2 minute read
Malayo pa sa tugatog
Sa patuloy pag-usbong ng mundo ng pampalakasan, mahalagang salik ang pagsasanay sa tagumpay. Gayunpaman, malaking tanikala sa paghasa ng kakayahan ang kawalan ng tamang lugar na mapagsasanayan.
Ganito ang hamong kinakaharap ng Bagong
Advertisement
Silangan High School (BSHS) kung saan hindi sapat ang suportang natatanggap ng mga nagsisikap na atleta para ibandera ang kanilang paaralan sa larangan ng pampalakasan.
Nitong Marso, ginanap ang Division Athletic Meet kung saan nakamit ng BSHS mens voleyball team ang ikatlong puwesto.
Lumapag sa ikaanim na puwesto sa boys category at ika-siyam sa girls category ang koponan ng chess.
Hindi naman maikakaila ang mga sakripisyong inilaan ng para makopo ang mga karangalang nabanggit subalit mas kaya pa itong higitan kung sila’y nabibigyan ng tamang lugar na mapagsasanayan at sapat na kagamitan. Sa lumalaking populasyon ng mga magaaral ng BSHS, itinayo noong 2019 ang gusali sa paaralan at giniba ang covered court na dati’y espasyo ng mga
BSHS winalis ang
TSNHS sa Interdivision Meet opener, 61-38
Sinandalan ng Bagong Silangan High School (BSHS) ang kanilang mantra at balanseng atake, nang tibagin ang Tandang Sora National High School (TSNHS) sa bendisyon ng pukpukang 61-38 win upang mapasakamay ang unang panalo sa 5v5
Basketball Interdivision Meet sa Amoranto Sports Stadium, March 4.
Nagningning bilang Player of the Game si BSHS Team Captain Louivhenmhar Castillo tangan ang 17 puntos, dalawang steals at isang rebound.
“‘Yung intensity ng mga bata natin sa defense which is ‘yon talaga ‘yong from the day 1 ng aming training pinipreach ko na talaga na madaling kumuha ng score pero lahat ‘yon ay nagsisimula sa magandang depensa,” ani ng BSHS Head Coach Darwin Dela Torre.
Maagang siniil ng BSHS ang bentahe tampok ang nakamamanghang ball movement at fast plays nito, 5-0, ipinagpatuloy ng Silanganians momentum matapos pumukol si Ortega ng jumper at si Lapasaran ng 3 point shot dahilan upang mapasakamay ang unang quarter ng laro, 10-5.
Ipinagpatuloy ng BSHS ang matatag na depensa sa ikalawang quarter nang barikadahan ni John para mag-ensayo. Sa loob ng apat na taon, nawalan sila ng lugar na mapagsasanayan na kahit tapos na ngayon at hindi pa rin nagagamit. Batid ng sinomang atleta ang hirap ng kanilang paglalakbay.
Panahon na upang tuldukan ang ganitong tahasang pagsasawalangbahala at panahon na para mabigyan ng tamang lugar na mapagsasanayan ang mga mag-aaral na atleta na hahasa sa kanilang kakayahan at magpapamalas ng kanilang buong potensyal. Malayo pa sa tugatog ang antas ng pampalakasan ng BSHS. Manindigan tayo sa pantay na pagtingin sa anomang larangan sa pampalakasan at paglikha ng sistemang sesentro sa paghubog ng mga susunod na kampeon.
Benedict Bithao ang tatlong shot attempts ng katunggali dahilan upang hindi maagaw ang liderato, 18-12.
Binuksan ng BSHS ang bukana ng ikatlong quarter sa ibinuslong pull up jumper ni Reyhan Sancho, 20-12, at diniinan pa ng BSHS ang silinyador at pinalobo ang kalamangan sa kanilang 12-4 run tampok ang transition lay ups at dish out assists nina Castillo at Bithao, 32-16.
Nanlupaypay ang depensa ng TSNHS sa dominenteng performance ng Silanganians na sinamantala naman ni Prince Baste Bithao sa pagtikada ng dalawang three point shot sapat upang itarak ang 43-24 pag-alagwa at angkinin ang naturang quarter.
Pinaigting ng BSHS ang kontrapelo nito sa huling quarter nang kumana ng parehong anim na puntos sina Lapasaran at Sancho para pamagain ang agwat sa katunggali samantalang hindi na napanatili ng TSNHS ang magandang koneksyon sa pagitan ng bawat miyembro dahilan kaya nabitawan ang tempo ng laro at tuluyang isinuko ang kampanya.
Bunsod ng pagkapanalong ito, makakaharap ng Silanganians ang koponan ng Commonwealth High School (CHS) sa parehong venue, Marso 5.