1 minute read
PasiliDEAD
Siksikan, gitgitan, init, at kakulangan sa pasilidad ang kalaban ng mga kagaya kong mag-aaral ngayon na nasa pampubliko na paaralan.
Bilang isang aktibong representative ng Supreme Student Government ng paaralan, nakikita ko ang suliraning kinahaharap ng paaralan katulad ng kakulangan ng bentilador at silid-aralan na nagbubunga ng siksikan at init na nararamdaman.
Advertisement
Parking lot ng eskwelahan ang nagsisilbing silid ng iba kong kamag-aral dahil kulang ang 33 kwarto ng paaralan. May bagong building nga ngunit hindi pa rin ito sapat para sa 5,767 estudyante ng Bagong
Silangan High School.
Limitado lang din ang mga bentilador na mayroon sa bawat silid. Ang iba pa rito ay despalinghado kaya hindi na rin napapakinabangan.
Pamaypay at tubig ang kasangga ng katulad kong magaaral dahil sa init na nararanasan sa paaralan. Kahit pa hatiin nila ang iskedyul para kumaunti ang bilang ng pumapasok, hindi pa rin ito epektibo.
Bagkus ay nagpapahirap lamang ito sa gawain ng mga guro.
Temperatura ng panahon na mismo ang kalaban ko, dagdag lang ang kakulangan ng pasilidad dahil matagal na itong suliranin ng edukasyon na hanggang ngayon hindi pa rin sinosolusyonan.
Kaya naman sa mga nanunungkulan, kahit wala kaming binabayaran kahit piso, karapatan namin ang makapag-aral nang maayos. Pagtuonan nawa ng pansin ang mga suliranin dahil hindi lang estudyante ang naaapektuhan, maging ang mga kaguruan din.
FAIRrer
Ni Eroll James Ferrer