Ang Layag Newsletter | Tomo 19 | Bilang 01

Page 1

Ang Opisyal na Publikasyong Filipino ng University of St. La Salle

Layag Ang

Tomo 19 Bilang 01

02

Balita

PIA Webinar 2021, dinaluhan ng mga estudyanteng mamahayag

05

Agosto - Disyembre 2021

Opinyon

ShiftED 2.0 Kinilala Bilang Bagong Sistema ng Paaralan

Halalan: Para sa Bayan o Para sa Sariling Kapakanan?

08

ukol sa iba’t ibang bahagi ng bagong sistema ng pag-aaral kagaya ng Vision-Mission, Level Officers, at Academic Clusters. Marami ang pinalitan at idinagdag sa mga posisyon sa paaralan na ipinakilala sa mga estudyante katulad nina Ms. Ana Mher Guanzon, ang bagong Disciplinary and Formation Officer o mas kilala na ngayon bilang SWaFO o Student Welfare and Formation Officer, si Ms. Leanne Marie Faicol, ang Student-Life Director, si Ms. Mary Grace Sison, ang bagong Integrated School Student Government Moderator, at si Brother Alex Diaz, FSC, ang bagong punong-guro. Sa kabilang banda, kinilala naman sa IS Academics sina Sir Ariel Gabiño, Academic Coordinator ng

asignaturang Filipino, at si Ms. Lynn Niñonuevo, Academic Coordinator ng Practical Arts. Para sa mga talaan ng mag-aaral, marami na rin ang inayos at binago, isa na dito ay ang oras ng klase na nagsisimula ng alas otso ng umaga (8:00 am) at natatapos na ngayon ng alas 12:45 ng hapon. Hindi man naging madali ang paggawa ng mga pagbabagong ito, isa pa rin ito sa mga paraan upang mapabuti ang sistema ng pagaaral ng mga estudyante sa Unibersidad. Sa pangkalahatan, ang ShiftEd 2.0 ay isang epektibong sistema sapagkat ito ay organisado at naplano ng mabuti ang bawat aspeto.

GIADA PADILLA

Unang kaso ng Omicron variant sa Bacolod City, Itinala

Nakumpirma ang mga pinakaunang kaso ng Omicron variant ng COVID-19 sa Bacolod City noong Enero 3, 2022. Isang 38 anyos na Overseas Filipino Worker na pauwi palang sana ng Bacolod ang nakitang positibo sa Omicron variant na itinuturing mas mabilis kumalat at nakakahawang variant ng COVID-19. Napag-alaman na ang OFW ay galing Miami Florida bago ito dumating sa Manila noong Disyembre

15, 2021 kung saan siya ay agad-agad na inilagay sa quarantine at sumailalim sa Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction o RT-PCR Test noong Disyembre 19 matapos makaramdam ng sintomas tulad ng pamamaga ng lalamunan, ubo,at trangkaso. Lumabas ang resulta matapos ang isang araw na siya ay positibo sa COVID-19. Pagkatapos ng kanyang quarantine, umuwi ito sa Bacolod City noong Disyembre 31 kung saan hindi

napagalaman na asymptomatic pa pala ang pasyente. Siya ay inilagay ulit sa quarantine, at paglipas ng isang araw ay lumabas sa kanyang genome sequencing na siya ay nagkaroon ng Omicron variant. Itiniyak ni Deputy for medical services of the Bacolod City Emergency Operations Center, Dr. Chris Sorongon sa publiko na ang pasyente ay hindi nakalabas sa hotel kung saan siya ay nakaquarantine. Bukod dito, sinabi ni

ASIA AGSAM Sa pagbukas ng ikalawang kabanata ng online class, sumalubong sa mga mag-aaral ng Unibersidad ng St. La Salle ang ShiftEd 2.0 na ipinatupad ng administrasyon noong Agosto 9, 2021 sa pagbukas nitong panibagong akademikong taon. Hindi naging madali noong nakaraang taon ang pasukan para sa karamihan dahil marami ang hindi pamilyar sa sistema ng edukasyon, ngunit sa pagdating nitong bagong akademikong taon, binago at pinagplanuhan ng maigi ang bawat aspeto. Nagkaroon ng oryentasyon sa simula ng klase at itinalakay dito ang mga bagong impormasyon

Lathalain Bagong Tagapangalaga ng Ang Layag

14

Agham at

Teknolohiya Balatkayo

23

Pampalakasan Laurel Hubbard, First Transgender sa Olympics

Mayor Evelio Leonardia sa isang panayam na pinapalakas nila ang border control sa lahat ng mga daungan sa gitna ng banta ng mas nakakahawang Omicron variant. Sapagkat hindi pa tapos ang pandemya at hindi pa nawawala ang pagdami ng kaso ng COVID-19, Ipinapaalala ng mga opisyal ang mga kababayan na mag-ingat tuwing lumalabas ng bahay at palaging suotin ang facemask para mabawasan ang pagkalat ng virus.


Balita Balita

Buwan ng Matematika at Agham Idiniwang

02

ARIANA LIM

Minarkahan noong Setyem-bre ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng St. La Salle ang taunang pagdiriwang ng Math at Science Celebration kung saan isinagawa ito sa virtual na pam-amaraan dahil sa pandemya. Gamit ang temang “Math, Science & Research: Tools to a Stable Community”, maram-ing mga aktibidad ang inilunsad ng Departamento ng Matematika at Agham na sinalihan ng mga estudyante. Una na dito ay ang webinar na Science Investigatory Project Talk para sa baitang 9 at 10 na iginanap noong ika-13 ng Setyembre 2021 kung saan ang mga tagapagsalita ay sina

Dr. Aris Larroder PhD at Mr. Mark Guanzon MAEd. Para naman sa baitang 7 at 8, iginanap ito noong Setyembre 17, 2021 at ang tagapagsalita ay si Ms. Glaizelle Leonoras MAEd. Isinagawa din ng Integrated School Student Government ang “Kamusta Ka Na Kalibutan” na isang programang usapan tungkol sa kapaligiran at pangangalaga ng dagat kung saan ay sina Ms. M. Ledesma, Mr. M. Dela Paz, Atty A. Gamboa ang mga tagapagsalita. May inihanda ring aktibidad na “MATHalinong PaSCIklaban” na isang quiz bee tungkol sa Agham at Matematika.

Kabilang sa mga nanalo sa patimpalak ay sina Alexan-der Uy 7A, Franz Geganto 8F, Ashton Austria 9C at Leon Be-sar 10A. Binati rin ang mga sumali na sina Caleb Melli-na 7A, Earn Toque 7F, Colin Doza 7C, Albert Pe ianco 8A, Rehianna Entac 8A, Ledger Desengaño 8C, Bernadette Deldig 9A, Jera Tangga-an 9A, Vince Adrias 9E, Juliana Vil-lavert 10A, John Bidan 10C, at Arkin Hermosura 10C. Isa na rin ang Search for Campus Journalist sa isinagawa noong Setyembre 17, 2021 kung saan ang mga nagwagi sa nasabing kagana-pan ay sina Adah Keira Gor-riceta 8E at Marceli Muse

PIA Webinar 2021 Dinaluhan ng mga Estudyanteng Mamahayag BEA BESA AT LYSANDER TIU

Nakilahok ang ilang mga miyembro ng pu likasyong Ang Layag at The Lasallian Crossroads sa PIA Journ Talk 2021 noong Oktubre 13-15 na ginanap sa zoom kung saan naging bahagi ang mga ma nunulat sa Campus Journal ism Webinar Series na ini handa ng Philippine Informa tion Agency para sa mga es tudyanteng mamahayag ng iba’t ibang paaralan. Nakasentro ang kaganapan sa temang “DEVCOM: Relevance in Campus Journalism During Pandemic Time” kung saan itinalakay ng mga tagapagsalita ang kahalagahan ng Development Communication sa dyornalismo sa panahon ng pandemya. May mga itinalagang kategorya ng pagsusulat sa bawat araw ng webinar series kung saan ay tinuruan ang mga mag-aaral ng tamang paraan ng pagsulat na sinamahan din ng mga aktibidad bilang pagsasanay. Nakatanggap ng Certificate of Participation sina Zyronne Giltendez, Lysander Tiu, Bea Besa, Margarette Inumerables, at Dianelle Varrera mula sa ika-10 na baitang,

sina Monique Angeline Judith, Frederick Obilio, at Atasha Gregorio mula sa ika-9 na baitang, at si Bb. Jheade Suclan bilang moderator, para sa publikasyong Ang Layag. Sina Leon Besar, Andrea Gallo, Janna Ledesma, Gianna Severino, Luisa Britanico, Maia Malacon, Sofia Blancia, at Sue Lara Esporma mula sa ika-10 na baitang, at si Lance Fernandez mula sa ika-9 na baitang naman ang nakatanggap ng kaparehong sertipiko para sa publikasyong The Lasallian Crossroads. Ipinagkaloob naman kina Bea Besa sa kategoryang Copyreading, Monique Angeline Judith sa kategoryang News Writing, Leon Besar sa kategoryang Broadcasting, at Luisa Britanico sa kategoryang Science and Technology Writing ang kanilang Certificate of Recognition bilang PIA Promising Writers sa nasabing kaganapan.

Naging patunay ang mga manunulat ng Ang Layag at The Lasallian Crossroads na ang pagsibol ng mga estudyanteng mamahayag ay hindi tumigil sa kabila ng mga matitinding hamon na kanilang hinaharap.Gamit ang mga aral na natutunan mula sa Webinar Series na inihanda ng PIA, in-aasahang ang mga manunulat ay mas magiging matibay at dalisay sa pagseserbisyo sa larangan ng dyornalismo.

Medel mula sa baitang 9, Adrian Mikhael Braganza 4A, at Eunica Ariadne Salvador 6A. Bukod dito, may mga inihanda ring mga Virtual Room Based Activities para sa iba pang mga mag-aaral. Maliban sa mga nabanggit na aktibidad, ang iba pang mga programa na inilunsad ng paaralan ay ang “Zoo Virtual Tour”, “Scinema” o mas kilalang Science Film Festival, at “Do You Know That” na mga trivia tungkol sa mga hayop, parte ng katawan at iba pa. Sa pangkalahatan, tiyak na naging matagumpay ang pagdiriwang dahil sa pagsisikap ng mga guro at aktibong partisipasyon ng mga mag-aaral.


Balita Balita

03

Buwan ng Wika 2021, Idinaos Maliban sa iba’t ibang m g a a k tibi-

Idinaos noong buwan ng Agosto ang Buwan ng Wika 2021 kung saan ang mga mag-aaral ng University of St. La Salle ay nakibahagi sa iba’t ibang mga aktibidad na inihanda ng Departamento ng Filipino. Sa pagdiwang ng Buwan ng Wika, inilahad ng Departamento ng Filipino sa mga estudyante ang Pandemikolastasan, isang programang naglalayong isabuhay, linangin, at pahalagahan ang Wikang

Filipino sa gitna ng modernisayon at krisis na kinakaharap sa kasalukuyan. Para sa programang ito, isang gawain ang itinalaga sa bawat baitang kung saan ay bibigyan ng pagkakataon ang lahat ng mga mag-aaral na makapagtanghal at makapagpakita ng kanilang kakayahan sa pagsasagawa ng mga gawaing itinakda. Ilan lamang sa mga aktibidad na ito ay ang pagtula, pag-awit, pagbugtong, at marami pang iba.

dad, n a g sagawa rin ang mga guro ng Departamento ng Filipino ng isang Tree-Planting Activity sa lungsod ng Silay, Negros Occidental bilang isa sa mga paraan ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Bukod dito, nagsuot rin ng mga kasuotang Filipino ang mga guro’t mag-aaral sa kani-kanilang mga klase bilang pagbibigay-pugay sa kulturang Filipino.

BEA BESA Sa pagdiwang ng Buwan ng Wika 2021, muling napaalala sa lahat ang kahalagahan at kagandahan

n g wikang Filipino. Masayang nakibahagi ang buong paaralan sa lahat ng mga aktibidad na inihanda para sa kanila at naging matagumpay ang pagdiriwang nito dahil sa aktibong partisipasyon ng mga mag-aaral at pati na rin sa pagsisikap ng mga guro sa Departamento ng Filipino.


Balita Balita

04

Baitang Pito at Sampu Nagbunyi sa Spirit Days ASIA AGSAM

Ipinakilala ng Integrated School Student Government ang kanilang bagong proyektong Spirit Days noong nakaraang Nobyembre 12, 2021 para sa baitang pito at sampu ng Unibersidad ng St. La Salle na pinamagatang Breaking Barriers: A New Generation, kung saan sa pamamagitan ng zoom ay nagkaroon ng bertwal na kaganapan ang mga mag-aaral upang maituloy ang naudlot na tradisyon ng Spirit Night. Idinaos ito ng dalawang araw noong Nobyembre 18 at 19, 2021 kung saan binigyan ng pagkakataong magkakilala at magsaya ang mga estudyante sa ikasampung baitang at ang kanilang mga little bro o little sis. Kasabay nito, nagkaroon ng mga palaro kagaya ng Bingo, Mask Making, Escape Room at Zoomustahan Group Pictures na sinamahan ng mga papremyo.

Ang mga kabilang sa ISSG kagaya ng mga Batch Officers, Executive Board at Moderator na si Ginang Grace Sison ang siya namang nagtulungan upang magkaroon ng maayos na daloy ang kaganapan. Naging oportunidad ito para sa mga estudyante upang patibayin ang samahan ng dalawang baitang sa kanilang una’t huling taon sa higschool, at naging daan din ito para sila’y makipag-ugnayan sa isa’t-isa sa kabila ng bagong online set-up. Hindi man madali ang mga hamon na dulot ng COVID-19, hindi pa rin ito naging dahilan upang mawalan ng pag-asa at hadlangan ang kaganapan. Sa simpleng gawain kagaya ng Spirit Days, nagkaroon ng masayang alaala, matibay na samahan, at mas nagkakilala pa ang bawat isa. Sa paraang ito, nawala ang kalungkutan at napunan ng kaligayahan ng mga estudyante.

Mga Lugar sa VisMin Sinalakay ng Bagyong Odette ZYRONNE GILTENDEZ

MULA SA THE SUMMIT EXPRESS

Sinalanta ng Typhoon Rai o mas kilala bilang Typhoon Odette ang ilang rehiyon sa Visayas at Mindanao noong Disyembre 16, 2021 kung saan ito ay nagdala ng malalakas na hangin at ulan. Tumama ang bagyong Odette sa Isla ng Siargao sa Surigao del Norte noong Huwebes, Disyembre 16, 2021, 1:30 ng hapon na may lakas na 160 mph na sinamahan ng malalakas na pag-ulan. Sa bilis na 30 kilometro pakanluran, tinamaan ng bagyo ang Dinagat Islands, Southern Leyte, Bohol at Cebu. Bago lumipat patungo sa West Philippine Sea, huling tumama ang bagyo sa Roxas, Palawan noong Biyernes, Disyembre 17, 2021, 3:10 ng hapon at umalis ng Philippine Area of Responsibility noong Sabado, Disyembre 18, 2021, 12:40 ng hapon.

Itinala noong Disyembre 31, 2021 ang 405 na patay, 82 na nawawala, at halos 1,150 na napinsala dulot ng bagyo. Mahigit kumulang 530,000 na bahay ang nasalanta habang ang pinsala sa agrikultura at imprastraktura ay tinatantyang umabot ng 23.4 bilyong piso. Ayon sa United Nations, ang bagyong Odette ay ang pinakamalakas na tumama sa bansa sa taong 2021 na umapekto sa 11 sa 17 na rehiyon at lumansag sa buhay ng pitong milyong tao. Maikukumpara ang tama ng bagyong Odette sa bagyong Yolanda (Typhoon Haiyan) noong 2013 subalit may mas mababang bilang ng namatay na 405 kaysa sa Yolanda na may 6,300 na nasawi. Parehong bagyo ay nagdala ng malalakas na hangin at ulan na naging dahilan ng pagkawasak ng imprastraktura at kabuhayan sa bansa.


opinyon Opinyon PAMATNUGUTAN NG PUBLIKASYON

ANG LAYAG 2021-2022

TAGAPAMAHALA Ma. Jheade E. Suclan PUNONG PATNUGOT Dianelle Varrera PANGALAWANG PATNUGOT Bea Besa TAGAPAMAHALANG PATNUGOT Zyronne Giltendez Lysander Tiu TAGASULAT NG BALITA Kciarah Patrata Marianne Javier Asia Agsam Giada Padilla Ariana Lim Monique Judith TAGASULAT NG OPINYON Dianelle Varrera Christine Mangubat Mary Lademora TAGASULAT NG LATHALAIN Jireh Cartel Isabelle Casanova Lady Lyka Bendicio Gleanah de Asis TAGASULAT NG PANITIKAN Ma. Liana Eriso Emmanuella Buot Mary Therese Dy Ma. Juliana Mel Linget Helena Shea Templado Dielo Obillo Kyle Sausa TAGASULAT NG AGHAM AT TEKNOLOHIYA Zyronne Giltendez Eaya Estores Atasha Gregorio Ashley Britania Jelane Sorallo Keana Nemenio

05

Halalan: Para sa Bayan o Para sa Sariling Kapakanan? CHRISTINE MANGUBAT

Talo dito, away doon, paninira kahit saan. Ito ay araw-araw na maririnig at makikita sa mga balita at social media. Sa loob ng ilang buwan, maraming relasyon ang nasira dahil sa iba-ibang pananaw sa isyung politika. Nakakasawa man, pero ito ay patuloy na dumadami dahil malapit na naman ang halalan.Ayon sa, Pulse Asia Survey, 48% ng mga PIlipino ay kumukuha ng balita sa internet, 44% nito ay galing sa Facebook. Hindi na nakakagulat kung ang karamihan ay bulag sa katotohan at naniniwala sa mga propaganda at paninira. Marami ang nalilito kung ano nga nga ba ang totoo. Sino ba talaga ang karapat-dapat iboto? Hindi na rin surpresa kung marami na naman ang patagong bigayan ng pera. Tinatawag nila itong “vote buying” o isang paraan kung saan isinasangla ng mamboboto ang kanilang boto sa kandidatong may pinakamalaking bigay. Ngunit makatutulong ba talaga ito? Aanhin mo ang malaking pera kung sa anim na taon ay ika’y magdurusa? Marami man ang hindi sasang-ayon dito, pero sa oras na tumanggap ka ng pera, mawawalan ka ng karapatang magreklamo sa pamamalakad ng gobyerno.

Kaya ang bawat isa ay dapat na huwag magpapadala sa pera o anumang alok na hindi makatotohan. Tandaan na ang bawat bagay na madaling makuha ay madali ring mawawala kaya pumili kung pera ba talaga o ginhawa? Lalong lalo na ngayon na lahat ay nasa social media at internet, talamak rin ang pagkalat ng fake news sa mga platapormang ito. Marami ang gumagawa ng kwento, gumagawa ng paninira, at ano pang kutya para malason ang mga isipan ng mga Pilipino. Walong porsyento (8%) lamang ang naitala ng survey galing Pulse Asia, ang talagang kumukuha ng naayon na’ sources’. Kaya bunga nito, marami ang naglalaban-laban at nagtatalo kung ano ba talaga ang totoo. Bago pa man mag share o magpahayag ng sariling opinyon sa ano pa mang social media, dapat na alamin muna kung ito talaga ay makatotohan o gawa-gawa lamang sapagkat baka maging dahilan ito ng pagkabulag din ng iba. Pero paano kung hindi lang pala sa mamayan ang problema kundi sa kandidato mismo? Marami sa kanila ang totoong karapatdapat na ihalal sapagkat taglay nila ang mga katangian ng isang lider.

Subalit, mayroon din namang nagpapaganda ng pangalan pero sa totoo ay kasing itim ng budhi ang ugali. Mga sinungaling na gumagamit ng hindi patas na pamamaraan kagaya ng mga nabanggit. Kaya dapat na suriing mabuti ang mga kandidato dahil nasa kanila ang responsibilidad na pamahalaan ang mga mamamayan. Sa panahon ngayon, importanteng maging mapanuri, maingat at may-alam lalo na malapit na ang eleksiyon. Huwag magpapadala sa mga pera, fake news at propaganda. Tandaan na ang mga mananalong kandidato ay may responsibilidad na pamahalaan ang mga mamamayan pero nasa tao pa rin ang magdedesisyon. Huwag mag-away-away sapagkat wala itong madadalang kabutihan sa halip gulo lamang. Turuan ang walang alam hindi basta-basta na lang hatulan ng hindi magandang mga salita. Magkaisa at magtulungan dahil nasa tao ang kapangyarihan hindi sa kandidato. Suriin ang sarili at ang iboboto kung ang pakay ba talaga ay para sa bayan o para sa kanilang sariling kapakanan.

TAGASULAT NG PAMPALAKASAN Chelsey Mallari Lysander Tiu TAGA-ULO AT TAGAWASTO NG BALITA Bea Besa Gleanah de Asis TAGADIBUHO NG LARAWANG TUDLING Paul Estrope TAGAKUHA NG LARAWANG PAMPAHAYAGAN Margarette Inumerables TAGA-ANYO NG PAHINA Zyronne Giltendez Mary Lademora Paul Estrope Margarette Inumerables

PAUL ESTROPE


opinyon Opinyon

Taliban: Ang Hindi Makatarungang Paghahari MONIQUE JUDITH

Kalayaan, katarungan at kasiguraduhan, lahat ng ito ay pinagkait ng mga Taliban. Sila ay isang grupo ng mga namumuno na binubuo ng kalalakihan. Sa kanilang paraan ng pamumuno, marami ang nawalan ng karapatang mabuhay ng malaya. Iisa lang ang hangarin ng lahat, mapaunlad at mapabuti ang mundong kinabibilangan, ngunit ito ay dapat gawin sa isang makatarungang paraan. Sa ginagawa ng mga Taliban, mas nanaig ang takot sa mga tao, hindi na nila maramdaman na ligtas sila sa kanilang sariling bayan.

Kitang-kita ang diskriminasyon sa mga kilos nila at mga patakaran na kanilang ipinatupad. Dahil nga binubuo sila ng kalalakihan lamang, labis na naapektuhan ang mga kababaihan dahil sa mga ginagawa nila. Sa huling pamumuno nila, pinagbawalan nila ang mga babae na kumuha ng karamihan ng mga trabaho, at kahit nga pag-aaral ng mga kabataang babae ay hindi maaari. At ang sinumang babaeng mahuhuli sa labas ng bahay na walang takip ang mukha aynanganganib sa matinding parusa.

Nahaharap din sa parusa ang mga babae at lalaki na makikitang magkasama na hindi pa sila kasal. Noong 1996, idineklara ng Taliban ang isang Islamic Emirate, na nagpataw ng isang malupit na interpretasyon ng Quran at ipinatupad ito ng may mga malulupit na parusa sa publiko, kabilang ang mga paghagupit, pagputol at pagbitay sa masa. Nilinaw din nila na ang karibal na mga gawain sa relihiyon na kanilang pinaniniwalaan ay hindi mapapahintulutan. Itinuring sila ng Taliban na lapastangan sa Diyos.

06 Noong Marso ng 2001 ay pinasabog at sinira nila ang ilan sa mga estatwa ng Buddha, at ipinagmalaki pa nila na ang kanilang pagwasak ay banal. Sa halip na pagsilbihan ang mga tao upang guminhawa ang kanilang mga buhay, mas nilagay pa nila ito sa pangan Mas naghari ang diskriminasyon at kawalang-katarungan sa pag-ibig at kapayapaan. Lahat ay may kalayaang gawin ang kahit anumang gusto nila, ngunit hindi dapat inaabuso ang kakayahang ito. Kahit kailanman ay hindi magiging tama ang pagwawalang-bahala sa karapatan ng iba at pag-apak sa kanilang dignidad bilang mga tao.

Pilipinas Ano na?

DIANELLE VARRERA

Nagsimula ang pandemya noong 2019 at makalipas ang tatlong taon, hindi pa rin matapos tapos ang sakunang ito. Patuloy ang pagtaas ng mga kaso sa bansa at unti-unting nawawalan ng pag-asa ang mga Pilipino. Kasama ng pagtaas ng mga aktibong kaso sa Pilipinas ay ang pagtaas rin ng mga namamatay sa bansa. Huli na ba ang lahat para sa mga Pilipino? “Noong Enero 15, 2021, muling nagtala ang Department of Health (DOH) ng panibagong record high na 39,004 new COVID-19 cases kahapon. Dahil dito, umakyat ang aktibong kaso ng COVID-19 sa 280,813. Sa case bulletin No. 672 , nasa 3,168,379 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas. Nagsimula dito ang pagsuway ng mga Pilipino sa gobyerno.” Isa ito sa mga ibinalita ng The Philippine Star na naging sanhi nang pagkatakot ng ibang Pilipino. Ang tanong, paano nga ba umabot sa ganitong sitwasyong ang bansang Pilipinas? Una, kamangmangan ng bawat isa ang dapat sisihin. Marami ang nagsasabi na nagkulang ang gobyerno. Hindi tataas ang kaso ng COVID sa Pilipinas kung marunong sumunod ang mga tao. Isa sa mga halimbawa ng may matigas na ulo ay si Gwyneth Chua o mas kilalang “Poblacion Girl”.

Ayon sa isang artikulo mula sa Inquirer, noong umuwi siya ng Pilipinas mula ibang bansa, hindi siya sumunod sa quarantine protocols ng bansa. Ayon pa sa dalaga, may mga koneksyon siya kaya nakatakas siya sa hotel na kaniyang tirahan dapat. Ang totoong may kasalanan dito ay ang mga taong sumuway at sumunod sa yapak ng babaeng hindi nakinig. Tama ba na hindi sundin ang safety protocols? Ikalawa, hindi pa nga nakaraos ang bansa mula sa pandemyang nagaganap may balak pa ang mga Pilipino na pumunta sa ibang lugar. Isa sa mga bansang pinakamatagal na matapos ang COVID 19 na pandemya ay ang Pilipinas at parang walang pakialam ang mga tao dito. May gana pa silang magdiwang ng mga magagarbong mga kaarawan o selebrasyon. Iba naman ay pumunta sa mga lugar kung saan pwedeng maligo sa mga dagat at iba pa. Kung hindi susunod ang mga tao sa isang simpleng utos ng gobyerno na huwag muna lumabas, paano makakaraos at makabangon muli ang bansang Pilipinas. Ikatlo, marami pa rin ang naniniwala na hindi totoo ang virus at walang bisa ang bakuna upang labanan ito.

Ayon sa isang artikulo, “Almost half of Philippine citizens are not inclined to get a Covid-19 vaccine mainly due to safety concerns, according to a survey by pollster Pulse Asia.” Hindi naman maipipilit ng gobyerno ang mga hindi gusto magpabakuna ngunit sa pagdaan ng ilang taon hindi maitatanggi ng karamihan na epektibo ang bakuna upang labanan ang mga sintomas na maaring makuha sanhi ng pagkahawa sa virus. Oras na para buksan ang mga mata sa realidad na totoo ang lahat ng nangyayari at hindi ito masosolusyonan kapag hindi makikinig ang mga tao. Panghuli,nawawalan na ng pag-asa ang mga tao na lumaban pa. Marami na ang nagsasabi na hindi na matatapos ang sakunang ito kaya wala nang silbi pa ang manatili sa kanilang mga bahay. Hindi sila makakakain ng ilang araw kapag wala silang gagawin. Ilang taon na ang lumipas at wala pa ding pagbabago ang sitwasyon ng Pilipinas ngunit hindi ito rason upang bumitaw.

“Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan: Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad, at kaniyang ituturo ang iyong mga landas.” (Proverbs 3 : 5-6) Bawat pagsubok sa buhay ay malalagpasan basta may tiwala sa Diyos. Diyos lang ang masasandigan sa mga oras ng pighati. Bawat isa ay may responsibilidad na dapat gampanan. Hindi dapat sisihin ang gobyerno sa pagkakamali ng mga tao. Hindi rin dapat sisihin ang mga tao sa pagkakamali ng gobyerno. Ang dalawang sektor ng bansa ay dapat magtulungan upang mapagaan ang gawain ng bawat isa. Magiging madali ito para sa lahat at mas mapapabilis ang pagbabago na inaasam ng lahat. Ang problemang ito ang isa sa mga sanhi ng pagkasira ng buhay ng lahat ngunit hindi dapat ito ang sanhi ng pagkasira ng Pilipinas. Hindi pa huli ang lahat. Ang tanong, handa na ba ang mga Pilipino makinig at sumunod sa mga layunin ng bansa upang mapabilis ang pagbalik sa normal ng Pilipinas?

MULA SA WIKIPEDIA


opinyon Opinyon

07

Isang Hakbang Palapit sa Tagumpay Laban sa Pandemya

MARY LADEMORA Nayanig ang buong mundo dahil sa patuloy na pagkalat ng coronavirus simula noong 2020, ngunit simula ng ilabas ang bakuna para sa matatanda, nag-umpisang maging mas mabuti ang takbo ng buhay ng karamihan. Ang mga tao ay pinahihintulutan ang lumabas sa kanilang mga tahanan upang magtrabaho o magsagawa ng importanteng mga transaksyon. Kaya naman ngayong ibinalita na ang paglabas ng bakuna para sa kabataan, magiging epektibo at makakatulong ba ito para sa kabutihan ng bansa? Ang pagpapabakuna sa mga kabataan ay ang pinakamahusay na paraan upang protektahan sila laban sa pangunahing katunggali ng buong mundo noong mga nakaraang buwan; ang Covid-19. Magiging matatag ang kanilang kalusugan, at liliit ang posibilidad ng pagkakaroon ng virus para sa mga kabataan. Ito ay magiging malaking salik o sanhi ng pagbaba ng mga covid cases na magreresulta rin sa marahil na pagbalik ng dating normal kung saan walang kailangan sundin ng napaka-striktong mga protocols. Maraming mga magulang ang nag-alinlangan noong nabalitaan ang paglabas ng bakuna para sa mga bata, at may karapatan rin naman silang mag-alala. Ngunit ang mga eksperto na mismo ang nagpapatunay na ang pagbabakuna sa kabataan ay makabubuti para sa kanila.

MULA SA XINHUA NEWS

Mababawasan ang pag-aalala ng mga magulang at ng mga bata hinggil sa pagkakaroon ng mapanganib na covid-19 dahil dito. Ang Pfizer-BioNTech ay isa sa mga bakunang nakasisiguro sa kaligtasan at kalusugan ng mga bata. Ang mga benepisyo nito ay mas malaki kaysa sa potensyal na panganib na posibleng bumuo dahil sa bakuna, katulad ng mga reaksiyong alerhiya at iba pa. Ayon kay Dr. Shah ng Stamford Health, ang pagpapaturok, laban sa covid-19 virus, ay kumpirmadong ligtas para sa kabuuan ng populasyon batay sa iba’t-ibang clinical trials na isinagawa nilang mga doktor. Mayroon pa rin namang mga side effects na posibleng maranasan ng mga menor de edad kaya dapat talaga nilang alalahanin at sundin ang mga tagubilin ng mga doktor at siyentipiko. Humigit-kulang, ang mga batang 12-16 taong gulang ay may halos kaparehong side effects kung ikukumpara sa mga matatanda. Kabilang sa mga epekto na ito ay ang lagnat, pagkapagod, pananakit ng ulo, pananakit ng kalamnan at iba pa. Ang pagbabakuna ng mga Pilipino, kasama ang mga menor de edad, ay marahil na isa sa mga sanhi ng pagbaba ng mga covid cases ngayong buwan. Sa kabutihang-palad, matatag na bumababa ang mga kaso mula noong katapusan ng setyembre. Ayon sa datos ng Department of Health o DOH, hindi hihigit sa 6,000 ang mga bagong cases ngayong nobyembre 17.

Medyo malaki pa rin naman ang bilang ng istatiskong ito ngunit kung ikukumpara sa mga kaso noong setyembre 9-15, na umabot ng 127,138 cases, makikitang sumusulong at umuunlad na rin ang kalagayan at kaligtasan ng mga Pilipino. Sa pamamagitan ng pagbabakuna, ang Pilipinas ay magiging isang hakbang na palapit sa pagkamit ng kanilang matagal nang layunin; ang lubos na labanan ang covid na sumisira sa buhay ng karamihan. Ang dating normal na ating ninanais balikan, kung saan malayang nakikipaghalubilo ang mga magkakaibigan at magkakapitbahay, ay maaaring masaksihan ulit. Ang mga tao ay talagang masisiyahan dahil makakalabas na sila ng kanilang mga tahanan na walang suot na nakakasakal na face mask at face shield. Malayo ito sa bagong normal ngayon ngunit hindi mababago ang opinyon ng karamihan na mas mabuti ang buhay noong walang pandemyang ginaganap. Malaki rin ang posibilidad ng pagbabalik ng face-toface classes at ang pagtigil sa online at modular learning dahil sa pagbaba ng mga covid cases ngayong buwan. Ang karamihan ay naghihirap sa online classes, kabilang dito, ang mga estudyante, pati na rin ang mga guro at magulang, kaya siguradong matutuwa at makakapag ginhawa rin sila kapag ititigil na ang online learning.

Bukod doon, ang bumababang employment rate ng Pilipinas simula noong pandemya ay posibleng tumaas na rin dahil sa paglaganap ng pagbabakuna. Magtatapos na nga ba, sa huli, ang paghihirap at pagdurusa na ibinigay ng pandemyang ito? Ngayong karamihan sa mga matatanda ay nabakunahan na, mainam na pabakunahan na rin dapat ang mga kabataan. Ang pagbabakuna, ayon sa mga eksperto, ay ligtas at epektibo sa pagprotekta ng mga bata laban sa coronavirus. Makakatulong rin ang pagbabakuna ng kabataan sa pagbaba ng bilang ng covid cases sa buong bansa at ang paghupa sa takot ng mga mamamayan hinggil sa pagkakaroon ng Covid-19 na sakit. Ito na rin ang maaaring susi sa pagbalik ng dating normal kung saan ang takbo ng buhay ay mas masaya at produktibo para sa karamihan ng mga pilipino. Sa wakas, sabay-sabay na magtulungan at humakbang patungo sa landas na ninanais ng lahat; ang magwagi sa gera laban sa pandemyang sumisira ng buhay at pangarap ng mga mamamayan.

MULA SA HENRY FORD HEALTH SYSTEM


lathalain Lathalain

08

Bagong Tagapangalaga ng Ang Layag

DIANELLE VARRERA

Bago magsimula ang SY 2021-2022, isang malungkot na balita ang natanggap ng aming publikasyon na Ang Layag. Ang tagapangalaga namin na si Ginoong Ariel Gabino ay nabigyan ng isang oportunidad na mag serbisyo sa buong Junior Highschool at kinailangan niyang ipasa ang kaniyang tungkulin bilang isang moderator sa isang gurong maaasahan at masasaligan ng mga m a nunulat.

Hindi inakala ng buong publikasyon na ang malungkot na balitang ito ay magbubunga sa isang bagong simula para sa lahat. Si Bb. Ma. Jheade E. Suclan o mas kilala bilang “Ms. Jheade” ang nabigyan ng oportunidad at pagkakataon na magbigay gabay at pagmamahal sa dyornalismo. Hindi man siya ang nagsusulat ng mga artikulo, tula, at kwento ngunit siya ang humuhubog sa mga manunulat ng publikasyon upang mas pagbutihin ang kanilang ginagawa. Ang tanong, bakit si Bb. Jheade ang karapatdapat na bigyan ng tungkulin ng isang moderator?

Isa siyang gurong maintindihin at mapagmahal. Hindi namin maikakaila na sa taong ito, kinaya namin ang lahat ng problema sa publikasyon dahil sa pag mamahal ng aming moderator. Maraming pagbabago ang aming pinagdaanan dahil sa pandemyang walang katapusan. Hindi niya kami pinabayaan sa kahit ano mang problemang hinarap ng publikasyon. Siya ang naging ilaw at sandigan ng aming munting tahanan.

kasabihan sa bibliya na mula sa “Colossians 3:23-24 - Whatever you do, work at it with all your heart, as working for the Lord, not for human masters, since you know that you will receive an inheritance from the Lord as a reward. It is the Lord Christ you are serving.” Ang mga bagay na aming ginagawa sa publikasyon ay hindi para sa kanya, sapagkat para ito sa mahal na Panginoon

Isa siyang guro na marunong makisama. Akala ng aming publikasyon na siya’y hindi marunong makisama sa mga ga wain ng publikasyon. Isa ito sa mga maling akala naming tungkol kay Bb. Jheade. May mga pagkakataon na siya pa ang nagsasabi sa mga editors na maghanda ng mga laro para sa publikasyon upang mapatatag ang aming samahan.

Lahat ng nasabing katangian ni Bb. Jheade ay mga katangian na ipinakita ni Ginoong Ariel sa mga panahong siya ang humahawak sa publikasyon. Masaya ang mga manunulat na kahit papaano, ipinagpatuloy ni Bb. Jheade ang pag-alaga at pagmamahal sa bawat isa ng pantay-pantay. Sa pagsimula niya sa pag-alaga ng Ang Layag, hindi niya kami binigo at ipinagpatuloy ang legasiya ng mga matatapang at magigiting na manunulat.

Isa siyang guro na may tiwala sa Diyos. Lagi niyang pinapaalala sa amin ang isang

Kuha ni: Nichol Francis Anduyan


lathalain Lathalain

Pag-ulan Tuwing

“Whenever I see girls and boys...“ Simula pa lang ng Setyembre, ang kantang ito ay madalas mong naririnig at si Jose Mari Chan ay makikita mo kahit saan-saan. Bago sumapit ang buwan n g D i sye m b r e , p a -

ghahanda para sa p a s k o ay nags i s i m u l a na. Sa iyong mga mata, ano ang paningin niyo sa panahon ng pasko? Makukulay na daan, kumikinang na mga bagay, matataas na

09

Pasko Christmas Tree, at nakakaakit na parol sa iyong dinadaanan. Hindi man posible dito sa Pilipinas ngunit, niyebe ay inyo ring gugustuhin.

Kung iyong iisipin, masaya ang pagpapatayo ng isang Christmas tree. Sumabit ng mga maririkit na bola at tunog ng mga kuliling ay musika sa iyong mga tainga. Minsan nga mga berde, dilaw, o di kaya’y bughaw pa na pera ang sinasabit diyan. Paglalagay ng belen o yung pigura ng kapanganakan ni Hesus sa harap ng altar ay nakaka g a a n ng pakiramdam sapagkat dama mo talaga ang presensya ng Diyos kapag nandyan yan. Tuwing gabi, bigla-bigla kang magugulat na may kumakanta sa harap ng iyong bahay. Hindi mo naman maiwasang makinig sa kanilang

LADY LYKA BENDICIO

karoling. Pagtugtog ng iba’t ibang instrumento gaya ng ng gitara, maliit na tambol at mga tamburin kadalasan gamit sa tansan na mas nakakapagbigay ng kulay sa kanilang presentasyon.Sampu-sampu o bente-bente ang ibinibigay bilang handog sa panghuli. Mga matatamis na ngiti sa kanilang mga labi ay isang bagay na nagpapasaya sa iyong gabi. Bumihis sa pinakamaganda mong damit at sapatos. Ihanda ang sarili para sa Simbang gabi na magaganap. Kasama ang iyong pamilya o mahal sa buhay, gumawa ng isang hakbang palapit sa Panginoon Diyos at sabay siyang batiin at pasalamatan. Sa lahat ng mga taong dumadalo, randam mo ang pakikisama at patnubay ni Hesus sa pagitan ng bawat isa. P a m i l y a n g nagtipon-tipon. Sa hapag-kainan, matatagpuan ang mga pagkain na sa isang sulyap ay nakakagutom. Magigiliw na sayawan, masasayang mga laro, at usapang lubos ng katuwaan. Anyo ng mga regalong tumukso sa

inyo u p a n g magkaroon ng mas maagang manita-manito. Pasalamatan, yakapan iyakan at lumukso sa kagalakan ang mga naganap. Hindi lamang sa mga daan, bahay, at Christmas tree matatagpuan ang kariktan ng pasko. Tunay niyong makikita ang kagandahan nito sa mga taong nakapaligid sa iyo. Hindi man umuulan ng nyebe kahit gugustuhin niyo, umuulan din naman ng mga magagandang biyaya mula kay Hesus na hihigit pa sa ninanais ninyo.


lathalain Lathalain

Liwanagan ang Sarili:

10

Mga Mekanismo Upang Malampasan Ang Problema BEA BESA

Noong nagsimula ang pandemya, labis-labis na hindi inaasahang pangyayari ang dumating sa buhay ng mga tao. Ang mga estudyante ay biglang napatigil sa pagpasok sa paaralan, libo-libo ang nawalan ng trabaho, at halos lahat ay napahinto sa buhay na kanilang nakagisnan. Habang ang iba ay hinarap ito sa positibong paaran, marami naman ang nahirapan sa hamon na ito na hindi nila inaaakalang dadating. Dahil dito, kinailangan nilang maghanap ng mga paraan kung paano malalampasan ang mga pagbusok na ito, kaya’t ilan lamang sa mga ginagawa ng tao ngayon ay ang paghahanap ng libangan, pagninilay, at paggawa ng mga bagay-bagay kasama ang kanilang mga mahal sa buhay. Isa sa mga pinakamabisang paraan kung paano nakayanan ng mga tao na makulong sa kanilang bahay ng napakaraming buwan ay ang paghahanap ng pagkakaabalahan. Habang nababagot

Sining ni: Zyronne Giltendez

sa bahay, ilan lamang sa ginagawa ng mga tao ay ang pagluluto, pag-aalaga ng mga halaman, pagsubaybay sa mga paborito nilang mga palabas, pag-eehersisyo, at marami pang iba. Sa pamamagitan ng mga ito, nakakalimutan nila kahit panandalian lamang ang bigat ng mga problemang kanilang dinadala. Bukod dito, nakatutulong din ito upang maging prod u ktibo sila sa

nabibigyan ng tao ang kanyang sarili ng pagkakataon na maayos ang mga bagay sa kanyang isipan. Higit sa lahat, ito’y lubos na makakabenepisyo upang makapag-isip ng malalim ang isang tao p a r a

malaking tulong sa isang tao ang makasama o makausap ang mga mahahalagang tao sa kanilang buhay. Sa paraang ito, mayroon silang nakakaramay at napagsasabihan ng kanilang mga nararamdaman na nakatutulong upang manumbalik ang

pangarawaraw n a

pamumuhay at magkaroon ng kasiyahan sa gitna ng pandemya. Maliban sa mga samu’t saring libangan, nakatulong din sa nakararami ang pagmumuni-muni sa pagbibigay-linaw sa kanilang kaisipan. Batay sa Healthline Media, ang pagninilay ay nakapagbibigay ng mga ideya na nakatutulong upang mabago ang pananaw ang pagninilay ay nakapagbibigay ng mga ideya na nakatutulong upang mabago ang pananaw sa sarili at sa paligid. Sa pamamagitan nito

maliwanagan mula sa m g a suliranin at magkaroon ng kapayapaan sa sarili. Hindi naman maitatanggi na isa sa mga rason kung bakit naging masaya ang quarantine ng marami ay dahil sa presensya ng mga mahal sa buhay. Kahit sa pakikipagtawagan lamang sa cellphone ay malaking bagay na ang aliw na naibibigay ng mga kaibigan o kamag-anak sa panahon ng kalungkutan. Marami rin ang nasisiyahan sa paggawa ng iba’t ibang mga gawain kasama ang pamilya sa bahay katulad ng panunuod ng pelikula o pagkain ng sabay- sabay. Kahit ano mang aktibidad ang gawin,

kanilang lakas at kumpiyansa sa sarili na malalampasan nila ang kanilang hinaharap. Sa pangkalahatan, bawat tao ay magkaiba, kung para sa iba ay komportable lang ang buhay sa gitna ng pandemya, marami naman ang nahihirapan sa bigat ng mga problemang kanilang dinadala. Ang paghahanap ng libangan, pagmumuni-muni, at paggawa ng mga aktibidad kasama ang mga mahal sa buhay ay ilan lamang sa mga paraan kung paano maliliwanagan sa mga bagay na kinakaharap at magkaroon ng positibong pananaw sa buhay. Kahit sa anumang paraang gusto, palaging pahalagahan ang sarili sapagkat lahat ng hamon ay malalampasan kung mananatiling matatag at pagkakatiwalaan ang sariling kakayahan.


lathalain Lathalain

11 JIREH CARTEL

Hindi maikakaila na hilig natin ang panonood at pakikinig ng kwento ng mga prinsipe at prinsesa noong tayo’y mga bata pa lamang. Pinangarap din natin ang isang fairytale na mayroong happily ever after kagaya ng ating napapanood sa mga sinehan at sa telebisyon. Si Cinderella ay isa sa mga kilalang prinsesa ng Disney dahil sa kanyang matapang at mapagmahal na mga katangian, kahit na siya ay pinalaki ng kanyang salbaheng madrasta. Sa mga nagdaang taon, marami na ang gumawa ng kanilang sariling bersyon sa kwento ng prinsesang ito, at ngayong 2021 ay muling inilabas ang isang modernong pelikulang nagsasalaysay ng buhay ni Cinderella. Dito sa movie review, ating suriin ang pelikula at ang mga elemento nito. Sa ilalim ito ng direksyon ni Kay Cannon at produksyon nina James Corden, Leo Pearlman, Shannon McIntosh, at Jonathan Kadin na unang ipinalabas mga sinehan sa USA at sa Amazon Prime Video noong Setyembre 3, 2021. Ang pelikula ay tungkol kay Ella (Camila Cabello) na nagnanais magpatayo ng isang negosyo sa pamamagitan ng paggawa ng mga bestida, ngunit siya ay pinagbabawalan ng kanyang salbaheng madrasta na si Vivian (Idina Menzel). Dahil sa kanyang kagustuhan na matupad ang kanyang pangarap, patago siyang umaalis mula sa kanilang tirahan upang makahanap ng paraan para maibenta niya ang kanyang mga gawa. Sa gitna ng kanyang paglalakbay ay nakilala niya si Robert, isang prinsipe

na nakatakdang maging kasunod na hari sa kanilang kaharian. Unti-unting nahulog ang loob nila sa isa’t isa, ngunit naging dahilan ang kaibahan ng kanilang pamumuhay sa kanilang paglayo. Matapang at palaban ang katangian ng karakter ni Cinderella rito, na siyang nagpapalaganap ng ‘women empowerment’ sa mga manonood. Nais niyang ipakita na may kakayahan din ang mga kababaihan upang gawin ang nais nilang gawin, at ipinahihiwatig ito sa kanyang diyalogo sa pelikula na “Us, ladies give birth, we run households, surely we can run a business!” Kinanta rin nila ang ibang mga sikat na kanta tulad ng ‘Whatta Man’ ng Salt-N-Pepa feat. En Vogue, ‘Perfect’ ni Ed Sheeran, ‘Let’s Get Loud’ ni Jennifer Lopez, at ‘Somebody to Love’ ng Queen, ngunit dinagdagan ng mas modernong musika upang maging iba sa orihinal. Maganda rin ang kalidad n g .

pelikula, ang mga visual aid, at pati na rin ang transisyon sa pagitan ng magkaibang eksena. Dahil sa mga idinagdag na mga elemento, mas naging moderno ang kinalabasan ng pelikula, datapwat ang Cinderella ay isang klasikong kwento na kilala na ng lahat. Sa kabila ng paggamit ng musikal na dyanra sa pelikula, hindi tumatak sa akin ang ibang mga performance sapagkat pangkaraniwan lamang ang mga ito; walang malaking sorpresa o pasabog upang mas maging kapanapanabik pa. Mayroon ding ibang mga kanta na hindi tugma sa kasalukuyang eksena o sa kabuuang tema ng pelikula. Sa pagganap naman ng mga tauhan, nakulangan ako sa ipinakitang emosyon ni Camila Cabello upang mas maintindihan ng tao ang kanyang karakter, na siyang bida rito, ngunit m a u unawaan n a m a n sapagkat u n a n g pelikula niya pa

lamang ito. Masyado ring mabilis ang pagtakbo ng kwento, lalo na sa bahagi nina Prinsipe Robert at Cinderella. Hindi rin naging epektibo ang komedya at ang tinatawag na ‘comedic timing’ sa ibang eksena. Maraming magaganda at makukulay na eksena, ngunit wala itong ‘element of surprise’ para mas maging karapat-dapat na panoorin. Sana ay mas naging maingat sila sa pagpili ng mga kantang angkop sa tema ng pelikula at sa pagpasok ng komedya sa mga eksena. Sana ay mas nagpakita rin ng emosyon at damdamin ang mga aktor sa pagganap nila sa kanilang karakter. Sa kabila nito, maraming mapupulot na aral sa kwento, katulad na lamang ng pagkilala sa karapatan at kalayaan ng mga babae. Sa kabuuan, masasabi kong hindi ako gaanong nakuntento sa pelikula, ngunit nakikita ko ang pagsisikap ng mga taong sangkot sa paggawa nito, kaya kung ako ang tatanungin, bibigyan ko ito ng 7/10 na rating.


lathalain Lathalain

12

MARY THERESE DY

Squid game KYLE SAUSA Ang “Squid Game” ay higit pa sa isang runaway hit para sa Netflix, ito rin ang paboritong palabas sa internet. Inilabas noong Setyembre 17, ang nine-episode na Korean thriller ay nakahanda nang maging pinakamalaking “non-English-language show sa mundo” ng Netflix, sabi ng co-CEO ng Netflix na si Ted Sarandos. “Napalabas lang ito sa loob ng siyam na araw, at napakagandang pagkakataon na ito ang magiging pinakamalaking palabas namin kailanman, pumatok ito sa karamihan dahil sa magandang plot twist nito”. At maraming tao ang umaabang sa season 2 neto.Sa Squid Game, ang nakakagambala ngunit nakakaintriga na Netflix series tungkol sa isang nakamamatay na torneo ng mga larong pambata, ang kumpetisyon ay umabot sa isang madugong resolusyon. Ginagawa ang Season 2 (ayon sa creator), ngunit pansamantala, maraming

tanong ang naiwan habang nagsasara ang ikasiyam at huling episode ng season 1. Kung napanood mo na ang buong palabas, alam mong hindi talaga nagtatapos ang laro sa ikasiyam na yugto. Nagpapatuloy ito, at ang kinabukasan ng “nagwagi” na si Seong Gihun (ginampanan ni Lee Jung-jae) ay naiwang hindi sigurado. Malalaman ba natin kung ano ang mangyayari pagkatapos niyang bumaba sa eroplano? Sa isang panayam sa red carpet noong Nob. 9, sinabi ng manunulat/direktor na si Hwang Dong-hyuk na nangyayari nga ang season 2. “You leave us no choice,” biro niya. Gayunpaman, hindi opisyal na nakumpirma ng Netflix ang anuman, at dati nang sinabi ni Hwang sa Variety na maaari siyang bumalik sa mga bigscreen na pelikula bago mag-isip tungkol sa isang sequel ng Squid Game.


lathalain Lathalain

13

JELANE SORALLO “All the Bright Places” ay batay sa nobela na isinulat ni Jennifer Niven noong 2015. Ang pelikula ay pinalabas noong Pebrero 28, 2020 sa direksyon ni Brett Haley. Ito ay nagsimula nung may hinaharap na pagsubok ang dalawang tinedyer na

naging sanhi ng malakas na pagsasama nila. Sabay nilang nilakbay ang lugar na tinatawag na Indiana. Si Violet Markey ay ipinakilala sa pelikula na nasa tuktok ng tulay, nag-iisip nang tahimik ukol sa tungkulin niya sa buhay. Nagkataong si Theodore Finch ay nag jo-jogging, at sinabihan ang dalaga na umatras sa gilid ng kanyang kinatatayuan. Pinaramdam nito sa kanya na hindi siya nag-iisa sa mundo, na may tao pang mamahal, mag-aalaga, at p ay a g

na samahan hirap at

siya sa ginhawa.

sa susunod nilang pakikipagsapalaran.

“I feel a thousand capacities spring up on me,” ani ni Finch. Sa pahayag na ito ay nakasaad na tayo ay may libo-libong kapasidad, at ito ay nakadepende lamang sa kung ano man ang sariling katangian ang meron tayo. Dahil dito, nahikayat si Violet na libutin ang kabuoan ng Indiana, at ang dating malumanay na pagkatao nito ay naging maligaya na dahil sa pagsisikap na ginawa ng kanyang bagong kaibigan. “It’s fun to have a friend again,” sabi ni Violet habang siya ay nagmamaneho p a p unta

Ang ipinapakita ng pelikulang “All the Bright Places” ay hindi lahat ng panghuhusga ay makikita sa isang sulyap. ‘Ika nga nila, “Don’t judge a book by its cover.” Kahit sino o ano ka man, lahat ay maaring magkaroon ng madilim na kalagayan sa buhay. Ito ay 10/10 recomendadong panoorin sapagkat isang konseptong nagpapakita ng patunay na sa panahon ngayon ang kalusugang pangkaisipan ay dapat pagtuonan ng pansin. Magpasalamat sa mga taong nagmamalasakit sa iyo. pagkakataon mo namang tanungin sila ng, “Kamusta ka?”


agham Agham at Teknolohiya

Balatkayo

14

ZYRONNE GILTENDEZ

Naisip mo din ba minsan na paano kung lahat tayo ay may kakayahang magbalat-kayo? Ano kaya ang mga posibleng mangyari sa mundo kapag lahat ng tao ay maging tugma sa kanilang kapaligiran? Kagaya ng mga kamaleon, nadiskubre ng mga mananaliksik mula South Korea a n g

mula sa Seoul National University ang nanguna sa paglikha ng tinatawag na artipisyal na balat gamit ang espesyal na tinta na maaaring magbago dulot ng temperatura ng paligid na ko n t r o l a d o

bagong teknolohiyang kanilang nagawa. Ang espesyal na tinta na kanilang ginamit ay isang thermochromic liquid crystal ink na maaaring magbago ng kulay a y o n

sa esp e -

din

isang a r tipisyal na balat na may kakayahang maglapat ng kulay ayon sa paligid nito. Isang pangkat ng mananaliksik mula South Korea na sina Hyeonseok Kim, Joonhwa Choi, Kyun Kyu Kim, Phillip Won, at Sukjoon Hong na pinangunahan ni Dr. Ko Seung-hwan, isang mechanical engineering professor

ng maliliit na heaters sa loob. M a y k a p a l i t o n g m a s mababa pa sa isang d a a n g mikron na mas manipis pa sa ating mga buhok. Ikinumpara ni Ko ang imbensyon mula sa nakasanayang camouflage uniforms ng mga sundalo na mas madaling mahanap at makilala ang uniporme kaysa sa nagawang artipisyal na balat. Ayon sa kanya, ang pagbabago ng kulay at disenyo ay ang nagsilbing susi sa

naaabot ang angkop na temperatura, ang tinta ay nagbabago ng kulay. Sa kanilang demonstrasyon, ipinakita ng grupo ang pagbalat-kayo ng nasabing artipisyal na balat. Ipinagapang nila ito sa sahig na may iba’t ibang kulay mula pula hanggang berde. Sa pamamagitan ng pagdagdag ng mas marami n g nanowires sa iba’t ibang hugis sa bal a t , m a k a kalikha ito ng mas kumplikadong disenyo. Ipinahayag ng mga mananaliksik na ang imbensyon ay isang malaking hakbang sa teknolohiyang

k t r o o spectrum na nasa paligid nito. Ito ay may pagkakasunod-sunod mula sa itim o black hanggang sa asul o blue. Ang imbensyon ay ginamitan din ng pinagpatong-patong na nanowire heaters gawa sa pilak at isang robot na nakakatukoy sa kulay sa paligid nito na kung saan kahit ano mang kulay ang nakikita, sinusubukan nitong gayahin. Ayon kay Ko, ang impormasyon tungkol sa kulay ay agad na ipinapadala sa microprocessors na nakapaloob din sa imbensyon at sa tuwing

pang-mili t a r . Bukod sa pangsundalo nitong gamit, ang artipisyal na balat ay maaari ding gamitin sa pananamit o fashion at sa itsura ng mga sasakyan at gusali para sa pagpapaganda nito. Ang munting hakbang na ito ay nagpapatunay sa mga kakayahan natin at sa mga walang katapusang mga posibilidad na ating magagawa dito sa mundo.


agham Agham at Teknolohiya

Hakbang Patungo sa

Kinabukasan ATASHA GREGORIO

Sa pagdaan ng panahon, makikita na ang ating daigdig ay unti-unting umuunlad, at isa na rito ang teknolohiya. Mula sa mga pinakaunang kagamitan na gawa sa mga bato, hanggang sa mga gadyet at mga satelayt na nasa kalawakan, talagang matatanaw ang magandang pagbabago sa ating mundo. Noong Agosto 29, 2021 - 3:14 pm (Philippine time), inilunsad ang Maya-3 at Maya-4 Cube Satellites na siya ring kilala bilang kauna-unahang satelayt na binuo sa loob ng isang unibersidad sa Pilipinas.

ZYRONNE GILTENDEZ Sa bawat pagtingala natin sa maringal na kalangitan tuwing gabi, masisilayan natin ang mga kumikinang na mga bituin. Sa bawat kislap sa mga ulap, nagbibigay-ningning sa bawat matang aking nakakasalubong. Isa sa mga nakakaagaw-pansin na liwanag mula sa langit ay ang tanglaw mula sa planetang Venus. Ang planetang Venus ay nakaposisyon malapit sa Sun o araw na mas malapit kaysa sa distansya nito mula sa Earth. Dahil dito, ibinalot ng liwanag ang planeta na nagdulot ng pangalan nitong “evening star” o “morning star”

Ang dalawang cube satellites o cubesats ay ginawa at dinisenyo ng unang pangkat ng mga iskolar sa ilalim ng STAMINA4Space Program: Project 3 – Space Science and Technology Proliferation sa pamamagitan ng University Partnerships (STePUP). Ang proyektong ito ay suportado at pinondohan ng Department of Science and Technology (DOST), na siyang ipinatupad ng UP Diliman kasama ang DOST Advanced Science and Technology Institute (DOST-ASTI). Ang nanosatellite development track

n a nasa ilalim ng Master of Science (MS) or Master of Engineering (MEng) program of the Electrical and Electronics Engineering Institute of the University of the Philippines Diliman (UPDEEEI) ay ipinatupad din sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng Kyushu Institute of Technology (Kyutech) sa Japan at suportang iskolarship mula sa Department of Science and Technology’s Science Education Institute (DOST-SEI). Ang mga satelayt na ito ay gagamitin upang masuri ang mga kalupaan, mga anyong tubig, at mga liblib na lugar sa bansang Pilipinas. Bukod dito, ang dalawang

15 cube satellites ay naglaan ng mga lokal na oportunidad upang matuto at makakuha ng mga kaalaman tungkol sa teknolohiya sa kalawakan, at ang karanasan sa paggawa ng isang satelayt. Ang mga misyon nito ay binuo upang subukan ang mga teknolohiyang maaaring magamit sa susunod na pagkakataon o sa kinabukasan upang magbigay datos o ebidensya na puwedeng gamitin sa ikauunlad lalo ng ating mundo. Ang paglunsad nito ay isang simbolo na nagpapakita na hindi imposibleng makagawa ng isang satelayt sa isang lokal na lugar, lalo na sa isang unibersidad. Ayon nga sa Philippine Space Agency o PhilSA, ang CubeSats ay ang nagsilbing marka sa isang panibagong milyahe sa pag-unlad ng Philippines CubeSat bilang unang pangkat ng mga satelayt na nilikha ng mga Pilipinong inhinyero sa loob ng isang unibersidad.

Ningning sa Kalangitan

sapagkat ito ay isa sa mga pinakamaliwanag sa mga katawang selestiyal sunod sa araw at buwan. Nitong Disyembre 8, 2021, Miyerkules, 12:09 ng umaga, naabot ng planeta ang pinakamaliwanag nitong sinag na umabot sa -4.7 magnitude mula sa sinag nitong -4.3 magnitude. Ayon sa PAGASA, masisilayan ang planeta sa buong buwan ng Disyembre sa timog-kanlurang bahagi ng kalangitan. Maliban sa Venus, maaaninag din natin ang iba pang planeta kagaya ng Jupiter at Saturn Ilan sa mga kadahilanang nakakaapekto sa pagliwanag

ng planetang Venus ay ang distansya nito mula sa Earth at ang kaniyang paiba-ibang yugto o phase kagaya ng buwan. Naaabot ng planeta ang pinakamaliwanag nitong tanglaw kapag ito ay umabot sa yugtong gasuklay o mas kilala bilang crescent. Maliit na bagay man ang pagliwanag ng planetang Venus sa iba, isa itong malaking hakbang

para sa astronomiya at sa mga may pagkawili dito. Sa pagbigay-sinag ng planeta sa mundong ating kinatatayuan, nawa’y mabigyang pag-asa ang iba upang ipagpatuloy ang pagkinang at pagliwanag sa mga bagay na kanilang ginagawa.


agham Agham at Teknolohiya

Gaano nga ba ka Delikado? Mahigit dalawang taon na noong nagsimula ang pagtigil ng pasok, pagsara ng mga establisyemento, at ang pagdami ng nawalan ng mga mahal sa buhay, at hanggang sa ngayon ay hindi pa rin tayo nakakabalik sa normal nating mga buhay dahil sa mas lumalalang pandemya at mga bagong variant na kumakalat sa bansa. Ang B. 1.1.7 o kilala bilang Alpha Variant, ay isa sa mga variant na kailangang alalahanin. Ang Alpha variant ay tinatayang 40-80% na mas madaling makahawa kesa sa wild type na SARS-CoV2,Ito ay unang natuklasan noong Nobyembre 2020 mula sa nakuhang sample noong buwan ng Septyembre sa United Kingdom, at nagsimula na kumalat ng mabilis noong Disyembre 2020, halos kasabay ng pagtaas ng mga impeksyon. Ang variant na ito ay kapansin-pansin din sa pagkakaroon ng mas maraming mutasyon kaysa sa karaniwang nakikita.

Ibinigay ang pangalang “Beta” sa B.1.351 o Beta Variant, hindi para palitan ang siyentipikong pangalan nito kundi bilang isang pangalan na karaniwang tinutukoy ng publiko. Ito ay unang nakita sa Nelson Mandela Bay Metropol i a n t Area ng Eastern Cape, South Africa noong O k tubre 2020, iniulat ng Departamento ng Kalusugan ng bansa noong ika-labing walo ng Disyembre 2020. Iminumungkahi ng pagsusuri ng Phylogeographic na lumitaw ang variant na ito sa lugar noong Hulyo o Agosto ng 2020. Ang P.1 o Gamma Variant naman ay unang natuklasan ng National Institute of Infectious Disease (NIID) ng bansang Japan, noong Enero 6, 2021 sa apat na taong dumating sa Tokyo na bumisita mula Brazil. Sa ilalim ng pinasimpleng pamamaraan ng pagbigay ng pangalan na iminungkahi ng World Health Organization ang P.1 ay pangalan na Gamma Variant at kasalukuyang itinuturing na isang variant na

alalahanin. Ang Gamma ay nagdulot ng malawakang impeksyon noong unang bahagi ng 2021nsa lungsod ng Manaus, ang kabisera ng Amazonas, bagaman ang lungsod ay nakaranas na ng malawakang impeksyon noong Mayo 2020. B.1.617.2 o kilala bilang Delta Variant ay ipinahiwatig ng World Health Organization (WHO) na nangingibabaw na strain ng virus sa buong mundo. U n a itong nakita s a India noon hulig bahagi ng 2020. P i n a n galanan itong “Delta” noong Mayo 31, 2021 at kumalat sa mahigit 163 na bansa sa buong mundo. Ang Delta variant din ang bahagyang responsable para sa nakakamatay na pangalawang alon ng pandemya sa India simula Pebrero 2021. B.1.1.529 o ang Omicron Variant isa sa pinakabagong variant na kumalat sa buong mundo. Ito ay unang nahagilap sa

16

KEANA NEMENIO

South Africa noong ika24 ng Nobyembre 2021, ang variant na ito ay may malaking bilang ng mutasyon, at ito ay nakaka-alarma. Ang Omicron ay mas kilala din ng buong mundo dahil sa bilis nitong makahawa sa kapwa, at naging rason kung bakit ang ibang bansa ay napilitang ipasara ang kanilang mga borders, at higpitan ang mga travel restrictions. Sa dami ng mga lumalabas na bagong variant sa buong mundo, panatiliing malusog at malakas ang katawan, wag kalimutang sundin ang mga patakaran at ang iba’t ibang regulasyon, at magpabakuna dahil iyan lamang ang paraan nating magagawa upang maiwasan ang pagkahawa sa iba’t ibang variants at lumiit ang bilang ng mga nahahawa at namamatay sa sakit na to.


Panitikan panitikan

Sining ni: Edwin Georgi

17

“Tahanan” DIANELLE VARRERA

Naglalakad siya na parang tanga Dahil hindi ka niya nakita Kulay ng kaniyang mundo parang nawala Dahil wala ka sa kaniyang tabi, ang kaniyang sinisinta Napaisip at napaupo siya Wala na ba talagang pag-asa? Pag-asa na sana ay maging kayo At buksan mo muli ang kaniyang puso Akala namin kayo na Pero kami ay parang mga tanga Dahil malabo naman maging kayo Kung iba ang mahal mo Nabigo na naman ang isang dalaga Dahil sa isang binata Ngunit ang dalagang ito ay sanay na Sa sakit na binibigay ng mundo sa kaniya Pumasok ang binata sa isang kwarto Kulay puti ang mga sulok nito Bago niya ipikit ang kaniyang mga mata at magpaalam Ang huling sinabi ay, “Mahal ikaw pa rin ang aking tahanan.”

Mapait Na Nakaraan MALIANA ERISO

Sa dami ng tao na nabubuhay sa mundo, Hindi lang isa o dalawa ang nakakaranas nito, Mga tanong na animo’y basag na salamin na di na mabuo, Walang ibang kayang sumagot kundi mismong puso mo. Sino ba naka imbento ng pagmamahal? Bakit pag nasaktan, paglimot ay kaytagal, Mga nakaraan ay gustong balikan, Ngunit tadhana sayo’y gusto nang kalimutan.

Pag-abot ng Pangarap MARY THERESE DY

Mahigpit na yakap sa mga taong nagpupursige sa kanilang mga pangarap dahil sa ating kasulukuyang hinaharap ay hinding maiwasan tanggapin na napakahirap Ang buhay ang napupuno ng kasukdulan na kapag sa totoong isipin ay walang hanggan kung saan lahat tayo ay ang kagustuhan na magkaroon ng masimong at mapayang kaginhawaan

Ilang buwan na pala, Simula nung nawala ka, Di rin nagtagal diba? Kasi naman, ako lang yung nagseryoso sa ating dalawa. May mga oras na naaalala kita, Pero minsan gusto ko na lang kalimutan ka, Ayoko na kasing mamroblema pa Sa dinami-rami ba naman ng iniisip ko, dadagdag ka pa ba? Bawat pagkurap ika’y naiisip, Pagtanaw, pag-unawa at sa munting pagsilip, Pagsilip sa nakakandadong pinto na pilit binubuksan, At sa pag-asang tuluyan mong winawakasan. Ako’y inalipin mo sa matagal nating pinagsamahan, Ako’y sinunggab mo ng iyong mga palihim na kataksilan. Ngayon, paano na ako lalaban, Na kung yung dating tayo, sayo ay wala ng dahilan?

Napakahalang magkaroon ng matatag na pananampalataya na kahit sa panahon ng ating mga buhay hindi maiwasang umasa kung saan kahit sa mahirap na buhay ay kinakaya para makamit ang pagkaroon ng pag-asa Sa buhay minsan ay nawawalan tayo ng paniniwala kung saan ng reresulta ng awa na mayroong pagkakataon na nawalan tayo ng gana na gumawa Ngunit iniisip natin kung gaano kalawak ang ating pangarap na parang isang lawa Sa buhay kung titiisin ang ating hinaharap Itatag sa ating kaisipan na balang araw ay malalagpasan Kung saan sa kahit gaano man kahirap panatalihin ang pananampalataya sa panginoon hanggang sa walang hanggan

Mula sa: altervista.org


Panitikan panitikan

Mula sa: collegeraptor.com

Buhay Estudyante

18

GLEANAH YSABELLE P. DE ASIS

“Anak, gumising ka na at may pasok ka pa!” rinig kong sigaw ng nanay ko. Oo nga pala, may klase ngayon. Tamad at inaantok akong bumangon upang maligo at mag-almusal. Matapos kong maghanda ay pumunta na ako sa harap ng laptop ko. Habang hinihintay kong magsimula kami ay hindi ko maiwasang kabahan. “Paano kung matawag ako at hindi ko alam ang sagot?” “Paano kung mautal ako sa pagsasagot at mapagtawanan?” ‘Yan ang laman ng isip ko. Kahit paulit-ulit kong sinasabi na ‘wag maging negatibo, hindi ko pa rin mapigilan. Napukaw lang ang pag-iisip ko nang narinig ko ang boses ng guro namin. Ilang oras na rin ang itinagal ng klase at nagsisimula na ang pangangalay ng likod at leeg ko. Palagi ko itong nararamdaman ngunit binabalewala ko na lang dahil kailangan kong magpokus sa pag-aaral. Inaamin kong hindi ko na gusto ‘tong mga nararamdaman ko ngunit wala naman akong mapagpipilian. Sa wakas! Natapos na rin ang klase namin pagkatapos ng ilang oras. Kakain muna ako ng pananghalian bago ko simulan ang mga gagawin para sa hapon. Gustuhin ko mang magpahinga ay hindi ko magawa dahil kailangan ko silang tapusin. Pagkatapos ng ilang oras, malapit ko nang matapos ang mga gawain ko para sa ngayong araw. Ang nasa isip ko ay magpahinga at matulog pagkatapos nito. Isang pangungusap na lang talaga at matatapos na ako! Pinindot ko na ang submit button at sumabay din ang isa malaking ngiti sa aking mga labi. Nagpasya na akong mahiga at magpahinga na. Kalahating oras pa lang ang nakalipas nang marinig kong may bagong notipikasyon sa laptop ko. Nang makita ko kung ano ito ay malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko. Panibagong gawain na naman. At hindi lang isa kundi lima sila. Alam kong magagabihan na naman ako nang dahil dito. Anong oras na at nasa kalahati pa lang ang nagagawa ko sa mga bagong gawain. Habang patagal ng patagal ay nadadagdagan din ang inis ko dahil pagod na ako at hindi ko pa rin sila matapos-tapos. Masakit at parang unti-unti na ring lumalabo ang mga mata ko sa pananatili ng ilang oras sa harap ng laptop. Baka bukas ay masabihan ko na sina nanay na magpasuri kami sa doktor sa mata. “Ano ba yan? Kanina ka pa d’yan sa laptop mo. Ipahinga mo rin ‘yang mata at katawan mo.” rinig kong sabi ng nanay ko. Kanina ko pa gustong magpahinga pero kailangan ko talaga tapusin to’. Baka matambakan ako ‘pag hindi ko ito natapos. Marami akong nararanasang hindi kaaya-aya sa pag-aaral pero lumalaban ako dahil alam kong para rin naman sa kinabukasan ko ito. Alam kong lahat ng mga bagay sa mundo ay may magandang bunga. Malayo ang aking mararating kapag mag-aaral ako nang mabuti. Hindi ko ‘to ginagawa para lang sa sarili ko kundi pati na rin sa Panginoon at sa mga magulang ko. Alam kong gusto nila na magsikap ako sa buhay upang marating ang mga pangarap nila para sa akin at siyempre, ang mga ambisyon ko rin para sa aking sarili. Mula sa: nst.com.my


Panitikan panitikan

19

COVID is REAL HELENA SHEA B. TEMPLADO

Mula sa: wexnermedical.osu.edu

Kahit sinuman ay pwedeng dapuan ng sakit na COVID-19. Ang hindi nakikitang virus ay kumalat na sa buong mundo at marami na ang natamaan nito. Hindi maikakaila na marami na ang nawala dahil sa pagpapabaya. Isa sa mga nadapuan ng nakamamatay na sakit ay ang aking pamilya. Unang tinamaan ang aking ama na nagtatrabaho sa opisina. Isang araw, nagdaing siya na sumasakit ang kanyang ulo at katawan. Hindi namin gaanong pinansin dahil baka trangkaso lang ito na dulot ng panahon. Ang mga sintomas na ito ay dahil na pala sa COVID 19. Lumipas ang ilang araw at lalong lumala ang kanyang nararamdaman kung kaya’t napagpasiyahan ng aking pamilya na mag-isolate muna. Nakaramdam na siya ng lagnat na umabot hanggang 38.7 degrees at pangangati ng lalamunan sa mga sumunod na araw. Hindi na kami gaanong lumalapit sakanya sa takot na may dala siyang virus at kami’y mahawaan. Lumipas ang mga araw at nakaramdam na rin ako ng pananakit ng katawan, ubo at pangangati ng lalamunan. Agad naming tinawagan ang tito ko na isang Doktor. Nagpayo siya na kailangan na makapag-swab ako sa lalong madaling panahon upang malaman kung positibo o negatibo ang resulta para mabigyan ng tamang gamot. Sa sumunod na araw ay nagpa-swab ako at ang resulta ng ginawang test ay malalaman pagkalipas ng 24 hanggang 48 hours. Habang naghihintay sa resulta, ako ay nag-isolate at nag home-quarantine agad. Makalipas ang 24 na oras ay lumabas na ang resulta at ito ay positibo. Ako ay positibo sa COVID 19. Mahirap isipin ngunit kailangang tanggapin. Nanatili ako sa aking kwarto at sa pag-daan ng mga araw ay unti-unti ko ng nararamdam ang sama ng pakiramdaman at ang mga matitinding epekto na dala ng COVID-19 virus sa aking katawan. Ilan dito ay LBM, hirap sa paghinga, ubo, sipon, lagnat, pangangati ng lalamunan at pagbaba ng aking oxygen level. Sabi ko sa sarili ko, “COVID is real”. Labing-apat na araw akong nanatili sa aking kwarto para sa ‘home-based quarantine’ dahil ito ang nakasaad sa health protocol na binigay ng pamahalaan. Nagpa-swab na rin ang aking mga magulang at ang lumabas na resulta ay positibo din sila. Kaming tatlo sa pamilya ko ay sama-samang nag quarantine sa aming bahay. Ang pagvivideocall ang naging tanging komunikasyon ng aking pamilya. Dagdag pa, ang aming mga kapitbahay ay hindi kami pinabayaan. Sila ay tunay na nagmalasakit lalong-lalo na sa aming mga pangangailangan sa pagkain. Hindi sila natakot o nandiri bagkus sila ay kasama namin sa paglaban sa pandemya. Pati ang mga kaibigan at kapamilya na malayo man ay walang tigil sa pagdarasal at pagtawag upang mangamusta sa aming kalagayan. Aming nadama ang tunay na malasakit ng bawat isa, kapamilya man o hindi. Salamat sa diyos at hindi naging malala ang aming kalagayan. Ang pagpapabaya o pagwawalang bahala sa nararamdaman ay hindi dapat ugaliin lalo na ngayong kinakaharap natin ang kalaban na hindi natin nakikita, ang COVID 19. Ang pagbabaliwala ay may dulot na sakuna. Panatilihin ang pag-iingat at sumunod sa lahat ng mga safety protocols. Higit sa lahat kumain ng sapat at masustansiyang pagkain para sa magandang kalusugan. At napakalaking tulong ng pagkakaroon ng bakuna laban sa COVID-19 at hindi namin naranasan ang magkaroon ng malubhang epekto ng nakamamatay na sakit. Sa ating mga frontliners, patuloy kaming nagpapasalamat at sumasaludo sa inyong kabayanihan sa panahon ng pandemya. Inyong ibinubuwis ang inyong buhay para sa mga mamamayan. Mabuhay kayong lahat. Sa ating poong maykapal, Salamat sa paalalang “Fear not, for I am with you” mula sa Isaiah 41:10.

Mula sa: umms.org


Panitikan panitikan

20

Paskong Pandemya JULIANA LINGET

Isa na namang pasko ang ating mapagsasaluhan Pagsilang ni Hesus ay mapupuno ng pagmamahalan Makukulay na parol at ilaw ay muling masisilayan Pagbibigayan ng regalo ay magagampanan Sa selebrasyon ng pasko’y magkakasama ang pamilya Nagpapasalamat sa isa’t isa at nagdadasal sa Ama Karamiha’y abala sa darating na Noche Buena Magkakaroon ng kasiyahan sa kabila ng pandemya Ang selebrasyong ito ay di man katulad ng nakagawian Panahon ng pandemya ay kailangan pahalagahan Ating patibayin ang pananampalataya sa Diyos Upang tayo ay magabayan ng lubos Malamig na simoy ng hangin ay iyong mararamdaman Kasabay ng pag-ihip nito ay mga tala sa kalangitan Tradisyonal na Simbang Gabi ay muling dadaluhan Kasama ang iyong buong angkan Sa darating na pasko ito ay dapat nating tandaan Selebrasyong ito’y di kailangan ng magarbong handaan Pandemya ay nagbibigay ng leksyon lamang Upang ipaalala muli ang ating nakaligtaan

Mula sa: newyorker.com

Ang Sandata Para Pagbabago; Sa Pagbabago

Halalan 2022 DIELO OBILLO

Mga taong naghihirap, mga taong nagsisikap, Umabot sa punto na nawalan ng mga pangarap Kailan ba ito matatapos? Hanggang kailan ba tayo makakaraos? Hahayaan mo lang ba tayong mabigo ng hindi lumalaban? At manatiling mahulog sa bitay ng matinding kahirapan? Ika nga ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan, Ngunit ang bayan na ‘to ay hindi na muling yumaman Sa magulo nating bansa, at mapaglarong tadhana, Maibabalik na ang nawalang lakas at sigla. Mga nawasak na pangarap ay muling mabibigyan ng halaga, Pagboto ng tama ang magiging sandata Kailangan natin ng pinuno na tapat, Na handang magsakripisyo para sa lahat Kung gayon sabay-sabay tayong umangat, Para sa kinabukasang nararapat

Mula sa: tatlerasia.com

Sa kabila ng lahat ng nangyayari, pare pareho tayong umaasa sa pagbabago Pare parehong nagaasam na sa darating na halalan, tama ang iboboto Kaya’t pagpiliang mabuti ang mga kandidato Upang sa mga susunod na taon, tayo ay umunlad at hindi magkagulo


Panitikan panitikan

“Mananatili o Susuko?” ATASHA GREGORIO

Unang pag-uusap ay hindi inaasahan, sapagkat ikaw ay akin lamang sinisilayan. Malayo man ang agwat ay ayos pa rin, basta’t makita iyong mga ngiti’t mga matang nagniningning. Inaamin ko na minsan ko nang iminithi, na ika’y maging akin, oh kay marikit na binibini. Pero sino naman ako para umasam sa ganoon? Sapagkat kaibigan lang ang tingin mo sa akin, hindi ba’t ang saklap n’on? Gumawa ako ng paraan. Nagbigay ng iba’t ibang pahiwatig, parinig at paramdam. Halos araw-arawin ang gawain, medyo nakakaramdam ng pagod ngunit kakayanin, kasi alam ko namang sulit ang paghihirap, para lang makuha ang dalangin at pangarap. Tila lumilinaw ang mga mata, sa tuwing ika’y nakikita sa umaga. Binabati mo ako na may ngiti, na nagbibigay sa puso ko ng kiliti. Oh nako! Delikado na ako, sapagkat hindi ko man lang napansin na nahulog na ‘ko sa’yo. Dumaan ang mga araw, na naging buwan, hanggang sa naging taon. Wala pa ring nagbabago, nandito pa rin ako, naghihintay sa’yo, at umaasang sabihin mong gusto mo rin ako. Araw-araw na nabibigo’t napapagod, unti-unting bumibitaw, hindi na alam kung paano pa magpapatuloy. Mananatili pa ba ako? O susuko na kahit ikaw pa rin ang binibigkas ng puso?

21

“Huli Na Ba Ako?” ATASHA GREGORIO

Nakalipas ang ilang taon, binalikan ko ang mga alaala ng kahapon, sapagkat nitong Disyembre ko lang napagtanto na gusto na rin pala kita, ginoo. Ang kailangan lang pala ay makausap kita muli, para tantuin ang lahat. Ang kailangan lang pala ay makita kita muli, upang aking mga mata’y maimulat. Isang gabi ng pagbabalik-tanaw, kaakibat ang simoy ng hangin na kay ginaw. Naisipang buksan muli ang mga nakaraang yugto, at dito rin dumaloy ang mga silakbo. Paghihinayang, pagsisi’t pighati. Iniisip kung bakit ngayon ko lang nakita, iniisip kung bakit hindi ko maalala. Limang lenggwahe ng pag-ibig. Mula sa mga paghatid, hanggang sa pakikinig ng mga reklamo at mga pagsamo, nand’yan ka sa tabi ko. May mahahabang mensahe na ikaw lang ang nagbigay, May mga pagtapik sa ulo’t paghawak sa ‘king mga kamay. Binigay mo ang iyong oras, gumawa pa ng paraan para makipag-usap. Nang-alok ng kahit ano’t ipinakita kung ano ang totoo. Nakakapanghinayang. Gusto kong magwala, gusto kong magalit, at sisihin ang sarili. Binigay n’ya na lahat, bakit ngayon ko lang napansin? Ngayong ako naman ang nakaramdam ng marahuyo, gusto ko lang namang itanong; Huli na ba ako?


litrato Litrato

Mga BENEPISYO ng

ONLINE CLASS

sa mga ESTUDYANTE MARGARETTE INUMERABLES

Ligtas sa Panganib Dahil sa panahon ngayon, napakadelikadong lumabas ng bahay sapagkat nagtataas ang bilang ng kaso ng COVID, kaya mas nakabubuti para sa mga estudyante na manatili nalang sa bahay upang maiwasan ang mga posibleng peligro.

Pagiging Responsable Ang online class ay nagbibigay ng pagkakataon upang magkaroon ang mga estudyante ng sapat na oras kung saan pwede silang gumawa ng kanilang mga takdang aralin sa kanilang sariling komportableng oras.

Sariling Aliw Mas nakabubuti sa sarili kung merong mga bagay na nagbibigay aliw sa arawaraw na buhay at dahil nasa bahay lamang mga estudyante, ang kanilang mga alagang aso o pusa ang nagbibigay ng ligaya sa kanila kahit sa mahirap na panahon.

Maginhawang Espasyo Dahil nasa kanilang sariling tahanan mga magaaral, maraming oportunidad kung saan maaari silang maglikha ng komportableng lugar para sa klase upang maging maginhawa ang kanilang karanasan ng online class.

22


Pampalakasan pampalakasan TOKYO— Lumahok sa labanan ng 87 kg na pangkat ng weightlifting na pambabae, ang kontrobersyal na atleta mula sa New Zealand, Laurel Hubbard, ay nakamit ang kanyang lunggati sa 2020 Tokyo Olympics. Sa matandang edad na 43 taong gulang, si Hubbard ay ang pinakamatandang katunggali na lumahok sa kanyang pangkat ng weightlifting. Ang kanyang nakakagulat na pagsali sa nasabing kaganapan ay nag-apoy ng matinding debate na inalog ang mundo ng isports. Sa kabila ng kanyang magiting na pagtatangka, si Hubbard ay hindi nakapag-tagumpay ng isang medalya para sa New Zealand. Ang unang pagsisikap ni Hubbard ay ang pag-angat ng 120kg, ngunit nabigo siya sa kanyang pagtangka. Ang dalawang pangwakas na pagsisikap naman ni Hubbard ay ang pag-angat ng 125kg, at muli, nabigo sa kanyang sikap. Subalit sa matapang na paninindigan ni Hubbard- ito ang naging

katapusan ng takbo niya sa 2020 Tokyo Olympics.

“My performance wasn’t what I had hoped, but I’m humbled by the support I’ve received from so many people around New Zealand,” Ipinaalam ni Hubbard sa mga mamamahayag pagkatapos ng kompetisyon. “Of course,

LAUREL HUBBARD First Transgender sa Olympics

LYSANDER TIU I’m not entirely unaware of the controversy which taon upang magbago. “The surrounds my participation pressure of trying to fit into in these Games,” Dagdag ng a world that perhaps wasn’t atleta pagkatapos niyang pi- really set up for people like nasalamatan ang International myself.” ipinahayag ni Olympic Committee (IOC) sa kanyang pagsali. Pagkatapos ng kanyang laban para sa medalya, pinuri at pinasalamatan niya ang IOC. “I commend the IOC

for its commitment to making sport inclusive and accessible,” binanggit ni Hubbard. “I think that they, too, have shown that weightlifting is an activity that’s open to all the people of the world.” idinagdag niya.

Sa kanyang 20’s, sumisikat na bituin si Hubbard sa weightlifting na panlalaki, ngunit tumigil ito habang siya’y nasa tutok ng hagdan at nagkaroon ng puwang ng 15

MGA KAMPEON NG PILIPINAS Pinuri ng isang opisyal ng Palasyo noong Linggo ang mga atletang Pilipino sa Tokyo para sa kanilang pinakamahusay na kampanya sa Olympics matapos mag-uwi ng apat na medalya, kabilang ang kauna-unahang Olympic gold medal ng bansa. Nasungkit din ng mga atletang Pilipino ang dalawang pilak at isang tanso, na nagkumpleto ng pinakamalaking panghakot ng medalya sa bansa mula nang sumali ito sa pinakaprestihiyosong multisport meet noong 1924. Napanalunan ni Hidilyn Diaz ang lahat sa isang women’s weightlifting event, habang ang boxing team ay nakakuha ng bulto ng mga medalya, dalawang pilak mula kina Carlo Paalam at Nesthy Petecio, at isang tanso mula kay Eumir Marcial. “We

23

Tokyo 2020 Olympic Games and made all Filipinos extremely proud,” tugon ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa isang press statement. Pinuri niya ang mga Filipino Olympians sa kanilang mga tagumpay na naglagay sa Pilipinas bilang top-performing na bansa sa Southeast Asia sa bigat ng mga nakuhang medalya. “We

note that the recent Philippine delegation of 19 athletes is the best performing one in our history as more than 20 percent of them was able to achieve a podium finish. This, aside from others who were able to break our country’s records in the sport which they participated in,” idinagdag pa niya. Pinuri ni Panelo si Diaz sa paggawa ng kasaysayan bilang unang gold medalist ng bansa sa loob ng 97 taon. “Highlighted by our

wish to send our congratulations to our Olympians who first-ever gold medal victory performed creditably well in by Hidilyn after nearly a

Hubbard pagkatapos ng kanyang pagbabalik. Ang gintong medalya ay napanalunan ng atleta mula sa China, Li Lenwen. Ang medalyang pilak naman ay inuwi ni Emily Campbell para sa Great Britain. Ang huling medalyang tanso ay kinuha ni Sarah Robles para sa USA. Bagaman na nandito nagtatapos ang landas ni Hubbard sa Olympics, inaasahan niya na ang kinabukasan ay mas-maging bukas magsimula sa kanyang pakikisali dito.

MA. LIANA ERISO hundred years of participation of our country in the Olympics the Filipino athletes have proven that our race is a formidable competitor in the field of sports,” pahiwatig niya.

Mula sa: cnn.com

Ipinakita rin niya ang Kinilala rin tatlong boxing medals na ito niya ang pole vaulter ang sport na bukod-tanging na sina EJ Obiena, galing sa mga Pilipino. “We gymnast na si Carlos Yulo, at specifically congratulate skateboarder na si Margielyn our boxers, Nesthy Petecio Didal para sa “performing and Carlo Paalam, as well creditably” sa pamamagitan as Eumir Marcial, for their ng pagkatawan ng bansa commendable performances sa kani-kanilang sports.

in the Olympics where they got the silver and bronze, respectively. Truly, boxing is one of the sports Filipinos greatly excel in,” sabi ni Panelo.

“Not only do they make us all proud as a nation, but they have also inspired the new generation of the country’s athletes to follow the path Binati ni Panelo ang of excellence trail-blazed mga golfers na sina Juvic by these current sports Pagunsan, Yuka Saso, at Bianca gladiators,” isinaad ni Panelo. Pagdanganan, sa pagiging unang Pinoy na sumabak sa Golf Olympics kung saan malakas ang pagtatapos ni Saso at na-validate ang kanyang kasalukuyang ‘world rank’ sa pamamagitan ng pag-akyat sa ika-siyam na pwesto laban sa 60 kalahok.

Samantala, pinasalamatan din niya ang mga opisyal ng palakasan na tiniyak na ang mga atleta ng bansa ay “well taken care of” sa kanilang paghahanda at kompetisyon.


BUWAN NG WIKA (Liceo Activities) CHELSEY YVONNE MALLARI

Tuwing sumasapit ang buwan ng Agosto, ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Buwan ng Wikang Pambansa na may temang “Filipino at mga Katutubong Wika sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino”. Ating ipinagdiriwang ito taon-taon upang alalahanin at bigyan halaga ang ating kasaysayan at kultura. Ginugunita ito bilang pag-saludo at pagmamahal sa ating bansang Pilipinas na siyang bumuo sa identidad natin bilang Pilipino. Ginanap noong ika-tatlumpu’t ng Agosto hanggang ika tatlo ng Setyembre ang Buwan ng Wika. Ang iba’t-ibang mga kompetisyon para sa selebrasyong ito ay sinalihan ng mga koponan (houses) ng Liceo De La Salle. Bawat koponan ay may mga kinatawan na naglabanan sa iba’t ibang aktibidad na ginanap noong Buwan ng Wika. Noong Agosto 30, 2021 ay nagkaroon ng Lasallian Press Conference kung saan nakibahagi ang mga kalahok ng bawat koponan sa zoom. Ito ang iba’t ibang kategorya na kanilang sinalihan: Balita, Editoryal, Lathalain, at Pagdidibuho. Ang Koponan ng Rheims ang naging kampeon sa kategorya ng Balita habang ang Kampeon naman sa kategoryang Editoryal ay ang Koponan ng Paris. Ang Koponan ng Parmenie naman ang naging kampeon sa kategoryang Lathalain at Pagdidibuho. Sa ikalawang araw ng Buwan ng Wika, nagkaroon ng patimpalak kung saan lahat ng koponan ay nakipag-tunggalian sa larangan ng pagkanta ng orihinal na musikang pinoy na may temang “Panitikang Nasyonal: Bigyan natin ng diin at dangal” Sa vocal solo na ito, ang naging kampeon ay si Edrian Kyle Verzosa mula sa Koponan ng Rheims. Gamit ang mala-anghel na boses, nagpakitang gilas naman ang mga pares ng bawat koponan sa

ginanap noong Setyembre 1, 2021. Dahil sa magagandang tinig nina Therese Beatriz Law-a at Thea Beatriz Law-a, naipanalo nila ang patimpalak na ito para sa Koponan ng Paris. Sa ikalawa at ikatlong araw ng Buwang ng Wika, ang aktibidad na ibinigay ay may kaugnayan sa mga boses kung saan ang mga kinatawan ay nagbigay husay at nagpakita ng galing sa pagkanta. Noong Setyembre 2, 2021 nagkaroon ng isang paligsahan sa paglikha ng mga poster. Bawat bahay ay gumawa ng paskil sa tauhang nais nilang gayahin na tinatawag na isang ‘Karakter impersonasyon poster’. Ito’y inaasahan na maging daan upang bigyang-diin at dangal ang mga Pilipinong akda, gayundin sa paggunita ng kahalagahan ng ating wika. Si Danielle Marie Bancal mula sa komponan ng Paris ang naging kampeon sa paligsahan na ito. Sa huling araw ng Buwan ng wika, ang huling aktibidad ay tinawag na ‘Karakter impersonasyon video’ at si Georgeth Katrina Ciocon mula sa Koponan ng Rouen ang naging kampeon sa paligsahan na ito. Ang tema ng Buwan ng Wika ay makabuluhan at napapanahon sa sitwasyon natin ngayon dahil ang medya ay may malaking impluwensya sa pag-iisip ng isang estudyante kung saan nagdadala ito sa kolonisasyon ng pag-iisip ng mga Pilipino, dulot ng kanilang paniniwala na hindi sapat ang pagiging Pilipino at dapat maging parte sila ng ibang malalaking bansa na dating sumakop sa ating bansa. Sa pamamagitan ng selebrasyon ng Buwan ng Wika ng ating eskwelahan, nais ng aktibidad na ito na baguhin ang kolonyal na kaisipan na nakatanim sa utak ng mga Pilipino. Sa loob ng maikling panahon, nasaksihan natin kung paano ipinakita ng bawat koponan ang kanilang mga kakilakilabot na talento at kasanayan sa mga kaganapan sa Buwan ng Wika, na nilagyan ng kanilang kumpiyansa at sigla para manalo.

Layag Ang

Ang opisyal na publikasyong Filipino ng University of Saint La Salle-Integrated School • Akademikong Taon 2021-2022

N E O N Kauna-unahang Pilipinong Ahente ng VALORANT “Halika na, we can do this.”

—Neon

LYSANDER TIU Inilunsad ng Riot Games (mga developer ng tactical

team-based 1st-person shooter game, VALORANT), ang

kanilang panibagong ahente na si Neon, at ang mga tagahanga ng laro ay tuwang-tuwa upang sa wakas ay nakatanggap ng pinaka-unang representasyon ng kulturang Pilipino sa laro. Isang kislap sa gitna ng labanan na kasing bilis ng kidlat! Ang mga tagahanga ng bagong ahente ay naka-kuha ng kanilang unang tikim sa isang cinematic na pinamagatang, “Spark”, kung saan ipinakita ang matibay na pagkatao at marangya na kakayahan ni Neon. Ang buong komposisyon ni Neon ay nakasalalay sa kanyang tulin sa labanan. Hango sa tema ng kidlat at kulog, ang unang abilidad (Fast Line) ni Neon ay lumilikha ng dalawang nakapanghihilakbot na hadlang mula sa kanyang mga kamay na nakakahamak ng mga kaaway na dumaan dito. Ang ikalawang abilidad (Relay Bolt) naman ni Neon ay nagbibigay-daan sa kanyang mga makapangyarihan na ‘projectile’ na tumatalbog ng hanggang dalawang beses upang tarantahin ang mga kaaway. “Ayos! That’s how we do it!” Dumulas sa gitna ng labanan gamit ng kanyang ikatlong abilidad (High Gear), ang panghuling abilidad (Overload) ni Neon ay lumilikha ng kuryente mula sa kanyang mga daliri upang tapusin ang laban. “I really

Neon feels like an actual Filipino and I love how she’s not just full of stereotypes. It just shows that there are actual Filipinos who work on her behind the scenes and that’s how you create authentic representation, have people of that race, of that culture, involved.” Puna ng boses ni Neon, Vanille Velasquez, tungkol sa kanyang opinyon sa representasyon ng karakter sa laro.

“It was online and I had to audition twice. They were a month apart, the first one was in March 2021. I remember Riot calling me back on my dad’s birthday, so maybe that was my good luck charm. I recorded my audition lines at home like I usually do, in my mom’s walk-in closet. The developers were on call, I didn’t even see their faces, di rin nila ako nakikita, it was an audio-only affair.” Dagdag

ni Velasquez tungkol sa kanyang landas papunta sa kanyang posisyon sa laro.Ipinahayag ng Riot Games na si Neon ay maaaring laruin na ng mga tagahanga ng VALORANT magsimula ng Act One,

loved how they crafted her. Episode Four She just really feels authentic. ng laro.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.