Ang Layag Newsletter Tomo 18, Blg.1

Page 1

aNg layag

ANG LAYAG Ang opisyal na publikasyong Filipino ng University of Saint La SalleIntegrated School Akademikong Taon 2020-2021

Agosto-Nobyembre 2020 Tomo 18, Bilang 01

@anglayaglasalle

02

Balita: Pagdiwang sa Buwan ng Wika, isinulong sa bagong normal

@anglayagusls

Bagong normal sa pagbukas ng klase, ano nga ba?

05

Opinyon: Ang Totoong Nahihirapan

ni: Giada Padilla

N

agsimula ang klase sa University of St. La Salle-Integrated School (USLS-IS) para sa SY 20202021 noong Agosto 18 sa pamamagitan ng bagong programang “School-Home Integration for Flexible and Tech Enhanced Education” (shiftED). Inaasahan na ito’y makatulong sa mga estudyante at guro para sa

blended at distance learning sa gitna ng pandemya sa pamamagitan ng paggamit ng makabagong teknolohiya. Kalakip nito ay ang paggamit ng “online modules” at “conferencing tools” tulad ng Zoom at Google Meet at ang Learning Management System (LMS) na Canvas. Isang online na oryentasyon para sa mga estudyante at kanilang mga

magulang ang ginanap bago ang pasukan upang maging pamilyar sila sa bagong paraan ng pag-aaral. Sa kasalukuyan ay nasa ikalawang semestre na ang taong panuruan kung saan patuloy na nagsisikap ang mga mag-aaral at mga guro sa bagong sistema ng pagaaral upang mas mapabuti pa ang paghatid ng edukasyon sa kabila ng pandemya.

08

Lathalain: Sa Loob ng Limang Buwan

13

Agham at Teknolohiya: Dulo-mite

30

Pampalakasan: Paglaganap ng E-sports sa Pandemya WALANG BALAKID. Sa kabila ng hirap sa paghatid ng edukasyon ay nagpupursige ang bawat isa na maturo at matulungan sa mga gagawin. Mula sa iStockPhoto.

Makabagong impeksiyong COVID-19, inimpluwensyahan ang lungsod ng Bacolod

T

ila isang tusiprina at kataro lang ang paglobo ng kasong COVID-19 sa Lungsod ng Bacolod sa loob ng apat na buwan simula noong Agosto hanggang Nobyembre na ikinabahala ng mga komunidad at bawat indibidwal na kintawanan ng bayan. Walang tigil ang pagtaas ng positibo at mga naitalang patay sa biglaang paglaganap ng pandaigdigang pandemya sa nasabing lungsod, sa kabutihangpalad ay paunti-unti na ito nababawi sa mga nakaligtas na nahawaan ng sakit. Sa maikling apat na buwan, nadagdagan ng 3,889 ang mga Ang Layag

ni: Jay Olayra

nairekord na positibong kaso, 4,049 ang mga nakarekoberya, at 147 ang mga binawian ng buhay; sa kabuoan ngayon ay may 4,997 na ang mga nahawaan ng sakit, 4,514 ang mga gumaling, at 147 ang mga namatay sa Bacolod, ayon sa Departamento ng Kalusugan ng Western Visayas- Central Health Department. Isinailalim rin ang lungsod sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) noong Agosto, at nang dahil sa paglubog ng mga kasong naitala, idineklara na ang bayan sa General Community Quarantine (GCQ) ...Ipagpatuloy sa Pahina 2

PANINIGURADO. Dinidisimpekta ng mga trabahador ang Bacolod City Public Market bunsod ng dumadaming kaso ng COVID-19. Mula sa CNN PH.

Tomo 18, Bilang 01


02

balita BALITA (GCQ)... Mula sa Pahina 1 Community Quarantine (GCQ) noong Setyembre hanggang Nobyembre. Kinabibilangan ng 20 mga barangay ang sumusunod na may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa lungsod; Singcang Airport- 130, Taculing- 110, Villamonte- 83, Estefania- 80, Mansilingan- 65, Granada- 56, Mandalagan- 55, Alijis- 51, Bata45, Sum-ag- 35, Handumanan- 30, Barangay 30- 30, Banago- 29, Vista Alegre- 26, Tangub- 25, Barangay 12- 22, Barangay 7- 21, Pahanocoy16, Barangay 1-15, Barangay 31- 12, batay sa istatistika ng Emergency Operations Center (EOC) ng Bacolod City. Ipinatupad din ni Mayor Evelio “Bing” Leonardia ang

bagong kurpyo sa Bacolod na nagsimula noong Agosto 9-31 mula alas-otso nang gabi hanggang alas kwatro ng umaga na bawal nang lumabas puwera, nagpatuloy pa ito hanggang Nobyembre at sa inilunsad na kurpyo may mga kaukulang parusa ang sinumang lumabag dito. Tanging mga emerhensya katulad ng mga sunog o biglaang pagkakasakit, mga pribadong sasakyan, mga pribadong establisyemento, mga nagtatrabaho sa pamahalaang lungsod, may mga trabaho tuwing gabi o mga naghahanap ng trabaho, at ang mga ‘frontliners’ ang maaaring mapagbigyan sa kurpyo nang dahil nga sa panganib na dulot ng kumakalat na bayrus.

Pagdiwang ng Buwan Ng Wika, isinulong sa bagong normal ni: Kciarah Patrata

Ipinagdiriwang ng Lasalyanong komunidad noong Agosto 4-7 ang Buwan ng Wika 2020 sa pamamagitan ng kolaborasyon ng Junior High School Student Affairs Council (JHS-SAC) at ng publikasyong Ang Layag sa kabila ng pandemya ngayong taon. Ibinahagi ng mga manunulat ng pampahayagan ang kanilang talento sa pamamagitan ng paglikha ng kani-kanilang akdang pampanitikan na nagpapakita sa pagmamahal at pagpapahalaga sa sariling bayan. Ang mga akdang ito ay makikita sa opisyal na Facebook page ng JHS-SAC. Kabilang sa mga inilabas na gawa ng JHS-

SAC ay ang tula ni Juliana Villavert na pinamagatang “Buwan ng Wika 2020”, ang maikling kuwentong “Sibaya” ni Kristen Morales, ang tulang “Ating Wika, Ating Ipagmalaki” ni Ariana Lim at ang isa pang tulang “Pusong Pilipino” na akda ni Ashley Britania. Tuloy pa rin ang pagdiwang ng Buwan Ng Wika sa kabila ng mga pangyayari dahil sa pagkakaisa ng mga manunulat ng Ang Layag at ng mga miyembro ng JHS-SAC. Kakaiba man ang paraan ng pagdaraos ng Lasalyanong komunidad ngayong taon, ang importante ay pinahahalagahan pa rin ang kultura at tradisyon ng mga Pilipino.

Mula sa Student Affairs Council-Integrated School/FB

Ang Layag

@anglayaglasalle @anglayagusls

Mga Lasalyano, kinasabikan ang Lasallian Week ni: Asia Agsam

Mula sa Student Affairs CouncilIntegrated School/FB

Naghanda ang mga Lasalyano sa inaabangang Lasallian Week na ipinagdiwang noong Miyerkules, Oktubre 28 na pinangunahan ng Student Affairs Council (SAC.) Sinalihan ito ng mga magaaral mula sa House of Wester, House of Masson, House of Murray, at House of Cody ng baitang pito hanggang sampu na kung saan ang apat ay naglaban-laban. Isinagawa ang proyektong ito upang mapasaya at mapatibay ang samahan ng mga estudyante kahit may pandemya ngayon. Hinati sa tatlo ang laro sa unang wave, ito ay ang Call of Duty, Mobile Legends

at Inktober. Itinanghal ang mga kampeon sa iba’t ibang larangan ng laro sa Facebook page ng SAC. Nangibabaw ang mga estudyante mula sa baitang sampu o kilala bilang House of Cody sa larong Call of Duty at Mobile Legends. Ang mga estudyante naman sa baitang pito o kilala bilang House of Wester ay nanguna sa Inktober. Sa kabuuan, ang baitang sampu ang nanalo bilang kampeon. Naaliw ang karamihan at mas lalong tumindi ang labanan dito. Hindi na sila makapaghintay ng iba pang mga aktibidad na handog ng iba’t ibang organisasyon

Mga seminar ng organisasyon sinimulan na ni: Asia Agsam

Naghanda ang iba’t ibang organisasyon ng unibersidad bago magsimula ang klase sa pamamagitan ng pamumuno ng seminar, retreat, training at workshop. Sinimulan ang paghahasa sa pagsusulat upang makapaghanda nang mabuti ang mga publikasyong Ang Layag at The Lasallian Crossroads na pinamumunuan nina Ginoong Ariel Gabiño at Ginang Hope Ayre noong Agosto 14, 29 at Nobyembre 14 kasama ang iba’t ibang tagapagsalita. Nagbahagi ang ibang mga alumni ng Integrated School na sina Binibining Rebecca Filasol, Ginoong Nathan Cruz kabilang na rin ang kilalang manunulat sa dyaryo na si Ginoong Dave Albao. Tinuruan din ang mga miyembro at mga facilitator ng

Campus Peer Ministry (CPM) sa pamamagitan ng workshop at retreat noong Agosto 12 hanggang 14 sa pamumuno ni Ginoong Raymund Banaticla, moderaytor ng organisasyon. Nagbigay panukala naman ang mga mag-aaral na lider ng Student Affairs Council (SAC) sa Leadership Orientation Training and Seminar (LOTS) noong Hulyo 14 hanggang 16, pinamumunuan ito ng kanilang modereytor na si Ginoong Carlo Diaz. Nagbigay ng impormasyon at proyekto ang mga opisyales ng IS para sa kani-kanilang batch at para sa bawat estudyante. Ang mga pagpupulong na ito ay simula ng kanilang pagsasanay upang ang lahat ay may kaalaman sa kanilang mga gawain at maging alerto sa mga bagay-bagay na mas magpapahusay sa kanila. Tomo 18, Bilang 01


03

balita BALITA Mga Mag-aaral, Nakibahagi sa Snap Against Bullying ni: Bea Besa

KARATULA. Simbolo ng pagkakaisa ng buong komunidad ang pagiging parte ng Snap Against Bullying na ang layuni’y makapagtanto ng sambayanan sa laganap na isyu ng diskriminasyon. Mula sa: Student Affairs CouncilIntegrated School/FB

Inilunsad ng Student Affairs Council noong Oktubre 26, 2020 ang Snap Against Bullying na bahagi ng Anti-bullying Campaign ng paaralan kung saan pinalitan ng mga mag-aaral ang kanilang display picture sa Facebook bilang pagsuporta sa kampanya laban sa bullying. Ang mga baitang na kinabibilangan ng House of Masson, Wester, Murray, at Cody ay gumawa ng kanikanilang disenyo para sa kanilang profile picture at sinamahan ito ng mensahe kaugnay sa bullying na inilagay sa caption. Nais ng aktibidad na ito

na hikayatin ang mga tao na magkaisa upang matigil na ang gawaing ito. Sabay-sabay na pinalitan ng mga estudyante ang kanilang display picture noong gabi ng ika-26 ng Oktubre upang makibahagi sa kampanya. Dahil sa pagsuporta at partisipasyon ng mga magaaral ay naging matagumpay ang Snap Against Bullying. Isa ito sa mga aktibidad ng paaralan upang ipagpatuloy ang Anti-bullying Campaign sa bagong normal at para na rin magkaisa ang mga estudyante sa kabila ng mga pagsubok na dala ng pandemya.

Pag-aabot ng Lasalyanong Malasakit sa Online Mission Collection ni: Marrianne Javier

Ginawang online ang mission collection na isang Lasalyanong tradisyon kung saan magpapatuloy pa rin ang pagbabahagi ng tulong para sa kapwa lalo na’t mayroong pandemya. Nagaganap ang online mission collection tuwing una at ikatlong linggo ng buwan sa paraan ng GCash o MLhuillier kung saan naghahandog Ang Layag

ng mga donasyon ang mga estudyante. Pumupunta ito sa mga nangangailangan katulad ng tulong medikal o tulong pinansyal at iba pa. Kahit na may iba pang tinutulungan ang Mission Collection sa panahon ngayon, patuloy pa rin ang pagsuporta nito sa Bahay PagAsa Youth Center.

@anglayaglasalle @anglayagusls

Sa pandemyang pagaaral, ibinunyag ang organisasyong Paragons ni: Jay Olayra

Binigyang buhay muli ng ‘Paragons’ ang kahalagahan ng disiplina at ang pagiging mabuti at huwarang estudyante sa Unibersidad ng St. La Salle pagkatapos ilunsad ang organisasyon noong Oktubre 22, 2020 na pinangunahan ng kanilang tagapagpayo na si Gng. Michelle B. BallesterosDiscipline Formation Office (DFO). ​Sinasagisag ng mga ‘Paragons’ ang kadisiplinahan, katarungan, at kapayapaan sa gitna ng pandemya sa bagong normal na pag-aaral sa kanilang paaralan, sila rin ang nairekluta bilang pangalawang kamay ng DFO. ​Kinabibilangan nito ng mga kinikilalang 12 huwarang estudyanteng sina; Medallo- 9A; Cuadra, Espinosa, Montilla, Sumalinog, Tuvilla, Villaflor- 10A; Acosta, Espuerta, Maravilla, Torres10B; Estrella- 10G. Naglunsad din sila ​ noong unang linggo ng Nobyembre ng kanilang Mula sa DFO Paragons/FB

kauna-unahang aktibidad na isang “Anti-Bullying Campaign” para sa kanilang mga kapwa estudyante sa pamamagitan ng pagupload ng bidyo, gumawa rin sila ng ‘Facebook page’ kung saan magpopost sila ng iba’t-ibang impormasyon, mga kaalaman at iba pa, sila rin ay inatasan na humawak sa mga anunsyo para sa ‘homeroom’ ng bawat seksyon at baitang. Ayon sa mga kawani ng ‘Paragons’, hindi rin daw naging madali ang pagpasok sa ganitong organisasyon, kinakailang pa raw nilang dumalo ng tatlong webinar, at sinalang rin sila sa isang interbyu na ihahasa pa sa iba’t ibang tagapagturo para maging kwalipikado. “Dahil sa estilo na ​ mayroon tayo ngayon ang ‘new normal’ o online, nagkaroon tayo ng pagbabago sa panahong ito kung paano natin masasanay ang ating mga sarili sa bagong paraan ng pag-aaral. Iba na ang pamamaraan sa panahong ito, kaya napag-isipan kong sumali sa DFO ‘Paragons’ para maging isang mabuting ehemplo sa mga kapwa kong mag-aaral at makatuto mula sa mga panibagong karanasan na maihahandog ng organisasyong ito.” badya ni Julia Acosta, miyembro ng ‘Paragons’. Tomo 18, Bilang 01


04

balita BALITA

@anglayaglasalle @anglayagusls

Ang Layag, may bagong handog Mga manunulat ng ngayong taon publikasyong Ang Layag, dumalo sa CJM 2020 Webinars Naging aktibo muli ang ang mga miyembro at mahasa ni: Alexa Chua

ni: Dianelle Varrera

Nakibahagi ang manunulat ng publikasyong Ang Layag noong Oktubre 31 at Nobyembre 7 sa Campus Journalism Masterclass Webinars na pinangunahan ng Kapunungan sa mga Mass Communications mula sa Silliman University. Ang mga tagapagsalita sa unang araw ay sina Gng. Jacque Manabat, ABS-CBN Senior Multiplatform Journalist at G. Val Amiel Vestil, Founder of Association of Young Environmental Journalists. Ang kanilang topiko sa webinar ay Student Journalism on Documentation and Field Reporting at Role of Students Journalists in Environmental Activism. Sa ikalawang araw naman, ang mga tagapagsalita ay sina Gng. Lyza Aquino, ABS-CBN Mula sa Campus Journalism Masterclass/FB

Mula sa Campus Journalism Masterclass/FB

Multiplatform Journalist at G. Joeberth Ocao, Senior Editor ng publikasyong The Freeman. Sila naman ay binigyan ng topiko tungkol sa Digital Student Journalism 101 at Leadership and Team Building Training. Inimbitahan ang iba't ibang paaralan upang dumalo sa programang ito. Nagsimula ang webinar alas dos ng hapon hanggang ala sais ng gabi. Ito ay ginanap online sa pamamagitan ng Zoom at FB live. Marami ang nakasali sa webinars ngayong taon dahil ito ay ginanap online. Nagpasalamat naman ang mga estudyante ng Silliman University sa lahat ng dumalo sa kanilang programang inihanda. Inaasahan na mauulit ito sa mga darating na taon at patuloy silang susuportahan ng iba’t ibang paaralan.

publikasyong Ang Layag sa iba’t ibang aktibidad sa pagsusulat at online sa kabila ng pandemya sa pangunguna ng mga patnugutan bago pa man magsimula ang panibagong akademikong taon. Nilulunsad ng publikasyon bawat buwan sa kanilang opisyal na Facebook Page ang iba’t ibang aktibidad ng kanilang mga miyembro kung saan ipinakikilala muli ang mga dating kultura tulad ng pagsulat ng Baybayin, mga tradisyon at mitolohiya gayundin ay ipinapakita sa madla ang mga sikat na pelikula, kasabihan, bugtong, hugot at sariling mga sipi. Binabalita rin ang kanilang mga kaukulan sa araw tulad ng pagpupulong at pagsali sa mga online seminar o webinar. Sa pamamagitan nito ay mas magiging maalam

sa kanilang gawain. Sinorpresa naman ng pampahayagan ang karamihan sa kanilang pagbabagong anyo sa pamamagitan ng paglunsad ng panibagong tatak o logo noong ika-anim ng Setyembre matapos ang ilang taon. Ipinapangako naman ng publikasyon ang patuloy na pagiging aktibo online upang makakalap at makapagbahagi ng mga balitang totoo at maipakilala ang dyornalismo sa bagong normal sa pamamagitan ng online na mga akda.

Ulysses, nag-iwan ng pinsala sa Luzon ni: Jasper Laguitan

Hinagupit ng Bagyong Ulysses (Vamco) ang karamihan sa mga probinsya sa Luzon matapos itong mag-landfall sa Patnanungan, Quezon noong Nobyembre 11, 2020. Nagdulot ng malawakang pagbaha sa maraming lugar ang malalakas na pag-ulan at hanging may dalang 150 km/h maximum sustained winds at pagbugsong 205 km/h. Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction Ang Layag

and Management Council (NDRRMC) noong Nobyembre 12, 2020, humigit-kumulang 1.1 milyong katao o 285,978 pamilya ang apektado ng bagyo at halos 370,000 mga indibidwal ang napilitang lumikas mula sa kanilang mga tahanan. Nalubog din sa baha ang Cagayan Valley matapos umapaw ang Magat Dam. Naging sanhi ng pag-apaw ng

dam ang malakas na ulang hatid ni Ulysses at ang patuloy na pagulan sa loob ng halos dalawang buwan. Tumaas din sa 21.7 metro ang nibel ng tubig sa Marikina River na siyang mas mataas kaysa sa nagdaang nibel ng tubig na 21.5 metro noong humagupit ang Bagyong Ondoy noong 2009. Bahagyang humina si Ulysses noong Nobyembre 12, 2020 habang papunta ito pakanluran sa West Philippine Sea at tuluyang lumabas mula sa Philippine Area of Responsibility (PAR) noong Nobyembre 13, 2020.

Isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte sa state of calamity ang buong Luzon matapos ang paghagupit ni Ulysses at ng mga nagdaang bagyo. Bago pa man nanalasa si Ulysses ay hinarap na ng mga residente ang Super Typhoon Rolly (Goni) na siyang naglandfall sa Bato, Catanduanes noong Nobyembre 1, 2020. KAYOD-KALAMIDAD. Dinadala ng ama ang kanyang anak upang hindi siya lunurin ng tubig sa gitna ng bagyong Ulysses sa probinsya ng Rizal noong Nobyembre 12, 2020. Kuha ni Lisa Marie David/Reuters.

Tomo 18, Bilang 01


OPIN YON

05

OPINYON

@anglayaglasalle @anglayagusls

Ang Totoong Nahihirapan Hindi mapagkakaila na ang mga walang kaya sa buhay ang mas nahihirapan sa Online Class at hindi kung ang mga estudyante ba o guro. Parehong panig ang nahihirapan - sa pagsasagot at pagwawasto ng modyul. Dahil sa kaganapang ito ay dapat kumilos ang Department of Education (DepEd) upang matugonan ang hinaing ng mga pamilyang walang badyet para dito at para hindi magmukhang prebilihiyo ang edukasyon sa kabila ng bagong normal. Sa katunayan, ipinagpapalagay ng mga ina sa Sitio San Roque, Quezon City naudlot muna ang pagpapaaral sa mga supling nang dahil sa kakulangan ng badyet sa panibagong sistema. Alam na ng lahat na may pandemya dulot ng COVID-19 at 15% ng mga negosyo sa bansa ang nalugi na at nagsara. Sa kadahilanang ito, naapektuhan nang pangmalakihan ang mga empleyado lalo na ang mga kumikita ng minimum-wage na wala nang mapagkukunan ng pantustos araw-araw. Sa sitwasyong ito ay talagang mahihirapan na kanilang mga kabataan sa online class. Ang mga kakailanganin tulad ng laptop ay nasa presyong P15,000 pataas at kapag walang wifi ay tig-singkwenta pesos ang pagpapa-load ng data kada tatlong araw. Ayon nga sa isang mag-aaral, ang singkwenta pesos na pang-load ay maaari pang maipagbili ng isang kilong bigas para sa pamilya. Kung gayon ay napakabigat na para sa mga mamamayan ang gastusin pa lang para sa online class kasama na ang matrikula ng bawat anak. Pero kung tutuusin, ang singkwenta pesos ay tila barya lang para sa mga mapalad na mag-aaral na mataas ang estado sa buhay. Ayon naman sa DepEd, magbibigay sila ng printed na modyul para sa mga estudyanteng hindi kayang bumili ng laptop o wifi. Ngunit ang problema ay ang paraan ng pagbibigay ng mga modyul sapagkat medyo mabagal Ang Layag

na na sa na at pa

hindi gaano kabilis signal ng data. Isiping pandemya ngayon halos walang biyahe benta ay maglalaan sila ng para diyaan. Sa kay daming reklamo sa DepEd, ngayon na ang tamang panahon upang sila ay kumilos. Ilaan nila nang maayos ang pondo na ibinigay upang makapag-deploy ng mas maraming guro na makapagtuturo sa mga batang illiterate ang mga magulang at para makabili ng sapat na radyo at makapagbigay ng libreng gadyet sa mga hindi makabili. Sa Guhit ni: Paul Estrope panahong ito ay wala na talagang iba Ang mga Pilipino ay nais na pang alternatibo dahil wala namang magkaroon ng bansang halos lahat ay idineklarang Academic Freeze. ng DepEd ang ganitong paraan edukado dahil ito lamang ang nakikita Pinili kaya dapat maging handa silang makahanap ng solusyon para sa mga ng lahat na daan upang umunlad. mahihirapan. Dapat alamin nila kung ang paggawa ng napakaraming kahihinatnan ng kanilang mga anak? ano ang maaaring mangyari o ano bilang nito. Napasabing dalawang Ayon sa Knoema, mahigit dalawang ba ang mga uusbong na problema sa linggo bago magbukas ang klase ay milyong katao noong 2015 edad 15 online class. Nagbabayad ng tamang wala pa raw sa kalahati ang natapos pataas ang matatawag na illiterate buwis ang taong bayan upang mapagat nailimbag na modyul base sa o hindi nakapagtapos ng pag-aaral. aral ang mga kabataan lalo na sa mga guro sa Maynila. Tandaan din Kapag nagpaturo ang kanilang pampublikong paaralan. Masasabing na ang paghahatid ng modyul sa anak sa mga diskusyon sa modyul investment ang edukasyon kaya bawat mag-aaral sa pamamagitan ng ay malaki ang posibilidad na mali lahat ng mamamayan ay suportado house-to-house ay hindi madali para o walang masasagot ang kanilang ito kahit anumang paraan ito – sa mga guro sapagkat mahirap ang anak dito. Maaapektuhan nito ang online man o modyul. Gayundin pagtawid sa mga ilog at lubak-lubak pagkakataon ng mga bata na matuto. ay dapat lang na payabungin ng na daanan sa mga mabubukid na Kapag sa mga mayayaman naman, gobyerno ang investment na ito lugar. Kahit mayroong radyo ay hindi pwedeng-pwede silang kumuha para na rin sa ikabubuti ng bansa. Ang mga Pilipino ay nais na naman sapat ito para sa lahat ng mag- ng tutor sa ganitong kadahilanan. magkaroon ng bansang halos lahat aaral dahil sa kakulangan sa badyet. Simple ito para sa mga may kaya. Matatandaan sa isang pampublikong Matagal na ang debate tungkol ay edukado dahil ito lamang ang briefing ni DepEd Undersecretary sa online class at kung sino ba ang nakikita ng lahat na daan upang Atty. Nepomuceno Malaluan na mas nahihirapan. Maraming tao umunlad. Gamit ang kaalaman tinitingnan pang muli ang badyet online ang nagkakasagutan na ng bawat isa, sa hinaharap ay ng DepEd para sa allowance ng mga mas nahihirapan daw sila kaysa sa magkaroon ang bansa ng mararangal guro sa ganitong klaseng set-up. mga guro, o ang mga guro raw ang at mabubuting lider. Ang edukasyon Huli, at ang mas nahihirapan. Pero sabi nga ay isang Karapatang Pantao at isang pinakanakababahalang suliranin nila, makapangyarihan ang salapi. napakalaking ambag sa lipunan. sa panig ng mga mahihirap sa Mas madali ang pamamalakad ng Normal na klase o online man ay buhay ay karamihan sa kanila ay mga bagay sa mga taong may pera. sana maging pantay ang pagbibigay hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Ang totoong nahihirapan ay ang ng pagkakataon na maging edukado Sa ganitong set-up kung saan ang mismong mga mahihirap. Sila ang upang sa huli ay mabawasan na mga magulang daw ang magtuturo mas nakakaawa sa online class dahil ang bilang ng mga Pilipinong hindi sa kanilang mga anak sa pagsagot imbes panggatas ng kanilang mga marunong magbasa. Ulit, hindi ng modyul, kung sila mismo ay anak o kapatid ay naigagastos na dapat maging prebilihiyo ang hindi edukado , ano na lang ang lamang para sa tatlong araw na load edukasyon dahil ito ay para sa lahat.

Tomo 18, Bilang 01


OPIN YON

06

OPINYON

PAMATNUGUTAN NG PUBLIKASYON ANG LAYAG 2020-2021 Ariel G. Gabiño Tagapamahala

Alexa Chua Punong Patnugot Reiben Denaga Jasper Laguitan Pangalawang Patnugot Dianelle Varrera Bea Besa Tagapamahalang Patnugot Jay Olayra Kciarah Patrata Marianne Javier Asia Agsam Giada Padilla Tagasulat ng Balita Bea Besa Gleanah de Asis Taga-ulo at Taga-wasto ng Balita Alexa Chua Dianelle Varrera Mary Lademora Christine Mangubat Tagasulat ng Opinyon Jasper Laguitan Jireh Cartel Tagasulat ng Lathalain Jeri Espinosa Ariana Lim Jelane Sorallo Juliana Villavert Kristen Morales Alyssa Cabrera Ma. Liana Eriso Ashley Britania Tagasulat ng Panitikan Eaya Estores Zyronne Giltendez Tagasulat ng Agham at Teknolohiya Lysander Tiu Jest Cuadra Tagasulat ng Pampalakasan Paul Estrope Catherine Torres Tagadibuho ng Larawang Tudling Reiben Denaga Elysha Pinlac Tagakuha ng Larawang Pampahayagan Reiben Denaga Mary Lademora Catherine Torres Reanna Villanueva Taga-anyo ng Pahina Ang Layag

@anglayaglasalle @anglayagusls

Kasariang Sisira sa Buhay Mo

Walang sinuman ang may karapatang manghusga sa kapwa nila kahit ano pa ang kanilang kasarian. Labag ito sa utos ng Diyos kung saan dapat mahalin natin ang isa’t isa. Ito rin ay isa sa mga paraan upang hadlangan ang karapatan ng bawat isa at paglabag sa isa sa mga batas na kasalukuyang pinasa ulit, kilala bilang House Bill No. 4982 or “An Act Prohibiting Discrimination on the Basis of Sexual Orientation or Gender Identity or Expression and Providing Penalties Therefor” o kilalang SOGIE Bill. Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer, Intersex, Asexual, at iba pa o mas karaniwang kilala bilang LGBTQIA+ ay isa sa mga kontrobersyal na topiko sa mundo. Marami na sa mga lalaki ang nagkakagusto sa kapwa nilang lalaki at ganoon rin sa babae nagkakagusto din sila sa kapwa nilang babae. Ang tanong, may masama ba sa ganyang pamamaraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa? “Ang babae ay huwag mananamit ng nauukol sa lalake, ni ang lalake ay magsusuot ng pananamit ng babae; sapagka’t sinomang gumagawa ng mga bagay na ito ay karumaldumal sa Panginoon mong Dios.” (Deuteronomio 22:5) Kasalanan daw sa Panginoon ang magmahal ng isang taong may kaparehong kasarian. Ang Diyos ay marunong magpatawad. Ayon nga sa Bibliya, “Subalit kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya’y tapat at matuwid.” (1 Juan 1:9)

ni: Dianelle Varrera

Walang magagawa ang opinyong nakakasakit ng iba dahil kung ano sila at kung sino man sila, lalaban ang bawat isang inaapi. Ang mga taong nanghuhusga sa LGBTQIA+ gamit ng Bibliya ay mali dahil hindi ito batayan ng panghuhusga. Sila ay karapatdapat na tawaging hipokrito dahil may kakayahan pa silang humarap sa simbahan kahit ganiyan ang kanilang ugali. Ikalawa, hindi salot sa lipunan ang mga napapabilang sa LGBTQIA+. Ang pagkakaroon ng mga taong kasama sa kanilang komunidad ay hindi makapagbabawas ng dignidad ng bawat isa sa mundo. Sa isang balita na mula sa website ng Rappler, pumatok ang sinabi ng isang Miss Universe 2020 Candidate na si Billie Hakenson na mula sa Cavite. Ayon sa dalaga, “I am bisexual. While who I love and have loved, does not define the core of my being, I am a proud member of the LGBTQIA+ community.” Walang magagawa ang opinyong nakakasakit ng iba dahil kung ano sila at kung sino man sila, lalaban ang bawat isang inaapi. Hindi dapat hinuhusgahan ang isang taong hindi kilala nang lubos. Ang kasarian ay kasarian lamang, hindi nito matutukoy kung anong klaseng tao ba sila. Ikatlo, kamangmangan ng bawat isa ang sumisira sa lipunan. Hindi ibig-sabihin na maaari magbigay ng opinyon ay aabusuhin na ito. Matutong mag-aral at magsaliksik ng mga impormasyon na may pruweba at ‘wag ipakita na puro maling impormasyon lang ang kayang

ibigay. Matalino ang bawat isa na naninirahan sa mundo kaya gamitin ang katalinuhang iyon upang ipamalas sa iba na hindi masama ang pagiging bakla, tomboy, bisexual, at iba pa. Panghuli, ang pagiging mapanghusga ay hindi dapat gawing natural na gawain. Ayon sa isang artikulo, 12 milyong Pilipino na ang nakaranas ng diskriminasyon dahil sa kanilang kasarian. Kilalanin muna ang tao bago husgahan ito. Walang lugar ang diskriminasyon sa mundo dahil ginawa ng Diyos ang lahat ng tao nang pantay-pantay. Tao rin sila, may mga damdamin na nasasaktan dahil hindi tanggap sa lipunan. Ayon nga sa isang transwoman na nakaranas ng pang-aabuso, “Ang masasabi ko lang po sa mga nagsasabi na dapat binalewala ko na lang, tao lang din po tayo, for 10 years ko kinimkim yung pangungutya at pambubully niya sakin.” Karapatan ng bawat isa na tratuhin nang normal. Lahat ay ginawa nang pantaypantay. Sinuman ang humadlang sa karapatan ng kahit sino ay mas masahol pa sa taong makasalanan. Huwag hayaang gamitin ang bawat isa bilang isang instrumento ng kasamaan. Gamitin ang utak at puso upang maipamalas sa iba ang kabutihan na makikita ng bawat isa sa kanilang kapwa. Nasa kamay ng lahat ang desisyon. Itatama ba nila ang mali o hahayaang may masaktan na lang lagi?

Tomo 18, Bilang 01


OPIN YON

07

OPINYON

@anglayaglasalle @anglayagusls

Pagdurusa ng Milyones ni: Mary Lademora

Maging Sikat o Maging Marangal?

ni: Christine Mangubat

Bago humingi ng respeto sa iba, bakit hindi subukang respetuhin ang sarili?

Click dito, click doon, share dito, share doon. Ang mga kabataan ngayon ay hindi na nagdadalawangisip kung nakabubuti nga ba ang mga pino-post para sa sariling imahe o para may ma i-update lang. Sa panahon ngayon na mas matimbang pa kung ano ang uso kaysa totoong impormasyon na makapagpapayaman ng isipan, panahon na mas inuuna ang likes at share kaysa moralidad ng sarili at kapwa tao. Palala nang palala ang nagiging sitwasyon ng paglago ng mga social media platforms imbes na mabuti ang naidudulot nito. Ang sanhi? Ignorante at makitid na isipan. Nakakainis at nakalulungkot isipin na imbes kaalaman at katotohanan ang dapat na pinapanaig, katanyagan ang nasa isipan ng mga ignoranteng kabataan. Hindi masama na ipamalas sa ibang tao ang natatanging talento, sa totoo ay nagbibigay nga ito ng inspirasyon sa ibang tao. Ang hindi tama at dapat na itigil ay ang pagpost ng mga malalaswang larawan ng katawan at mga maling impormasyon na nakasisira ng positibong pananaw ng iba. Kawalan ng pribasiya ang isa sa mga sanhi ng pagbaba ng moralidad ng mga kabataan. Kadalasang ipinaglalaban nila ang kanilang kalayaan at karapatan pero sa totoo lang ang kanilang makasariling

Ang Layag

nararamdaman ang tunay nilang pinaglalaban. Dahil sa kanilang pagiging makasarili, hindi nila iniisip ang kapakanan ng ibang tao na nakakita rin ng kanilang mga posts. Ang iba ay hindi komportable sa mga malalaswang bagay dahil hindi lahat ay uhaw at ignorante. Hindi lang sarili ang nadadamay sa kawalan ng pribadong pamumuhay kundi sa ibang tao na may buhay din na inaasikaso. Nauugnay at konektado ang kawalan ng pribadong pamumuhay sa kawalan ng dignidad. Sa madaling salita, ang kawalan ng dignidad ay bunga ng kawalan ng pribasiya. Hindi maitatanggi na lahat ng tao ay may iba’t-ibang perspektibo sa tao base sa pinapakitang ugali. May mga taong gusto ang mga bagay na ito at mayroon namang hindi. Hindi lahat ng pino-post ay nakalilikha ng positibong pananaw kaya may posibilidad na hindi maiiwasan ang mga insulto at mga biro na hindi nakakatawa at ang malala pa ay naglalaman ito ng mga mahahalay na tukso. Pinakamalalang sitwasyon na maaaring maging bunga ng kawalan ng pribasiya at kawalan ng dignidad ay ang cyberbullying. Ayon kay UP Manila-Philippine General Hospital Child Protection Unit (CPU) head Dr. Bernadette Madrid, tumataas ang bilang ng mga kaso ng cyberbullying lalong-

lalo na nang dumating ang pandemya na halos lahat ay nasa kanikanilang mga bahay. Hindi maitatanggi na may mga taong walang pakialam sa nararamdaman na emosyon ng iba kaya hindi nila namamalayang nakakasakit na sila ng iba. Bago pa mabura ang post ay naka-share na pala sa iba. Ang tanging masisisi ay ang sariling nabigong tukuyin ang kasalanang ginawa. Ang punot dulo ng lahat ay ang pagiging uhaw sa kasikatan at atensyon. Sa simpleng like at share ay nagawang ipagpalit ang moralidad at dignidad. Bago pa mag resulta ang lahat sa butas na maaaring kumain sa sariling moralidad, dapat na isipin ang mga kahihinatnan ng mga bagay na sisimulan. Ang mahirap sa panahon ngayon ay lahat ng bagay ay kinokonekta na ng social media. Sa kawalan ng pribasiya na nagresulta sa kawalan ng dignidad at nagbunga ng cyber bullying. Ang pagiging uhaw sa atensyon na punot dulo ng lahat ng panunukso na masakit sa puso. Bago humingi ng respeto sa iba, bakit hindi subukang respetuhin ang sarili? Ano ang maaaring gawin sa katanyagan kung naging sikat naman sa kalaswaan at kamangmangan? Kaya dapat na pag-isipang mabuti ang dapat na kini-click kung ito ba ay nakakabuti o nakasisira.

Mukhang ito na nga ang pinakamababang kalagayan ng ating bansa. Hanggang sa social distancing na lang ang pagpapakita ng pagmamahal para sa ating mga kababayan. Libo-libong pamilya ang nawalan ng mapagkukunan at pangkabuhayan. Ang mga guro at estudyanteng walang panggastos para sa mga pangangailangan ng bagong sistema ay naiwan. Ang pagsilabasan ng mga buwaya sa ating sariling gobyerno at komunidad ay walang humpay na umaapaw din. Pero sa kalagitnaan ng pagdurusa, ang mga Pilipino ay puno pa rin ng lakas at pag-asa na malalampasan natin ang paghihirap na ito. Mula sa mga empleyadong nawalan ng trabaho hanggang sa ating mga kababayan na hindi pa rin nakakauwi sa kanilang mga pamilya dahil sa pandemya, lahat ay nagdurusa, maliban na lang siguro sa mga may pribilehiyo at mga sakim. Dahil sa lockdown at quarantine protocols, maraming tao ang nawalan ng trabaho at pangkabuhayan kaya libo-libo ang naghihirap. Labis na nakalulungkot ang balitang ito dahil hindi lang ang mga empleyado mismo ang naapektuhan, pati na ang kanilang pamilyang binubuhay. Kaya sobrang nagpapasalamat ako na may nakukuhanan parin ang mga magulang ko ng pagkain at pera para mapatuloy ang aming pag-aaral. Karamihan sa mga guro at estudyante ay nakahabol naman sa bagong sistema ng edukasyon, pero hinding-hindi maiiwasan na mayroon pa ring naiiwanan. Dahil nga walang mapagkukunan ng kita ang ibang mga magulang, lalong mas nahihirapan ang mga mag-aaral na maabot ang mga kinakailangan ng striktong sistema. Ang laptop at ang isang kalidad na wifi ay hindi basta-bastang lilitaw sa harapan ng mga estudyante. Kaya dahil sobrang hirap, ang iba ay huminto na lang muna sa pag-aaral at tuluyang naghintay kung kailan matatapos ang pandemya upang makapag-aral na. Ang isang sakuna ay hindi kumpleto kung wala ang ating paboritong mga pampadagdag ng gulo. Ang mga taong katulad ni Debold Sinas na nag-pabirthday sa kalagitnaan ng COVID-19 at ang kumalat na mga alegasyon tungkol sa korapsyon ng PhilHealth. Ang mga isyu na ito ay dalawa lamang sa maraming pang halimbawa ng mga problemang dumagdag sa mabigat na responsibilidad ng ating gobyerno. Ang iba ay nagtataka kung saan napupunta ang mga pondo na binibigay ng mga mamamayan subalit kumbinsido akong napupunta lamang ito sa bulsa nila, imbes na gamitin upang makatulong sa mga nangangailangan. Ang pandemya ay talagang tumulong sa pagmulat ng ating mga mata tungkol sa kung gaano ka hindi propesyonal ang paraan ng pamamahala, at sa maraming mga mali at pagkukulang sa sistema ng ating bansa. Hindi pa rin tiyak kung kailan matatapos ang pandemyang ito, ngunit labis akong naninindigan na kung tayo ay magtulong-tulungan, siguradong makakabangon din tayong lahat. Kung ang bawat isa ay ginagawa ang kanilang tungkulin bilang isang miyembro ng lipunang ito, posibleng matapos ang paghihirap natin sa kalagitnaan ng taong 2021. Ang ating misyon bilang isang mamamayan ng atin komunidad ay hindi pa tapos. Patuloy sana nating intindihin at sundin ang mga patakaran ng awtoridad para malabanan natin ang pandemyang sumisira sa buhay at kinabukasan ng ating bayan. Kakayanin!

Tomo 18, Bilang 01


08

latha lain LATHALAIN

Mula sa: Shutterstock

ni: Jasper Laguitan

Nang napunta sa isang ‘di-inaasahang “Cut!” ang lahat noong Marso, marami ang napauwi na dala-dala ang mabigat na balitang baka hindi na sila muli magkikita-kita ng kanilang mga kaklase. Ipinatigil kasi ang klase dahil unti-unting tumataas ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19. Sa loob ng ilang mga buwan, isinailalim na sa lockdown ang ilang mga siyudad at bayan sa probinsya, ngunit patuloy pa rin ang paglobo ng mga kaso ng sakit. Bunga nito, napilitang isailalim sa quarantine ang karamihan sa mga probinsya sa bansa. Dito rin nagsimula ang mga pangyayaring hindi ko inaasahan—ang limang buwan ng pagbabago. Nang magsimula ang quarantine, naging magulo ang aking isipan kasabay ng mga kaganapan sa buong mundo. Ngunit sa kabila ng karimlang dala ng mga balakid ng taong 2020, nakita ko pa rin ang sikat ng araw. Ginamit ko ang ilang buwang nasa loob lang ako ng bahay upang magkaroon ng maraming repleksyong magagamit ko sa aking buhay. Araw-araw kong sinisikap na may matutunang bago mula sa aking mga karanasan at sa mga kaganapang pumapaligid sa akin. Hayaan ninyo akong ibahagi ang ilan lamang sa mga realisasyon at repleksyong nakuha ko habang Ang Layag

@anglayaglasalle @anglayagusls

naka-quarantine. Mangyayari ang kung ano’ng nakatakdang mangyari. Walang sinuman ang may kakayahang pilitin ang tadhana na mangyari ang gusto nila dahil walang kontrol dito ang mga taong tulad natin. Kadalasan kasi’y marami tayong nais maabot sa buhay kung kaya gagawin natin ang lahat upang magkatotoo ito, at kung hindi man ay sisisihin natin ang Maykapal o ‘di kaya’y ang mundo. Isipin na lang natin na isang tapos na nobela ang ating buhay— nailathala na ito ng Maykapal, at narito lamang tayo sa mundo upang isabuhay ang kwentong kanyang napagsimulan. Narito lang tayo para gumawa ng mga desisyon at para maranasan ang tinatawag na “buhay.” Ang mga kaganapan dito sa mundo ay may dahilan din, at balang araw, ito ay maipapakita sa atin. Matutong basahin muna ang mga kabanata bago ang pabalat. “Mas mahalaga ang kalooban ng isang tao kaysa kanyang panlabas na hitsura.” Tila isang sirang plaka kung pakikinggan ang mga taong nagsasabi nito, bagama’t mahirap talaga itong isabuhay. Madalas kasi nating ibinabase sa kagandahan o kagwapuhan ng isang tao ang kanilang ugali kahit hindi pa natin gaano kaalam ang totoong pagkatao nila. Mas

mainam na ating kilalanin muna nang lubusan ang isang tao bago tayo gumawa ng konklusyon. Huwag din tayong maniwala agad sa mga kuro-kuro ng iba lalo na kung hindi rin naman nila gano’n kakilala ang taong iyon. Katulad ng isang magandang libro, mas mahalaga ang nilalaman at ang kwento kaysa pabalat na pahina nito. Sa pamamagitan ng pagbabasa sa bawat pahina at kabanata, maiintindihan natin at makikilala ang bawat tauhan; masisilayan din natin ang ganda at lawak ng imahinasyon ng mayakda. Walang magbabago kung palaging komportable. Marahil ay ilang beses na nating pinagsisihan ang mga bagay na sana’y ginawa o tinanggap natin. Siguro’y takot tayong mapahiya o ‘di kaya’y iniiwasan natin ang pakiramdam ng pagiging hindi komportable. Siguro’y wala tayong sapat na tiwala sa sarili nung mga panahong iyon. Wala sa parami-rami ng tiwala sa sarili iyan, kundi nasa desisyon nating malagpasan ang kung sino tayo noon. Kung hanggang sa “sana” lang ang mga nais nating makamit o mangyari, wala tayong mapapala hangga’t hindi natin sinusubukan. Nagsisimula sa sarili ang pagtahak ng tadhana. Maraming mga kabataan ngayon ang hindi pa sigurado

sa kung anong kurso o trabaho ang gusto nila sa hinaharap. Marami rin sa kanila ang nalilito pa sa kung sino nga ba talaga sila. Lahat tayo ay nakararanas ng ganitong mga sitwasyon sa buhay; hindi natin ito maiiwasan. Malimit nating hinahanap ang ating sarili at tadhana sa ibang bagay o tao imbes na sa ating sarili. Gayunpaman, tayo ang tanging taong makapagbibigay kasagutan sa ating mga tanong sa buhay. Hindi man natin agad itong mapagtatanto, ngunit lahat ng mga sagot ay darating sa nakatakdang panahon—sa oras na atin nang natanggap na tayo lamang ang may susi sa ating tadhana. Iilan lamang ang mga ito sa maraming repleksyong napulot ko habang nakakulong sa aming bahay. Sa loob ng limang buwang iyon, nabuksan ang aking isipan sa mga ideyang ni minsan ay hindi ko napag-isipan noon. Ngayong patuloy pa rin ang pakikipagsapalaran natin sa pandemya at mga delubyong dumarating, baka marami pang bagay ang nakatakdang matuklasan natin—hindi man sa ngayon, bukas, o sa makalawa, kundi sa mga araw na hindi natin inaasahan. Kagaya ko, hindi ko inasahang sa gitna ng isang pandemya ako maliliwanagan sa mga aral at repleksyong ito, kaya balang araw, baka kayo rin! Tomo 18, Bilang 01


09

latha lain LATHALAIN

Bagong Paraan ng Pamumuhay ni: Jireh Cartel

Mula sa: Miami Health News, HB Full Care

“Social distancing po tayo, at bago pumasok sa mall ay kinakailangan po ninyong isulat ang inyong pangalan sa logbook, at maglagay ng alcohol sa mga kamay,” sabi ng guwardiyang nakabantay sa labas ng mall. Ganoon na ang bagong patakaran bago pumasok sa mga pampublikong lugar. Ang pandemyang COVID-19 ay tuluyang nakapagpabago sa paraan ng pamumuhay ng tao. Dahil sa patuloy na paglaganap ng virus na ito, labis na naapektuhan ang mundo. Ang mga gawaing nakasanayan noon ay ipinagbabawal na muna ngayon, tulad ng face-to-face na klase, pagkakaroon ng social gatherings, at iba pa. Sa ngayon ay pinapatupad pa rin ang mga patakaran, kaya tuluyang nagbago ang paraan ng pamumuhay ng mga tao. Sa tuwing lumalabas ay

kinakailangan nang magsuot ng face shield at face mask. Bago pumasok sa isang pampublikong lugar, tulad ng mall at grocery ay kinakailangan na ring magsulat ng pangalan at impormasyon sa isang logbook at mag-sanitize ng kamay. Mayroon ring mga patakaran sa mga pampublikong sasakyan, tulad ng social distancing sa dyip at bus. Ilan lamang ito sa mga bagong gawain na ipinatupad ng pamahalaan upang mabawasan ang paglaganap ng virus. Nagkaroon ng malaking pagbabago sa pag-aaral ng mga bata. Ang ilan sa mga mag-aaral ay ipinagpapatuloy ang kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng mga modyul, at ang iba naman ay sa online class. Ang modular distance learning ay ang pagbibigay ng mga learning materials tulad ng mga aklat, worksheets, at iba pang maaaring gamitin ng mga mag-aaral upang kanilang masagutan. Tumutulong ang mga guro sa mga estudyante kung sakaling nahihirapan ang mga ito. Ang online class ay katulad ng face-to-face class kung saan nagkakaroon ng pormal na talakayan at pagtuturo, ngunit dahil nasa virtual setting ay

@anglayaglasalle @anglayagusls

ginagamit ang Zoom, Google Meet at iba pa. Tuluyan ding naapektuhan ang trabaho ng maraming tao. Sa ating panahon ngayon ay marami ang ipinagpapatuloy ang kanilang trabaho habang sila ay nananatili sa kanilang mga tahanan. Marami na rin ngayon ang sumusubok sa online business. Nagbebenta sila ng iba’t ibang mga produkto tulad ng pagkain, mga preloved items, mga gamit, at iba pa. Ginagamit ang iba’t ibang social media sites tulad ng Facebook, Instagram, at Twitter upang maipakita ang kanilang binebenta. Ang pagbabago ay makikita sa iba’t ibang aspeto ng pamumuhay ng tao dahil sa patuloy na paglaganap ng COVID-19. Apektado ang paraan ng pamumuhay, pagtatrabaho, pag-aaral, at libangan ng mga tao. Maging ang pagpunta sa pampublikong lugar at ang pakikipag-ugnayan sa mga tao ay nililimitahan. Ito na ngayon ang ating kinakaharap na “new normal” dahil sa kasalukuyang sitwasyon. Ito na ngayon ang bagong normal, ang uri ng pamumuhay na hindi man nakasanayan, ngunit unti-unti nang tinatanggap.

Mga Libangang Kinagigiliwan Sa Panahon Ng Pandemya ni: Bea Besa

Mula sa: The Message

Noong nagsimula ang quarantine, naging pamilyar sa mga tao ang iba’t ibang palabas katulad ng “It’s Okay Not To Be Okay” mula Korea at “The Gifted: Graduation” mula Thailand kung saan ay nahumaling ang mga nanood nito. Bukod dito, naging sikat din ang Tiktok na sumubok sa mga tao sa iba’t ibang hamon katulad ng pagsasayaw. Ito’y ilan lamang sa mga libangang nagbigay aliw sa mga tao habang nababagot sa tahanan mula noong nagsimula ang pandemya. Isa sa mga naging sikat na libangan ng mga tao ay ang Tiktok. Ito ay isang online video platform kung saan pwedeng i-upload ang sariling bidyo para maibahagi sa ibang tao. Ito’y nagbigay daan para maging tanyag ang iba’t ibang mga hamon sa pagsayaw, pagkanta, at pag-arte na nagbigay ng saya sa Ang Layag

mga tao. Bukod sa Tiktok, naging patok din sa mga tao ang Korean at Thai drama. Ang Korean drama o mas kilalang K-drama ay mga palabas o serye na nasa lenggwaheng Koreano at nagmumula sa Timog Korea, habang ang Thai drama naman ay nasa wikang Thai at nanggagaling sa bansang Thailand. Ang samu’t-saring mga kwentong hatid ng mga palabas na ito ay ang pinagkaabalahan ng mga manonood. Kabilang sa mga naging sikat na serye noong quarantine ay ang “The King: Eternal Monarch” mula Korea at “2gether: The Series” mula Thailand. Habang ang iba naman ay nanonood ng mga bidyo at serye, marami naman ang itinuon ang pansin sa mga gawain sa bahay katulad ng pag-aalaga ng halaman

Mula sa: OtakuKart

at pagluluto. Marami sa mga Pilipino ang tinaguriang isang “Plantito” o “Plantita” dahil sa pag-aalaga ng mga halaman. Ang iba naman ay naging abala sa pagluluto at baking kung saan sumubok na magluto ng iba’t ibang mga putahe o lutuin, na ginawa na ring negosyo ng iba. Dahil sa quarantine, maraming sumibol na mga libangang nagbigay aliw sa mga tao. Ito ang mga naging pampalipas oras ng karamihan habang nababagot at nawawalan na ng pagtutuunan ng pansin sa loob ng bahay. Higit sa lahat, nagbigay ang mga libangang ito ng saya sa mga pamilya na kahit papaano ay nakatulong para magkaroon ng positibong pananaw ang bawat isa sa kabila ng mga pagsubok na dulot ng pandemyang kinakaharap ng buong mundo. Tomo 18, Bilang 01


10

latha lain LATHALAIN Marami ang naging epekto ng pandemya sa Pilipinas at isa sa mga lubos na naapektuhan nito ay ang mga maliliit na negosyo. Marami sa mga maliliit o lokal na negosyo sa Pilipinas ang nalugi noong nagsimula ang quarantine. Wala masyadong mambibili sapagkat nananatili lamang sa bahay ang mga tao dahil sa takot na dala ng pandemya. Sa kabilang banda, marami rin ang nagsimula ng mga maliliit na negosyo upang magkaroon ng pagkakakitaan para mabuhay ang pamilya sa gitna ng pandemyang kinakaharap. Ang mga lokal na negosyo ay ang mga nagbebenta ng mga produktong nagmumula o ginagawa sa mga pamayanan at ibinibenta mismo sa populasyon nito. Isa sa mga halimbawa nito ay mga produktong pananim ng mga magsasakang Pilipino. Ilan din sa mga halibawa ay ang mga nagbebenta ng mga pagkain katulad ng mga inihurnong paninda at mga gamit gaya ng mga muwebles. Ang mga maliliit na negosyo ay nakapagbibigay ng mga trabaho sa mga Pilipino. Maraming tao ang sumusuporta sa kanila sapagkat paraan na rin ito ng pagbibigay nila ng tulong sa komunidad na kinaroroonan nito at sa kanilang mga manggagawa. Isang dahilan din kung bakit tinatangkilik ang kanilang produkto ay dahil mahusay ang pagkakagawa ng mga ito. Hindi kasintatag ng mga malalaking negosyo ang mga maliliit na negosyo kaya’t karamihan sa kanila ay nalulugi kung may mga panahong wala silang mambibili katulad noong quarantine. Sa kabilang banda, hindi man sila ganoon kalaki at tanyag ay hindi naman maitatangging magaganda pa rin ang kalidad ng kanilang produkto sapagkat gawa ito ng mga mahuhusay na mga Pilipinong manggagawa. Malaki ang naibibigay na tulong ng mga negosyo sa bansa. Ang mga ito’y nagsisilbing hanapbuhay sa milyon-milyong Pilipino. Ang mga produkto nila ay kinagigiliwan din ng maraming tao dahil sa husay ng pagkakagawa ng mga ito. Ilan ito sa mga dahilan kung bakit tiyak na sulit ang perang ipinambibili sa kanila kung saan nagpapatunay na nararapat lang ding sila’y tulungan sa pamamagitan ng pagbibigay ng suporta at pagtangkilik.

@anglayaglasalle @anglayagusls

Pagtatangkilik sa Lokal ni: Bea Besa

Pagluluto ng inasal Mula sa: Blogarama

paggamit ng rattan Mula sa: Blog.fh.Canada

pagsasaka Mula sa: Filipino Life in Pictures

Salamat Po, Mga Guro! ni: Jireh Cartel

Nakaupo ako sa aking upuan, kaharap ang aking laptop habang nilalabanan ang antok. Gabi na, ngunit nagwawasto pa rin ako ng mga gawaing ipinasa ng mga estudyante. “Kaya mo ‘to, huwag kang matutulog,” sabi ko sa aking sarili at uminom ng kape pagkatapos. Bilang guro, halos araw-araw ay ganito ang aking sitwasyon. Mahirap, nakakapagod, at kaunting Ang Layag

pahinga lang ang mayroon ako, ngunit dahil mahal ko ang aking trabaho ay nagpapatuloy ako. Guro. Ang mga guro ang tumatayong mga magulang ng mga bata sa paaralan. Sila ang mga taong nagtuturo ng maraming aral sa mga estudyante. Kilala ang petsang Oktubre 5 bilang Pandaigdigang Araw ng mga Guro at taontaon itong ipinagdidiriwang. Sa

araw na ito ay pinasasalamatan ang mga guro para sa kanilang sakripisyo, oras, at tiyaga upang mabigyan ng kalidad na pagaaral ang mga estudyante. Sa panahon ng pandemya ay tuluyang nililimitahan ang pagkakaroon ng pagtitipon. Noong mayroong face-to-face classes ay ipinagdidiriwang ang araw na ito sa pamamagitan ng isang misa. Nagkakaroon din ng sariling programa ang mga advisory o homeroom classes ng mga guro. Sa pamamagitan ng online class at modular distance learning ay nakakapagbigay pa rin ng kaalaman ang mga guro sa mga estudyante. Sila ay nagtuturo pa rin sa kabila ng hirap at pagod na kanilang nararanasan araw-araw. Sa virtual setting na mayroon tayo ngayon ay tila bang nag-iba ang paraan ng pagdidiriwang ng araw na ito. Para sa Araw ng mga Guro ngayong taon ay naghanda ng iba’t ibang gawain ang mga

estudyante para magbigaypugay sa mga guro. Ilan sa mga ito ay ang paggawa ng video greetings, at pagbibigay ng mensahe sa pamamagitan ng social media. Ang ibang baitang at klase ay naghanda ng mga video greetings na ipapadala sa mga guro. Ang social media ay ginamit din upang maipahayag ng mga estudyante ang kanilang mensahe para sa mga guro. Inilalaan ang araw na ito para sa mga guro na walang sawang sumusuporta at nagmamahal sa mga mag-aaral. Dahil sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya ay naging posible ang pagdiriwang ng araw na ito. Sa kabila ng pandemya, gamit ang social media ay naipahayag ng mga mag-aaral ang kanilang mensahe at pasasalamat para sa mga guro. Ito ang kaganapan noong nakaraang Pandaigdigang Araw ng mga Guro. Nakakapanibago, ngunit isa itong bagong karanasan para sa lahat. Tomo 18, Bilang 01


latha lain LATHALAIN

Holmes Nandito Na

11

@anglayaglasalle @anglayagusls

ni: Alyssa Cabrera

Narito na ang inaabangang orihinal na pelikula ng Netflix na tungkol sa dalagang kapatid ng tanyag na detektibong si Sherlock Holmes. Inihahandog ng Netflix ang pelikulang ‘Enola Holmes,’ base sa seryeng nobela ni Nancy Springer. Ipinapakilala sa atin si Enola Holmes (Millie Bobby Brown) bilang ang nakababatang kapatid nina Sherlock (Henry Cavill) at Mycroft (Sam Claflin) Holmes. Sa kanyang pangalang nababasang ‘alone’ pabaliktad, mabibigyan tayo ng ideyang siya’y pinalaki ng inang si Eudoria (Helena Bonham Carter) na iba sa nakaugaliang paraan. Taong 1884, pagkatapos matuklasan ni Enola sa umaga ng kanyang ika-16 na kaarawan ang biglang paglaho ng ina, naiwan siya sa pangagalaga ng mga nakatatandang kapatid.

Sa kagustuhang ipasok siya ni Mycroft sa finishing school, na kinasusuklaman niya, at sa pagkaudyok sa kanya ng naiwang mga clues, tumakas siya papuntang London upang hanapin ang kinaroroonan ng ina. Papunta sa siyudad, nakasalubong niya si Viscount Tewkesbury (Louis Partridge) na siya rin ay tumatakas mula sa nakasasakal niyang buhay. ‘Di tulad ng nakasanayang lalaki ang pangunahing tauhan sa pagtagpo sa krimen, pinatunayan ni Enola na siya rin ay may kakayahan, at mas nakahihigit pa, maging tagaligtas at mamuhay sa kung ano ang gusto para sa sarili at hindi sa kung ano ang dinidikta ng lipunan. Ayon nga sa kanya, “Ang buhay ko ay akin, at ang hinaharap ay nakasalalay sa atin.” Bukod-tangi, masigla at nakakaaliw ang pagganap ni

Millie Bobby Brown na siyang paminsan-minsang sumisira ng 4th wall at nag-momonologue sa tagapanood na nagpapalalim ng koneksyon sa istorya. Nakasanayan man na si Benedict Cumberbatch ang gumaganap bilang si Sherlock ay nabigyang hustiya ni Henry Cavill ang mas may emosyong bersyon ng karakter. Kahit mas nakababata ng tatlong taon kesa kay Henry, magaling na nagampanan ni Sam Claflin si Mycroft. At syempre hindi mawawala si Louis Partridge, ang gwapong binatang kinababaliwan ng marami ngayon, na nakalalambot-puso ang bawat eksena sa pelikula. Inilalarawang witty, nakakasuspense, at nakaka-excite ng Netflix, ang pelikulang ‘Enola Holmes’ ay siguradong hindi bibiguin ang ekspektasyon niyo. Huwag na dapat ito palampasin at panoorin sa lalong madaling panahon.

Mula sa: Movie Poster HD

ni: Reiben Denaga

Mula sa: Pinterest at Google

Ang Layag

Bago pa man naging bantog ang RuPaul’s Bardagulan—este, RuPaul’s Drag Race ay mayroon nang inorganisang mga kumpetisyong kawangis nito. Sa gabing mahimbing ang tulog ng karaniwang mamamayan ay buong magdamag nagtitipon ang mga miyembro ng LGBTQ+. Kahit kumukubli man, ang importante ay sariling kasarian ay tanggap ng bawat isa. Bunga ng kuryusidad ni Jennie Livingston, ang Paris is Burning ay isang dokumentaryong pelikula na sumusunod sa buhay ng mga taong pumupunta sa mga “ball” o paligsahan. Ang pamagat ng pelikula ay isa sa mga paligsahang tampok dito: Paris is Burning. Samu’t saring aktibidad ang sinasalihan dito, may sayawan, kantahan, at rampahan. Unang-una, sa kabila ng murang kamera ay maganda ang sinematograpiya ng pelikula. Mainam ang pagpapakita ng kanilang mga ginagawa sa mga ball—ang sigawan, sayawan, at inaasam na panalo; dagdag pa riyan ay naipakita rin ang kanilang mga sariling buhay sa labas ng ball na walang halong pagbabalat-kayo. Malalaman talaga ng manonood ang personalidad ng bawat tao sa pakikipanayam na isinagawa. Dito nila pinalabas ang kani-kanilang mga saloobin tungkol sa kanilang hinahangad, mga kahirapan, at ang kasiyahang nararamdaman habang kasama ang mga taong kagaya nila. Sa loob ng ilang taon ay nakayanan nilang mapakita ang kanilang sekretong kultura, ngunit nakatataka at medyo nakadidismaya na mas maikli ang pelikula. Kung tutuusin ay mas mapalalim ang iba’t ibang usapang tinaas ng dokumentaryo sa mahabang panahon ng pagkakalap ng impormasyon. Layunin ng pelikulang mapataas ang mga isyung lumigalig at hanggang sa ngayo’y lumiligalig pa rin sa komunidad ng LGBTQ+. Ipinakita ang mga problema gaya ng sapilitang pagpapaalis mula sa bahay, at sa mga malaking suliranin ng pagpatay at pagkutya sa kanilang kasarian. Ipinakita rin nito ang klasismo at rasismo sa lipunan at ang mga naging hanapbuhay nila upang masolusyonan ito, na nakasasama rin sa kanila sa huli. Kahit mabilis at bitin man, matagumpay na napahiwatig ng pelikula ang nais na mensahe. Kung titingnan nga ngayon ay marami na ang mga pagbabago sa lipunan, pero hindi pa rin maipagkakaila ang diskriminasyon laban sa minoryang grupong ito. Marami sa mga karapatan na mayroon ang bawat isa ay tila imposible para sa kanilang makuha, kahit gaano man ka init ang pasyon at dedikasyon upang makuha iyon. Isang tanong lang ang namamayani sa ulo matapos ang lahat ng ito: gagamitin mo ba ang pribilehiyong iyan para sa o laban sa kanila? Tomo 18, Bilang 01


12

latha lain LATHALAIN

@anglayaglasalle @anglayagusls

MakaPANGyarihan: Isang Ribyu sa The Gifted

terest

Mula sa: Pin

ni: Jasper Laguitan

Hindi natin maipagkakait na noong tayo’y mga bata, ginusto nating magkaroon ng kapangyarihan o superpowers. Bunga na rin ng pagkahumaling sa mga napapanood na pelikula at palabas sa telebisyon, lumaki ang karamihan sa atin na may hilig at pagidolo sa mga superhero lalo na’t dahil sila ang mga bayani sa oras ng sakuna. Ngunit para kay Pang, tanging silang nasa Gifted Program ang makapagliligtas sa kanilang mga sarili gamit ang kanilang mga nadiskubreng kapangyarihan. Ang The Gifted ay isang Thai TV series na unang ipinalabas noong Agosto 5, 2018. Umiikot ang 13 episodes nito sa buhay ni Pawaret “Pang” Sermrittirong (Korapat Kirdpan), isang payak na mag-aaral mula sa Ritdha High School, at ng kanyang mga kaklase’t kaibigan mula sa Gifted Program ng kanilang paaralan. Sabay nilang pinag-aaralan at hinahasa ang kani-kanilang mga kapangyarihan habang natutuklasan ang malalagim na sikretong bumabalot sa Gifted Program. Bihira na lamang ngayon makakita ng mga palabas tulad nito lalo na’t karamihan sa mga kinagigiliwan ngayon ng mga fans ng Thai TV series ay ang boys love (BL) na dyanra. Isa itong bagong karanasan lalo na’t balot ng misteryo ang bawat episode habang papalapit sa huling bahagi. Kapana-panabik din ang pagpapakita ng mga karanasan ng bawat mag-aaral mula sa Gifted Program. Nailalahad kung paano nila natutuklasan ang kanilang mga kapangyarihan maging ang mga balakid na umaaligid sa kanila, at nakatulong ito para mas lalo silang makilala ng mga manonood. Datapwat, mayroong mga eksenang tila masyadong minamadali ang pagdaloy ng kwento. May mga panahon din kung saan hindi gaano kapani-paniwala ang mga diyalogo ng mga Ang Layag

karakter, at tila’y walang katuturan ang papupuntahan ng eksena. Hindi rin ganoon ka-epektibo ang pagdagdag ng comedic effect sa karakter ni Claire (Ramida Jiranorraphat) pagkat nauuwi ito sa mga kaganapang hindi nakatutulong sa istorya. Naging sabi-sabi rin ang kawalan ng saysay ng kambal na sina Jack (Chayapol Jutamat) at Jo (Chayakorn Jutamat) sa serye. Malimit silang makikita sa iilang mga eksena lang, at kadalasa’y hindi rin naipakikita ang kanilang mga ginagawa; hindi rin sila nakaaambag sa pangunahing layunin ng ibang mga karakter. Bukod dito, hindi rin makabuluhan ang kanilang kapangyarihan— ang pagiging konektado ng kanilang mga damdamin at galaw. Gayunpaman, hindi maipagkakait na kakaiba ang kwento ng seryeng ito, mula sa mga kapangyarihan, isang bulok na sistema sa isang paaralan, misteryosong mga karakter, at mga estuyanteng handang ipabagsak ang paaralan. Maraming aral ang makukuha mula sa mga kaganapan dito. Sinasalamin din nito ang katotohanan sa ibang mga pook at ang sitwasyon ng ilang mga estudyanteng biktima ng hindi makatarungang sistema ng kanilang paaralan. Ipinapakita rin dito ang halaga ng pagkakaibigan lalo na sa mga oras na kakailanganin ninyo ang bawat isa. Nagtapos mang hindi kaaya-aya ang seryeng ito, binabawi naman ito ngayon sa kanyang karugtong na seryeng The Gifted Graduation na kasalukuyang ipinapalabas at mapapanood sa YouTube. Dito na matutuklasan ang kahahantungan ng mga mag-aaral ng Ritdha High School at kung anong mga misteryo pa ang matutuklasan nila sa likod ng malalagim na sikreto ng kanilang paaralan. Tomo 18, Bilang 01


13

AG AGHAM AT HAM TEKNOLOHIYA

@anglayaglasalle @anglayagusls

Dulomite ni: Zyronne Giltendez

Nakatulala ako sa baybayin. Hindi ko kinaya ang mga basurang palutang-lutang sa tubig hanggang sa ihampas ito ng alon sa dalampasigan. “Bakit ganito?” simpleng tanong ko sa sarili. Hindi ko naiintindihan. Sa mga nakaraang taon, ang Manila Bay ay isa sa mga nadungisang lugar sa bansa. Ang pagdami ng basura at maruming paligid ang nagdulot sa pagkasira nito. Nagsimula ang rehabilitasyon sa Manila Bay o Look ng Maynila noong Enero 27, 2019. Tinawag ang proyekto bilang “Battle for Manila Bay” na may layuning linisin at pagandahin ang nasabing sira at maduming look. Nagsimula ito sa paglinis sa mga estero, kanal, at sa lahat ng daanan ng tubig. Inilipat din nila ang mga informal settlers at sinigurado ang mga kakailanganin upang mapanatiling malinis ang look. Nitong nakaraang mga buwan, ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay tumuloy sa kanilang plano sa pagsuklab ng artipisyal na white sand sa 500 metrong baybayin nito na naghahalagang 389 na milyong piso. Ito ay parte pa rin ng kanilang “beach nourishment program”. Ipinagtanggol ito ng gobyerno na nagsasabing ang pagpapaganda ng Manila Bay ay maaaring kumatawan sa kalinisan nito. Ayon sa pahayag ng mga eksperto, ang proyektong ito ay hindi magiging solusyon sa mga ugat ng problema sa Manila Bay kagaya ng basura, urbanisasyon, at pagtaas ng lebel ng tubig. Naglabas din ng pahayag ang mga opisyal ng DENR para sa kanilang depensa na ang darating na white beach ay gagamit ng Geotube technology para mapigilan ang pag-agnas ng baybayin. Subalit, ang pagbunton ng dolomite sa Manila Bay ay lubos na pinuna dahil ang sinasabing layunin ng rehabilitasyon ay para mabawasan ang dami ng mabigat na materyales sa tubig at ang dolomite sand ay naglalaman ng mabibigat na materyales kagaya ng Aluminum na maaaring makadagdag sa polusyon. Ayon sa 2012 Safety Data Report mula sa Texas Distributor and Builder Lehigh Hanson Inc., ang dolomite ay naglalaman ng magkaibang lebel ng crystalline silica na magiging dahilan ng pagkasira sa baga. Ito din ay makadudulot ng iritasyon sa balat at mata. Nilinaw ng DENR na ang butil ng buhangin na inilagay sa look ay nauuri sa maliliit at pinong bato na malayo sa tinatawag na alikabok. Alikabok ang uri ng buhangin na itinampok sa balita na nakakasama sa kalusugan ng tao kapag ito ay nalanghap. Ibinanggit din nila na ang mga pulbos at puting buhangin ay makikita rin sa mga isla kagaya ng Boracay at Panglao na nagmula din sa coralline limestone o dolomitic limestone na nagyari panahon at wala namang mga isyu tungkol sa kalusugan at reklamo na natanggap mula sa turista at manlalangoy. Bukod sa panganib na maidudulot nito sa mga tao, ang buhangin na mula sa dolomite ay maaari ring maging banta sa mga namumuhay sa dagat. Ayon kay Vander Velpen, mahalaga na ang gagamiting buhangin ay malapit sa natural para maprotektahan ang ecosystem ng dalampasigan at ang iba pang mga lamang dagat. Ang tubig sa look ay nadudumihan dulot ng basura at langis mula sa mga taong naninirahan sa paligid nito. Naglabas ng pahayag ang Institute of Biology na ang pagsuklab ng dolomite sa look ay makakapinsala sa umiiral na buhay doon. Tuwing panahon ng paglipat o migration season, ang look ay nagsisilbing tahanan sa mahigit kumulang 90 uri ng ibon kasama na ang mga napapabilang

Mula sa: Google Ang Layag

Tomo 18, Bilang 01


14

AG AGHAM AT HAM TEKNOLOHIYA

@anglayaglasalle @anglayagusls

sa peligro ng pagkalipol. Ang pagtambak ng dolomite ay isa sa mga kadahilanan ng pagkawala ng kanilang natural na tirahan.

Sa kabuuan, mas mapapalawak at maitataguyod ng pagpapaganda sa Manila Bay ang turismo ng ating bansa. Mas maraming turista ang maaaring bumisita dito kapag mas nakita nila na ang dating sira at maruming look ay ngayon isa nang lugar ng kagandahan at kalinisan. Ang proyektong ito ay nagpapahayag na sa lahat ng pagpapaganda ay mayroong mga negatibong epekto na nakapalibot dito. Hindi lamang sa kalusugan ng mga tao kundi pati na rin sa kaligtasan ng buhay malapit sa dalampa sigan at sa nabuong ecosystem dito. Ayon kay Gloria Estenzia Ramos, Executive Director ng Marine Conservation sa NGO Oceana Philippines, mas makabubuti sana kung ang pondong ginamit para sa tinaguriang white sand ay inilaan para sa kaligtasan at pangangailangan ng mga tao sa gitna ng kinakaharap na pandemya.

Sa pagdaan ng ilang mga bagyo, ang buhangin sa look ay unti-unting bumabalik sa dati nitong kulay. Ipinag tanggol ito ng DENR na nagsasabing hindi ito naagnas ngunit ang kulay abo na bato at buhangin ay naitambak lamang ng mga alon sa ibabaw ng dolomite sand. Inulan ito ng pagpuna at mga nakakatawang tweets at posts tungkol sa pag-agnas ng dolomite sa dalampasigan ng Manila Bay. Kung kaya napapatanong ang lahat kung hanggang dulo nga ba ang dolomite.

Darating na Hinaharap ni: Zyronne Giltendez

Sabik na sabik kong hinintay ang aking ama sa pag-asang siya ay may dalang ulam para mamaya. Sa pagdating niya, agad-agad kong binuksan ang dala-dala niyangbagngunitwalaakong nakita. “Mahina ang biyahe ngayon, pagpasensyahan niyo muna ang tatay.” malungkot na sambit niya. Napakahirap ng buhay ngayon sa hinaharap nating pandemya. Tayo ngayon ay nasa isang pandaigdigang krisis at sapilitan nitong binabago ang paraan ng ating pamumuhay. Ang takot at pangamba ay unti-unting namumuo sa pagdaan ng mga araw. Ang Layag

Normal lamang na makaramdam tayo ng takot at pangamba sa gitna ng pandemyang ito. Hindi natin alam kung kailan ito matatapos. Noong Marso, simula ng krisis na ito sa ating bansa, kuru-kurong tayo ay manunumbalik sa normal sa kalagitnaan ng taon. Simula nung itaas ang ideya ng tinatawag nating lockdown, tumatak na ating isipan ang hirap ng pamumuhay na ang lahat ay nakahinto. Habang nagtagal, iba’t ibang lungsod sa bansa ay sumailalim sa general, enhanced, at modified quarantine na naglilinaw na

ang pandemyang ito ay malayo pa sa tapos. Mahirap tawagin ang krisis na ito bilang tapos dahil habang lumilipas ang oras bagong sakuna o bagong problema naman ang maaari nating harapin. Ang iba’t ibang prediksyon o haka-haka tungkol dito ay nagdulot lamang ng mas mabigat na pangamba sa mga tao. Sa kabila ng takot at pangamba na nararamdaman sa krisis na ito, ang mga paaralan ay nakagawa ng paraan upang maipagpatuloy ng mga kabataan ang kanikanilang mga pag-aaral. Ang online distance learning ay isa sa mga paraan kung saan ang mga klase ay magaganap sa Zoom, Google Meet at sa iba pang mga plataporma. Sa kabila ng hirap at kalungkutan sa

ganitong paraan ng pagaaral, hindi imposibleng makaranas ng pisikal at mental na karamdaman ang mga estudyante. Ayon sa Department of Health (DOH), magkakaroon ng matataasnapakiramdamng pagkahiwalay dulot ng kulang sa interaksyong pisikal o face-to-face classes. Sa isang Gallup poll, 45% ng mga magulang ang nagsabi na ang pagkahiwalay ng mga bata sa kanilang mga kaibigan, kaklase, at guro ay isa sa mga magulang ang nagsabi na ang pagkahiwalay ng mga bata sa kanilang mga kaibigan, kaklase, at guro ay isa sa mga pangunahing problema sa gitna ng paraang ito. Mas nakakapagod ang ganitong paraan dahil sa wala kang makakasama na tutulong sa iyo at gagawin mo Mula sa: Google

Tomo 18, Bilang 01


15

AG AGHAM AT HAM TEKNOLOHIYA ang lahat ng gawain ng mag-isa kung kaya’t nahihirapan ang mga bata. Inirerekomenda ng American Optometric Association ang 20-2020 rule na kung saan pagkatapos ng 20 minuto na pagtutok sa screen, tumingin sa isang bagay ng 20 segundo mula sa 20 talampakang distansya. Sa ganitong paraan, ang mga klase ay dapat may screen breaks pagkatapos ng isang period. Hindi lang online learning ang paraan ng klase na ipinahayag ng Department of Education (DepEd), mayroon ding tinatawag na modular learning. Ayon kay Education Undersecretary

Diosdado San Antonio, 13 milyong pampublikong paaralan na mayroong 22 milyong enrollees ang gagamit ng nakalimbag na modyul. Mula naman kay Senator Ralph Recto, isang ekonomista, mahigit kumulang 93.6 bilyong pahina ang magagamit para sa modyul ng milyongmilyong estudyante sa pampublikong paaralan. Ang bansa natin ngayon ay kasalukuyang pinapalakas ang lagay ng agham at teknolohiya upang kahit papaano ay makahanap ng solusyon para sa krisis. Ayon kay Dela Pena, sekretarya ng Department of Science and Technology

(DOST), ang kaugnayan ng agham at teknolohiya sa tugon sa pandemya ay kinakailangan ng gobyerno at sila ay handang mamuhunan dito. Ang Pilipinas ay nahilera bilang ika-73 mula sa 128 na ekonomiya sa mga tuntunin ng Science and Technology and Innovation (STI) index, na nagbabanggit sa kakayahan ng bansa sa pananaliksik at gawaing pangkalakalan. Sa mga pananaliksik na ating nagawa dito sa bansa, halos ay nakatutok sa natural na halaman na magagamit ng lahat. Kasama na dito ang Lagundi (Vitex negundo) na ang pagiging epektibo

@anglayaglasalle @anglayagusls

nito bilang isang lunas ay hinahamon ng mga manggagawa ng gamot. Mula sa pagpapalawak at pagpapatuloy ng edukasyon at trabaho sa gitna ng pandemyang ito hanggang sa pagpapalakas at pagtaguyod sa agham at teknolohiya, ligtas sabihin na ang ating bansa ay pilit na nagsisikap upang maiahon tayo sa pandemyang ito. Ganito ang magiging lagay ng ating bansa sa darating na mga buwan o kung hanggang kailan matatapos ang krisis na ito. Kung kaya’t masasabi natin na parating na ang ating hinaharap. Mula sa: Google

Ang Paghilom ni Inang Kalikasan ni: Dianelle Varrera

Sa mga nagdaang panahon, nawalan na tayo ng pag-asa na maaayos pa natin ang mundo. Untiunting namamatay na ang mga hayop na natitira at nasisira na ang kalikasan pero dahil sa nangyayari ngayon, humihilom ang sugat ng ating Ina. Noong Marso, nagsimula ang tinatawag na quarantine. Quarantine ang tawag sa kung saan hindi pwede lumabas ang mga 21 taong gulang pababa dahil sa pandemya. Ang pandemyang sanhi ng COVID-19 ay kung tawaging isang milagro para sa ating kalikasan. Ang Layag

Ayon sa artikulo na nagmula sa sciencedirect, ang COVID-19 ay maaring tawaging “A blessing in disguise.” Bumaba ng 30% ang polusyon gayundin ang bahagdan ng greenhouse gases (GHSs) emissions. Ang pinakamalaking kontribusyon dito ay ang paggamit ng mga sasakyan. Nang naging madalang ang paggamit ng mga sasakyan ay nabawasan ang polusyon sa iba’t ibang bansa. Ito na ang isa sa mga pagbabago na nangyayari sa ating mundo. Ang pandemyang ito ang kauna-unahang pang-

yayari na baka sakaling makapagbago sa mga gawain ng mga tao upang mas pahalagahan natin ang kagandahan ng ating tinitirhan. Napakarami nang hayop ang naapektuhan dahil sa mga gawain ng tao. Isa sa mga balitang napapanahon na nagmula sa isang environmentalist ay ang pagkamatay ng huling tamaraw sa Pilipinas. Hindi man ito kaayaaya sa mga tao dahil

nalimitahan ang kanilang paglabas pero ito lang ang isa sa mga solusyon upang ating mapagtanto na kailangan nating magbago para sa ating kalikasan at ito ay isa sa mga paraan upang masigurong ligtas ang mga tao. Polusyon ang pinakamalaking problema kapag kalikasan ang pinag-uusapan. Akalain mo bang mahigit pitong milyong buhay ang namamatay bawat taon dahil

Mula sa: Google Tomo 18, Bilang 01


16

AG AGHAM AT HAM TEKNOLOHIYA dito? Ito ay base sa World Health Organization (WHO). Napakaraming nagawa ng mga tao kahit nasa bahay lang tayo. Isa sa mga ito ang paglaganap ng mga “plantito at plantita”. Marami na ang naaliw sa pagkolekta at pag-aalaga ng iba’t ibang halaman. Napakalaking tulong na ito sa ating kalikasan at

siguradong matutuwa na ang ating Ina. Ayon sa isang artikulo na mula sa BBC, kapag mas matatagalan ang pandemyang ito, malaki ang pag-asa na mabawasan ang polusyon sa buong mundo na baka sakaling lubos na makapagpagaling sa ating kalikasan. Kagaya ng mga tao, ang paghilom ay hindi nangyayari sa ilang

Alam Niyo Ba?

segundo lamang. Ito ay isang proseso sa mahabang panahon. Ganito rin ang ating kalikasan. Aabot pa ng ilang taon bago bumalik ang kagandahan ng ating mundo. Marami nga ang nagsasabi na ang pandemyang ito ay paraan ng Diyos upang makapagpahinga ang ating Ina mula sa mga masasamang gawain natin.

@anglayaglasalle @anglayagusls

Maraming buhay ang nawala dahil sa COVID-19 pero maraming buhay ang maililigtas kung samasama tayong gagawa ng pagbabago para sa mundo ngayon. Hindi pa huli ang lahat, binigyan na tayo ng Diyos ng isa pang pagkakataon. Huwag natin itong sayangin at magsimula nang ingatan ang ating kalikasan.

3. Pwedeng magkalat ang mga taong walang sintomas ng COVID-19 .

1. Ang SARS-CoV-2 ay kumakapit ng mahigpit 4. Ang COVID-19 virus ay pwedeng makatira sa sa mga selyula ng tao. mga gamit ng ilang araw. 5. Posible na mahawa tayo ulit ng COVID-19. Sanggunian: Health Grades Mula sa: Google

2. Mas malubha ang nararamdaman ng mga sanggol dahil sa coronavirus.

Mula sa: Google Ang Layag

Tomo 18, Bilang 01


17

PANITI PANITIKAN KAN

@anglayaglasalle @anglayagusls

Pag-asa ni: Kristen Shane Morales

“Bumoto kayo para sa akin! Magbibigay ako ng libreng pagkain araw-araw!” Sumigaw ang karamihan nang kumampanya si Leon. “Huwag kayong makinig sa kanya! Sa akin kayo bumoto!” Biglang sumigaw si Unggoy. Guhit ni: Paul Estrope

Tunay na Kaibigan

“Huwag kayong makinig sa kanilang dalawa! Bumoto kayo sa akin, para makatulong ako sa mga may kulang sa pangunahing pangangailangan! Magbibigay din agad ako ng solusyon sa kasalukuyang pagkasira ng mga tirahan ng iba!” lumaban si Ibon.

ni: Ariana Sofia Lim

Sa bawat sandaling ‘di ko kayo nakikita Kayo’y aking hinahanap-hanap Sa bawat patak ng oras na ‘di kayo kasama Ako’y patuloy na nangungulila sa inyo Natutunan ko ngayong pandemya Na dapat kayo’y aking pahalagahan. Hindi ko kailanmang akalain Na hindi na tayo magkikita nang ilang buwan Sa kuwento at tawanang ating pinagsaluhan Halos hindi na mapahiwalay sa isa’t isa O aking mga kaibigan Kailan kaya ulit tayo magkikita Magkaramay sa lahat ng pagsubok at problema Handa akong dumamay sa inyo Labis akong nagpapasalamat sa Maykapal Dahil ako’y biniyayaan ng isang tunay na mga kaibigan

Biglang tumahimik ang lahat. Mga bulung-bulungan lamang ang naririnig sa kanila. Nanginginig si Ibon dahil sa takot, lalo na nang lumapit sa kanya ang kanyang kinakalaban. “Anong ginagawa mo? Hindi ka dapat naririto!” Sigaw sa kanya ni Leon. “Oo! May kakayahan ka bang gumawa ng kahit ano? Ibon ka lang naman!” sigaw din sa kanya ni Unggoy. Tahimik lang ang ibon. Pinagmasdan niya lang ang dalawa pati na rin ang natitirang mga hayop. Hindi siya lumaban. Bumalik lang siya sa kinauupuan niya at nagkunwaring walang nangyari. Makalipas ang ilang sandali, nagsimula ang pagboto. Silang tatlo ay magkatabing nakaupo, sabik na hinihintay ang mga resulta. Parehong nakatingin sa kanya sina Unggoy at Leon, ngunit yumuko lamang siya at pumikit, umaasa na siya ay mananalo. “Mayroon na kaming mga resulta.”, anunsyo ng komite. Sumigaw ang lahat dahil sa kaba. “... Nanalo si Leon!” Lahat ay nagdiwang para sa kanya. Kinaway niya ang kanyang kamay at nagpasalamat sa mga bumoto sa kanya. Habang ang lahat ay nagdiriwang para sa tagumpay ni Leon, ang maliit na si Ibon ay lumabas sa entablado at bumalik na lamang sa kanyang tahanan.

Mula sa: Google

Ang Layag

“Ako ang pag-asa ng lugar na ito. Mayroon akong mga plano para sa ikabubuti ng lahat, ngunit pinili nila ang may walang kakayahan. Isang hindi tunay na pinuno. Isang hindi makatutulong sa kanila. Siya ang sisira sa kapakanan ng lahat...” Tomo 18, Bilang 01


18

PANITI PANITIKAN KAN

@anglayaglasalle @anglayagusls

Disgrasya sa Dagat ni: Ma. Liana Jeanber Eriso

Mula sa: Pinterest

Ang trahedya ay kusang dumarating nang hindi nagpapa-alam kaya ang mahalaga ay dapat maging handa tayo palagi. Isang magandang pamamasyal noon ang naranasan ng pamilya ni Mang Berto. Selebrasyon kasi ng kapistahan sa kanilang lungsod. Magtatanghali nang natapos ang kanilang pamamasyal. Masaya sila noon dahil minsan lamang sila makapunta ng bayan. Marami silang mga nabili - mga damit, pagkain at laruan. Matapos ang masayang pamamasyal ay napasyahan na nilang umuwi. Halos maubos na rin kasi ang pera nila sa pamimili. Pumpboat lang ang maaring masakyan pabalik sa kanila. Sumakay ng pumpboat ang buong pamilya, si Mang Berto,

kanyang asawa at mga anak at ilan pang mga nakasakay rito. May mga matantanda at bata rin na sumakay doon. Maliit na pulgada na lang at papasok na rin ang tubig dagat sa kanilang pumpboat. “Huwag kayong malikot at maging kargado. Makakarating tayo sa atin nang matiwasay basta wala lamang maglilikot sa inyo. Tahimik naman ang dagat ngayon at maaliwalas ang panahon” ang sabi ng kapitan. Bago umalis ay tumahimik din ang mga maiingay na pasahero. Sa kanilang pagbibyahe ay nagdasal ang mga matatanda para sa tahimik at mabuting paglalakbay. Subalit sa ‘di inaasahang pangyayari, makalipas ang ilang minuto ng paglalakbay at sila ay nasa malalim na parte ng karagatan ay may nasalubong silang isang maliit na pumpboat. Hindi ito napansin ng kapitan dahil may nakatabon na payong sa kanya at sa kasamaang palad ay bumangga ang maliit na pumpboat na minamaneho ng isang lasing sa kanilang sasakyan. At ganoon nga ay lumubog ang dalawang bangka. Ilang sandali pa ay dumating ang ibang bangka para sagipin ang mga nadisgrasya. Subalit dahil mga bata at matatanda ang karamihang pasahero ay hindi na nila naabutan ang mga ito. Marami ang nasawi sa trahedyang iyon. Kabilang ang lahat na miyembro sa pamilya ni Mang Berto. Wala siyang ni isang nasagip sa pamilya. Kinasuhan ng gobyerno ang kapitan ng bangka dahil sa pagkakarga ng higit na pasahero at ang lasing na lalaki dahil sa pagmamaneho nito nang lasing. Tumayo namang saksi si Mang Berto sa mga pangyayari. Nais kasi niyang mabigyan ng hustisya ang pagkawala ng mga mahal niya sa buhay. Malungkot na malungkot si Mang Berto dahil sa Ang Layag

Tomo 18, Bilang 01


PANITI PANITIKAN KAN

Alamat ng Ampalaya ni: Gleanah De Asis

Noong unang panahon, may isang babaeng ipinanganak na kulubot ang balat. Siya ay si Alaya. Palagi siyang inaapi dahil sa kakaibang lagay ng balat niya kaya siya ay naging sobrang mapait sa buhay. Dahil sa pagiging mapait niya, lahat ng mga taong nakikita o nakakasalamuha niyang may magandang balat ay sinusungitan niya. Minsan ay may mga komento pa siya gaya ng “Hindi rin tatagal ang kaniyang magandang balat, kukulubot din iyan kapag tumanda na siya.” Isang araw, nakita ng nanay niyang si Aling Doris kung paano niya pakitunguhan ang mga taong may magagandang balat. Pinagsabihan niya ito na huwag gawin iyon dahil masama iyon.

19

@anglayaglasalle @anglayagusls

umaapi sa akin, ganoon din pala kayo? Tapos na ang pagkakaibigan natin.” galit niyang sabi. Pagkatapos niya silang komprontahin ay umuwi siyang galit na galit. Hinayaan niya na lang sila at sinabi sa sarili na hindi niya kailangan ng mga kaibigan. Kinabukasan, nawala si Alaya at may nakitang halaman ang kaniyang ina sa kanilang bakuran. Kulubot ang balat nito. Kinain ito ni Aling Doris ngunit mapait ito. Inisip niyang maihahalintulad ito sa anak niya kaya’t tinawag niya itong “Alaya”. Ngayon ay tinatawag na itong ampalaya.

Panahon ng Pandemya ni: Juliana Rein Villavert

“Kahit ganiyan ang balat mo, ang importante ay mabuti kang tao.” sabi ni Aling Doris. “Kasalanan mo kung bakit naging ganito ang balat ko. Huwag ka nang magtaka kung bakit ganito ang paguugali ko.” sagot ni Alaya. Nasaktan ang kanyang ina sa sinabi niya kaya’t tahimik nalang itong umalis. Pagkatapos siyang pangaralan ng kanyang ina, binalewala niya lang lahat ng pangaral ng nanay niya. Ito ay dahil hindi niya pa rin matanggap na ganoon ang lagay ng balat niya. Pagkalipas ng ilang araw, nakita niya ang dalawa niyang kaibigan na masayang nagtatawanan. Iba ang pagkakaintindi niya sa pagtawa nila. Iniisip niyang siya ang pinagtatawanan nila dahil sa balat niya. Dahil hindi siya mapalagay, kinompronta niya sila. “Ako ba ang pinagtatawanan niyo? Pinagtatawanan niyo ba ako dahil sa balat ko?” sabi ni Alaya. “Hindi ikaw ang pinagtatawanan namin, Alaya. May nakita lang kaming nakakatawa.” sagot ng isa sa mga kaibigan niya. “Sa tingin niyo maniniwala ako sa inyo? Alam kong ako ang pinagtatawanan niyo. Akala ko iba kayo sa mga Ang Layag

Mula sa: Google

Kay bilis ng pagkalat ng pandemya Nagmistulang natulala ang bawat isa Sa bawat araw na lumilipas Mga ngiti’y unti-unting kumukupas Maraming mga kababayan ang nawalan ng trabaho Umiiyak sa pag-asang naglaho COVID cases, patuloy ang pagtaas ng numero Mga frontliners patuloy na nagsilbi at nagsakripisyo . Face masks ay isuot para sa kaligtasan Pero pag-ingat minsa’y ‘di pinapahalagahan Kay bilis ng patak ng oras Buhay ng mga tao’y hindi mailigtas. Walang nararamdaman kundi pangamba Limitadong kilos sa panahon ng pandemya. Patuloy na tinatanaw ang liwanag Sa kabila ng paghihirap at bagabag. Tomo 18, Bilang 01


20

PANITI PANITIKAN KAN

@anglayaglasalle @anglayagusls

Mula sa: Kit8

Sukdulan ni: Alexa Therese Chua

Napakarami ko nang narinig na payo, nabasang mga libro at artikulo gayundin ay nakapanood na rin ako ng mga palabas tungkol sa pagkakaroon ng masayang buhay na tila napapalibutan ng salamangka. Ngunit sa aking paglaki, napagtanto kong hindi pala ganoon kadali ang mabuhay sa mundong ito. Mayroong tatlong bagay na hindi maiiwasan sa buhay at ito ang pagmamahal, pighati, at kamatayan. Dito ko masasabi na ang buhay ay hindi isang nobela na tulad nating kayang isulat sa papel at bigyan ng wakas ayon sa ating kagustuhan. Una, ang pagmamahal ay nandiyan na bago pa tayo lahat ipanganak. Nakaukit na ito sa Bibliya at natural na natin itong gawain at nararamdaman. Mula pa man sa unang tao sa daigdig hanggang sa pag-usbong ng mga makabagong henerasyon ay lahat ng ito’y gawa sa pagmamahal ng Diyos at ng mga magulang. Bawat isa ay mayroon ding kanyakanyang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal o tinatawag na love language. Sinasabing mayroong limang love language: Words of Affirmation, Acts of Service, Receiving Gifts, Quality Time, and Physical Touch. Sa pagpapakita ng pagliyag ay mas umaalsa ang damdamin ng tao at sabi nga nila “mas nagiging makulay ang mundo”. Noong 2000s ay nauso rin dito sa Pilipinas ang mga pick-up line o ang mga maiikling hirit na nakakatawa at nakakamandag na sinasambit ng isang tao para sa kanyang hinahangaan o minamahal upang mas makapagbigay-kilig o umakyat ng ligaw. Naging tampok noon ang batuhan ng pick-up lines sa mga pelikula at social media. Pero sa totoo, mapa pick-up line man o love language, hindi talaga maiiwasan ang pagmamahal dahil dumarating ito sa mga ‘di inaasahang pagkakataon kasama ang ‘di inaasahang tao. Sabi nga nila tatamaan kapag tinamaan ka at wala nang daan palabas. Ito’y nagiging sukatan ng pagiging totoo at katapangan ng tao hinggil sa kanilang tunay na nararamdaman. Kung may pagmamahal, hindi maiiwasan ang sakit at pighati na dulot nito. Kaya nga napauso rin ang mga hugot na linyahan ng mga “hugotero at hugotera”. Minsan mayroon talagang mga bagay na hindi umuubra at kailangang isuko. Kapag nakakapagod na at wala nang saysay ang namamagitan sa inyo. Ngunit, ang sakit at pighati ay Ang Layag

Tomo 18, Bilang 01


PANITI PANITIKAN KAN

21

@anglayaglasalle @anglayagusls

hindi lamang dulot ng sobrang pagmamahal. Problema sa sarili at sa kapwa rin ang pwedeng magdala nito. Maaring masaktan tayo sa maling pagtrato sa atin ng iba, baka dahil sa problema sa pamilya, minsan dahil na rin sa kataksilan ng mga taong lubos nating pinagkatiwalaan. Kapag nga may saya, may sakit na kasama. Gustuhin man natin ang manatiling masaya habang-buhay ay hindi ito maaari sapagkat dapat makaranas tayo ng mga masasakit na pagkakataon para matuto sa ating mga pagkakamali, punan ang ating mga pagkukulang at harapin ang mga nagdudulot ng kirot sa ating mga dibdib. Pero sa tingin ko na kapag mas tinatakbuhan pa natin ang sakit, mas lumalalim pa ang dala nitong sugat. Parang isang maliit na piraso ng basag na salamin na naiwan sa talampakan na kapag iniwanan lang o hindi pinansin ay maaring lakihan nito ang sugat at mas mahirap nang tanggalin. Huli, ang pinakamasakit para sa akin – kamatayan. Lahat ng bagay ay may katapusan dahil hindi lahat nandiyan pang habambuhay. Maaring magtagal lang, ngunit darating ang araw na kailangan na nilang magpahinga. Ultimo bulaklak na kayganda ay may hantungan. Kahit rolyo ng sinulid, may katapusan. Hindi maiiwasan ang kamatayan lalo na’t kapag oras na talaga. Wala tayong karapatan na pigilan o madaliin ang kamatayan. Minsan napaghahandaan pa, kadalasan ay biglaan na lang. Sa totoo lang ay hindi ako takot sa sarili kong kamatayan, mas takot ako kapag dumating na ang oras ng pagkamatay ng mga mahal ko sa buhay. Ngunit dapat ko rin yatang isipin na hindi ko na hawak ang kapalaran o ang buhay ninuman at tanggapin ang oras na inilaan at ibinigay sa akin upang makasama ang mga mahahalagang tao sa aking buhay. Bakit ko nga ba isinulat ang sanaysay na ito? Siguro ay dahil kailangan ko na ring harapin ang mga ito. Ako ang tipong mahilig takbuhan ang mga masasakit na kaganapan at sa pamamagitan ng sanaysay na ito ay mapag-isipan ko nang mabuti ang kahalagahan ng pagtanggap at pagiging matapang. Tulad ko, nasaksihan na rin ng marami ang pagmamahal, sakit at kamatayan. Napakagandang bagay ang magmahal at napakasaklap ang makaranas ng sakit at makasaksi ng kamatayan. Maiituturing ang tatlong bagay na ito bilang mga sukdulan. Mula sa pinakagusto maransan hanggang sa pinakamumuhian at gustong talikuran. Isipin na lang natin na ito’y mga pagsubok at parte ng buhay kaya nga hindi talaga maiiwasan ang mga ito. Sa huli, magiging parte pa rin ito ng ating karanasan – ang mga matamis at mapapait na aspeto ng buhay.

Mula sa: Google

Ang Layag

Tomo 18, Bilang 01


PANITI PANITIKAN KAN

22

@anglayaglasalle @anglayagusls

Kumurap Ni: Jelane Shaira Sorallo

Mula sa: Google

Haraya ni: Ashley Irish P. Britania

Biyernes, alas nuwebe ng gabi. “Paalam Ana, sa uulitin!” Ang sambit ni Daria sa kanyang kaibigan. Sa sobrang pagod sa kalalaro, nang siya’y dumating sa bahay ay agad siyang dumeretso sa kanyang kwarto at nakaidlip nang mahimbing na tila walang malay. Alas sais ng umaga; biglang napukaw si Daria at napawi ang lahat ng antok at pagod niya. Nagulantang siya pagbukas ng pintuan, nasilayan ang amang kumakain sa hapagkainan, kitang-kita ang bahid ng katamlayan at pighati sa kanya. “Magandang umaga po, Itay. Wala po ba si Inay?” wika ni Daria. Tahimik at sulyap lang ang naging tugon ng kanyang ama. “Ok lang po ba kayo? Masama ba yung pakiramdam niyo?” tanong ni Daria nang may pag-aalala, ngunit walang anumang sagot na narinig sa ama. Mamaya pa ay... “Daria,” mumunting tinig ang nabigkas ng kanyang ama at sabay siyang may naramdamang malamig na yakap. “Paalam, anak.”

Tumakbo si Suhyun sa isang madilim na kalsada habang siya’y hinahabol ng dalawang malalaking pusa. Itim ang kanilang balahibo, at nakalabas ang kanilang matatalim na mga pangil. Sa liksi ng kakatakbo ni Suhyun ay nadapa siya sa isang bato. Malaking sugat ang natamo ni Suhyun sa kanyang binti kaya hindi siya agad-agad na nakabangon upang tumakbo. Sa huling segundo na siya’y kakainin ng mga pusa ay sumigaw siya ng napakalakas. Ginising siya ng ina, na siyang nabagabag sa sigaw ng natutulog na anak; panaginip lamang pala iyon, inisip niya. Lumabas sila sa kwarto at tumungo sa hapag-kainan upang kumain ng agahan at mapakalma ni Suhyun ang sarili. Inangat niya ang kutsara ng kanin sa bibig at nang siya’y tumingin sa telebisyon ay nalaglag ito sa kanyang pagkagulat. Saksi siya sa eksena kung saan siya tinugis ng mga pusa. Naramdaman niyang lumuluha ang kanyang mga mata, at sa papalapit na mga pusa sa telebisyon ay muli siyang napasigaw. Namulat siya muli, at nakita niyang nasa loob siya ng kanyang silid-aralan. Sinabihan siya kaagad ni Jaehyuk, ang kanyang kaklase, na ipasa na ang kanyang papel. Gulat na gulat pa rin si Suhyun sa pag-aakalang totoo ang lahat na nangyari, at pagtingin niya sa kanyang papel ay kumuha lang pala sila ng eksaminasyon tungkol sa mga hayop.

“Anak, tanghali na. Gising!” pukaw ng ina ni Daria. Dinilat ng dalaga ang kanyang mga mata at siya’y nagulat. Tsaka niyang napagtanto na imahinasyon niya lang pala iyon. Panaginip lang ang lahat. Nagparamdam ang kanyang ama. Nobyembre Uno, Araw ng mga Mahal nating namayapa na. “Wala na pala si Itay.” Dagling bumangon si Daria at nag-ayos para makapunta sa sementeryo nang maaga. Parang kailan lang, nandito pa si Itay. Ngayon ay nasa piling na siya ng Maykapal. “Mahal ko kayo, Itay.” Ang Layag

Mula sa: Google Tomo 18, Bilang 01


PANITI PANITIKAN KAN

23

@anglayaglasalle @anglayagusls

Mula sa: Google

Ang Boses ng San Andres ni: Jeri Mae Therese L. Espinosa

Mula sa: Google

Mga plastik na nakalutang sa putik, mga sanga ng kahoy na kumakalat sa paligid, wasak na mga bahay na halos wala nang bubong, tila nagmistulang dagat ang paligid. Ito ang bangungot na hindi malilimutan ng buong baryo ng San Andres. “Ano ang pangarap mo sa buhay?”, habang abalang-abala ang mga residente ng San Andres sa pag-iimpake ng kanilang mga gamit sa bahay kabilang na ang aking pamilya, ako naman ay nakatulala sa tanong ito na nakalagay sa aking modyul. Ilang buwan na ang nakalipas bago idineklara ng paaralan ang pagkansela ng klase dahil sa pandemya. Ilang buwan ko na ring ‘di nakikita ang aking mga kaibigan at kaklase. Mahirap lamang kami ngunit kahit papaano, ginagawa ko ang aking makakaya upang maiahon ang aming pamilya balang araw. Ilang minuto na ang nakalipas ngunit hindi ko pa masasagot ang tanong na ito. “Ano ang pangarap ko? Ano nga ba?”, paulit-ulit kong tinanong ang aking sarili hangga’t sa tinawag na ako ni nanay. “Don! Anak! Mamaya muna ‘yan at sumama ka na dito sa aming magtanghalian”. “Opo, Nay! Sandali lamang po,” sagot ko sa kanya sabay sara ng modyul at tayo papalabas sa kwarto. Ako na lang pala ang hinihintay nila. “O sya, umupo ka na rito at magdadasal na tayo. Ningning, anak, ikaw muna yung mamuno ng dasal,” sabi ni inay sabay ipinasa ang plato sa akin. Pagkatapos naming magdasal, taimtim kaming kumain at ang radyo lamang ang tanging nagsasalita sa buong bahay. “…Mahigpit na nagpapaalala ang awtoridad sa mga naninirahan malapit sa ilog na maging alerto sapagkat maaari itong umapaw anumang oras.” “Mga anak, ‘wag kayong mag-alala dahil lilikas din tayo bago pa man umapaw yung ilog malapit sa atin,” naniguradong sinabi ni nanay sa aming tatlo. Kinakasanayan na ng aming pamilya ang paghanda habang mayroong paparating na bagyo kahit hindi naman tumataas ang tubig sa baryo. “Nandito na si tatay!” sabay sigaw ng dalawa kong kapatid nang nakita nila si itay na lumalakad papunta sa aming bahay. Sabay kaming nagmano sa kaniya nang siya’y pumasok. “Pasensya na at kakarating ko lang. Hinihintay ko pa kasing maubos ang mga paninda kong kangkong ngunit kakaunti lang yung taong namimili sa tindahan ngayon. Siguro dahil pinahihigpitan nila yung social distancing sa bilihan. Kung sana hindi lang ako natanggal sa trabaho kamakailan…” Ang Layag

Tomo 18, Bilang 01


PANITI PANITIKAN KAN

24

@anglayaglasalle @anglayagusls

“Tay, ‘wag kang mag-alala dahil naiintindihan naman naming lahat ng mga anak mo sapagkat alam din namin kung gaano kahirap talaga ang sitwasyon ngayon,” biglang sabi ni nanay sa kay itay. “O, halina’t sumabay ka na sa aming mga anak mo at pagkatapos nito ay mag-iimpake pa tayo. Hindi natin alam kung kailan tatama yung bagyo dito.” dugtong na sinabi ni inay. Dapithapon nang nagsimula guminaw ang ihip ng hangin sa buong baryo. Ito’y lumakas nang lumakas habang untiunting naging maulap ang buong kalangitan. Pagkalipas ng ilang oras, biglang lumakas ang taghoy ng hangin at hampas ng ulan sa aming lugar. Tila ang matinding bagsak ng ulan at tunog ng mga bubong ang tanging nag-iingay sa buong baryo. Nagsitipon-tipon sina nanay at tatay sa hapag-kainan at nakinig sa radyo buong magdamag habang binantayan ko naman ang aking mga kapatid sa kwarto. Ilang oras ang lumipas at hindi ko namalayang pumikit na pala ang mga mata ko sa antok. “Bilisan ninyo! Magsilikas na kayo! Umaapaw na yung tubig sa ilog!” bigla akong nagising sa malakas na sigaw ng isang lalaki sa labas ng bahay. “Gising! Gising, mga anak! Pumasok na ang tubig sa ating bahay, kailangan na nating lumikas.” natatarantang sabi ni nanay sa amin. Tila ang malamig na tubig ang naramdaman ko nang aking nilagay ang aking mga paa sa sahig. “Nay? Saan po ba si tatay?” tanong ko sa kaniya. “Babalik lang yung tatay niyo. Sige na, halina kayo.” Niligpit namin ang mga dala at hinintay si tatay. Nang dumating siya, umalis kami kaagad ngunit hirap kaming kumilos sapagkat hanggang baywang na ang tubig. “Ningning, halika ka dito at bubuhatin kita,” sabi ko sa aking kapatid habang kami’y papalabas na ng bahay. Dahil sa bilis ng pag-angat ng tubig, pinatuloy muna kami ng kapitbahay namin sapagkat mahirap nang pumunta sa evacuation center. Walang humpay ang pagbugso ng ulan pagkalipas ng mga ilang araw at patuloy pa ring tumataas ang tubig. Lahat kami ay umakyat na sa may bubong ng bahay dahil sa patuloy na pag-angat ng tubig. Ang aking pagtataka lang ay bakit wala pa ring pumuntang awtoridad na sasagip sa amin? Naaawa na ako sa mga kapatid kong nanlamig. Maliit lamang ang baryo namin at hindi naman siya malayo sa paaralan kung saan yung evacuation center. Nawala na ang kuryente bandang alas dose ng umaga dahil naputol na ang mga poste malapit sa amin. “Tulong! Tulungan niyo kami!” “Nagmamakaawa po kami! Tulong po!” “Nandito po kami!” buong lakas na sumigaw ang mga tao sa baryo namin ngunit wala pa ring tulong ang dumating. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa paligid. Taghoy ng hangin, bagsak ng matinding ulan, pagnanangis ng mga tao sa paligid. Ito lamang ang aking naririnig at wala nang iba. Pinikit ko ang aking mga mata, nagbabaka-sakaling matapos na ang lahat. Bigla kongnaalala ang tanong sa modyul kamakailan lang. “Mabuhay,” ako’y napaisip. “Gusto kong mabuhay.”

Mula sa: Google Ang Layag

Tomo 18, Bilang 01


LIT RATO

LITRATO

25

@anglayaglasalle @anglayagusls

Tungkulin ng Isang Plantito o Plantita

Kuha ni Elysha Riandra L. Pinlac

Pangongolekta ng Tanim

Mayroon talagang mga tanim na mahirap hanapin o ‘di kaya’y bihira lamang. Kaya kapag nasa isip mo na ang pagiging isang plantito o plantita, magsimula nang maghanap ng mga ito dahil may mga halaga rin ang koleksyon ng mga halaman. Ang Layag

Tomo 18, Bilang 01


LIT RATO

26

LITRATO

Paalalahanan ang Sarili

@anglayaglasalle @anglayagusls

Kuha ni Elysha Riandra L. Pinlac

Parang mga alaga na rin dapat ang turing mo sa iyong mga halaman kaya huwag kalimutang diligan ang mga ito. Alagaan ang iyong mga pananim kagaya ng pag-alaga mo sa iyong sarili. Dapat may pagmamalasakit.

Kuha ni Elysha Riandra L. Pinlac

Benepisyo ng Halaman

Siyempre, dapat alamin na rin ang mga maidudulot ng mga tanim. Maraming maibibigay ang mga ito; bukod sa sariwang hangin at medisina, ito’y nagsisilbing pampakalma rin sa samu’t saring hamon na dala ng buhay. Ang Layag

Tomo 18, Bilang 01


LIT RATO

27

LITRATO

@anglayaglasalle @anglayagusls

‘Wag Nang Mabagot, Ating Puksain ang Poot Peliku-Libangan

Kuha ni Reiben Jay C. Denaga

Bawat salita’y nagmimistulang gunita sa isipan; gunita ng nakaraang matagal nang nalimutan. Kahit sinuma’y magagalak sa pagbabasa at pagiintindi nito.

Mapa komedya man o trahedya, misteryo o romansa, ang mahalaga’y lubos ang ligayang nararamdaman at siyang magsisilbing aral sa mga karanasan.

Harayang Sulat

Kuha ni Reiben Jay C. Denaga Ang Layag

Tomo 18, Bilang 01


LIT RATO

28

LITRATO

@anglayaglasalle @anglayagusls

Kalusuga’y Pangangalagaan

Sa mga oras na makaaalpas na sa rehas ng bahay ay maaaring igugol ang oras sa ehersisyo, lalo na’t iilang buwan na rin ang lumipas nang nakakulong ang bawat isa sa kwarto.

Tusok-Tusukan Na! Kuha ni Reiben Jay C. Denaga

Kwek-kwek, fishball, at tempura; ito ang mga lasa ng nakaraan, noong malayang lumalakad ang bawat isa. Huwag nang mabalisa sa pagbili nito, makatutulong pa naman ang pera sa mga nagluluto.

Sandaling Pagmuni-Muni

Kuha ni Reiben Jay C. Denaga

Tila huminto ang pag-ikot ng mundo dulot ng COVID-19. Ngayon ay ating pagnilaynilayan ang ating kapalaran, at baguhin ang pananaw sa sarili at sa relasyon ng pamilya’t kaibigan. Kuha ni Reiben Jay C. Denaga Ang Layag

Tomo 18, Bilang 01


29

PAMPA PAMPALAKASAN LAKASAN

@anglayaglasalle @anglayagusls

Virtual training ng varsity athletes, handog ng VSO ni: Lysander Tiu

Upang mapanatili ang kalusugan ng mga estudyanteng-atleta mula elementarya hanggang Senior High School sa gitna ng pandemya, pinagpatuloy ng Institutional Varsity Sports Office (IVSO) ang kanilang varsity sports program sa pamamagitan ng online na pagsasanay. Dahil sa matinding hamon na hinaharap ngayon, karamihan sa mga atleta at ang kanilang katumbas na isport ay maaring itinigil o ipinagpaliban. Gamit ng iba’t ibang daan ng komunikasyon kagaya ng

Zoom at Facebook Messenger Rooms, dinisenyo ng VSO ang pagkakaroon ng mga aktibidad na tutuon sa kaunlaran ng mga kakayahan sa pag-iisip at kaangkupan ng mga atleta. Ang nasabing virtual training ay sinalihan ng mga atleta mula sa larangan ng Basketbol, Footbol, Volleybol, Chess, Swimming, Athletics, Taekwando, Table Tennis, at Lawn Tennis. Sa gabay nina BeD Varsity Sports Coordinator, Binibining Jamica Arribas at MEM Director ng IVSO, Ginoong Joseph Christian Fernandez, nagsimula

ang pagsasanay sa isang oryentasyon noong ika-29 ng Oktubre kung saan tinalakay ang iskedyul at mga tagubilin. Ginaganap ang virtual training sa kada Lunes, Miyerkules, at Biyernes sa loob ng tatlong linggo pagkatapos ng oryentasyon. Karagdagang nagsagawa ng pagpupulong para sa bawat koponan na isport kasama ng tagapayo ng patnubay upang ihusay ang kaisahan ng mga atleta sa isa’t isa. Isinagawa rin ang mga Formation Activity sa pangunguna ng Guidance Services Center kung saan

nagkakaroon ng mga tagapagsalita tungkol sa mga topiko sa mabubuting dulot ng isports sa buhay ng mga estudyante. Nasanay rin ang mga coach sa bagong normal at sa bagong paraan ng pag tuturo sa pamamagitan ng sariling virtual na pagsasanay. Higit na inanyayahan ang lahat ng estudyantengatleta na makisali sa virtual na pagsasanay at mga aktibidad na isports sabaysabay na mag-aalaga rin ng sarili.

Ano ang mga isports na pwedeng gawin sa bahay? ni: Lysander Tiu

Habang sumisikat ang pandemya ngayong 2020, nagiging mahirap ang pag-aalaga sa sarili. Sa harap ng trahedya,

lubos na hinihikayat ang aktibong pamumuhay sa pamamagitan ng iba’t ibang isport. Ayon sa World Health

Virtual na isports

Karamihan ng mga tao ngayon ay pinagsasama ang teknolohiya sa sariling buhay, madalas dahil dumaragdag ito sa kaluwagan ng buhay. Ang isports ay hindi eksepsyon. Ang virtual na isports katulad ng pagbibisikleta ay mahusay na mga halimbawa. Ang ganitong klase ng isport ay nangngangailangan ng maliit na kasanayan at epektibo para sa mga tao sa lahat ng edad at kakayahan.

Ang Layag

Organization (WHO), inirerekomenda na hindi bababa sa 30 minuto ang pisikal na aktibidad arawaraw upang magkaroon ng

Kapangyarihan ng yoga

Kabila sa panahon ng teknolohiya, ang yoga ay isang maasahang paraan upang mapaunlad ang sariling kakayahan. Ang kagandahan ng yoga ay mahahanap sa kapangyarihan nito upang mapapayapa ang isipan at palakasin ang katatagan. Ito ang ganap na isport para sa mga taong kaunti lang ang oras at lugar. Marami ang bunga ng ganitong isport para sa katawan. Kahit ikaw man ay isang ‘couch potato’ o propesyonal na atleta, posible ang yoga para sa iyo.

malusog na katawan. Higit na inaasahan ang lahat na mag- ehersisyo upang maiwasan ang iba’t ibang sakit katulad ng lagnat at ubo.

Aliw ng larong baraha

Buhay sa loob ng bahay ngayon ay madalas mainip, umiikot sa magkaparehong mga karaniwang gawain. Sikat na larong pang stratehiya kagaya ng Pusoy Dos at Solitaire ay mabisang paraan upang magdulot ng pagbabago sa bahay. Ang mga larong ito ay nagpapanatili ng konsentrasyon at disiplina sa utak. Kahit sa simpleng isport kagaya nito, ang larong bahara ay epektibo upang magbalik ng aliw sa buhay. Sa kabila ng nanangyayari sa kapaligiran, inanyayahan ang lahat na magsubok ng iba’t ibang isport sabay-sabay manatiling maingat.

Tomo 18, Bilang 01


ANG LAYAG Ang opisyal na publikasyong Filipino ng University of Saint La SalleIntegrated School Akademikong Taon 2020-2021

Paglaganap ng E-sports sa Pandemya ni: Jed Cuadra Mula sa: DW.com

Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, marami sa atin ang napilitang manatili sa ating mga tahanan hanggang ligtas na muling lumabas. Kapag sa bahay lang tayo palagi, hindi maiwasan ang pagkainip kaya karamihan ngayon ay naghahanap ng libangan mula sa mga online games. Ngunit alam ba natin na ang mga paborito nating mga laro ay opisyal na palang paligsahan o isports? Siguradong hindi na bago sa atin ang salitang “e-sports”. Maaaring nakita na natin ito sa balita, narinig mula sa radyo o kaya natagpuan sa mga social media sites. Kahit marami ang hindi suportado rito, hindi rin natin maitatanggi ang pagsikat nito lalo na ngayong pandemya. Ang e-sports ay isang pinaikling salita na nagmula sa mas teknikal na terminong “elektronikong

Ang Layag

sports”. Ang e-sports ay ang mga paligsahan o kaganapan na pinamumunuan ng mga malalaking liga at isponsor kung saan nakikipaglaban ang mga propesyonal na manlalaro sa iba’t ibang mga mapagkumpitensyang video games. Unang ipinakilala ang industriya ng esports noong 2000’s at simula noon ay nagging patok na ito sa maraming kabataan. Maraming laro ang kasali sa esports at ang dalawang pinakamalaking genres nito ay ang FPS at MOBA. Ang first-personshooter o FPS ay ang mga larong nakapokus sa unang tauhang perspektibo o first person perspective

kung saang gumagamit ng ng kanilang base at ang mga sandata at armas para pagkuha ng mga layunin. makipaglaban sa ibang Patok ito para sa marami manlalaro. isa kada round. dahil mabilis lang ito at Ang mga halimbawa nito ay pwedeng laruin. Kadalasan, ang Crossfire, Counter Strike mayroong dalawang koponan at ang bago at patok na larong na humaharap sa isa’t Valorant. Ang Counter Strike: kasama ang maraming tao. Global Offensive ay ang may Ang mga halimbawa nito pinakamataas na naitalang ay ang League of Legends o viewership noong 2018 at LOL at ang paborito nating patuloy pa rin ito sa pagtaas Mobile Legends o ML. Dahil mapanganib ng popularidad. Ang mga sunod na genre ay ang MOBA ang paglalaro ng o ang Multiplayer Online pisikal na isports ngayo ng Battle Arena. Ito ay ang mga pandemya, unting-unti na laro na nangangailangan ng itong pinapalitan ng esports istratehiya at pagtutulungan at online games. Makikita ng mga kalaro. Ang tunguhin na rin natin ang malaking ng mga larong MOBA ay impluwensiya nito sa mga ang matalo ang kalaban sa kabataan. Aminin man natin pamamagitan ng pagwasak o hindi, nagiging libangan na natin ang pagpapanood at paglalaro ng mga ito. Sa huli, ang magagawa na lang natin ay ang tanggapin ang mga pagbabago na dulot ng teknolohiya at mag-abang sa kung ano pa ang paparating.

Tomo 18, Bilang 01


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.