Ang Dalubwika 2022-2023

Page 16

DALUBWIKA

Iskul is Cool

NG BULLYING, INAKSYUNAN

adaling mapikon, mahilig magbiro at manukso na nauuwi sa away at sakitan. Ganito ang karaniwang reklamo na natatanggap ng Guidance Office na dumaragdag sa mga kaso ng bullying sa paaralan.

(Sundan sa pahina 2 ang kabuuang detalye.)

Porsiyento ng kaso ng iba’t ibang uri ng Bullying ayon sa datos ng DepED

56.79% Physical

25.43% Social

6.03% Cyber

5.92% Gender-Based

5.83% Retaliation

LINGAP-BASA, SMART, NAGLALAYONG BURAHIN ANG ‘LEARNING POVERTY’ SA BSHS

LATHALAIN 09

Ipinahayag ng Department of Education (DepEd) na 90% na mga mag-aaral sa buong Pilipinas ang hindi pa marunong magbasa o umunawa ng binabasa, kaibayo ito sa sitwasyon ng Bagong Silangan High School (BSHS) kung saan 3% lamang na mga estudyante ang hindi pa marunong magbasa o umunawa ng binabasa.

Gayunpaman, nagpatupad pa rin ng programa ang BSHS para burahin ang suliranin sa pagbasa.

Pinangunahan nina Bb. Lorena O. Quindoza, guro sa baitang 10 sa Filipino at

Gng. Mariel Rivera, guro sa baitang 7 sa Ingles ang LINGAP-BASA at Special Mentor And Reading Tutor (SMART) ang dalawang programang naglalayong matulungan ang mga estudyanteng hirap sa

(Sundan sa pahina 4 ang kabuuang detalye.)

Ni Alyssa Mae Delos Santos
TUMATAAS NA KASO
Paaralan, Tindig
Bayan
2022-Hulyo 2023
Tinig ng
para sa
Agosto
Nina Fame Louise Kallos at Michaella Celine Torion
I-like, i-follow, at i-subscribe ang @Ang Dalubwika ISPORTS 17 AGHAM 13
PONDOsyon para sa dekalidad na Edukasyon Kakulangan ng paaralan, PYLON ang solusyon
TOMO Blg. 21
BSHS, sinelyuhan ang ikatlong puwestosa Division Athletic Meet 2023 Mens Volleyball ISA, DALAWA, TATLO, MATAYA-TAYA. Patuloy na tumatangis ang mga biktima ng larong pambubulas sa mga pampublikong paaralan. LALENE MIRABONA

BSHS, balik Face-to-Face classes na

Balitang Sarbey

Mayorya sang-ayon sa F2F learning modality

Balik face-to-face classes ang mga pampublikong paaralan, kabilang na ang Bagong Silangan High School (BSHS)

noong Agosto 22, 2022, matapos ang tatlong taong distance learning dahil sa pandemya.

Kakulangan sa classroom Sa populasyon na 5, 767 na mga mag-aaral, 131

na klase ang nabuo na may average na 50-55 sa bawat seksyon. Nagangailangan ito ng 66 na silid-aralan kung hahatiin sa dalawang sesyon ang pasok ng mga mag-aaral. Gayunpaman, 33 na silid-aralan lamang ang nagagamit kaya ginawang Set A at Set B ang iskedyul ng klase.

Set A at B Sa iskedyul na ito

Base sa 100 na mga mag-aaral ng BSHS na nakilahok sa survey na isinagawa ng Ang Dalubwika, mas pinili ng mas nakararaming mag-aaral ang face-to-face learning modality bilang epektibong paraan ng pagkatuto.

Makalipas ang tatlong taon

BSHS, lumahok muli sa NSED

Ni Valerie Baniel

Sa unang pagkakataon mula nang magbalik face-to-face ang klase, isinagawa ang First Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ng mga estudyante, guro, at ilang mga kawani ng Bagong High School (BSHS) noong Marso 9, alas-dos ng hapon.

Ito ang kauna-unahang Earthquake drill na may evacuation na may evacuation na isinagawa matapos ang mahigit tatlong taong pandemya.

Ipinaalala ang mga dapat gawin tuwing may lindol at mga prosesong susundin bilang pagbabantay sa mga posibleng epekto kung magsasabay ang banta ng Covid-19, init ng panahon, at brownout.

Pinangunahan ang drill

nina BSHS School Disaster Risk Reduction Management Council (SDRRMC)

Coordinator Darwin B. Dela Torre at MAPEH Head Teacher Alcar Sarasa.

Bullying...

Ayon kay Gng. Mary Jane Talag, puno ng kagawaran ng Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP), bunsod ito ng pandemya kaya nakalimutan ng mga

estudyante ang wastong pag-uugali sa loob ng

paaralan tulad ng mga

Grade 7 sa kasalukuyan

sapagkat Grade 4 pa

lamang sila noong huling pumasok ng

face-to-face classes.

Bilang aksyon, naglatag ng programa

ang paaralan na may tema na “Understanding Bullying: To Be or Not Be. Awareness of Empowerment” na naglalayong magbigay kaalaman ukol sa bullying at implikasyon nito sa buhay ng mga mag-aaral.

Dinaluhan ang seminar ng lahat ng mga mag-aaral ng na hinati-hati ang pagdalo kada section simula Mayo 15 hanggang Hunyo 2.

Tinalakay dito kung ano ang pinagmumulan ng

papasok tuwing Lunes at Miyerkules mula 6:00 nu5:00 nh ang mga seksyon

Benevolence - Dependability ng baitang 7 hanggang 10 habang sa natitirang araw pumapasok ng tig-anim na oras ang mga seksyon ng

Diligence - Worthy.

Modified Schedule

Sa kasagsagan ng init ng panahon, panibagong modality ng pagkatuto ang

ipinatupad ng paaralan na kung saan isang linggong papasok ang mga lalaki habang asynchronous ang mga babae sa kani-kanilang tahanan, kabaliktaran naman ang magiging pasok sa susunod na linggo.

Ipinatupad ang iskedyul na ito noong Mayo 8 hanggang 26 bago muling ibinalik sa Set A at Set B na iskedyul ang klase noong Hunyo 5.

Bomb threat,

ginimbal ang buong BSHS

Binulabog ng bomb threat ang buong paaralan ng Bagong Silangan High School (BSHS) noong Pebrero 1.

Nagdulot ng takot ang banta ng bomba sa buong BSHS matapos makatanggap ang isang guro ang mensahe ukol sa pagpapasabog ng bomba sa eskwelahan.

Agarang humingi ng tulong ang punongguro na si Gng. Maria Gina M. Rocena sa mga awtoridad na nirespondehan ng mga

kawani ng barangay Bagong

Silangan at Quezon City Police District (QCPD)

bullying, iba’t ibang uri nito at mga dapat isagawa ng mag-aaral upang maiwasan ang bullying.

Maaaring harapin ng mga gumagawa ng nasabing gawaing pambubulas sa eskwelahan ang mga parusang suspension, community service, at expulsion.

Simula pa lamang ito ng mga programa sa pagbibigay solusyon ng Guidance Office sa pagtaas ng kaso ng bullying. Sisiguraduhin na mas paiigtingin ang mga

na nagpadala ng EOD/K-9 units upang hanapin ang bomba sa paaralan na naging sanhi ng pagsuspinde ng klase.

Bagamat negatibo sa bomba, hinigpitan ang seguridad at nagsagawa ng on-the-spot inspection sa mga pumapasok na mga mag-aaral.

Positibo ang naging tugon ng ilang mga estudyanteng nakapanayam ng Ang Dalubwika dahil mapapanatag na silang pumasok araw-araw sa kabila ng mga sunod-sunod na insidente na nangyari sa mga nagdaang araw sa mga pampublikong paaralan.

karampatang parusa para sa mga nambu-bully sa pagsasagawa ng character formation at counseling. Responsibilidad ng Guidance Office na magsagawa ng mga programa hindi lamang tungkol sa bullying kundi pati sa iba pang pangangailangan ng mga estudyante. Nakapaloob sa Republic Act No. 10627: The Anti-bullying Act of 2013 na obligado ang mga paaralan na solusyonan ang mga pambubulas sa kanilang paaralan.

02 BALITA ANG DALUBWIKA AGOSTO 2022-HULYO 2023
Nina Jayralden Agustino at Ralph Aranas Nina Fame Louise Kallos at Michaella Celine Torion (mula sa Pahina 1) BALIK SA DATING GAWI. Nag-aaral nang maigi ang mga mag-aaral ng Bagong Silangan High School, matapos ang dalawang taong online class. NICOLE GANGANI MABUSISING PAG-UUSISA. Binubusisi ng guwardya ng Bagong Silangan High School ang mga bag ng estudyante tuwing papasok sila sa paaralan. LALENE MIRABONA
Face-to-Face Online Class Blended Modular 81.25% 13.75% 2.50% 2.50%

Noble, bagong anyo ng pamumuno

Manatiling kalmado, humanap ng mga paraan upang magkasundo at rumespeto”

Ito ang prinsipyo sa pangunguna at pamamahala ng bagong talagang Assistant School

Principal ll ng Bagong Silangan High School (BSHS) na si G. Ferdinand P. Noble. Sa tagal ng panahon, kaunaunahan si G. Noble na hinirang bilang Assistant Principal II sa BSHS na gampanin dati ng mga punong kagawaran bilang katuwang ng namumuno sa paaralan.

Bagamat bago lamang sa kaniyang posisyon, hindi matatawaran ang kaniyang karanasan hatid ng 13 taong pagiging guro at walong taon ng pagiging puno ng kagawaran.

Mantra ng paaralan, inihayag na

Ang bawat mag-aaral ng Bagong Silangan ay aakyat ng antas taglay ang Kaalaman, Karunungan, Kagandahang Asal at Wastong Pag-uugali.

Ito ang mantra ng paaralan na inihayag ni Gng. Maria Gina M. Rocena, punongguro Bagong Silangan High School (BSHS) noong ika-18 ng Agosto 2022.

Nais ng punongguro ng paaralan na bigyan ng inspirasyon at gabay ang mga mag-aaral ng BSHS sa landas na dapat nilang tahakin sa buong taon ng pag-aaral.

Nagsisilbi rin itong paalala sa lahat ng mga kaguruan at stakeholders ng paaralan sa prinsipyong dapat pagtulungan ng lahat na maibigay sa lahat ng mga mag-aaral.

Ehime University, UPIS bumisita sa BSHS

Isa ang Bagong Silangan High School (BSHS) sa napiling bisitahin ng Ehime University ng Japan at University of the Philippines Integrated School (UPIS) para sa demonstration teaching noong ika-23 ng Pebrero, 2023.

Pumunta sa BSHS ang 21 na mga education students mula sa Ehime University upang magobserba kung paano magturo ang mga guro sa Pilipinas bilang parte ng kanilang pagsasanay sa kanilang paaralan.

Walong seksyon sa iba’t ibang baitang ang nakilahok sa nasabing pagpapakitang-turo.

Kabilang sa mga guro na nagpakitang-turo sina Gng. Nena Acosta sa asignaturang Ingles sa grade 10-Compassion,

g. G. Erick Manibog sa 8-Benevolence ng Matematika, at Bb. Daivey Ugaddan sa 9-Benevolence ng asignaturang Agham. Limitado lamang ang mga estudyante at mga pasilidad na ginamit sa pagsasagawa ng demoteaching sa paaralan.

Anim na silid-aralan at open area sa bagong tayong gusali ng paaralan ang ginamit ng mga guro para sa mahigit 25 na mag-aaral na pinili sa bawat seksyon na nabanggit upang dumalo. Ayon sa mga guro ng BSHS, malaki ang naitutulong ng demo-

teaching sa kanila bilang mga guro. Naniniwala rin sila na sa pamamagitan ng ganitong programa, mas napalalawak at nahahasa pa nila ang kanilang kakayahan pagdating sa pagtuturo sa mga magaaral ng paaralan.

Bagong opisyales ng FC, nanumpa

na boto, habang si G. Erick Manibog ang nahalal na bise-presidente, G. Sherwin Santonia bilang kalihim, Gng. Mae Bucad bilang ingat-yaman, G. Mark John Sernicula bilang auditor, G. Marvin Castro at Gng. Rosemarie Labutap bilang mga business manager, G. Darwin Dela Torre bilang P.I.O, at sina Gng. Janet Amor at G. Enrico Galang Jr. para sa posisyong sergeantat-arms.

GAD campaign, nagsulong sa women’s month

Ni Alyssa Mae Delos Santos

Kaalaman ang inihatid ng Gender and Development (GAD) Club sa kanilang isinulong na kampanya ukol sa Buwan ng Kababaihan at impormasyon tungkol sa GAD sa Bagong Silangan High School (BSHS) noong ika-16, 17, at 23 ng Marso, 2023.

Pinangunahan ang nasabing aktibidad ni Gng. Mary Jane Talag, punong kagawaran ng Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP), Gng. Kimberly Carpela, gurong tagapayo ng GAD Club, at mga opisyales ng GAD Club.

Opisyal nang prinoklama ang 10 guro na uupo sa walong posisyon ng Faculty Club ng Bagong Silangan High School

(BSHS) noong ika-9 ng Marso, 2023.

Wagi si G. Efren Sambrano na masungkit ang posisyon ng pagkapresidente sa bilang na 135

Isinagawa ito sa pamamagitan ng secret balloting ng lahat ng kaguruan.

“Napakahalaga ng pagkakaroon ng Faculty

Club sa paaralan dahil katuwang ito ng iba pang organisasyon sa pangangasiwa ng lahat ng aktibidades at proyekto sa loob ng paaralan,” saad ni G. Sambrano. Pinayagan ito ng

Division Office ng Lungsod Quezon gaya ng iba pang organisasyon at mananatili sa termino ng taong 20232025.

Walang organisasyon ng guro ang opisyal at legal na nagrerepresenta ng mga kaguruan sa pampublikong paaralan, alinsunod sa Executive Order No. 180 na inilabas noong Hunyo 1, 1987.

Ayon kay Gng. Carpela, may inihanda rin silang mga aktibidad para sa mga estudyante kagaya ng Essay Writing at Photography Contest. Pinagsuot din ang mga mag-aaral at guro sa BSHS ng kulay lila na kasuotan tuwing Miyerkules sa buong buwan ng Marso upang maipakita ang suporta ng BSHS sa buwan ng kababaihan.

Alinsunod ito sa Proclamation no. 227 series of 1988 na nilagdaan ni dating pangulong Corazon Aquino na naglalaan ng isang buwang pagdiriwang sa bansa na may angkop na mga seremonya at aktibidad. Isa rin itong paraan upang palawakin ang papel ng mga kababaihan sa ating lipunan.

03 BALITA ANG DALUBWIKA AGOSTO 2022-HULYO 2023
Ni Eunice Marielle Torres Nina Valerie Baniel at Lalene Mirabona magHAPONg SIYASAT NG DAYUHAN. Nagmamasid ang mga estudyante mula sa Ehime University ng Japan upang masilayan ang DemoTeaching ng mga guro sa BSHS, Pebrero 23, 2023. LALENE MIRABONA TINDIG NG GURONG MAY PANININDIGAN. Pinoproklama ang mga bagong halal na pinuno ng Faculty Club ng Bagong Silangan High School (BSHS) para sa taong 2023-2025. LALENE MIRABONA

National ID registration sa BSQC, tuloy

Ipinagpatuloy ang

pagpaparehistro ng

national ID sa barangay

Bagong Silangan, Quezon City noong ika22 at 23 ng Abril.

Inikot ang road

1, road 2, road 3, at mga karatig na lugar upang suyurin ang mga mamamayan na hindi pa nakapagpaparehistro.

Kasama rito sina Kapitan Willy L. Cara, Ellinor Olid, at Baby Tongha upang maglibot sa buong barangay.

Sinabing maaari na ring makapagparehistro ang mga mamamayang hindi bababa sa limang taong gulang ang edad.

Ipinagbabawal ang pagsusuot ng hindi pormal na damit, paglalagay ng kolorete, at paglalagay ng mga alahas gaya ng hikaw at kwintas.

Nagsagawa rin ng

Voter’s ID Registration noong ika-16 at 17 ng

Enero sa oras na 8:00 am hanggang 5:00 pm sa Barangay Hall ng Bagong Silangan.

Nananawagan ang punong barangay na magparehistro na ang mga hindi pa nakapagpaparehistro ng kanilang national ID.

pagbasa at pag-intindi. Mayroong 29 na mga magaaral ang tinutulungan ngayon ng LINGAP-BASA at 40 naman para sa SMART.

Ayon kay Bb. Quindoza, karaniwang mabagal magbasa at hindi nakauunawa ng kanilang binabasa ang mga mag-aaral pagdating sa pagbabasa ng wikang Filipino. Samantala sa pagbabasa naman sa wikang Ingles, anim na mga estudyante ang hindi pa marunong magbasa at kabuuang 34 na mga estudyante ang tinatawag nang Independent Readers.

“Hindi sa hindi sila marunong magbasa, kundi dahil kulang sila sa suporta, kulang sila sa kumpiyansa, minsan napagtatawanan

Ang oportunidad na binigay upang mamahala sa paaralan ay hindi biro, kaya nararapat na pagtuunan ng pansin ang mga magaaral. Ang mga estudyante ay nakipagtulungan kaya nagkakaroon kami ng kaalaman kung paano sosulusyunan ang mga problema.

- Karizza O. Manalingod, Supreme Student Government (SSG) President

BISOC, itinuro sa BSHS

Isinasagawa ang Community Immersion Program ng Philippine National Police (PNP) Basic Internal Security Operation Course (BISOC) dahil sa pagdami ng mga kabataang gumagawa ng krimen at nalululong sa ilegal na droga.

Layunin ng programa na buksan ang isipan ng marami lalo na ang mga kabataan sa aspekto ng masasamang gawain at binibigyang diin din nito ang maaaring kahinatnan ng paggawa ng mga bagay na ipinagbabawal ng batas. Pinangunahan ni Police Corporal Romel C. Buhangin

KANLUNGAN NG MGA NANGANGAILANGAN. Kasalukuyang itinatayo ang evacuation center, na magiging tahanan ng mamamayan sa panahon ng kalamidad.

LALENE MIRABONA

ng PNP BISOC ang programa sa Bagong Silangan High School (BSHS) noong ika-5 ng Disyembre na umabot ng limang araw. Ipinaliwanag din ang tungkol sa aspektong pinagmulan ng ilegal na droga gaya ng peer pressure, problema sa loob ng pamilya, at mga dahilan

kung bakit nakagagawa ng krimen ang isang tao. Ginanap ang programa sa pamamagitan ng pagtuturo sa bawat seksyon ng eskwelahan upang maprotektahan ang mga mag-aaral sa mga bagay na magdudulot lamang ng kasiraan sa kanilang buhay.

Evacuation Center ng

Bagong Silangan, matatapos na

Ni Fame Louise Kallos

Galak,tuwa, at pag-asa, iyan ang naramdaman ng mga mamamayan ng barangay Bagong Silangan, Quezon City (BSQC) sa matatapos nang Five Story with Deck Evacuation Center na ipinapatayo sa dating plaza ng kanilang barangay.

Dahil sa gusaling ito, magkakaroon na ng mas maayos na kanlungan ang mga biktima ng kalamidad

tulad ng bagyo at pagbaha, hindi na rin kakailanganing gawing evacuation center ang mga paaralan at simbahan sa nasabing lugar. Inumpisahang ipatayo ang evacuation center ng barangay Bagong Silangan noong Oktubre 1, 2021. Umabot ng 148,853.061 pesos ang nagastos sa pagpapatayo sa naturang gusali sa dating plaza sa may barangay ng Bagong Silangan.

Alumni ng BSHS, Ang

sila kaya mas pinipili na lang na hindi na lang sila magbabasa, wala na lang silang gagawin” Saad ni Bb. Quindoza. Batay sa isinagawang pagsusuri ng World Bank (WB), isa ang Pilipinas sa may pinakamataas na kaso ng “learning poverty” sa buong mundo. Ibig sabihin, 9 sa 10 mga estudyante ang hirap sa pagbabasa o intindihin ang binabasa. Isa ang suliraning ito sa binibigyang diin ni Bise Presidente Sara Duterte, anya, mas dumami ang mga estudyante ang hirap pa sa simpleng pagbasa at pag-unawa ng binabasa dahil sa dalawang taong pagputol ng klase dulot ng COVID-19.

Dalubwika top notcher sa board exam

Nanguna ang alumnus ng Bagong Silangan High School (BSHS) na si Dave Lozano Guevarra sa Board exam ng Electrical Engineering na nagkamit ng 93.25%.

Dating mamamahayag ng Ang Dalubwika si Guevarra at isa ring consistent top performing student simula elementarya. Sa katunayan, nagwagi siya sa pagsulat ng kwento sa patimpalak ng Save the children at ng United Nations population Fund (UNFPA) noong nag-aaral pa siya sa BSHS.

04 ANG DALUBWIKA AGOSTO 2022-HULYO 2023
Nina Katrina Del Valle at Glyzel Montelibano LINGAP-BASA, SMART... (mula sa Pahina 1) LARAWAN MULA KAY BB. LORENA QUINDOZA MAMANG PULIS, KONTRA DROGA. Nagpapahayag ang PNP BISOC sa Bagong Silangan High School ng kaalaman ukol sa ilegal na droga, ika-7 ng Disyembre taong 2022. NICOLE GANGANI KALINGA NG GURO. Ginagabayan ng guro ng Bagong Silangan High School ang isang mag-aaral sa maayos na pagbasa, Pebror 14, 2023. Ni Fame Louise Kallos Nina Danica Mongaya at Princess Taguitay

Sa panahon kung saan tinuturing na pribilehiyo ang bumoses, patuloy na maghahayag upang magsilbing liwanag sa madilim na bayan. Hindi kami magsasawang tumindig at kumiling sa katotohanan.

Filipino Journalism wagi sa D2SSPC

Panalo! Nanalo ang 20 mamamahayag ng Filipino Journalism at ng pahayagang Ang Dalubwika sa ginanap na District 2 Secondary Schools Press Conference (D2SSPC) sa Justice Cecilia Muñoz Palma High School (JCMPHS) noong ika-3 ng Disyembre. Itinanghal bilang pinakamahusay sina Lalene Mirabona sa kategorya ng Pagkuha ng Larawan at si Ezekhiel Mabitado sa Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita. Nasungkit naman ni Jonas Sukim sa Pagsulat ng Balitang Isports ang ikalawang pwesto habang ikaapat na pwesto naman si Heart Perol sa Pagsulat ng Balita.

Nasa ikalimang pwesto sina Xairah Garcia sa Pagsulat ng Kolum, Katrina Del Valle sa Pagwawasto

Ni Michaella Celine Torion at Pag-uulo ng Balita, at si Nicole Gangani sa Pagkuha ng Larawan, ikaanim naman na pwesto ang

nakuha nina Kisha Elizada sa Pagsulat ng Editoryal, at Syesha Mangila sa Pagsulat ng Agham. Nakuha nina Fame

Kallos sa Pagsulat ng Balita, Leanah Serviño sa Pagsulat ng Agham, at Julian Rebate sa Pagsulat ng Balitang Isports ang ika-pitong pwesto at ika-walong pwesto naman si Cristal Cho sa Pagsulat ng Balitang Isports.

Ika-siyam na pwesto sina Jayross Garbin sa Pagguhit ng Larawang

Tudling, Eroll Ferrer sa Pagsulat ng Editoryal, Janiela Albito sa Pagsulat ng

Agham, at Danica Mongaya sa Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita, at nakuha naman nina Chrisnel Agati ang ika-10 pwesto sa Pagguhit ng Larawang Tudling, Anna

TATLONG GURO, NAGKAMIT NG DANGAL PARA SA BSHS

Zambrona sa Pagsulat ng Kolum, at Jayralden Agustino sa Pagkuha ng Larawan.

Kampeon naman sa Group Contest ang limang mamamahayag sa kategoryang Filipino Radio Broadcasting na sina Alyssa Delos Santos, Frank Lavarez, Christine Niñonuevo, Brent Salacup, at Ezekhiel Mabitado.

Panalo rin sa ikatlong pwesto ang Collaborative Desktop Publishing na binubuo nina Michaella Torion, Mecca Castillo ,Faye Diaz, Eunice Torres, at Tommy Llanes.

Itinanghal bilang ikalawa sa Top Performing School in Filipino Journalism ang Bagong Silangan High School na may kabuuang puntos na 90 at pangatlo naman sa Overall Top Performing School na may 192 puntos.

BSHS nakasungkit muli ng puwesto sa DSSPC 2023

Ni Heart Haven Perol

Nasungkit ng mga mamamahayag sa Filipino ng

Bagong Silangan High School (BSHS) ang ikatlong puwesto sa Radio Broadcasting habang wagi sa ikaapat na puwesto sa pagsulat ng Pangulong

Tudling si Kisha Rose Elizada sa ginanap na Division Secondary Schools Press Conference (DSSPC).

Ginanap ang nasabing patimpalak sa San Francisco High School (SFHS) na nagsimula noong Pebrero 18 para sa mga group category at Pebrero 25 para naman sa mga individual category bago ang parangal noong Marso 4.

Naiuwi rin nina Alyssa Delos Santos, Frank Lavarez, Christine Niñonuevo, John Ezekhiel Mabitado, at Brent Salacup ng Radio Broadcasting ang 5th Place Best Anchor, 5th at 4th Place Best News Presenter, 3rd Place Best in Technical Application at 3rd Place Best Script.

Syempre masaya kasi hindi rin naman biro yung training. Wala rin akong tiwala sa gawa ko since hindi ko alam yung topic and wala man lang akong background information about doon.

Sa panayam kay Elizada, ibinahagi nito ang samot saring damdamin matapos magwagi.

Pinasalamatan naman ng mga mamamahayag si G. Enrico C. Galang Jr., gurong tagapayo ng Filipino Journalism gayundin ang pamunuan ng paaralan sa pangunguna ng punongguro na si Gng. Maria Gina M. Rocena; G. Ferdinand Noble, pangalawang punongguro at Gng. Gloria C. Cruz, puno ng Kagawaran ng Filipino sa walang sawang pagsuporta nito sa kanila.

Nag-uwi rin ng parangal ang mga mamamahayag ng English Journalism.

Nina Alyssa Mae Delos Santos at

KAGALAKAN. KAHUSAYAN. KARANGALAN.

Iyan ang mga naiuwi

nina Bb. Anna Rose

P. Penero, guro sa Araling Panlipunan, Gng. Mae L. Bucad, guro sa Edukasyon sa Pagpapakatao, at G. Erick O. Manibog, guro sa Matematika, sa ginanap na Division Level

Search for Outstanding Demonstration Teacher noong Enero 19, Marso

15, at 27 2023 sa San Francisco High School, Justice Cecilia Muñoz Palma High School, at Judge Feliciano Belmonte Sr. High School.

Nasungkit nina Bb. Penero at Gng. Bucad ang ika-unang pwesto, habang

ikalawang puwesto naman si G. Manibog. Kaugnay nito naging kbalikat nila ang kanilang mga kapwa guro sa kanilang kagawaran sa naging paghahanda sa laban.

Alinsunod ito sa DepED Memorandum No. 73, s. 2007. na naglalayong maibahagi at mas mapaigting ng mga kaguruan ang kanilang kahusayan at mga estratehiya sa pagtuturo.

Sina Bb. Penero, Gng. Bucad, at G. Manibog ang kauna-unahang mga guro sa BSHS na lumaban ng Face-to-Face na hindi naranasan ng ibang mga guro matapos ang pagkaantala dahil sa dalawang taong pandemya.

Mga huwarang guro ng BSHS, pinarangalan

Nina Ashley Canong at Aryanne Villasana

Nagkaroon ng pagpaparangal sa mga Huwarang Guro sa Bagong Silangan High School (BSHS) noong Abril 14, 2023, upang bigyang pagkilala ang mga guro sa bawat departamento na nagpamalas ng natatanging kagalingan Mula sa departamento ng

Filipino nagwagi si G. Enrico Galang Jr., sa departamento naman ng Ingles si Gng. Mary Joy Lacaba, sa departamento ng Matematika si G. Benigno

Baluyut, habang sa departamento ng Science si Bb. Daivey Ugaddan, sa departamento ng Araling Panlipunan si Gng. Juliet Cajigal, sa departamento naman ng ESP si Gng. Mae Bucad, samantala sa departamento naman ng TLE si Gng. Maricon Teodoro at sa departamento ng MAPEH si Gng. Maria Luisa Montes. Pinili ang mga huwarang guro ng kanilang mga kasamahan at puno ng kagawaran batay sa kanilang mga performance at achievements.

