P10.00
MAY 4 - MAY 10, 2014
Vol. 3 No. 009
TRUTH ALWAYS PREVAILS
Tingnan ang buong larawan sa pahina 2
Our Labor Day demands: Junk EDCA! P125 Wage Hike Now!
Sa pangunguna ng PIGLAS-Quezon, isang prop action ang isinagawa sa Lucena City ng mamamayan ng Quezon upang lubusang kundenahin ang imperyalismo at ang pagbisita ng pangulo ng America na si Barack Obama sa basbas ng papet na si Noynoy Aquino. Ang pagbisita ng imperyalistang si Obama ay magdudulot ng panganib sa soberanya ng bansa na matagal na nilang nilalapastangan, ang pagbabalik ng base militar at ang pananatili ng napakalaking presensya ng tropang kano ay dili ba isang pagyurak sa ating mamamayan at sa bansang Pilipinas! Quezon Reels
MGA INMATES SA QUEZON PROVINCIAL JAIL NAGWALA
Nagkagulo ang mga inmates ng Quezon Provincial Jail makaraang magwala ang magaamang pare parehong inmates. Ayon sa ulat, kinompronta ng amang si Roberto Satumba 64, at mga anak na sina Loreto 45 at Pepito, 37 ang bunsong kapatid na si Antonio Satumba, 29 na pawang mga inmates ng Quezon Provincial Jail. Ikinagalit naman ito ni Antonio at habang armado
ng isang patalim ay sinugod ang ama at mga kapatid sa may kitchen area subalit naawat ng iba pang mga inmates. Nang makabalik sa jail plaza sinulsulan pa nito ang mga ka tropa na nagsimula ding magsipagwala, pinagbabato ang kitchen area at ang Administration building na ikinasugat ng isang inmate na kinilalang si Erick Patulay. Sinunog din ng mga ito ang ilang monoblock na upuan na nasa jail
plaza. Dito na humingi ng tulong ang mga jailguard mula sa mga pulis at mga bumbero na mabilis namang tumugon. Dumating ang SWAT team at ilang miyembro ng kapulisan, dalawang mobile unit na pinamumunuan ni PSI Marcelino Uy at mga tauhan ng Bureau of Fire Protection. Nasawata ang tension pasado alas otso na ng gabi. Johnny Glorioso
2 Patay sa Magkahiwalay na Kaso ng Pamamaril ng Riding in Tandem
graphics by pol divina / college editors guild of the philippines
Sa San Narciso ,Quezon, dakong alas 7 ng gabi at papauwi na sa kanilang bahay ang biktimang si Wilson Munoz 64 na taong gulang , isang magsasaka sa sityo Tinuk an ,brgy Guinhalianan ng pagbabarilin ito ng hindi nakilalang suspek at tnamaan sa ulo at katawan na ikinasawi nito noon din. Tumakas ang suspek na sakay sa motorsiklong minamaneho ng kasamahan at nakaparada sa di kalayuan. Sa brgy dagatan, Dolores, Quezon naman, galing sa piyesta ng brgy ang biktimang si Fulgencio Garcia, 45 taong gulang at papauwi na sakay ng motorsiklo kaangkas ang pitong taong gulang na anak dakong alas 9 ng gabi. Dalawang suspek ang diumano ay pumagitna sa kalsada at malapitang pinagbabaril ang biktima. Nagpatuloy sa pagmamaneho ang biktima hanggangsa bumagsak sa kalsada. Hindi naman naano ang anak nito. Tumakas ang dalawang suspek sakay ng isang mtorsiklo patungo sa direksiyon ng brgy san mateo. Iniimbestigahan pa rin ng mga pulis ang dalawang insidente. Johnny Glorioso
We mark this year’s Labor Day by protesting Pres. Noynoy Aquino’s recent approval of the Enhanced Defense Cooperation Agreement and his more aggressive implementation of the Cheap Labor Policy. He continues to show that the US government and big foreign and local capitalists are his true bosses, not the Filipino workers and people. The disclosure of the EDCA’s content after it was signed by the US and the Philippines is igniting public anger at this agreement and Aquino. The EDCA is one-sided, violates the country’s sovereignty and territorial integrity, and increases the burden borne by the Filipino workers and people. It signals the US re-occupation of the Philippines, and will go hand-in-hand with Aquino’s Charter Change scheme. We are calling on all patriotic workers and Filipinos to unite and fight for the immediate junking of this agreement. Aquino has consistently defended the meager wage adjustments approved by the regional wage boards and has attacked workers’ call for a significant wage hike, such as the P125 acrossthe-board wage hike nationwide that we have been clamoring for. Worse, he has attacked the minimum wage. First, by implementing the Two-Tiered Wage System which relates minimum wage levels not with a living wage but with the government’s adjusted poverty threshold. And second, by pushing for an “option” for workers to not receive the minimum wage, in the guise of championing job generation. We continue to call for measures that will increase wages and wage levels in the country. Now