4 minute read

kailangan, hindi Tobacco - DepEd

Yumabong para sa kinabukasan

Ayon sa Department of Education (DepEd), ang industriya ng mga tabako ay nagbago ng diskarte sa pamamagitan ng pagsabing “cool” ang paninigarilyo at vaping.

Advertisement

Obligasyon ng magulang, anak ay bantayan

Upang limitahan ang pagkakalantad sa mga bata, ipinagbabawal ang mga produktong tobacco sa loob at labas ng paaralan, at pagpapatibay ng kurikulum kaugnay ng “Proper food and nutrition”.

Sapat na kaalaman, tungo sa kaunlaran

Tumutok sa pag-aaral, lumayo sa mga gumagamit nito, alamin ang negatibong maidudulot sa kalusugan, ang ilan sa mga dapat gawin ng kabataan upang hindi maimpluwensyahan.

Ideya para sa pagbabago

Iba pang paraan upang mabawasan ang gumagamit ng sigarilyo at vape, mas mataas na buwis upang mapilitang hindi bumili ng maramihan at ilipat ang mga magsasaka sa mas malusog na agrikultura ng pagkain.

Sa loob ng tatlong taon, umabot sa 767,750,853 milyong kaso ng COVID-19

Nasa 5,557,984,420 bilyon naman na mga tao sa buong mundo ang nabakunahan na ng kahit isang dosis habang

5,118,187,728 bilyong tao na ang fully vaccinated o kompleto na ang dosis.

Ang mga bakuna na ito ay Pfizer, AstraZeneca, Jhonson and Jhonson, Moderna, Sinovac, atp.

Sa Pilipinas, ang kabuuang kaso ay umabot sa 4,148,401 milyon na at ang mga nasawi ay 66,476 libong tao, habang

82,684,774 milyon na ang nabigyan na ng kahit isang bakuna, at 78,443,972 milyon na ang kompleto ang bakuna sa Pilipinas.

Isa ang Lungsod Quezon sa may pinakamaraming mga kaso ng COVID-19 na pumalo sa 300,009, 297,203 rito’y magaling na, at 2,380 naman ang namatay

Sakop naman ng

Lungsod ng Quezon ang

Barangay Bagong Silangan na nasa pangalawang distrito na may kaso na umaabot sa 4,868 at 4,813 rito ay ang mga gumaling at 51 ang namatay.

Kahit idineklara na ng WHO na hindi na PHEIC ang COVID-19, walang sinabi na ang pandemya ay tapos na. Sinabi ni Department of Health (DOH) Health Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire sa isang briefing, “We want to remind everyone that even though the PHEIC has been lifted, we cannot be complacent at this point. We still need to be vigilant.”

Dental Caravan, ngiti ang hatid

Muling masisilayan ang mga abot tengang ngiti ng mga mag-aaral ng Bagong Silangan High School (BSHS) dahil sa tulong ng Dental Caravan.

Benipisyaryo ng programa ang mga magaaral ng BSHS mula sa baitang 7 hanggang 10.

Bahagi ito sa mga aktibidad ng Oral Health Month sa BSHS na ginanap noong ika-31 ng Enero 2023. Upang mabigyang serbisyo, kinailangan ng Consent Form na naglalaman ng mga detalye na pinirmahan ng magulang.

Ayon sa mag-aaral mula sa 9-Compassion na si Aryanne Villasana, “Masaya, hindi lamang para sa amin kundi para din sa mga magulang namin dahil hindi na nila kailangang gumastos sa pagpapaayos ng aming ngipin.”

Dagdag naman ni Ahron Briñas mula sa 9-Benevolence, “Ano, ok naman sya kasi nakalibre pa ako sa pagpapaayos ng ngipin ko kaysa magbayad pa ng mahal, ang haba at sobrang tagal lang nung mga pila.”

Kabilang mga inihandang serbisyo ng dental caravan para sa mga estudyante ang Oral Examination, Tooth Restoration, Tooth Extraction, paglalagay ng Sealant sa ngipin, at paglalagay ng Fluoride Varnish.

Ang pagkasira ng ngipin ay nagsisimula sa bacteria na kumakalat sa bibig, sobrang pagkain ng mga matatamis at hindi palagiang pagsisipilyo ng ipin. Mahalaga ang ngiti na nagbibigay kulay sa ating buhay na nagsisimbolo ng masaganang buhay. Kaya’t alagaan at ingatan upang ang ngiti ay hindi mawaglit.

Sa Loob At Labas Ng Kantina Kong Sawi

Sa loob at labas ng kantina kong sawi, matatamis at maaalat ang tindang naghahari. Hindi alintana kung mga mag-aaral ang mayari. Ang mahalaga, uhaw at gutom ay mapawi.

Inilabas ng Department of Education (DepEd) noong 2017 ang D.O. No. 13 na may layuning gabayan ang bawat kantina ng paaralan tungkol sa kung ano ang bawal at maaari lamang na itinda para sa mga magaaral. Hinati ito ng DepEd sa tatlong uri; ang green category na dapat itinitinda araw-araw, yellow category na kailangang itinda nang may pag iingat, at red category na ipinagbabawal.

Nakapaloob din sa naturang batas ang recommended intake per day ng bawat sangkap para sa mga estudyante. Limang gramo para sa asin, anim hanggang siyam na gramo para sa asukal, at 30 gramo naman para sa saturated fats.

Subalit, sa kabila ng inilabas na ordinansa ng DepEd, napag-alaman na itinitinda sa kantina ng Bagong Silangan High School (BSHS) ang ilang mga pagkain at inuming nasa red category o mataas sa asin, asukal, at saturated fats. Kabilang na rito ang kape, biscuits, inuming matatamis tulad ng samalamig, shake, saging con yelo, at mga pritong pagkain. Bukod sa nakapagdudulot ng obesity at diabetes ang lubhang matatamis at mamantikang pagkain, nagreresulta rin ito sa pagkakaroon ng sakit sa puso. Papataasin ng sobrang pagkain ng matatamis ang blood sugar level na magreresulta naman sa high blood pressure. Habang sakit sa bato at hirap sa pag-ihi naman ang maibubunga ng maalat na pagkain. Base sa pag-aaral ng Harvard Medical School, mas mataas ng 38% ang namamatay dulot ng sakit sa puso ang mga taong kumukonsumo ng 17%-21% ng asukal kada araw kaysa sa mga taong kumukonsumo lang ng 8%.

Minsan Pag-Asa, Minsan Paasa

Isang biyaya para sa lahat ang pagkakaroon ng anak dahil walang katumbas na ligaya pero paano kung ang biyayang itinuturing ay magbibigay sa iyo ng kahirapan at balakid sa pangarap. Kabataan, sila ang sinasabing pag-asa ng bayan ngunit paano nila ito mapatutunayan kung sila na mismo ang nagbibigay ng bigat sa pasaning daladala ng lipunan.

Taong 2022, mayroong 5.4 porsiyento o 5,531 na mga kababaihang 15 hanggang 19 taong gulang ang nabuntis sa ating bansa.

Ayon sa Cordillera Administrative Region (CAR), ang teenage pregnancy ay nasa 6.1 percent noong 2022, tumaas ng 2.6 percentage points mula sa 3.5 percent noong 2017.

Kaya itong maiwasan kung may sapat na kaalaman ang mga kabataan tungkol sa family planning, mayroong matibay na ugnayan sa pamilya, kaibigan, at iba pa.

Maraming kadahilanin bakit nangyayari ang maagang pagbubuntis katulad na lamang ng impluwensiya ng kaibigan o kakilala, dala ng kalasingan, kakulangan ng kaalaman, at personal na problema.

Ang pagbubuntis nang maaga ay maraming magiging epekto sa kabataan katulad ng sex-related na sakit,pagkasira ng kinabukasan, at iba pa.

Hindi masama ang maghangad o magkaroon ng anak na itinuturing na kaligayahan ng mga ina pero hindi sa maagang edad, may mga oras nakalaan para diyan.

Bilang kabataan, ating sikapin na lumago para sa lipunan at maging inspirasyon sa mga susunod na henerasyon ng mga kabataan. Patunayan na ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan.

Pula: Mga ipinagbabawal na pagkain

- Fish balls

- French Fries

- Shakes

- Powdered

- Candies - Bacon

Dilaw: Dapat itinda nang may pag-iingat

- Biscuit

- Fried rice

- Turon

- Fried chicken

- Sandwiches

- Champorado - Sopas

Berde: Dapat laging itinda

- Fresh fruits - Egg - Clean water

- Rice - Saging Saba

This article is from: