SIAS: Sinag at Alpas

Page 1

ANG LAYAG

TOMO 18, BILANG 2

SIAS: SINAG AT ALPAS


PAUNANG SALITA Taong 2020 ay nasindak tayo sa isang napakasaklap na pangyayari na binago ang takbo ng buhay sa panahong ito. Mayroong nahirapan, patuloy na naghihirap, gayundin ay mga pangkat ng taong unti-unting nakasasabay sa panibagong normal sa pamamagitan ng iba't ibang mga paraang kanilang naiisip gawin upang makatustos sa pangangailangan. Marami ring mga 'di pagkakaintindihan sa pagitan ng mga mamamayan ang umusbong, napakalaki ng bilang ng mga buhay na nawala ngunit tulong-tulong pa rin tayo upang lahat ay guminhawa ang kalagayan mapa pinansyal man, pisikal o pang-isipan. Layunin ng magasing ito na ipakita ang mga kakaibang anyo ng pagbabagong nangyari mula sa ating paaralan gayundin sa mga personal na pamumuhay ng ilan sa mga kontribyutor at patnugot ng publikasyong ito sa gitna ng pandemya. Nais namin na ibahagi kung paano ba at paano na ngayon namumuhay ang mga lubos na naapektuhan ng dagok na ito. Ano nga ba ang pinagkakaabalahan ng karamihan sa atin ngayon at ano ang kinaibahan nito mula sa ating nakasanayang pamumuhay noon? May pagkakataon pa ba upang makabalik tayo sa dati, o panahon na ba upang tayo'y umusad?


Pamatnugutan Punong Patnugot: Alexa Chua | Ikalawang Patnugot: Jasper Laguitan, Reiben Denaga | Tagapamahalang Patnugot: Bea Besa, Dianelle Varrera Mga Manunulat: Gleanah de Asis | Asia Agsam | Ashley Britania | Alyssa Cabrera | Jireh Cartel | Jed Cuadra | Jeri Espinosa | Eaya Estores | Ma. Liana Eriso | Zyronne Giltendez | Marianne Javier | Ariana Lim | Christine Mangubat | Kristen Morales | Jay Olayra | Giada Padilla | Kciarah Patrata | Jelane Sorallo | Lysander Tiu Taga-Dibuho: Paul Estrope | Mga Litratista: Reiben Denaga, Elysha Pinlac | Mga Taga-Anyo ng Pahina: Mary Lademora, Reiben Denaga, Reanna Villanueva

Tungkol sa Pabalat HUDYAT NG LIWAYWAY. Karalitaan, kapinsalaan, at kamatayan. Mistulang nababalot sa karimlan ang mundo natin ngayon, lalo na't lumiligalig ang pandemya sa ating pamumuhay. Bumago at patuloy na bumabago ang mga buhay natin; baluti rito, pagkwarantenas doon. Nakapiit tayo sa ating mga bahay. Minsa'y napapaisip tayo kung sadyang mananatili na lang ba tayo rito. Ngunit, matatanglawan din tayo sa huli. 'Di ba't sa bawat gabi'y lumulubog ang buwan upang ihalili ng araw? Manalig ka, kaibigan, at salubungin ang sinag ng bagong umaga. Umalpas sa rehas ng pandemya.


SINAG

18

Galerya ng mga Alaala

8

13

Mga Libangan Kontra Kabagutan

Darating din ang SInag ng Sining

10

14

20

11

15

24

12

16

Paano Diligan ang Ating Binhi

Pagbabayanihan sa Bagong Normal

Mga Nagbibigay Kulay sa Mundo

PAGSALUHAN: Bangketang Pilipino

Bulaga, Mga Alaga!

Star ng Pasko: Pagtagpo ng Jupiter at Saturn

Biyaheng PabalikPasulong

19

Mga Samu't Saring Rebyu

Usad Tungo sa Bagong Buhay


34

28

PagbabalikPahina

30

39

Susi sa Kalayaan Mula sa Kahirapang Nararanasan

Paglipas ng isang taon, bakit lumalala pa ang sitwasyon ng Pilipinas laban sa COVID-19?

36

40

37

42

Pag-Alaga sa Sarili sa Kabila ng Pandemya

Agwat

Klasikong Pilipino: Mga Larong Nakasanayan

Alagaan ang Pangangatawan: Pageensayo sa Tahanan

Tiktok Tiktok Ang Sabi ng Clock

32

38

43

Ang Pagbaballik-Tanaw sa Publikasyong Ang Layag

33

Nakaraan: Dapat Bang Balikan o Kalimutan?

Opinyon ng Masa

Buhay pa rin ang Saya

ALPAS


I L G KA A N A W I L G KA A N A W I L KA A N A W I L KA A N A W I L KA A N A W I L KA N A W I L A K N A W I L A K N A


N A G N A G N A G A N A G A N A AG N A G A N N A G A N N A G A N

SINAG

Lumabas ka't damhin ang tirik ng araw sa pagpatak ng alas dose. Tingnan ang mga nakatago sa lilim; kalaunan, sila ay maiilawan din. Tumingin ka sa mundong iyong kinagisnan, datnan mo ang mga bumago, at ang mga detalyeng 'di mo noon masagap. Buksan mo ang iyong mga mata sa SINAG.


Isinulat ni: Jasper Laguitan Sining ni: Reiben Jay Denaga

P

lorera dito, plorera doon. May mga nakasabit sa bubong at mayroon ding nakalagay sa loob ng bahay. Madalas nang itanong ng karamihan sa atin sa ating mga sarili kung tunay nga bang nasa isang bahay pa o kung nasa gubat na tayo. Karamihan sa ating mga magulang at maging tayo rin ay namasukan na bilang mga tagapagtanggol at tagapag-alaga ng mga halaman. Arawgabi tayong may nakikitang nakatutok sa pagdidilig ng mga tanim, paghahanap ng mga kakaibang halaman sa Internet, at paglalagay ng mga palamuti sa mga hardin. Ang kulturang ito ng mga plantito at plantita ay pumatok nang magsimula ang pandemya. Ito na ang nagsilbing pantanggalpagod at stress ng maraming tao. Marami na ang nahumaling sa pag-aalaga ng mga halaman. Madalas na rin itong nagiging pangunahing gawi ng nakararami ngunit bukod sa mga luntian at namumulaklak na mga tanim na ito, mayroon pang isang halamang kailangan nating pangalagaan lalo na sa panahon ngayon. Ito ang binhing natatangi sa bawat isa sa atin—ang ating kalusugang pangkaisipan. Normal lamang ang pagkakaroon ng pakiramdam ng 8 | SIAS: SINAG AT ALPAS

kawalang-katiyakan, pag-aalinlangan, pagkabahala, at lungkot sa oras ng mga sakuna gaya ng pandemya. Dahil na rin sa mga pagbabagong dala ng malawakang mga lockdown sa buong mundo, nadaragdagan ang mga damdaming ganito. Ang mga pangyayaring tulad nito ay may kaakibat na stress; ang labis na stress ay lubhang nakasasama sa kalusugan ng isang tao. Bilang tugon dito, marapat na magkaroon ang bawat isa sa atin ng mga coping strategy. Ang mga ito ay nakatutulong sa pagpapagaan ng mabibigat na damdaming maaaring maranasan lalo na sa mga panahon ng kawalang-katiyakan tulad ngayon. Kagaya ng mga halaman na patuloy nating dinidiligan upang hindi matuyo ang mga dahon, mahalagang pangalagaan natin ang ating isipan para maiwasan ang labis na emotional stress at burnout. Narito ang ilang mga mungkahi sa pagdidilig sa binhi ng ating isipan. Tandaang paiba-iba ang natitipuhan ng bawat tao; hindi ibig sabihin na kung gumagana ang isang paraan sa iba ay magiging mabisa rin ito para sa iyo. Tandaan ding hindi ako bihasa o eksperto o ano man sa larangan ng kalusugang pangkaisipan; pawang mga suhestiyon lamang ang mga ito. TOMO 18, BILANG 2


NORMAL LANG ANG MAGKAROON NG PAKIRAMDAM NG KAWALANGKATIYAKAN, PAG-AALINLANGAN, PAGKABAHALA, AT LUNGKOT SA MGA ORAS NG SAKUNA GAYA NG PANDEMYA.

Ugaliing magpahinga mula sa panonood, pakikinig, at pagbabasa tungkol sa pandemya. Habang importante nga ang manatiling may alam at kamalayan ukol sa mga pangyayari ngayon, ang labis na pagtutok sa midya ay nakapagdudulot ng stress. Sa katunayan, ayon sa pag-aaral nina Riehm et al. sa Estados Unidos, ang mas matagal at malawakang pagtutok sa midya ay may kaugnayan sa pagkakaroon ng mental distress sa panahon ng pandemya. Upang maiwasan ito, subukang sanayin ang sarili na magkaroon ng social media detox o ‘di kaya’y digital detox kada linggo. Nakatutulong ito upang maibsan ang mabibigat na damdaming maaaring makuha mula sa pagtutok sa midya. Mainam din ito sa pagiging mas present-minded at grounded ng ating isipan. Maghanap ng mga gawaing iyong natitipuhan o balikan ang mga libangan mong matagal mo nang hindi nagagawa. Ang pagkakaroon ng libangan ay isa ring mainam na coping strategy. Maraming mga pagsusuri at pag-aaral na ang nakapagpatunay na ang paglilibang ay maiuugnay sa mas mababang posibilidad ng pagkakaroon ng stress at mood disorders. Ayon sa mga siyentipiko mula sa Bagong Silandiya, ang pagsali sa mga creative behavior tulad ng isang libangan ay nakapagpapabuti ng kaayusan at kalusugan. Kalakip nito ay ang 9 | SIAS: SINAG AT ALPAS

mga gawaing may kinalaman sa sining, musika, ehersisyo, akademiko, o personal.

mahihiyang humingi ng tulong mula sa mga propesyonal.

Panatilihing maayos at malusog ang sarili.

Subukang makipag-ugnayan sa mga counselor sa paaralan. Maaari din silang magrekomenda ng iba pang makatutulong gaya ng mga sikolohista at saykayatrista. Tandaang hindi isang karuwagan ang paghingi ng tulong propesyonal. Ang mga taong tulad nila ay handa ring tugunan ang ating pangangailangang pangkalusugan at isa na rin dito ang ating kalusugang pangkaisipan.

Marahil ay na ilang beses na natin nakikita o naririnig ang pariralang “self care.” Isa rin itong epektibong paraan para mapabuti ang lagay ng ating kalusugang pangkatawan at maging ang pangkaisipan. Narito ang ilang halimbawa ng self care o pangangalaga, pagpapaayos, at pagpapalusog ng sarili: 1. Siguraduhing sapat ang tulog na nakukuha bawat gabi. 2. Manatiling hydrated sa pamamagitan ng pag-inom ng sapat na baso ng tubig. 3. Ugaliing kumain nang wasto. 4. Matuto ng mga relaxation techniques tulad ng yoga at meditation at subukang gawin ito araw-araw. 5. Sanayin ang pagkontrol sa emosyon sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga damdaming nararamdaman sa iba’t ibang sitwasyon. 6. Subukang magkaroon ng journal o diary o talaarawan kung saan maaari mong isulat at ipahayag ang iyong mga nararamdaman sa isang wastong paraan. 7. Subukan ding makipag-usap sa malalapit na kapamilya o kaibigan. Mainam din ang pagkakaroon ng support system lalo na sa panahon ngayon. Kapag hindi epektibo ang mga coping strategies na nasubukan, huwag

Kung tutuusin ay may mas marami pang mga coping strategy sa mundo. Natatangi ang mga ito sa bawat isa sa atin kaya huwag nating pilitin kung hindi ito epektibo. Tulad din ng pangangalaga sa mga tanim sa ating mga hardin, iba-iba ang paraan ng pag-aalaga sa mga ito depende sa kanilang uri. Kung patuloy nating didiligan at aalagaan ang ating mga binhi sa sarili nating mga plorera, tiyak na mamumukadkad ito sa isang halamang may makukulay at matitingkad na bulaklak. Ang ating isipan ay kawangis din nito: kung patuloy natin itong aalagaan kasama na ng ating pisikal na kalusugan, mas bubuti ang ating kalagayan at mas titingkad ang ating pananaw sa buhay. Mas pahalagahan na sana natin sa ating mga hardin ang sarili nating mga plorera o ang ating kalusugan. Siguraduhin nating nadidiligan ang binhi nito araw-araw at nang lumaki itong malusog, makulay, at masagana. TOMO 18, BILANG 2


ALSA BAGONG NORMALSA ANPAGBABAYANIHANPAGB ALSA BAGONG NORMALSA HAN PAGBABAYANIHA Isinulat ni: Bea Besa Sining ni: Reiben Jay Denaga

M

ula noong nagsimula ang pandemya, pinagbawalan na na ang mga pagkikita at ang pagpunta sa paaralan upang manatiling ligtas ang bawat isa. Gayunpaman, paghiwalayin man ng pandemya ay hindi pa rin nawawala ang kabutihan sa puso ng mga Lasalyano para tumulong at makiramay sa mga kapwang nangangailangan. Patuloy pa rin ang paghihikayat ng mga mag-aaral sa iba’t ibang social media platforms para sumaklolo sa mga kapwang nangangailangan ng tulong sa pamamagitan ng mga donation drives sa bagong normal. Isa sa mga donation drives na inilunsad ng mga Lasalyano ay ang "Together We Can Overcome - House of Cody Batch Donation Drive" ng baitang 10. Ito ang naging panawagan ng baitang 10 para tumulong sa mga kapatid na lubos na naapektuhan ng pandemya. Isinagawa ito noong Oktubre 2020 sa pamamahala ng Baitang 10 Batch Officers at IS Balayan kung saan ang mga natipong donasyon ay ibinahagi sa iba’t ibang charity homes. Inilunsad naman ang “Lasalyano para sa Pilipino: A Cash Donation Drive for the Typhoon Victims”, noong Nobyembre 2020 na isang kolaborasyon ng Integrated School-Student Affairs Council (IS-SAC), Liceo de La Salle - Student Activities

10 | SIAS: SINAG AT ALPAS

Sinisimbolo ng mga ito ang pagiging makabayan at matulungin ng bawat Lasalyano.

Council, at Association of Clubs Organizations of Liceo de La Salle. Naging layunin ng donation drive na ito ang tumulong sa mga Pilipinong naapektuhan ng mga sunod-sunod na pagbagyo. Isinagawa naman noong Enero ang “IS para sa CADIZ”, isang pakikipagtulungan ng University of St. La Salle – Integrated School sa Bulig Cadiznon, JD Productions, IS SAC, at Integrated School Parents Association. Naging panawagan ito para tulungan ang mga pamilya sa Hacienda Aslum, Barangay Daga, Cadiz City, na lubos na napinsala ng mga pagbaha sa Hilagang Negros. Ang iba’t ibang mga donation drives na nabanggit ay ang naging paraan ng paaralan upang maghatid ng tulong sa mga kababayang nangangailangan. Sinisimbolo ng mga ito ang pagiging makabayan at matulungin ng bawat Lasalyano. Harangan man ng mga pagsubok, hindi pa rin nawawala ang pagmamalasakit sa puso ng bawat isa. Kahit may hinaharap man na pandemya ay handa pa ring tumulong at umagapay sa mga kapwang nangangailangan. Ito ang mga naging paraan ng mga mag-aaral upang dumamay sa kapwa sa bagong normal, na nagpapatunay lamang na palaging mangigibabaw ang katatagan at pagmamahalan sa bawat isa kahit harapin man ng mga problema.

TOMO 18, BILANG 2


A

Natututo ang mga tao na palawakin ang kanilang imahinasyon hanggang sa puntong dumami na ang mga “fashion designers” sa mundo.

A A

Mga Nagbibigay Kulay sa Mundo

N

agsimulang umusbong ang pagiging malikhain ng mga Pilipino noong nagsimula ang pandemya. Iba’t ibang paraan ng pananamit ang kanilang nadiskubre at dahil dito mas naging makulay ang ating mundo. Bago nauso ang pananamit ngayon, balikan muna natin ang pananamit noon. Ang pananamit noon ay hango sa pananamit ng mga Kastila. Ang mga babae ay naka baro’t saya at kung may mga okasyon sila ay nakasuot ng Filipiniana. Ang mga lalaki naman ay nakasuot ng damit na hango sa disenyo ng pananamit ng mga katipunero at kung may mga okasyon sila ay naka barong. Kaunti ang mga disenyo ng damit noon ngunit napakaganda ng mga kulay nito. Paano nga ba nagbago ang pananamit ng mga tao habang lumilipas ang panahon? Habang tumatagal, natututo ang mga tao na palawakin ang kanilang imahinasyon hanggang sa puntong 11 | SIAS: SINAG AT ALPAS

Isinulat ni: Dianelle Varrera Sining ni: Reiben Jay Denaga dumami na ang mga “fashion designers” sa mundo. Sa ngayon, hindi lang ang mga sikat na tao sa showbiz ang marunong pumili ng damit, pati na rin yung mga taong namumuhay nang payapa araw-araw. Una, ang pagpares ng kulay ng damit at face mask. Hindi maiwasang isipin na minsan ang mga face masks na kulay asul ay hindi nababagay sa mga sinusuot na damit ng tao. Marami na ang bumibili ng iba’t ibang kulay ng masks upang ipares ito sa kanilang susuotin sa araw-araw. Magastos man ang pagbili ng mga ito pero kung ano ang patok sa Pilipinas, susundin din ito ng mga tao. Lagi lang tandaan na may mga masks na

hindi epektibo dahil kahit suot mo ito malaki pa rin ang posibilidad na mahawaan ka ng COVID-19. Isa sa mga face mask na naging patok sa mga Pilipino ay ang mga cloth masks. Marami ang bumibili dahil may iba’t ibang kulay ito. Ang hindi alam ng mga tao ay kahit face mask ang tawag dito hindi ito makakaprotekta sa kanila. Ayon sa World Health Organization, kapag suot ang mask na ito dapat ang pagkakagawa nito ay may tatlong layers upang maiwasan na magkaroon ng “direct contact” ng laway ng taong kinakausap. Kung saan mas makakamura, doon bumibili ang mga tao. Tama nga naman ang ganitong pag-iisip, pero sa pagbili ng mga bagay na makakaprotekta sa kanilang kalusugan, hindi ito tama. Ikalawa, naging malaki ang impluwensya ng online apps sa mga tao dahil marami silang nakuha na ideya kung ano ang isusuot kapag lalabas ng bahay. Alam naman ng lahat na ang modernong panahon ngayon ay umiikot sa paggamit ng teknolohiya. Maraming kabataan ang gumagamit ng mga online apps upang makabili ng iba’t ibang damit. Isa sa mga patok na online store ay ang Shein. Napakarami ng disenyo ng mga damit ang nasa app ito na pero isa sa mga naging isyu tungkol sa Shein ay ang pagkopya ng mga disenyo sa ibang brands. Marami ring mga damit ang makikita sa Shopee o Lazada at minsan mas pinipili na lang ng mga tao na dito bumili dahil mas makakamura sila. Panghuli, naging patok ang pagsusuot ng itim na face mask. Karaniwang sinusuot ng mga tao ang surgical face mask na kulay asul pero dahil may mga pagkakataong hindi ito nababagay sa mga damit na sinusuot ng mga tao, nauso ang pagsuot ng itim na face mask. Ang itim na kulay ay nababagay sa kahit anong kulay ng damit. Naging patok din ito sa mga tao dahil ginagamit ng kanilang mga idolo kagaya ng Kpop idols ang ganitong mask. Ayon sa isang artikulo, ang pagsuot ng ganitong mask ay hindi naman masama kapag ang mga materyales na ginamit dito ay nakakaprotekta sa iyo. Ang mga materyales na dapat gamitin ay ang mga materyales na ginagamit sa paggawa ng surgical face mask kung saan nakahahadlang ito sa mga patak ng dugo, likido sa katawan, at iba pang naaangkop na medikal na kapaligiran sa pagtatrabaho. Ang pananamit ng tao ay isa sa mga bagay na nagbibigay kulay sa mundo. Kahit may pandemyang nangyayari, napanatili ng mga Pilipino na masaya ang kanilang buhay kahit sa ganitong paraan kung saan ginugugol nila ang kanilang oras sa mga damit. Nagbibigay ito ng lakas ng loob sa mga taong nanghihina o walang kumpyansa sa kanilang mga sarili. Napapalawak ng tao ang kanilang imahinasyon kahit sa simpleng pagpili lamang ng damit na kanilang susuotin sa araw-araw. Isaisip lang na hindi lahat ng bagay mundo ay nagtatagal. Ang mga sikat na pananamit sa ngayon ay hindi magiging sikat sa susunod na henerasyon. Marami pang maiisip na bago ang mga Pilipino at sana ang pagbabago na ito ay tutulong din sa pag unlad ng bansang Pilipinas. TOMO 18, BILANG 2


PAGSALUHAN: Bangketang Pilipino Isinulat ni: Shane Morales Sining mula sa Flaticons

alang okasyong Pilipino, gaano W man kalaki o kaliit, na kung saan ang pagkain ay hindi itinuturing haylayt

ng selebrasyon. Nasa ating kultura bilang mga Pilipino ang paghahanda ng maraming pagkain tuwing nagkakaroon tayo ng mga salu-salo, lalo na kapag ipinagdiriwang natin ang kapistahan, kaarawan, at iba pa. Dahil dito, ang pagkain ay talagang malaking bahagi ng ating kultura. Maliban doon, ang ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino ay masasalamin din sa ating mga pagkain. Hindi lamang ito nagpapakita ng ating talento sa paglikha ng iba’t-ibang mga putahe; nagpapakita rin ito ng ating kahusayan sa pagluluto. Bakit nga ba mahilig ang mga Pilipino sa pagluluto? Ang pagluluto ay isang mahalagang bagay para sa atin sa araw-araw dahil mayroong ibang taong nakakakita ng hanapbuhay rito. Nakapagpapatayo sila ng mga karinderya at restawran para makatulong sa sarili nilang pamilya. At higit sa lahat, hinding-hindi mawawala ang tradisyunal na pagkaing Pilipino dahil patuloy pa rin itong ginagawa sa mga lokal na pinagkakainan. Ngunit nang inanunsyo ang community lockdown isang taon ang nakalipas, halos lahat ng

establisyemento ay nagsimulang magsara dahil sa COVID. Dahil dito, naging limitado na ang paglabas at pagpunta sa mga restawran kaya iba’t ibang pagkaing madaling gawin sa bahay ang nagsimulang maging tampok nang nangyari ito. Isa sa mga pinaka tampok na inumin simula nang nangyari ang lockdown ay ang Dalgona Coffee. Ang pangalan nito ay nagmula sa dalgona, isang matamis na pagkain mula sa Timog Korea, dahil sa pagkakahawig nito sa panlasa at anyo. Ang inuming ito ay ginagawa sa pamamagitan ng paghahalo ng instant na kape, asukal, at mainit na tubig na pagkatapos ay inilalagay sa ibabaw ng malamig na gatas. Isa pang pagkain na naging kilalang-kilala ay ang Ube Cheese Pandesal. Ito ay isang pagbabago na ginawa sa ordinaryong pandesal, sa pamamagitan ng pagdaragdag ng ube flavoring o ube extract. Maliban dito, nilalagyan din ito ng keso sa loob, na natutunaw kapag ito’y naluluto na. Ito ay pwedeng ipares sa kape para sa agahan, o maaari rin itong kainin bilang merienda. Nakaaaliw din ang anyong panlabas na ito dahil nagiging kulay lila ang mga pandesal dulot ng inilagay na ube.

