Silakbo

Page 1

silakbo

Hulyo 2022 2022 Hulyo


silakbo

Tomo 19, Hunyo 2022


Pabalat Zyronne Giltendez Mary Lademora

Konsepto Zyronne Giltendez Lysander Jimenea Paul Estrope Bea Besa Mary Lademora Margarette Inumerables Dianelle Varrera

Disenyo Zyronne Giltendez Paul Estrope Mary Lademora Margarette Inumerables

Litratista Margarette Inumerables


nilalaman silakbo

pula 1

May Pag-asa Pa Ba?

10

2 Sariling Hugis

11

3

12

Bukas na Liham mula kay Maliana

4 Muling Pagtatagpo

14

5 Ang Hiyaw

16

6 Lalaro Ka Ba?

17

7 Mahika

18

kahel 1

Kalayaan

24

2 Kahel

26

3

27

Nagsisismbolo ng Pagtatapos

4 Ang Aking Liham

28

5 Kulay na Laging Sinisigaw

29

6 Araw at Ako

30

7 Sa Paglubog ng Araw

32

8 Taglagas

34


nilalaman silakbo

dilaw 1

Bawat Oras

40

2 Kunig

41

3

42

Sunflowers

4 Ang Matamis na Sigla ng Tag-Init

43

5 Dahilan

44

6 Dilaw

47

7 Bukas na Liham mula kay Mary Therese

48

berde 1

Pagsibol

54

2 Esmeralda

56

3

58

Berdeng Kalikasan pa nga Ba?

4 Bukas na Liham mula kay Dielo

59

5 Ang Kalikasan At Ako

60

6 Kumusta Ka, Aking Kalikasan?

62

7 Bukas Na Liham mula kay Maliana

64

8 Kagandahan ng Mga Bulaklak

66

9 Kalikasan

67


nilalaman silakbo

bughaw 1

Pahinga

72

2 Imahinasyon

73

3

74

Pagtitiwala

4 Mula Kay Liyag

75

5 Bukas na Liham mula kay Eaya

76

6 Sulat Para Sa’yo

78

7 M.A.G.K.A.I.B.I.G.A.N

80

8 Kalangitan

82

lila 1

Bukas na Liham Mula kay Juliana

88

2 Alpas

90

3

92

Sibol ng Pagmamahal

4 Bukas na Liham Mula kay Mary Therese

93

5 Huling Paalam

94

6 Pride

96


Paunang Salita Lumipas na ang tatlong taon simula ng sakupin ang buong mundo ng tinatawag na COVID-19. Marami ang nagbago sa pamamalakad ng gobyerno o kung paano mamuhay ang mga tao. Marami ang pinagdaanan ng bawat mamamayan ng mga bansa hindi lamang dito sa Pilipinas. Nakaranas ang bawat isa ng pagkawala ng mahal sa buhay o kaya pagkahirap lalong lalo na sa pera. Marami ang pinagdaanan ng bawat isa ngunit patuloy pa rin tayong lumalaban. Lumalaban sa lahat ng nga problemang hinarap, hinaharap, at haharapin sa susunod na mga araw. Layunin ng magasing ito na ipakita ang mga simbolismo ng bawat kulay sa buhay ng mga manunulat ng publikasyon Ang Layag. Nais naming ibahagi kung ano ba ang ibig sabihin ng bawat kulay na nagbibigay saysay sa ating mundo para sa mga kabataan ngayon kagaya ng mga kontribyutor at patnugot ng publikasyon sa gitna ng pandemya. Ano nga ba ang pumapasok sa kanilang isipan? Naiintindihan ba natin ang kanilang mga damdamin? Patuloy tayong lumalaban sa sakunang ito ngunit hindi hindi ba tayo mapapagod sa huli? Dianelle Mariz Ysbabel T. Varrera Punong Patnugot




May Pag-asa Pa Ba? Asia Agsam

Kay dami ng mga nangyaring kaganapan Masyado na atang nagugulahan ang karamihan Mga problemang panlipunan na kay bagal pang masolusyonan Nakakapangamba na sa bansa at sa taong bayan Kailan ba maririnig ang hinaing ng mga kabataan? Nakakatawa na kami raw ang pag-asa ng bayan ngunit hindi naman pinapakinggan Oh bayan ko, hirap mo namang ipaglaban Kailangan pa ba ng gulo upang lahat ay matauhan?

10


Sariling Hugis Lysander Tiu

Maging isang pusong walang kinatatakutan, Katapangan na hindi maaaring mababawasan. Maging isang taong na hindi madaling sumusuko, Kagandahan ng sarili na walang tinatago. Ipagmarangya ang sariling kapintasan, Tanggapin ang dungis na ating nararanasan. Baguhin man ang sarili upang matugunan ang kanilang gusto, Umakyat sa kubling hagdan at ihugis ang sariling wasto. Sinabihan na taguhin ang sariling hangarin, aking pinagtawanan, Umaarte na parang mapagkumbaba, aking mga matang binuksan. Masasaktan ka lang kapag lumapit ka sa aking puso, Mula sa mga paghihirap at hamon na hinarap, ako’y nabuo. Tignan mo ang iyong sarili, ano ba ang naging kinabukasan? Sariling walang hugis, sariling binitawan. 11


Liana Eriso Sa lahat ng damdamin ng puso ng tao ay wala nang mahal at dakila na gaya ng pagibig. Ang katwiran, ang katotohanan, ang kabutihan, ang kagandahan, ang Maykapal, at ang kapwa-tao ay siya lamang mangyayaring maging sanhi ng pag-ibig; siya lamang makapag papa bukal sa loob ng tunay at banal na pag-ibig. Kung ang masama at matuwid ay ninanasa rin ng loob, hindi ang pag-ibig ang tunay na siyang may udyok kundi ang kapalaluan at kasakiman. Kung ang pag-ibig ay wala, ang mga bayan ay hindi magtatagal, at kara-karakang mapapawi sa balat ng lupa ang lahat ng pagkakapisan at pagkakaisa, at ang kabuhayan ay maitutulad sa isang dahon ng kahoy na niluoy ng init at tinangay ng hanging mabilis.

12


Ang tunay na pag-ibig ay walang iba kundi iyong makaaakay sa tao sa mga dakilang gawa sukdulang ikawala ng buhay sampu ng kaginhawaan. Ngunit ang kasakiman at ang katampalasanan ay nag-aanyo ring pag-ibig kung minsan, at kung magkagayon na ay libu-libong mararawal na kapakinabangan ng nagkapalit ng kapatak na pagkakawanggawa na nagiging tabing pa mandin ng karapatan at ng masakit na pag-iimbot. Sa aba ng mga bulag na isip na nararahuyo sa ganitong pag-ibig. Ang pag-ibig – wala na kundi ang pag-ibig na tanging binabalungan ng matatamis na alaala sa nagdaan at ng pag-asa naman sa darating. Sa malawak na dagat ng ating mga kahirapan at pagkadusta, ang pag-ibig ay siyang nagiging dahilan lamang kung kaya natin minamahal pa ang buhay. Kung ang magulang ay walang pag-ibig sa anak, sino ang magbabatang mag-iiwi sa mga sanggol? At mabubuhay naman kaya ang mga anak sa sarili lamang nila?

13


Muling Pagtatagpo Atasha Gregorio Ilang taon na ang nakalipas, nang sabihin ang kanilang pahimakas. Panibagong tipanan, panibagong hantungan, panibagong kulay sa kanilang buhay. Sa muling pagkikita, kulay pula ang unang namataan. Alon ng emosyon ang nadama, pinto ng iba’t ibang damdamin ang nabuksan. Kasingtingkad ng suot niyang pula, ang tindi ng nararamdaman. Galit, sisi at panghihinayang sa sarili, kaakibat ang kagustuhan sa lalaki.

14


Unti-unting naunawaan, ang tinatagong epekto’t dahilan, na siyang gumulo sa isipan at puso, hanggang sa panaginip ay dinadalaw siya nito. Sa tatlong taong pagdududa, sa tatlong taong pagtanggi, sa kanya pa rin pala uuwi. Napakalapit ngunit napakalayo, ‘yan ang wika ng puso. Gustong lapitan ngunit hindi magawa, ‘ni batiin s’ya ay tila nahihiya pa. Sa muling pagtatagpo, ay doon lahat napagtanto. Muling napaglaruan ng tadhana, kaya ngayon ay patuloy na umaasa.

15


Ang Hiyaw Christine Mangubat

Habang pinagmamasdan ko ang kalsada, Mga batang naglalaro ay aking naalala. Ang dating daanan na puno ng saya at kagalakan, Ngayon, maririnig na lamang ang tili’t hiyawan Saan ba nagsimulang maging ganito? Ipinikit ko lang ang mga mata ko. Nung ako’y namulat, bakit baril at bomba ang aking nasaksikan? Matanda, bata, Inosente, bakit nadamay sa karahasan? Alam kong hindi nila ito ninanais maging ganto Pero ano ang magagawa dahil kalagayan nila’y nasa kamay parasito Sa lider nilang walang puso Kaya hindi maiiwasan ang pagpatak ng dugo Habang may bukas pa, hindi ako mawawalan ng pag-asa Na sana, matapos na ang gera Dalang bansa ay magka-ayos na at magkaisa O Diyos, ikaw na ang bahala

16


Lalaro ka ba?

ay nangangailangan ng matinding tiyaga, oras, at tibay ng loob.

A A

Ang magmahal ay parehong nakakabighani at nakakasakit. Nakakabighani kung paano ang dalawang tao nangangako na sila ay manatili sa tabi ng isa't isa habangbuhay, at nakakasakit kung paano ito nakakapagtulak sa atin na magbigay ng walang sawa sa taong ayaw sa atin. Ito ay isang magandang sakuna, kung tawagin ko.

Giada Padilla

Ngunit marami ka mang madaanan at mararanasang mga pagsubok at sakit, dadating din ang oras na sa larong ito ika’y mananalo, at ang premyo nito ay ang pinakamahiwagang bagay na iyong matatanggap kailanman sa iyong buhay.

A Alam niyo?

Kaya kahit mahirap ang magmahal, ito ay tinitiis natin. Ito ay walang pagod nating ipinaglalaban. Dahil binabago nito ang mundo mo habang-buhay. Binabago nito kung paano mo nakikita ang iyong paligid. Binibigyan nito ng lunas ang iyong mga kirot sa puso. Binibigyan nito ng kulay ang iyong araw-araw. Iyan ang mga premyong dala ng larong ito.

Talagang mahirap ang magmahal. Walang tiyak na kinalalabasan at minsan, delikado. Ngunit kung laruin mo Talagang mahirap ang magmahal. Ang magmahal ay ng tama ang iyong mga baraha, siguradong magiging sulit parang isang laro, minsan ikaw ay mananalo, minsan ikaw ang lahat. Kaya ikaw, lalaro ka ba? ay matatalo. At ang larong ito ay hindi simple lamang. Ito 17


Mahika

Zyronne Giltendez Sa puntong ito, Isusugal ko lahat ng baraha ko Ipupusta ko lahat ng meron ako Mabuhay lang ang pag-ibig sa puso mo. Hindi ko gustong sabihing nahulog ako, Dahil lahat ng nahuhulog, Nasisira’t nababasag. Ngunit para sayo, Tatalon ako. Dahil ang mahalin ka, Ang katangi-tanging anyo ng pagkasira. Hindi ko alam anong salamangka Ang taglay ng iyong buong pagkatao Ngunit tiyak na nabihag ako Ng mahikang bumabalot sa’yo

18


Pinagmasdan kita, Tiningnan mo ako pabalik. Sa bawat segundong nagtagpo, Ang mga mata ko sa mga mata mo. Alam ko na ikaw ang gusto ko. Ngunit ang mahikang taglay mo, Ay mistulang ilusyon sa paningin ko. Dahil ang mga tingin mo, Ay hindi kailanman para sa mga mata ko. Nalinlang ako ng salamangka. Nalinlang ako ng mahikang nagbigay pag-asa Na maabot ang pinakamalayong bituin Na kailanma’y hindi magiging akin. Dahil para sa mga mata mo, Hanggang dito lang tayo.

19






Kalayaan Jelane Sorallo Isang kataga na ang lahat ay ninanais Subalit sa iilan ito’y ipinagkakait Marahil ikaw ay nagtataka kung bakit? Ang kasagutan ay hindi nalalayo sayo kapatid. Minsan ang kalayaan ay hindi natin nakikita Na ito’y isang biyaya, na sa iba ay wala Mapalad tayo sa lahat ng Maykapal na syang nilikha Sapagkat makakapili tayo ng mali o tama.

24


Minsan iniisip natin na tayo ay hindi malaya Subalit ito pala ay sa ating isipan lamang at diwa Imahinasyon na sa atin ay nagbibigay ng lungkot Pero ang katotohan ito lamang pala ay isang singalot Kaya kapatid lawakan ang iyong katalinuhan Ihanda ang puso’t isipan Sapagkat ang iyong sarili lamang ang iyong kalaban Sa isang kataga na sinasabin mong kalayaan

25


Kahel Juliana Linget Sa paglubog ng araw, ito ang una mong masisilayan Kasunod nito ay ang pagdaloy ng ibang kulay sa kalangitan Sa hindi malamang dahilan, ito'y kaaya-ayang tingnan Sapagkat ito ay ang nagsisilbing tagumpay at kalayaan

26


Nagsisimbolo ng Pagtatapos Keana Nemenio Sa bawat pag tingin mo sa kalangitan tuwing hapon, makikita mo ang pag-iba ng kulay mula asul hanggang kahel dahil sa paglubog ng araw. Ang paglubog ng araw na kulay kahel ang nagsisimbolo ng pagtatapos. Ang mga pagtatapos ng mga bagay na nagbibigay aral sa atin. Ito ay nagsisilbi ring paalala na hindi lahat ng katapusan ay hindi ka nais-nais tignan. Pero hindi ito magiging hadlang sa mga bagay na nais nating marating sa buhay, hindi lahat ng paglubog ay katapusan na minsan ito’y nagsisimula palang. Kaya sana ay alalahanin natin na itong kulay kahel na araw tuwing hapon ay maging sagisag sa lahat na hindi lahat ng pagtatapos ay nakasusuklam.

