mga kalahok na nagbigay nf oahayag sa kondisyonf hindi namin babanggitin ang kanilang mga pangalan. Nakita daw nilang sinugod ni Veluya si Ilagan kasabay ng pagsasabing “ANO KA BA, Advisory from DPWH

NANGAKO KA SA AKING MAKAKAPASOK AKO SA TOP 5 AT BAKA MANALO PA AKO, NAPAHIYA TULOY AKO SA AKING MGA KAIBIGAN! PINA CHU......(censored po) PA KITA PERO ANO ANG NANGYARI? Sabay tulak kay Chairman! Si G. Veluya ay isang UP Diliman Student at candidate number 3 samantalang si G. archie Ilagan ay Overall Chairman. Nakapanghihinayang na ang isang prestiyosong palatuntunang tulad nito ay mabahiran ng ganitong mga pangyayari gayong taun taon ay nakatutok dito ang marami nating mga kababayan mula sa ibat ibang panig ng bansa. Nagkarun nga ba ng dayaan, o nagka lutuan ba? Ayon naman sa ilang contestants na lalaki na nakausap namin basta huwag lang daw babanggitin ang kanilang mga pangalan, mayrun nga daw naganap na “ alukan ng laman� pero madami daw ang tumanggi. Hindi na lang baleng matalo huwag lamang silang magamit ng sangkaterbang baklang nagkalat sa patimpalak. Hindi daw naman nila masabi kung totoong nagkarun ng ugnayan ang dalawang bida sa kwentong ito. Kayo mga kababayan ko, ano sa palagay niyo?


JUNE 1 - JUNE 7, 2014

3

GEMI A BREAK GEMI FORMARAN

Its not yet too late, General! Members of the Quezon provincial legislative board on Monday were visibly unconvinced and some were even disgusted with the explanations made by Gen. Serafin Barretto on how prohibited drugs and weapons have been successfully smuggled inside the Quezon District Jail. Barretto who is the regional director for Calabarzon of Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), was summoned by the board on orders of Board Member Victor Reyes who chairs the board’s committee on peace and order and police matter. He was asked to shed light on the May 7 bloody incident that left five inmates dead and fifteen others wounded. In the presence of Vice-

Gov. Sam Nantes and board members, Barretto confirmed that there was indeed smuggled contraband including prohibited drugs and guns inside the jail facility. But he clarified that the smuggled items have been there even before the BJMP took over the jail management in 2012, and that they started cleaning the facility only recently. “Baka po kasi mabigla ang mga inmates kaya hindi muna namin hinanap ang mga kontrabando”, said Barretto as he explains how the inmates got the guns and other deadly weapons which they used against the BJMP personnel and policemen during the May 7 riot. With that statement alone, I personally witnessed how most

of the board members present raised their eyebrows, while Reyes showed an insulting smile, an obvious indication that the general’s pronouncement was unconvincing and perhaps, disgusting. Imagine, it took the BJMP two years before they did what they supposed to have done since their take over in 2012. Two years is too long! And the board members, especially Reyes have the reason to doubt with Barretto’s alibi. Some of them believed that Barreto who was apparently blaming provincial guards who were previously running the jail, was washing his hands. In an interview after the session, Reyes told me said there was an obvious inefficiency and incompetence on the part of some BJMP

personnel running the jail facility. He did not tell me he was putting the blame on Barretto although we all know that the latter has a clear accountability under the principle of ‘command responsibility’. Anything that transpired, be it good or bad, would always reflect on an organizations’s leadership, that’s why leaders who have the jurisdiction over an area where a problem happened are always being made accountable. A product of Philipinne National Police Academy Class 1987, Gen. Barretto, as far as I know, is a good jail officer with a pleasing track record. What happened in Quezon District Jail, which is under his jurisdiction, is a lesson learned for Barretto.

TIRADOR

With that incident, I believe the general would be more careful now in choosing the right jail warden and other jail personnel. In the first place, the fate of a leader sometimes depends on the kind of subordinates he has. Ang matinong amo, kailanman, ay di kukuha ng mga gagong tauhan! Gen. Barretto still has time to do massive revamp in the District Jail and sack those undesirable and stupid (if there really are) jail personnel causing problems there. Aside from that, all the policies inside the jail facility should be implemented consistently and strictly, with no double standard! Doing these things, I believe, is not yet too late, General!

Para sa mga reaksiyon, suhestyon, reklamo at sumbong magtext sa 09212820262 o mag-email sa raffysarnate@yahoo.com

RAFFY SARNATE

Gov. E.R. Ejercito sinibak ng COMELEC, mga senador at congressmen na may kasong plunder malaya pa rin! Ano ba itong nangyayari sa ating “My Philippines My Philippines mga Mare at pare ko! Abay mantakin mong sinibak sa pwesto ng Comolec (este Comelec) pala si Gov. E.R. Ejercito dahil sa kasong over ang pag-gastos sa nakaraang elections? Ang tanong ay bakit si E.R. Ejercito lang ang pinalayas sa pwesto ng Comolec (este) Comelec pala ay ang daming mga Politiko na over ang paggastos sa nakaraang elections! Dahil ba si E.R. Ejercito ay hindi kaalyado at kapartido ni Pnoy? Dito sa isyung ito ay wala tayong

kinakampihan o pinapanigan tayo ay sa tama lang mga Mare at Pare ko! Hindi tayo kumakampi sa Balasubas ng pamalakad ng Comolec (este) Comelec mali na naman! Duon tayo kumakampi sa naapi at wala tayong pinapanigan serbisyong totoo lang. O ay ano naman kung sumobra ang gastos ni Gov. E.R. Ejercito ay hindi naman galing sa kanila! Ay bakit pag tumatanggap sila ng lagay hindi sila nagrereklamo? Katulad ng dalawang Commissioner na humihingi ng lagay ng halagang 3K sa alam ng Mamahayg ni Boss Jerry Yap

na hanggang ngayon ay nasa korte pa rin ang kaso. Wag naman kayong ganyan Mr. Sixto (este) Sixtong Brillantes meron kayong tinitingnan at tinititigan. Bakit hindi ninyo pagtutunan ng pansin ay yong mga Senador at Congmen na sangkot sa anomaly sa PDAF ni Pork Barrel Scam Janet Lim Napoles na kaya raw diumano ibinalik sa Ospital ay dinugoang Vagina sa pakikipagtalik. Ganoon! Di ko alam na may asim pa ang reyna ng Pork barrel Scam? Hanggang ngayon mag iisang taon na yang pork Barrel Scam ay wala pang nakukulong na

mga senador sinampahan na ng kasong Plunder. Ang bagal talaga at usad pagong ang hustisya dito sa Pinas? Justice Delayed, Justice Denied. Isipin nyo mga Mare at Pare ko! May DOJ na, may NBI pa at may Ping Lacson pa ay hanggang ngayon ay wala pa ring linaw ang mga senador na may kasong plunder. Ang taong bayan ay inip na abay bilis-bilisan naman ninyo. Balik tayo ditto kay Gov. E.R. Ejercito, ayon kay Comolec (este) comelec pala na si Sixto Brillantes dahil sa walang isinumeteng TRO si Gov. E.R. Ejercito ay pansamantalang

ipinalit nila ay si Vice Gov. Ramil Hernandez at ang Vice Governor naman ay si Karen Agapay. Ngayon ang pinaplano namang sibakin sa pwesto ay si Manila Mayor Erap Estrada. Bakit kaya mainit ang dugo ng Comolec (este) Comelec pala sa mga Estrada? Ganyan ba talaga ang pulitika? Pag hindi ka kaalyado o kapartido ay sisipain ka? Oh, my God! Sayang may balak pa naman akong tumakabong barangay chairman ay wag na lang baka hindi lang sipa ang abutin ko kay Pnoy at bigyan pa ako ng mag-asawang sampal ni Sexto (este) Sixto Brillantes.