Panghuli, ay ang Sushi Bake. Ang sushi ay isang pagkaing mula sa Hapon, na gumagamit ng isda (hilaw o luto) at mga gulay na madalas isinasama sa malagkit na kanin na tinimplahan ng suka. Ngunit dahil sa nangyaring pandemya, maraming tao ang nakapagimbento ng mas malaking bersyon nito: Ang Sushi Bake. Ang mga sangkap nito ay katulad ng nasa sushi; ang pagkakaiba lamang ay ito ay inihain sa isang kaserola. Ito ay kinakain sa pamamagitan ng paglalagay nito sa isang nori sheet. Nakatatakam din ang pinatunaw na keso sa ibabaw nito na siyang nakaaakit sa mga kostumer. Dahil sa kalakihan nito, ito ay maaaring ibahagi sa pamilya at mga kaibigan. Simula nang mangyari ang pandemya, ang mga tao ay nakakita ng mga paraan upang makapaghanda ng iba’t ibang pagkain para maibsan ang takot dulot ng COVID. Dahil naging limitado ang paglabas natin mula sa ating mga tahanan, ang mga tao ay nagsimulang lumikha ng mga bagong imbensyon ng pagkain gamit ang kung ano ang mayroon sila sa bahay. Kaya dahil sa mga ito, mas naging mabuti ang ating quarantine at hindi natin masyadong naramdaman ang pagkabagot sa pananatili sa bahay.

Ang ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino ay masasalamin din sa ating mga pagkain. 12 | SIAS: SINAG AT ALPAS

TOMO 18, BILANG 2


Mga Libangan Kontra Kabagutan Minsan, dapat tayo ay maglaan ng oras para sa isang aktibidad na nakakaaliw. Isinulat ni: Giada Padilla Mga Kuha ni: Elysha Pinlac

P

ampalipas oras, ito ang tawag sa mga gawaing simple pero makabuluhan lalo na kapag ginagawa sa sariling pamamahay nag-iisa man o may kasamang kaibigan o pamilya. Maaari din itong mga bagay na kinagigiliwang gawin. Isa rito ang pagluluto, naging sikat ito lalo na sa panahon ng pandemya. Naging malikhain ang mga tao sa paggawa ng kanilang pagkain dahil marami silang panahon para gawin ito. Ang mga nilutong pagkain ay pwedeng gawing negosyo at ito ay magagamit rin sa paggawa ng “food blogs” kung saan pwedeng ilagay ang mga “instagrammable” pictures na iyong kinuha. Ang isa pang magandang pampalipas oras ay ang pagtatanim ng mga halaman lalo na sa mga ina ng tahanan. Masaya sila kapag nakikitang lumalago at malusog ang kanilang mga tanim. Ang mga halaman ay makadagdag ng ganda sa paligid, sa labas man o sa loob ng iyong bahay. Pandekorasyon, halamang gamot, at mga gulay, ano mang uri ng halaman ay siguradong ito ay may benipisyo sa atin. Sa mga kabataan naman ay patok ang panonood ng K-drama. Malaking oras ang ginugugol dito pero naaaliw

13 | SIAS: SINAG AT ALPAS

ang kabataan sa tuwing idolo nila ang bida. Minsan nagiging inspirasyon din nila kapag maganda ang istorya. Naging ugali ng mga kabataan ang pag “binge-watch”, lalo na’t madalas ay nasa bahay lang sila at ilang kabanta ang matatapos sa isang upo lamang. Lahat ng ito ang magagawa at ma-e-enjoy kapag may libreng panahon matapos ang opisina o mga takdang aralin ng mga estudyante. At dahil tayo ay nasa bahay lang, importanteng ito ay panatilihing malinis. Ang simpleng pagwalis ng sahig, paghugas ng pinggan, at pagtapon ng mga basura ay pwedeng maging pampalipas oras. Ito ay makakatulong sa pagprotekta sa ating pamilya laban sa iba’t ibang mga sakit at mapanatiling maganda at komportable ang ating mga tahanan. Minsan, dapat tayo ay maglaan ng oras para sa isang aktibidad na nakakaaliw at magpahinga mula sa trabaho at pag-aaral. Ang mga ito ay pwedeng gawin kasama ang iyong pamilya at ito ay magbibigay ng karagdagang oras para kayo ay magsama-sama. Makabubuti rin ito sa ating pagiisip, disposisyon, at pangangatawan. Kaya maghanap ka na ng isang makabuluhang libangan, kaibigan! TOMO 18, BILANG 2


Bulaga, Mga Alaga! Isinulat ni: Ariana Lim Mga Kuha ni: Reiben Jay Denaga

A

ng mga alagang hayop ay nag-aalok ng maraming benepisyo sa mga tao, mula sa propesyonal na suporta hanggang sa pagbibigay sa atin ng pagmamahal at pagsasama lalo na’t hindi tayo gaanong nakakalabas ng bahay ngayong may pandemya. Ang mga alagang hayop ngayon ay itinuturing bilang mga kaibigan, o bilang mga miyembro ng ating pamilya. Bilang isang may-ari ng mga hayop ay paniguradong may espesyal na relasyon na tayo sa kanila gayong sila’y pamilya na din. Tinitiyak natin na maaalagaan sila nang mabuti; sa pagpapakain, pagpapaligo, pag-aalaga at pagpapakita ng pagmamahal natin para sa kanila. Sa pagbibigay natin ng ating pagmamahal para sa mga alagang hayop na ito, ay malugod din nila itong tinatanggap at ito’y susuklian din nila ng pagmamahal. Sila ay maaaring magbigay ng iba’t ibang benepisyo sa kalusugan sa ating lipunan. Isa sila sa nagpapaganda ng ating kalooban. Kapag ang amo nito ay malungkot o di kaya’y pagod, ginagawa nila ang kanilang makakaya para umayos ang

14 | SIAS: SINAG AT ALPAS

nararamdaman ng sariling amo. Kapag sila naman ang malungkot ay susuklian din natin ito para sila’y sumaya. Kahit na sila ay minsan nagiging sobrang makulit at pasaway ay sulit pa rin ang pagsisikap na tyinaga natin para sa kanila. Ang pagkakaroon ng alaga ay isang malaking obligasyon at nakagagalak na karanasan. Isa sa obligasyon ay punan sila ng ating pagmamahal at bigyan sila ng tamang proteksyon na nararapat sa kanila. Ang mga alagang hayop ay dapat na mahalin at tanggapin, hindi pagmamalupitan. Dapat natin iparamdam na sila’y tanggap para maging komportable naman sila. Hindi lamang ang mga tao ang nakakaranas ng kaligayahan, ngunit ang mga hayop ay nakakaranas din, kaya dapat bago tayo magsalita o magalit sa kanila ay isipin din natin ang kanilang emosyon, huwag lang puro tayo. Sa huli, ang mga alagang hayop ay importante sa ating buhay lalo na’t marami itong benepisyo sa mga tao. Nagbibigay ito ng proteksyon at kaligayahan na isa sa mga magagandang asal nito. Kahit na minsa’y makukulit ang mga ito hindi natin maitatanggi na mahal natin sila.

TOMO 18, BILANG 2


Star ng Pasko: Pagtagpo ng Jupiter at Saturn

Isinulat ni: Zyronne Giltendez Sining ni: Reiben Jay Denaga

M

alamig na hangin, tahimik na tanawin. Dinig na dinig sa buong mundo ang napabalitang pagkikita. Agad kong binuksan ang pinto at dumiretso sa labas ng bahay. Nakatitig sa dilim ng kalangitan at lawak ng himpapawid, tila isang tipanang bihirang nagaganap ang nasubaybayan ng sanlibutan. Dalawang planeta ang bumuo ng pambihira ngunit kamangha-manghang pagtagpo. Ngayong Disyembre 21, 2020, nasubaybayan natin ang pagtatagpo o paglapit ng planetang Jupiter at Saturn sa “great conjunction”. Ito ang pinakamalapit nilang pagtatagpo sa nakalipas na humigit kumulang 800 na taon na may lapit na 6.1 arc minutes lamang at makikita na kaagad, isang oras pagkatapos ng paglubog ng araw. Binansagan itong “great conjunction” sa dahilan na ang dalawang higante sa sistemang solar ay napakabihirang magkalapit at nangyayari isang beses lamang sa loob ng 20 taon. Sa tamang oras, ang kalapitan ng dalawa ay tila bubuo ng isang maliwanag at malaking bituin. Noong Setyembre ng taon, nagsimulang lumapit ang dalawang planeta. Ayon sa mga astronomo, makikita ang dalawa papuntang timog sa hilagang hating-globo habang papuntang kanluran naman sa timog hating-globo. Naging limang degree naman ang pagitan ng dalawa pagsapit ng Nobyembre at sa unang araw ng Disyembre dalawang degree na lamang ang pagitan ng dalawa at patuloy na lumalapit. Sa araw ng conjunction, ang dalawa ay nagkaroon ng pagitang 0.1 degree at mistulang naging isang maliwanag na bituin at kalauna’y binansagan bilang Christmas Star ng taon mula nang ihambing ito sa bituing naging simbolo ng mga Magi upang simulan ang kanilang paglakbay tungo sa kapanganakan ni Hesus. Para makita ang pambihirang astronomikal na pangyayari, inirekomenda ng NASA na panoorin ito sa malawak at maaliwalas na kalangitan isang oras matapos ang paglubog ng araw. Maaaring gumamit ng teleskopyo o largabista upang makita ang mga buwan ng dalawang planeta at ang Saturnian rings. Sa ibang lugar sa planeta may nakaranas ng masamang panahon na naging dahilan upang hindi ito makita. Sa kabutihang-palad, inilunsad ng Roma ang The Virtual Telescope Project na may layuning i-brodkast ang ginanap na conjunction para sa ibang hindi nasaksihan ang kaganapan. Ngayong taon lamang naging ganito kalapit ang dalawang planeta sa pananaw natin dito sa mundo. Oktubre 24, 2040 ang susunod na conjunction ng dalawang planeta ngunit mas makikitang mas malayo sila sa isa’t isa bago ang pagsapit ng bukang liwayway. Sa lungkot, kaba, at takot na idinulot ng krisis, isang regalo ang nagsilbing liwanag at nasaksihan ng bawat isa sa lamig at dilim ng panahon. Isang pangyayari ang tumatak sa paglaganap ng agham at teknolohiya sa panibagong conjunction na mas kakaiba at bihira kaysa sa mga nakaraang kaganapan. Isang beses lang naganap ang ganitong pangyayari. Kung sabagay tayo ay napapailalim sa isang kalangitan lamang.

15 | SIAS: SINAG AT ALPAS

TOMO 18, BILANG 2


Biyaheng PabalikPasulong Isinulat ni: Jasper Laguitan Mga Kuha ni: Reiben Jay Denaga

A

raw-araw, gumigising tayo at ang unang pumapasok sa ating isip ay ang kunin ang ating cellphone. Tinitingnan natin kung ano ang pinakapatok na trend sa Twitter, kung may mga mensaheng natanggap ba tayo noong nakaraang gabi, ang bagong Instagram story ng mga iniidolo nating artista, at marami pang iba. Bukod dito, madalas din nating kinukuha ang ating mga cellphone kapag tumunog na ang ating alarm dahil nadidistorbo nito ang mahimbing nating tulog. Kung iisipin natin, iilan lamang ang mga ito sa mga halimbawa sa ating buhay kung saan ginagamit ang teknolohiya. Kung tutuusin nga, nabubuhay na tayo sa isang mundong nakasalalay sa teknolohiya. Ito na ang batayan ng pag-unlad sa kasalukuyan dahil kapag wala tayo nito, kalauna’y mahuhuli tayo sa pag-usad ng mundo. Subalit, ano nga ba ang mangyayari kung hindi naimbento o hindi kaya’y hindi natuklasan ang teknolohiya noon? Masasabi ba natin na uunlad pa rin tayo tulad ngayon? Balikan muna natin ang mga unang araw ng teknolohiya. Mababakas pa maging sa mga taong unang nabuhay sa mundo ang paglikha ng teknolohiya. 16 | SIAS: SINAG AT ALPAS

Sa katunayan, ayon sa Britannica, ang mga martilyo at kagamitan ng mga Australopithecus mahigit 3.3 milyong taon na ang nakalipas ay matatawag nating teknolohiya. Malimit nila itong ginamit para sa kanilang lagalag na pamumuhay. Gayundin, ang pagdiskubre sa apoy ay isa sa mga nag-udyok sa pag-usad ng teknolohiya. Binuksan nito ang daan tungo sa mas marami pang pagtuklas at imbensyong pinakikinabangan ng mga tao hanggang sa kasalukuyan. Nang magsimulang mabuo ang mga kabihasnan sa mundo, nagsimula rin ang pagdami at pag-unlad ng teknolohiya. Sinukuan ng mga sinaunang tao ang lagalag nilang pamumuhay at nagtayo ng mga sibilisasyon. Dahil sa mga ito, unti-unting umusbong ang maraming mga imbensyon at teknolohiyang naging basehan ng mga modernong kagamitan. Ang mga pinakamatandang sibilisasyon ay unang itinayo sa Mesopotamia at Ehipto, at maraming mga kontribusyon ang kanilang naihandog sa sangkatauhan magpasa-hanggang ngayon. Ang kinikilala natin ngayong gulong ay unang nilikha sa Mesopotamia noon, ngunit hindi ito unang ginamit sa

transportasyon. Ito ay ginamit ng mga magpapalayok o potters hanggang sa naging bahagi na ito ng karwahe na isa rin sa mga pinakamahalagang kontribusyon ng nasabing kabihasnan. Bukod sa mga ito, nilikha rin ng mga sinaunang taga-Mesopotamia ang konsepto ng oras, mga mapa, mga bangka, at ang sistema ng irigasyon. Sa kabilang dako naman, marami ang inihandog ng Sinaunang Ehipto sa larangan ng agham at teknolohiya. Isa sa mga ito ay ang pinakaunang pregnancy test gamit ang trigo (wheat) at sebada (barley). Halata rin sa kanilang mga itinayong piramide, istraktura, at mga obelisko ang kadalubhasaan nila sa arkitektura’t inhenyeriya. Maraming mga sumunod na sibilisasyon ang nagpakita rin ng kagalingan pagdating sa pag-imbento at agham. Sumunod ang Indus hanggang sa pinakabantog na mga sibilisasyon: ang sibilisasyong Griyego at ang sibilisasyong Romano. Malaki ang naiambag ng dalawang ito sa pag-unlad ng teknolohiya at agham sa daigdig. Karamihan sa mga pilosopo noon tulad nina Euclid, Pythagoras, at Archimedes ay TOMO 18, BILANG 2


unahang riles, steamboat, telegrapo, litrato, at telepono ang bumago sa takbo ng teknolohiya sa mundo. Nang malikha ni Alexander Graham Bell ang unang telepono, binago rin nito ang larangan ng komunikasyon: mas pinadali nito ang pakikipag-usap ng mga tao noong unang panahon. Nagdaan ang mga taon at untiunti nang naging sopistikado ang mga lumabas na kagamitan. Mayroon nang mga sasakyan, eroplano, radyo, telebisyon, kompyuter, at ang pinakasikat ngayon na Internet. Isang malaking pagbabago ang dinala nito lalo na sa buhay ng mga tao. Nang dahil dito, mas napadali pa ang pakikipagkomunikasyon maging sa iba’t ibang parte ng daigdig. Mas nagkaroon na rin tayo ng kamalayan tungkol sa mga pangyayari sa loob at labas ng bansa. Maraming impormasyon ang maibabahagi sa isang pindot lamang ng mga kompyuter. Mas nadagdagan pa ito nang nabuo ang mga touch screen devices na pakomplikado nang pakomplikado hanggang ngayon. Bunga nito, nahumaling na tayo sa mga ito at ang mga ito na rin ang nagsisilbing pangunahing kagamitan natin sa halos lahat ng bagay. Kapag nais nating bumili ng pagkain o damit, maaari na tayong mag-order online. Kung gusto naman nating maghanap ng trabaho o ‘di kaya’y paaralang lilipatan, pwede na rin maghanap sa tulong ng Internet, at marami pang iba bukod sa mga ito. Ngayon, balikan muli natin ang ating pangunahing tanong: Ano kaya ang mangyayari kung babalik tayo sa nakaraan

inspirasyon ng mga sumunod na imbentor at magbabago rin ang kanilang mga likha. Kung hindi naimbento ang unang teknolohiya, marahil ay wala tayong tinatawag na cellphone at Internet sa kasalukuyan. Siguro ay iba ang ginagamit natin ngayon at iba rin ang uri ng pamumuhay na mayroon tayo. Kahit hindi ganito kadali ang takbo ng buhay natin kung walang komplikadong teknolohiya, ang mahalaga ay mayroong mga nagpapadali pa rin sa ating buhay. Sa ngayon, dahil hindi pa maaaring balikan ang nakaraan, ang tanging magagawa lamang natin ay ang tanggapin ang kung ano ang mayroon tayo ngayon. Kahit napapadali ng mga ito ang ating buhay, marapat pa ring huwag nating abusuhin ang teknolohiya at sa halip ay gamitin ito nang wasto. Palagi lamang nating tandaang isang biyaya ang teknolohiya at ito’y dapat na gamitin para sa ikabubuti ng lahat. Kaya sa tuwing kukunin natin ang ating mga cellphone, tablet, laptop, o kompyuter, nawa’y maging mas responsable tayo sa kung saan natin ito ilulugar sa ating mga buhay.

Ang totoo ay oo: may teknolohiya pa rin kahit binago natin ang mga pangyayari subalit marahil ay iba ang pagkakayari ng mga ito. nakagawa ng mga konsepto, postulado, at pilosopiyang ginagamit hanggang ngayon sa larangan ng matematika. Habang lumipas pa ang mga taon, dekada, at siglo, mas maraming kontribusyon at imbensyon ang tumambad. Mas komplikadong mga kagamitan ang umusbong at binago ng karamihan sa mga ito ang mundo ng teknolohiya. Halimbawa, ang printing press na inimbento ni Johannes Gutenberg ay ang nag-udyok ng isang “information revolution.” Ito ang ginamit sa paglilimbag ng kilalang Gutenberg Bible. Bukod dito, ang mga imbensyon tulad ng kauna17 | SIAS: SINAG AT ALPAS

at babaguhin ang simula ng lahat ng ito? May teknolohiya pa ba kaya tayo ngayon? Ang totoo ay oo: may teknolohiya pa rin kahit binago natin ang mga pangyayari subalit marahil ay iba ang pagkakayari ng mga ito. Hindi magiging kasing-abanse ng mga kagamitang teknolohikal ngayon ang mga ito at sa halip ay pawang mga payak na imbensyon lamang. Kung titingnan natin nang maigi, bawat imbentor noon ay may kani-kanilang pinaghuhugutan ng inspirasyon at ang mga ito ay ang mga nagdaang imbentor din. Kapag may isang kaganapang binago noon, siguro’y mag-iiba rin ang pinagkuhanan ng TOMO 18, BILANG 2


Galerya ng mga Alaala

S Isinulat ni: Jay Olayra Sining ni: Reiben Jay Denaga

a isang paaralan, hindi maaaring mawawala ang tinatawag na “hangout” o mga tambayan. Sa mga lugar na ito, dito ang mga estudyante o grupo ng mga mag-aaral kadalasan nakikihalubilo. Ang mga hindi inaasahan ay naganap at tumatak sa kanilang puso’t isipan dahil sa dalang kasiyahan, lungkot, mga usapin, at pag-iisa. Kaya narito ang mga ilan sa “hangout or memorable” places na makikita at laging pinupuntahan ng mga Lasalyano sa loob ng campus ng University of St. La Salle.

Santuario de La Salle

Grand Stand

UGCC

Amphitheater

Kasintahimik ng lugar ang kapayapaan na ang tanging maririnig lamang ay ang huni ng mga ibon at pagsayaw ng mga dahon sa simoy kapag tapos na ang mga klase. Napapalibutan ito ng nagdaang-panahon na mga punong-kahoy na nagdadala ng sariwang hangin at nagbibigay-silungan sa mga lugar na madalas tambayan ng mga estudyante. Marami rin itong mga upuan o bangko at mga makalumang bahay kung saan kadalasan ginaganap ang mga overnight activities tulad ng mga retreat o ibang seminar at pati na rin ang tinatawag na rekoleksyon sa bawat seksyon.

Ang ‘Upper Grades Covered Cout’ o mas tanyag sa tawag na UGCC ay kung saan palaging ginaganap ang mga seremonya kada Lunes at Biyernes. Dito malimit na ginagawa ang mga programa at kapag may mga importanteng anunsyo. Itong dyim ay hugis rektangulo na may dalawang ringan ng pang basketbol at sa dalawang gilid ay puno ng mga upuan na hagdan at mayroon din itong entablado sa gitna. Katabi rin nito ang kantina at paradahan. Hindi maipagkakaila ang laki nito kaya’t maraming estudyante ang makikita rito na naghahabulan at nagkakantiyawan sa tuwa.

Ang lugar na ito ay maaaring tawaging ‘tagpuang atleta’ dahil sa sakop ng kanyang paligid matatanaw dito ang palanguyan, ‘field’, at himnasyo kung saan nag-eensayo ang mga manlalaro. Yari ito sa mataas at malaking hagdan na kulay puti at may katamtamang laki na entablado na kadalasan din ginagamit sa mga importanteng mga programa. Ito ay laging pinupuno ng mga atleta dahil sa malapit at sa malaking espasyo na pwede nilang okupahin. Pero hindi lamang mga manlalaro ang makikita rito sapagkat mahangin at matiwasay itong tambayan ng mga estudyante kapag kailangang magpahinga at pagkatapos ng mga klase.

Sa pangalan pa lamang ay parang nakakamangha at nakahihikayat na ano pa’t kaya kung nandoon sa lugar na ito. Palaging mga kolehiyong mag-aaral ang halos makikita dito dahil malapit lang sa kanilang mga silid-aralan at ginagawa rin nila itong ensayuhan. Mayroon itong maliit na parihabang entablado sa gitna at niyayakap ng pabilog na mga upuang pataas. Dahil sa dalisdis na hugis, sa ibabaw naman nito ay ang kalye na may nakatayong mga ‘umbrella’ na may mga upuan na pwede ring gamitin sa pag-aaral o pakikipag-usap.

Stingers Cafe

Ang Stingers ay siyang nagsisilbing pinakamalaking kantina sa loob ng campus ng Unibersidad ng St. La Salle Bacolod. Katabi nito ang ‘Coliseum’ ang pinakamalaki ring dyimnasyum sa nasabing paaralan. Pagpasok pa lamang dito ay agad na makikita na nagkukumpulang estudyante na naglilinyahan, iba’t ibang tindahan, at nagsasamong amoy ng mga pagkaing nakatatakam. Ang kantinang ito ay palaging puno hindi lamang sa mga pagkain kundi pati na rin sa mga upuan na kadalasang kinukulang pa at ‘air-conditioned’ na ang palibot nito. Ito’y ang nagsisilbing tatak kasapi ang ‘Coliseum’ dahil sa bungad ng paaralan ay agad na itong makikita. 18 | SIAS: SINAG AT ALPAS

TOMO 18, BILANG 2


Darating din ang Sinag ng Sining

Isinulat ni: Jasper Laguitan Mga Kuha ni: Reiben Denaga

T

ahimik at mukhang seryoso man ako sa personal, marami ang sumasang-ayon na ibang tao ako sa tuwing nasa entablado ako. Nagiiba ang aking anyo at malaya akong nagtatanghal sa harap ng madla habang nakatutok sa akin ang mga ilaw. Masaya ang bawat sandali ng mga pagtatanghal ko dahil natatakasan ko ang mga suliranin at responsibilidad ng totoong buhay. Sa tuwing nasa entablado ako, tila isa akong blangkong canvas na gumagalaw ayon sa mga kulay na ipinipinta ng mga kapwa ko manananghal. Ito ang depinisyon ko ng saya, ngunit nang kumatok sa ating tahimik na mga tahanan ang pandemya, nawalan ako ng pagkakataong makaakyat at umarte muli sa entablado. Bago ang lahat, ano muna ang pag-arte—bakit ito ang sining na kinagigiliwan ko? Ang pag-arte ay ang pagbibigay-buhay sa isang karakter—piksyonal man o hindi—at

19 | SIAS: SINAG AT ALPAS

pagkukuwento ng kanilang mga karanasan sa harap ng isang madla. Mukhang madali lang at simple, ano? Nagkakamali po kayo. Marami ang nag-aakalang pawang pagsasaulo at pagsasalita nang may emosyon lang ang pag-arte. Totoo ito, pero higit pa rito ang ginagawa sa likod ng napapanood ng nakararami. Nangangailangan ito ng malawak na imahinasyon. Sa tuwing nasa entablado ako, kailangan kong magisip na parang isang bata. Isang laro ang dula para sa akin dahil malaya kong naipararating ang mensaheng nakapaloob sa bawat kuwentong binibigyang-buhay ko. Kahit magmukha man akong katawa-tawa, hindi na bale sapagkat mahal ko ang ginagawa ko. Dahil din sa pagtatanghal, maraming mga alaala ang aking nabuo kasama ang iba’t ibang tao. Mas nakilala ko pa nang lubusan ang ibang mga tao matapos kong marinig ang kanilang mga kuwento sa buhay, at napagtanto kong lahat tayo ay may kinakarga mula sa nakaraan. Nang dahil sa pag-arte, mas naunawaan ko kung bakit tayo ay tayo. Kaya nga lang, mag-iisang taon na mula nang huli akong nakaakyat sa entablado. Mula nang nabago ng pandemya ang takbo ng ating buhay, pakiramdam ko’y unti-unting lumalakas ang pagnanais kong gumawa ulit ng sining. Nananabik na akong maramdaman muli ang sigla at ang

saya. Nais kong malimutan muli ang totoong buhay at mabuhay bilang isang karakter kahit sa ilang sandali lamang. Hanggang ngayon, nagmumunimuni pa rin ako kung kailan kaya ako makapagtatanghal muli. Gusto kong buhayin muli ang aktor sa loob ko. Hindi pa rin naglalaho ang pagmamahal ko sa sining at kailanma’y mananatili ito sa aking puso. Wala mang katiyakan kung hanggang kailan tayo maghihintay na bumalik ang lahat sa normal, alam kong darating at darating ang panahong malaya na ulit akong makagagawa ng sining.

TOMO 18, BILANG 2


MGA REBYU

Milagro sa Bruce Almighty puna ni Jelane Sorallo 20 | SIAS: SINAG AT ALPAS

TOMO 18, BILANG 2


A

ng pagrereklamo ay isang bahaging katangian ng tao, maaaring ito ay isang mabuting reklamo ngunit kung minsan napasobra ito. Tulad ng pelikulang Bruce Almighty, pinagbibidahan nina Jim Carrey kasama ang respetadong aktor na si Morgan Freeman. Sa oras ng pandemya ang pelikulang ito ay isang magandang pagkakataon para sa atin upang malaman na ang Diyos ay nasa paligid at laging kumikilos. Ang Bruce Almighty ay nagsimula sa isang tinatayang badyet na $81,000,000. Ang pelikulang ito ay idinirek ni Tom Shadyac kasama ang mga manunulat na sina Steve Oedekerk, Steve Koren at Mark O'Keefe. Ito ay inilabas noong Mayo 24, 2003 na may katagalan na 1h 41m. Si Bruce Nolan na ginampanan ni Jim Carrey, ay isa sa mga reporter sa Buffalo TV Station at nais niyang makakuha ng mas mataas na posisyon. Sa kabila ng kanyang 21 | SIAS: SINAG AT ALPAS

katanyagan at pagmamahal sa kasintahan na si Grace (Jennifer Aniston), hindi siya naging masaya dahil hindi niya nakuha ang posisyon ng angkora dahil naipasa ito sa kanyang katrabaho na si Evan Baxter (Steve Carell). Labis ang kanyang pagrereklamo at kalaunan ay sinisisi ang lahat sa Diyos dahil sa palagay niya ay hindi patas at hindi makatarungan ang kanyang buhay sapagkat ang Diyos ay walang ginagawa. Narinig ng Diyos ang kanyang mga reklamo, kaya't isang lalaking nakasuot ng puting terno ay nagpakita kay Bruce at pinagkalooban ito ng mga kapangyarihang banal sa dalawang kundisyon. Una, hindi dapat ito malaman ninuman at pangalawa ay hindi niya maaaring guluhin ang malayang kalooban o free will ng mga tao. Nais lamang malaman ng Diyos (Morgan Freeman) kung may magagawa si Bruce na higit sa Kanya. Ngunit dahil sa mithiin ni

Bruce sa buhay, inabuso niya ang kanyang kapangyarihan para sa paghihiganti at pagkamakasarili. Kaya ang relasyon nila ni Grace ay dahan-dahang bumagsak. Pag-uwi niya ay nagbasa siya ng isang panalangin mula kay Grace na nagnanais ng kanyang tagumpay at kabutihan. Habang binabasa ito ni Bruce, dumating ang isa pang panalangin mula kay Grace. Ang isang ito ay nagnanais na pakawalan ang pagmamahalan nilang dalawa. Si Bruce ay naglalakad sa kalye habang sinasabi sa Diyos na ayaw niya ang kapangyarihan at sumusuko sa kalooban ng Diyos. Ngunit, biglang nasagasaan ng trak at nawalan ng malay si Bruce. Doon ay nakipag-usap siya sa Diyos at inamin sa Kanya na nais niyang makahanap si Grace ng lalaking magmamahal sa kanya. Sumangayon sa kanya ang Diyos, saka nakita ni Bruce na siya ay nasa ospital nagpapagaling mula sa biglaang aksidente nang biglang sumulpot si Grace. Tumulo ang kanilang mga luha habang nagyayakapan ang dalawa at kalaunan sila ay naging engaged. “Gusto ng mga tao na gawin ko ang lahat para sa kanila. Ngunit ang hindi nila namalayan ay mayroon silang kapangyarihan,” ang banggit ni Morgan Freeman sa Bruce Almighty. Ang pelikulang ito ay nakaaantig sa aking puso dahil sa mga oras ng pandemya ngayon, karamihan ay nagreklamo sa Diyos. Alam kong lahat tayo ay nagnanais na wakasan ang pandemyang ito sapagkat nais nating galugarin ang maraming mga bagay sa ating buhay ngunit hindi natin alam na sinusubukan din Niya ang Kanyang makakaya upang maiwasan ang pagdurusa ng kanyang mga anak. Maabot natin ang ating kapalaran, naroroon lamang ang Diyos upang gabayan tayo at tayo ang dapat gumawa nito. TOMO 18, BILANG 2


M

ahirap talagang tanggapin a ang mga pagbabago lalo na kapag may pinanghahawakan ka pang napakaimportante para sa iyo tulad ng iyong pamilya. Ganito ang kwento sa bagong pelikula na isang Netflix Original na pinamagatang Over the Moon. Isa itong animated na pelikula na nasa ilalim ng direksyon ni Glen Keane na isang Amerikanong animeytor. Oktubre noong nakaraang taon nang ipinalabas ito sa Netflix at nakagwad ng 860,000 dolyar box office hit. Ang batang si Fei Fei na pinagbobosesan ni Cathy Ang, ay nawalan ng ina matapos magkasakit at iniwanan siya ito ng alagang kuneho na si Bungee. Apat na taon makalipas nito ay nagulat siya na ang kanyang Ba Ba (John Cho), “papa” sa lenggwaheng Tsino, ay nagplanong magpakasal muli kay Mrs. Zhong (Sandra Oh) na mayroong batang anak na lalaki na si Chin (Robert G. Chiu) na siyang kinaiinisan ni Fei Fei dahil sa kakulitan nito at simple dahil tutol siya sa planong pagpapakasal ng dalawa. Hindi niya pa lubusang matanggap na mayroong malaking pagbabago na mangyayari sa kanyang pamilya. Ayon kay Fei Fei, ang kanyang ina ay naghihintay para muling makasama ang kanyang Ba Ba, tulad lamang ng mitolohikal na karakter na si Chang’e (Phillipa Soo), na nahiwalay sa kanyang mahal na si Houyi (Conrad Ricamora) dahil nakainom ito ng potion ng imortalidad. Dahil dito, nanatili si Houyi sa lupa at si Chang’e ay napadpad sa buwan, patuloy na hinihintay ang kanyang tanging mahal.

Dahil sa labis na pagtatampo ni Fei Fei sa kanyang ama, gumawa siya ng paraan upang makapunta sa buwan mag-isa at makita si Chang’e upang mapatunayan na ang lahat ay babalik tulad ng dati. Ginamit niya ang kanyang talino sa agham at talento upang mangyari ang kanyang nais. Nakarating siya sa kaharian ng Lunaria at nakilala si Chang’e ngunit napagtantong may mga bagay na hindi na maibabalik, kundi ay dapat na lamang tanggapin ang mga ito dahil hindi habang buhay ay dapat tayong namamalagi sa nakaraan. Una, klaro ang pagpapakita tungkol sa kultura ng Asya, partikular ng Tsina, sa pelikulang ito. Makikitang may mga tradisyong ipinakita dito tulad na lamang ng Mooncake Festival, pagsalo-salo ng kumpletong kamaganak sa hapagkainan, paniniwala sa mga mitolohiya ng bansa at hindi mawawala ang iba’t-ibang uri ng pagkain na binanggit sa pelikula tulad ng dumplings at mooncake. Makikita rin dito na ang mga kaugalian ng mga Tsino ay nasasalamin sa mga karakter ng pelikula. Sa kabuoang kapaligiran sa pelikula ay makikita ang mga estatwa ng mga leon, mga water lily at mga lantern na siyang nagbibigay ng kakaibang liwanag sa pelikula. Pangalawa, ang paraan ng paganimeyt sa buong pelikula ay kahangahanga dahil ang mga uri karakter lalo ng mga nasa buwan o mga “lunettes” ay kakaiba at masasabing higit pa sa karaniwang imahinasyon ng tao. Napakamakukulay ng mga elemento dito at malayo ang itsura ng kung anong nasa buwan kaysa sa itunutukoy ng agham. Ipinakikilala rin dito ang iba pang mitolohikal na nilalang tulad ng

Over The Moon: Hindi Lahat ay Dapat Patunayan puna ni Alexa Chua

22 | SIAS: SINAG AT ALPAS

Lunarian Lion na kasing-anyo ng mga leon sa mitolohiya ng Tsina. Mayroon ding pahapyaw ng kuwento tungkol sa alamat na kung bakit kulay lila ang dila ng mga asong Chow-Chow kung saan ang tawag doon ay Space Dogs. Sunod ay ang mga awitin o soundtrack nito. Matutunghayan ang kantang “Ultraluminary” na napakasaya ng ritmo at ang “Yours Forever” na tagos sa puso na kanta. Mayroon pang ibang mga kanta na sigurado ay kagigiliwan ng marami. Itinuturo ng kuwento ni Fei Fei na kahit ano pa ang gawin natin, may mga bagay na hindi ma maibabalik. Maaaring masakit ito at ‘di katanggaptanggap, ngunit panahon lang ang kailangan upang lubos tayong maghilom. Dapat na masanay tayo sa iba’t ibang pagbabago na nangyayari sa ating buhay upang tayo’y umusad at makaranas ng iba pang bagay na hindi kayang ibigay ng nakaraan. Maging bukas ang ating mga puso sa anumang dumating, bagay man o tao, at intindihin na sila rin ay ginagawa ang lahat upang patunayan na ang pagbabagong ito ay makabubuti para sa atin upang hindi na tayo ulit masaktan pa. TOMO 18, BILANG 2


"

MGA REBYU

It’s Adam Ad and Eve, not Adam and Steve,” saad ng mga mg misyonaryo at ng mga namumulitika sa telebisyon. Kalakip ang epidemyang lumago noong dekada otsenta ay ang pagiral ng kasuklamang ito sa mga LGBTQIA+— isa lamang ito sa mga katagang inuulit upang ipamukha ang kanilang “pagkasala”. Hanggang ngayon nga’y ginagamit pa rin ang sakit na HIV-AIDS upang masusumbatan ang komunidad. Sa kabila niyan, nasa dekada otsenta hanggang nobenta ang pagdami ng mga pelikulang patungkol sa mga bakla at sa mga ginagawa nila; tinatawag itong New Queer Cinema. Isa sa mga pelikulang nanguna sa kilusang New Queer Cinema ay ang ‘The Living End’. Sa direksyon at sulat ni Gregg Araki, pinapakita ng ‘The Living End’ ang kwento ng dalawang bagong kasintahang bakla na sina Luke (ginagampanan ni Mike Dytri) at Jon (ginagampanan naman ni Craig Gilmore). Magkalayo man ang kanilang mga personalidad, inuugnay naman sila ng kanilang mainit na pagmamahalan at ng sakit na HIV-AIDS. Magkasama ang dalawa sa isang road trip papunta sa kung saan man sila mapadpad, mapalayo lamang sa kahit sinong hindi magsasang-ayon sa kanilang relasyon. Umabot ang badyet ng pelikula sa tumatagingting na… $22,769 ayon sa Wikipedia. Kahit naging sagabal ang pagkagipit sa pera, nagawa pa rin ni Gregg Araki ang matapos ito at maipahayag ang nararamdaman sa mga panahong iyon. Umabot ang swerte niya sa sinehan, kung saan nakalikom ng $692,585 ang pelikula. Nung pinanood ko na ang sine, diyan ko lamang nakuha ang dahilan sa pagkapatok nito noon. Unang-una, epektibo ang kwento sa pagpapakita ng mga malalalim na tema ng pelikula, at ang bawat segundo ay punongpuno ng poot o karalitaan. Minsan nga ay may halong komedya rin. Ang pagpapakita nito ng sakit na HIV-AIDS ay ‘di gaya ng nakasanayang pagdadrama, marahil, mas agresibo ang tono nito (na maaaring ikukumpura sa isang binatang nagrerebelde). Malungkot lamang na gumagamit pa rin ang pelikula ng ilang mga stereotypes na hindi

The Living End: Isang ?#@?$% sa Mundo puna ni Reiben Denaga

naman kumakatawan sa panggawi ng isang buong komunidad. Hindi ko rin inasahang magagandahan ako sa sinematograpiya ng pelikula; gamit lamang ang isang murang kamera, mainam ang paggamit ng iba’t ibang mga batayan sa komposisyon na siyang nakasentro din sa mga tema ng poot at ng pagiging parte ng komunidad noon. Magaling ang mga aktor sa pagganap ng kanilang mga karakter; mabisang naipalabas ang mga emosyon at ang mga personalidad ng kanilang mga ginagampanan. Sa dakong post-production naman, mapag-alam ang direktor sa pagpili ng musikang rock and roll at metal sapagkat nababagay ito sa mga kaguluhang nangyari sa pelikula at sa pagtaguyod ng modong agresibo sa buong dalawang oras ng pelikula. At sa panghuli, kahit may mga munting kamalian, mabisa pa rin ang pagpuputol-putol ng mga eksena. Ang lahat ng mga aspekto ng pelikula ay kuha mismo sa deskripsyon ng mga pelikulang nahuhulog sa New Queer Cinema; ‘di nakasanayan, at [sa pelikulang ito]

Dash and Lily P

23 | SIAS: SINAG AT ALPAS

punong-puno ng galit. Hindi sinusubukan ng pelikula na magpasaya ng mga hindi bakla, hindi ito sinusubukang makibaka upang maging katanggap-tanggap sa kanilang mga mata, datapwat pinapakita ng pelikula ang tunay na nararamdaman nito sa mga lider noon, sa iresponsableng pagresponde nila sa epidemya, at naging komentaryo din ito sa konserbatibong lipunan. Hindi perpekto ang ‘The Living End’. Ngunit sa kabuoan, nabigyang hustisya ang nalikom na pera mula sa sinehan sa kabila ng gipit na pondo dahil sa ipinakitang kalidad nito. Kahit may mga bagay na pwede pang baguhin, hindi mapagkakaila na maraming magagandang istorya at nakakubling talento ang pwedeng magawa at madiskubre sa indie filmmaking, at ang ‘The Living End’ ay pruweba sa kariktan ng mga pelikulang ito. Hindi para sa lahat ang sine, sapagkat maselan ang ibang mga nilalaman, ngunit walang takot ang pelikula sa pagsigaw ng “!#@&?>!@” sa mundo at sa mga kabuhungan nito.

puna ni Kciarah Patrata

atok ang orihinal na RomCom serye ng Netflix na Dash & Lily, lalong-lalo na sa mga binata at dalaga. Inilabas ito noong Nobyembre 10, 2020 at mayroon itong walong episodes. Ang seryeng ito ay tungkol sa pamumulak ng pag-iibigan ng dalawang pangunahing tauhan na si Dash at Lily. Sa siyudad ng New York sa panahon ng pasko naganap ang kanilang kwento. Bilang manonood, kikiligin ka sa kanilang kwento na nagsimula dahil sa pulang kwaderno o ‘dare book’ kung tawagin sa serye. Dagdag sa thrill ng serye ang hindi nila pagbunyag ng kanilang pagkatao sa isa’t-isa kaya mapapabilis ang pintig ng iyong puso bawat yugto dahil ang kanilang magkalayong mundo ay unti-unting nagkakalapitan at nagkakalayuan gawa ng mga problema na kanilang hinaharap. Hindi ka maiinip dahil sa bawat yugto; iba’t-ibang mga lugar sa siyudad ng New York ang pinupuntahan ng dalawang tauhan habang sila ay gumagawa ng hamon na itinakda nila para sa isa’t-isa. Bawat hamon, isinusulat nila ang kanilang damdamin o ala-ala sa kwaderno kaya mas nagiging malapit ang kanilang kalooban sa bawat isa. May mga tao sa nakaraan ni Dash at Lily na bumalik kaya mas nakakapukaw ng aliw at damdamin ang kanilang kwento. Sa seryeng Dash & Lily, matutunan mo na kung mahal mo talaga ang tao, gagawin mo ang lahat para lang makapiling mo siya. Tulad ng dalawang pangunahing tauhan, hindi sila sumuko at napagsidlan nila ang kanilang mga kinakatakutan dahil sa ‘dares’ na ginawa nila. Sa presensya ng isa’t-isa sa pamamagitan ng ‘dare book’, sila ay lumago bilang mga indibidwal. TOMO 18, BILANG 2


Usad Tungo sa Bagong Pamumuhay Kahit sa baluti ng aking ilong, malalanghap ko pa rin ang nakasanayang amoy ng lungsod; pahalo-halong usok, gasolina, at minsa'y alikabok na dala ng hangin. Habang ako'y umuusad nagmasid ako sa mga daan, sa mga dumadagsang sasakyan, at ganoon pa rin ang eksena. Ang kinakaibahan lamang ay ang mga pantakip na istriktong iniimplementahan. Tila hiraya kung iisipin na malaya pa rin tayong makalabas at maghanapbuhay sa kabila ng lumiligalig na pandemya. Kung wala lamang silang suot na mga face masks ay matatanto kong walang nagbago—ngunit sadyang umaaligid na nga ang pagbabagong ito. Hindi mapagkakaila na kinakailangan ng marami ang makapagtrabaho upang may ipangtustos, kung kaya't hindi pa pinapasara ang ibang mga dakong pangkalakalan. Ngunit, ikintal natin sa ating mga isip ang kahalagahan ng ating kaligtasan at ang kaligtasan din ng iba. Maging maagap sa pag-usad tungo sa bagong pamumuhay. Mga Kuha ni: Reiben Jay Denaga

24 | SIAS: SINAG AT ALPAS

TOMO 18, BILANG 2


*Binura ang mga numero sa plaka para sa pribasya ng mga nagmamaneho.

25 | SIAS: SINAG AT ALPAS

TOMO 18, BILANG 2


ALPAS

Palayain mo ang sarili sa mga tanikala ng iyong nakaraan. Ipagtanto mo ang reyalidad ng sitwasyon natin ngayon, at umaksyon para sa ikabubuti ng mundo. Huwag matakot sa hinaharap, at sa mga pagbabagong dala nito. Halina't magsaya ka sa iyong pag-ALPAS.

AR KAR KAR KAR KAR KAR KARI KARI KA


R I WA S A A N R I WA S A A N R I WA S A A N R I WA S A A N R I WA S A A N R I WA S A A N I WA S A A N I WA S A A N


PagbabalikPahina

lik 28 | SIAS: SINAG AT ALPAS

Isinulat ni: Alexa Chua Mga Kuha ni: Reiben Jay Denaga

TOMO 18, BILANG 2


bali

M

araming bago at maraming nadidiskubre kaya minsa'y nakakalimutan na ang tunay na pinagmulan ng bawat isa. Natatakpan na ng mga umuusbong na uso ang mayaman at nagdaang kultura. Isa na rito ay ang pagsusulat ng Baybayin. Tulad ko, alam ko na may sinaunang paraan tayo ng pagsusulat pero huli ko lang nalaman na kawili-wili pala ang kasaysayan nito. Mula pa noong sinakop tayo ng mga dayuhan, unti-unti nilang binago ang iilang parte sa ating wika. Isinalin nila ang mga katutubong paraan ng pagsusulat sa Romanong alpabeto na siyang kasalukuyan nating ginagamit. Ang Baybayin ay isa sa mga sinaunang paraan ng pagsusulat ng mga katutubong Pilipino lalo na ng mga Katagalugan bago ang pananakop ng mga Espanyol. Matatagpuan ang mga halimbawa nito sa pinakaunang librong naimprenta at nailimbag dito sa bansa, ang Doctrina Christiana. Ngunit, wala pang konkretong ebidensya tungkol sa pinagmulan ng Baybayin. Iba’t-ibang teorya ang naisulat gayundin ang mga espekulasyon. Sa ibang mga artikulo, sinasabing nagmula ito sa mga Indyano, ang iba nama’y nagsasabing hango ito mula sa Arabo. Tunay na isang misteryo at palaisipan sa atin ang tungkol sa kasaysayan nito. Kakaiba talaga ang anyo ng Baybayin sapagkat napakalayo ng paraan ng pagsusulat nito kaysa sa nakasanayan nating alpabeto. Ang isang titik ay maaaring sundan ng krus, kudlit o tuldok sa baba o itaas upang maglahad na iba ang pagbigkas dito. Ang pagsusulat sa mga titik

na ito ay medyo mahirap dahil binubuo ito ng iba’t ibang pagbabaluktot sa pagsulat. Kaya naman, napakarikit tingnan ang pagsusulat ng Baybayin. Kaya lang, para sa iba, hindi na dapat buhayin muli o ibalik pa ang pagsusulat ng Baybayin dahil ayon sa kanila, hindi naaayon ang Baybayin sa ibang diyalekto na mayroon ang Pilipinas sapagkat ginagamit lang ito ng mga Tagalog noon. Mayroon kasing iba pang uri ng tradisyunal na pagsusulat tulad ng Badlit ng mga Bisaya, Kulitan ng mga Kapampangan at ang Tagbanwa, Hanuno’o at Buhid na gamit ng mga katutubong Pilipino hanggang ngayon. Hindi naman kailangang ibahin talaga nang pangmalawakan ang paraan ng pagsusulat at ibalik ito sa Baybayin. Ang nais lamang ng ibang mga Pilipino ay muling makilala at malaman ng ating mga kababayan ang tungkol sa kasaysayan nito at kung paano nito naisasalamin ang katutubong kultura natin. Sa totoo, nagbukas ng mas maraming oportunidad

ang pag-aaral natin ng Romanong alpabeto sapagkat mas naging madali din ang pagaaral natin ng Ingles at dahil dito ay milyonmilyong Pilipino ang nakapangibang-bansa upang makapagtrabaho at makakuha ng malalaking oportunidad na nakapagpabuti sa kanilang pamumuhay. Hindi masama na balikan muli at panatilihin ang kultura natin. Ito’y tila maihahambing sa isang aklat. Napakaraming kariktan, kaalaman at naisulat na kasaysayan sa isang libro, kinakailangan lamang na balikan ang iilang pahina nito upang hindi malimutan ang nagdaang impormasyon. Hindi dapat baguhin ang nilalaman sapagkat mas magiging mahirap itong intindihin ng mga mambabasa kalaunan. Ganito ang Baybayin at ang iba pang katutubong paraan ng pagsusulat natin. Balikan lang natin ang mga naisulat na pahina. Importante na tayo ay may alam tungkol sa nagdaan at mapagtanto natin kung ano kahalaga at kayaman ang kulturang naihabilin sa atin ng mga ninuno natin.

