P10.00
MAY 17 - MAY 23, 2014
Vol. 3 No. 011
TRUTH ALWAYS PREVAILS
Tingnan ang buong larawan sa pahina 2 PAHIYAS FESTIVAL. Sa esensya, ipinagdiriwang ang Pahiyas Festival tuwing ika-15 ng Mayo bilang pasasalamat ng mga magsasaka kay San Isidro Labrador dahil sa kanilang masaganang ani. Kinapapalooban ito ng mga tradisyon tulad ng paglalagay ng palamuti gaya ng makukulay na kiping sa mga bahay. Sa ngayon, nagsisilbi itong magarbong kompetisyon sa pamamagitan ng pagandahan ng gayak ng mga bahay dahil sa pagsulpot ng tinatawag na komodipikasyon na tumutukoy sa pagkakaroon ng kapalit na salapi ng isang bagay o kultura. Michael Alegre / larawang kuha ni Aaron Bonette
18 na kaso ng pandurukot, napaulat sa Lucban kasabay ng isinagawang Pahiyas Festival 18 na mga lokal na turista na dumayo sa Pahiyas Festival kasabay ng pagdiriwang ng kapistahan ng Patrong San Isidro Labrador sa bayan ng Lucban ang mga naging biktima ng mga mandurukot na regular ding nagtutungo rito sa ganitong okasyon. Kabilang sa mga naging biktima sina Victoria Cesario ng Tanauan, Batangas, Ma. Victoria Duran ng Caloocan City, Corazon Jurok ng Valenzuela City; Delia Orbina ng Morong, Bataan; Arlene Delesporo ng Muntinlupa City; Hazel Galang ng Makati City; Rosemarie Reyes ng Lopez, Quezon; Shalimar Espino ng San
Pablo City; at Teodorico Zaragoza ng Alabang Village. Nabiktima rin ng mga mandurukot ang Kastilang si Angelo Sospedra; maging ang disable na si Gng. Soledad Camanag ng Muntinlupa ay nanakawan ng mini apple ipad. Wallet naman amg nadukot kay Robert Villon ng Cebu City; samantala, natangay naman ang bag ng biktimang si Melissa Vermaak. Si Nino Quimpo naman ay nadukutan ng Samsung S4 na nasa unahang bulsa nito samantalang Samsung Tab 2 naman ang nakuha sa body bag ni Via Zubia. Maging ang retiradong pulis
mula sa Sampaloc, Manila na si Alberto Sison ay nakunan din ng kanyang wallet. Ang 14 na taong gulang na si Joyce Estrellado ay nawalan ng Samsung S4 at black Nokia cellphone. Si Gng Gliceria Abustan Deveza naman ay napasok ang bahay at napagnakawan ng pera at mahahalagang kagamitan. Nagsikip ang tanggapan ng pulisiya dahilan sa mga nagreklamo samantalang isang mandurukot ang nahuli sa aktong dinudukutan ang bag ni Gemma Agapay. Kinilala ang suspek na si Ana Arellano ng Lucena City na ngayon ay nakakulong na. Johnny Glorioso
Mag-ama, patay sa pamamaril sa Tiaong Patay kaagad ang biktimang si Honesto Guerrero, 44 na taong gulang samantalang namatay rin habang nilalapatan ng lunas ang anak nitong si Onniel Guerrero, 13 taong gulang kapwa residente ng Kanto Bayabas, Brgy Ayusan, Tiaong, Quezon, makaraang tambangan at pagbabarilin ng mga hindi nakilalang mga suspek. Ayon sa ulat ni PSupt Laudemir Llaneta, hepe ng pulis sa bayang ito, pasado alas 9 ng gabi, magkaangkas sa isang Honda motorcycle na walang plaka ang mag-ama at papauwi na sa kanilang bahay nang biglang sumulpot ang mga suspek at pinagbabaril ang mga biktima. Namatay noon din si Honesto samantalang nadala pa sa ospital ang anak subalit inilipat din kaagad sa San Pablo Medical Center sa lungsod ng San Pablo kung saan ideneklara itong dead on arrival. Tumakas naman ang mga suspek patungo sa di malamang direksyon dala ang armas na ginamit sa pamamaril. Siyam na basyo at isang slug mula sa armalite rifle at tatlong bala ng shotgun ang narekober ng mga pulis sa lugar na pinangyarihan ng pamamaril. Johnny Glorioso
Mayor Torres vs. Dr. Ramoso: pinagbabantaang barilin! SAMPALOC, QUEZON - Pinagbantaang babarilin ni Incumbent Mayor Emmanuel Jesus Salayo Torres (Alyas Naning) si Dr. Rani Balo Ramoso hinggil sa badyet ng gamot ng Municipal Health Unit. Nagkaroon ng tensyon ang dalawa noong nakaraang Lunes ng dakong 9:00 ng umaga sa isang Municipal Assembly sa Sampaloc Municipal Hall Lobby habang
ang biktima ay pinasagot ng report si PSI Reynaldo Belarmino, hepe ng Sampaloc PNP hinggil sa badyet ng gamot para sa Rural Health Unit. Dahil dito ay nag-react ang Alkalde Naning Torres at sinabi sa biktima na “sandali lang antayin mo ako riyan, kukuha ako ng baril.� Dahil dito ay nagkaroon ng ninerbyos ang continue on page 3
2
MAY 11 - MAY 17, 2014
EDITORIAL
Handa na ba si Juan sa pasukan? Batay sa kalendaryo ng DepEd, ang school year 2013-2014 ay mag-uumpisa sa unang Lunes ng Hunyo. Sa mga pahayag na inilabas ng DepEd nakahanda na umano sila sa muling pagbabalikeskuwela ng milyun-milyong mga magaaral ngayong pasukan. Pero base naman sa ilang report ng ilang mga paaralan, marami pa rin ang hindi naisasaayos lalo na nga ang problema sa kakulangan sa mga silidaralan. Aminin man o hindi, sadyang matinding problema na ng mga guro at school officials ay ang kakulangan ng silidaralan. Normal at hindi na nakapagtataka. Taun-taon na lang kasi sa tuwing magbubukas ang klase, ito ang matinding kalbaryo na kinakaharap ng mga magaaral. Lalo pa nga itong sumahol dahil sa pagpapatupad ng K2-12 curriculum. Bukod pa rito, marami na galing sa mga pribadong paaralan ang lumipat o nag-transfer na rin sa mga public schools, ito dahil sa mataas na tuition fee sa pribadong paaralan na hindi na nakakayang matustusan ng maraming mga magulang, kaya lobo talaga ang nasa pampublikong paaralan. Hindi na tayo magtataka na ngayong Lunes, dating tanawin o problema na naranasan na sa mga nakalipas na taon, ito pa rin ang sasalubong sa Lunes, tiyak yan, baka nga lalo pang lumala, imbes na masolusyunan. Nandyan na makikita natin na nagsisiksikan sa maliit na silid-aralan ang sangkaterbang mga mag-aaral, nandyan ang nagkaklase sa ilalim ng puno o kung wala nang puno ay baka sa initan ng araw. Yan na nga ba ang sinasabi ng maraming mga guro at magulang. Hindi naman daw sila tutol na mapataas ang kalidad ng edukasyon ng mga mag-aaral sa bansa, kaya nga lang sana ay inuna munang masolusyunan ang ganitong mga problema ang kakulangan sa silidaralan at maaayos na paaralan. Aantabay na lang tayo kung paano ito haharapin ng DepEd at ng mga kinauukulan ang sitwasyong ito.