PASAYAHAN SA LUCENA Gawa sa mga indigenous materials na sumasagisag sa produkto ng mga Lucenahins, ang SM float ang nagwagi ng grand prize award sa isinagawang Grand Parade Float na nilahukan ng iba’t-ibang sektor sa lunsod bilang selebrasyon ng Pasayahan sa Lucena 2014 na ginanap Miyerkules ng hapon. Roy Sta.Rosa

WWW.ISSUU.COM/ADNSUNDAYNEWS


4

TRUTH

ALWAYS

PREVAILS

BJMP exec confirms presence of drugs, weapons inside Quezon jail LUCENA CITY- A high ranking official of the Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) confirmed the alleged presence of prohibited drugs, guns and other deadly weapons inside the Quezon District Jail where a violent commotion took place last May 7 leaving 4 inmates dead and sixteen others wounded. BJMP regional director, Chief Supt. Serafin Barretto admitted that the contraband have been smuggled inside the jail compound but clarified that it was during the time when the facility was still managed by the provincial government of Quezon. Barretto made the confirmation during last Monday’s regular session of the Sangguniang Panlalawigan after being summoned by Provincial Board Member Victor Reyes who chairs the committee on peace and order and police matters. “Naipuslit po ang mga iyon noong hindi pa BJMP ang nangangasiwa sa Quezon Provincial Jail na ngayon ay Quezon District Jail”, said Barretto. BJMP took over the jail management in 2012. Barretto said shortly after the take over, they were informed by the

provincial jail guards about the smuggled contraband but they did not immediately retrieve them. “Baka po kasi mabigla ang mga inmates kaya hindi agad namin hinanap ang mga naipuslit na kontrabando sa loob. Kamakailan lang po kami nagsimulang maglinis”, Barretto said, adding it is common that when changes are introduced and implemented outright, inmates feel antagonized. B a r r e t t o ’ s pronouncements visibly raised the eyebrows of some board members including Reyes. “So, it took the BJMP two years before doing the right thing. That’s too long!”, said Reyes in an interview after the session. He said there was an obvious inefficiency and incompetence on the part of some BJMP personnel running the jail facility. In his privilege speech the other Monday, Reyes said he was very disappointed with what happened at the District Jail, and was so surprised upon learning that the inmates who engaged in a violent commotion were armed with guns and other deadly weapons. The board member also mentioned the

alleged presence of prohibited drugs inside the jail facility, and the rumors that many of the inmates who staged riot at the jail were “high” on drugs, after reading an article written by this writer. That prompted Reyes to summon Barretto and Quezon District Jail officials for them to shed light on the issue. The melee was triggered by the inmates’ direct resistance on the transfer of their leader, Antonio Satumba to another jail facility. A murder suspect who has been jailed since 2009, Satumba is also the leader of Sigue- Sigue Sputnik Gang who has been a perennial trouble maker in the jail, that prompted a court to issue an order transferring him to another jail facility. S a t u m b a , according to police has been instigating his followers and coinmates to stage civil disobedience through riot regarding their disgust with the alleged jail mismanagement. As the jail guards were about to transfer Satumba, his followers, numbering around 100 started doing a riot at the plaza of the jail compound. During the melee, four of the inmates were killed while 16 others

were injured. The lawmen recovered a home- made shotgun, a cal. 22 revolver, a cal. 38 revolver, 6 pieces of cartridge cases of Armalite rifle, 2 pieces of fire cartridge for cal.45 pistol, steel bars and a number of improvised knives. A few days after, one of the injured inmates passed away in the hospital. Following an in dept investigation conducted by the Special Investigation Task Group (SITG) chaired by Quezon police director. Senior Supt. Ronaldo Ylagan, thirty two inmates have been charged with multiple homicide frustrated homicide, multiple attempted homicide, malicious mischief and illegal possession of firearms and deadly weapons on May 22. C r i m i n a l Investigation and Detection Group (CIDG)Quezon head and SITG vice chairman, Chief Insp. Alvin Consolacion said such charges were filed against the inmates for instigating the riot. “When a crime happened and somebody was killed or hurt, its but natural to put the blame on the party who triggered the incident”, said Consolacion. Gemi Formaran