more than ever, workers need a P125 across-theboard wage hike nationwide because the minimum wage has been lagging behind price hikes for the past years. The TwoTiered Wage System must be junked, as well as proposals to legalize violations of the minimum wage. We are calling for an end to contractualization, which has been one of the most brutal and widespread means by which wages have been pressed down. We are calling on the Filipino workers and people to resist and defeat Aquino and his anti-worker and anti-people policies. As shown by our opposition to the big-time power rate hike sought by Meralco, it is only through our protests that we stand the chance of preventing Aquino’s anti-worker and anti-people policies from being implemented. Aquino deserves the growing anger and protests directed at his government. His anti-corruption rhetoric is only a ruse for implementing policies that favor the US government, big foreign and local capitalists and harm workers and the Filipino people. #May1Fight Kilusang Mayo Uno
2
MAY 4 - MAY 10, 2014
EDITORIAL
editorial cartoon from the internet
Intindihing Mabuti Masiglang masigla ang mga talakayan nitong mga nakaraang araw sa bangketa at mga umpukan, ito ay dahil sa mga bumabalot ng isyu sa ating bansa, isa na rito ang pagbisita ng pangulo ng America na si Barack Obama upang pagtibayin ang ilan sa mga kasunduan kagaya ng Framework Agreement for Increased Rotational Deployment and Enhanced Defense Cooperation. Kaakibat ng mga pangyayaring ito ang ilang mga negatibong reaksyon ng mga mamamayan lalo na ng mga militante. Una, umani ng batikos ang pagbisita ni Obama, dahil bukod sa dala nitong mga kasunduang maaaring dehado ang Pilipinas, ang pagbabalik ng mga base militar, pagdami at paglala ng presensya ng mga tropang kano sa bansa, ang mga panganib na maaaring maidulot ng kasunduang pipirmahan ng ating pangulong si Noynoy Aquino at ni Obama na kung sa normal lang namang mamamayan ay mahirap maintindihan. Hindi mawawala ang ganitong mga reaksyon sapagkat sa karanasan natin, ang pagkakaroon ng base militar ng kano sa bansa, ang pag dami ng presensya ng sundalong amerikano ay may kapatid peligro sa ating soberanya, panganib na muli na namang may mabiktima ng panggagahasa sa ating mga kababaihan, pag-abuso sa ating likas na yaman (kung matatandaan natin kung paanong nasira ang isa sa yaman ng ating bansa, ang Tubbataha Reefs sa Palawan dahil lang nasagasaan ito ng barko ng tropang kano, na hanggang ngayon ay walang binabayarang danyos), ang dagdag na pangamba sa paglala ng paglabag sa karapatang pantao, dahil malinaw naman sa ating lahat na sa ilalim mga excercises kasama ang mga sundalong amerikano, libo na ang naitalang biktima ng extra-judicial killings. Bukod pa rito sa pahayag mismo ni Senadorang Miriam Santiago, ang mga kasunduang dulot ng pagbisitang ito ay labag mismo sa konstitusyon ng bansa, kaya nga siguro palagiang isinusulong ng administrasyon ang Charter Change o Chacha Sunod sa matunog na matunog na maaari raw umanong maging malaking tulong ang Amerika sa sigalot ng ating bansa sa bansang Tsina, ngunit sa pahayag mismo ni Obama sa kanyang talumpati, wala itong malinaw na binanggit na matutulungan ng Amerika ang Pilipinas laban sa Tsina. Kung tutuusin ang US ay may utang sa Tsina na mahigit $1.317 trilyon, kaya imposibleng makipag tunggali ito rito, kung tatayain natin mas kakampihan pa nga ng US ang Tsina kaysa sa mahirap na bansang kagaya natin. Kaya bilang mamamayan, intindihin nating mabuti, bakit nga ba lagi tayo kadikit ng Estados Unidos sa mga kasunduan malabo naman magdulot ng pag-angat sa kabuhayan sa ating mga normal na mamamayan? Ay kung tutuusin madalas ngang tayo pa mismo ang nabibiktima ng mga paglabag na wala naman tayong lakas upang makamit ang hustisya sapagkat hindi naman nililitis ang mga sundalong kano dito sa ating bansa dahil ang mga ito’y dini-deport lamang. Totoo nga kayang hindi kakayanin ng ating bansa ang magsolo at indipendyenteng linangin ang mga kakayanan ng ating mga mamamayan. Hindi naman masamang magkaroon ng malusog na relasyon sa ibang bansa, ngunit kung ang relasyong ito parati ang pabor ya sa kabila, inasikaso mo na nga bilang bisita, libre na nga ang upa at presensya sa bansa, may dala na ngang pangnib sa ating soberanya, ni wala naman tayong napalang pag-unlad at pag-angat dahil sa kanila palagian ang kabig ng ganansya, samantalang tayo ang nanatiling mahirap at hikahos ang kabuhayan.