TRUTH ALWAYS PREVAILS
JOHNNY GLORIOSO - Publisher | Editor-in-Chief SHERYL GARCIA - Managing Editor Columnists | Contributors: GEMI FORMARAN, LANNY TOLDA, MICHAEL ALEGRE, RAFFY SARNATE, AARON BONETTE, ALEXANDREA PACALDA Ang ADN SUNDAY NEWS (ADNSN) ay inilalathala ng Ang Diaryo Natin Group of Publications tuwing Linggo Facebook: ADN Sunday News | Twitter: @ADNSundayNews Email: adnsundaynews@gmail.com Downloads: www.issuu.com/adnsundaynews DTI Cert. No. 03189625
editorial cartoon from the internet
ANO BA YAN! JOHNNY GLORIOSO
For your reactions, comments or suggestions, email me at mjdzmm@yahoo.com
Ang Bagong Lucena!!! Ito ang ibinabandera ng kasalukuyang administrasyon sa lungsod. Ang tanong ko lang, ano ba ang nabago sa Lucena, bukod sa dumami ang mga trak na naghahakot ng basura, bukod sa dumaming mga traffic enforcer na nagmamando ng daloy ng trapiko? Andiyan pa din ang sangkaterbang traffic violators, pansinin ang mga nakaparadang mga sasakyan na ang pag park ay kontra sa wastong daloy ng trapiko. Pansinin ang sangkatutak na mga nakabalandrang mga signage, mga upuan at iba pang harang tulad ng mga lubid na inilalagay ng mga establisimiento upangwalang mga sasakyang makaparada sa harapan ng kanilang tinadahan. Waring kasama sa binabayaran nilang Mayors Permit ang espasyo sa mga kalye sa harapan nila at walang puedeng magpark dito. Pansinin din na walang mga portable toilets na magsisilbing ihian man lang ng mga peryante, saan ba sila nagtutungo kapag nakaramdam ng tawag ng kalikasan? At higit sa lahat, alam ng lahat kung gaano kalakas ang pasugalang nagaganap sa sinasabing Carnival sa gawi ng parking space sa Pacific Mall! Ano nga bang nabago sa bagong Lucena? Lalakas ba ang loob ng mga yaan kung walang lagayang nagaganap? Ang mga bulok na traffic lights ay mga bulok pa din at nananatiling pahiyas lamang, nagkalat pa din amg mga batang lansangan na araw araw mong makikita magtungo ka lang sa pangunahing lansangan. May mga pagkakataong aabutin kayo ng kulang kulang sa isang oras sa paglalakbay mula sa Red V patungo lamang ng bayan kahit walang aksidenteng nagaganap. Ang dahilan, ang pagmamaniobra ng mga ten wheeler trailer trak na nagdidiskarga sa Marktown. Hindi ba puedeng lagyan ng takdang oras ito sa mga hindi abalang oras kung kelan mabigat ang daloy ng trapiko. Sakaunaunahang pagkakataon na nagpatawag ang Alkalde ng Pulong Balitaan, makaraang maupo sa puesto, nangako itong gagawin ng regular buwan buwan upang
maiparating sa kaalaman ng mga kababayan ang mga dapat nilang malaman. Subalit makaraan ito ay minsan lang naulit at hindi na ito nasundan pa. Hindi naman magkakarun ng pagkakataon na makatalamitan siya dahilan sa laging standing room ang kanyang tanggapan.
magkakarun ito nf kulay na sila ay nagtatakipan lamang. Mas makabubuti marahil kung ang Pangulo ang mangunguna sa pamamagitan ng pagbubuo ng isang independent body na siyan magiimbestiga, tulad halimbawa ng itinayo noon na Davide Commssion.
KAYO ANG BOSS KO!!!!! Parang umaalingawngaw pa rin sa aking panadinig ang mga katagang ito na binigkas ni Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang inaugural speech sa Kongreso may ilang taon na ang nakakaraan. Umani ito ng napakalakas na palakpakan at kinabukasan nga ay laman ito ng front page ng lahat ng mga pahayagan. Ilang taon na ang nakaraan mula noon subalit sa ngayon ba ay matatanggap natin ng maluwag sa ating kalooban na ang mga katagang ito ay nasusunod sa kabila ng mga nagdudumilat na katotohanan hinggil sa nagaganap sa ating bansa. Maluwag pa ba nating matatanggap na ang mga taong ating pinagkakatiwalaan ay siya ngayong sentro ng mga anomaliyang kinapapalooban ng napakalaking halaga ng kwarta ng bayan? Papano masasabing umaasenso ang ating bansa gayong napakadaming pilipino amg nagugutom at naghihirap samantalang bilyong piso ang pimaguusapang nawawala at ninakaw lamang. Ppanu masasabing naghihirap ang ating bansa gayong nakakalula ang dami ng perang sinasabing ninakaw ng mga taong ating pinagtitiwalaan. Sa kabila ng lahat, walang nais na magbitiw sa tungkulin at wala ding umaamin. Wala din namang ginagawa ang ating Pangulo, bagkus snabi nitong hindi puedeng tanggal dito tanggal doon ang dapat niyang gawin sapagkat wala pa namang napapatunayan sa mga akusasyon. tama din naman, subalit may ginawa ba siya upang alamin kung totoo ba ang mga bintang. Parang mali naman kung ang mismong mga mambabatas din ang siyang magiimbestiga sa kanilang mga kasamahan sapagkat ano man ang kalalabasan ng imbestigasyon ay
HANGGANG NGAYON NA LANG KAYO!!! Inirehistro na umano ng mga opisyal ng isang “Ugat” ang kanilang samahan sa Securities and Exchange Commission. Ibig sabihin nito, meron na silang legal personality at hindi na puedeng tularan o gayahin ng alinmang samahan. Bunga nito, hindi na umano magkakarun ng kalituhan sa panig ng mga Lucenahin at mga observer kung sino o alin ba sa dalawang samahan ng “UGAT”. Yung isa kasing UGAT ay magdaraos ng kanilang kasayahan sa ika-24 nito at yung isa naman ay sa katapusan ng buwang kasalukuyan. Magkasundo na kasi kayo hehehe. ANG BAGONG TAHANAN NG PCSO Meron nang bagong tahanan ang mga taga PCSO. Ito ay ang building ng Trade and Investment Center ng lalawigan ng Quezon na ayon sa ilan ay itinayo noong kapanahunan pa ng yumaong Gobernador Rafael P.Nantes. Inuupahan ito ng PCSO mula sa Provincial Government sa halagang piso isang taon at may kontratang isang taon lang renewable daw taun taon. Nagkarun tayo ng pagkakataon makaharap ang mga opisyal ng PCSO na ngayon ay pinamumunuan ni General Manager at Acting Chairman Jose Ferdinand Rojas kasama sina Directors Betty B. Nantes,Mabel Mamba, Assistant General Liza Gabuyo at Provincial Head Lady Elaine Gatdula. Sa ginanap na Pulong Balitaan, inamin ni Director Betty Nantes na nakahanda syang lumaban bilang Komgresista ng Unang Distrito ng Lalawigan kung tutulungan siya. Yahoo!!!
MAY 11 - MAY 17, 2014
3
GEMI A BREAK GEMI FORMARAN
Praise the governor! Had the late Quezon governor, Raffy Nantes been alive, he would have been very happy. One of his land mark projects, the Trade and Investment Center building which has been a white elephant the past few years now serves as the provincial branch office of Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) in Quezon. No less than PCSO General Manager and acting Chairman Jose Ferdinand Rojas led the building’s formal opening to the public last Thursday. Atty Rojas expressed his deep gratitude to the provincial government especially to Gov. Jayjay Suarez for his generosity
by allowing them to make the building their official “home” in Quezon. He was accompanied by PCSO Directors Betty Nantes and Mabel Mamba, Asst. Gen. Manager Liza Gabuyo and provincial branch manager Elaine Gatdula among their other key officials in the national and provincial level. Jayjay’s alter ego, the handsome Rommel Edaño and the sexiest provincial board member, Alona Obispo were also around. Everybody in the PCSO family that day was visibly grateful to the late governor for constructing the building and to the still alive governor for
making it more useful. I heard a fellow journalist saying that Jayjay, this time, made a right decision. “Desisyon man yan ng mommy o ng daddy ni Gov. ay kanya na din ‘yon”, said a colleague. In the first place, Jayjay has good reasons to be generous to PCSO and to Dir. Nantes. With the the latter’s effort, multi- million pesos from the PCSO funds have already gone to Quezon in the form of medical and health programs and services. If I am not mistaken, almost all the requests made by the provincial government have been granted by the
PCSO. Every patient who had been endorsed by the office of the governor for financial assistance to Dir. Nantes had been accommodated. Obviously, the widow of Gov. Raffy has been prioritizing the requests of her indigent kababayans. Secondly, rumor has it that Jayjay, this early, is already courting the director’s only son, Vice- Gov. Sam Nantes to be his running mate in the 2016 polls. Jayjay knows his significant edge to his would be opponent/s, be it an Alcala or Enverga, if Sam will be his partner. He, perhaps, feels that a Suarez- Nantes tandem will be
TIRADOR
unbeatable. Going back to the building, its original purpose as Trade and Investment center has not been served with the sudden death of Gov. Raffy. A white elephant for more or less three years, no return of investment was gained by the provincial government after spending multi- millions for the construction of that building.. With all honesty, I do praise the concerned provincial leaders of Quezon for having it transformed into PCSO provincial branch office instead of converting it to a beauty parlor of a gay bar! Praise the governor!
Para sa mga reaksiyon, suhestyon, reklamo at sumbong magtext sa 09212820262 o mag-email sa raffysarnate@yahoo.com
RAFFY SARNATE
Libreng pabahay ni DA SEC. Procy Alcala sa mga media drawing lang pala! Naalaala ko noong magpatawag si Engr. Procy Alcala sa mga media hindi pa siya Cong. noon 2001, tatakbo pa lamang dala ang bangkang de motor na lulan ng mga mamamahayag patungong barangay Barra para magtanim ng bakawan. Muntik pa nga tayong atakihin dahil sa sobrang init din ng mga panahong iyon. Diyan din tayo nagkaroon ng alipunga sa pagtatanim ng bakawan. Malawak pala ang rest house ni Engr. Alcala nasabi ko sa aking sarili, duon ko rin nakita ang basement na noong panahon iyon ay nawawala ang negosyanteng Intsik na
si Meneleo Carlos na dinukot daw diumano ng mga hindi nakilalang suspek kasama rin tayo sa paghahanap noon na sakay ang mga mamamahayag sa bangkang de motor na noong panahong iyon ay Hepe pa ng Lucena PNP si Col. Rudy Rodolfo masabi de rasal ay patay na sumalangit nawa ang kaluluwa mo Hepe Rodolfo, nakaposas ang dalawang kamay ni Meneleo Carlos na nakahiga sa isang folding bed na agad na dinala sa Port ng Dalahican na kung saan ay naghihintay ang chopper na sinasakyan ni dating Pangulong Erap Estrada para dalhin sa Maynila. Ang negosyanteng tsekwa. Mahigit kaming tatlumpong mga Media
ang nagtanim ng Bakawan sa kapaligiran ng tabing dagat ng Brgy. Barra. Masaya kami ng panahong iyon lalo na ng kumakain kami ng tanghalian sa isang resthouse ni Engr. Alcala na habang kami ay kumakain ay nagparinig na sa mga mamamahayag ang kanyang pagtakbo sa pagka congressman ng ikalawang distrito ng Lalawigan ng Quezon, sinabi rin niya tulungan ninyo ako sa aking pagtakbo bilang Congressman at tutulungan ko rin kayo. Sino sa inyo ang umuupa ng bahay, marami ang nagsitaas at iilan lang ang may sariling bahay na kasamahan ko sa pamamahayag.
Tahasang sinabi ni Engr. Alcala noon, hayaan nyo pag nanalo akong Congressman yong lahat ng mga Media ay bibigyan ko ng libreng pabahay. Marami ang natuwa sa mga kasamahan ko isa rin ang inyong lingkod na natuwa noon. Dumating na nga ang takdang panahon at nanalo na ngang Congressman si Engr. Alcala naka dalawang Termino siya na sa pagka Congressman si Engr. Alcala ng 2nd District. Hanggang sa mahirang nga siyang DA SEC. Ni Pangulong Pinoy at ang kanyang anak naman na si Ervin Alcala ang inindores niya pumalit sa kanyang pwesto at nanalo nga naman bilang Congressman.
Ang batang Alcala, pero ng tumakbo siya bilang Governor ay hindi siya pinalad na manalo. Nakailang dekada na ang nagdaan hanggang ngayon ay naghalong parang bula ang pangako ni DA SEC. Procy Alcala na libreng pabahay sa mga Media, yon pala ay drawing lang pala. Ngayon nagulat tayo na si DA SEC Alcala ay kabilang sa listahan ni Janet Lim Napoles sa Pork Barrel Scam. Wala tayong magagawa pana-panahon lang yan ang sabi nga ni Cong. Mario L. Tagarao noong nabubuhay pa, kapag hangin ang itinanim. Bagyo ang aanihin. Hindi lang bagyo ang inani ni DA SEC. Alcala kundi talagang Karma.
MAYOR TORRES...from page 1 biktima. Habang nagsasalita ay bigla na lamang nawala ang sound ng Sound System na hinihinala niyang pinatay para hindi na maipagpatuloy ang iba pa niyang sasabihin upang huwag malaman ng taumbayan
at kanyang mga kaalyadong konsehal. Tahasang sinabi naman ni Mayor Torres na wala siyang hawak na baril kundi mic at hindi niya magagawang pumatay ng tao, na kaya lamang niya nasabi niya iyon ay dahil sa
silakbo ng kanyang dugo. Isa pa raw ay pinupulitika lamang siya dahil ang kanyang asawa na si Ranchette Ramoso ay tinalo niya noong nakaraang eleksyon. Dagdag pa ni Dr. Ramoso, hirap na ang taumbayan sa suplay
ng tubig at gamot samantalang ang kanyang lugar ay walang hinto ang daloy ng tubig. Ang isa pang kinukuwestyon ni Dr. Ramoso ay nasaan na ang 5-Million na ibinigay ni Sen. Lito Lapid galling sa Priority
Development Assistance Fund (PDAF) nito. Samantala, para mawala ang tensyon ng dalawa ay namagitan na si PSI Reynaldo Belarmino. Dahil doon ay humupa rin ang galit ng bawat isa. (Raffy Sarnate)
IDAHOT 2014. Bilang pakikiisa sa selebrasyon ng International Day Against Homophobia and Transphobia ngayong ika-17 ng Mayo, nagsagawa ng isang diskusyon ang EU Bahaghari upang talakayin ang kasalukuyang sitwasyon ng mga Lesbian, Gay, Bisexual, and Transgender (LGBT )sa bansa. Alexandrea Pacalda / Larawang kuha nina Michael Alegre at Dayna Benna Lagrama
4
TRUTH
ALWAYS
PREVAILS
PCSO thanks Quezon Gov for new “home” in Quezon TAYABAS CITY-- Officials of the Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) yesterday thanked the provincial government of Quezon for allowing them to use the Trade and Investment Center building as its provincial branch office in Quezon. PCSO General Manager and acting Chairman Jose Ferdinand Rojas led the inauguration of the building situated along Maharlika Highway, Bgy. Isabang, here, which was also attended by PCSO directors Betty Nantes and Mabel Mamba, assistant general manager Liza Gabuyo and proviancial branch manager Elaine Gatdula. Also present were Quezon provincial administrator Rommel Edaño, provincial board member Alona Obispo and other key officials of the PCSO. During their speech, Rojas, Nantes and Mamba expressed their gratefulness to Quezon Gov. David Suarez for granting their request to use the said two- storey building which was constructed during the incumbency of the late governor Rafael Nantes who died on chopper crash on May 17, 2010. Based on a Memorandum of
Agreement signed by the provincial government and the PCSO, the latter will be paying P1 per year for the use of the facility. Rojas said the amount that will be saved by the PCSO will also be given to Quezonians in different forms. He said that from P4 Million a year during the Arroyo administration, the PCSO has been providing P16 Million a day to the public through its health and medical assistance programs. Rojas said the more the public patronizes the PCSO games like the Philippine Lotto and Small Town Lottery (STL), the more financial assistance they give back to the people. In a press conference, Rojas belied reports that
STL will be replaced by Bingo Milyonaryo, another numbers game sanctioned by the PCSO. “Its not true! STL is a regular game of the PCSO unlike Bingo Milyonaryo which started its operation only less than a year ago”, said Rojas. In Quezon, the Sangguniang Panlalawigan headed by its presiding officer, Vice- Gov. Sam Nantes, had passed a resolution reiterating its support to the continuous operation of Pirouette. The measure was authored by Provincial Board Member Donaldo Suarez, elder brother of Quezon Gov. David Suarez and was unanimously approved by the board members. Suarez said the current operation of
Pirouette in Quezon has greatly benefited the province through the remittance of proper local taxes unlike the operation of Bingo Milyonaryo, which according to him, “has not benefited the local government of Quezon since not a single centavo has been remitted to its coffers as payment of local taxes”. The Quezon Mayors League had also passed similar resolution supporting the operation STL and rejecting the operation of Bingo Milyonaryo. The move was unanimously approved by the league headed by its president, Catanauan, Quezon Mayor Ramon Orfanel. STL is being run by Pirouette Corporation. Gemi Formaran
Ang sining ay isang paraan ng pakikisangkot. Napatunayan na ng kasaysayan na ang mga artistang nagsusulong ng sining na nakikisangkot ay may kakayahang humubog ng isang lipunang makatuwiran. Ang sining, kung gayon, ay maaaring gumampan ng mahalagang papel upang hamunin ang kasalukuyang kaayusan ng lipunan. Gayundin, ang pagpipinta ng larawan, paglikha ng tula at awit, at pagtatanghal ng dula ay maaring maging mitsa ng digmaan. Graphics by Aaron Bonette of Guni-Guri Collective
Isa ang nalunod, isa ang nagpakamatay at isa naman ang natagpuang patay sa Quezon Isang 7 taong gulang na bata ang iniulat na nalunod habang naglalangoy sa isang ilog sa General Luna, QueZon. Kiilala ang biktima na si Joseph Lawrence Tampoc ng Brgy Sumilang bayang ito. Ayon sa lola ng bata, iniwan niya ang biktima sa kanilang bahay subait hindi na dinatnan ng siya makabalik. Nalaman na lang na naligo ito sa isang ilog kasama ang apat na bata, hanggang sa matagpuan itong nakalutang at wala nang buhay. Sa Lucena city, isang 39 na taong gulang na brgy Tanod ang natagpuang patay makaraang ,magbigti sa isang puno ng duhat malapit lang sa kanilang bahay sa brgy
Ilayang Dupay. Nakasaad sa isang suicide note na nilagdaan ng biktimang si Joselito Ibanez, 39 , na minarapat umano niyang wakasan na ang kanyang buhay dahilan sa matinding depresyong dinadanas dahilan sa kayang dinadalang sakit. Sa Lucban, Quezon naman, wala nang buhay nang matagpuan ang 73 taong gulang na si Alejandro Romana sa tabi ng isang ilog sa brgy Ayuti at may sugat sa ulo. Pinaniniwalaang naglalakad sa tubigan ang biktima ng ito ay madulas at nahulog sa bangin at bumagsak sa mabatong bahagi ng tabi ng ilog. Isasailalim ito ngayon sa post mortem examination. Johnny Glorioso
PCSO General Manager and acting Chairman Jose Ferdinand Rojas (right) leads the inauguration of PCSOQuezon provincial branch office at the Trade and Investment Center building. With Rojas (from left) are provincial board member Alona Obispo, Dir. Betty Nantes, Asst. Gen. Manager Liza Gabuyo and Dir. Mabel Mamba. Gemi Formaran
Apat na bata patay sa isang sunog sa Dolores, Quezon Apat na bata ang iniulat na nasawi makaraang makulong sa loob ng nasusunog na bahay sa brgy Bulakin, Dolores, Quezon. Kinilala ang mga biktima na sina Ella Prudencio Medrano, 8 taong gulang, John Mark Prudencio Medrano ,6 na
taon, Mark Prudenciano Rebenito 4 na taon at Jasmine Prudenciano Rebenito 1 taong gulang. Sa imbestigasyong isinagawa ng mga tauhan ni PSInsp Madonna Abang, hepe ng pulis sa bayang ito,napagalamang nagsindi ng kandila ang panganay na kapatid
ng mga biktima na si Juana Rebenito, 13 taong gulang at iniwan ito dakong alas 9 ng gabi. Siya din amg nakapansin na nasusunog na ang bahay kung kayat nagtatakbo ito palabas upang humingi ng tulong. Nang ito ay bumalik, tupok na ang
buong bahay na yari sa pawid, kawayan at sawali. Tupok na din ng apat na mga bata na nakulong sa loob ng bahay. Napagalaman na wala ang mga magulang ng mga bata na nagtatrabaho umano sa lungsod ng San Pablo ng maganap ang sunog. Johnny Glorioso
WWW.ISSUU.COM/ADNSUNDAYNEWS
Ang mga kandidata ng Gandang Lola 2014 na masayang nagpose nang swimsuit na siya namang aabangan ng mga Lucenahin. PIO Lucena