Ipinagmalaki ni Police Senior Superintendent Ronaldo Genaro E. Ylagan, Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office kasama ang kanyang staff sa harap ng mga media practitioners ang Silver Eagle Award noong nakaraang Miyerkules kung saan nakamit nila ang kaukulang requirements para sa Performance Governance Report for Initiation Stage sa Camp Crame, Quezon City at nagtamo ng 93.64 rating percent. Roy Sta. Rosa

Maglulunsad ng street art exhibit ang Silayan (Sining Kalilayan) para sa darating na selebrasyon ng Araw ng Kalayaan, layunin ng grupo na ipakita ang tunay na kalagayan ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga likhang sining nila. Graphics by SILAYAN Quezon

Brigada Eskwela... from page 1 walis tingting at pamunas. Nahirapan ang mga staff ng DTI sa paglilinis sapagkat nawalan na ng pintura ang ibang upuan, mayroong langis, gasgas na gasgas na mesa, at maraming sulat sa mga mesa. Sa kaunting dalang pintura, nagmukhang bago ang 19 na mesa at 23 upuan, matapos ang paulit-ulit na pagpipintura . Ang ibang mesa at upuan ay tinapos ng mga magulang na naroroon kasama ang mga guro ng nasabing paaralan. Inabot ng 4 na

oras ang paglilinis at pagpapaganda ng upuan at mesa ng Hermana Fausta Elementary School. Upang hindi na maging pabigat sa mga guro ng paaralan, nagdala ng tinapay na bonite at bread sticks na may kasamang tubig na inumin para sa mga staff, guro at mga magulang na nagsisipagtrabaho. Iniwan ang sobrang tubig at bonite para sa mga magulang at gurong patuloy na nagtatrabaho sa paaralan. Kontribusyon ng DTI-Quezon

Geonet ng Quezon, Solusyon sa Soil Erosion Nagbubunga na ang pagsisikap ng Cocos Nucifera Pacific Corp. (CNPC), isang kumpanyang tinulungan ng DTI-Quezon noong nagsisimula pa ito. Ang kumpanya ay nagsimulang mag-export ng coco coir sa China bilang component ng mga upuan ng mga kotseng katulad ng Toyota at iba pa. Nang bumagsak ang presyo ng coco coir, itinuon ng CNPC ang produksyon sa coco coir twining o panggagawa ng lubid. Ikinalat ng CNPC at DTI ang decorticating machines, twining machines, twisting machines, at looming machines sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan. Ang apat na klase ng makina ay gumagawa ng coco coir mula sa buong bunot ng niyog, ginagawang lubid at sa huli ay ginagawang geonet. Sa kasalukuyan, ang industriya ay nakapagbigay ng trabaho sa mga taong nasa malalayong lugar. Marami sa kanila ay nadagdagan ang kinikita at ang pamilyang ipinagpagawa ng bahay ng CNPC ay nakabayad na sa pamamagitan ng coco coir na ginagawang twine o lubid. Mahigit na isang daang katao ang nagka trabaho

kasama dito ang isang buong pamilya na nanggagawa ng lubid na matatagpuan sa Mulanay, Gumaca, Calauag at Polillo group of islands. Ang Mauban, Quezon ay naging showcase ng CNPC sapagkat nagawang maganda ang pagkakalatag ng geonet at nilagyan pa ito bio log. Naiwasan na ang soil erosion sa parteng Cagsiay ng nasabing bayan. Nakapaglatag na rin ng geonet sa Masinloc, Zambales ngunit hindi pa tapos ang nasabing gawain kung kaya patuloy pa rin ang pangangailngan sa geonet. Ang bayan ng Pagudpod ay naglalayong magpalatag din ng geonet sapagkat nasira ang malaking bahagi nito nang maglagay ng windmills bilang alternative source of energy. Malaki ang pangangailangan para sa geonet kung kaya patuloy na magkakaroon ng iba pang pagkakakitaan ang mga pamilya sa lalawigan. Hinihikayat ng DTI-Quezon at CNPC ang mga partnersweavers nila na dagdagan pa ang produksyon ng geonet sapagkat maraming order ang dumadating. Kontribusyon ng DTIQuezon


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.