1 minute read

New Greenland Farm, susi para sa mahabang buhay

Sabi ng mga matatanda, ang susi para sa mahabang buhay ay gulay ngunit paano kung dahil sa taas ng presyo ng mga gulay ngayon, pati ang ating kalusugan ay tipirin na rin?

Minsan mapipilitan na lamang tayong magdelata dahil mas mataas pa ang presyo ng gulay kaysa rito.

Advertisement

Ngunit ngayon, maari na tayong magpaalam sa mga matataas na presyo ng gulay sa palengke. Dahil ngayon ay may ‘‘New Greenland Farm’’ na sa Barangay Bagong Silangan, Lungsod ng Quezon. Mahigit kumulang 300 na pamilya ang mga benepisyaryo na napili sa dalawang komunidad sa New Greenland at Tumana Home Owners Association. Isa sa mga pinagkakakitaan at makatutulong sa mga magsasaka sa New Greenland Farm ang kanilang pananim na gulay.

Dinarayo ito ng mga tao dahil sa magandang tanawin at mga murang gulay na kanilang ibinibenta katulad ng sibuyas, sayote, malunggay, bawang, at iba pa.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, “Through this project ay nadidiskubre at natutuklasan nila [magsasaka] ang kanilang kahusayan, kagalingan, at likas na talino bilang mamamayan at puwede silang maging produktibong mga tao na tumutulong sa kaunlaran ng ating pamayanan kaya para sa akin, empowering our people is one of the greatest benefits and greatest achievements of this project”.

Ayon naman sa magsasaka ng New Greenland Farm na si Sheralyn Tuan, “Damang-dama namin ang full support ng local government unit lalong-lalo ni Mayor Joy Belmonte na tumatayong ina at nagbibigay ng malaking inspirasyon”. Dahil sa proyektong ito, ang mga residente ng Bagong Silangan ay hindi na kailangang magtipid para sa kanilang kalusugan. Sana’y sa iba’t ibang lugar ay magkaroon ng ganitong proyekto upang ang mga tao ay mabuhay.

Walang perpekto sa mundo, gaya ng tao na nakagagawa ng pagkakamali, ngunit paano kung ang isang pagkakamali’y makaapekto at mag-resulta ng pagbabago sa daigdig na hindi agarang masosolosyonan.

Ang pagbabago ng klima o Climate change, isang pangmatagalan na kondisyon na kung saan nagbabago ang temperatura maging ang panahon. Ang mga aktibidad ng tao ang naging pangunahing sanhi sa pagbabago ng klima.

Nadarama natin ang pag-init ng panahon dahil dito, ngunit marami pang paraan upang maiwasan ito sa pamamagitan ng mga ito:

*PAGTATANIM NG PUNO AT HALAMAN -Sa pagnipis ng ozone layer, makakatulong ang pagtatanim.

*MAG-RECYCLE -Makatutulong ang pagrerecycle upang mabawasan ang pagdami ng mga basura.

Baguhin ang ating mga pagkakamali, simulan sa maliliit na hakbang upang makatulong sa ating inang kalikasan at tandaan na ang estado ng ating kalikasan ay sumasalamin din sa ating kinabukasan.

This article is from: