ADN Sunday News (Vol. 3, No. 020)

Page 1

P10.00

HULYO 20 – HULYO 26, 2014

Vol. 3 No. 020

TRUTH ALWAYS PREVAILS

Tingnan ang buong larawan sa pahina 2

State of Calamity Ideneklara sa Quezon Sa isang special session na ginanap kaninang umaga ay idineklara na ng mga myembro ng sangguiang panlalawigan ang state of calamity sa buong Quezon province sa rekomendasyon na rin ni Quezon Governor Jayjay Suarez. Una nang nagdeklara ng pagkakarun ng state of calamity ang lungsod ng Lucena kasund ang bayan ng Gumaca. Samantala, umabot na sa labinganim ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng bagyong glenda sa lalawigan. Ayon sa pinakahuling tala ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, isa ang nasawi sa unang distrito ng lalawigan, lima sa ikalawang distrito, anim sa ikatlong distrito at isa din sa fourth district. Umabot naman sa apat ang bilang ng nawawala at 19 ang nasugatan. 3,136 naman ang affected individual sa frst district na nsa 26 evacution centers, 5,136 individuals sa 2nd district, 20,735 individuals sa 3rd district at sa 4th district naman ay umabot sa 32,420 na nasa 87 evacuation centers. Napadagdag ngayon sa tala ang dalawang casualty mula sa bayan lopez na sina Erwin Quinones 19, ng brgy Cawayan at Rhea Jane Jimenez 3 taong gulang. Johnny Glorioso

Barangay tanod patay makaraang pagbabarilin sa Candelaria Dalawang tama ng bala sa ulo ang kumitil sa buhay ng biktimang si Felino Balajadia, 56 na taong gulang, isang miyembro ng Brgy tanod at residente na brgy malabanban Sur, Candelaria, Quezon. Ayon sa ulat, dakong ala una ng madaling araw at sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima patungo sa direksiyon ng kabayanan. Nasa may bahagi ito ng Purok 14 ng San Juan- candelaria road ng sumulpot mula sa dakong likuran ang suspek at dalawang ulit na pinaputukan ang biktima. Namatay noon din ang biktima dahilan sa tama ng bala sa likurang bahagi ng ulo samantala mabilis naman tumakas ang suspek patungo sa di malamang direksiyon. Dalawang basyo mula sa kalibre 45 baril ang narekober ng mga nagresponding mga pulis sa lugar na pinangyarihan ng krimen. Kasalukuyang nagsasagawa ng follow up operations ang mga pulis para sa ikalulutas ng naturang kaso. Johnny Glorioso

Magsasaka patay makaraang tadtarin ng bala sa Tiaong Pinaniniwalaang matindi ang galit ng salarin sa isang magsasaka makaraang pagbabarilin ito at tadtarin ng tama ng bala sa ulo at katawan sa Tiaong, Quezon. Ayon sa ulat, dakong alas sais ng umaga at nakasakay sa kanyang motorsiklo ang biktimang si Rodante Ocampo Perez, 39 na taong gulang. Pagsapit sa harap ng gate ng San Juan Elementary School ay huminto ito. Isang kulay maroon na L 300 van ang huminto din sa di kalayuan at bumaba ang isang lalaking naka jacket at bonnet na itim na armado ng mahabang kalibre ng baril. Kaagad na pinaulanan nito ng putok ang biktima at pagkatapos ay mabilis na tumakas patungo sa direksiyon ng brgy Paiisa, Tiaong, quezon. Patay kaagad ang biktima dahilan sa dami ng tinamong tama ng bala. Nakuha ng mga nagresponding mga pulis ang 26 na basyo mula sa M16 armalite rifle. Dinala na sa isang funeraria ang labi ng biktma samantalang iniimbestigahan pa rin ang naturang pamamaril. Johnny Glorioso

HAGUPIT NI “GLENDA�. Ilan lamang ang mga kabahayang ito sa isang lugar sa Quezon na nakaranas ng pagbaha at pagkawasak ng ilang mga kabahayan nang humagupit noong madaling araw ng Hulyo 16 ang bagyong Glenda. Sa pinahuling tala, tinatayang umabot na sa 25 katao ang namatay at Michael C. Alegre / Contributed photo

25 PATAY, INIWAN NI TYPHOON GLENDA SA QUEZON NI JOHNNY GLORIOSO

Umabot sa 25 ang napaulat na nasawi sa pananalasa ni Typhoon Glenda sa lalawigan ng Quezon na nakasugat din sa 87 iba pa. Sa DIstrict 1 ng lalawigan, tatlo ang napaulat na nasawi, tig-iisa mula sa mga bayan ng Tayabas, Infanta at Mauban. Sa District 2 naman ay siyam ang nasawi at ito ay mula sa mga bayan ng Tiaong na may tatlong biktima, isa sa Sariaya, isa sa Candelaria at apat sa lungsod ng Lucena na mga nasawi makaraang dumagan ang konkretong pader sa kanilang bahay. Kabilang sa nasawi dito ang isang buntis. Walo naman ang sinasabing nasawi sa District 3 ng lalawigan, tatlo dito mula sa Macalelon at tig-iisa mula sa mga bayan ng Padre Burgos, Agdangan, Unisan, Buenavista at San Francisco. Samantala, lima naman ang napaulat na nasawi sa District

4. Dalawa mula sa bayan ng Lopez, at tig-iisa sa mga bayan ng Atimonan, Calauag at Plaridel. Karamihan sa mga nasawi ay nadaganan ng mga natumbang poste o punongkahoy o kaya ay nadaganan ang kanikanilang mga bahay. Ang isang napaulat na nasawi sa bayan ng Plaridel ay ang Security Guard na si Danilo Peralta. Naka-duty umano ito at nakapuwesto sa loob ng guardhouse nang gumuho ang warehouse ng National Food Authority at dumagan sa guardhouse na kinaroroonan ng biktima. May 86,133 naman ang bilang ng mga pamilyang naapektuhan ng bagyo at umabot sa 398,127 ang kabuuang bilang ng mga individual na apektuhan na ang karamihan ay mga nasa evaciation centers pa

din. Nawalan din ng daloy ng kuryente sa kabuuan ng lalawigan, kasabay naman ng pagkawala din ng tubig na siyang magbigay ng dagdag na hirap sa mga taga Quezon. Biernes na ng gabi ng magka kuryente sa ilang bahagi at bayan sa lalawigan samantalang nananatiling nangangapa sa dilim ang ilang lugar. MAG-IINANG NASAWI SA PINABAGSAK NA MALAYSIAN AIRLINES TAGA PAGBILAO Mula sa bayan ng Pagbilao, Quezon ang magiinang lulan ng pinabagsak na Malaysian Airlines na nagmula sa Amsterdam patungo sa Kuala Lumpur. Doon umano muling sasakay ang mga biktima na isag connecting flight patungo naman ng Manila. Kinilala ang mga nasawi na sina Irene Pabellon

Gunawan at mga anak na sin Sheryll Shania at Daryll Dwight Pabellon Gunawan. Kasama ng mga ito ang Asawa ni Sheryll na isang Indonesian. Habang papauwi, nagawa pa umano ng biktma na makapag text sa kayang kapatid sa Barangay Bukal, Pagbilao, Quezon at sinabihan itonf magingat sa mga babagsak na punongkahoy na dahilan sa hagupit ng bagyong si Glenda. Pauwi ang mga ito upang dumalo sa isang family reunion na gaganapin sana sa ika-26 ng buwang kasalukuyan. Hiling ng mga kaanak na maiuwi ag labi ng mga biktima sa Pagbilao upang masilayan nila sa huling pagkakataon ang breadwinner ng pamilya. Si Dwight ay isa umanong college student na kumukuha ng medisina sa Amsterdam samantalang si Sheryll ay isang high school student.

Nagsagawa ng relief operation ang multimedia group na Guni-Guri Collective upang kahit paano ay makatulong sa mga residente ng Brgy. Dalahican, Lucena City. Guni-Guri Collective


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
ADN Sunday News (Vol. 3, No. 020) by ADN Sunday News - Issuu