Kakaiba talaga ang anyo ng Baybayin sapagkat napakalayo ng paraan ng pagsusulat nito kaysa sa nakasanayan nating alpabeto. 29 | SIAS: SINAG AT ALPAS

TOMO 18, BILANG 2


Klasikong Pilipin Mga Larong Nakasanayan

Isinulat ni: Glean Imahe mula sa G

TERO RESO GUAN 30 | SIAS: SINAG AT ALPAS

TOMO 18, BILANG 2


no:

nah de Asis Google

"

Maiba'y taya! Taya ka! Laro na tayo. Walang dayaan!". Pamilyar ba sa inyo ang mga linyang ito? Ito ang mga salita na kadalasan nating naririnig kapag naglalaro tayo o nanonood ng mga larong Pinoy. Tinatawag ding Laro ng Lahi ang larong Pilipino. Maraming iba't ibang larong Pinoy at ang ilan sa mga ito ay ang patintero, tumbang preso, luksong baka, luksong tinik at taguan. Dito naranasan ng marami na madapa, masugatan, at pagpawisan ng husto. Minsan nga'y ginagabi pa at mapapagalitan. Malaki ang benepisyo ng mga ito sa ating pisikal na kalusugan at sa pakikipagkapwa. May mga aral tayong matututunan dito kagaya ng pagtitimpi kapag ika'y galit, huwag mandaya at huwag maging pisikal. Dahil sa umuunlad na teknolohiya, hindi na gaanong nilalaro ang mga larong Pinoy. Marami sa mga bata ngayon ay mas pinipiling maglaro ng mga gadyet kaysa sa mga Laro ng Lahi. Isa rin sa mga dahilan ay dahil sa pandemya. Limitado lang ang paglabas kaya't imbis na maglaro sa labas ay sa loob na lamang ng bahay. Kahit na ganito ang sitwasyon ngayon, hindi pa rin maikakaila ang katotohanan na mas masaya ang paglaro ng larong Pilipino. Paglalaro ng mga larong Pinoy ang isa sa mga nagpasaya ng ating kabataan. Nag-iwan ito ng maraming magagandang memorya na nagbibigay ng kaligayahan sa atin. Madami itong naitulong sa atin kaya tumulong din tayo sa pagpapahalaga rito.

31 | SIAS: SINAG AT ALPAS

PATINTER TUMBANG TOMO 18, BILANG 2


Ang Pagbabalik-Tanaw sa Publikasyong Ang Layag

A

ng matang bukas sa kaalaman ay ang susi tungo sa kaunlaran. Ating balikan ang balsa kung saan ito’y unang ginamit ng ating mga ninuno sa paglakbay sa iba’t ibang dako ng mundo. Ang balsa na naging barko pagkalipas ng maraming taon, ay patuloy na naglalayag tungo sa kaunlaran at pagtuklas ng ating mundo. Kagaya ng barko, walang humpay at taospusong naghahatid ng serbisyo at kaalaman ang publikasyong, Ang Layag na patuloy na lumalayag sa mga nagdaang panahon. Higit na kaakit-akit balikan at tunghayan ang iba’t ibang aktibidad at pag-unlad ng publikasyon sa nakaraang taon. Tampok sa mga aktibidad ang publikasyon noong simula ng taon ng pag-aaral hanggang sa katapusan. Kabilang na dito ang mga workshops sa pagsusulat ng iba’t ibang artikulo at mga pagpupulong bawat linggo. Ito’y naging malaking tulong sa pagbigay impormasyon sa mga manunulat upang mapabihasa pa ang kanilang pagsusulat. Nakatulong din ito sa paghanda ng publikasyon sa ginawang tabloid, magasin at mga aktibidad buwan-buwan. Ito’y patuloy na ginagawa ng publikasyon hanggang ngayon sa kabila ng pagbabago ng sistema ng pag-aaral.

Jeri Espinosa

Hindi rin malilimutan ang Division Schools Press Conference (DSPC) kung saan nakilahok ang mga manunulat sa publikasyon at ipinakita ang kanilang galing at talino sa pagsusulat. Higit isandaang estudyante ang lumahok sa patimpalak taon-taon. Talagang nakakahanga ang mga manunulat sa publikasyon na nagwagi at nagpatuloy na nakilahok sa Regional Schools Press Conference (RSPC). Ito’y isang malaking oportunidad upang hubugin ang bihasang pagsusulat ng kabataang estudyante. Ating sulyapan muli ang U-Week na isa sa mga aktibidad na abalangabala ang estudyante at iba’t ibang organisasyon kabilang na ang publikasyong ito. Maraming pakulong inihanda ang publikasyon sa isang linggo ng pagdiriwang kabilang na ang photobooth, pagsusulat ng liham at iba pa. Itinaguyod din ng publikasyon ang tamang pagsulat ng alpabetong Baybayin na isang sistemang pagsusulat ng mga sinaunang Pilipino.

Mula sa maliit na pamilya, isang malaking pagbabago ang paglaki ng pamilya ng publikasyong, Ang Layag. Sa kabila ng ating sitwasyon ngayon, ang publikasyon ay biniyayaan ng maraming manunulat kung saan sila ay taglay ng talento at kaalaman na kayang ihandog sa kanilang kapwa. Isa ito sa nagpapakita ng pagmamahal ng mga estudyante sa Filipino at gaano nila pinahahalagahan ang ating sariling wika. Ating nabalikan at natuklasan ang pag-unlad ng publikasyon sa nagdaang taon. Kagaya ng bangka, patuloy na naglalayag ang publikasyon, Ang Layag. Hindi hadlang ang mga pagbabagong inaabangan tungo sa paglalakbay. Samahan at pagmasdan ulit ang pababago at paghandog ng serbisyo ng publikasyon.

“ Ang mata na bukas sa kaalaman ay ang susi tungo sa kaunlaran. “

Sining ni: Mary Lademora

32 | SIAS: SINAG AT ALPAS

TOMO 18, BILANG 2


Sining ni: Mary Lademora

Isa, dalawa, tatlo. Pagmulat ng mga mata ko, kay rami nang nagbago.” Hindi maitatanggi ng kahit na sino na ang pahayag na ito, ay totoo. Sa panahong lumipas, halos lahat ay kumupas katulad ng mga palabas na nagbibigay aral at leksyon, mga laruang ginagamit noon at mga gadyet na minsan na lang ginagamit ngayon. Pero ano ba talaga sila at ano ang kanilang halaga? Talagang nakalimutan na ba sila o binabalikbalikan pa ng iba? Alas diyes na nang umaga, at nandito na ang Batibot! Ito ang kadalasang maririnig na sigawan sa kalye sa panahong hindi pa uso ang internet. Mababakas ang saya’t kasabikan ng mga kabataan kapag naririnig nila na ipinapalabas na ang ang kanilang paboritong palabas sa telebisyon. Iskul Bukol, Ana Liza, at Hapi House ay ilan lamang sa mga mapapanood sa telebisyon noong araw. Hindi lang saya at aliw ang hinahatid nila, kundi aral at leksyon din na magagamit sa buhay. Ngunit saan nagsimulang magbago ang lahat? Kadalasan ngayon, puro na lang barilan, patayan at pangangalunya ang ipinapabalas sa telebisyon na walang may maidudulot na mabuti at hindi mapagkukunan ng aral. Tila ginagawa na itong isang normal na bagay para lang may mailagay na balangkas sa kwento. Nakakalungkot isipin na ang karamihan ay hindi na nagdadalawang isip kung may benepisyo pa ito o wala basta makapanood lang ng drama. Hindi pa uso ang gadyet noon, pero bakit ba mas masaya pa ang mga karanasan noong araw? Lastiko, Chinese garter, mga kard at mga balot ng kendi lang ay sapat na para maging masaya.

Hindi pera at kapangyarihan ang basehan ng laki ng kayamanan noong araw. Kapag marami kang balot ng snowbear at curly tops ay maikokonsidera ka nang isang mayamang tao. Hindi komplikado ang mga dapat gawin para maging masaya noon. At hindi pa madaling hawaan ng sakit ang mga bata noon sapagkat sa pamamagitan ng paglaro nila, nakakapag-ensayo na rin sila. Walang komplikadong gadyet, pero nabubuhay pa rin sila nang masaya at masagana. Kung ikukumpara, mas hamak na talamak ang teknolohiya ngayon kaysa noon. Paano naging posible na kontento ang mga tao noon sa paggawa ng kanilang mga trabaho kahit hindi man ganyan ka sulong ang teknolohiya? Kahit noon may mga gadyet na talaga na naimbento para magamit ng mga tao. Nakatutulong ito para mas mapadali, mapabilis at mapahusay ang paggawa, pagkomunika at pakikipaghalubilo. Hindi pa man uso ang mga kompyuter at touch-screen cellphones noon, pero may Nokia naman at mga radyo na pwedeng magamit. Hindi hamak na mas mura ito kumpara sa mga selpon ngayon, at mas matibay din ang pagkakagawa nito. Ngunit mas limitado lamang ang kanilang mga makakaya. Hindi rin nagpatalo ang mga Nintendo at joystick na nilalaro noon. Kahit kalimitan nalang ang paggamit ng mga gadyet na ito sa ngayon, dulot nito ay nakatutulong pa rin sa mga tao.

Masaya at kuntento ang buhay noon. Sa mga simpleng bagay, nakikita ng mga tao ang kahalagahan na itinataglay nito. Hindi kumplikado kaya mas mapayapa ang pamumuhay noon kaysa ngayon. Sa mga TV shows na nagbibigay saya at aral, mga laruang simple lang, at sa mga lumang gadyet na hindi pa kumplikado, tila ang buhay noon ay halos perpekto. Ngunit saan ba unti-unting nagbago ang lahat? Sa mga palabas bang naging malala, sa pag-unlad ba ng teknolohiya o sa pagiging magulo ng mga bagay-bagay? Wala sa mga sagot na ito ang tama. Ang pagbabagong ito ay bunga ng kawalan ng malay at kawalan ng pagpapahalaga sa mga simpleng bagay. Hindi na natuto ang karamihan ngayon na maging masaya at mapagpasalamat sa kung ano ang mayroon sila. Habang tumatagal, umiiba na rin ang daloy ng mundo. Matututunan lang bigyan ng halaga ang isang bagay kapag ito ay nawala na. Sa paglipas ng panahon, lumipas na rin ang mga masayang karanasan noon. Patuloy na umaabante ang karamihan para makamit nila ang hangganan. Hindi na sila tumitigil. Walang humpay ang kanilang gustong gawin. Pero saan nga ba sila pupunta? Sa lugar na hindi na nila makita? Balang araw, darating ang panahon na mapagtatanto nila, na sila ay nawala na. Pagtalikod nila wala na silang makita sapagkat nakalimutan na ang tunay na dahilan kung bakit sila lumalaban. Ang nakaraan ang nagsisilbing pundasyon ng pangarap na gustong matupad sa hinaharap. Kung wala ito, hindi mabubuo ang tunay na pagkatao ng sinumang-tao.