27


Ang Aking Liham Jireh Cartel Ito ay isang liham Sa lahat ng mga napapagod na, Sa lahat ng mga nasaktan at natatakot sumubok muli, At sa lahat ng naguguluhan, Tulad ng kahel na nangangahulugang kasiyahan, Sana'y mayroong puwang ang saya sa inyong puso, Na kahit anong pagod ang iyong nararanasan, Sana'y 'di mawala ang ngiti sa labi. Tulad ng kahel na sumisimbolo ng kalayaan, Sana'y mapalaya ninyo ang iyong sarili sa nakaraan, Na kahit gaano kasakit ang pinagdaanan, Sana'y 'di ito maging hadlang sa kasalukuyan. At tulad ng kulay ng pagbaba ng araw mula sa langit, Ika'y magpahinga saglit at bumangon muli, Na kahit nakakapagod at nakakawalang-gana, Sana'y 'di ka magsawa at patuloy pang lumaban. 28


Kulay na Laging Sinisigaw Helena Shea Templado

Mapayapang kulay, paborito ng karamihan Makulay na buhay, hangad ng sangkatauhan Kahel ay sumisimbolo sa tibay ng loob at kalakasan Sandalan ito ng kabataan Hindi pula, dilaw, hindi luntian o bughaw kahel ang kulay na laging sinisigaw ng damdaming nag uumapaw ang tapang ng isang mahusay at magalang na nilalang.

29


Araw at Ako Lady Bendicio Gaano ba kababa ang mapupunta ko? Bulaklak ay mapait na tinignan at ininggitan, Walang halong pagsisikap ang makikita mula rito, Ngunit, paano ba at buhay nito ay lubos ng kagandahan. Sa aking kaisipan ako’y may naririnig, Bumubulong at tumutukso na mga tinig. Kung noon ay ilang beses kong tinatanggihan, Ngayon, kaya kong sumama na walang pag-aalinlangan.

30


Kung sakaling kaya kong baguhin ang sarili, Mga bagay-bagay ay aabot pa ba sa puntong ito? Kung pagkakamali ko man ay kaya kong isauli, Kapalaran ko kaya’y posible pang magbago? Kapag sinabi kong kaya at matitiis ko pa, Na ako’y sapat na kahit iba ang pananaw nila, Lahat ng iyon ay puting kasinungalingan, Para lamang pakiramdam ko ay mas lalong gumaan. Sa konting oras na meron ako bago lumipas ang panahon, Pinili kong pasalamatan ang lahat sa huling pagkakataon. Muling ngumiti at hinarap ang magandang tanawin na nandito, Dalawang magkakasama sa paglubog, si Araw at Ako.

31


Sa Paglubog ng Araw Mary Lademora Hinding-hindi ko makakalimutan ang sandaling ito. Walang inaalalang pagtakbo sa gitna ng daanan, Mga ngiti at halakhak nating parang walang hangganan, Tanging sisininagan ng kaunting ilaw sa kalye at ng buwan. Kagandahan ang naka-pinta sa himpapawid sa ibabaw natin. Nangingibabaw ang kahel sa langit, sa pagsikat ng araw. Para sa panibagong paglalakbay, pagsilang ng bagong yugto. Pangakong magkahawak kamay tayo, hanggang dulo. Pipiliin ka, sa araw-araw, Parating nagmamahal sa’yo.

32


Magkahawak kamay sa harapan ng Diyos, Handang magbigay ng panghabang buhay na pangako. Nasilayan kita noong tinanggal ang puting tela sa mukha mo. Iyong ngiti na kayang magpaliwanag sa buong mundo. Ang ngiting para sa minamahal mo, Masaya ako ngayon na nakita mo na siya, Ang tinitibok ng puso mo, kahit hindi na ako. Ako’y tunay na masaya para sa inyo. Muling nangingibabaw ang kahel sa langit, sa paglubog ng araw. Nagsisimbolo ng parating na gabi at papalapit na dilim, Kung saan nagtatapos ang isang araw, ang isang yugto. Ito na ‘rin ba ang wakas ng ating kwento? Sa susunod na habang buhay, Patuloy na nagmamahal sa ‘yo.

33


Taglagas Zyronne Giltendez Sa gitna ng kakahuyan, Kung saan dati kitang pinagmasdan. Kung saan kita unang nakilala, Hudyat ng una nating pagkikita. Sa gitna ng dating berdeng kakahuyan, Idineklara ko sa’yo ang pagmamahal na walang hangganan. Narinig mismo ng mga puno, Lahat ng ligaya mula sa puso ko.

34


Ngunit tulad ng mga puno, Nalalanta’t namamatay, Pag-ibig ay lumisan, Mistula’y nawalan ng buhay. Dating berde ay naging kahel, Dating maligaya ay naging malumbay, Kagaya ng dahon sa taglagas, Pagmamahal mo ay unti-unting kumupas. Sa bawat dahon na marahang bumabagsak, Mapanglaw na karikta’y sa akin sumaksak. Pag-ibig ay matagal nang nawala, Puso ko’y wala nang magawa. Ngunit kagaya ng taglagas, Na naging tanda ng tagsibol, Kasunod ng pagwawakas, Ay ang bagong simula at pagsibol.

35






Bawat Oras Ariana Lim

Ngiti at tawa ang bumabalot sa paligid Sinusulit ang bawat oras na magkasama Bawat pagsasama ay napaka espesyal Parang mga kambal na hindi mapaghiwalay Sa bawat panahong lumipas Hindi kailanman nawala ang aking pagmamahal sa’yo Unang pagkikita pa lang natin ay hindi ko na maipaliwanag ang sayang pinaparamdam mo sa akin

40


Kunig

Giada Padilla Aking mundo’y tahimik kapag ika’y wala Kulay at sigla ay lumalaho na parang bula Sa mga araw na tayo’y magkahiwalay, ika’y hinihintay O sinta, ika’y hinihintay ng walang sawa Sa ilang araw kong pag-aabang sa iyong pagbalik Ako’y walang magawa, sabik na sabik Pero sa sandaling ika’y nakita ko sa aking harap Ang lahat ng aking problema ay nawala, tila sa isang iglap Sa ating muling pagkikita, ako’y kontento na Dahil sa isang ngiti mo lang, ako ay lumiligaya Sa loob ng iyong yakap, ako ay napapayapa At sa iyong presensya, ako ay nakakapagpahinga Ako’y muling nakauwi na sa aking tahanan At sa aking tahanan, hindi ko na gustong mawalay pa kahit kailan Dahil ganoon lang ay mas lumiwanag ang aking buhay At mundo ko’y nagkulay kunig na muli

41


Sunflowers Isa pang mahabang araw ay malapit nang lumipas, mga mata ko’y halos hindi na maidilat. Nakarating din sa isang lugar na aking ninanais, isang bangin na napapalibutan ng dilaw na mga bulaklak. Isang lugar na sa akin ay nagbibigay ginhawa, sobrang mapayapa, ngunit kaduda-duda. Marahang ipinikit ang aking mga mata, baka sakaling ako na ay makapagpahinga. Ngunit, sarili kong isip ay hindi mapakali, tinanong ang sarili bakit ganito ang aking nadadarama palagi. Mayroon naman akong mapagmahal na pamilya, maunawaing mga kaibigan, at mapagtitiisan pa naman ang pag-aaral. Ano pa ba ang aking inaasahan at hinahangad sa buhay ko? Hangga’t gusto kong manatili sa positibong panig ng aking pag-iisip, ditong punto pa nangingibabaw ang aking kawalan ng pag-asa, kinakain lahat ng kumpiyansa na meron ako, at linalayo ang lahat-lahat na inaabot ko. Matataas na ekspektasyon ng mga magulang ko, takot na ako’y iwanan ng mga kaibigan ko, at pangangamba sa kinabukasan ko, lahat ng ito ay hindi maitatangging nakakapagod at nakakatuyo. Ngayong nandito na rin ako, kung sakaling ako’y hihiga sa daan-daang magagandang dilaw na bulaklak na sumisimbolo ng kasiyahan at magandang kapalaran, kusa rin kaya akong yayakapin ng kaligayahan? 42

Lady Bendicio


Ang Matamis na Sigla ng Tag-Init Lysander Tiu

Isang malumanay na kainitan na wumagayway sa luntiang lupain. Maririnig ang mga bahagyang sigawan ng mga kabataan sa malayong distansya, Huni ng mga ibon at paghiging ng mga bubuyog ay napuno ang mga tenga. Naitayo sa langit ang dakilang bahaghari, nagniningning at kumikinang- ika’y kulay dilaw. Mararanasan ulit ang kasiyahang taglay ng panahong tag-init, Mararamdaman ang yakap ng siglap ng araw, magpakasaya sa oras ng walang iniisip. Tikman at lusukin ang sarili sa sariwang dala ng mga dagat at karagatan, Baguhin ang pananaw sa mundo at gunitain ang kagandahan ng kulay dilaw. Ngumiti, tumawa, at palitan sa bagong tingin ng umaga, Kalimutan ang mga hamon ng kahapon at gawing tulay dating sa kinabukasan. Sa katunggali ng dalisang araw ay mag-aliw sa kagandahan ng gabi, Mga gintong bituin na sumasayaw sa kadiliman ng langit- kulay dilaw, kay ganda. Paminsan-minsan lang mararanasan ang panahon ng tag-init. Ikalugod ng mahigpit ang dapit-hapon ng ngayon, Magpaalam sa mga sandaling pansamantala pero alalahanin ang mga alaalang mananatili. Kamusta, tag-init, magkakasama na man tayo ulit. 43


Dahilan Jireh Cartel

Dilaw. Isang salita. Isang kulay. Maaaring mababaw lamang para sa mga taong ‘di nakakaintindi, pero para sa akin, malaki ang halaga nito. Mula noon, sobrang hilig na ni Mama sa kulay dilaw. Umabot sa punto na lahat ng gamit niya, dilaw. Pati na rin lahat ng nireregalo niyang gamit sa akin, dilaw din. Hindi ko maintindihan kung bakit. Noong tinanong ko siya, nakahiligan niya raw ang kulay dilaw dahil para sa kanya, sumisimbolo ito ng pagkakaibigan, pag-asa, at kaligayahan. Ngunit kahit gaano kaganda ang kulay para sa kanya, masakit din daw ito sa mata at nakakasilaw ‘pag tumatagal. Hindi ko hamak na maintindihan dahil nakakasawa raw, pero bakit patuloy pa rin siya sa pagbili ng kulay dilaw na gamit? Noong tinanong ko ulit siya, tanging sagot niya lang ay, “Anak, kahit sawa ka na, kung mahal mo talaga, ‘di ka mapapagod.” Pero mas lalong hindi ko maintindihan ang kanyang sagot. Kahit ganoon lang kasimple, bakit parang ang lalim ng kahulugan? Pinabayaan ko na lang ang kanyang sagot, kahit binabagabag ako nito. Hanggang sa tumagal ng tumagal, mas lalo pang napamahal si Mama sa kulay dilaw. At dahil sa nakita kong pagmamahal na mayroon siya, kahit ako ay napamahal na rin. Naging paborito ko nang kulay ang dilaw, at tulad ng sabi ni Mama noon, matingkad 44


ang kulay nito, maliwanag at masaya, ngunit nakakasilaw nga. Kahit ganoon, mayroon pa ring sa kuriosidad sa aking puso’t isip, kaya hindi ko na mapigil ang magtanong kay Mama ng totoong dahilan ng pagmamahal niya para sa dilaw. “Ang totoo, anak, kayo ng Papa mo ang tunay na dahilan kung bakit ko nakahiligan ang kulay na ‘to.” “Kami ni Papa? Bakit po, Ma?” “Diba noon, anak, sinabi ko sa’yo na para sa’kin, ang kulay dilaw ay sumisimbolo ng pagkakaibigan, pagasa, at kaligayahan? Nakahiligan ko ang kulay dilaw noong ipinagbubuntis pa lang kita. Naghanap ako ng posibleng kahulugan ng dilaw at ‘yon ang aking nakita. Hindi ako napamahal sa dilaw dahil lang sa kulay. Napamahal ako dahil kayo ng Papa mo ang tunay na kahulugan ng dilaw sa akin. Ang Papa mo ang naging kaibigan at pinakamalaking pag-asa’t kaligayahan ko sa buhay. Ngunit dahil sa kanyang pagkamatay, doon ko rin naramdaman ang tunay na pagod at pagtitiis, tulad kapag tinitingnan ko ang kulay dilaw. Pero kahit ganoon, ikaw ang naiwan niyang alaala sa akin. Ikaw ang nagsilbi kong kaibigan, pag-asa, at kaligayahan sa mga panahong walangwala ako, tulad ng kahulugan ng dilaw.” 45


‘Di nagtagal ay nawala na rin si Mama dahil sa sakit sa puso. Mahigit apat na taon na mula noong sinabi niya ‘yon sa akin, ngunit hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa aking puso’t isipan. Bago siya nawala, inihabilin niya sa akin ang maging tulad ng kulay dilaw sa buhay ng tao. Kaya ngayon, tinutupad ko na ang kanyang hiling. Isang ganap na doktor na ako ngayon. Araw-araw nang nagsisilbing kaibigan, pag-asa, at kaligayahan ng aking mga pasyente. Higit sa lahat, nahanap ko ang isa sa pinakamahalagang tao na dapat magsilbing kulay dilaw sa buhay ko. At ako ‘yon.

46


Dilaw

Keana Nemenio Maraming simbolo ang binibigay ng kulay na dilaw. Isa doon ang liwanag. Liwanag na naghahatid ng pag-asa sa bawa’t isa, na hindi pa tapos ang lahat. Sumisimbolo rin sa kasiyahan, at kapayapaan. Ngunit hindi lahat ng liwanag ay maghahatid sayo Sa maganda at matiwasay na buhay. Mayroong mga liwanag na bubulag sayo sa katotohanan, Na maaaring maging sanhi ng pag-iba ng landas. Kaya maging maingat sa pagpili ng iyong liwanag Baka ito ang magdala sayo sa kadiliman na hindi mo inaasahan.

47


Ang ating madilim na buhay ay parang tao na nagproprotestang sumisigaw, Sa kadiliman na pangarap ay ang pagkaroon ng ilaw, Na parang tuwing umaga na sumisikat ang araw, Na ang estado ng ating kasulukuyan at ang kinabukasan ay magtatanglaw. Isang pagasa na nais nais nating makamtan. Isang kinabukasan na ating pangarap na magkaroon.

48


Mga kababayan, Isang sulat na inilalahad upang pagbigyan tuon ang symbolismo ng liwanag.Ang pagkaroon ng liwanag sa kasalukuyang sitwasyon ng ating inang bayan. Ngunit ating tandaan na hindi natin ilalagay sa alanganin at pababayaan. Hangangg ngayon at mapakailanman. Ito ay isang mahalagang tuntunin na isipin at itaos puso. Ang kailangan na pagbigyang halaga at kaalaman. Na kahit sino man o kahit ano man. Patuloy pa rin tayong tumindig. Ilaban ang karapatdapat at ang Katarungan para sa ating sariling kapakanan. Ito ay laban na ating tandaan na para ito hangang sa magpakailanman. Ang kulay ng araw at bituin sa ating bandila. Mga symbolismo na nagbibigay kahulugan sa ating mamayamang pilipino.Symbolismo na nagkakahulugan ng pagkaroon ng kalayaan. Binabahagi ang importansya ng pagpapaalala ng himagsikan.Mga taong nilagay ang kanilang sariling buhay sa matinding panganib. Mga buhay na nawala dahil sa pakipaglaban para sa katarungan. Nilaban ang ating kalayaan at para sa ating bayan.

Mary Therese Dy

49






Pagsibol Bea Besa

Sa gitna ng dalatan, binhi’y itinanim Ang panahon ay minsan maaraw Minsan nama’y makulimlim Kalauna’y tumubo ang munting supling Dumaan ang tagtuyot, punla’y tumamlay Para bang kukunan ng buhay Naghihikahos at nauuhaw Napipinsala sa matinding sikat ng araw Dumaan ang bagyo, bumuhos ang ulan Unti-unti nang pinanghihinaan Nauubusan ng hangin, nahihirapang huminga Hindi makaahon sa matinding baha

54


Sa kabila ng pasakit, nanatiling matindig Hindi sumuko’t patuloy na nagpunyagi Pagkalipas ng mga araw, panaho’y bumuti Mga halama’y nagsayawan at nagbunyi Mga paru-paro’y nagsilapit Tunay na kaakit-akit Ang dating binhi’y namukadkad Kariktan nito’y inilantad

55


Esmeralda Gleanah De Asis

Unang pagtagpo ay agad nang nabighani, Mga tingin mong parang nanunuri, Sa aking isipan ay hindi mawala, Mga titig mong para akong ginagayuma. Mga mata’y singkit, Na para bang nang-aakit, Kulay berde at napakaganda, Na para bang isang esmeralda. Wala nang panahong sasayangin, Susubukan na ika’y mapasaakin, Hindi rin nagtagal, ako’y nagtagumpay, Pag-ibig ay buhay na buhay.

56


Noong una ay puno ng kaligayahan, Ngunit habang tumatagal ay parang patungo na sa kabiguan, Hindi inaasahan na ang ganitong pagmamahal ay panandalian lamang, Hindi na sana ako sumubok, kung alam ko lang. Kung noon ay sa akin lang nakatingin ang ‘yong mga mata, Ngayon ay kung saan-saan na pagala-gala, Ngunit hinding-hindi ko ‘yan makakalimutan, Mala-esmeralda mong mata na aalalahanin ko magpakailanman

57


Berdeng Kalikasan pa nga Ba? Shea Templado Matiwasay na kalikasan Malinaw na kulay, berde kung masisilayan Kapaligirang makulay, ating pagmasdan At atin itong alagaan at pahalagahan Kalikasan ika’y tunay na yaman Na dapat nating ingatan ating kinabukasan ay dito nakasalalay upang makamtan masaganang buhay Ating kalikasan unti-unti nang napapabayaan Dahil sa pang-aabuso at pagka walang bahala Tayong mga tao ang may kadahilanan Himagsik nito’y ating pagdudusahan Imulat na ang mga mata Panaghoy ng kalikasan ating pakinggan Halina’t magsama-sama Langhapin ang tamis ng kalikasan

58


Madalas, nakakalimutan natin kung ano ang nagagawa ng ating liwanag sa ibang tao. May posibilidad na matandaan lamang natin ang mga kahinaan at kabiguan, madalas nakakalimutan ang mga bituin, ang mga bulaklak, ang kasariwaan sa tag-araw at ang ginhawa ng mga kaibigan. Kung paanong ang ating liwanag ay magbibigay pag-asa muli sa iba. Kung paano ang ating “pupuntahan” ay maaaring maging kanilang “simula”. -D

59


Ang Kalikasan at Ako Gabriel Britania (Luntiang Tanglaw)

Sa aking murang edad, Dama ko ang takot at walang sekyuridad. Ang ating mundo ay may malaking suliranin, Tanging ang kaligtasan ko ang panalangin. Bawat sulyap ko sa kalikasan, Kakaiba na kung pagmasdan. Kulay kayumanggi na ang mga dahon ng puno, Sapagkat di na inaalagaan ng husto. Mabahong simoy ng hangin, Dala ng daming mga basura at kapal ng usok sa mga kalye. Hatid sa atin ay polusyon at karamdaman na rin. Maging maagap at kumilos ang solusyon para sa kaligtasan ng kalikasan.

60


Bakuran mo, linisin mo, Paghiwalayin ang nabubulok at di nabubulok na mga basura. Magtanim, payabungin at alagaan ang mga malilit na puno, Para malinis, mabango ang kapaligiran at maayos na kalusugan ay matamo. Sa panahon ng Pandemya, Ako pa rin ay nananampalataya, Na ating malalampasan ng buong puso. Ako ay malusog at masigla na nakatira sa isang mundo na walang mikrobyo.

61


Kumusta ka, Aking Kalikasan? Jonnyl Esmores (Luntiang Tanglaw)

Aking kalikasan, kumusta kana? Inaabuso o inaalagaan ka ba? Kaming mga tao ang dapat mag-alaga sa iyo. Ngunit parang kami rin ang sumisira dito. Nakakalbong gubat, maruruming mga dagat. Mga basura kung saan-saan lang kumakalat. Wag mag taka sa mga kalamidad at sakuna. Ito ay bunga ng ating pagpapabaya. Kaya dapat ba tayong mabahala? Kung hindi, tayo ang kawawa. Kaligtasan ng bawat isa ay dapat isipin. Ito ay nakasalalay sa mga kamay natin.

62


Pagreresiklo ay ating ugaliin. Magtanim ng puno sa gubat natin. Mga basura ay itapon sa tamang basurahan. At hindi sa ilog, estero o kung saan-saan man. Kaya ating pakatandaan. Kalikasan dapat nating ingatan. Ito’y mahalin, pagyamanin at ating alagaan. Tungo sa ating magandang kinabukasan!

63


Anim na araw daw ang iginugol ng Diyos sa paglikha ng mundo at sa ikapitong araw ay nagpahinga siya. Ginawa niya ang buong kalupaan at katubigan. Lumikha siya ng puno at halaman, pati mga hayop na titira sa lupa, sa tubig at sa kalangitan. Mula sa alabok ay nilikha niya ang isang espesyal na nilalang; ito ay ang tao. Siya ang inatasang mangalaga sa lahat ng bagay na nilikha ng Diyos. Siya ang tagapangalaga ng mundo. Ngunit ngayon, ang tanong na naghahari ay nasaan na ang dating paraiso? Maitim na tubig sa ilog, basura sa dagat at kalbong gubat – iyan ang iyong makikita kapag minasdan mo ang kapaligiran. Nasaan ang tagapangalagang nilikha ng Diyos upang magbantay sa lahat ng bagay na kanyang ginawa? Alam mo ba kung nasaan siya? Nasa ilog at nagtatapon ng basura, nandoon din siya sa gubat at namumutol ng puno, nasa loob din siya ng pabrika kung saan nagtatapon siya ng langis sa dagat at nagbubuga ng maitim na usok.

64


Ang mga puno ay importante sa mga tao dahil ito ang naglilinis ng hangin at sum sumisipsip ng tubig ulan upang hindi bumaha. Dahil sa walang tigil na pagputol ng mga puno ay madalas magkaroon ng mga malalaking pagguho ng lupa at pagbaha, pati ang mga hayop sa kagubatan ay nanganganib din dahil nawawalan na sila ng tirahan. Kaunti na lang ang mga punong lumilinis ng hangin ngayon kaya ang mga tao ay madalas magkasakit. Nagkakaroon din ng mga pagbabago sa klima na dulot ng polusyon. Nagkakaroon ng mga malalakas na bagyo at sobrang init at matagal na tagtuyot. Pati ang mga ilog ay nasira at namatay na dahil sa kagagawan ng mga tao dulot ng walang habas na pagtatapon ng basura. Katulad ng Ilog ng Meycauayan. Ang isa sa pinaka-maruming ilog sa mundo na nandito sa aming lugar. Dati ay malinis pa ang ilog na ito ngunit dahil sa walang tigil na pagtatapon ng basura ay unti-unting nasira at namatay ang ilog. - Maliana Eriso

65


Kagandahan ng Mga Bulaklak Jerrine Kate Tangga-an (Luntiang Tanglaw) Ito ay ang nagpapakulay sa ating mga kagubatan, Na siyang nagbibigay ng kagandahan, At nang makahinga tayo ng sariwang hangin, Ang mga bulaklak ay huwag dapat nating limutin. Ang bunga ay makain, Nang ito’y mahahain, Prutas at gulay ang kanyang maalayan, Ang pamilya’y matuwa sa kanilang busog na tiyan. Pamparikit ang mga bulaklak sa hardin, Ang mga bulaklak ang siyang kailanganin, Maraming pakinabang ang inang kalikasan, Pero, ito’y dapat nating alagaan. Maganda ang kalikasan, Nang makita natin ito sa ating bakuran, Kayganda ng mga bulaklak sa kagubatan, Nang nilikha ito ng inang kalikasan.

66


Kalikasan Ashton Bunol (Luntiang Tanglaw) Ako ay isang Lasalyano Tunay na tapat at totoo Kalikasan na sinisira ng tao Sa lahat ng aking makakaya ay aalagaan ko Basurang tinatapon sa kung saan-saan Sa mga bundok, daan at karagatan Ay nagdudulot ng polusyon Kaya’t kailangan nating gawan ng solusyon Mga basura ay kailangan nating pulutin Tipunin at iresiklo natin Upang hindi masira ang kalikasan At maging malinis ang kapaligiran Kalikasan na siyang bigay ng Maykapal Bigyan natin ng respeto at pagmamahal Huwag nating hayaang ito’y mamatay Dahil ito’y nagbibigay ganda sa ating buhay

67






Pahinga Asia Agsam Kada hakbang ko, inaalon ng tubig ang aking mga paa Tumitingala ako sa langit, humihingi ng pahinga Naririnig ko ang tunog ng tubig dagat Kay sarap pakinggan sa tainga

Palagi nating tandaan na ang Diyos ay palaging nakikinig Kaya magdasal tayo sa kanya dahil nakikita niya ang halaga ng bawat isa Mahalin natin ang ating mga sarili Ihinga mo lang sa oras na nawawalan ka na ng gana

72


Imahinasyon

Jelane Sorallo

Dalawang matang nakamasid sa langit Kawalang imik ng puso’t isipan ay nararamdaman Luha’y dumadaloy ng kusa dahil sa sobrang sakit Na ang pangarap ay sa imahinasyon na lang binitawan Kay rami kong masayang hangarin sa buhay May pag-asa pa bang matupad ang lahat na ito? O sadyang ang aking imahinasyon lang ang makulay at maysaysay? Sapagkat, ako’y unti-unti ng nawawatak sa piraso Gusto ko ng maging alpas sa imahinasyon na ito Hindi naman nakakakulong, ngunit bakit parang ako’y nabilanggo? Makikita ko pa ba ang ngiting galing sa labi na aking kinasasabikan? O, tiyak na sa imahinasyon na lang ang aking hangganan?

73


Pagtitiwala Ariana Lim

Malaking salita ang ‘tiwala’ Minsan ay hindi ito madaling gawin Kapag ika’y nagbigay ng tiwala Hindi maiiwasang masaktan o umasa Takot man sa katotohanan Kailanman ay hindi ito matatakasan Lahat ay may hangganan Lahat ay may katapusan

74


Para sa’yo, Kumusta ka na? Gustong-gusto kitang tanungin nito ngunit hindi ko magawa. Bahala na kung mukhang torpe; bahala na kung tawagin akong duwag, pero palagi akong tumitiklop kapag ikaw na ang kaharap ko. Kulay bughaw, para sa’kin ay ikaw ‘yun. Aking inspirasyon, ang kulay na sumasagisag sa kasabikan kong makita ka, at tila nagpapakalma sa akin kagaya ng dagat na aking ibig tignan. Kagaya ng kulay na ito, sana’y maramdaman mo ang aking sinseridad kapag sinabi kong kahit na anong mangyari, kahit anong bagyo at kalamidad ang dumaan, pwedeng-pwede mo ‘kong takbuhan at ilabas ang iyong mga problema. Hanggang sa muli, oh aking pagsamo’t kalinaw. Nagmamahal, Liyag

- Atasha Gregorio

75


Pait ng kahapon, hanggang ngayon ay dala-dala Patuloy na hinahabol ng mga masasakit na alaala Ugat ng paghihinagpis, ikaw ang maysala Sakit na inukit, hanggang kailan magdurusa? Hawak ang dibdib, kinakapos ng hininga Muling nagising sa panaginip na ikaw ang kasama Malaki ang iyong ngiti, kumikislap ang mga mata Masaya ka bang nakahiga kasama ang mga tala? Sa hapdi na iniinda’y para akong kinakatay Sa aking isipan, ikaw ay lumalakbay Aking sinta, kailan ba nating tatanggapin? Hindi tayo itinadhana kahit anong pilit natin

76


Pinilit man nating umalpas sa mga tanikala ng mundo ‘Di nagwagi’t nalasap ang lagapak ng ating pagkatalo Patagong tumatangis, mata’y namumugto Unti-unti nang nauupos ang ating mga puso Kailan ba natin papalayain ang ating mga sarili Sa pait na pasanin at malalim na pagsisisi Pagod sa iyong mukha, pilit mong ikinukubli Kinakalaban ang oras para manatili sa aking tabi Payapa ka na bang gumagala sa mga ulap? Minamahal, unti-unti ko nang natatanggap Na matiwasay ka nang namamahinga sa alapaap Paalam, aking munting alitaptap

- Eaya Estores

77


Sulat Para Sayo

Dianelle Varrera

78


Ilang taon na ba ang nagdaan mahal? Naalala mo pa ba kung gaano tayo kasaya noong tayo pa? Minsan napapaisip na lang ako, saan ba ako nagkulang? Bumabalik ako sa dagat kung saan tayo unang nagkita. Sa dagat kung saan mo binitawan ang mga salitang, “mahal kita”. Sa dagat kung saan nakita ko sayong mga mata ang pagmamahal na hindi mawawala. Tuwing bumabalik ako doon hindi ko alam pero hindi na saya ang ang aking nadarama. Lahat ng sakit ang inipon ko sa aking puso dahil iniwan mo ako. Mahal masisisi mo ba ako kung magagalit ako sayo? Ang daya mo naman kasi eh. Sabi mo hindi mo ako iiwan. Sabi mo sabay nating aabutin mga pangarap natin. Sabi mo ikaw ang makakasama ko sa pang habang buhay. Mahal naman, bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa na nahulog na talaga ako sayo. Hindi kita maintindihan. Ginawa mo ang lahat para makuha ang matamis kong “oo” pero ikaw rin naman ang umiwan sakin. Pinaglalaruan mo ba ako? Mahal ko, bakit mo naman ako iniwan sa dagat na ito? Bakit mo namang pinili na iwan ako dito sa magulong mundo? Hindi pa ba sapat ang pagmamahal ko para manatili ka? Ang dami dami kong tanong para sayo pero oras ko na sigurong bumitaw. Oras na para bitawan ang mga pangako mo dahil sigurado ako hindi mo naman ito tutuparin. Salamat sa mga alaala. Salamat sa pagmamahal. Salamat dahil sa dalawang taon nating pagsasama, pinasaya mo ako kahit alam kong nahihirapan kana sakin. Dito na nagtatapos ang ating libro. Mapait man ang naging kahahantungan ngunit patunay lang ito na naging parte lamang ako ng isang kabanata sa buhay mo ngunit hindi ako itinadhana para maging parte ng iyong kwento. Hanggang sa muli aking sinta, kung hindi sa ngayon sana sa susunod tayo na. Isa ka sa mga masasaya kong alaala ngunit isa ka ring masakit na pantasya. Lagi mong tatandaan, mahal na mahal kita. -Y.S.A

79


Dianelle Varrera

M.A.G.K.A.I.B.I.G.A.N N Isang salita na maaring dalawa ang kahulugan. Una, magkaibigan na parang magkapatid. Nandiyan para sayo kahit ano man ang mangyari. Ikalawa, magkaibigan na hindi mo maipaliwanag ang nararamdaman Dahil alam mong hindi na normal ang pag-ibig mo para sa kanya Ngunit, alam niyo ba kung anong masakit? Kung ang kaibigan na iyan ay hindi maibabalik sa iyo ang iyong nararamdaman. Maniwala ka sa akin. Masakit ang magmahal ng kaibigan.

80


Hindi mo alam saan lulugar Hindi mo alam kung paano sasabihin Na mahal mo na pala siya Ayaw mo lang sabihin dahil baka masira ang inyong pagsasama. Kaya ang payo ko sa inyo Iwasan mahalin ang taong hindi mapapasaiyo Dahil minsan na akong nahulog sa aking kaibigan Ngayon, hindi ko na alam paano siya kalimutan Hanggang tingin na lang ako Mula sa malayo Dahil alam ko Hindi niya maibabalik ang pagmamahal mula sa aking puso

81


Kalangitan Gleanah De Asis

Unti-unti ko nang nasisilayan ang lugar kung saan ako 'laging nagkakaroon ng mapayapang isipan. Walang ibang maririning kundi ang musikang kay ganda dulot ng mga dahon at mga ibong pagala-gala. Tahimik, maaliwalas at masarap sa pakiramdam na siyang dahilan kung bakit palagi akong kalmado at ito na ang aking naging nakasanayan. Dahan-dahang tinatahak ang daan patungo sa upuan kung saan ako 'lagi naglalabas ng aking damdamin at pinagdadaanan. Habang papalapit ay hindi ko maiwasang mapangiti ng todo dahil kay tagal ko nang hindi nakakapunta rito.

82


Nang makaupo na ay inilibot ko muna ang aking paningin, mata'y nagniningning at hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi. Paulit-ulit akong nandirito ngunit 'di ko pa rin maiwasang humanga sa kagandahan nito. Iniisip na para siyang ginawa upang maging karamay ko. Habang tumatagal ay unti-unti ring napawi ang ngiti sa labi at nagmukhang walang kabuhay-buhay ang mga mata. Ngayo'y nakayuko na at tila ba'y nakatulala. Naalala na naman ang mga sandaling hinding-hindi ko kayang kalimutan. Ang ating huling pagsasama rito bago mo ako iniwan. 'Di ko namalayan na umiiyak na pala ako. Basang-basa ang aking mukha at dahil sa mga luha ay parang wala na akong makita. Pinilit ang sarili na tumingin sa taas, sa taas na siyang tanging alaala ko sayo. Ang asul na langit na lagi nating tinatanaw kapag magkasama tayo rito at asul na langit na laging pinapaalala sa akin ang kagandahan ng iyong asul na mga mata.

83






Sa sinumang nangangailangan nito, Sukuan mo na lahat, huwag lang ang iyong sarili. Marami pang paraan para lumaban, may pag-asa pa na dapat huwag mong pakawalan. Pero bakit nga ba natin naiisipang sumuko? Dahil sa pagod ba talaga o takot lang sumugal? Lagi mong tandaan na ang buhay ay puno ng pagsusugal na walang kasiguraduhan. Tulad ng isang canvas, ang buhay ay napupuno rin ng mga kulay at isa sa mga ito ay ang kulay lila. Ito ay kilala bilang isa sa mga positibong kulay sapagkat ito ay ang nagbabalanse sa kasiglahan ng pula at sa katahimikan ng asul.

88


Sa ganitong pahayag, sa tuwing ikaw ay nagkakaproblema, hikayatin ang iyong sarili na maging malikhain sa paghanap ng kasagutan upang ito'y masolusyonan. Turuan ang sarili maging positibo katulad ng kulay lila. Maging masaya at kuntento sa kung anong meron ka. Dahil sa laban ng buhay, tatag at determinasyon ang kailangan para maabot ang iyong minimithing pangarap. - Juliana Linget

89


Alpas Bea Besa Nagmumukmok sa isang sulok Nagtatago sa dilim Sarili’y nalulugmok Nag-iisip ng malalim Tumutulo ang mga luha Walang nahihinuha Puso’y nagdurugo Mundo’y gumuguho Natatakot at naguguluhan Walang maintindihan Ibinuhos ang lahat ng sakit Inilabas ang lahat ng galit

90


Nang sumikat ang araw, hinarap ang salamin Nagmuni-muni ng mataimtim Mga tanong ay handa ng harapin Buhay mula ngayon ay aayusin Hindi na mapipiit Hindi na magpapatalo Hindi na magpapakasakit Titibayan na ang puso Lalabas na ng silid Maglalakad na ng matuwid Aakyat na sa tuktok Wala ng aatrasang pagsubok

91


Sibol ng Pagmamahal Christine Mangubat O kay ganda ng bulaklak Sumisibol at mahalimuyak Kagaya mo sinta, Ikaw ay bighani sa aking mga mata Kagaya ng isang bulaklak, Ika’y dapat inaalagan Pagmamahal ko na di kayang ilarawan sa mga salita lamang, Araw-araw kitang mamahalin magpakailan man

92


Mary Therese Dy May mga pangyayari sa buhay na hindi natin nais nais na mangyari. Mga panahon na gusto na lang natin na tuluyang lumipas na ng madali. Mga panahon na mahirap intindihin. Mga pangyayari na kung isipin ay napakasakit. Mga pangyayari na ang bigat bigat. Nawawalan ng pag-asa. Nawawalan ng tiwala na makakaya. Mahirap tanggapin ang pagkabigo. Nawawalan ng pananalig sa sarilng lakas at kakayahan. Mga araw na puno ng iyak at kalungkutan. Ang pinakamahirap na isipin ay kung paano maiiraos hangang katapusan.

93


Huling Paalam Dianelle Varrera Nandito na ulit ako sa kung saan mo ako huling iniwan, sa dagat na kung saan lahat ng mga masasayang alaala natin ay binalewala mo. Marami na akong naabot sa buhay. Nakamit ko na ang aking pangarap na maging doktor. Natatandaan ko pa na sabi mo sa akin na ako ang magiging doktor mo at ikaw naman ang magiging nars ko. Sasamahan mo akong mag-aral. Sasamahan mo akong magpuyat. Ngunit, sa isang iglap lahat ng pangakong iyon ay tinapon mo. Natanggap ko na, hindi ka talaga para sa akin. Natanggap ko na, hindi talaga tayo para sa isa’t isa. Marami akong pinagdaanan sa limang taon na hindi kita kasama. Mahirap kaman kalimutan ngunit masaya akong nagawa ko na ito. Hindi ako nagtanim ng galit sayo dahil alam kong may rason ang pag-iwan mo sakin. Sana nga masaya ka sa naging desisyon mo. Sana nga tuluyan mo nang mahanap ang tooong magmamahal sayo.

94


Matagal na akong masaya sa lalakeng naging sandigan ko noong iniwan mo ako. Nabulag yata ako ng pagmamahal mo at hindi ko nakita na ang matalik kong kaibigan lang pala ang magiging kasama ko sa hangganan. Siya lang pala ang bubuo sa sinirang mong pagkatao ko. Masaya akong pinakita mo sa akin na may ihihigit pa pala ang pagmamahal mo. Masaya akong iniwan mo ako dahil nakatagpo ako ng taong minahal ako ng sobra pa sa kung anong binigay mo. Masakit man aminin na akala ko tayo na talaga. Masakit man tanggapin pero tinanggap ko na. Masaya akong minahal mo ang isa katulad ko pero hanggang dito nalang talaga tayo. Ito na ang huling paalam ko. -Y.S.A

95


Pride mj Tunog ng tawa at halakhak ang pumaligid sa hapag kainan habang pinag-uusapan ang mga pangyayari sa kanya-kanyang araw. "Napromote ako sa opisina, mahal!" "Napakahusay talaga ni bunso, perfect score!" "Nay, makakagraduate na po ako! Sulit po yung pagsusulit na iniyakan ko, hehe." "At tsaka alam nyo ba? Yung girlfriend ko po magna cum laude!" Puno ng kasiyahan ang lamesa. Ngunit noong ako naman ang nagsalita, Noong ako naman ang nagkwento, Napatigil ang lahat, tunog ng kutsara't tinidor ay nawala. 96


"Yung girlfriend ko 'rin nay, parehas kaming honor student!" Ang tanging maririnig ay ang kuliglig sa dilim. Napamasahe ng sentido si Tatay, Napabuntong hininga si Nanay, Napatingin sakin si Kuya at Patuloy na kumain ang inosenteng bunso. "Ilang beses pa ba natin ito pag-uusapan?! Nakaka walang gana." "Anak, alam mo namang hindi tama iyan! Hindi 'yan ang sinabi sa bibliya." "Kaibigan mo lang 'yon, hindi pwede 'yang pinagsasabi mo, kadiri ka hahaha." "Ate, may girlfriend ka 'rin po?" Napatingin na lamang ako sa pagkain sa aking harapan. Ano ba 'yan, ang tagal matapos ng hapunan. 97




Pamatnugutan Tagapamahala: Bb. Ma. Jheade E. Suclan Punong Patnugot: Dianelle Varrera | Ikalawang Patnugot: Bea Besa | Tagapamahalang Patnugot: Zyronne Giltendez, Lysander Tiu Mga Manunulat: Ariana Lim | Asia Agsam | Giada Padilla | Monique Judith | Marianne Javier | Kciarah Patrata | Jireh Cartel | Isabelle Casanova | Lady Lyka Bendicio | Gleanah De Asis | Christine Mangubat | Mary Lademora | Maliana Eriso | Mary Lademora | Emmanuella Buot | Mary Therese Dy | Juliana Linget | Shea Templado | Dielo Obillo | Kyle Sausa | Chelsey Mallari | Eaya Estores | Atasha Gregorio | Ashley Britania | Jelane Sorallo | Keana Nemenio Taga-Dibuho: Paul Estrope | Litratista: Margarette Inumerables | Taga-anyo ng Pahina: Zyronne Giltendez, Mary Lademora, Margarette Inumerables, Paul Estrope


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.