1 minute read
Resesh
Napakasakit, kuya Eddie ang sinapit ng aking tiyan. Napakasakit, kuya Eddie sabihin mo kung ano ang gagawin sa labing limang minutong recess.
KALIGTAsan
Advertisement
Marami ang nalungkot at nagulat sa pagkamatay ng isang estudyante ng Culiat
High School matapos saksakin ng kaklase sa loob mismo ng paaralan dahil umano sa selos.
Dahil sa nangyari, pinaigting ang seguridad sa mga pampublikong paaralan sa lungsod.
Bago pumasok ang mga mag-aaral, isa-isang tinitingnan ang laman ng kanilang bag upang masigurong walang dalang ipinagbabawal na gamot at mga patalim na maaaring maging sanhi ng disgrasya.
Sa kabila ng mga pag-iingat na ginagawa ng paaralan, hindi pa rin maiiwasan ang mga karahasan sa loob ng paaralan.
Kaya naman, mabuti kung magkakaroon ng mga awareness program sa mga paaralan upang mas maintindihan ng mga mag-aaral kung ano ba ang mabuting maidudulot ng mga paghihigpit na isinasagawa.
Sino ang magaakalang sa murang edad, makagagawa na ang isang estudyante ng kasalanang magbubunga ng hinagpis ng iba?
Nang dahil sa hindi pagkakaunawaan, humantong ito sa kamatayan.
Malayo-layo pa ang lalakbayin natin upang maseguro ang kaligtasan ng mga estudyante.
Ngunit kung lahat ay kikilos, mas mapadadali ang pagresolba sa mga problema.
Ika nga nila, dumarating ang panganib sa oras at lugar na hindi mo inaasahan. Sino bang mag-aakala na may magaganap na patayan sa loob ng paaralan lalo na at itinuturing itong pangalawang tahanan ng mga mag-aaral?
Kumakalam ang sikmura naming mga magkakaklase habang nasa klase. Kulang na kulang ang oras na ibinigay sa’min para makapagpahinga. Kahit na dalawang beses pa ang recess, hindi pa rin ito sapat lalo na ‘pag mahaba ang aralin na tinatalakay.
Ang iba ay nagkakasakit dahil sa pagmamadali sa pagkain, ang iba naman ay dahil ‘di na nakakakain. Kailan ba ito mabibigyang pansin? Marami na ang nagrereklamo pero ang mga tainga nila’y nakasarado. Paano matututo ang mga estudyante kung sila
ELLAlahad
Ni Michaella Celine Torion
ng peligro sa kapwa estudyante.
ay gutom? Hiling lang naman naming mga magaaral na dagdagan ang oras ng recess dahil hindi ito sapat para makakain at makapagpahinga.
Ayon sa mga eksperto, may ginagampanang malaking papel ang breaktime sa mga magaaral. Mas mataas ang nakukuhang marka ng bata kung may sapat siyang pahinga. Nakatutulong din ang recess upang mas maging produktibo at mas makapagpo-focus sila sa aralin.
Maraming masamang bunga ang kakulangan ng breaktime sa mga