05 ANG DALUBWIKA AGOSTO 2022-HULYO 2023
Shaquera Marie Llaneta - BOSES NG TAGUMPAY. Ibinibida ng Filipino Radio Broadcasting ng Bagong Silangan High School ang kanilang tropeyong nakamit mula sa DSSPC 2023 sa San Francisco High School ngayong ika-apat ng Marso, 2023. ENRICO GALANG JR.
- Michaella Celine N. Torion, Punong Patnugot ng Ang Dalubwika HATID NA GABAY. Ipinapaliwanag ni G. Enrico C. Galang Jr. sa mga mag-aaral ng Pamamahayag ang mga rebisyon na kailangang gawin sa kanilang pahayagan. TOMMY LLANES

OPINYON

PATNUGUTAN

PUNONG PATNUGOT

Michaella Celine N. Torion

IKALAWANG PATNUGOT

Alyssa Mae P. Delos Santos

TAGAPAMAHALANG PATNUGOT

Cristal Mae O. Cho at

Mecca Angela L. Castillo

PATNUGOT SA BALITA

Fame Louise A. Kallos

PATNUGOT SA EDITORYAL

Kisha Rose O. Elizada

PATNUGOT SA LATHALAIN

Faye Shanneine C. Diaz

PATNUGOT SA AGHAM

Syesha Anne C. Mangila

PATNUGOT SA ISPORTS

Jonas Paul J. Sukim

TAGA-ANYO NG PAHINA

Eunice Marielle T. Torres

Brent Jarred A. Salacup

Mark R. Tataro

TAGAKUHA NG LARAWAN

Lalene L. Mirabona

Nicole Ann L. Gangani

KARTUNISTA

Chrisnel Lloyd R. Agati

Jayross Dave T. Garbin

Nayr M. Macaraeg

TAGA-ANYO NG GRAPIKO

Prince Tommy M. Llanes

MGA TAGAPAG-ULAT

10-BENEVOLENCE, 10-COMPASSION 9-BENEVOLENCE, 9-COMPASSION

TAGAPAYO

Enrico C. Galang Jr.

PUNO, KAGAWARAN NG FILIPINO

Gloria C. Cruz, HT-VI

KATUWANG NA PUNONGGURO

Ferdinand P. Noble

Assistant School Principal II

PUNONGGURO

Maria Gina M. Rocena, Principal IV

TAGAMASID PANSANGAY NG

PAMAMAHAYAG SA FILIPINO

Rodolfo F. De Jesus, Ed. D

Education Program Supervisor

TAGAPAMANIHALA, SANGAY NG

LUNGSOD QUEZON

Carleen S. Sedilla, CESO V Schools Division Superintedent

Ang pagbibili ng tinta sa daliri ay parang pagbebenta ng karapatang pantao na ipinaglalaban ng masang Pilipino. Piliin ang karapatdapat, piliin ang may alam at sa paki ay hindi salat.

PONDOsyon para sa dekalidad na Edukasyon

Huwag tipirin ang edukasyon dahil ito lang ang tanging maibibigay natin sa mga kabataan na tiyak na hindi masasayang kailanman.” -Pangulong Bongbong Marcos

Hindi na bago sa atin kung sasabihin ng Kagawaran ng Edukasyon na, “May budget restriction.” at “Hindi sapat ang pondo.” Dala ng kakulangan ng pinansyal na suporta, hindi na nagagarantiya sa mga kabataan ang dekalidad na edukasyon na dapat nilang tinatamasa. Ang sektor ng Edukasyon ang may pinakamataas na alokasyon sa pambansang badyet. Sa DepEd napupunta ang pinakamalaking bahagdan ng pondo ng bansa na dapat sana ngayong taon ay 830 bilyong piso ngunit nauwi sa 678.3 billion pesos na gagamitin sa pagpapatayo ng eskwelahan, pagbili ng panibagong mga kagamitan, pagkumpuni sa mga impraestrukturang nasira, sahod ng mga guro at iba pang kawani ng kagawaran, gastusin para sa mga seminar, atbp.

Bata ako, hindi bata lang

Bilang isang kabataan, may karapatan akong makialam sa mga isyung pampolitika lalo na kung ako ay apektado nito.

Sabi nila, bata pa lang ako, walang alam, at puro talak lang. Ang hindi nila alam, mulat na ako sa katotohanang hindi na aayos ang pamamalakad kung may gahaman pa ring hayok sa kapangyarihan.

Bagama’t ganoon ang sinasabi nila, hindi mababaluktot ang paninindigan ko. Boboses pa rin ako dahil may mga karapatan akong dapat

tamasahin kahit bata pa ako.

Maraming kabataan sa panahon ngayon ang lumalaban dahil may ipinaglalaban. Wala man sa wastong gulang, tumitindig na sila para sa tama. Pilit mang pinatatahimik pero dahil may alam, hindi sila nagpapatinag sapagkat instrumento sila ng mahihinang hindi kayang tumayo sa sarili nilang paa.

Ayon sa survey ng Ang Dalubwika, 32.6% ng mga mag-aaral ang rehistrado na para sa darating na Sangguniang Kabataan

Mahal na patnugot, Magandang araw po, nais ko po sanang sabihing naaapektuhan po kami ng paiba-ibang class schedule. Bilang isang mag-aaral na nasa ikapitong baitang, nahihirapan kaming mag-aral nang mag-isa sa bahay lalo na kung ito’y hindi naituturo nang face-to-face. Dahil sa sobrang dami ng ipinagagawa, nakararanas kami ng depresyon sa murang edad. Sana po maayos ang schedule ng pagpasok dahil nakaaapekto ito sa aming mga grado.

- Chesney C. Aclon | 7 - Benevolence

Aminado si VP at kalihim ng DepEd Sara Duterte na kulang ang pondo na inilalaan sa kanila. Halimbawa sa nakalipas na pananalasa ng bagyong Karding, umabot sa 112 milyong piso ang halaga na kinailangan ng DepEd para sa pagkumpuni ng mga nasira. Humiling din ang kagawaran ng confidential fund na nagkakahalaga ng 150 milyong piso na gagamitin sa pagtugon sa problema sa karahasan kabilang ang sexual abuse, child labor, terrorism, at paggamit ng ilegal na droga.

Totoo bang nagagasta ang pera ng bayan sa makatarungang paraan?

Baka kasi napupunta na naman sa bulsa ng mga kurap na opisyal, tulad sa isyu ng overpriced laptop na para sa pang-online class ng mga guro na binili ng 2.4 bilyong piso na overpriced ng mahigit 980 milyong piso at tila pinaglumaan na ng panahon ang ispesipikasyon. Alinsunod sa agenda ng DepEd na MATATAG, “TAke steps to accelerate the delivery of basic education services and provisions of facilities.” Nais nitong gawing dekalidad ang pagtuturo sa pamamagitan ng pagbibigay

dekalibRhae

ng maayos na pasilidad at kagamitan.

Tulad ngayon, sa matinding init na nararamdaman, nakakaranas ng hilo at sakit ng ulo ang mga mag-aaral dahil sa kakulangan ng bentilador at sobrang siksikan sa silid-aralan. Kung hindi lang kurap ang namamahala simula’t sapul, baka naka-aircon na ang lahat ng mga pampublikong paaralan sa bansa.

Wasto ba ang paggasta ng mga nangangasiwa? Dahil kung oo, hindi natin kailangang danasin ang init, siksikan, kulang na mga kagamitan, at hindi epektibong pagkatuto.

Para sa matatag na pundasyon ng edukasyon, kailangan ng pondo, at para sa maayos na serbisyo, kailangan ng pera pangsuporta.

Tipirin man o hindi, tanging ang edukasyon lamang ang magaahon sa pagkalunod sa kamangmangan. Umpisahan nang sugpuin ang mga buwaya at pagaralang maigi ang paggasta sa pondo na pundasyon ng maayos na edukasyon.

Ni Georgina Rhae Pineda

Election at 67.4% naman ang hindi pa. Wala pa man tayong partisipasyon sa mga halalan, mayroon pa rin tayong karapatang dapat ipaglaban. Ako bilang isang rehistradong botante ng SK, sisiguraduhin kong pipili ako ng karapat-dapat at alam kong may pakialam sa nasasakupan. Huwag maniwala sa mga sabi-sabing, “bata ka pa at walang alam” dahil ang kabataang hindi nagbubulag-bulagan sa mga nakikitang dapat inaaksyunan ay ang tunay na pag-asa ng bayan.

Liham sa Patnugot

Porsiyento ng mga mag-aaral rehistrado na para sa darating na halalan ng Sangguniang Kabataan.

Malugod na Pagbati! Chesney, salamat sa’yong komento, napakaganda ng iyong punto. Dahil sa sandamakmak na gawain, nakararanas ng depresyon ang mga bata. Sana lahat ng estudyante ay tulad mo na may pakialam sa mga isyung dapat tinatakalay at bukas ang isipan na may paninindigan.

ANG DALUBWIKA AGOSTO 2022-HULYO 2023
6
- Michaella Celine Torion | Punong Patnugot
‘‘

Resesh

Napakasakit, kuya Eddie ang sinapit ng aking tiyan. Napakasakit, kuya Eddie sabihin mo kung ano ang gagawin sa labing limang minutong recess.

KALIGTAsan

Marami ang nalungkot at nagulat sa pagkamatay ng isang estudyante ng Culiat

High School matapos saksakin ng kaklase sa loob mismo ng paaralan dahil umano sa selos.

Dahil sa nangyari, pinaigting ang seguridad sa mga pampublikong paaralan sa lungsod.

Bago pumasok ang mga mag-aaral, isa-isang tinitingnan ang laman ng kanilang bag upang masigurong walang dalang ipinagbabawal na gamot at mga patalim na maaaring maging sanhi ng disgrasya.

Sa kabila ng mga pag-iingat na ginagawa ng paaralan, hindi pa rin maiiwasan ang mga karahasan sa loob ng paaralan.

Kaya naman, mabuti kung magkakaroon ng mga awareness program sa mga paaralan upang mas maintindihan ng mga mag-aaral kung ano ba ang mabuting maidudulot ng mga paghihigpit na isinasagawa.

Sino ang magaakalang sa murang edad, makagagawa na ang isang estudyante ng kasalanang magbubunga ng hinagpis ng iba?

Nang dahil sa hindi pagkakaunawaan, humantong ito sa kamatayan.

Malayo-layo pa ang lalakbayin natin upang maseguro ang kaligtasan ng mga estudyante.

Ngunit kung lahat ay kikilos, mas mapadadali ang pagresolba sa mga problema.

Ika nga nila, dumarating ang panganib sa oras at lugar na hindi mo inaasahan. Sino bang mag-aakala na may magaganap na patayan sa loob ng paaralan lalo na at itinuturing itong pangalawang tahanan ng mga mag-aaral?

Kumakalam ang sikmura naming mga magkakaklase habang nasa klase. Kulang na kulang ang oras na ibinigay sa’min para makapagpahinga. Kahit na dalawang beses pa ang recess, hindi pa rin ito sapat lalo na ‘pag mahaba ang aralin na tinatalakay.

Ang iba ay nagkakasakit dahil sa pagmamadali sa pagkain, ang iba naman ay dahil ‘di na nakakakain. Kailan ba ito mabibigyang pansin? Marami na ang nagrereklamo pero ang mga tainga nila’y nakasarado. Paano matututo ang mga estudyante kung sila

ELLAlahad

ng peligro sa kapwa estudyante.

ay gutom? Hiling lang naman naming mga magaaral na dagdagan ang oras ng recess dahil hindi ito sapat para makakain at makapagpahinga.

Ayon sa mga eksperto, may ginagampanang malaking papel ang breaktime sa mga magaaral. Mas mataas ang nakukuhang marka ng bata kung may sapat siyang pahinga. Nakatutulong din ang recess upang mas maging produktibo at mas makapagpo-focus sila sa aralin.

Maraming masamang bunga ang kakulangan ng breaktime sa mga

Silip sa sistemang bulok

Hindi pa nagsisimula ang klase, mukha na akong pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa haba ng pila na lagi kong naaabutan.

Magmula noong unang magkaroon ng on-the-spot inspection sa paaralan, araw-araw na itong ginagawa. Dahil sa mabagal na pag-scan, nagbubunga ito ng pasikot-sikot at buholbuhol na pila.

Layon nitong mapigilan ang pagpasok ng mga bawal na kagamitan sa loob ng paaralan, tulad ng mga ilegal na droga, armas, o anumang bagay na maaaring magdulot

Mahalagang isaalangalang ang karapatan naming mga mag-aaral na nababahiran ng inspeksyon na ito. Kailangan itong gawin sa makataong paraan, na hindi nagpapakita ng paglabag sa privacy o karapatang pantao ng isang estudyante.

Hindi ko sukat akalain na pati sa “simpleng” gawaing ito, malinaw pa rin na makikita at mararamdaman ang diskriminasyon pagdating sa kasarian. Hindi porke’t babae ay hindi na kayang magdala ng mga bagay na ikapapahamak ng iba, at hindi porke’t lalaki

TEN PLUS TWO EQUALS PAGBABAGO

Oh jusko! Salamat at makakaramadam na rin tayo ng pagbabago! Sa kurikulum nga lang. Isinusulong ni

House Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang House Bill No.7893 na nagnanais palitan ang K to 12 education program ng

tinawag niyang “K+10+2.”

Katulad ito ng sistema ng Edukasyon dati kung saan kinokonsiderang nakapagtapos ka na ng pag-aaral sa junior high school pagtapos mong malampasan ang baitang 10.

Dahil binigo tayo ng K to 12 curriculum, nais itong baguhin ngayon dahil para sa ibang mga magulang at mag-aaral, dagdag gastos at aksaya lamang sa panahon.

Ipinatupad ang K to 12 para pataasin ang kalidad ng edukasyon at pantayanang 12-year basic

education ng ibang bansa dahil tanging Pilipinas na lamang ang mayroong 10year basic education sa buong Asya. Maaari na ring makapag-apply ng trabaho kapag nakapagtapos na ng senior high school.

Ngunit batay sa datos ng Philippine Business for Education, 14 sa 70 na kompanya lamang ang tumatanggap ng empleyadong SHS graduate dahil halos ang lahat ng kompanya ay mas pinipiling tumanggap ng mga nakapagtapos ng kolehiyo.

Sa pamamagitan ng K+10+2, ang sinumang mag-aaral na ayaw nang magkolehiyo ay makapagtatapos na ng hasykul kapag natapos niya ang sampung taong basic education. Hindi na niya kailangan pang gugulin ang dalawang taon para sa tinatawag na post-high school at pre-university.

Batay sa survey ng patnugutan ng Ang

ay laging may dalang patalim. Maging patas sana sa pagkilatis, huwag mag- palamon sa mga nakasanayang paniniwala.

Dapat ding magbigay ng sapat na paliwanag ang paaralan sa pagsasagawa ng inspeksyon upang maunawaan ng mga magaaral ang layunin nito.

Sa huli, ang paginspeksyon ng mga bag sa paaralan ay isang mahalagang hakbang upang masiguro ang kaligtasan ng lahat. Kailangang sundin ito at magtulungan upang maiwasan ang mga hindi kanais-nais na pangyayari sa ating paaralan. Kaya nabubulok kasi maraming namamaluktot.

estudyante. Isa na rito ang mabilis na pagkapagod ng katawan at utak dahil kulang ang oras ng kanilang pagpapahinga.

Napakaimportante ng breaktime sa mga estudyante lalo na at ang iba ay pumapasok ng walang laman ang tiyan. Tanging oras lang para makapagalmusal ay tuwing recess. Nawa ay mabigyan ito ng solusyon ng mga namumuno sa paaralan at ilagay ang kanilang sarili sa kalagayan ng mga magaaral na kung minsan ay pumapasok sa eskwelahan nang walang tulog at laman ang tiyan.

Dalub-survey

Isang mainit na usapin ang pagkabigo ng 12 taong basic education na dapat magpataas sa kalidad ng edukasyon. Kaya pinulsuhan namin ang mga mag-aaral ng BSHS sa isyu ng K to 12 curriculum.

Pabor at hindi pabor tanggalin ang K-12

21%

79%

Pabor at hindi pabor palitan ng K+10+2 ang K-12

Dalubwika, 21% lamang ng mga Grade 10 ang pabor na alisin ang K to 12 at 79% naman ang hindi. Anila, daan daw ang K to 12 para paghandaan ang kolehiyo at mas maging dekalidad ang edukasyon ng mga mag-aaral. Kung sakali

man na palitan ang K to 12 ng K+10+2, 8.7% lang ang hindi na tutungtong ng post-high school dahil 91.7% ng mga estudyante ang sigurado at gustong makapagkolehiyo

sa hinaharap.

Marahil

hindi pa mulat ang tao sa mga nangyayari sa paligid. Hindi pa nila napapansin ang kapalpakan ng kurikulum

na dapat nagpaunlad at tumulong na makamit ang tunay na dekalidad na edukasyon at maaaring hindi pa nila alam na napag-iiwanan na ang bansa sa usapin ng maayos na sistema. Kung hangad ng pagbabago, ipatupad ang nais ni dating Pangulong Arroyo.

Tinik ng Rosas
Meccakaiba
Ni Kisha Rose Elizada
38.4% 61.6% 07
ANG DALUBWIKA AGOSTO 2022-HULYO 2023
OPINYON

PasiliDEAD

Siksikan, gitgitan, init, at kakulangan sa pasilidad ang kalaban ng mga kagaya kong mag-aaral ngayon na nasa pampubliko na paaralan.

Bilang isang

aktibong representative ng Supreme Student Government ng paaralan, nakikita ko ang suliraning kinahaharap ng

paaralan katulad ng kakulangan ng

bentilador at silid-aralan na nagbubunga ng siksikan at init na nararamdaman.

Parking lot ng eskwelahan ang nagsisilbing silid ng iba kong kamag-aral dahil kulang ang 33 kwarto ng paaralan. May bagong building nga ngunit hindi pa rin ito sapat para sa 5,767 estudyante ng Bagong

Silangan High School.

Limitado lang din ang mga bentilador na mayroon sa bawat silid. Ang iba pa rito ay despalinghado

kaya hindi na rin napapakinabangan.

Pamaypay at tubig ang kasangga ng katulad kong magaaral dahil sa init na nararanasan sa paaralan. Kahit pa hatiin nila ang iskedyul para kumaunti ang bilang ng pumapasok, hindi pa rin ito epektibo.

Bagkus ay nagpapahirap lamang ito sa gawain ng mga guro.

Temperatura ng panahon na mismo ang kalaban ko, dagdag lang ang kakulangan ng pasilidad dahil matagal na itong suliranin ng edukasyon na hanggang ngayon hindi pa rin sinosolusyonan.

Kaya naman sa mga nanunungkulan, kahit wala kaming binabayaran kahit piso, karapatan namin ang makapag-aral nang maayos. Pagtuonan nawa ng pansin ang mga suliranin dahil hindi lang estudyante ang naaapektuhan, maging ang mga kaguruan din.

FAIRrer

TANIKALANG BAHAGHARI

Sa apat na sulok ng silid, mararamdaman mo ang isang bahagharing pumipiglas na tila ibong pilit na kumakawala sa isang hawla.

Kawalan ng kalayaan at pagkakapantay-pantay ang dinaranas ng mga estudyante sa paaralan dahil sa ilang mga guro’t kamagaral na kinukutya ang kanilang pagkatao’t postura.

Noong 2012, naglabas ang DepEd ng D.O. 40 o ang Child Protection Policy na naglalayong tumugon sa bullying at diskriminasyon sa eskwelahan.

Gayunpaman, may ilan pa ring pamunuan at mga guro ang tutol sa mga bakla at transgender na nagdadamit pambabae. Anila, hindi naman kailangan pang magsuot ng pambabaeng kasuotan ang mga bakla. Isa pa, huwag naman daw sanang umabot sa sitwasyon na kailangan nilang maging babaeng-babae para lamang sa kanilang kagustuhan sapagkat nasa eskwelahan sila upang mag-aral, at hindi magpaganda.

Tunay na hindi naman sa pisikal na pananamit nakikita ang kahusayan sa larangan ng akademya, bagkus sa

miyembro ng LGBTQIA+.

Laganap na ang stereotyping sa kasarian ng bawat tao. Palaging bukang-bibig kung ano ang nararapat na gampanan ng lalaki’t babae na itinakda ng lipunan.

TANIKALANG BAHAGHARI promOUTion

Napakaswerte ko talaga dahil nagkaroon ako ng isang gurong masipag, magaling magturo, at higit sa lahat ay maasahan.

Kaya naman walang duda kung umaangat ang kanyang katayuan sa propesyon ng pagtuturo. Ngunit sa kabilang banda, nakalulungkot naman dahil ang kapalit ay ang paglipat naman sa ibang paaralan upang magpatuloy sa bagong yugto sa pagtuturo. Marami ang mga guro sa pampublikong paaralan ang kinakailangang lumipat sa ibang eskwelahan tuwing napo-promote ang kanilang ranggo sa pagiging guro. Ngunit paano na lang ang mga mag-aaral na kanilang naiiwanan sa kalagitnaan ng pagtuturo?

Malaki man ang tulong nito sa mga guro, may mga negatibong epekto naman ito sa mga magaaral na kanilang naiiwan. Katulad ko, tunay akong nanibago nang mapalitan ang aking guro pagkatapos ng unang markahan namin dahil iba na naman ang gurong magtuturo sa amin.

Naisip ko na panibagong adjustment na naman ang mangyayari dahil ang aming gurong tagapayo ay napalitan.

Kung mayroong guro na aalis sa isang paaralan dahil sa kanyang pagkakapromote, hindi malabo na mahirapan ang mga estudyanteng kaniyang maiiwan sa kalagitnaan ng taong panuruan. Bukod sa maninibago ang mga magaaral, iba-iba rin ang paraan ng pagtuturo ng mga guro na maaaring makaapekto sa pagkatuto ng mga bata.

Sa kabuuan, nakatutuwang makita na maraming guro ang tumataas ang ranggo dahil siguradong iyan ang pangarap nila simula nang pumasok sila sa industriya ng pagtuturo. Ngunit, nakalulungkot din dahil minsan ito rin ang nagiging dahilan ng pagkaiwan naming mga mag-aaral.

Ngayon, para sa minamahal naming mga guro, huwag niyo sanang basta iwan ang mga kagaya kong mag-aaral. Punan niyo sana sa ibang paraan ang pagtuturo na inyong sinimulan bago kayo magpaalam dahil sa huli, kayo rin naman ang dahilan para makamit ng inyong mga tinuturuan ang kanilang mga pangarap sa hinaharap.

Bagamat kahit umiiral na ang mga patakaran, hindi ito epektibong naipatutupad. Ito’y humahantong sa patuloy na pagmamaltrato ng mga kawani’t guro sa mga mag-aaral na LGBTQIA+.

Nagdidikta ang mga paaralan ng mahigpit na pamantayang pangkasarian sa mga estudyante tulad ng wastong uniporme, paglimita

matamasa ng mga miyembro ng LGBTQIA+ Community ang kalayaan at karapatan na dapat nilang makamtan. Sa mga paghihirap at kawalan ng ekwalidad na kanilang nararanasan sa paaralan, hindi sapat ang mga batas o organisasyon ng bansa kung walang aksyon na ginagawa ang bawat tao. Hindi sa pananamit o pisikal na kaanyuan makikita ang tunay na kadakilaan ng puso. Ang kalayaan ay para sa lahat, hindi lamang para sa mga matataas. Tandaan, hindi masamang maging maselan kung ekwalidad ang pinag-uusapan. Makiisa, at lisanin ang diskriminasyon.

SAYlanganians

Epektibo ba ang paghati ng iskedyul ng lalaki sa babae para mabawasan ang init sa eskwelahan

Hindi epektibo ang paghiwalayin sila para mabawasan ang init na nararamdaman. Bigyangsolusyon sana ang suliranin sa init ng panahon sa paraang hindi naisasakripisyo ang karunungang dapat matamo ng bawat mag-aaral.

Base sa aking obserbasyon, hindi epektibo ang bagong iskedyul na ipinatupad dahil ganun pa rin naman ang init na nararanasan ng mga mag-aaral sa tuwing sila’y papasok.

- Fame Louise Kallos 10 - Benevolence

Dagitab ng Kalayaan Ni Xairah Lhane Garcia
?
“ “
promotion 08 OPINYON ANG DALUBWIKA AGOSTO 2022-HULYO 2023
- Lorena Quindoza Guro sa Filipino

Para kanino ka bumabangon?” Tanong sa commercial ng Nescafe 3 in 1 na paulit-ulit na sumasagi sa aking isipan. Para kanino nga ba ako bumabangon? Dati naman ay lagi kong wari ang sagot diyan. Ngunit nang dumaan ang pandemya, naglaho ito nang tuluyan. Taong 2020, naranasang mabilanggo sa sariling isipan. Nawalan ng inspirasyong bumangon, binalot ng lungkot at kadiliman, palaging nag-iisa, at walang ganang makisalamuha sa kapwa na siyang nagpabago sa akin.

Ayon sa Council for the Welfare of Children, 34% ng mga kabataan ang nagpahayag ng kalungkutan, takot, at pangamba sa kasagsagan ng pandemya. Nilason nito ang masayahing isipan ng mga tao na siyang nagpalala ng kalagayan ng mentalidad ng bawat isa.

Dalawang taon ang nagdaan, pandemya ay lumipas. Unti-unti akong namulat sa mundong ginagalawan at nagising sa mahimbing na diwang natutulog. Maraming pagbabago ang nasaksihan. maraming pangyayari ang napagdaanan, ngunit ako ay bilanggo pa rin sa kulungan ng nakaraan.

Hindi ito nagtagal noong nakilala ko siya. Ang tumulong sa aking idilat ang mga matang nakapikit buhat ng nakaraan. Ang nagturo sa aking magkaroon ng boses at mata sa lahat ng ginagawa. Ang nagturo sa aking maging bukas at hindi maging sara.

Siya ang nagpalaya sa aking kulungan na matagal ko nang gustong labasan. Nang dahil sa kaniya, unti-unti kong natagpuan ang sarili ko at napagtanto kung sino nga ba talaga ako. Ako ay naging masayahin, masigla, at lagi ng may ngiti sa labi. Dahil sa kanya, nahanap ko na ang tunay na kasagutan kung para kanino nga ba ako bumabangon. “Para kanino ka bumabangon?” Bumabangon ako para sa sarili ko, sa pamilya. sa mga kaibigan ko at sa mga tao. Dahil sa pandemya, marami akong napagtanto, maraming aral ang natutunan, maraming problema ang nalampasan, na babaunin ko habang patuloy na bumabangon sa buhay ko dahil hindi lang naman sa akin umiikot ang mundo.

ALPAS LATHALAIN

PAHIMAKAS SA PAHIMAKAS SA TAONG LUMIPAS TAONG LUMIPAS

Edukasyon ang tanging kayamanan na hinding-hindi

mananakaw sa kahit kaninuman. Subalit sa likod ng kinang ng kayamanang ito, ay mayroong kawatan na tumatangay dito.

Tuwing umaga ng

Sabado, ginagayak na ni Aling Delia Caraig ang kanyang sarili sa pagpasok sa Alternative Learning System (ALS) ng Bagong Silangan High School. Saisenta na si Aling Delia subalit hindi ito naging hadlang upang abutin ang pangarap

na makapagtapos ng pag-aaral. Pang-anim sa 12 magkakapatid si Aling Delia.

Bunsod ng kahirapan, kinailangan niyang magpaubaya sa kanyang mga kapatid sa pag-aaral at matutong kumayod para sa ikabubuhay ng kanilang pamilya.

Ilang dekada ang dumaan, at nagkaroon na rin siya ng sariling pamilya. Minabuti niyang maibigay ang lahat ng

pangangailangan ng

kanyang mga anak gaya ng

edukasyon na bigo niyang matamasa noon.

Bagaman mayroong asthma at sumasailalim sa

monitoring kada anim na buwan para sa kanyang benign breast cyst, hindi pa rin nawawala ang kanyang determinasyon na makapagtapos.

Balak pa rin niya na pumasok sa senior high at kolehiyo upang manghikayat ng mga Out-of-School Youth at Adult (OSYA) na ipagpatuloy ang pag-aaral sa tulong ng ALS.

Kaya naman, payo niya sa mga kabataan, habang may pagkakataon at nagpapaaral, o hanggang kayang pag-aralin ang sarili, huwag tumigil sa pag-aaral at matutong abutin ang mga mithiin sa buhay.

09
Ni Angel Frank Lavarez

Iskul is COOL COOL COOL

Sabi nila sa iskul palaging cool, pero dahil summer at may klase pa, hindi na cool sa iskul.

Noon, tuwing buwan ng Marso, bakasyon na ng mga mag-aaral. Ngunit ngayon, lumalangoy sila sa sariling pawis sa loob ng silid-aralan dahil Hulyo pa nila mararanasan ang bakasyon na kanilang inaasam.

Imbis na magpalamig at magpahinga, ngayon ay nasa paaralan sila at dumaranas nang nag-aalab na init ng panahon.

Mabuti na lamang at nariyan ang mga pamatid uhaw na nakapaligid sa paaralan na siyang nagiging kakampi ng mga mag-aaral sa tuwing sila’y naiinitan.

Dahil sa mga long weekend, nakararanas ang mga mag-aaral ng mumunting bakasyon na kanilang ginugugol sa pagliliwaliw at pamamahinga sa kanikanilang tahanan.

Biyahe rito, biyahe roon, gala rito gala roon, alis dito, alis doon, punta rito, punta roon. Magagawa iyan lahat ng mga mag-aaral pagdating ng Hulyo bago muling sumabak sa panibagong taon ng pag-aaral sa Agosto.

LATHA
Ni KIsha Rose Elizada

SAMA KA SA BIYAHE KO?

SAMA KA SA BIYAHE KO?

Balik sa Bohol, balik. Sa imong kasing-kasing, ang Bohol kanunay gipitik”

Isang kantang

tanging sa Bohol ko lamang gustong mapakinggan nang paulit-ulit.

Taon-taon kaming nagbabakasyon ng aking pamilya sa iba't ibang panig ng Pilipinas. At ngayong taon, Bohol ang aming napiling paroonan. Hindi maipinta sa aking mukha ang saya noong nalaman kong doon kami magbabakasyon. Matagal ko na kasing pangarap makapunta roon.

Isang linggo bago ko matamasa ang aking pangarap, nalaman ko ang araw ng aming pag-alis ay ang araw ng aking markahang pagsusulit. Kung gaano ako kasaya noong nalaman ko na roon kami

sa aking nararamdaman

sa sarili ko, "bahala na, kaya ko naman

susubukan ko na lang na 'wag na munang isipin at mag-enjoy na lang sa Bohol."

Matatagpuan sa gitnang Visayas ang

Wow, p a m t id u h aw! a

Bakit uhaw sa‘yong sayaw? Bakit ikaw?

‘Di bibitaw, sa’yong-sa’yo, laging ikaw

Ako’y giniginaw, halika rito samahan mo ako humanap ng pampatid uhaw na nararamdaman ko.

Halos hindi magkanda-ugaga ang mga estudyante kung paano mapapawi ang init na nararamdaman nila. Kung kaya, naglista kami ng anim na mga pamatid sa init at uhaw na makikita lamang sa loob at labas ng paaralan.

Ngunit, bago natin isa-isahin ang mga ito ay may criteria kaming inihanda. 5 stars, kasing lamig ng pakikitungo ng ex mo sa iyo. 4 stars, kasi ang sarap mo Pia! 3 stars, sakto lang, nothing special gaya ni anek na wala ka lang sa kanya. 2 stars, kasing baba ng nararamdaman niya para sa iyo, at 1 star naman dahil manhid na siya sa iyo.

mahilig ka sa paggagala, tiyak na Bohol ay iyong mamahalin at babalikbalikan. Sobrang daming puwedeng gawin dito, kagaya ng pagsakay sa All-Terrain Vehicle at ikutin ang sikat na Chocolate Hills. Puwede rin puntahan ang isa sa mga tanyag sa lugar, ang mga mamag o tarsiers. Kung mahilig ka naman sa dagat, puwedengpuwede sa iyo ang island Hopping na maaari kang mag-snorkle at sisirin ang ilalim ng karagatan. At siyempre, para sa mga Katoliko, nariyan ang mga simbahang itinayo noon pang 1500s tulad ng Baclayon Church, Dauis Church, at iba pa. Sa kabila ng mga magagandang tanawin sa Bohol, isa pang nakapagpaantig sa aking puso, na pinakaimportante para sa akin ay ang mababait at masiyahing mga Boholano. Hindi ko inaasahan ang mainit na pagtanggap nila sa amin kasabay ng magagandang ngiti sa kanilang mga mukha. Totoo nga ang sabi nila, talagang may alab na kabutihang nanaig sa puso ng mga Boholano. Paano ba kasing

ang Bohol? Paano ba naman, halos lahat ng mga makikita nating magagandang tanawin, ay

Kaya ano, sasama ka ba sa biyahe ko?

SAGING CON YELO, yan ang go to ng mga magaaral dito sa BSHS. Sa kinse pesos na presyo nito ay abot kaya naman at katamtaman lang ang lasa kung kaya ang rate nito ay 3 stars, sakto lang nothing special gaya ni anek na wala ka lang sa kaniya.

SORBETES, saan aabot ang bente mo? Mayroon ding sorbetes na mabibili sa 7/11 na patok sa mga mhiema niyo. Go to rin ‘to ng mga estudyante dahil mukhang estitik ang vibes. Masarap naman ang lasa pero mabilis lang matunaw, 4 stars ang ratings kasi ang sarap mo Pia!

MILK TEA, kung nakaluluwag-luwag ka naman d’surb mong mag KKOPI. Bukod sa instagramable nilang lugar ay masarap din ang mga produkto nila at talagang binabalik-balikan ng mga estudyante, hindi gaya mo na hindi na binalikan. Kung ratings naman ang basehan ay 5 stars, kasing taas ng pride ng jowa mong laging tama.

SAMALAMIG, kung mainit ang ulo mo, sign na to para magpalamig ka. Sa tindang palamig ni manong sa gilid ng Yengco St., abot kaya ang presyo na lima hanggang sampung piso kaya lalamig talaga ang ulo mo sa nakaka-refresh na feels nito. Gaya ng milk tea, 5 stars din ito.

SHAKE, isa ito sa pinaka-affordable at go to ng mga mag aaral dahil sa sampung piso mo ay mabibili mo na ito at talagang mabe-brain freeze ka sa lamig nito at ang rate para dito ay 5 stars.

Sa lahat ng nabanggit, alam naman nating ICE TUBIG pa rin ang hahanap-hanapin mo. Bukod sa panawid uhaw at init, alam naman nating kaya itong mabili ng kahit na sino. Sa panahon ng tag-init, wag ka ng magtiis! Ito na ang sign para ika’y magpalamig.

ALAIN 11 AGOSTO 2022-HULYO 2023
LALENE MIRABONA TOMMY LLANES BRENT SALACUP

journaLOST

Gusto ko… Ayoko… Gusto ko… Ayoko…

Napitas na lahat ng bulaklak, hindi pa rin talaga, malabo pa rin pero malinaw na. Tinawag na sila ni Sir, kaya hindi nila na napansin kung gusto o ayaw ba talaga. Oras na naman para mag buhay artista.

Mahigit isang taon na nilang bitbit ang mga papuri na kailanman hindi nila pinangarap. Sa arawaraw na pag-arte nila na akala mo’y gustong gusto ang mga bagay na nakahain sa kanilang pinggan, talo pa nila ang mga batikang aktres sa pagpapanggap na may angking kahusayan at sakdal na pagmamahal sa kanilang mga nilalathala.

Timawa ng taon kung sila ay tawagin. Alipin ng kagustuhan ng ibang tao, alipin ng sariling paaralan. Ngunit kung pagmasdan, bata rin sila na may kagustuhan at may iba’t ibang kakayahan, gusto rin nilang maranasan na pumili ng naaayon sa kanila bilang isang kabataan, hindi ang pumili kung english o filipino ang nais nilang larangang kinabibilangan. Gusto nilang matulad sa kanilang mga sinusulat, totoo, malaya, pulido, at sigurado. Kinikilingan ang katotohanan, ngunit na wawarat sa tuwing kagustuhan na nila ang pag-uusapan. Pumasok sa

bagay na kung saan dapat totoo ang bawat salita na nilalaman ng kanilang mga artikulo, ngunit sa sariling mukha hindi kayang magpakatotoo. Hanggang kailan kaya nila ikukubli ang kanilang mga nararanasan?

Mga ipokrita, mga duwag, at mga martir ayan sila kaya ngayon opisyal na miyembro na sila ng journalost sa Silangan. Na-lost na, hindi lang sa mga Press Con, pati sa sarili. Simula’t sapul, walang wala na ang pinanghahawakan nila: kabuluhan ng ginagawa. Kahit anong pabango man ang itapal, ayaw pa rin kumapit at umaalingasaw ang matagal na ng kinikimkim. May pribilehiyo man sa mga karanasan at karunungan, ngunit wala naman sa kalayaan. Ano kayang pakiramdam na maging isang ordinaryong estudyante lamang?

Ayoko… ang lumabas sa tawas, binigay na ng natitirang petal ang kasagutang matagal na nilang hinahanap. Ayaw na nilang maging artista, sawang sawa na silang magsuot ng maskara. Pagod na silang maging bulag, pipi, at bingi, panahon na para ayusin muna ang nasimulan at itigil muna ang pagiging sunod-sunuran sa mga utos ng mga ginagalang.

Ang tanging gusto lang naman nila ay maging sila sa malayang lipunan. Walang diskriminasyon, walang panghuhusga.

Patasang Patasang Ukit

Buti nalang at may mga nakikipaglaban pa rin para sa karapatang niyurakan dahil sa kasarian. Patuloy silang bumoboses para sa mga taong walang kakayahang iparinig ang kanilang mga tinig dahil sa takot at husga na maaari nilang maranasan dahil gusto nilang ipadama ang tunay na sila.

Ilang taon pa ang daraan, at hindi pa rito matatapos ang laban dahil habang may tumitindig para matamasa ang mga karapatang dapat ay tinatamasa, ang pagbabago sa anumang porma ng pagtingin sa babae, lalaki, at LGBTQ+ ay makakamit.

Libo libong linya na ang iginuhit, gamit ang isang bagay na napaka tulis.

Ginuhitan ang bawat parte ng katawan, maibsan lang ang nararamdaman.

Ayon sa Department of Health ( DOH ),

taong 2019 nang sila’y makiisa sa World Health Organization (WHO) nanatili pa rin ang “suicide” sa isa sa pinaka matinding isyu na kinakaharap ng ating bansa. Tinatalang nasa 2.5 kada 100,000 populasyon ang nakakaranas nito. Pantay-pantay na pagtrato. Lagi nilang

sinasabi, ngunit ginagawa ba nila ito? Kapakanan ng mga kabataan ang nakakapagpabagabag sa aking kalooban. Kung patuloy pa ring uusad ang ganitong kasabihan, siguradong wala pa rin itong patutunguhan.

Makikinig lang ang ninanais nilang makasama, makikinig sa lahat ng nasa utak nila habang nagbabakasakaling makakaraos pa sa kalungkutang tila ikinulong na sila sa kadilimang nararamdaman nila.

Maraming sining na nai-pinta ngunit ito’y ipinag kakaila, kinukulayan minsan ng madugong pula ngunit madalas ito’y binubura. Nananahimik at kinikimkim ang lahat, sapagkat walang ibang kayang tumulong sa kanila, kundi ang sarili nila. Tagaktak ang pawis at luha, matapos umukit ng isang mala obreng tanda. Naging matapang at malakas sila sa labanang sila lang ang nakakakita.

Ni Eunice Marielle Torres Ni Faye Shannine Diaz Ni Michaella Celine Torion WALANG DISKRIMINASYON. Masayang nagtatawanan ang magkakaibigan at hindi inaalintana anuman ang pagkakaiba sa kanilang mga paninindigan. NICOLE GANGANI

Larawan mula sa https:// www.techrepublic.com/ article/apples-siri-the-smartpersons-guide/

Matapos ang mahigit dalawang taon na pagkakakulong sa loob ng tahanan, maraming nagsulputan na bagong kasangkapan na patunay na masyadong lumalawak ang ating kaalaman pagdating sa teknolohiya. Panahon na ito ng pagtanggap sa makabagong lipunan, kung sa tingin mo tila ay naliligaw, oras na para magising sa katotohanan. Unti-unti ng binabago ang hulma ng mundo patungo sa modernong wangis nito.

Dala ng hirap sa edukasyon dulot ng pandemya, kakulangan sa mga pasilidad at mga kagamitan sa paaralan, bagong pagaaral online ang solusyon ng lokal na pamahalaan. Platform for Your Learning Online (PYLON), isang bagong birtwal na sistema ng pagkatuto at pagtuturo para sa mga mag-aaral at guro ng iba’t ibang paaralan sa Lungsod Quezon.

Ipinakilala sa Bagong Silangan High School (BSHS) noong ika-17 ng Marso, taong 2023. Nagsagawa ng orientation upang magkaroon ng mas malawak na kaalaman at masanay sa paggamit ang mga mag-aaral. Pinangunahan ang training ng Orienter na si G. Rogelio Dela Cruz Jr., ayon sa kaniya “Ang kagandahan nito, magkakaroon ng sariling Learning Management System, hindi lang ang BSHS kundi ang buong Quezon City. Mas mapapaganda, mas maienhance natin ‘yung learning and teaching kahit na minsan nakukulangan ng classroom, tuloy pa rin ang pag-aaral.”

Dinaluhan ito ng iba’t ibang seksyon mula sa baitang 9, sa kanila isinagawa ang pilot testing ng Learning Management System (LMS).

NG PAARALAN, PYLON AGHAM

Tinuro sa kanila kung paano gamitin nang tama at paano gumagana ang PYLON website. Ang PYLON ay madaling gamitin, hindi ito katulad ng ibang website na kapag pinindot ay may kung ano-anong ads na lumalabas. Sa pagbukas ng website na pylon.com.ph, maaaring makipag-usap sa mga kaklase o guro dahil mayroon itong online messanging. Mayroong sariling kalendaryo, makikita ang mga dapat gawing takdangaralin, pagsusulit, mga paksa, at iba pa.

Ayon sa estudyante ng paaralan na si Angeline Rentoria, “Sa Pylon madali na doon kasi pupunta ka lang sa link; Isang click mo lang makababalik ka na agad.”

Isa itong makapangyarihang paraan upang mabigyang solusyon ang anomang suliranin sa pagaara. Hindi ito hadlang upang makapagtapos at makamtan ang mga hangarin sa buhay sapagkat sipag, tiyaga, at determinasyon ang magiging daan sa tagumpay.

Nangangapa man sa una ang mga estudyante dahil namulat sila sa “online class”, ngunit kalaunan gamay na gamay na ang pasikot-sikot sa teknolohiya dahil sa sandamakmak na paraan ang ginawa upang makasabay sa sistema. Dito naging patok ang isang uri ng robot na binuo upang tulungan ang mga tao lalo na sa edukasyon, ito ang Artificial Intelligence o mas kilalang AI.

Isa nga ang ChatGPT sa mga sikat na AI sa mga estudyante, dahil malaki ang naging epekto sa edukasyon ng mga mag-aaral. Kilala ang

ChatGPT dahil sa kakayahan nitong makapagbigay ng mga sagot sa iba’t ibang mga katanungan, magbigay ng mga impormasyon na mabilis at kayang makipagusap sa mga tao sa paraang natural. Bagamat, ang AI ay nakatutulong upang mapaunlad ang sistema ng edukasyon sa pamamagitan ng mga teknolohiya, meron at meron pa rin talagang negatibong epekto ito. Kung saan iaasa natin ang mga gawain dito at hahantong ito sa kawalan ng kasanayan sa pag-iisip at kawalan ng pagkakataong matuto.

Kailanman, hindi naging masama ang pagyakap sa modernisasyon, lalo na sa larangan ng edukasyon. Napakahalaga ang pagyakap dito upang mapaunlad ang ating bansa at masiguro ang ating kalagayan sa hinaharap Dapat tayong magbigay ng sapat na pondo, panahon, at suporta sa mga proyektong nakatuon sa modernisasyon. Ngunit huwag kalimutang ang pagtuturo ng etiketa sa paggamit ng teknolohiya. Sa ganitong paraan mas malayo ang mararating natin bilang isang bansa.

Hey ChatGPT, paano ito tigilan? KAKULANGAN
ANG DALUBWIKA AGOSTO 2022-HULYO 2023 13
Nina Syesha Anne Mangila at Janiela Albito
Ni Michaella Celine Torion DISENYONG PATOK SA MASA. Sinusubukan ng magaaral ang makabagong Platform for Your Learning Online (PYLON) sa Bagong Silangan High School. Eunice Marielle Torres

PAALAM COVID-19

Estadistika ng COVID-19

Buong mundo

5,118,187,728 (Fully vaccinated)

5,557,984,420 (At leasy one dose)

6,941,095 (Namatay)

767,750,853 (Kaso)

Pilipinas

66,476 (Namatay)

78,443,972 (Fully vaccinated)

82,684,774 (At least one dose)

na ang COVID-19 na hindi na isang Public Health Emergency of International Concern (PHEIC).

Ika-apat ng Mayo, Huwebes, ginanap ang isang ‘Emergency Committe Meeting’ tungkol sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19). Dito tinukoy ng World Health Organization (WHO) Director-General na ang COVID-19 ay isa na lamang ngayong isyu sa kalusugan.

4,148,401 (kaso)

Pagkain ang

kailangan, hindi Tobacco - DepEd

Yumabong para sa kinabukasan

Ayon sa Department of Education (DepEd), ang industriya ng mga tabako ay nagbago ng diskarte sa pamamagitan ng pagsabing “cool” ang paninigarilyo at vaping.

Obligasyon ng magulang, anak ay bantayan

Upang limitahan ang pagkakalantad sa mga bata, ipinagbabawal ang mga produktong tobacco sa loob at labas ng paaralan, at pagpapatibay ng kurikulum kaugnay ng “Proper food and nutrition”.

Sapat na kaalaman, tungo sa kaunlaran

Tumutok sa pag-aaral, lumayo sa mga gumagamit nito, alamin ang negatibong maidudulot sa kalusugan, ang ilan sa mga dapat gawin ng kabataan upang hindi maimpluwensyahan.

Ideya para sa pagbabago

Iba pang paraan upang mabawasan ang gumagamit ng sigarilyo at vape, mas mataas na buwis upang mapilitang hindi bumili ng maramihan at ilipat ang mga magsasaka sa mas malusog na agrikultura ng pagkain.

Sa loob ng tatlong taon, umabot sa 767,750,853 milyong kaso ng COVID-19

Nasa 5,557,984,420

bilyon naman na mga tao sa buong mundo ang nabakunahan na ng kahit isang dosis habang

5,118,187,728 bilyong

tao na ang fully vaccinated o kompleto na ang dosis.

Ang mga bakuna na ito ay Pfizer, AstraZeneca, Jhonson and Jhonson, Moderna, Sinovac, atp.

Sa Pilipinas, ang kabuuang kaso ay umabot

sa 4,148,401 milyon na

at ang mga nasawi ay 66,476 libong tao, habang

82,684,774 milyon na

ang nabigyan na ng kahit isang bakuna, at 78,443,972 milyon na ang kompleto ang bakuna sa Pilipinas.

Isa ang Lungsod Quezon sa may pinakamaraming mga kaso ng COVID-19 na pumalo sa 300,009, 297,203 rito’y magaling na, at 2,380 naman ang namatay

Sakop naman ng

Lungsod ng Quezon ang

Barangay Bagong Silangan na nasa pangalawang distrito na may kaso na umaabot sa 4,868 at 4,813 rito ay ang mga gumaling at 51 ang namatay.

Kahit idineklara na ng WHO na hindi na PHEIC ang COVID-19, walang sinabi na ang pandemya ay tapos na. Sinabi ni Department of Health (DOH) Health Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire sa isang briefing, “We want to remind everyone that even though the PHEIC has been lifted, we cannot be complacent at this point. We still need to be vigilant.”

Dental Caravan, ngiti ang hatid

Muling masisilayan ang mga abot tengang ngiti ng mga mag-aaral ng Bagong Silangan High School (BSHS) dahil sa tulong ng Dental Caravan.

Benipisyaryo ng

programa ang mga magaaral ng BSHS mula sa baitang 7 hanggang 10.

Bahagi ito sa mga aktibidad ng Oral Health Month sa BSHS na ginanap noong ika-31 ng Enero 2023. Upang mabigyang serbisyo, kinailangan ng Consent Form na naglalaman ng mga detalye na pinirmahan ng magulang.

Ayon sa mag-aaral mula sa 9-Compassion na si Aryanne Villasana, “Masaya, hindi lamang para sa amin kundi para din sa mga magulang namin dahil hindi na nila kailangang gumastos sa pagpapaayos ng aming ngipin.”

Dagdag naman ni Ahron Briñas mula sa 9-Benevolence, “Ano, ok naman sya kasi nakalibre pa ako sa pagpapaayos ng ngipin ko kaysa magbayad pa ng mahal, ang haba at sobrang tagal lang nung mga pila.”

Kabilang mga inihandang serbisyo ng dental caravan

para sa mga estudyante ang Oral Examination, Tooth Restoration, Tooth Extraction, paglalagay ng Sealant sa ngipin, at paglalagay ng Fluoride Varnish.

Ang pagkasira ng ngipin ay nagsisimula sa bacteria na kumakalat sa bibig, sobrang pagkain ng mga matatamis at hindi palagiang pagsisipilyo ng ipin. Mahalaga ang ngiti na nagbibigay kulay sa ating buhay na nagsisimbolo ng masaganang buhay. Kaya’t alagaan at ingatan upang ang ngiti ay hindi mawaglit.

ANG DALUBWIKA AGOSTO 2022-HULYO 2023
Nina Syesha Anne Mangila at Mark Tataro Ulat nina Brent Salacup at Mark Tataro Ni Syesha Anne Mangila R.I.P. Guhit ni Jayross Dave Garbin Dinigitize ni Nayr M. Macaraeg KATUWANG PARA SA MAG-AARAL. Pinasasalamatan ni Dr. Luther Punzalan, Rotary Club President ng District 3780 ang pamunuan ng Bagong Silangan High School sa matagumpay na Ngiti Mo Sagot Ko Project. ENRICO GALANG JR. Datos mula sa WHO

SA LOOB AT LABAS NG KANTINA KONG SAWI

Sa loob at labas ng kantina kong sawi, matatamis at maaalat ang tindang naghahari. Hindi alintana kung mga mag-aaral ang mayari. Ang mahalaga, uhaw at gutom ay mapawi.

Inilabas ng Department of Education (DepEd) noong 2017 ang D.O. No. 13 na may layuning gabayan ang bawat kantina ng paaralan tungkol sa kung ano ang bawal at maaari lamang na itinda para sa mga magaaral. Hinati ito ng DepEd sa tatlong uri; ang green category na dapat itinitinda araw-araw, yellow category na kailangang itinda nang may pag iingat, at red category na ipinagbabawal.

Nakapaloob din sa naturang batas ang recommended intake per day ng bawat sangkap para sa mga estudyante. Limang

gramo para sa asin, anim hanggang siyam na gramo para sa asukal, at 30 gramo naman para sa saturated fats.

Subalit, sa kabila ng inilabas na ordinansa ng DepEd, napag-alaman na itinitinda sa kantina ng Bagong Silangan High School (BSHS) ang ilang mga pagkain at inuming nasa red category o mataas sa asin, asukal, at saturated fats. Kabilang na rito ang kape, biscuits, inuming matatamis tulad ng samalamig, shake, saging con yelo, at mga pritong pagkain. Bukod sa nakapagdudulot ng obesity

at diabetes ang lubhang matatamis at mamantikang pagkain, nagreresulta rin ito sa pagkakaroon ng sakit sa puso. Papataasin ng sobrang pagkain ng matatamis ang blood sugar level na magreresulta naman sa high blood pressure. Habang sakit sa bato at hirap sa pag-ihi naman ang maibubunga ng maalat na pagkain. Base sa pag-aaral ng Harvard Medical School, mas mataas ng 38% ang namamatay dulot ng sakit sa puso ang mga taong kumukonsumo ng 17%-21% ng asukal kada araw kaysa sa mga taong kumukonsumo lang ng 8%.

Minsan Pag-Asa, Minsan Paasa

Isang biyaya para sa lahat ang pagkakaroon ng anak dahil walang katumbas na ligaya pero paano kung ang biyayang itinuturing ay magbibigay sa iyo ng kahirapan at balakid sa pangarap. Kabataan, sila ang sinasabing pag-asa ng bayan ngunit paano nila ito mapatutunayan kung sila na mismo ang nagbibigay ng bigat sa pasaning daladala ng lipunan.

Taong 2022, mayroong 5.4 porsiyento o 5,531 na mga kababaihang 15 hanggang 19 taong gulang ang nabuntis sa ating bansa.

Ayon sa Cordillera Administrative Region (CAR), ang teenage pregnancy ay nasa 6.1 percent noong 2022, tumaas ng 2.6 percentage points mula sa 3.5 percent noong 2017.

Kaya itong maiwasan kung may sapat na kaalaman ang mga kabataan tungkol sa family planning,

mayroong matibay na ugnayan sa pamilya, kaibigan, at iba pa.

Maraming kadahilanin bakit nangyayari ang maagang pagbubuntis katulad na lamang ng impluwensiya ng kaibigan o kakilala, dala ng kalasingan, kakulangan ng kaalaman, at personal na problema.

Ang pagbubuntis nang maaga ay maraming magiging epekto sa kabataan katulad ng sex-related na sakit,pagkasira ng kinabukasan, at iba pa.

Hindi masama ang maghangad o magkaroon ng anak na itinuturing na kaligayahan ng mga ina pero hindi sa maagang edad, may mga oras nakalaan para diyan.

Bilang kabataan, ating sikapin na lumago para sa lipunan at maging inspirasyon sa mga susunod na henerasyon ng mga kabataan. Patunayan na ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan.

Pula: Mga ipinagbabawal na pagkain

- Fish balls

- French Fries

- Shakes

- Powdered

- Candies - Bacon

Dilaw: Dapat itinda nang may pag-iingat

- Biscuit

- Fried rice

- Turon

- Fried chicken

- Sandwiches

- Champorado - Sopas

Berde: Dapat laging itinda

- Fresh fruits - Egg - Clean water

- Rice - Saging Saba

15 AGHAM ANG DALUBWIKA AGOSTO 2022-HULYO 2023
Nina Leanah Serviño at Syesha Anne Mangila Nina Frank Lavarez at Erika Lucero PAMATAY INIT. Bumibili ang mag-aaral sa canteen ng paaralang Bagong Silangan High School, upang mapawi ang init na kaniyang nararamdaman. NICOLE GANGANI Isa sa bawat sampung nanganganak ay edad 19 pababa Mga paninda sa kantina ayon sa kategorya sa D.O. No. 13 s. 2017

TA O N G 2 0 2 3 I NI I H AW N A

Ang mundo’y parang iniihaw na sa sobrang init hindi man nakikita ang mga usok at baga, ngunit atin itong nadarama.

Ayon sa Global Annual Temperature Outlook ng National Centers for Environmental Information (NCEI), nang 99% tiyak na ang taong 2023, ay mapapabilang sa 10 pinakamainit na naitala.

Ano ang GLOBAL WARMING? Global Warming ang pangmatagalang init sa ibabaw ng Mundo na naobserbahan mula noong pre-industrial period (sa pagitan ng 1850 at 1900) dahil sa mga aktibidad ng tao, pangunahin ang pagsunog ng fossil fuel, na nagpapataas ng mga antas ng greenhouse gas na nakakukuha ng init sa kapaligiran ng Mundo.

Ito’y isa sa mga aspekto ng pagbabago ng klima, na tumutukoy sa pangmatagalang pagtaas ng

temperatura ng planeta. Sanhi ito ng pagtaas ng konsentrasyon ng mga greenhouse gas sa atmospera na ang pangunahing dahilan ang mga aktibidad ng tao tulad ng pagsunog ng fossil fuels.

Ang mga Greenhouse Gases (GHG) ay ang mga gas sa atmospera ng daigdig na kumukuha ng init. Hinahayaan nito ang sikat ng araw na dumaan sa atmospera, ngunit pinipigilan nito ang init na dulot ng sikat ng araw na umalis sa atmospera.

Maraming dahilan kung bakit ito lalong lumalala katulad na lamang ng pagsunog ng karbon, langis, at gas ay gumagawa ng

PAGTATANIM ANG BUHAY. Nagbubungkal at nagtatanim arawaraw sina Gng. Ferlita Daelto, Mellie Lilio, at Myra Odencio sa New Greenland Farm na proyekto ni Mayor Joy Belmonte sa Barangay Bagong Silangan, Quezon City para may pantustos sa araw-araw na mga panganagailangan ng pamilya.

carbon dioxide, nitrous oxide, at pagputol ng kagubatan (deforestation).

Ngunit mas marami tayong kayang gawin upang mapigilan ito, tulad na lamang ng pagtitipid ng enerhiya sa tahanan, paggamit ng bisekleta bilang transportasyon, bawasan ang pagtatapon ng maraming pagkain, magtanim ng mga puno at halaman at isagawa ang ‘3Rs’ o ang reuse, reduce, recycle. Hindi ganito iihawin ang mundo kung tayo’y magiging responsable lamang sa ating kilos. Kung kaya nating itama ang mga ginawang mali, ating tandaan na ang ating Inang kalikasan ang ating lakas. Tao lamang ang pinagkalooban ng matalinong utak kaya gamitin ito ng tama.

and Atmospheric Administration (NOAA)

Pamantayan ng temperatura nakabase sa ika-20: 53.6°F (12.0°C)

13.3%

13.2%

13.1%

Pagkakamali ng tao, pasan ng daigdig

2016

2020

2017

2019

2015

New Greenland Farm, susi para sa mahabang buhay

Sabi ng mga matatanda, ang susi para sa mahabang buhay ay gulay ngunit paano kung dahil sa taas ng presyo ng mga gulay ngayon, pati ang ating kalusugan ay tipirin na rin?

Minsan mapipilitan na lamang tayong magdelata dahil mas mataas pa ang presyo ng gulay kaysa rito.

Ngunit ngayon, maari na tayong magpaalam sa mga matataas na presyo ng gulay sa palengke. Dahil ngayon ay may ‘‘New Greenland Farm’’ na

sa Barangay Bagong Silangan, Lungsod ng Quezon. Mahigit kumulang 300 na pamilya ang mga benepisyaryo na napili sa dalawang komunidad sa New Greenland at Tumana Home Owners Association. Isa sa mga pinagkakakitaan at makatutulong sa mga magsasaka sa New Greenland Farm ang kanilang pananim na gulay.

Dinarayo ito ng mga tao dahil sa magandang tanawin at mga murang gulay na kanilang

ibinibenta katulad ng sibuyas, sayote, malunggay, bawang, at iba pa.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, “Through this project ay nadidiskubre at natutuklasan nila [magsasaka] ang kanilang kahusayan, kagalingan, at likas na talino bilang mamamayan at puwede silang maging produktibong mga tao na tumutulong sa kaunlaran ng ating pamayanan kaya para sa akin, empowering our people is one of the greatest benefits and greatest achievements of this project”.

Ayon naman sa magsasaka ng New Greenland Farm na si Sheralyn Tuan, “Damang-dama namin ang full support ng local government unit lalong-lalo ni Mayor Joy Belmonte na tumatayong ina at nagbibigay ng malaking inspirasyon”. Dahil sa proyektong ito, ang mga residente ng Bagong Silangan ay hindi na kailangang magtipid para sa kanilang kalusugan. Sana’y sa iba’t ibang lugar ay magkaroon ng ganitong proyekto upang ang mga tao ay mabuhay.

Walang perpekto sa mundo, gaya ng tao na nakagagawa ng pagkakamali, ngunit paano kung ang isang pagkakamali’y makaapekto at mag-resulta ng pagbabago sa daigdig na hindi agarang masosolosyonan.

Ang pagbabago ng klima o Climate change, isang pangmatagalan na kondisyon na kung saan nagbabago ang temperatura maging ang panahon. Ang mga aktibidad ng tao ang naging pangunahing sanhi sa pagbabago ng klima.

Nadarama natin ang pag-init ng panahon dahil dito, ngunit marami pang paraan upang maiwasan ito sa pamamagitan ng mga ito:

*PAGTATANIM NG PUNO AT HALAMAN -Sa pagnipis ng ozone layer, makakatulong ang pagtatanim.

*MAG-RECYCLE -Makatutulong ang pagrerecycle upang mabawasan ang pagdami ng mga basura.

Baguhin ang ating mga pagkakamali, simulan sa maliliit na hakbang upang makatulong sa ating inang kalikasan at tandaan na ang estado ng ating kalikasan ay sumasalamin din sa ating kinabukasan.

Larawan mula vox.com Ni Syesha Anne Mangila
, 16 AGHAM ANG DALUBWIKA AGOSTO 2022-HULYO 2023
Nina Mark Tataro at Aryanne Villasana Nina Syesha Anne Mangila at Gerniel M. Siasol Ang 5 PINAKAMAINIT na taon sa buong mundo na naitala ayon sa National Oceanic
ABEGAIL LILIO
ng Marso
13.00% 12.09% Buwan

Pampahayagan na, pampalakasan pa

Maagap na pagsusumikap at matalas na pag-iisip, ganito mailalarawan ang sinandiganang preparasyon at karera ng Grade 10 Journalist at Badmintonist na si Kisha Elizada para ibandera ang Bagong Silangan High School (BSHS). Patunay nito ang pagsungkit ng mga parangal at panalo para sa Silanganians.

Sinimulan lang yakapin ni Elizada ang larangan ng badminton noong siya ay 15 taong gulang

dahil mas hilig nya ang volleyball. Sa likod ng kaniyang matamis na pagsikad, nagsilbing sandalan ni Elizada ang mga taong sumuporta sa kaniya na nagsilbing daan upang lumawak ang kaniyang kaalaman at karanasan sa larong badminton.

“Basic lang naman matutuhan ang badminton, mas nahasa lang ‘nong nagtraining ako,” ani Elizada.

ISPORTS KOLUM

KARANGALAN SA NAIS NA LARANGAN

Bendisyon ng pagsusumikap.

Isa sa mga

kinagigiliwang laro

ngayon ang Badminton.

Gamit ang raketa, papaluin mo ang shuttlecock at itatawid ito sa kalaban. Ang sinumang unang maka puntos hanggang bente uno, ang siyang tatanghaling mananalo.

Kung gaano kataas ang lipad ng shuttlecock sa ere, ganoon din kataas ang determinasyon kong manalo.

Pagod, ligaya, at kaba ang naramdaman ko matapos ang laban namin noong District

Meet, Girls Double

Badminton na ginanap sa Don Alejandro Roces Sr. High School noong ika-12 ng Marso.

Taglay ang mumunting karunungan, nairaos namin ang laro at naipanalo ito. Hindi biro ang aming napagdaanan marahil kulang na kulang ang paghahandang ginawa namin kumpara sa paghahandang ginawa ng kalaban.

Sa isang buwan, isang beses sa isang linggo lamang kami nagsasanay. Kulang din ang mga kagamitan tulad ng shuttlecock at raketa.

Dagdag pa riyan, wala ring permanenteng pageensayuhan dahil palaging okupado ang court ng aming eskwelahan.

Bagama’t kahit kulang ang aming pagsasanay, nagawa pa rin namin ng kasama ko na manalo dahil sa suporta ng aming mga pamilya, kaibigan at coach.

Malayo pa ang hakbangin na lalakarin ko upang matupad ang mga pangarap. Pangarap na maging isang ganap na manlalaro sa larangan ng Badminton. Maraming sakit pa sa katawan ang daranasin ko, at maraming butil pa ng bigas ang kakainin. Ang maranasan ito ay isa sa mga

ipinagmamalaki ko dahil binuhos ko ang aking puso, oras at tiyaga makamtam lang ang panalong minimithi ko.

Kaya naman, sa tulad kong nangangarap din, patuloy tayong mangarap. Huwag nating hayaang matuldukan ang kasiyahang nararamdaman at harinawa’y hindi

tayo magsawang abutin ang karangalan na ating inaasam. Dahil ang atletang Pilipino, mapapagod pero hindi susuko.

Hindi man lumaki sa pamilyang aktibo sa sports, mula sa simpleng libangan ng dekalibreng atleta sumindi ang apoy ng determinasyon upang tahakin ang karera sa pandistritong paligsahan. Noong ika-17 ng Marso, isinalang siya katuwang si Mary May

Taguinod sa District Meet

Girls’ Doubles Badminton at ipinamalas ang umaatikabong laro matapos magawang umabante sa semifinals bago bakuran ng Ernesto Rondon High School (ERHS) ang tagumpay.

“Hindi enough ‘yong training namin since 1 times a week lang, umasa na lang ako na sana hindi kabahan. Nanghinayang ako kasi hindi kami umabot ng finals, natalo kami kasi nagfailed ako sa last.”

Natalo man sa semis ng District Meet, naging susi naman ito bilang pundasyon sa kaniyang pagpupursigi para sa kampanya ng karera sa paparating na Regional School Press Conference (RSPC) at malinang ang kakayahan sa paparating niyang pag-apak sa Senior High School sa susunod na taon.

Nilahukan niya ang pagsulat ng editoryal dahil kulang ng ilalaban sa kategoryang ito. Siya rin ang kauna-unahang miyembro

Lumalagong Potensyal

Ensayo para makamit ang liderato sa loob ng entablado.

Sa larangan ng pampalakasan, hindi lamang ang laki ng katawan ang sukatan ng tagumpay. Pinatunayan ito ni 5’2 Bagong Silangan High School (BSHS) Basketball Team Captain Louievhenmar Castillo na hindi man katangkaran tila batikan naman kung ituring ang kalidad ng laruan sa larangan ng basketball.

Tangan ang lumalagong kredensyal bilang maaasahang basketball player, patuloy na pinatutunayan ni Castillo ang kaniyang husay at kaalaman sa pagiging isang team captain.

Kaakibat nito ang pagsungkit ng Most Valluable Player (MVP) sa BSHS vs Tandang Sora National High School (TSNHS), 61-38 sa 5v5 Men’s Basketball Interdivision opener noong Marso 4, 2023 sa Amoranto Sports Stadium.

Umani ng 17 puntos, dalawang steals, isang assist, at isang rebound si Castillo sa kaniyang unang laro sa naturang torneo. Sumiklab ang umaatikabong laro ng

ng pamilya nila na isang mamamahayag. Sa kabila ng kulang sa preparasyon, hinirang si Elizada bilang 6th place sa pagsulat ng editoryal sa 2022 Congressional District II Secondary School Press Conference (CDSSPC) at 4th place sa Quezon City Division Secondary School Press Conference (QCDSSPC).

“Kung gusto at masaya ka sa ginagawa mo, sulit naman ‘yong pagod na nararamdaman niyo,” ani Elizada. “Never masasayang lahat ng trainings and practices dahil step by step tayong natuto.

Kamangha-mangha ang ipinakikitang husay ni Elizada bilang isang atleta at mamamahayag. Bitbit ang kaniyang pangarap, pinatunayan niya na determinasyon ang susi upang makamit ang tagumpay.

kapitan nang buong lakas niyang buhatin ang koponan ng BSHS. Natalo man sa Commonwealth High School (CHS) sa parehong torneo, muling itinanghal si Castillo bilang player of the game matapos magpasabog ng 27 puntos, apat na rebounds, tatlong steals.

“Na-justify lang ‘yong desisyon namin na kunin siyang team captain ng school team na magpoprovide ng spark sa team regardless kung anong maging outcome ng laro,” ani Coach Darwin Dela Torre.

Ipinagpapatuloy ni Castillo ang paglahok sa iba’t ibang torneo na nagsilbing daan upang lumawig ang kaniyang koneksyon at karanasan sa larong basketball. Suot ang mga jersey na kulay lila at puti ng koponang Silangan, tiyak na magiging kapana-panabik ang pagbabalik ni Castillo upang patunayan na kaya niyang pangunahan ang koponan sa tugatog ng tagumpay.

Ni Kisha Rose Elizada Ni Jonas Paul Sukim
17 ISPORTS ANG DALUBWIKA AGOSTO
Nina Jonas Paul Sukim at Julian Kyle Rebate

ECHO, pinagharian ang M4 World Championship

Echo Loud, Echo Proud.

Giniba ng MPL

Philippines runner-up Echo

Loud Aura Philippines ang

‘di mabasag-basag na code ng defending champions

Blacklist International na namayagpag ng

dalawang taon sa isang

‘di inaasahang 4-0 sweep

sa All Filipino Finale ng

Mobile Legends: Bang Bang

M4 World Championship

sa Tennis Indoor Stadium

Senayan noong Enero 15.

Umukit ng kasaysayan ang kampanya ng Pilipinas

sa M-Series sa likod ng

kampeonato ng ECHO

na nauna nang inilaglag

ng Defending Champs

sa Upper Bracket para

iluklok ang kauna-unahang

3-peat sa serye na nauna

nang sinimulan ng BREN

Esports noong M2 at ang

M4 1st-Runner up Blacklist International noong M3.

Matagumpay na

dinecode ng Purple Orcas

ang iconic Ultimate Bonding

Experience (UBE) strat ng Blacklist International

matapos i-ban sa buong serye ang pangunahing

gasolina ng strategy na Estes ni Johnmar “OhMyV33nus”

Villaluna at pagbibigay sa

Echo roamer Tristan “Yawi” Cabrera ng iba pang comfort picks ni “The Queen.”

“Sobrang saya tapos ‘di ko po mapaliwanag, gusto ko po umiyak na ayaw lumabas,” ayon kay Finals MVP Benedict “Bennyqt” Gonzales. “Sobrang overwhelming lang siguro sa’kin lahat ng pumapasok sa utak ko at puso ko.”

Isa sa mga natuwa sa tagumpay ng ECHO ang mag-aaral ng BSHS na si McKenly Estrella at mga kaibigan nitong isang taon nang sumusubaybay sa iniidolo nilang kuponan.

“Sobrang natuwa kami ng mga kaklase ko sa school kasi since AURA pa ung may hawak sa team idol ko na talaga sila.” ani Estrella.”Nakakatuwang makita na nag chachampion ulit mga idol ko kasi ilang season din silang di nakakapag champs.”

Itinanghal na Finals MVP si ‘Bagyong Benny’ at nag-uwi ng 16.5 milyong pisong gantimpala ang kanyang habang nagbulsa naman ng 6.6 milyong piso ang former champions Blacklist International.

Malayo pa sa tugatog

Sa patuloy pag-usbong ng mundo ng pampalakasan, mahalagang salik ang pagsasanay sa tagumpay. Gayunpaman, malaking tanikala sa paghasa ng kakayahan ang kawalan ng tamang lugar na mapagsasanayan.

Ganito ang hamong kinakaharap ng Bagong

Silangan High School (BSHS) kung saan hindi sapat ang suportang natatanggap ng mga nagsisikap na atleta para ibandera ang kanilang paaralan sa larangan ng pampalakasan.

Nitong Marso, ginanap ang Division Athletic Meet kung saan nakamit ng BSHS mens voleyball team ang ikatlong puwesto.

Lumapag sa ikaanim na puwesto sa boys category at ika-siyam sa girls category ang koponan ng chess.

Hindi naman maikakaila ang mga sakripisyong inilaan ng

para makopo ang mga karangalang nabanggit subalit mas kaya pa itong higitan kung sila’y nabibigyan ng tamang lugar na mapagsasanayan at sapat na kagamitan. Sa lumalaking populasyon ng mga magaaral ng BSHS, itinayo noong 2019 ang gusali sa paaralan at giniba ang covered court na dati’y espasyo ng mga

BSHS winalis ang

TSNHS sa Interdivision Meet opener, 61-38

Sinandalan ng Bagong Silangan High School (BSHS) ang kanilang mantra at balanseng atake, nang tibagin ang Tandang Sora National High School (TSNHS) sa bendisyon ng pukpukang 61-38 win upang mapasakamay ang unang panalo sa 5v5

Basketball Interdivision Meet sa Amoranto Sports Stadium, March 4.

Nagningning bilang Player of the Game si BSHS Team Captain Louivhenmhar Castillo tangan ang 17 puntos, dalawang steals at isang rebound.

“‘Yung intensity ng mga bata natin sa defense which is ‘yon talaga ‘yong

from the day 1 ng aming training pinipreach ko na talaga na madaling kumuha ng score pero lahat ‘yon ay nagsisimula sa magandang depensa,” ani ng BSHS Head Coach Darwin Dela Torre.

Maagang siniil ng BSHS ang bentahe tampok ang nakamamanghang ball movement at fast plays nito, 5-0, ipinagpatuloy ng Silanganians momentum matapos pumukol si Ortega ng jumper at si Lapasaran ng 3 point shot dahilan upang mapasakamay ang unang quarter ng laro, 10-5.

Ipinagpatuloy ng BSHS ang matatag na depensa sa ikalawang quarter nang barikadahan ni John

para mag-ensayo. Sa loob ng apat na taon, nawalan sila ng lugar na mapagsasanayan na kahit tapos na ngayon at hindi pa rin nagagamit. Batid ng sinomang atleta ang hirap ng kanilang paglalakbay.

Panahon na upang tuldukan ang ganitong tahasang pagsasawalangbahala at panahon na para mabigyan ng tamang

lugar na mapagsasanayan ang mga mag-aaral na atleta na hahasa sa kanilang kakayahan at magpapamalas ng kanilang buong potensyal. Malayo pa sa tugatog ang antas ng pampalakasan ng BSHS. Manindigan tayo sa pantay na pagtingin sa anomang larangan sa pampalakasan at paglikha ng sistemang sesentro sa paghubog ng mga susunod na kampeon.

Benedict Bithao ang tatlong shot attempts ng katunggali dahilan upang hindi maagaw ang liderato, 18-12.

Binuksan ng BSHS ang

bukana ng ikatlong quarter sa ibinuslong pull up jumper ni Reyhan Sancho, 20-12, at diniinan pa ng BSHS ang

silinyador at pinalobo ang

kalamangan sa kanilang 12-4 run

tampok ang transition lay ups at dish out assists nina Castillo at Bithao, 32-16.

Nanlupaypay ang depensa ng TSNHS sa dominenteng performance ng Silanganians na sinamantala naman ni Prince Baste Bithao sa pagtikada ng dalawang three point shot sapat upang itarak ang 43-24 pag-alagwa at

angkinin ang naturang quarter.

Pinaigting ng BSHS ang kontrapelo nito sa huling quarter nang kumana ng parehong anim na puntos sina Lapasaran at Sancho para pamagain ang agwat sa katunggali samantalang hindi na napanatili ng TSNHS ang magandang koneksyon sa pagitan ng bawat miyembro dahilan kaya nabitawan ang tempo ng laro at tuluyang isinuko ang kampanya.

Bunsod ng pagkapanalong ito, makakaharap ng Silanganians ang koponan ng Commonwealth High School (CHS) sa parehong venue, Marso 5.

Ni Julian Kyle Rebate Ni Jonas Paul Sukim
Madaling kumuha ng iskor pero lahat ‘yon ay nagsisimula sa magandang depensa.” SIPAG.TIYAGA.DETERMINASYON. Naghahanda ang mga manlalaro ng Bagong Silangan High School para sa kanilang laban sa InterDivision Basketball Ika-3 ng Marso 2023. LANE MIRABONA
18 ISPORTS ANG DALUBWIKA AGOSTO 2022-HULYO 2023
Guhit ni Jayross Dave Garbin Dinigitize ni Nayr M. Macaraeg

ISPORTS

Mga mag-aaral ng BSHS,

ikinalungkot

ni Obiena sa Asian Indoor Championship

Suportang pinansyal ang magtatago sa talentong patuloy na lumalago.

Ikinalungkot ng mga mag-aaral ng Bagong

Silangan High School (BSHS) ang pag-atras ni 27 year-old Filipino Pole

Vaulter, Ernest John Uy Obiena ang nagdaang Asian Indoor Championships 2023 na ginanap noong ika-10 hanggang ika12 ng Pebrero sa Astana, Kazakhstan.

Inanunsyo ng World’s Number 3 Pole Vaulter ang kaniyang pag-atras sa nasabing kompetisyon sa kaniyang

Social Media Accounts

BSHS, kinopo ang ika-anim na puwesto sa Chess High School QC Division Meet 2023

Sinandalan ng Bagong Silangan High School (BSHS) ang mga katagang iyan na nakaukit sa likod ng kanilang mga jersey sa kanilang masikap na kampanya subalit bigong nakabingwit ng kahit isang medalya. Pumailanglang sa ika-anim na pwesto sa Boys Category, 8-6, habang pangsiyam naman sa Girls Category, 6-8, ang BSHS kontra 19 na paaralan sa kanilang naging kampanya para sa Chess High School Quezon City Division Meet 2023 sa Don Alejandro Roces Senior High School (DARSHS) noong ika-11 at 12 ng Marso. Binubuo ang koponan ng dalawang babae at lalaking mag-aaral na sina Shienalyn Tagle at Justin Araneta, parehong baitang 10; Angelito Langgam, baitang siyam; at Precious Antipuesto, baitang walo.

Ayon kay coach Harold Jay Agno, lubhang nakaapekto ang pagkahilo sa biyahe at kaba sa laro ng mga estudyante na baguhan pa lamang at division meet na agad ang nilabanan.

“Sana ‘yong results ng games natin sa division na ito ay open para mabigyan ng pansin ang rankings natin at results na naaachieve ng school natin in terms of results.”

Gayunpaman, reresbak ang mga manlalaro ng BSHS para sa mga susunod na pakikipagtagisan ng mga matatalas na isipan.

ang

dalawang araw bago magsimula ang Asian Indoor.

Pinunto ni Obiena ang kakulangang suportang pinansyal sa higit na isang taon na nagtulak sa Pinoy Pole Vaulter na personal na bayaran ng taxes at bayarin sa mga pagsasanay na dapat na pinopondohan ng Philippine Sports Commission (PSC).

“I shall be unable to participate in the upcoming Asian Indoor Championships next week in Kazakhstan. I won’t be able to bring glory to my country.” ani Obiena.

“Atleta rin ako, kaya nakakapanghinayang

dahil World’s number 3 pole vaulter siya tapos hindi sapat ang suporta ng

Sangkap sa pangarap

Pinakabata at baguhan man kung tingnan, nangingibabaw pa rin kay Tennis Teen Queen Alex Eala ang pagiging bantog at pag-iral sa lahat ng ulo ng balitang pampalakasan dahil sa kaniyang batikang paglalaro sa larangan ng tennis.

Hakot ang umaapaw na parangal at kredensyal mula sa pagpapakita

pamahalaan. Sayang lang yung talento.” Pagsang-ayon ni Kisha Elizada, atleta ng BSHS.

“Kami, pinoprovide namin yung needs ng atheletes ng school natin, like transportasyon and equipments at nakalulungkot na yang mga bagay nayan ay hindi nagagawang i-provide ng maayos ng pamahalaan.” pahayag naman ni Cristal Cho, MAPEH Club President.

Sa kabila ng mga problema, nakatakdang ibandera ng atleta ang Pilipinas sa ginaganap na 2023 Southeast Asian Games sa Cambodia sa ika-10 ng Mayo.

ng husay at kaalaman sa kaniyang bawat laban sa iba’t ibang bansa, buong lakas na siniguro ng

Filipino Tennis Ace Player na malalagay ang bansang Pilipinas sa Global Tennis Map.

Sa kaniyang walang patid na mga estilo at galaw sa paglalaro, kasalukuyan syang nasa pinakamataas na ranggo ng Filipino Single Player sa kasaysayan ng Women’s Tennis Association (WTA) Tour.

Siya rin ang kauna-unahang Pinay na nakasungkit ng

“And I am excited for the next year and the following years since na established na ‘yong chess club natin. Maganda ‘yon para ma-inspire ang lahat ng mga members natin sa school for them to improve and develop their skills and crops sa paglalaro ng chess.”

Junior

Championship at marami pang titulo nito. Unang nagsimula ng pagsasanay sa tennis si Eala sa edad na apat na taon bago sumali sa kaniyang unang torneo makalipas ang dalawang taon. At sa edad na 17, tuluyan niya nang nasakop ang bagong tugatog na tila hindi natatarok sa mga Pilipinong manlalaro ng tennis noon. Isa sa mala-gintong elemento sa pagtupad ng pangarap ni Eala ay ang World-Caliber Coaching na

natatanggap niya sa isang pinakamainit na Tennis Academies sa mundo, ang Rafa Nadal Academy (RNA) sa Manacor, Spain. Laking pasasalamat at papuri sa kaniyang coach na si Daniel Gomez mula rin sa RNA at rank 51 WTA player.

Napatunayan ni Eala na karapat-dapat siyang bigyan ng pansin at paghanga sa hirap na ibinuhos niya para mahasa ang kaniyang husay sa larangan ng palakasan.

pag-atras
MAHIWAGANG TAKTIKA. Nagbabadya ng galaw si Angelito Langgam sa Chess High School Division Meet noong ika-19 ng Marso, 2023. NICOLE GANGANI Ni Julian Kyle Rebate Nina Frank Lavarez at Tommy Llanes
When you see a good move, look up for a better one.”
Grand Slam Singles
19
Ni Valerie Baniel Larawan mula sa fb page ni Alex Eala Larawan mula sa Wallpapers.com

ISPORTS

BSHS, sinelyuhan ang ikatlong puwesto sa Divison Athletic Meet 2023 Mens Volleyball

Itinudla ng Bagong Silangan High School (BSHS) ang kampanya sa ikatlong puwesto matapos mapatid sa kawad ng puwersa ng Batasan Hills National High School (BHNHS) sa postehang 25-23, 20-25, 14-25, sa semifinals ng Division Athletic Meet 2023 Mens Volleyball, Marso 12, 2023 sa Judge Juan Luna High School.

Bigo mang maka-abante sa finals ang BSHS, nasungkit pa rin nila ang ikatlong liderato sa buong 21 competing teams, habang naiuwi naman ng BHNHS ang ikalawang liderato sa kompetisyon.

Nanguna ang manlalaro na si Mark Mariano sa hanay ng koponan ng BSHS matapos magpakitang gilas at makapagtala ng 16 na puntos tampok ang 10 atake, tatlong service ace at tatlong block, ngunit hindi sapat upang akbayan ang koponan sa panalo patungong finals.

Umarangkada sa unang set ang BSHS at patuloy lamang sa magandang atake at depensa, na agad namang sinagot ng BHNHS na humantong sa 23all, subalit ipinamalas ng BSHS ang kanilang liksi at determinasyon matapos bumuslo ng dalawang puntos sapat upang itarak ang 25-23 at angkinin ang naturang set.

Buena manong dikdikan ang ipinakita ng magkabilang koponan sa ikalawang set, subalit nanlupaypay ang depensa ng BSHS na sinamantala ng BHNHS para palobohin ang kalamangan at tuluyang bawiin ang momentum, 20-25.

Pumabor ang ikot ng bola sa panig ng BHNHS tangan ang pinaigting na depensa at tuluyang lumayo ang talaan, pabor sa panig ng naturang koponan na humarang sa BSHS para

“Actually po, first, napakahirap i-beat ‘yong school na kalaban kasi finals na, we need to say na apat na magagaling na schools ‘yong maglalaban, kami kasi ‘yong sa school siyempre wala kaming mapagpraktisan, walang bola, self effort lang po sa ’min. So bilang semifinalist masaya na rin kami, kasi sa 21 competing schools ay pangatlo tayo.”

Umalagwa ang koponan ng BHNHS sa pangunguna ng kanilang opposite spiker na si Kurt Buencochillo na gumawa ng double figure mula sa 24 na atake at

BOCCIA GAME

Mula sa isang nakaupong posisyon, intinutulak ng mga manlalaro ang mga bola upang makarating nang mas malapit hangga’t maaari sa isang puting marker ball, na kilala bilang Jack.

Mag-aaral ng 9 - Fortitude, lalahok sa 12th ASEAN Para Games

Hindi balakid ang kondisyon, sa talentong umuusbong.

Pinatunayan ito ng mag-aaral ng Grade 9Fortitude na si John Loyd Estavillo Villaroya na hindi hadlang ang pagkakaroon ng cerebral palsy upang ibandera ang Pilipinas sa larangan ng Boccia sa gaganaping 12th ASEAN Para Games sa Cambodia.

Sumibol ang interes ng 19 years old na atleta sa paglalaro ng Boccia noong siya ay anim na taong gulang pa

lamang. Sumiklab ang umaatikabong laro ni Villaroya nang magbigay ito ng kasiyahan sa na nagtulak sa kanya na lumahok sa iba’t ibang kompetisyon na nagsilbing daan upang lumawig ang kanyang koneksyon at karanasan sa larong boccia.

Sinungkit ni Villaroya at ng kanyang koponan ang titulong kampeon sa kaniyang unang kompetisyon sa 2012 Marikina Cerebral Palsied Week na nilahukan ng iba’t ibang atleta sa mga lungsod.

Bago makalahok sa paparating na 12th

ASEAN Para Games na kanya ring unang salang sa international na kompetisyon, tatlong beses munang bigong makalipad siya dahil sa mga problema sa edad at pasaporte.

Bilang isang estudyanteng atleta, maagap at masikap niyang pinagsasabay ang pag-aaral at pag-eensayo. Tuwing ala-sais lang ng Sabado nag-eensayo si Villaroya sa One Arena kaya’t napapanatili niyang maayos ang kaniyang mga grado.

Nagbahagi si Villaroya ng abiso sa mga tulad niyang may kapansanan at atleta na hindi dapat maging balakid ang kondisyon sa pag-abot ng mga pangarap. “Huwag silang tumigil mangarap, huwag susuko laban lang,” ani Villaroya.

Tangan ang lumalagong karanasan bilang masigasig na boccia player, patuloy na pinatutunayan ni Villaroya na hind hadlang ang kaniyang kondisyon para linangin ang talentong umuusbong.

ANG DALUBWIKA AGOSTO 2022-HULYO 2023
Nina Cristal Mae Cho at Nicole Ann Gangani Ni Jonas Paul Sukim PALONG-PALO. Pumapalo ang mga manlalaro ng volleyball mula sa Bagong Silangan High School, sa Division Athletic Meet ika-12 ng Marso taong 2023 LEANAH SERVIÑO Larawan mula sa FB post ni Jocelyn Villaroya. Larawan mula sa dreamstime.com

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.