1 minute read
NG PAARALAN, PYLON AGHAM
Tinuro sa kanila kung paano gamitin nang tama at paano gumagana ang PYLON website. Ang PYLON ay madaling gamitin, hindi ito katulad ng ibang website na kapag pinindot ay may kung ano-anong ads na lumalabas. Sa pagbukas ng website na pylon.com.ph, maaaring makipag-usap sa mga kaklase o guro dahil mayroon itong online messanging. Mayroong sariling kalendaryo, makikita ang mga dapat gawing takdangaralin, pagsusulit, mga paksa, at iba pa.
Ayon sa estudyante ng paaralan na si Angeline Rentoria, “Sa Pylon madali na doon kasi pupunta ka lang sa link; Isang click mo lang makababalik ka na agad.”
Advertisement
Isa itong makapangyarihang paraan upang mabigyang solusyon ang anomang suliranin sa pagaara. Hindi ito hadlang upang makapagtapos at makamtan ang mga hangarin sa buhay sapagkat sipag, tiyaga, at determinasyon ang magiging daan sa tagumpay.
Nangangapa man sa una ang mga estudyante dahil namulat sila sa “online class”, ngunit kalaunan gamay na gamay na ang pasikot-sikot sa teknolohiya dahil sa sandamakmak na paraan ang ginawa upang makasabay sa sistema. Dito naging patok ang isang uri ng robot na binuo upang tulungan ang mga tao lalo na sa edukasyon, ito ang Artificial Intelligence o mas kilalang AI.
Isa nga ang ChatGPT sa mga sikat na AI sa mga estudyante, dahil malaki ang naging epekto sa edukasyon ng mga mag-aaral. Kilala ang
ChatGPT dahil sa kakayahan nitong makapagbigay ng mga sagot sa iba’t ibang mga katanungan, magbigay ng mga impormasyon na mabilis at kayang makipagusap sa mga tao sa paraang natural. Bagamat, ang AI ay nakatutulong upang mapaunlad ang sistema ng edukasyon sa pamamagitan ng mga teknolohiya, meron at meron pa rin talagang negatibong epekto ito. Kung saan iaasa natin ang mga gawain dito at hahantong ito sa kawalan ng kasanayan sa pag-iisip at kawalan ng pagkakataong matuto.
Kailanman, hindi naging masama ang pagyakap sa modernisasyon, lalo na sa larangan ng edukasyon. Napakahalaga ang pagyakap dito upang mapaunlad ang ating bansa at masiguro ang ating kalagayan sa hinaharap Dapat tayong magbigay ng sapat na pondo, panahon, at suporta sa mga proyektong nakatuon sa modernisasyon. Ngunit huwag kalimutang ang pagtuturo ng etiketa sa paggamit ng teknolohiya. Sa ganitong paraan mas malayo ang mararating natin bilang isang bansa.