1 minute read
TANIKALANG BAHAGHARI
Sa apat na sulok ng silid, mararamdaman mo ang isang bahagharing pumipiglas na tila ibong pilit na kumakawala sa isang hawla.
Kawalan ng kalayaan at pagkakapantay-pantay ang dinaranas ng mga estudyante sa paaralan dahil sa ilang mga guro’t kamagaral na kinukutya ang kanilang pagkatao’t postura.
Advertisement
Noong 2012, naglabas ang DepEd ng D.O. 40 o ang Child Protection Policy na naglalayong tumugon sa bullying at diskriminasyon sa eskwelahan.
Gayunpaman, may ilan pa ring pamunuan at mga guro ang tutol sa mga bakla at transgender na nagdadamit pambabae. Anila, hindi naman kailangan pang magsuot ng pambabaeng kasuotan ang mga bakla. Isa pa, huwag naman daw sanang umabot sa sitwasyon na kailangan nilang maging babaeng-babae para lamang sa kanilang kagustuhan sapagkat nasa eskwelahan sila upang mag-aral, at hindi magpaganda.
Tunay na hindi naman sa pisikal na pananamit nakikita ang kahusayan sa larangan ng akademya, bagkus sa miyembro ng LGBTQIA+.
Laganap na ang stereotyping sa kasarian ng bawat tao. Palaging bukang-bibig kung ano ang nararapat na gampanan ng lalaki’t babae na itinakda ng lipunan.