5 minute read
Pampahayagan na, pampalakasan pa
Maagap na pagsusumikap at matalas na pag-iisip, ganito mailalarawan ang sinandiganang preparasyon at karera ng Grade 10 Journalist at Badmintonist na si Kisha Elizada para ibandera ang Bagong Silangan High School (BSHS). Patunay nito ang pagsungkit ng mga parangal at panalo para sa Silanganians.
Sinimulan lang yakapin ni Elizada ang larangan ng badminton noong siya ay 15 taong gulang dahil mas hilig nya ang volleyball. Sa likod ng kaniyang matamis na pagsikad, nagsilbing sandalan ni Elizada ang mga taong sumuporta sa kaniya na nagsilbing daan upang lumawak ang kaniyang kaalaman at karanasan sa larong badminton.
Advertisement
“Basic lang naman matutuhan ang badminton, mas nahasa lang ‘nong nagtraining ako,” ani Elizada.
Isports Kolum
Karangalan Sa Nais Na Larangan
Bendisyon ng pagsusumikap.
Isa sa mga kinagigiliwang laro ngayon ang Badminton.
Gamit ang raketa, papaluin mo ang shuttlecock at itatawid ito sa kalaban. Ang sinumang unang maka puntos hanggang bente uno, ang siyang tatanghaling mananalo.
Kung gaano kataas ang lipad ng shuttlecock sa ere, ganoon din kataas ang determinasyon kong manalo.
Pagod, ligaya, at kaba ang naramdaman ko matapos ang laban namin noong District
Meet, Girls Double
Badminton na ginanap sa Don Alejandro Roces Sr. High School noong ika-12 ng Marso.
Taglay ang mumunting karunungan, nairaos namin ang laro at naipanalo ito. Hindi biro ang aming napagdaanan marahil kulang na kulang ang paghahandang ginawa namin kumpara sa paghahandang ginawa ng kalaban.
Sa isang buwan, isang beses sa isang linggo lamang kami nagsasanay. Kulang din ang mga kagamitan tulad ng shuttlecock at raketa.
Dagdag pa riyan, wala ring permanenteng pageensayuhan dahil palaging okupado ang court ng aming eskwelahan.
Bagama’t kahit kulang ang aming pagsasanay, nagawa pa rin namin ng kasama ko na manalo dahil sa suporta ng aming mga pamilya, kaibigan at coach.
Malayo pa ang hakbangin na lalakarin ko upang matupad ang mga pangarap. Pangarap na maging isang ganap na manlalaro sa larangan ng Badminton. Maraming sakit pa sa katawan ang daranasin ko, at maraming butil pa ng bigas ang kakainin. Ang maranasan ito ay isa sa mga ipinagmamalaki ko dahil binuhos ko ang aking puso, oras at tiyaga makamtam lang ang panalong minimithi ko.
Kaya naman, sa tulad kong nangangarap din, patuloy tayong mangarap. Huwag nating hayaang matuldukan ang kasiyahang nararamdaman at harinawa’y hindi tayo magsawang abutin ang karangalan na ating inaasam. Dahil ang atletang Pilipino, mapapagod pero hindi susuko.
Hindi man lumaki sa pamilyang aktibo sa sports, mula sa simpleng libangan ng dekalibreng atleta sumindi ang apoy ng determinasyon upang tahakin ang karera sa pandistritong paligsahan. Noong ika-17 ng Marso, isinalang siya katuwang si Mary May
Taguinod sa District Meet
Girls’ Doubles Badminton at ipinamalas ang umaatikabong laro matapos magawang umabante sa semifinals bago bakuran ng Ernesto Rondon High School (ERHS) ang tagumpay.
“Hindi enough ‘yong training namin since 1 times a week lang, umasa na lang ako na sana hindi kabahan. Nanghinayang ako kasi hindi kami umabot ng finals, natalo kami kasi nagfailed ako sa last.”
Natalo man sa semis ng District Meet, naging susi naman ito bilang pundasyon sa kaniyang pagpupursigi para sa kampanya ng karera sa paparating na Regional School Press Conference (RSPC) at malinang ang kakayahan sa paparating niyang pag-apak sa Senior High School sa susunod na taon.
Nilahukan niya ang pagsulat ng editoryal dahil kulang ng ilalaban sa kategoryang ito. Siya rin ang kauna-unahang miyembro
Lumalagong Potensyal
Ensayo para makamit ang liderato sa loob ng entablado.
Sa larangan ng pampalakasan, hindi lamang ang laki ng katawan ang sukatan ng tagumpay. Pinatunayan ito ni 5’2 Bagong Silangan High School (BSHS) Basketball Team Captain Louievhenmar Castillo na hindi man katangkaran tila batikan naman kung ituring ang kalidad ng laruan sa larangan ng basketball.
Tangan ang lumalagong kredensyal bilang maaasahang basketball player, patuloy na pinatutunayan ni Castillo ang kaniyang husay at kaalaman sa pagiging isang team captain.
Kaakibat nito ang pagsungkit ng Most Valluable Player (MVP) sa BSHS vs Tandang Sora National High School (TSNHS), 61-38 sa 5v5 Men’s Basketball Interdivision opener noong Marso 4, 2023 sa Amoranto Sports Stadium.
Umani ng 17 puntos, dalawang steals, isang assist, at isang rebound si Castillo sa kaniyang unang laro sa naturang torneo. Sumiklab ang umaatikabong laro ng ng pamilya nila na isang mamamahayag. Sa kabila ng kulang sa preparasyon, hinirang si Elizada bilang 6th place sa pagsulat ng editoryal sa 2022 Congressional District II Secondary School Press Conference (CDSSPC) at 4th place sa Quezon City Division Secondary School Press Conference (QCDSSPC). kapitan nang buong lakas niyang buhatin ang koponan ng BSHS. Natalo man sa Commonwealth High School (CHS) sa parehong torneo, muling itinanghal si Castillo bilang player of the game matapos magpasabog ng 27 puntos, apat na rebounds, tatlong steals.
“Kung gusto at masaya ka sa ginagawa mo, sulit naman ‘yong pagod na nararamdaman niyo,” ani Elizada. “Never masasayang lahat ng trainings and practices dahil step by step tayong natuto.
Kamangha-mangha ang ipinakikitang husay ni Elizada bilang isang atleta at mamamahayag. Bitbit ang kaniyang pangarap, pinatunayan niya na determinasyon ang susi upang makamit ang tagumpay.
“Na-justify lang ‘yong desisyon namin na kunin siyang team captain ng school team na magpoprovide ng spark sa team regardless kung anong maging outcome ng laro,” ani Coach Darwin Dela Torre.
Ipinagpapatuloy ni Castillo ang paglahok sa iba’t ibang torneo na nagsilbing daan upang lumawig ang kaniyang koneksyon at karanasan sa larong basketball. Suot ang mga jersey na kulay lila at puti ng koponang Silangan, tiyak na magiging kapana-panabik ang pagbabalik ni Castillo upang patunayan na kaya niyang pangunahan ang koponan sa tugatog ng tagumpay.
ECHO, pinagharian ang M4 World Championship
Echo Loud, Echo Proud.
Giniba ng MPL
Philippines runner-up Echo
Loud Aura Philippines ang
‘di mabasag-basag na code ng defending champions
Blacklist International na namayagpag ng dalawang taon sa isang
‘di inaasahang 4-0 sweep sa All Filipino Finale ng
Mobile Legends: Bang Bang
M4 World Championship sa Tennis Indoor Stadium
Senayan noong Enero 15.
Umukit ng kasaysayan ang kampanya ng Pilipinas sa M-Series sa likod ng kampeonato ng ECHO na nauna nang inilaglag ng Defending Champs sa Upper Bracket para iluklok ang kauna-unahang
3-peat sa serye na nauna nang sinimulan ng BREN
Esports noong M2 at ang
M4 1st-Runner up Blacklist International noong M3.
Matagumpay na dinecode ng Purple Orcas ang iconic Ultimate Bonding
Experience (UBE) strat ng Blacklist International matapos i-ban sa buong serye ang pangunahing gasolina ng strategy na Estes ni Johnmar “OhMyV33nus”
Villaluna at pagbibigay sa
Echo roamer Tristan “Yawi” Cabrera ng iba pang comfort picks ni “The Queen.”
“Sobrang saya tapos ‘di ko po mapaliwanag, gusto ko po umiyak na ayaw lumabas,” ayon kay Finals MVP Benedict “Bennyqt” Gonzales. “Sobrang overwhelming lang siguro sa’kin lahat ng pumapasok sa utak ko at puso ko.”
Isa sa mga natuwa sa tagumpay ng ECHO ang mag-aaral ng BSHS na si McKenly Estrella at mga kaibigan nitong isang taon nang sumusubaybay sa iniidolo nilang kuponan.
“Sobrang natuwa kami ng mga kaklase ko sa school kasi since AURA pa ung may hawak sa team idol ko na talaga sila.” ani Estrella.”Nakakatuwang makita na nag chachampion ulit mga idol ko kasi ilang season din silang di nakakapag champs.”
Itinanghal na Finals MVP si ‘Bagyong Benny’ at nag-uwi ng 16.5 milyong pisong gantimpala ang kanyang habang nagbulsa naman ng 6.6 milyong piso ang former champions Blacklist International.