P10.00
APRIL 13 - APRIL 19, 2014
Vol. 3 No. 006
TRUTH ALWAYS PREVAILS
Tingnan ang buong larawan sa pahina 2
ni Johnny Glorioso
3 patay, 24 sugatan sa banggaan ng trak at bus sa Tiaong TIAONG, QUEZON Tatlo ang kumpirmadong nasawi at dalawampu’t-apat (24) naman ang malubhang nasugatan nang banggain ng isang dump truck ang Jam Liner Bus habang nagtatangkang mag-overtake sa isang motorsiklo nitong nakaraang linggo sa Brgy. Lalig, Tiaong, Quezon. Ayon sa ulat ni PSupt. Laudemer Naynes Llaneta, ng Tiaong Police Station, naganap ang insidente ng dakong 11:55 ng gabi na habang binabagtas ng Jam Liner Bus TWZ 661 ang Maharlika High Way galing Maynila patungong Lucena, City nang biglang omovertake ang dump truck na may plate no. UHX 955 sa isang motorsiklo na tyempo namang dumarating ang kasalubong na Jam Liner Bus. Bunga nito, nawalan na ng kontrol ang dalawang sasakyan kung kaya nagsalpukan ang mga ito na nagresulta ng pagkasawi ng tatlong pasahero at pagkasugat ng 24 pang iba
YUPIT. Tatlo ang patay samantalang 24 naman ang sugatan sa banggaan ng Jam Liner bus at isang dump truck sa kahabaan ng Maharlika Highway sa bahagi ng Brgy. Lalig, Tiaong,Quezon. Raffy Sarnate
Karpintero at security guard, patay sa kainumang seaman DOLORES, QUEZON - Nauwi sa madugong pamamaslang ang sana’y isang masayang inuman ng mga magkakaibigan matapos na pagbabarilin ito ng kanilang kainuman sa Dolores, Quezon nitong nakaraang linggo. Dead on arrival sa ospital ang mga biktimang sina Marino Solis, 47 anyos, karpintero, at Isagani Panganiban, 52 anyos, security guard, kapwaresidente ng naturang bayan. Ayon sa ulat ng pulisya, pasado alas sais ng gabi habang nagkakainuman ang mga biktima at ang suspek na nakilalang si Edgardo
Bonquin, 87 anyos, seaman, sa tahanan ng kapatid ng suspek nang magkaroon ang mga ito ng mainitang pagtatalo. Matapos ang kanilang pagtatalo ay umalis i sa kanilang umpukan ang suspek at nang sa pagbalik nito ay armado na ito ng calibre .45 baril at walang sabi-sabing pinagbabaril ang mga biktima ng malapitan. Naisugod pa sa pagamutan ang karpintero at security guard ngunit idineklara na itong patay. Mabilis namang tumakas ang seaman sakay sa isang itim na Honda Civic na may plakang VEJ-732 patungo sa lungsod ng San Pablo.
pa.
Kinilala ang driver ng Bus na si Jovanne Lungayan Empestan ng Zamboanga del Norte na kasalukuyang ginagamot sa isang ospital dahil sa tinamong sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan. Detinido naman sa lockup jail ang driver ng dump truck na kinilalang si Arwin Magnaye Manalo, 25-anyos at residente ng ng Sto.Cristo, Sariaya,Quezon. Kinilala naman ang tatlong nasawi na sina Remedios Sangrones 65-anyos, Alyssa Singayan at Eden Sangrones, 37-anyos ng Candelaria,Quezon. Ang mga sugatan naman na agad na dinala sa iba’tibang ospital ay nakilalang sina Rosemarie Borongan 42-anyos, Joel Borongan 46-anyos ng Pagbilao, Quezon, Mary Keth Borongan 9-anyos, Renato Borongan 43-anyos, Rene Borongan 20-anyos, pawang mga taga-Brgy. Malaoa,
Tayabas City, Dionel Gayo 39-anyos, Cabuyao, Laguna, Marcelino Sison 36-anyos, Brgy. Iyam Lucena, City, Minerva Rocero Brgy. 9-anyos, Lucena City,Julie Ann Alcala 17, Anicia Alcala, 48-anyos, Maryleen Jader 35-anyos, Mar Jader 33-anyos, Rob Singayan 8-anyos, Alleyah Singayan 6-anyos,Las Pinas City, Cherelyn Rioveros 16-anyos, Mary Joy Rioveros 18-anyos, Caloocan City ,Rex Perilla 17-anyos, Taguig,City, Melinda Cabalsa 55-anyos,Tayabas City, Donna Rioflorido 17-anyos, Anna Rioflorido 27-anyos, John Alexander Rioflorido 2-anyos,at Jonh Rioflorido 3-anyos ng Malibay, Pasay,City. Sinampahan na ng kasong kriminal in Multiple Homicide at Physical Injuries with damage to properties ang driver ng dump truck. Dagdag na ulat mula kay Raffy Sarnate ADNSN
Mga pulis na suspek sa Atimonan Massacre, pinarusahan Tinanggal na sa serbisyo si Police SrSupt Hanzel Marantan at 12 iba pa, one rank demotion naman para sa lima pa at anim na buwang suspension ang ipinataw sa dalawa pang pulis kaugnay ng naganap na Atimonan massacre noong ika-6 ng Enero, 2013 dahilan sa kasong serious irregularity in the performance of duty. Ayon sa imbestigasyong isinagawa ng mga opisyal at tauhan ng Internal Affairs Service ng PNP at ng summary hearing board, nagtayo ng tatlong magkakahiwalay na checkpoint ang mga pulis na may pagitang mahigit sa limang daang metro taliwas sa Pinaghahanap na naman ngayon ng mga awtoridad ang tumakas na suspek at patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa naturang insidente. Ronald Lim
simasabing isang checkpoint lang at hindi naaayon sa standard operating procedure ng police manual. Hindi rin umano unipormado ang mga pulis at walang police marked vehicle na ginamit maliban sa isang military korando type vehicle ng Philippine army na siyang ginamit na pang harang. Lahat umano ng PNP personnel lalo na at armado ay walang karapatang mag checkpoint kahit nakasuot ng police civilian attire. Maging ang sibilyan police tshirt ay hindi rin otorisadong gamitin sa checkpoint. Ayon naman sa team ng SOCO, ang nauunang black Montero na may plate number VIC 27 ay nagtamo ng 174 na entry point at 90 exit bullet holes. Ang pangalawang Montero naman na walang plaka ay nagtamo ng 45 entry at 29 exit bullet holes.
Dahilan umano sa gravity ng offense at malakas na evidence of guilt, ang mga respondents na sina PSSupt Hanzel Marantan, PSupt Ramon Balauag, PCInsp Grant Gollod,PSInsp John Paolo Carracedo,PSInsp Timoteo Orig, SPO3 Joselito de Guzman, SPO1 Claro Cataquiz jr, SPO1 arturo Sarmiento, PO3 Eduardo Oronan, PO2 Nelson Indal, PO2 Al Bazar Jailani, PO1 Wryan Sardea at PO1 Rodel Talento ay may kaparusahang dismissal from service. Sina PInsp Ferdinamd Aguilar,PInsp Evaristo San Juan (Ret,),PO3 Benedict Dimayuga, PO2 Ronnie Serdena,at PO2 Esperidion Corpuz Jr ay may kaparisahang one rank demotion. Sina PO1 Allen Ayobo at PO1 Bernie de Leon naman ay may anim na buwang suspension. Ang decision ay nilagdaan ni PNP director General Allan La Madrid Purisima. Johnny Glorioso
2
APRIL 13 - APRIL 19, 2014
EDITORIAL
Sinasadya “As long as the problems of the poor are not radically resolved by rejecting the absolute autonomy of markets and financial speculation and by attacking the structural causes of inequality, no solution will be found for the world’s problems or, for that matter to any problems.” Yan ang mismong mga katagang binanggit ni Pope Francis, ang itinuturing na pinakamataas at pinakakagalanggalang mula sa hanay ng kaparian sa simbahang katoliko, ang kanya mismong mga salita ang nagpapatunay na may ‘di pagkakapantaypantay sa pamumuhay, na ang kahirapan at kagutuman ay ang isa sa pinakamatanda at pinakalumang problema na hinding hindi masolusyunan. Totoo nga kayang walang solusyon at ‘di kayang maresolba ang ganitong kalagayan sa ating mundo? Sinasabi ng karamihang pantas na sadyang ang mga tao raw ay hindi pantay-pantay at sadyang may mga taong hindi pinapalad, ngunit kung ating susuriing mabuti paano natin masasabing sadyang ganito na ang iskema ng pamumuhay at sadyang may mahirap at mayaman? Ang totoong sadya sa ating kalagayan ngayon ang ang pagsasamantala ng iilang mga tao sa sambayanan at sa mamamayan sa mundo, ang totoong sadya ay ang pagpayag at pagpapahintulot ng mga namumuno sa ating gubyerno na mangyari ang ganitong pagsasamantala, at gayong mismong sa kanilang hanay ay ligayang-ligaya sila sa pwesto habang manhid na ang kanilang puso’t isipan sa tunay na kalagayan ng mamamayan. Nasa kanilang mga kamalayan ang nagtatakdang sadya ang lahat ng bagay, at ito ay dapat ng tanggapin ng mga tao. Ngunit ang hindi nalalaman ng nakararami, sinasadya rin nilang ipakalat ang kamangmangan, kawalang pakialam at pagkamakasarili ng karamihan upang manatili sila sa kanikanilang mga tore at kaharian habang pinanatili ang kagutuman at kahirapan, at hangga’t kaya nilang kontrolin ang utak ng nakararami, walang mangyayaring pagbabago. Sa ibang salita kung isasalin natin ang sinabi ni Pope Francis, hindi magkakaroon ng solusyon ang lahat ng problema sa mundo hangga’t walang radikal, progresibo at militanteng solusyon at pagresolba rito.
editorial cartoon from http://manilatimes.net
ANO BA YAN! JOHNNY GLORIOSO
Culture of Impunity Nadagdagan na naman ang bilang ng mga mamamahayag na walang awang pinapatay. Pinakahuli dito ang ating kasamahan sa Cavite na si kasamang Ruby. Sobrang naging mapangahas ang salarin, gayong babae ang kanyang pakay, pinasok sa bahay at dun pinaputukan at bago tumakas ay sinigurong patay ang kanyang biktima. Pang ilan na nga ba ito sa mga napapatay na miyembro ng media bukod pa sa mga nasawi sa ampatuan massacre, subalit hanggang ngayon, makalipas ang maraming taon, ay wala pa ring napaparusahan. Hindi si Ruby ang katapusan, may mga susunod pa dahilan sa wala namang napaparusahan, subalit naniniwala pa din ako na hindi ang pagpatay ang sasagka sa aming mga kasamahan upang ipagpatuloy ang nakagisnang hanapbuhay, ang kagustuhang magsiwalat ng mga katotohanan, at isulong ang layunin at tungkuling magsiwalat ng mga bagay na dapat malaman ng ating mga kababayan. Sa iyong mga naiwang mahal sa buhay Ruby......ang aming taus pusong pakikiramay. *** Natawa naman ako sa caricature na nasa front page ng isang broadsheet noong isang
ANIHAN NA NG PAKWAN! Tag-araw na naman kaya usong-uso na naman ang mga pakwan. Inaanyayahan ang mga kababayan nating gustong mamili ng pakyawan o tingian, o kahit kayo pa ang personal na mamitas ng pakwan sa Brgy. Ibabang Bagumbungan, Pagbilao, Quezon. Call or text 09996935195.
araw, andun ang mga mukha ng PDAP queen na si Napoles, kasama ang tatlong Mga Senador na dawit sa naturang iskandalo. Behind bars na ang apat, nakakulong na, waring malaking malaki ang inaasahan na talagang mapaparusahan at makukulong ang apat na akusado sa kasong plunder kaugnay ng Ten Billion pesos plunder case na inihain laban sa mga ito. Personally, hindi ako naninwalang makukulong ang apat, dahil wala namang nakukulong na mga sikat na personalidad sa mga sensational na mga kaso. Its either na papasok sila sa ospital, o sasailalim sa house arrest o alinman sa camp arrest na tulad ng kinalalagyan ngayon ni Napoles. Kapag kasi nagnakaw ka ng maliit, sa ordinaryong kulungan ang bagsak mo subalit kapag milyon o bilyon na ang pinaguusapan, o kaya ay sikat na tao ka,kundi man sa ospital ang bagsak mo ay sa bahay ka lang o sa kampo at solitary confinement. Bigla silang nagkakasakit upang sa ospital sila dalahin, tulad ng mga akusado sa Barrameda murder case na ang akusado ay mahigit sa limang taon nang naka confine sa isang ospital hanggang sa kasalukuyan. *** Trending sa social media ang panukalang pagpapalit ng
pangalan ng isang portion ng Granja st. Nasa hapag na ito ng City Council ng Lucena at sa pinakahuling ulat ay nasa third and final reading na ito. Nagkarun na ng botohan at lumabas na sampu ang pabor dito at tanging si Councilor Sunshine Abcede lang ang hindi pumabor. Ang katwiran ng Lady Councilor kailangan munang isangguni ang naturang panukala sa National Historical Institute at hingin ang kanilang opinyon. Hindi ko alam ang motibo ng mga proponent sa naturang panukala at hindi ako naniniwalang gusto lang nga mga itong sumipsip, there should be a legitimate isssue, pero naniniwala akong tama lang ang comment ng brilliant lawyer ng Sangguniang Panglungsod na dapat hingin muna ang opinion ng National Historical Institute at hindi kelangang magpadalos dalos upang maiwasang mapahiya sa bandang huli kapag hindi ito sinangayunan ng Historical Institute. Lumalabas ding kelangan ang unanimous vote ng mga miyembro which means na bago ito maipasa ay kelangan ang one hundred percent na pagsangayon nglahat ng miyembro ng City Council. Huwag po tayong magmadali upang di tayo mapahiya.
TRUTH ALWAYS PREVAILS
JOHNNY GLORIOSO - Publisher | Editor-in-Chief SHERYL GARCIA - Managing Editor Columnists | Contributors: GEMI FORMARAN, LANNY TOLDA, MICHAEL ALEGRE, RAFFY SARNATE Ang ADN SUNDAY NEWS ay inilalathala ng ADN Group of Publications tuwing Linggo e-mail: adnsundaynews@gmail.com
APRIL 13 - APRIL 19, 2014
GEMI A BREAK GEMI FORMARAN
UGAT vs SUGAT Now it can be told! The recent foiled attack of a police detachment in Lucban town by a group of communist rebels was only a diversionary tactic or a bait. This was revealed by a military and a police official in separate interviews by your’s truly. The real motives of the rebels was to pulverize a group of soldiers belonging to a Company of the Army’s 85th Battalion based in Sampaloc town whom they expected to reinforce the policemen while they were under attack. The said police post which is under the 1st Manuever Platoon of Quezon Provincial Public Safety Company is situated along the boundaries of Lucban and Luisiana, Laguna, a few kilometers away from the Army camp in Sampaloc The policemen manning the back portion of the detachment were fired upon by the rebels at around 5:30 a.m. last April 6 but no one was hit. They quickly took cover at their prepared fox holes and traded shots with rebels who were positioned behind coconut trees in an open field some 20 meters away. After minutes of clash, the rebels finally withdrew. It was revealed at at around 2:30 a.m. or 3 hours before the harassment, a forward truck
fully-loaded with heavily armed rebels were spotted by residents deploying themselves in a road shoulder about three kilometers away from the Army camp. So it was good that the Army soldiers did not react immediately. Had they reinforced outright, many of them would have been killed by the waiting rebels. Nakanganga pala ang mga pogi! _o0o_ Changing the name of an street in Lucena City benefits no one but the proponent of the measure! This is now the basic sentiment of Lucenahins who are opposing the move. A portion or extension of Granja St. is set to be named Felix Manalo Jr. St. as initiated by City Coun. Benny Brizuela via City Council. Felix Manalo, Jr. is the forefather of the influential Iglesia Ni Cristo while Franciscan priest, Fr. Mariano Granja is the known father of Lucena during the Spanish Era. The street was named after him in recognition to his significant contributions to the city such as the establishment of Catholic schools and churches, among others. As per history, it was Fr. Granja who gave the city its name, Lucena.
TIRADOR
RAFFY SARNATE
Despite being burned down, it was the great priest who initiated the preservation and renovation of St. Ferdinand Cathedral. Granja St. starts at the right side of the St. Ferdinand Cathedral and ends at the left side of the giant Iglesia Ni Kristo Quezon West chapel. But in fairness to the author of the Resolution, he clarifies that only the very small portion of Granja street or a mere extension of it will be named Manalo St. If I get it right, Brizuela points out that such portion is not yet a part of Granja St. which clearly means that nothing will be changed. “How can you rename an street which has not yet been named”?, asked one of Brizuela’s followers. Most of his fellow councilors supported Brizuela’s Resolution but all of them have earned the ire of many Lucenahins via social media. They insist that changing the name or naming an street will not benefit the city especially its common tao. I see their poit, but personally knowing the “selfmade man” councilor, I believe Ka Benny has no vested interest or self serving motives in pursuing his measure. Backed by the INC voters
Para sa mga reaksiyon, suhestyon, reklamo at sumbong magtext sa 09212820262 o mag-email sa raffysarnate@yahoo.com
Cable car sa Lucban, Quezon, pangarap daw ni Fr. Joey Faller Sana ay matupad ang pangarap mong yan Fr. Joey Faller na magkaroon ng Cable Car diyan sa bayan ng Lucban, Quezon. Saludo tayo pag natuloy na magkaroon ng Cable Car na matagal na minimithi ni Fr. Joey, ang Parish Priest at Founder ng Kamay ni Hesus Healing Center na nasa bundok ng Brgy. Tinamnan, Lucban, Quezon. Kung hindi tayo nagkakamali ay almost ten (10) years na ito simula ng itatag ni Fr. Faller. Ang mga magulang ni Fr. Faller ay isang mangagamot at ang kapatid din niya ay isa ring Doctor. Gusto ng mga magulang ni Fr. Faller na maging isa rin siyang Manggamot, kaya lang mahilig si Fr. Joey sa basketball, na ng lumaon ay nagpasiya siyang magpari. Ngayon dadw ay libo-libo na ang mga taong dumarating araw-araw sa Kamay Ni Hesus, kaya plano ni Fr. Joey Faller na magkaroon ng
Cable Car na iikot sa buong kubundukan ng Mt. Banahaw. _o0o_ 20 mga mamahayag ang napapaslang na sa Aquino ADMINISTRAYON! Ano! Nakita na ninyo? Mga Mare at Mga Pare Ko? Dalawampu na ang napaslang na mga Mamamahayag simula ng maupo bilang Pangulo ng Pilipinas si Pangulong Noynoy Aquino! Sa bayan ng Cavite, apat ang napatay, isa ang nakaligtas. Si Rubie Garcia ay pang-apat sa pinatay ng hindi nakikilalang suspek na ang itinuturong Mastermid sa pagpatay ay si Col. Villanueva na mariin naman pinabulaanan na hindi niya kilala si Rubie Garcia. Unang napatay na Media sa bayan pa rin ng Cavite ay si Bert Berbon, News Field Reporter ng ABSCBN noong December 15, 1996 sa Brgy. Anabu, Imus, Cavite na ang tinutukoy na pumatay ay isang Jailguard Espinelli. Pangalawa ay si Dennis Ramos, Correspondent ng Remate,
August 2001 na pinatay sa Bacoor, Cavite. Pangatlo ay si Arnulfo Villanueva, Asian Star Express Balita (Weekly Paper in Calabarzon, based in Dasmariñas killed in Naic, Cavite – Feb. 28, 20015 at pang-apat ay ito ngang si Rubie Garcia. Panglima na naka-survive sa tatlong tama ng bala ay si Domingo (Jun) Valdecantos ng Peoples Tonight, March 15, 2013. Kaya ngayong darating na April 10, 2014. Araw ng Hueves ay nagkaisa ang lahat ng mga Mamamahayag sa CALABARZON at Metro Manila patungong bayan ng Cavite na kung saan doon pinaslang si Rubie sa mismong bahay nito sa Bacoor, Cavite kapiling ang kanyang apo. Magsasagawa ng Rally o Protesta na kinondena nila ang pagpaslang sa mga Mamamahayag sa ilalim ng Administrasyong Aquino na naway bigyan ng katarungan ang pumaslang sa kapatid namin sa Larangan ng Pamamahayag.
or not, I know Ka Benny can always get the peoples mandate. Kung totoong hindi man makakatulong ang panukala sa mga Lucenahin ay mukhang hindi rin naman makakasama. So what’s the big deal? _o0o_ Its now official! UGAT Lucena has two factions! UGAT is a high profile organization of Lucenahins or individuals who are natives of Lucena. Founded in 1983, UGAT, basically aims to strengthen fraternal rites, foster harmonious relationship and camaraderie among Lucenahins and to participate in projects that will benefit its members, dependents and indigent residents of Lucena. The then large group of Lucenahins, composed mostly of socialites, started to divide itself into two small groups! The first faction is now headed by Annalie “Ayee” Alcala and John Eddison Sybang, as the lady president and president, respectively. The second faction, on the other hand, is under the leadership of Jenny SuarezLopez and Ramil Estrope. Annalie is the eldest daughter of Cong. Kulit Alcala while Jenny is the daughter of Ex- Con Danny Suarez. Its an open book that the Alcalas and Suarezes in Quezon are political foes. Pati ba naman UGAT ay napulitika na din? By the way, John Eddison is the better version of his dad, the feisty village chief Edward “Al Capone” Sybang while Ramil Estrope is a respected fashion designer and a close friend of
3
Gov.Jayjay Suarez. The Suarez- Estrope faction claims that its group is the original and legitimate one. While the Alcala- Sybang team has same claims. Accordingly, the division was triggered by socialite Nini De Asis, who was then the president. De Asis appointed Jenny as her successor instead of calling for a regular election. My source who is one of the UGAT founding members said De Asis has been aspiring to be a director of Quezon Metropolitan Water District (QMWD) It is Gov. Jayjay, Jenny’s youngest brother who appoints directors of QMWD. Asked why De Asis did not call for an election if she really wanted Jenny to be the president, my source said the latter is a nice lady but could be lost in the votation. Bakit??? Simply because, according to my source, Jenny is a native of Unisan. “This is UGAT Lucena, not UGAT Unisan”, said my source whose voice went high pitched and squeaky. Well, if it is true that the group’s second faction is being manipulated by the Suarezes and their followers, I think it should no longer be called UGAT. To avoid confusion, it is better for the group to be called SUGAT (Suarez- UGAT). What do you think, Tito Bert (Buenafe)? Tama ba na sa SUGAT nag UGAT ang inyong mga hinanakitan???
4
TRUTH
ALWAYS
PREVAILS
DRRM SUMMIT, matagumpay na isinagawa ng lalawigan ng Quezon L U N G S O D NG LUCENA Matagumpay na naisagawa ng p a m a h a l a a n g panlalawigan ng Quezon sa pamumuno ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez sa pamamagitan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang Quezon Provincial Summit on Disaster Risk Reduction and Management noong April 8, 2014 sa Quezon Convention Center, Lungsod ng Lucena. Ayon kay Dr. Henry Buzar, PDRRM Officer na ang pagtitipong ito ng mga tagapamanihala ng disaster at climate change adaptation ay upang makapag-usap ng maayos at mabigyan ang lahat ng mga bagong konsepto at pamamaraan kung paano malalabanan ang disaster sa tulong ng Office of the Civil Defense IV-A at Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) IV-A. Ayon naman kay Governor Suarez, naisakatuparan ang summit para balikan at pag-aralan ang paghahandang ginagawa ng pamahalaang panlalawigan at ng bawat bayan sa nagaganap na global warming at climate change. “Napakaswerte ng lalawigan, tayo bilang isang lalawigan ay hindi
pa binibisita ng malaki at malakas na bagyo for the past 4 years. Pero hindi ibig sabihin na hindi tayo dapat maghanda, this effect we see happening globally and in our country should be a wakeup call to everybody and the provincial government of Quezon and for the municipal government, for the barangay and for the local DRRMC together”, dagdag pa ng gobernador. Nagpahayag din ng pagkabahala ang gobernador base sa kanyang napansin ng personal na bumisita sa Leyte at Samar dahil lahat naman yata ng paghahanda na pwedeng gawin ng isang lokal na pamahalaan kung ang laki ng bagyong tatama ay tulad ng laki at lakas ni Yolanda ay hindi sasapat ang paghahandang ginagawa tulad na lamang aniya ng mga evacuation center na hindi din maituturing na ligtas na gawing evacuation center ang mga paaralan. Ito umano ang nagbunsod sa kanya para atasan ang Provincial Engineering Office na gumawa ng disenyo ng evacuation center na gaano man kalakas ang bagyo ay matitiyak na kung sino man ang dadalhin dito ay magiging ligtas. Hiniling naman ng gobernador ang tulong ng mga punong bayan na magiging katuwang sa proyektong ito na silang tumukoy ng mga lugar
na pagtatayuan ng mga bagong evacuation center sa kanilang munisipalidad. Kabilang din sa pagpapalakas ng disaster preparedness program ng pamahalaang panlalawigan ay pagbababa nito sa mga barangay sa pamamagitan ng mga isinasagawang pagsasanay ng mga barangay tanod na silang nagiging disaster response officer pero dahil umano sa nakalipas na barangay eleksiyon ay napalitan ang iba sa mga ito. Kinakailangan na umanong i-institutionalize ang DRRMC hindi lamang sa mga munisipalidad kundi maging sa mga barangay na kung tatamaan man ng bagyo, pagbaha, pagbuhos ng malakas na ulan ay may taong handang tumulong, magbigay ng asiste sa mga maaapektuhan sa barangay. Pinuri naman ni Regional Director Vicente Tomazar ng Office of the Civil Defense IV-A at Chairperson ng RDRRMC IV-A ang performance ng lalawigan ng Quezon sa mahusay na paglilingkod ng pamahalaang panlalawigan hanggang sa barangay level ang Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committee (BDRRMC) na patuloy na tumututok sa disaster risk reduction and management. Pinuri din ni Regional Director Josefina CastillaGo ng Department
of Interior and Local Government (DILG) at Vice-Chairperson ng RDRRMC IV-A for preparedness ang lalawigan ng Quezon sa pagiging 100% organisado ng DRRM Council nito. Ipinakita naman sa pamamagitan ng static display ang iba’t ibang kagamitan sa pagsagip ng buhay at pagpapakita ng pagiging handa ng MDRRMC ng mga bayan ng Sariaya, Tiaong, Atimonan, Unisan at General Nakar. Samantala, nakiisa din dito ang ilang punong bayan sa lalawigan ng Quezon, mga Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC), mga Municipal Social Welfare and Development Officer (MSWDO), mga municipal accountant, mga municipal budget officer, mga municipal environment and natural resources officer (MENRO) at mga punong barangay. Dumalo din dito ang regional office ng Department of Science and Technology IV-A (DOST), Department of Social Welfare and Development IV-A (DSWD) at National Economic and Development Authority IV-A (NEDA), gayundin, ang Quezon PNP, BFP – Quezon, DILG – Quezon at Southern Luzon Command (SOLCOM) ng Armed Forces of the Philippines. Quezon PIO
Archie Ilagan (2nd from left), the over- all chairman of ‘Pasayahan sa Lucena 2014’ vows to make this year’s weeklong event a more entertaining and exciting for thousands of spectators. Ilagan presented to the press all the finalists for ‘G. & Bb. Pasayahan 2014’ and ‘Gandang Lola 2014’ at the Event Center of Pacific Mall in Lucena City. He also thanked the Pasayan Executive Committee honorary chairman, Mayor Roderick “Dondon” Alcalab for his all- out support to the event. With Ilagan (from left) are fellow organizers Ramil Estrope, Gerry de la Cruz and Annalou Alcala. Gemi Formaran
Strengthening of mediation and arbitration capabilities of DTI staff conducted The Office of Legal Affairs (OLA), an attached agency of DTI, conducted a Capacity-Building Seminar for Consumer Arbitration Officers, Adjudication Officers and Mediation Officers of DTI CALABARZON on March 28, 2013 at the DTI Region IV-A Office in Calamba City. The seminar was about Department Administrative Order (DAO) No. 13-02, series of 2013 to amend the previous administrative orders “to assure, as far as practicable, simple and easy access on the part of the consumers to seek redress for their complaints and grievances.” Since complainants do not know much about laws, the rule shall be “liberally construed to carry out the objective of promoting just, speedy and inexpensive resolution of cases. The best interest of the consumer shall be considered in the interpretation and implementation of the rules. “Speedy” is construed to mean no unnecessary delays but
should not be done hastily and “inexpensive” means simply requiring the submission of position paper. Consumers could be assured that once they filed a complaint with DTI, immediate action will be made and mediation of the case shall not exceed 10 working days. There can be more than one (1) conference from receipt of complaint to settle the issue. However, when parties to the mediation would not settle, the case will be elevated to an adjudication or arbitration officer to have decision once and for all. Mediation does not talk about the legalities of the issue but simply, the first mandatory step to settle by way of addressing the problem. Not all complaints can be valid like, when a customer buys an item but simply changes mind because the color is not suitable to the occasion. Valid complaints involve when a product is defective. DTI-Quezon Provincial Office
JUSTICE FOR RUBIE GARCIA! Nagsagawa ng Indignation Rally sa Imus, Cavite ang mga grupo ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) - Quezon at Batangas Chapters, kasama ng CAMPO, ALAM at iba pang mga media organizations sa harapan ng Cavite Police Provincial Office sa Camp Gen. Pantaleon Garcia, Imus, Cavite upang kundenahin ang pagpatay kay Rubie Garcia, isang betaranang mamamahayag ng na naka-base sa Camp Vicente Lim, Canlubang, Laguna. Mga larawan mula kay Ylou Dagos