1 minute read

TA O N G 2 0 2 3 I NI I H AW N A

Ang mundo’y parang iniihaw na sa sobrang init hindi man nakikita ang mga usok at baga, ngunit atin itong nadarama.

Ayon sa Global Annual Temperature Outlook ng National Centers for Environmental Information (NCEI), nang 99% tiyak na ang taong 2023, ay mapapabilang sa 10 pinakamainit na naitala.

Advertisement

Ano ang GLOBAL WARMING? Global Warming ang pangmatagalang init sa ibabaw ng Mundo na naobserbahan mula noong pre-industrial period (sa pagitan ng 1850 at 1900) dahil sa mga aktibidad ng tao, pangunahin ang pagsunog ng fossil fuel, na nagpapataas ng mga antas ng greenhouse gas na nakakukuha ng init sa kapaligiran ng Mundo.

Ito’y isa sa mga aspekto ng pagbabago ng klima, na tumutukoy sa pangmatagalang pagtaas ng temperatura ng planeta. Sanhi ito ng pagtaas ng konsentrasyon ng mga greenhouse gas sa atmospera na ang pangunahing dahilan ang mga aktibidad ng tao tulad ng pagsunog ng fossil fuels.

Ang mga Greenhouse Gases (GHG) ay ang mga gas sa atmospera ng daigdig na kumukuha ng init. Hinahayaan nito ang sikat ng araw na dumaan sa atmospera, ngunit pinipigilan nito ang init na dulot ng sikat ng araw na umalis sa atmospera.

Maraming dahilan kung bakit ito lalong lumalala katulad na lamang ng pagsunog ng karbon, langis, at gas ay gumagawa ng carbon dioxide, nitrous oxide, at pagputol ng kagubatan (deforestation). and Atmospheric Administration (NOAA)

PAGTATANIM ANG BUHAY. Nagbubungkal at nagtatanim arawaraw sina Gng. Ferlita Daelto, Mellie Lilio, at Myra Odencio sa New Greenland Farm na proyekto ni Mayor Joy Belmonte sa Barangay Bagong Silangan, Quezon City para may pantustos sa araw-araw na mga panganagailangan ng pamilya.

Ngunit mas marami tayong kayang gawin upang mapigilan ito, tulad na lamang ng pagtitipid ng enerhiya sa tahanan, paggamit ng bisekleta bilang transportasyon, bawasan ang pagtatapon ng maraming pagkain, magtanim ng mga puno at halaman at isagawa ang ‘3Rs’ o ang reuse, reduce, recycle. Hindi ganito iihawin ang mundo kung tayo’y magiging responsable lamang sa ating kilos. Kung kaya nating itama ang mga ginawang mali, ating tandaan na ang ating Inang kalikasan ang ating lakas. Tao lamang ang pinagkalooban ng matalinong utak kaya gamitin ito ng tama.

Pamantayan ng temperatura nakabase sa ika-20: 53.6°F (12.0°C)

13.3%

13.2%

13.1%

Pagkakamali ng tao, pasan ng daigdig

2016

2020

2017

2019

2015

This article is from: