ADN Sunday News (Vol. 3, No. 014)

Page 1

P10.00

HUNYO 8 – HUNYO 14, 2014

Vol. 3 No. 014

TRUTH ALWAYS PREVAILS

5 SUSPECTED HOLDUPPER HULI, 5 PA PINAGHAHANAP MAKARAANG MAMBIKTIMA SA TAYABAS CITY AT LUCBAN

Nasakote sa inilatag na dragnet operations ng mga pulis sa lungsod ng Tayabas ang lima sa sampung armadong mga suspek na nakapanloob sa isang resort sa bayan ng Lucban at sa isang bahay sa lungsod ngTayabas. Kinilala ang mga nadakip na sina MarkAnthony Gamason, 19 ng Brgy Wakas, Tayabas City; JayR Macalalad ng Lucena City, Jake Desembrana ng Lucena, Jesserey Javinez at Marlon Fuentespina ng Tanza, Cavite . Pinaghahanap pa naman sina Eliza Gamason, Enrico Latag Sr at tatlong iba pa. Ayon kay PSupt Giovanni Calao, hepe ng Tayabas PNP,nakuha mula sa pagiingat ng mga suspek ang isang Kia van, isang Rusi na walang plaka at

isang Suzuki Raider motorcycle.Nakuha din mula sa mga nadakip ang isang 12 gauge shotgun,Isang homemade caliber 38,Isang US carbine at isang sumpak na mga kargado ng bala, isang crowbar at apat na backpack. Ayon naman kay CInsp Javier Baasis, hepe ng pulis sa bayan ng Lucban , unang pinasok ng grupo ang isang resort sa brgy May It ,At natangay ang mga alahas, pera at mga mamahaling gadget ng isang malaking grupo ng mga kabataang nag oovernight dito.Isinama pa umano ng mga ito pagtakas ang isang 13 taong gulang na dalagita at nagawang pagsamantalahan ng dalawa sa mga suspek. Positibong kinilala naman ng mga biktima ang mga suspek. Kinilala

din ang mga suspek ng mayari ng bahay na kanilang pinasok at pinagnakawan sa Tayabas. Sa inilatag na check point sa Brgy Calumpang Tayabas nagawa pang umiwas at tumakas ng mga suspek subalit nadakip din ang lima makaraang tugisin ng mga pulis. Kasalukuyang nagsasagawa pa ng pursuit operations ang mga pulis upang madakip ang mga nakatakas na mga suspek habang inihahanda na ang pagsasampa ng kaso laban sa mga nadakip. Ayon naman kay PSSupt Genaro ylagan ang grupong ito ang responsable sa mga serye ng panghoholdap sa mga gasolinahan at malalaking tindahan sa lalawigan ng Quezon. Johnny Glorioso

COCO FARMERS picket at UCPB Lucena The peasant group Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) and the claimants’ movement Coco Levy Funds Ibalik sa Amin (CLAIM) today picketed a branch of the United Coconut Planters Bank (UCPB) in Lucena City to protest what the groups doubt as collusion between the bank and the Presidential Commission on Good Government (PCGG). “Our worst fears of a collusion between UCPB and PCGG was bolstered

by the latter’s continuing silence on the former’s ridiculous P15.6 billion claim over the coco levy funds. But far more suspicious is Aquino’s deafening silence on the issue despite the outrage against the UPCB board,” says CLAIM-Quezon spokesperson Arvin Borromeo. “Small coconut farmers are yet to benefit from the coco levy funds and what we see is grand design to further plunder the money,” he said blasting the filing of cases as against the PCGG

as a scam and systematic plunder led by UCPB insiders themselves. Recent reports said that in December 2012, UCPB, through Divina Law, a law firm owned by UCPB director Atty. Nilo Divina, initiated two special civil actions for declaratory relief in Makati; the first on behalf of the UCPB and against Coconut Industry Investment Fund Oil Mills Group (CIIF OMG) and the PCGG; and the second on behalf of continue on page 4

Small Coconut Farmers led by Coco Levy Funds Ibalik sa Amin - Quezon picketed at United Coconut Planters Bank (UCPB) Lucena Branch, demanded a platoon substitution in the UCPB Board of Directors, June 2, 10:00 a.m. CLAIM-Quezon News bureau

Tingnan ang buong larawan sa pahina 2

REINA Area, Binisita ng DTI-Quezon Dinalaw ng DTI-Quezon ang tatlong bayan na binubuo ng Real, Gen. Nakar at Infanta noong Mayo 29, 2014. Ang Real, Quezon ay binisita sa pamumuno ni Ms. Graciela Ledesma para sa site visitation at inspection kung saan ilalagay ang mga facilities na hinihiling ng bayan ng Real para sa Barangay Cawayan. Kung magiging maganda ang findings ng DTI-Quezon, irerekomenda ito sa national technical working group. Tatanggap ang Real, Quezon ng decorticating machine, twining machine, twisting machine at geonet machine. Ang nasabing tulong ng DTI-Quezon ay nagkakahalaga ng P1.0 milyon na ipagkakaloob sa samahan. Minonitor naman ni Ms. Leila Cabreros ang paggamit ng bayan ng unified form, at ang dami ng lagda sa business permit kung mayroong aplikante na nanagnanais magnegosyo. Isang pagmomonitor naman ang ginawa ni G. Chito Luce sa mga tindahan ng hardwares upang makatiyak na hindi lumalabag sa batas ng pangangalakal ang mga nasabing tindahan. Sinundang pinuntahan ang bayan ng Gen. Nakar at kinausap ang grupo na nagnanais na maglagay ng tindahan ng spare parts at magtanim ng kawayan na ibebenta sa mga gumagawa ng bamboo furniture at bamboo houses. Ipinaliwanag sa mga samahan ang mga kulang pang mga dokumento upang mapabilis ang pagbibigay ng tulong pananalapi sa ilalim ng Grassroots Budgeting and Planning. Sinuri din ni Ms. Cabreros ang business permit licensing system ng bayan upang makatiyak na ang bayan ay isang business-friendly municipality. Ang Infanta ang huling bayang pinuntahan ng grupo. Agad na sinuri ang business permit licensing system at nakita ang ginagamit na business permit form at ang mga hakbang kung paano magrerehistro ng negosyo.

continue on page 4

Lucena City Library Anniversary The Lucena City Library will commemorate its 62nd anniversary on July 1, 2014 with a theme “Aklat at Panulat daan sa ika-62 Kasaysayan ng Panglunsod na Aklatan”. For the first time, our office will celebrate the anniversary in order to be constant and primary provider of information to the people of Lucena. Our goals are to reach out the community to promote reading, let people get involved in sharing their learned knowledge and be friends of the library. The community event will be : (1) Design-a-Bookmark Contest on June 23, 2014; (2) Storytelling activities for Day Care preschoolers of selected barangays entitled “Hatid-Kuwento kay Nene at Totoy” II on June 24-27, 2014; and (3) Thanksgiving Mass, short program, film viewing for Day Care preschoolers and photo exhibits which will be held at Lucena City Library on July 1, 2014. Contributed by City Library of Lucena / See image on page 2


2

JUNE 8 - JUNE 14, 2014

EDITORIAL

Ang masama ay ang hindi pagkibo Sa pang-araw-araw, parati nang naghahatid ng kirot sa puso ng bawat pangkaraniwang Juan at Juana dela Cruz ang pagdantay ng pait ng kahirapan ng nararanasan sa pang-araw-araw na buhay, hindi dapat mawala sa atin ang pagpapahalaga sa ating kalayaan. Ilang daang taon na ang nakalilipas, napasailalim tayo sa mga dayuhang wala namang karapatang kamkamin ang ating bansa. Wala silang karapatang saktan at pagmalupitan ang mga Pilipinong naghahangad lamang ng kalayaan at kabutihan para sa kanyang kapwa Pilipino. Pero ngayon, ni hindi na natin masigurado kung masasabi natin sa ating mga sarili na tayo nga ay ganap na malaya. Kung bakit nga naman kasi sarili nating mga pinuno ang nagpapahintulot ng pakikialam ng dayuhan sa labang para lang dapat sa atin, kasama na ang sa usapin ng ekonomiya. Minsan, ang ating sarili mismo ang sumusupil sa ating karapatang maging malaya, katulad na lamang ng hindi pagtutol sa mga bagay na hindi naman talaga dapat nagaganap. Ang kalayaan ay ang pagpapahayag ng damdamin. Pagpapahayag na may kaakibat na responsibilidad. Hindi masamang magpaliwanag, walang masama sa pagsasalita. Ang masama ay ang hindi pagkibo. Sa paggamit nito, matutulungan natin ang ating mga sarili na hindi maapi at magpaapi sa iba. Makakatulong rin itong makapagpataas ng ating pagkatao para mas marangal nating maipagtanggol ang ating karapatang-pantao, at higit sa lahat, nakapagpapataas ng integridad ng bawat Pilipino.

TRUTH ALWAYS PREVAILS

JOHNNY GLORIOSO - Publisher | Editor-in-Chief SHERYL GARCIA - Managing Editor Columnists | Contributors: GEMI FORMARAN, LANNY TOLDA, MICHAEL ALEGRE, RAFFY SARNATE, AARON BONETTE, ALEXANDREA PACALDA Ang ADN SUNDAY NEWS (ADNSN) ay inilalathala ng Ang Diaryo Natin Group of Publications tuwing Linggo Facebook: ADN Sunday News | Twitter: @ADNSundayNews Email: adnsundaynews@gmail.com Downloads: www.issuu.com/adnsundaynews DTI Cert. No. 03189625

editorial cartoon from the internet

ANO BA YAN! JOHNNY GLORIOSO

For your reactions, comments or suggestions, email me at mjdzmm@yahoo.com

Bola lang pala!!!! Lalo nang naglaho ang pagasa ng ilang masigasig na kapulisan na makakolekta ng kalahating milyong pisong naipangako umano ni dating Laguna Governor E R Ejercito dahil nawala na ito sa puesto. Noon daw kasing mapatay itong isang kagawad ng lungsod na si Egay Adajar na isa ding Kometarista sa Radyo ay nangako umano si E R na nakahanda siyang magkaloob ng pabuyang Kalahating Milyong piso sa sinumang makakahuli sa taong bumaril dito. Dahil dito naging masigasig ang kapulisan at di nga naglaon ay nadakip ang principal suspek na siyang itinuturong bumaril sa biktima.Sa wari ay mistulang nagbibilang na ng kanilang paghahatian ang tropa sa matagumpay nilang operasyon laban sa suspek. Ang marikit ka dito ,ng tunguhin ng mga pulis ang tanggapan ng Gobernador upang kolektahin amg pabuya, nadismaya ang mga ito ng sabihin kuno ng gobernador na kelangang madakip muna nila ang mastermind na siya umanong nasa likod ng gunman at siyang nagutos upang patayin ang biktima. OMG!!! bakit ganun? Bakit naiba ang dialogue? Samantalang nagpatawag pa ng press conference si gobernador para lang sabihing magbibigay siya ng nasabing pabuya basta mahuli lang ang taong bumaril dito! Ngayong nahuli na nga ay yun daw namang mastermind ang hulihin? Bola lang pala yun! !Eh papanu ngayon na wala na sa puesto si E.R ? Eh di siyempre lalong wala na din silang pagasang makuha ang ipinangakong kalahating milyon, dahil nabola lang pala sila! MAHIRAP DING MAGING HEPE!!! Ito naman ang waring naging damdamin ng isang dating hepe ng pulis sa isang bayan dito sa Quezon. Nagsipag kasi ang hepe at panay ang utos sa kanyang mga tropa na dakpin ang lahat ng mga gumagawa ng mga illegal, at mga taong nagtatago sa batas. Sunod sunod ang isinagawang operasyon nito lalo na sa mga bookies na nagkalat sa kanyang bayan, huli dito,

huli doon ang ginawa kung kayat umiyak ng husto ang mga nasasagasaan. Ang masakit nito, nagsumbong sa isang high ranking politician sa kanilang lugar ang mga illegalistang nasagasaan. Ang nangyari , sa halip na purihin ang kapulisan at pangaralan ang mga illegalista ay kinampihan pa ito ng opisyal. Ang nangyari tuloy, nasibak sa puesto si hepe, kaya ayon at namamayagpag na naman ang bookies sa bayang ito. Saan na kaya tayo lalagay nito? NABUTATA???!!! Now its final. Hindi umano puedeng baguhin o palitan ng pangalan ang isang bahagi ng kahabaan ng Granja St dito sa lungsod ng Lucena na katulad ng isinasaad ng Ordinance No. 2517 na ipinasa at inaprubahan ng Sangguniang Panglungsod ng Lucena sa isinagawang special Session noong ika-6 ng buwan ng Mayo. Ito ang nakasaad sa isang liham mula sa National Historical Commission of the Philippines na nilagdaan ni Maria Sereno Diokno, ang Punong Tagapagpaganap. Layunin sana ng naturang ordinansa na ang isang bahagi ng Granja St., ay palitan ng

pangalan at gawin itong Felix Y. Manalo St., ang founder ng makapangyarihang sekta ng Iglesia ni Kristo. Ang ordinansa ay isinulong sa kapulungan at sinangayunan ng lahat subalit naging majority votes lamang at hindi unanimous dahil kay Kagawad Rhaetia Marie AbcedeLlaga na siya lamang tumutol. Kung anuman ang tanging layunin na nagtulak sa mga kagalang galang na mga kagawad upang ito ay isulong at palitan ng pangalan ay tanging sila na lamang ang nakakaalam. Subalit sangayon kay Lucena Bishop Emilio Marquez, ang pangunahing kritiko ng nasabing ordinansa, wala siyang nakikitang dahilan maliban sa nais lamang ng mga itong magpa pogi at sumipsip upang masigurong makukuha nila ang suporta ng kapatiran sa darating na halalan. Kung sila man ay nabutata , ito ay sa kakulangan ng nararapat na konsultasyon na dapat sana ay isinagawa muna bago nila ipinasa ang nasabing ordinansa. Naniniwala ang nakararami na ni ang kapatiran ay hindi muna kinunsulta bago ito isinulong .


JUNE 8 - JUNE 14, 2014

3

GEMI A BREAK GEMI FORMARAN

Let us act now! Despite the government’s intensified campaign against timber poaching and illegal logging, forestry law violators still persist in their illegal activities. This only shows that President Aquino’s Executive Order No. 23 is not that effective contrary to what his administration was saying shortly after its issuance. E.O. 23 declares a moratorium on the cutting and harvesting of timber in the natural and residual forests. It also creates the anti- illegal logging task force. It was on February 1, 2011 when E.O. 23 was issued by PNoy. That was more than three years ago. The question is, “Did the timber poachers and illegal loggers stop what they have been doing in the past decades, following the logging moratorium issuance?” With all honesty, the answer is, “No!” Being the chairman of Regional Multisectoral Forest Protection Committee

for Calabarzon region since 2011, yours truly speaks with authority. When it comes to the number of persons arrested for violating forestry laws and apprehension of illegally sourced forest products including logs and flitches, and conveyance by the Department of Environment and Natural Resources and other law enforcement agencies, I know almost exactly the figures because it is regularly presented during our meetings. Based on figures, timber poaching and illegal logging activities never stopped though a significant decrease has been noted comparing the present situation to that of the last three years. Basically, had the illegal activities have been stopped, no arrest of offenders and seizure of forest products would have been recorded almost every month. The government’s stepped up campaign backed by PNoy’s E.O.23 only lessens the number of illegal cutting and illegal

logging incidents but it doesn’t stop the problem at all. Even with the creation of Anti- Illegal Logging Task Force that operates nationwide, the problem still exists. Chaired by the DENR Sec. Ramon Paje, the well- equipped task force is composed of selected DENR personnel, military men and policemen and representatives from private sector. But still, violators continue to persist in many areas nationwide. Let us localize the issue! In Northern Quezon towns otherwise known as REINA (Real, Infanta, Gen. Nakar) area, DENR has a very efficient and competent Community Environment and Natural Resources Officer (CENRO) in the person of Forester Millette Panaligan. Knowing her personally, CENRO Millette is a very brave woman who fears no one when it comes to forest protection. She operates any time of the day even with only a handful of trusted unarmed

men, and strikes everywhere, even outside Northern Quezon. Have you seen a lady forester who uses an ordinary rented motorboat just to run after those who are illegally transporting forest products via huge motorboats along the deep sea of Pacific Ocean? She is frequently seen in Mauban town running after illegal transporters coming from Northern Quezon and those from Palanan, Isabela. Her being not afraid of anyone as long as she’s doing the right thing is the leading trade mark of the lady CENRO. But again, despite all her all out effort, she still could not stop the illegal activity. For me, there are only few things needed to address the problem which has been there since time immemorial. 1.Strong political will of the local and national leaders, especially the governors and mayors. 2.Prosecute those national and local government officials including those in the law

enforcement agencies who are in cahoots with the illegal activity. 3.Educate barangay officials on forest protection laws 4.Deny the market for the illegal forest products. 5.Impose higher penalties for the offenders. Protection of our forests and natural resources being a social problem is everybody’s business, except of course, for those who are already getting tired of breathing. DENR alone could not stop it, even with the assistance of the military and the police. We have learned our lesson! Climate change, the primary effect of global warming has been felt by every living thing in this planet. Denudation of our forests greatly contributes to global warming. The next thing to happen depends on what we are going to do! Let us act now before it becomes too late!

Sa pasukan, dagdag-suweldo giniit ng mga guro, sinuportahan ng kabataan Muling sumalubong sa mga mag-aaral sa unang araw ng pasukan ang dati nang mga problema sa eskuwelahan gaya ng kakulangan ng mga silid-aralan, mga upuan, mga libro, at mga guro. Sa pagkakataong ito, sinalubong din ng mga guro sa ilalim ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang unang araw ng pasukan ng isang protesta–isang paggiit sa administrasyong Aquino na dagdagan ang suweldo ng mga guro at taasan ang badyet sa sektor ng edukasyon. Sinabi ng mga lider-guro ng ACT na walang bago sa kalagayan ng krisis sa sektor ng edukasyon. Pinabulaanan nila ang mga pahayag ng administrasyong Aquino na nabibigay ng gobyerno ang sapat na rekurso at pasilidad para sa mga estudyante at pampublikong mga eskuwelahan. Sa paanan ng Palasyo Sinugod ng mga guro at mag-aaral ang Malakanyang para singilin ang administrasyong Aquino sa “pagpapabaya sa sektor ng edukasyon.” Isang raling iglap ang isinagawa ng mga guro sa Gate 7 ng Malakanyang nitong Hunyo 2 para sa kanilang panawagang dagdag sa sahod na patuloy na ipinagkakait ng adminstrasyon Aquino. “Pagpapahayag ito

ng galit ng mga guro sa aming panawagan para sa nakabubuhay na sahod. Mula nang maupo sa puwesto si (Benigno) Aquino III, walang anumang narinig ang mga guro mula sa kanya tungkol sa aming panawagan,” ani Benjamin Valbuena, tagapangulo ng ACT. Panawagan ng ACT na itaas ang sahod ng mga guro sa P20,000 mula P18,549 at P15,000 mula P9,000 para naman sa mga kawani. Binatikos din nila ang administrasyon sa tangkang pagtaboy sa mga guro na nagprotesta sa Malakanyang. Anila, imbes na hayaang makapagprograma, marahas umano silang itinaboy ng mga pulis. Maging ang mga babaeng guro ay nasaktan. “Pinipilit kaming itulak kahit kaming mga babae na teachers. Hindi nagawang pakiusapan ang mga pulis,” ayon kay Jocelyn Martinez, isa sa mga gurong nasaktan. Tinugunan din ng mga guro sa iba’t ibang parte ng Pilipinas ang protesta para sa dagdagsuweldo at karagdagang badyet para sa edukasyon. Samantala, nagmartsa naman ang mga mag-aaral sa paanan ng Mendiola sa Maynila para ipanawagan ang pagbabasura sa programang K+12 (Kindergarten + 12 taon), pagbaba ng matrikula, at dagdag na badyet para sa

edukasyon. P r o b l e m a n g pinagtatakpan Nag-ikot sa unang araw ng pasukan si ACT Teachers Rep. Antonio Tinio sa unang araw ng pasukan. Ayon kay Tinio, nanatili pa rin ang problema sa mga pampublikong eskuwelahan sa kabila ng pahayag ng Malakanyang at Department of Education (DepEd) na kanila na umanong natutugunan ang mga kakulangan sa sektor ng edukasyon. “Nakikita natin na nariyan pa rin ang mga dati ng problema tuwing pasukan. Siksikan pa rin ang mga estudyante dahil hindi lamang kulang ang mga silid-aralan kundi kulang ang mga eskuwelahan,” ani Tinio. Sinabi pa ni Tinio na apat sa sampung kabataan na nasa edad mula 13 hanggang 19 na taon ang wala o hindi nakatutuntong ng hiskul. Binigyan naman ng bagsak na marka ng mga mag-aaral si Aquino. Sa halip na mapaunlad umano ang sektor ng edukasyon ay mas pinalala ito ng mga polisiya ng administrasyon. “Unang araw pa lang ng klase, bagsak na agad ang gradong ibinibigay ng kabataan kay Pangulong Aquino. Bagsak sa pasilidad, bagsak sa curriculum, at bagsak sa pagsagot sa lumulobong presyo ng matrikula,” pahayag ni Kabataan Rep. Terry Ridon.

Lightning rally ng mga guro sa gate 7 ng Malakanyang para sa dagdag sahod. Pher Pasion of PinoyWeekly.org

Kabilang sa mga polisiya ang K+12 na dagdag dalawang taong sa pag-aaral at ang Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (Gastpe) para paluwagin (“decongest”) ang pampublikong mga paaralan. Ayon sa League of Filipino Students (LFS), maliban sa dagdag na gastusin ang K+12, hindi din ito tumutugon sa pangangailangan ng bansa kundi para sa mga kapitalista at dayuhang bansa na nangangailangan ng murang-

lakas paggawa. “Ginagawa lahat ng administrasyong Aquino para ibenta ang kanyang kabataan,” ayon kay Charlotte Velasco, tagapagsalita ng LFS. Ayon naman sa ACT, minadali ang pagsasanay para sa mga guro at nananatili pa ring kulang ang mga modules para sa K+12. Hindi naman umano tinutugunan ng Gastpe ang isyu sa kawalan ng pasilidad at guro. Katunayan, pinopondohan umano ng


4

TRUTH

Dagdag-suweldo giniit ng mga guro... from page 3 gobyerno ang pribadong sektor imbes na magbigay ng pondo sa publikong paaralan, ayon kay Vencer Crisostomo, tagapangulo ng Anakbayan. “Pinalala ng mga polisiya ng administrasyong Aquino ang krisis sa sistema ng edukasyon. Hinayaan ni Aquino na lalong maging negosyo at prebilehiyo para sa iilan. May pera para sa pork (barrel) pero wala para sa ating mga paaralan at mga guro,”

ayon Crisostomo. Para sa kay Valbuena, mahusay na napagtatakpan ng administrasyong Aquino ang krisis sa sektor ng edukasyon sa kapahamakan ng mga guro at mga mag-aaral. Babala Nagbabala ang mga guro ng isang malawakang mass leave kung mananatiling wala sa badyet para sa 2015 ang dagdag sahod para sa mga guro.

ALWAYS

PREVAILS

Nakikiisa din ang mga magaaral sa labang ito na nagbanta din ng malawakang kilos-protesta at strike sa mga pamantasan. “Ang pang-iinsultong ito ni Aquino ay kinakailangan tapatan ng mga protesta. Kung mag ma-mass leave ang mga guro, susuportahan ng mga kabataan ng malawakang mga strike,” ayon kay Crisostomo. Kontribusyon ni Pher Pasion mula sa PinoyWeekly.org Maglulunsad ng street art exhibit ang Silayan (Sining Kalilayan) para sa darating na selebrasyon ng Araw ng Kalayaan, layunin ng grupo na ipakita ang tunay na kalagayan ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga likhang sining nila. KALAYAAN, KALAGAYAN, an Independence Day ART EXHIBIT June 12 (10am) -13, 2013, Perez Park, Lucena City June 11, 3pm - Exhibit Prelaunch at Rock the Shed Concert, SLSU Lucban Quezon Graphics by SILAYAN Quezon

Coco farmers... from page 1 COCOLIFE and against CIIF OMG and the PCGG. Members of the UCPB board of directors are elected by the PCGG with the approval of the President. The Supreme Court, in a decision last July 2013, stated that the government fully owns 72 percent, or is the majority owner, of UCPB. “It is totally revolting that PCGG-appointed board of directors are being paid by coconut farmers’ money but, in reality, are scheming to plunder the whole coconut levy fund,” Borromeo said. Borromeo called for a “platoon substitution” at the UCPB saying that “the bank’s directors, including bogus and self-proclaimed coconut farmer-representatives in

the board” are feasting and have enriched themselves over the funds. “The multi-billion coco levy fund remains vulnerable to continuing plunder due to the Aquinoadministration-appointed vultures in the UCPB. These vultures must be kicked out of UCPB,” Borromeo said. The KMP and CLAIM reiterated calls for the passage of House Bill 1327 that seeks the return of the coco levy funds to genuine small coconut farmers. According to KMP and CLAIM, HB 1327 is the “legislative counterpart” of the small coconut farmers’ proposal for the “cash distribution of the recovered funds.” CLAIM-Quezon

REINA Area... from page 1

Rock the Shed is an opening activity for the upcoming college students of the university. Whereas giving the youth and students such event , that will give them the idea where they are headed to this school year. It is an occasion of showcasing aptitude that will interest students to join organization that will enhance their talents and enhance socially related situations in the current scene in the community. The amalgamated different organizations provides a cultural night that will help us understand what our education really looks like through music and arts. For youths today find alternative ways of how they can help others, in understanding societal problems. Rock the Shed for Education is one of the many ways on how can we thump this future bearers of our country. Contributed by Guni-Guri Artist Collective - SLSU / Graphics by Aaron Bonette of Guni-Guri Artist Collective

Ang mga hardware stores ay pinagtulungang imonitor at napagalamang sumusunod sa price tag at product standards ang mga tindahan. Humihingi ng updates ang mga mayari ng tindahan sa DTI-Quezon sapagkat

maraming lumalabas ng mga bagong produkto at gusto nilang malaman ang mga tungkol dito. Gusto rin ng mga tindahan na magkaroon ng refresher lecture tungkol sa ibat ibang batas lalo na sa price tag at product standards. Kontribusyon ng DTI-Quezon

WWW.ISSUU.COM/ADNSUNDAYNEWS


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.