ANO BA YAN! JOHNNY GLORIOSO
For your reactions, comments or suggestions, email me at mjdzmm@yahoo.com
Take good care of your ATM card- always Automated Teller Machines are one of the greatest conveniences of modern life. The wide distribution of ATMs today offers cardholders easy access to their bank accounts for just about anywhere and anytime. Some of us probably take it for granted but just 20 years ago, the concept of banking around the clock and using machine for transactions made people uncomfortable . How technology has changed and continous to change our lifestyle. But while it has its advantages, there are unscrupulous parties that prey on unsuspecting cardholders . To help you guard against unauthorized and fraudulent use, we are here to share some useful things to remember. - You dont leave cash lying around do you? Then do the same to your ATM. Dont just hand it to anyone. Some regard their ATM cards as identification cards ang would
leave these with security guards at building or subdivision gates. Similarly, there are some money enders who insist on getting yiur ATM card so they can collect payment themselves. These are very unsafe practices, the card should be protected and kept secure at all times. - You may be tempted to ask a friend to withdraw money for you, or your secretary or even the messenger, but dont. Take pains to go to the ATM yourself and plan your day so that you will not be left without cash at the most inconvenient times. - Banks warn you to make sure no onesees your hand or look over your back while you are pluggung your ATM PIN into a machine. Also, do not write down your PIN on the card itself or on any sheet that you are keeping in your wallet. This way, if a thief gets your card or your wallet, he will not be able to use your ATM card rightaway, giving you ample time to inform your bank about the loss. Never share your PIN
number with anyone. - You wouldnt want to take money out of a machine where everyone can see you leaving with cold cash in hand. Try to pre identify the ATM sites that allows you the greatest privacy, such as those within the bank premises or if youre lucky enough, within your office building. Skimmers attach devices that get your personal information and PIN so that they can create a duplicate card and dip into your account. If you have any doubt about what you see, ask the security guard about the device. If you have any doubts at all, then do not use the machine. - Stay on top of your account. Some transact heavily so do not want to go through the trouble of verifying transactions. You need to regularly check your balance as you are in the best position to know if someting is wrong. Go online if your bank has a web site to stay on top of your money.
Lasing na nag-tse-checkpoint, nakuhanan ng baril
Isang lasing na nagsasagawa ng checkpoint habang armado ng baril sa san antonio, quezn ang inirklamo ng grupo ng Eyes in the Barangay ng nabanggit na lugar. Kinilala ang suspek na si Delfin Estrella del Rosario 58 taong gulang ng Area A ,Camarin, Caloocan City. Nakuha mula dito ang isang Cavalry Commander Model 1911 na kalibre 45 na may isang magazine na may pitong bala at isang basyo sa chamber ng baril. Kaagad na kinumpiska ng mga pulis na pinamumunuan ni PSI Fernando Reyes III ang naturang baril makaraang
walang maipakitang anumang dokumento ang suspek para dito. Ikinulong na ang
suspek sa lock up jail ng San Antonio makaraang mabasahan ng kanyang karapatan. Johhny Glorioso
TRUTH ALWAYS PREVAILS
JOHNNY GLORIOSO - Publisher | Editor-in-Chief SHERYL GARCIA - Managing Editor Columnists | Contributors: GEMI FORMARAN, LANNY TOLDA, MICHAEL ALEGRE, RAFFY SARNATE, ALEXANDREA PACALDA Ang ADN SUNDAY NEWS (ADNSN) ay inilalathala ng Ang Diaryo Natin Group of Publications tuwing Linggo facebook: ADN Sunday News | twitter: @ADNSundayNews e-mail: adnsundaynews@gmail.com downloads: www.issuu.com/adnsundaynews
MAY 4 - MAY 10, 2014
3
GEMI A BREAK GEMI FORMARAN
4th District is lucky to have Rep. Tan! The families of “Atimonan 13” victims are so grateful that the Philippine National Police has finally ordered the dismissal from the service of 13 policemen, including the wounded mission commander, Supt. Hansel Marantan. Five other policemen, two of them commissioned officers, who only had a lesser participation in the alleged January 6 rubout were ordered demoted by one rank, while two other non- commissioned officers were ordered suspended for six months. In a decision signed by PNP Chief, Director General Alan Purisima, the 13 respondents were found guilty of serious irregularity in the performance of duty. Dehins na sila lespu! Thirteen people including gambling operator Victor Siman and environmentalist Jun Lontok were killed in what the respondents claimed was a shootout against criminal elements. Now that Marantan’s group has lost the case administratively, the families of the 13 victims are very optimistic that the court handling the criminal case will eventually have the charged policemen convicted. They believe that the evidence including the testimonies made by the Army troops against the respondents is strong enough. Dapat daw ay syut sa hoyo! The troops led by Lt. Col. Monico Abang were part of Marantan’s group that conducted the alleged massacre
of the 13 victims. Abang was then the commander of the Army’s Special Forces Battalion. The ironic part of the story is that the soldiers were exonerated in the case despite their admission that they too, have fired their rifles on the 2- vehicle convoy of the victims. In the Philippines, suspects turning themselves into state witnesses is a usual thing. Mas marami pa nga daw ang ipinutok ng mga sundalo kaysa mga parak! Amid their dismissal from the police service, Marantan maintains his earlier position that he is innocent. His fellow respondent, Supt. Ramon Balauag sings the same tune. Both Hansel and Mon are my personal friends. And that’s one reason why I give these two gentlemen the benefit of the doubt. In the first place, one is always presumed innocent until proven otherwise by the court! Maintindihan na laang daw sa huli! --o0o-In this great country of Ping Lacson and Jovito Palparan, having law enforcers who love doing summary execution or “salvage” of lawless elements is a common thing especially during the martial law period. Perpetrated by Marcos followers in the military under Gen. Fabian Ver, rampant killings of criminals, communist rebels, activists, journalists and even innocent civilians
happened left and right. Most of those who carried out the killings were servicemen. Many of them were members of the dreaded Metropolitan Command (METROCOM), a major subordinate unit of the defunct Philippine Constabulary (PC). Maalala mo lang, kikilabutan ka na! Those were the days, my friends! Democracy has been restored in the country shortly after the Edsa- People Power in 1986! The strongman and his Martial law have long been gone. But summary executions of criminals, rebels and journalists remain. Many believe that most of these killings have been done by sweepers in the PNP and even those in the Army. Alangan namang taga FBI o LAPD pa sa US ang gumawa! If you still remember the story of the fallen Kuratong Baleleng gang members, this is one good example. Those “big fish” who provided necessary protection to the gang were allegedly police officers who pocketed a big portion of their loots. Millions of pesos have gone to these police-protectors who were in cahoots with the gang after a series of successful big time bank robberies in Metro Manila. But at the end of the day, these alleged cops whom they treated as patrons were also the very ones who wiped them out.
TIRADOR
Kumita na, may accomplishments pa? --o0o-Residents of Quezon’s 4th district are very much thankful for having an efficient Representative in Congress in the person of Angelina “Helen” Tan. “Its only now that we feel the real presence of a Congressman in our district”, said an old resident of Alabat island. A medical practitioner by profession, Congresswoman Tan is the loving wife of DPWH Assistant Regional Director Ronnel Tan, the most loved District Engineer, 4th DEO has ever had. Kaya pala mahusay! Unlike his immediate predecessor, Dra. Helen, is a development- oriented solon aside from being a dedicated legislator, according to some barangay chairmen in Gumaca and Lopez towns during our discussions. They say that while doing her work as a legislator, Dra. Helen is also busy in her constituency service in the district. Seeing the lady solon in her Facebook account, I learned how she travels from one island to another via motor boat despite bad weather condition, and how she visits her constituents in the remotest villages of the district just to see their condition. Being a doctor, hosting medical missions in depressed barangays is among her regular activities benefiting thousands of indigent residents.
Kaya pala malulusog ang mga taga 4th district! She regularly inspects the condition of roads, bridges, ports and school class rooms to see how her office could help. Dra. Tan also consults with different groups of farmers and fishermen and traders to know their problems and help addressing them as soon as possible. She does all these things despite the absence of Priority Development Assistance Fund (PDAF) which many solons used as “palabigasan”. Ibang iba sa kanyang pinalitan! --o0o-Speaking of Tan’s predecessor, I learned that ExCong. Lorenzo “Erin” Tañada, is among the respondents in a malversation case regarding his missing P67.4 PDAF intended for livelihood assistance projects in his district. Aside from Tañada, also charged at the Ombudsman were Ex- Plaridel Mayor Wilfredo Magbuhos and Municipal Treasurer Eleonor Reyes. The complaint has been filed by Barangay Tanauan Chairman Potcholo Santorcas. It was supported by sworn affidavits filed by Barangay Chairmen Calixto Lopez, Darwin Alvarez, Victor Tumagay, Prisco Alcantara and Sabas Luna of Barangays Central, Paaralan, ML Tumagay, Duhat and Ilaya, respectively, all in Plaridel, Quezon. Di ba sabi ni Ex- Cong siya daw ay TAPAT (Tañada Para sa Tao)!
Para sa mga reaksiyon, suhestyon, reklamo at sumbong magtext sa 09212820262 o mag-email sa raffysarnate@yahoo.com
RAFFY SARNATE
Pahiyas Festival Sa Lucban, Quezon, Patok Sa Mga Turista Muli na namang dudumugin ng mga Turista ang bayan ng Lucban, Quezon, ngayong darating na Mayo 15, na kapistahan ng poong San Isidro Labrador. Dito taon taon tuwing sasapit ang pahiyas Festival ay kanilang ipinagdiriwang ang Magsasakang si San Isidro Labrador at iyan ang kinaugaliang tradisyon ng mga Lucbanin kung tawagin. Madaming inihandang Event ang Punong Lungsod Mayor Oli Dator katulad ng mga sumusunod. Buhusan Festival, Blessing & Inauguration of
Slaughterhouse. Pagbubukas ng Tiangge sa Lucban, Ritwal ng pag-aalay kay San Isidro Labrador. Parada ng mga makukulay na ilaw at pagandahan ng saklob. Paligsahan sa paggawa ng arangya, Basketball Tournament, pag-akyat sa Kalbaryo. Pangkulturang pagtatanghal sa Pahiyas, Hari at Reyna ng Tapas, Paggawa ng tinapay at iba pa. bukod dito ay marami pang masasaksihan ang mga bisitang taga ibat ibang bayan at mga Turistang dinarayo ang Lucban sa San Isidro Pahiyas
Festival 2014. Ang sabi ng mga Lucbanin ay Garbo Lucban, Marikit, Maganda, Masaya Halina. Ang kanilang mga Activities ay nagsimula pa noong March 31 hanggang May 19, araw ng kapistahan ng bayan ng Lucban. Obama Handa Raw Suportahan Ang Pilipinas! Abay Dapat Lang! Dumating noong April 28, dakong 1:30 ng hapon si US Presidente Barack Obama sa dalawang araw na pagbisita ni Obama ay sinabayan naman ng mga Ralliyista na walang alam
na manggulo pag may darating na taga ibang Bansa ano ba ang ipinaglalaban nila? Na si Pinoy daw ay tuta ng Kano! Mataas daw ang bilihin mababa ang suweldo ng Mangagawa lahat na lang daw ay nagsitaas pati kuryente, tubig at gatong. Wala tayong magagawa kahit magngal-ngal kayo taon-taon dyan sa Edsa at Mendiola ay wala kayong mapapala ganyan ang Gobierno dito Pinas. Kung kayo ay merong sinasaka ng lupa ay magbanat na lang kayo ng buto, magtanim ng gulay, palay at maghayupan kayo baka sakaling umasenso pa kayo, pag
ang laging aatupagin ninyo at magprotesta lagi sa kalye ay baka lang kayo masaktan at mabang-aw, walang mangyayari kung ano man ang ipinaglalaban ninyong mga militanteng grupo kayo. Balik tayo sa pagbisita ni US Pres. Barack Obama, nakahanda raw namang tulungan ang Pilipinas kung sakalit atakihin tayo ng China hinggil sa pinagaagawang West Philippine Sea. Noong primero ay atubili pang sumagot si Obama at nitong bandang huli ay sumasang ayon na siya na nagdeklara ng suporta. Mabuhay ka US Pres. Obama.
4
TRUTH
ALWAYS
PREVAILS
OBAMA PAHIRAP ANG DALA AT HINDI GINHAWA Ginagawang training ground ng mga tropang kano ang Pilipinas sa nagaganap na Balikatan Exercise sa Albay na nagsimula nitong Abril 21, pangunahing layunin nito ang internal peace ng bansa o ang “Oplan Bayanihan” at ang minamadaling bilateral relations o “Access Agreement” sa pagitan ng imperyalistang US at Pilipinas. Ang Access Agreement na ito ay ang US-PH Agreement on Enhance Defense Cooperation (AEDC) na sinasabing magpapalakas sa Hukbong Sandatahan ng Pilipinas. Sa pagkakaroon ng AEDC na bahagi lamang daw ng Visiting Force Agreement (VFA) ay ang pag-dedeploy ng mga tropang kano sa bansa, ngunit sa katotohanan ito ay lilikha ng de facto US military bases sa Pilipinas na magsusulong ng permanenteng base militar ng imperyalistang US sa bansa. Balak ng imperyalistang US na maging tambakan at tagabantay ng kanilang kagamitang pandigma ang Pilipinas. Abril 28, dumating sa Pilipinas si Obama upang isakatuparan ang AEDC. Nauna ng pahayag ni
PNoy na malaki raw ang maitutulong ng Amerika laban sa tumitinding alitan sa pagitan ng Tsina at Pilipinas sa pangangamkam ng teritoryo, ngunit ayon naman mismo kay Sen. Miriam Defensor Santiago na s’yang chairman ng Senate Foreign Relations Committee sa isang panayam sa radyo, ang pagdaragdag ng mga tropang kano sa Pilipinas ay magbubunsod lamang ng mas lalong pagiging agresibo ng Tsina sa tumitinding girian sa West Philippine Sea. Ang Tsina ang pumapangalawa sa malakas na pwersa sa ekonomiya kasunod sa Amerika. Nakikita itong malaking banta sa pangingibabaw ng impluwensiya ng Amerika kaya’t ipinatupad nito ang tinatawag na rebalancing of military force kung saan ang 60% ng kabuuang lakas ng militar ng Amerika ay idineploy sa Asya-Pasipiko upang pigilan ang Tsina at mangibabaw ang interes ng Imperyalistang US. Isa pang nakikitang dahilan nito ay ang $1.28 trilyong utang ng Amerika sa Tsina kaya’t hindi nito isusugal ang pang-ekonomiyang interes sa Tsina. Dagdag pa ng Senadora na ito’y malaking paglabag sa
mismong konstitusyon para sa soberanya ng Pilipinas na hindi maaaring magpapapasok at magdagdag ng higit na tropa ng mga dayuhang militar sa ating bansa. Matindi rin ang panggigipit ng imperyalistang US upang isulong ang Cha-cha o “charter change” sa bansa na inaprubahan sa Congreso nito lamang Marso at kasalukuyang ipinakilala sa Senado. Ang pagsusulong ng Cha-cha ay s’yang pangunahing rekisito ng Amerika upang makabilang ang Pilipinas sa isinusulong ng Amerika na TransPacific Partnership Agreement (TPPA) sa Asya-Pasipiko bilang mas mahigpit na international trade organization na magsusulong ng mga patakarang neo-liberal. Isang free trade agreement na dominado ng US. S a d y a n g napakaraming kondisyon ng imperyalistang US na tanging ang makikinabang ng lahat ng kasunduan ay ang imperyalistang bansa. Pipigilan nito ang sariling industriya ng Pilipinas at tunay na reporma sa lupa. Lalo magiging atrasado ang pamumuhay ng mga proletaryado’t tanging makikinabang ay ang mga dayuhang nagmamay-ari at magmamay-ari pa ng malalaking korporasyon
sa bansa. Hindi pakay ng imperyalistang US na paunlarin ang ekonomiya at palakasin ang Hukbong Sandatahan ng Pilipinas. Sa katunayan, tanging ang pang-imperyalista lamang nitong kapakanan ang isinusulong ng gobyerno ng Amerika at lalo lamang nitong pahihirapan ang Pilipinas. Hindi magbibigay ng kagamitan ang US dahil kahit ang naturang pinaglumaan nila ay ibebenta pa sa atin. Sa nangyaring pagsadsad ng USS Guardian sa Tubbataha sa Palawan na kahit isang kusing ay walang ibinayad sa ginawang pagpinsala sa humigit kumulang 2,000 metro kwadradong coral reef. Ganoon din sa hindi pagbabayad ng Amerika sa paglilinis ng toxic waste damp ng dating base militar nito sa Clark at Subic 20 taon na ang nakararaan. Hindi ginhawa ng dala ni US President Barack Qbama sa pagbisita nito sa bansa kundi dagdag na pahirap lamang sa mga Pilipino sapagkat pangimperyalismong interes lamang ng Amerika ang nais nitong makamit. US TROOPS, OUT NOW! College Editors Guild of the PhilippinesQuezon
LUCBAN, QUEZON – Tuwing araw ng Lunes ay sa labas ng kanyang tanggapan nag oopisina si Lucban Mayor Oli Dator. Ayon sa Alkalde gusto niyang ang lahat ng kanyang mga Kababayan ay kanyang mapaglingkuran at bigyan ng kaunting tulong pinansyal para sa kanilang mga karaingan. Pag araw naman ng Martes hanggang Biernes ay balik uli siya sa kanyang dating opisina. Raffy Sarnate
Tatlong carnapped vehicle, nabawi; tatlong suspek, huli Tatlong suspected carnapper ang nadakip at tatlong sasakyan din ang narekober sa isang operasyong isinagawa ng mga pulis na pinamumunuan ni PSI Araja hepe ng General Luna, Quezon. Ayon sa ulat, isang informant ang nagtimbre hinggil sa mga nakaw na motorsiklo sa Brgy Recto, bayang nabanggit. Nahuli sa isinagawang police operation ang tatlong mga suspek na kinilalang sina Roger Mercado Lorica,
54 na taong gulang, Nelson Penoso, 40 taong gulang at Lolibert Lorica 34, pawang mga residente ng Brgy Recto, Gen Luna, Quezon. Nabawi din mula sa pagiingat ng mga suspek ang tatlong motorsiklo na pawang walang kaukulang mga dokumento. Kaagad na ikinulong ang tatlong suspek samantalang dinala na din ang mga motorsiklo para sa kaukulang disposisyon. Johnny Glorioso
Ginang patay sa pamamaril sa Tiaong Nabigo ang mga doktor sa Peter Paul Medical clinic sa Tiaong, Quezon na maisalba ang buhay ng isang ginang dahilan sa ng tama ng balang tinamo nito mula sa hindi nakilalang suspek. Kinilala ang biktima na si Remedios Mitra Panganiban, 39 na taong gulang, mayasawa, isant sales agent at residente ng brgy Talisay bayang nabanggit. Ayon sa ulat dakong alas 5 na ng hapon at nagtatrabaho ang biktima sa Sugar Repacking
Company na pagaari ng isang Ricardo Trinidad Salvador ng biglag dumating ang hindi nakilalang suspek at pinaputukan ng ilang ulit ang biktima. Nagtamo ito ng mga tama ng bala at mabilis na isinugod sa pagamutan subalit namatay makaraan ang ilang minuto. Dalawang basyo at isang slug mula sa kalibre 45 baril ang narekober ng mga pulis sa lugar na pinangyarihan ng pamamaril. Johnny Glorioso
Electrician Patay Makaraang Makuryente sa Tayabas Patay kaagad Smart ng aksidenteng ang isang electrician makuryente ito at mamatay makaraang makuryente noon din. Kinailanagan pa habang nag aayos ng ng mga nagresponding mga linya ng kuryente sa brgy pulis na hingin ang tulong kanlurang Palale, Tayabas ng Meralco personnel upang City. maibaba ang biktima mula Kinilala ang biktima na sa pagkakabitin sa poste at si Emiliano Alboro Alcala, naalis lamang dakong alas 47 taong gulang, isang otso na ng gabi. electrician ng brgy Mamala Ang labi ng biktima 2, Sariaya, Quezon. ay kasalukuyang nakalagak Ayon sa ulat, inaayos ng na ngayon sa Funeraria biktima ang sirang electrical Pagbilao ay isasailalim sa wiring ng poste ng Meralco post mortem examination.. na nakakabit sa tower ng Johnny Glorioso