3 minute read

PONDOsyon para sa dekalidad na Edukasyon

Next Article
ikinalungkot

ikinalungkot

Huwag tipirin ang edukasyon dahil ito lang ang tanging maibibigay natin sa mga kabataan na tiyak na hindi masasayang kailanman.” -Pangulong Bongbong Marcos

Advertisement

Hindi na bago sa atin kung sasabihin ng Kagawaran ng Edukasyon na, “May budget restriction.” at “Hindi sapat ang pondo.” Dala ng kakulangan ng pinansyal na suporta, hindi na nagagarantiya sa mga kabataan ang dekalidad na edukasyon na dapat nilang tinatamasa. Ang sektor ng Edukasyon ang may pinakamataas na alokasyon sa pambansang badyet. Sa DepEd napupunta ang pinakamalaking bahagdan ng pondo ng bansa na dapat sana ngayong taon ay 830 bilyong piso ngunit nauwi sa 678.3 billion pesos na gagamitin sa pagpapatayo ng eskwelahan, pagbili ng panibagong mga kagamitan, pagkumpuni sa mga impraestrukturang nasira, sahod ng mga guro at iba pang kawani ng kagawaran, gastusin para sa mga seminar, atbp.

Bata ako, hindi bata lang

Bilang isang kabataan, may karapatan akong makialam sa mga isyung pampolitika lalo na kung ako ay apektado nito.

Sabi nila, bata pa lang ako, walang alam, at puro talak lang. Ang hindi nila alam, mulat na ako sa katotohanang hindi na aayos ang pamamalakad kung may gahaman pa ring hayok sa kapangyarihan.

Bagama’t ganoon ang sinasabi nila, hindi mababaluktot ang paninindigan ko. Boboses pa rin ako dahil may mga karapatan akong dapat tamasahin kahit bata pa ako.

Maraming kabataan sa panahon ngayon ang lumalaban dahil may ipinaglalaban. Wala man sa wastong gulang, tumitindig na sila para sa tama. Pilit mang pinatatahimik pero dahil may alam, hindi sila nagpapatinag sapagkat instrumento sila ng mahihinang hindi kayang tumayo sa sarili nilang paa.

Ayon sa survey ng Ang Dalubwika, 32.6% ng mga mag-aaral ang rehistrado na para sa darating na Sangguniang Kabataan

Mahal na patnugot, Magandang araw po, nais ko po sanang sabihing naaapektuhan po kami ng paiba-ibang class schedule. Bilang isang mag-aaral na nasa ikapitong baitang, nahihirapan kaming mag-aral nang mag-isa sa bahay lalo na kung ito’y hindi naituturo nang face-to-face. Dahil sa sobrang dami ng ipinagagawa, nakararanas kami ng depresyon sa murang edad. Sana po maayos ang schedule ng pagpasok dahil nakaaapekto ito sa aming mga grado.

- Chesney C. Aclon | 7 - Benevolence

Aminado si VP at kalihim ng DepEd Sara Duterte na kulang ang pondo na inilalaan sa kanila. Halimbawa sa nakalipas na pananalasa ng bagyong Karding, umabot sa 112 milyong piso ang halaga na kinailangan ng DepEd para sa pagkumpuni ng mga nasira. Humiling din ang kagawaran ng confidential fund na nagkakahalaga ng 150 milyong piso na gagamitin sa pagtugon sa problema sa karahasan kabilang ang sexual abuse, child labor, terrorism, at paggamit ng ilegal na droga.

Totoo bang nagagasta ang pera ng bayan sa makatarungang paraan?

Baka kasi napupunta na naman sa bulsa ng mga kurap na opisyal, tulad sa isyu ng overpriced laptop na para sa pang-online class ng mga guro na binili ng 2.4 bilyong piso na overpriced ng mahigit 980 milyong piso at tila pinaglumaan na ng panahon ang ispesipikasyon. Alinsunod sa agenda ng DepEd na MATATAG, “TAke steps to accelerate the delivery of basic education services and provisions of facilities.” Nais nitong gawing dekalidad ang pagtuturo sa pamamagitan ng pagbibigay dekalibRhae ng maayos na pasilidad at kagamitan.

Tulad ngayon, sa matinding init na nararamdaman, nakakaranas ng hilo at sakit ng ulo ang mga mag-aaral dahil sa kakulangan ng bentilador at sobrang siksikan sa silid-aralan. Kung hindi lang kurap ang namamahala simula’t sapul, baka naka-aircon na ang lahat ng mga pampublikong paaralan sa bansa.

Wasto ba ang paggasta ng mga nangangasiwa? Dahil kung oo, hindi natin kailangang danasin ang init, siksikan, kulang na mga kagamitan, at hindi epektibong pagkatuto.

Para sa matatag na pundasyon ng edukasyon, kailangan ng pondo, at para sa maayos na serbisyo, kailangan ng pera pangsuporta.

Tipirin man o hindi, tanging ang edukasyon lamang ang magaahon sa pagkalunod sa kamangmangan. Umpisahan nang sugpuin ang mga buwaya at pagaralang maigi ang paggasta sa pondo na pundasyon ng maayos na edukasyon.

Ni Georgina Rhae Pineda

Election at 67.4% naman ang hindi pa. Wala pa man tayong partisipasyon sa mga halalan, mayroon pa rin tayong karapatang dapat ipaglaban. Ako bilang isang rehistradong botante ng SK, sisiguraduhin kong pipili ako ng karapat-dapat at alam kong may pakialam sa nasasakupan. Huwag maniwala sa mga sabi-sabing, “bata ka pa at walang alam” dahil ang kabataang hindi nagbubulag-bulagan sa mga nakikitang dapat inaaksyunan ay ang tunay na pag-asa ng bayan.

This article is from: