3 minute read

TANIKALANG BAHAGHARI promOUTion

Next Article
ikinalungkot

ikinalungkot

Napakaswerte ko talaga dahil nagkaroon ako ng isang gurong masipag, magaling magturo, at higit sa lahat ay maasahan.

Kaya naman walang duda kung umaangat ang kanyang katayuan sa propesyon ng pagtuturo. Ngunit sa kabilang banda, nakalulungkot naman dahil ang kapalit ay ang paglipat naman sa ibang paaralan upang magpatuloy sa bagong yugto sa pagtuturo. Marami ang mga guro sa pampublikong paaralan ang kinakailangang lumipat sa ibang eskwelahan tuwing napo-promote ang kanilang ranggo sa pagiging guro. Ngunit paano na lang ang mga mag-aaral na kanilang naiiwanan sa kalagitnaan ng pagtuturo?

Advertisement

Malaki man ang tulong nito sa mga guro, may mga negatibong epekto naman ito sa mga magaaral na kanilang naiiwan. Katulad ko, tunay akong nanibago nang mapalitan ang aking guro pagkatapos ng unang markahan namin dahil iba na naman ang gurong magtuturo sa amin.

Naisip ko na panibagong adjustment na naman ang mangyayari dahil ang aming gurong tagapayo ay napalitan.

Kung mayroong guro na aalis sa isang paaralan dahil sa kanyang pagkakapromote, hindi malabo na mahirapan ang mga estudyanteng kaniyang maiiwan sa kalagitnaan ng taong panuruan. Bukod sa maninibago ang mga magaaral, iba-iba rin ang paraan ng pagtuturo ng mga guro na maaaring makaapekto sa pagkatuto ng mga bata.

Sa kabuuan, nakatutuwang makita na maraming guro ang tumataas ang ranggo dahil siguradong iyan ang pangarap nila simula nang pumasok sila sa industriya ng pagtuturo. Ngunit, nakalulungkot din dahil minsan ito rin ang nagiging dahilan ng pagkaiwan naming mga mag-aaral.

Ngayon, para sa minamahal naming mga guro, huwag niyo sanang basta iwan ang mga kagaya kong mag-aaral. Punan niyo sana sa ibang paraan ang pagtuturo na inyong sinimulan bago kayo magpaalam dahil sa huli, kayo rin naman ang dahilan para makamit ng inyong mga tinuturuan ang kanilang mga pangarap sa hinaharap.

Bagamat kahit umiiral na ang mga patakaran, hindi ito epektibong naipatutupad. Ito’y humahantong sa patuloy na pagmamaltrato ng mga kawani’t guro sa mga mag-aaral na LGBTQIA+.

Nagdidikta ang mga paaralan ng mahigpit na pamantayang pangkasarian sa mga estudyante tulad ng wastong uniporme, paglimita matamasa ng mga miyembro ng LGBTQIA+ Community ang kalayaan at karapatan na dapat nilang makamtan. Sa mga paghihirap at kawalan ng ekwalidad na kanilang nararanasan sa paaralan, hindi sapat ang mga batas o organisasyon ng bansa kung walang aksyon na ginagawa ang bawat tao. Hindi sa pananamit o pisikal na kaanyuan makikita ang tunay na kadakilaan ng puso. Ang kalayaan ay para sa lahat, hindi lamang para sa mga matataas. Tandaan, hindi masamang maging maselan kung ekwalidad ang pinag-uusapan. Makiisa, at lisanin ang diskriminasyon.

SAYlanganians

Epektibo ba ang paghati ng iskedyul ng lalaki sa babae para mabawasan ang init sa eskwelahan

Hindi epektibo ang paghiwalayin sila para mabawasan ang init na nararamdaman. Bigyangsolusyon sana ang suliranin sa init ng panahon sa paraang hindi naisasakripisyo ang karunungang dapat matamo ng bawat mag-aaral.

Base sa aking obserbasyon, hindi epektibo ang bagong iskedyul na ipinatupad dahil ganun pa rin naman ang init na nararanasan ng mga mag-aaral sa tuwing sila’y papasok.

- Fame Louise Kallos 10 - Benevolence

Ni Leanah Serviño

Para kanino ka bumabangon?” Tanong sa commercial ng Nescafe 3 in 1 na paulit-ulit na sumasagi sa aking isipan. Para kanino nga ba ako bumabangon? Dati naman ay lagi kong wari ang sagot diyan. Ngunit nang dumaan ang pandemya, naglaho ito nang tuluyan. Taong 2020, naranasang mabilanggo sa sariling isipan. Nawalan ng inspirasyong bumangon, binalot ng lungkot at kadiliman, palaging nag-iisa, at walang ganang makisalamuha sa kapwa na siyang nagpabago sa akin.

Ayon sa Council for the Welfare of Children, 34% ng mga kabataan ang nagpahayag ng kalungkutan, takot, at pangamba sa kasagsagan ng pandemya. Nilason nito ang masayahing isipan ng mga tao na siyang nagpalala ng kalagayan ng mentalidad ng bawat isa.

Dalawang taon ang nagdaan, pandemya ay lumipas. Unti-unti akong namulat sa mundong ginagalawan at nagising sa mahimbing na diwang natutulog. Maraming pagbabago ang nasaksihan. maraming pangyayari ang napagdaanan, ngunit ako ay bilanggo pa rin sa kulungan ng nakaraan.

Hindi ito nagtagal noong nakilala ko siya. Ang tumulong sa aking idilat ang mga matang nakapikit buhat ng nakaraan. Ang nagturo sa aking magkaroon ng boses at mata sa lahat ng ginagawa. Ang nagturo sa aking maging bukas at hindi maging sara.

Siya ang nagpalaya sa aking kulungan na matagal ko nang gustong labasan. Nang dahil sa kaniya, unti-unti kong natagpuan ang sarili ko at napagtanto kung sino nga ba talaga ako. Ako ay naging masayahin, masigla, at lagi ng may ngiti sa labi. Dahil sa kanya, nahanap ko na ang tunay na kasagutan kung para kanino nga ba ako bumabangon. “Para kanino ka bumabangon?” Bumabangon ako para sa sarili ko, sa pamilya. sa mga kaibigan ko at sa mga tao. Dahil sa pandemya, marami akong napagtanto, maraming aral ang natutunan, maraming problema ang nalampasan, na babaunin ko habang patuloy na bumabangon sa buhay ko dahil hindi lang naman sa akin umiikot ang mundo.

This article is from: