1 minute read

ALPAS LATHALAIN

Next Article
ikinalungkot

ikinalungkot

Pahimakas Sa Pahimakas Sa Taong Lumipas Taong Lumipas

Edukasyon ang tanging kayamanan na hinding-hindi mananakaw sa kahit kaninuman. Subalit sa likod ng kinang ng kayamanang ito, ay mayroong kawatan na tumatangay dito.

Advertisement

Tuwing umaga ng

Sabado, ginagayak na ni Aling Delia Caraig ang kanyang sarili sa pagpasok sa Alternative Learning System (ALS) ng Bagong Silangan High School. Saisenta na si Aling Delia subalit hindi ito naging hadlang upang abutin ang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral. Pang-anim sa 12 magkakapatid si Aling Delia.

Bunsod ng kahirapan, kinailangan niyang magpaubaya sa kanyang mga kapatid sa pag-aaral at matutong kumayod para sa ikabubuhay ng kanilang pamilya.

Ilang dekada ang dumaan, at nagkaroon na rin siya ng sariling pamilya. Minabuti niyang maibigay ang lahat ng pangangailangan ng kanyang mga anak gaya ng edukasyon na bigo niyang matamasa noon.

Bagaman mayroong asthma at sumasailalim sa monitoring kada anim na buwan para sa kanyang benign breast cyst, hindi pa rin nawawala ang kanyang determinasyon na makapagtapos.

Balak pa rin niya na pumasok sa senior high at kolehiyo upang manghikayat ng mga Out-of-School Youth at Adult (OSYA) na ipagpatuloy ang pag-aaral sa tulong ng ALS.

Kaya naman, payo niya sa mga kabataan, habang may pagkakataon at nagpapaaral, o hanggang kayang pag-aralin ang sarili, huwag tumigil sa pag-aaral at matutong abutin ang mga mithiin sa buhay.

This article is from: