MARCH 23 - MARCH 29, 2014
P10.00
Vol. 3 No. 003
TRUTH ALWAYS PREVAILS
Tingnan ang buong larawan sa pahina 2
KAGUBATAN NG MT. BANAHAW, NASUNOG Ni JOHNNY GLORIOSO
Dakong alas 7 na ng gabi ng matanawan ng mga residente sa bayan ng Sariaya ang sunog na nagaganap sa isang bahagi ng Bondok Banahaw. Kaagad na nagpulong ang kapulisan kasama ang mga opisyal at tauhan ng Bureau of Fire Protection at Municipal Risk Reduction and Management Council upang mapagusapan at matalakay ang sunog na unang pinaniwalaang dahilan sa naiwang may sinding kandila ng isang grupo na nananalangin sa may bahagi ng San Cristobal. Kinabukasan na nang makalipad ang mga helicopter mula sa kampo nakar dahilan sa malakas na ihip ng hangin na ayon na din sa mga opisyal ay umaabot sa 22 knots ang gustiness.. Kaagad na nagpulong sina DENR Regional Director reynulfo Juan at Technical Operations Group o TOG 4 ng Air force na si colonel sharon Gernale upang makabuo ng assesment at plano kung papanu susugpuin ang apoy. Ayon sa mga taga denr dalawa ang nagaganap na sunog sa bahagi ng Mt. Banahaw, ang isang sunog ay nasasakop ng San cristobal kung saan mahigit na diumano sa 50 hektarya ng mga pananim na ipinunla doon ng DENR ang naapektuhan. Pinaniniwalaang ang apoy ay nagmula sa isang grupo ng mga
nangunguha ng pulot pukyutan o honeybee na ginagawa sa pamamagitan ng pagsisiga ngmalaking apoy na nagtataboy sa mga pukyutan. Ang pangalawa naman ay halos nasa crater na mismo ng banahaw sa pagitan ng dalawang mistulang munting bondok sa quezon side kung saan sobrang lakas ng hangin. Pinaniniwalaan naman na dito nagtungo ang mga mananampalataya at nanalangin na siya ding nakaiwan ng may sinding kandila. Hindi pa din umano naaapula ang apoy at hindi pa makalipad anghelicopter patungo dun dahilan sa malakas na hangin makaraang magkarun ng proper assesment. Isinantabi na ang paggamit ng water bucket operation ng helicopter sa mismong source ng apoy sdahil sa sobrang lakas ng hangin at matarik na kabudukan at dahil dito ay malaki ang posibilidad na pagsayad ng tubig sa lupa ay mistulang hamog na lang ito bukod pa sa tsansang hindi mapuruhan ng ibubuhos na tubig mula sa helcopter angapoy dahil itataboy ito ng malakas na hangin. Ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ang nangunguna sa ginagawang operasyon at pagpaplano sa pamumuno ni Dr. henry Buzar, Provincial wChairman. Nagpaakyat na rin ang mga ito ng walong grupo ng mga
Habang naususnog ang Mt. Banahaw, Larawang kuha sa Internet
mountaineers sa naturang lugar upang matiyak na wala ng nakukulong ng apoy. Bahagya namang lumiit ang apoy dahilan sa porma ng lupa bagaman at natural death na lang ang inaasahan para tuluyan itong masugpo. May nasaklolohan na dinng mga mananampalataya na kinabibilangan ng apat na babae anim na lalaki at isang bata sa may bahagi ng lugar na tinatawag na tatlong tangke at may hinahanap na dalawang iba pa . Ayon sa mga pulis, iniimbestigahan na nila kung mga ito ang siyang responsablesa
pagkakarun ng sunog. Kung sakaling hindi ito mapatunayan, nahaharap pa rin sila sa paglabag sa illegal na pagpasok sa lugar na ipinagbabawal at dito sila posibleng maharap sa kaukulang kaso. Ayon sa DENR may tatlong grupo ang humingi ng permiso subalit hindi nila ito pinayagan. Ito ngayon ang pimagtutuunan ng pansin upang matukoy kung may kinalaman ang mga ito sa tunay na dahilan ng sunog. Kinabukasan, kinumpirma naman ni Dr. Henry Buzar, Chairman ng Provincial
Disaster Risk Reduction ad Management Council na fireout na ang sunog sa Mt. Banahaw. Ito umano ay dahilan sa pagulan dakong hatinggabi hanggang sa umaga. Isang grupo naman ng mga Mountaineers mula sa lungsod ng Tayabas ang muling umakyat upang hanapin ang anim kataong grupo ng mga mananampalataya na snasabing nawawala pa. Pinaniniwalaan namang nagiba na ito ng landas pababa ng kabundukan upang matakasan ang ginawang illegal na pagpasok sa ipinagbabawal na bahagi ng Mt. Banahaw.
Anim na nasaklolohang pilgrims sasampahan ng kaso Ni Johnny Glorioso
Matagumpay na naidaos ang multimedia art exhibit ng Guni-Guri Collective (www.guniguricollective. wordpress.com) na pinamagatang HIMASA\WASIWAS (ang saloobin ng may-ARI) sa Unomish Bar and Restaurant, Marso 22. Ang lahat ng naka-display na likhang sining ay maaaring bilhin upang makakalap ng pondo upang suportahan ang urban container gardening sa mga komunidad sa lungsod ng Lucena. Sheryl Garcia at Michael Alegre / Larawang kuha ni Ian Tann
Sasampahan ng kaukulang kaso ang anim na mga pilgrims na huling nasaklolohan ng mga mountaineers sa may bahagi ng Mt. banahaw na natupok ng apoy. Ayon kay Sally Pangan, Protected Area Superintendent,hindi nila sasampahan ng kaso ang limang mga pilgrims na una nilang nasaklolohan sapagkat ang mga ito ay wala sa lugar na ipinagbabawal. Ang lima ay kinilalang sina Loreto Alpapara, 60 ng Las Pinas City, Blesilda Capano, 45 ng Imus, Cavite, Milena Anical, 27, at Bryan Alpapara 27, kapwa mula Dasmarinas, Cavite at ang 7 taong gulang na bata mula Las Pinas City. Ang grupong ito ay mula umano sa Hiwaga ng Bondok Banahaw, Inc.na palagiang dumadalaw sa Mt Banahaw tuwing mahal na araw. Ang anim na kasamahan ng
mga ito na huling nasaklolohan ng mga mountaineers sa may bahagi ng tinatawag na Unang Dungaw, ay illegal umano ang agpasok sa lugar na ipinagbabawal. Nasaklolohan ang mga ito ng 19 kataong grupo ng mga mountaineers na kinabibilangan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council at Tanggol Kalikasan. Ang anim na kakasuhan ay kinilalang sina Criste Bolante 45,ng Las Pinas City, Merencia Santiago, 44 ng Nueva Ecija, Jinky Mae Dulay, 21 ng Taguig City,Francisco Alpapara 73,ng Pasay City, Richard Espita 43 ng Las Pinas City, at Tristan Alpapara, 28 ng Las Pinas City. Makaraang mabigyan ng pagkain at sumailalim sa medical examination, ang mga ito ay inilipat na sa pangangalaga ng Sariaya Police Office, habang inihahanda ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga ito
2
MARCH 23 - MARCH 29, 2014
editorial cartoon from http://bladimer.files.wordpress.com
EDITORIAL Pagbubukas ng Klase
N
aglalagablab na isyu ngayon ang paglilipat ng pagbubukas ng klase sa buong bansa. Mangyari kasi’y balak umanong ilipat na sa buwan ng Setyembre ang pasukan sa halip na sa nakasanayang buwan na Hunyo. Sa ganitong sitwastyon, apat na malalaking unibersidad kaagad sa bansa ang umano’y pumabor na Setyembre ang pasukan: UP, Ateneo, UST at De La Salle. Ayon sa pamahalaan, pinag-aaralan nila ang bagong school calendar. Bahala raw ang Kongreso na magdesisyon ukol dito pero open sila sa plano. Ang paglilipat ng school opening ay preparasyon umano sa integration ng ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) na magsisimula na sa susunod na taong 2015. Ang Pilipinas at Thailand na lamang ang mga bansa sa Asia na nagbubukas ang klase kung Hunyo at natatapos ng Marso. Balak na rin daw ng Thailand na baguhin ang pagbubukas nila ng klase. Kapag natuloy ang balak, magiging Setyembre hanggang Hunyo ang school calendar sa halip na Hunyo hanggang Marso. Nang lumutang ang planong ito noon, ang unang dahilan ay para raw makaiwas sa matinding tag-ulan at bagyo ang mga estudyante. Tag-ulan ang Hunyo na tumatagal hanggang Agosto. Bumabaha sa maraming lugar partikular sa Metro Manila. Pero ngayon ay walang nababanggit na lagay ng panahon kaya ililipat ang school opening. Ang dahilan ay para raw makasunod o makaagapay sa iba pang bansa sa Asia na Setyembre ang opening ng klase. Napagiiwanan daw ang Pilipinas kaya kailangang makasunod sa iba pa. Maganda naman ang balak na ito pero inilipat lamang ang buwan ng opening. Kung Setyembre hanggang Hunyo, tiyak na sasagupain ng mga estudyante ang malalakas na bagyo. Ang Ondoy, Pedring at Milenyo ay nanalasa ng Setyembre. Ang malakas na bagyong Loleng ay nanalasa noong Oktubre 1998. Ang bagyong Yoling ay nag-iwan nang maraming patay noong Nobyembre 24, 1970. At sino ang makalilimot sa Yolanda at Pablo na nanalasa ng Disyembre? Subalit nararapat lang na pag-aralan munang mabuti ito at baka mapasubo lamang ang mga estudyante. Baka sa dami ng mga bagyo ng Setyembre hanggang Disyembre ay wala ring pasok at laging suspendido ang klase. Magkagayo’y wala rin itong ipinagkaiba kung Hunyo hanggang Marso. ADN
TRUTH ALWAYS PREVAILS
JOHNNY GLORIOSO - Publisher | Editor-in-Chief SHERYL GARCIA - Managing Editor Columnists | Contributors: GEMI FORMARAN, LANNY TOLDA, MICHAEL ALEGRE, RAFFY SARNATE, AARON BONETTE Ang ADN SUNDAY NEWS ay inilalathala ng ADN Group of Publications tuwing Linggo e-mail: adnsundaynews@gmail.com
ANO BA YAN! JOHNNY GLORIOSO
Ang Saya-saya nila! Bumaba na ang suspension order na matagal nang inaasam asam ng mga kalaban ng administrasyon sa lungsod ng Tayabas. Subalit ang inaasahan nilang magaganap ay hindi natupad. Ang dahilan, hindi sabay sabay na masususpindi ang lahat ng may mga kasong opisyal upang patuloy na maging maayos umano ang daloy ng pamamahala ng lungsod. Kung sabay sabay nga namang masususpindi ay hindi magiging epektibo ang daloy ng legislation sa lungsod sapagkat maapektuhan ang quorum, at kapag naapektuhan ang quorum , walang maisusulong sa lehislatura at tuluyan itong mapa paralize. Dahil dito ay maliwanag na nakasaad sa ibinabang desisyon ng Sandigangbayan na staggard ang gagawing pagsususpendi ng mga akusado. Nauna na pagbaba ng suspension order for six months and one day nina Vice Mayor Luz Cuadra at Councilor Brando Rea at marahil pagkatapos nito ay saka isusunod ang suspension order naman nina Mayor Silang, at mga konsehal na sina Rex Abadilla, Abelardo Abrigo at Macario Reyes ang isa pang nakasama sa suspensio ay si Roy Oabel subalit wala na ito sa panunungkulan. Ang punto ko dito ay hawak pa din nila ang pagpapatakbo ng lungsod di gaya ng inaasahan ng kabila, sapagkat si Cuadra ang aaktong Mayor kapag si Mayor Silang naman ang nasuspendi at si Kagawad Brando ang uupong Vice
Mayor. Di ang saya saya pa din nila....tuloy pa rin ang pagtataas ng amilyar, tuloy pa rin ang pagpapalayas sa mga nakapuesto sa harap ng Pamilihang Bayan na tatayuan daw ng malaking commercial center at siyempre pa tuloy ang gagawing pagutang ng bilyong pisong dito umano gugulin. Kung papanu ang naging pagiiskedyul nito at kung sinu ang mauuna at sinu ang mahuhuli ay malaki ang naging pakialam ng mga lokal na DILG siyempre pa sa atas na din ng administrasyon. Diba ang saya saya! *** Nangangamoy na naman ang charter change na dati rati naman ay mahigpit na tinututulan ni PNoy noon subalit nagiba na ang isip ngayon sa pagsasabing ipauubaya na lang umano niya ito sa Kongreso. Tulad din Freedom of Information Bill na noong Senador pa siya ay pilit niyang isinusulong subalit ngayon ay atubili na ito at hindi sinesertipikahan na isang urgent bill. Kaya nga ba ang sabi ni Senador Osmena eh ang atin daw Pangulo ay may ugaling teka teka. Ang katuwiran ng mga nagsusulong, panahon na umano upang mabago ang aspeto ng ating economic provisions at hindi ang political side lalo na ang Foreign Investment act, pero sino ang makakapagsabi once na naisulong na at naaprubahan ang charter change? Para itong isang kahon na kapag nabuksan na, ang lahat ng nasa loob at nilalaman nito ay puede nang pakialaman at ito ang nakakapag bigay pangamba
sa ating mga Pilipino. Puede nang isulong ang pagpapahaba ng termino ng mga kasalukuyang nakapuesto, puede nang bigyang pabor ang mga foreigner na makapag negosyo sa Pilipinas, at puede nang palitan o baguhin ang lahat ng nilalaman nito. Our Constitution imposes only one restriction, and that is any proposal to amend our constitution should be approved by three fourths of all its members. Eh sino ba ang mga members? Eh di ang lahat ng senador at mga kongresistang nakapuesto, subalit hindi din malinaw kung magkabukod ang gagawing pagbobotohan ng mga Senador at mga miyembro ng mababang kapulungan. Magiging mahaba at may kaguluhan ang proseso sapagkat maraming ibat ibang interpretasyon ang batas. Para sa akin ang mahalaga sa tingin ko, ang dapat lang baguhin dito ay ang kwalipikasyon ng mga nagnanais na kumandidato bilang Pangulo ng Pilipinas. Ang nakasaad lang kasi dito ay puede kang maging Pangulo ng ating bansa kung ikaw ay may 40 taong gulang na sa araw ng halalan, katutubong Pilipino o filipino citizen by birth,marunong bumasa at sumulat at may sampung taon nang naninirahan sa Pilipinas kung nakapanirahan ka sa ibang bansa. Eh papano kung elementary graduate lang eh di puede na samantalang pag maghahanap ka lang ng trabaho ngayon, kahit pa nga janitor ay kelangan college graduate ka! Mantakin mo yun! For your comments, suggestions or reactions, email me ay mjdzmm@yahoo. com
MARCH 23 - MARCH 29, 2014
LEGAL & JUDICIAL NOTICES Republic of the Philippines Regional Trial Court Fourth Judicial Region Branch 59 Lucena City IN THE MATTER OF THE CORRECTION OF THE DATE OF BIRTH OF JULIANA SANGALANG YAZON FROM "NOVEMBER 12, 1953" TO" MAY 14,1951" AND THE CORRECTION OF THE SURNAME OF HER MOTHER FROM "SANGGALANG" TO "SANGALANG" IN HER CERTIFICATE OF LIVE BIRTH. JULIANA SANGALANG YAZON Petitioner -versusSPEC PROC.CASE NO.201406 THE LOCAL CIVIL REGISTRAR OF CANDELARIA QUEZON and NATIONAL STATISTICS OFFICE, LUCENA CITY Respondents x----------------------------------------------x ORDER A verified petition for correction of entry in the Certificate of Live Birth of Juloana Sangalang Yazon has been filed by said petitioner, praying that an order be issued directing the Local Civil Registrar of Candelaria, Quezon and National Statistics Office to corect the entries in the Petitioner's Certificate of Live Birth, as to her birth date from Republic of the PhilippinesREGIONAL TRIAL COURT Fourth Judicial Region Office of the Provincial Sheriff Lucena City NOTICE OF E.J SALE NO. 2014-30 Upon Extra-Judicial Foreclosure of Real Estate Mortgage under Act 3135 as amended by Act 4118 filed by HDMF or PAG-IBIG FUND with address branch office at LGCT Bldg, Ilayang Dupay, Lucena City against RITA VICTORIA JORQUIA OLIVA, (for herself and as Atty-in-fact of Ronnie L.Oliva) resident of 9010 Katipunan St., Calmar Homesh 11A, Brgy. Ibabang Mayao, Lucena City to satisfy the mortgage indebtedness which amounts to TWO MILLION THREE HUNDRED SIXTY THOUSAND TWO HUNDRED TWENTY FOUR PESOS AND 63/100 ONLY (P2,360,224.63) Philippine Currency inclusive of interest and penalties and other expenses per statement of account dated January 28,2014, the undersigned or any of his lawful deputies will sell at public auction on May 26,2014 (Monday) at 10:00 o’clock in the morning at the main entrance of the Office of the Provincial Sheriff Regional Trial Court Building, Lucena City, the following described property/ies with all improvements thereon:
TIRADOR
RAFFY SARNATE
"November 12, 1953" to " May 14, 1951" and all surname of her Mother from SANGGALANG TO SANGALANG. Findong subkect petition sifficient in form and substance, it is hereby ordered that the instant petition be set for hearing on May 26, 2014 at 8:30 o clock in the morning. Notice is hereby given that any person having claim or interest in this petition, whose correction/cancellation is sought, may within fifteen (15) days from notice of the petition, or from the last date of publication of such notice, file his/her opposition thereto. Let this Order be published pnce a week for three (3) consecutive in a newspaper of general circulation in this province, at the expense of the petitioner. Finally, let copies of the Order and the Petition be sent to the Office of the Solicitor General, said office is directed to submit its Notice of Appearance and/ or grant of authority to the Provincial Prosecutor of Lucena City, as the case may be within ten (10) days from receipt hereof. SO ORDERED Lucena City, February 3, 2014
3
Para sa mga reaksiyon, suhestyon, reklamo at sumbong magtext sa 09212820262 o mag-email sa raffysarnate@yahoo.com
50 – Ektarya ng Kagubatan sa Mt. Banahaw, Tinupok ng Apoy! Wow! Grabe ang nangyari riyan sa Mt. Banahaw! Hindi mo akalain na masusunog ang limampung ektarya ng kagubatan sa Mt. Banahaw. Ang ipinagtataka natin ay bakit nakapasok ang labing – isang katao na namamanata diyan kabilang na ang isang pitong taong gulang na bata anim na kalalakihan at apat na babae. Lima na ang bumaba ng bundok na narescue at hanggang ngayon anim pa ang hindi nakikita ang tatlong kababaihan at tatlong kalalakihan ang hindi pa nakikita ng mga rescuers. Ayon sa natanggap nating report ng Med Head ng MDRRMG na si Jun Amores hindi kaya ng kalikasan na maapula ang apoy dahil sa kalakasan ng hangin. Dagdag pa rito nagsimula ang sunog sa isang kandila na naiwan ng mga namamanata sa Brgy. San Cristobal, Dolores, Quezon at sa Brgy. Concepcion – naman ay nakaabot ang sunog sa Durungawan ng namumuhag naman ang mga kaingiros ng Laywan (Honey bee) na ang ginamit naman sa pamumuhag ay kayakas ng niyog kaya lumaki ang sunog na nakaabot
(SGD) ROMEO L. VILLANUEVA Pairing Judge
sa Durungawan. Kasabay nito ay dumating naman sa Camp Guillermo Nakar si Col. Sharon Gernale ng Commanding Officer Tactical Operation Group (TOG) 4 at sinabi kay Arnulfo Juan ng DENR Regional Director kailangang mai-rescue kaagad ang mga namamanata sa nasabing lugar. Tatlong Helicupter na ang pinalipad na isa may kargang tubig para maapula ang apoy pero, di kaya dahil sa sobrang kalakasan ng hangin. May mga Media na Local ang dapat ay kasama sa lilipad chopper para mag-cover pero, dahil nga sa kalakasan ng hangin ay hindi rin nakasama. Alam nyo mga Mare at Pare ko! Dapat ay turuan ng Leksyon yang mga namamanatang yan Imbestigahan at ikulong ng madala! Alam naman nilang noong pang 2004 ipinasara yan ng DENR ay ewan kung bakit nakapasok yan ng walang pahintulot ang mga namamanatang yan na dapat ay bigyan ng Leksyon. Hindi ba nila alam ang ginawa nila ay perwesyu sa mga taga Lalawigan ng Quezon? Ang
iba ay nagaala na baka raw pumutok ang Bundok Banahaw takot at pangamba na hanggang ngayon ay kabado pa rin ang taumbayan sa ginawang yan ng mga Namamanata. Tanda ko pa noong araw noong ako ay pitong taong pa lang lamang na may na papasyal na isang Ermitanyo na kausap ng yumao kung mga Magulang at dinig ko sa kanilang paguusap na darating daw ang panahon na ang matitirang bayan ay Tayabas, City dahil yon daw ang mataas ang lugar. Ang Lucena ay malulusay ang Pagbilao ay mapapapag, ang Lucban ay pagulo ng – gulong kung saan mapapunta ay di duon. Darating din ang araw na ang Alitao River sa Tayabas ay magiging Daungan ng Malalaking Barko na galling sa ibang Bansa. Yon ang Hula ng Ermitanyo bago umalis na siya. Ewan lang kung kalian darating ang panahon na yon abutin pa kaya natin yon? Huwag sanang mangyari yon , at tanging Diyos lamang ang nakakaalam. Kaya dapat mahalin natin ang kabundukan at yan ang totodas sa atin sa darating na panahon.
GEMI A BREAK
2nd Publication ADN Sunday News: March 24, 2014 March 16, 23 & 30, 2014
GEMI FORMARAN
We may run out of doctors! TRANSFER CERTIFICATE OF TITLE NO. T-103615 A parcel of land (Lot 3632-a-1-D of the subdivision plan Psd-04-112555, being portion of Lot 3632-A-1, Psd 04-105495, L.R.C. Record No.) situated in the Brgy. Of Ibabang Mayao, Lucena City X X X Containing an area of ONE HUNDRED THIRTY EIGHT (138) SQUARE METERS. All sealed bids must be submitted to the undersigned on the above stated time and date. In the event the public auction should not take place on the said date, it shall be held on June 2, 2014 without prior notice. Lucena City, March 4,2014 (SGD) ELSA O. SALUMBIDES Sheriff-in-Charge E.J. Case No. 2014-30. TRISTAN JIFF B. CLEDERA Officer-in-Charge Clerk of Court NOTED: ELOIDA R. DE LEON-DIAZ Executive Judge 2nd Publication ADN Sunday News: March 24, 2014 March 16, 23 & 30, 2014
"Kailangan ko ng credible at matapang na kolumnista, pwede ka bang maimbita"? This was the simple content of a text message sent to me last Thursday by Manong Johnny (Glorioso), a veteran newspaper and radio man, who is the editor/ publisher of this weekly paper. With such a generous invitation, how could I say no to a good friend whom I consider a contemporary (not in age, of course). Manong Johnny whom his former best friend, Sonny Mallari, fondly called MJ, started as a provincial correspondent for DzMM in 1988. I became part of the local media circle as a field reporter of DzLT, the year after. One good thing about MJ is his being good when it comes to courting. His lowing wife, former Board Member and now Kapitana Precy, knows this very well! Peace, Tita Precy! Knowing MJ as a good partner and co- worker, I didn't think twice and promptly accepted the invitation. So, I quickly replied, "Kailan ba ako nakatanggi sa iyo, Manong"! And that was it! _o0o_ Prominent Quezon businessman Boy Pardilla has filed administrative complaints against two Sariaya policemen, namely, SPO1 Erald Cristobal and PO1 Ireneo Alivio. Quoting his gasoline boy,
Pardilla said the two cops had refused to run after the fleeing robbers on an Elf Tanker shortly after the heist. Pardilla said the four pistolwielding male robbers barged into Maxx Gas Station at Bgy. Guis- Guis at around 4:00 a.m. and at gun point took its P6,000 cash earnings. The robbers then started filling the tanker with 1, 487 liters of diesel and 1, 800 liters of gasoline amounting to around P300,000. In a phone interview, Pardilla disclosed that right after the robbers left the gas station, the boy who was left unharmed, rushed and sought assistance to the nearby Police Action Center some 100 meters away and manned Cristobal and Alivio but the duo did not react immediately. He told this writer that it was the second time that such incident happened in the gas station. Pardilla said it was on July 25, 2013 when the establishment was first robbed by armed men using the same tanker. The actuation shown by these two cops makes Pardilla suspects that they are in cahoots with the robbers. In fairness to the town police chief, the two cops were promptly ordered relieved from their posts effective that day. Saying his initial findings show that there was negligence on the part of his two policemen, Chief Insp.
Joel de Mesa also ordered that the duo be investigated, and administratively charged, if necessary Knowing his track record, I believe De Mesa never tolerates erring policemen under his command. It has been proven that most of the time, the good image of police commanders get tarnished due to the inefficiency and negligence of their subordinates particularly their men in the field. Pardilla who hails from Aurora, Quezon owns a number of Maxx Gas stations not only in Quezon but also in other provinces of Calabarzon and Mimaropa regions. His family owns vast of productive lands in the Bondoc Peninsula and the famous Silangang Nayon Resort and Restaurant in Pagbilao, Quezon. The businessman's younger brother, Johnson "Jing" Pardilla is a respected oil and rice miller. The Pardilla family contributes a lot to the province for around 4 decades in terms of employment and taxes! I wish this family would not totally lost its trust to the police and come up with an idea of pulling out their multi- million investments in the province just because of the few rotten eggs in the police service! Kapag kasi nagkataon, saan kaya hahagilapin ng lokal na gobyerno ang mawawalang napakalaking halaga ng buwis.
4
MARCH 23 - MARCH 29, 2014
1,614 negosyante, nagparehistro ng bagong negosyo sa DTI-Quezon
Contributed by P. Budoy/DTI-Quezon TRUTH ALWAYS PREVAILS
Dalawa, sugatan sa pamamaril sa lungsod ng Lucena
Ni Ronald Lim
LUNGSOD NG LUCENA Kasalukuyan ngayong nagpapagaling sa pagamutan ang dalawang katao matapos na pagbabarilin ang mga ito sa lungsod ng Lucena. Nakilala ang mga biktima na sina Christopher Rey, 28 anyos, at Catherine Manzano, 39 anyos, kapwa residente ng Sampaguita St. Capistrano Subd. Brgy. Gulang-Gulang ng naturang lungsod. Batay sa imbestigasyon, bandang alas-onse ng gabi ng
maganap ang insidente habang papalabas ng Andaman Village ang mga biktima lulan sa isang motorsiklo. Nang sa pagsapit nito sa kalsada ng highway ay bigla itong huminto at sa pagtigil nito nilapitan ito ng isa sa mga ‘di-pa matukoy na suspek na armado ng baril at walang kaabogabog na pinaputukan ito. Nagtamo ng tama sa kanang balikat si Rey dahilan upang matumba ang mga ito sa motorsiklo. Sa pagtumba ng mga ito ay tinutukan ng suspek si Manzano at
tinangay nito ang bag ng biktima na naglalaman ng P600. 00 piso. Tinangka pang tangayin ng salarin ang motorsiklo ng mga biktima ngunit hindi ito nag-start. Sa pagkakataong iyon ay agad na nakasigaw ng tulong si Rey na naging sanhi upang tumakas ang suspek na mabilis sumakay sa isang motorsiklo patungo sa direksyon ng poblacion ng Lucena. Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente at sa pagkakailanlan ng mga suspek.
It’s not easy being gay while dealing with discrimination and having to be bombarded with offensive questions about sexuality. Some people ask the most random questions; while this may innocent to some, it can offend some members of the LGBT community. Questions like “Pinili mo ba yan?” “Magbabago ka pa ba?” “Sino ang lalaki? Sino ang Babae?” “Kung bading ka, bakit ka hindi nakapangbabae?”, which make them feel being gay makes them not normal. Now, to answer these questions, the EU BAHAGHARI (MSEUF First LGBT student organization) conducted a Forum/Open Educational Discussion on Frequently asked questions to LGBT and Sexual Orientation and Gender Identity (SOGI) that aims to raise awareness LGBT issues in University, March 14. Aaron Bonette / Contributed photo by Vera Agustino
DA-BFAR sees rising trend in sardine production as third sardine closed season ends
Contributed by BFAR News Bureau
QUEZON CITY, Philipppines - The sardine closed season in Zamboanga peninsula has significantly increased sardine catch since its implementation three years ago, the Department of Agriculture’s Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) said. BFAR national director Asis G. Perez said that the success of the sardine closed season is the result of the unyielding cooperation between local government units, partner agencies and stakeholders. “For three years now, we see reports of an increased volume in sardine production supported
by testimonies from the fisherfolk as well as sardine operators. This, indeed, affirms our decision to establish a closed season for the conservation of sardines,” said Perez. Under the Joint DADILG Administrative Order or JAO-1 s. 2011, sardine fishing in the waters of East Sulu Sea, Basilan Strait and Sibuguey Bay is temporarily suspended for three months from December 1 to March 1 in order to give way to the fish species’ spawning period. Comparison of annual figures from the Bureau of Agricultural Statistics (BAS) of previous years shows that sardine catch for both commercial and municipal fisheries in Zamboanga grew by 6.34% in 2012 with
a total production of 156,143.01 MT against 2011’s 146,835.66 MT. A decline of 2.83%, however, was recorded for the year 2013 with 151,720.32 MT as a result of reduced fishing trips due to weather disturbances and typhoons. The hike in the population of sardines particularly “tamban” or Indian sardine was likewise felt in nearby regions 10 and 11. BAS data, in fact, indicated a rising trend for sardine production in region 10 which started from 18,559 MT in 2011 to 20, 705.85 MT in 2012 and finally, 22, 911.51 MT in 2013. Davao Region has also registered 72.14% increase in sardine production from 1, 767.96 MT in 2012 to 3, 043.43 MT in 2013. Perez said that
this is a possible spill-over effect of the previous closed seasons in Zamboanga. Amid ongoing tension between military troops and the Moro National Liberation Front (MNLF) fighters in Zamboanga City last year, BFAR implemented the third sardine closed season on December 1, 2013. It was lifted, three months later, on March 1, 2014. Reports that reached BFAR Region 9 indicated a relatively strong compliance by the stakeholders apart from isolated incidences when commercial fishing vessels would be sighted fishing in the prohibited areas. As to the offshoot of the recent fishing closure, Roberto Baylosis, a member of the National Fisheries
Sa unang quarter ng 2014, may kabuuang 1,614 na individuals ang nagparehistro ng bagong negosyo sa DTI-Quezon. Ang tinatanggap lamang na aplikante ng business name registration sa DTI ay ang tinatawag na single proprietorship. Sa 1,614 na bagong negosyo, 913 dito o 57% ay babae ang aplikante at 701 o 43% ay kalalakihan. Bagamat kakaunti ang pagitan ng sinasabing gender, nagpapakita ito ng pagiging aktibo ng mga kababaihan sa larangan ng pagnenegosyo. Halos lahat ng larangan ay pinasok ng mga kababaihan katulad ng retail, wholesale, services na kinapapalooban ng kainan, gawaan ng mga kakanin, hardware, farming, agribased production, wine distillery, at marami pang iba. Pagdating sa renewal ng business name, sa ilang taon ng pagaaral ng DTIQuezon, mababa pa sa 20% ang nagre renew, ibig sabihin nito, simula ng mag apply ng business name ang isang bagong negosyo, pagkaraan ng 5 taon, 20% na lamang ang natitirang buhay. Kung mayroon 4,000 bagong negosyo na nag apply, merong 800 negosyo lamang ang babalik at ang 3,200 na negosyo ay mga nagsipagsara na. Marami ang nagkakamali na madali lamang ang pagpasok sa negosyo. Sa isang mayroong puhunan na hindi kalakihan, pinapasok nila ang trading sapagkat ito ang pinakamadali sa mga uri ng negosyo. Ngunit and Aquatic Resources Management Council (NFARMC) Medium-Scale Commercial Fisheries, said that the industry is yet to see its whole impact only two weeks since the closed season was lifted. Fisherfolk and sardine operators, however, have expressed clamor for the continued implementation of the closed season every year, BFAR 9 said. Meanwhile, the bureau is currently conducting scientific research and assessment in the waters off the coast of Palawan as basis for the establishment of a closed season for round scad or more commonly known as galunggong. In addition, BFAR’s research arm, the National Fisheries Research and Development Institute
hindi nila ito matagalan sapagkat mas maraming oras ang ipinagbabantay nila dito kaysa sa dami ng namimili. Magkakaroon lamang ng sapat na tubo o kinita para sa personal na pangangailangan at hindi nagkakaroon ng malaking kita para mapalago ang negosyo. Wala din ang puso nila sa negosyo o ang sinasabing passion kaya hindi nila makayanan ang pressure ng negosyo. Sa renewal, 54% ay kababaihan at 46% ay kalalakihan. Hindi nagkakalayo ang dami ng bumabalik para mag renew ngunit mas marami ay kababaihan na mas matiyaga sa negosyo kaysa sa mga kalalakihan. Samantalang pagdating sa trabaho, 55% na pinipili bilang trabahador o manggagawa ay mga kalalakihan at 45% ay mga kababaihan. Mas marami ang nangangailangan ng mga lalaking manggagawa para makatulong sa mga mabibigat na trabaho. Kasabay nito, ang new at renewal ng business name ay nagtala ng bagong puhunan na nagkakahalaga ng P200 Milyon. Ito ay ginagamit para sa pagbili ng mga raw materials, finished products at iba pa na tumutulong para tumaas ang production ng manufacturing sector. Sapagkat lumakas ang manufacturing, sila naman ay kukuha ng dagdag na trabahador, na siyang dahilan ng pagtaas ng buwis na ibabayad sa pamahalaan. Isa ito sa ambag ng mga lokal na negosyo para tumaas ang Gross Domestic Product ng bansa. (NFRDI) partners with the Ateneo de Zamboanga University’s Department of Communication of the School of Arts and Sciences in heightening conservation awareness under the SuluCelebes Sea Sustainable Fisheries Development Project. The said project launched recently, Lana Sardinas, a comic book which popularizes sardine fisheries management. The waters of Zamboanga are not the only areas where sardine closure has been implemented. BFAR has also reinforced Fisheries Administrative Order No. 167 s. 1989 which established a sardine closed season in the Visayan Sea and its surrounding waters from November 15 to February 15 every year.