Nakaraan: Dapat bang Balikan o Kalimutan?

33 | SIAS: SINAG AT ALPAS

Christine Mangubat

TOMO 18, BILANG 2


Susi sa sa Kalayaan Kalayaan mula mula sa sa Susi Kahirapang Nararanasan Nararanasan Kahirapang Mary Lademora

Paul Estrope

S

a mga nakalipas na buwan, karamihan sa ating mga Pilipino ay lubos na nagtutulungan upang mawala na ang pangunahing katunggali natin, ang COVID-19. Ang inaasahang tunay na bakuna ay natanggap na, pagkatapos ng matagal na paghintay. Marami ang desperado na umaasa at nangangarap na bumalik na ang lahat sa dati, kaya’t marami ring tao o kumpanyang gumagawa ng mga lunas ng sakit, na minsan ay peke. Kumakalat na rin ang tsismis na may tagong layunin o motibo ang Tsina dahil sa pagbigay sa bansa ng libreng bakuna. Ito na ba ang inaabangang susi para makamit ang tagumpay sa paglaban sa pandemyang sumisira sa buhay ng lahat? Isang seremonya ang naganap upang markahan ang pagdating ng paunang 600,000 na dosis ng Sinovac Biotech’s CoronaVac, na inihatid ng isang military aircraft galing sa Tsina. Ang paglulunsad ng mga bakunang ginawa ng Tsino

34 | SIAS: SINAG AT ALPAS

ay dumating habang ang gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte ay hinaharap din ang mga reklamo kung bakit nahuli na naman tayo sa pag-unlad at paggawa ng mga kinakailangan upang labanan ang pandemya. Tatanggap ulit ang Pilipinas ng isa pang 25 milyong dosis ng CoronaVac ngayong taon. Mayroong dalawang panig sa isyung ito, may mga taong handang tumanggap ng bakuna at may iba na hindi pumapayag. Para sa ilan, lalo na ang mga taong gustong magkaroon ng proteksyon, mas mabuti na may bakunang darating, kahit na hindi gaanong kataas ang porsyento ng bisa, kaysa sa wala talaga. Ang ibang tao, lalo na ang mga health care workers, ay mas gugustuhing maghintay para sa iba pang mga parating na bakuna na may mas mataas na kabisaan. Sa sitwasyon ngayon, tumataas na naman ang bilang ng mga kaso ng COVID 19, kaya pinapayuhan ang lahat na magpabakuna na muna upang masigurado ang kanilang kaligtasan.

TOMO 18, BILANG 2


Habang tumutugon ang mundo sa pandemya, hinaharap din ng mga tao ang hamon ng pagkalat ng impormasyon na nauugnay sa virus, na maaaring mali at mapanganib. Ayon sa Food and Drug Administration o FDA, maraming tao at kompanya ang napabalitang nagkaroon ng pera dahil sa pagbebenta ng mga bakuna at gamot na hindi opisyal at kumpirmadong epektibo. Sinasamantala nila ang sitwasyon, kung saan ang mga tao ay desperado para sa bakuna. Binabalaan ang mga mamamayan na huwag basta-bastang maniwala at bumili ng bakuna o magpabakuna sa labas ng vaccination program ng gobyerno. Delikado na dahil hindi pa nakumpirma ang nilalaman ng mga sinasabing pekeng bakuna na nakikisabay sa pagkalat ng mga tunay at lehitimong uri na ipinalabas ng gobyerno. Pinaniniwalaan na sa kasalukuyang henerasyon, walang bagay na libre, lalo na sa mga internasyonal na transaksyon. Isang topiko lamang ito sa usap-usapan ng mga mamamayan na nagpapasalamat sa bakuna ngunit ay nagtataka rin kung bakit walang kapalit ang binigay na bakuna ng Tsina ngayon buwan. Maaaring may hanapin na kapalit ang bansang iyon sa hinaharap. Lalo na’t mayroong higit sa 200 na fishing vessels na nakita sa pinag-aagawang teritoryo sa Dagat ng Timog

35 | SIAS: SINAG AT ALPAS

Tsina o South China Sea, ito ay lubos na kahina-hinala at ang iba ay hindi mapanatag dahil dito. Ito ay isang kagiliw-giliw na teorya na galing lamang sa mga kuro-kuro dahil ang mga kaganapan ay nagkataong tumutugma. Gayunpaman, ang paksang ito ay hindi pa opisyal na nasabing may ugnay sa libreng bakuna kaya alalahanin muna natin ang kaligtasan natin laban sa pandemya. Sa wakas ay nakarating na din sa Pilipinas ang matagal na hinihintay na lunas at marami pang parating sa susunod na mga buwan. Ang paglabas ng mga bakunang ito ay pwedeng gamitin upang pumukaw sa puso ng mga Pilipino at mapalakas ang pananalig sa isa’t-isa na makakamit din ang kalayaan mula sa pandemyang ito na hanggang ngayon ay hindi pa nagwawakas. Inalab nito ang ilaw sa gitna ng sakuna, makalipas ang halos isang taon sa kadiliman. Maging mas ligtas sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga kahina-hinalang tao na nagpapakalat ng mga pekeng gamot na maaaring magpalala ng mga sakit. Huwag na sanang paabutin hanggang sa susunod na taon ang sakuna na ito. Patuloy sana tayong mag tulung-tulong at alalahanin ang mga protocol upang matapos na ang paghihirap at maging malaya na ang mga mamamayan laban sa pandemya ng COVID-19.

Sining ni: Mary Lademora

TOMO 18, BILANG 2


Pag-Alaga sa Sarili sarili sa kabila ng Pandemya

S

kincare routine, mga salitang

Jireh Cartel

naririnig natin sa ating araw-araw

eye cream, ngunit maging maingat sa paglagay nito dahil ang mata ay isang

na pamumuhay. Isa itong kagawiang

sensitibong parte ng mukha. Pagkatapos

nakasanayan nang gawin ng marami dahil

niyon

sa magandang maidudulot nito sa mukha at

ay gumamit ng toner para maiwasan

katawan. Noong nagkaroon ng pandemya,

ang pagkakaroon ng oily skin, at sunod ay

mas naging sikat ang pagkakaroon ng

maglagay ng serum, ngunit pakatandaan

skincare routine, dahil tayo ay naka-

na magkaiba ang serum na gagamitin sa

quarantine at halos wala nang magawa

umaga at gabi. Pagkatapos ay maglagay ng

sa ating mga bahay. Dahil na rin sa tagal

moisturizer sa mukha para ma-hydrate ito, at

nating nanatili sa ating mga tahanan, naging

sunod ay gumamit ng spot treatment, ngunit

layunin ng lahat ang pagkaroon ng “glow up”, at isa sa mga paraan ang pagkakaroon ng skincare routine para makamit iyon. Nagkaroon man ng pagbabago sa buhay natin, nakahanap tayo ng paraan upang maalagaan ang ating mga sarili. Ginagawa ang skincare routine upang mapangalagaan ang mukha at balat. Halos lahat ngayon ay mayroong mga produktong ginagamit, ngunit hindi pa pwedeng gamitin ng mga bata, lalo na ng mga batang may skin allergies o sensitibong balat. Magkaiba ang skin type ng bawat isa, kaya ang epektibong produkto sa isa ay maaaring hindi maging epektibo sa isa. Dahil dito, mas mapapangalagaan nila ang kanilang katawan at mas magiging disiplinadong gawin sa pagpapanatiling malinis ang mukha. Ang pagkakaroon ng malinis na kutis ay nagbibigay kumpiyansa sa sarili dahil alam nila kung ano ang gusto ng

Sining ni: Mary Lademora 36 | SIAS: SINAG AT ALPAS

maraming tao, ngunit normal lamang ang magkaroon ng acne, lalo na sa mga kabataang dumadaan sa pagdadalaga o pagbibinata. Mayroong mga produkto dito sa bansa na sikat at kilala ng marami dahil epektibo ito sa mga taong gumagamit nito. Marami ring mga kilalang personalidad o mga dermatologist sa bansa, at isa na rito si Dr. Vicki Belo. Kilala ang tatak Belo hindi lamang dahil maraming mga artista ang gumagamit nito, ngunit dahil maganda ang kalidad ng mga produkto. Mayroon silang mga produkto tulad ng exfoliating cleanser, tinted sunscreen, AcnePro pimple gel, at marami pang iba. Iilan lamang ito sa mga sikat na produkto ng Belo. Sa katunayan, magkaiba ang skincare routine na sinusunod sa umaga at gabi, ngunit narito ang ilan sa mga produktong kailangang gamitin sa umaga. Una, gumamit ng cleanser para maalis ang anumang dumi o mantika sa mukha, sunod ay gumamit ng

gamitin lamang ito kapag nakakaranas ng active breakouts, o kung mayroong acne para mas mapabilis ang paggaling nito. Kasunod nito ay gumamit ng face oil upang mapanatili ang moisture sa mukha, at panghuli ay ang sunscreen para maprotektahan ang mukha mula sa sikat ng araw. Sa panahon ng pandemya ay maraming nagbago sa takbo ng ating buhay. Nais man nating magkaroon ng panlabas na anyong glow up, kailangan din nating pangalagaan ang ating panloob na anyo. Kailangan din nating bigyang-pansin ang mga ito dahil sa dami ng nangyayari ngayon ay kailangan nating alalahanin ang ating mga sarili lalo na ang ating kalusugan. Kailangang maging balanse ang atensyon natin sa ating panlabas at panloob na anyo, dahil mahalaga ito upang mabuo natin ang ating sarili. Magkaiba tayong lahat sa isa’t isa, at binigyan tayo ng sarili nating ganda, kaya dapat tayong magpasalamat sa Kanya.

Sining ni: Mary Lademora TOMO 18, BILANG 2


Sining ni: Mary Lademora

K

aramihan sa atin ngayon, bata man o may edad na, ay mayroon pa ring mga pinapangarap na katawan o kung tawagin ay “body goals”. Bago pa man ang pandemya, marami sa atin ang walang panahon para mag-ehersisyo sapagkat palaging puno ang ating mga iskedyul. Mahirap maglaan ng oras para mag-workout lalo na kapag may trabaho o pasok sa eskwelahan. Ngayong quarantine, marami na tayong panahon para magsanay at magpalakas ng katawan. Dahil patuloy ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, delikado pang lumabas at halos lahat ng mga gym ay sirado. Wala tayong pagpipilian kung hindi manatili sa ating mga tahanan at gumawa lamang ng ating sariling home workout. Ngunit bago ang lahat, tanungin muna natin ang mga sarili: Saan ba tayo magsisimula? Ang kalisteniks ay isang epektibong paraan ng ehersisyo para makamit ang mga inaasam nating katawan kahit nasa bahay lamang. Dahil sa kalisteniks, pwede tayong makatipid sapagkat hindi na kailangan ng pambayad, ‘di tulad ng mga membership sa gym. Hindi na rin kailangan ng anumang kagamitan ang karamihan sa mga kalisteniks workout. Mas mainam na simula ang kalisteniks lalo na para sa mga baguhan sa pag-eensayo. Ang mga halimbawa ng iba’t ibang kalisteniks exercises ay ang push-ups, sit-ups, dips, planks, pull-ups, at marami pang iba. Ang susi para sa malakas at fit na katawan ay ang tuloy-tuloy na pag-eensayo, samahan pa ng sapat na tulog at balanseng diet. Ngayong pandemya, importante ang disiplina at tiyaga para maalagaan ng maayos ang pangangatawan. Ano pa ang hinihintay mo? Nakapag-ensayo ka na ba?

Alagaan ang Pangangatawan: Pag-eensayo sa Tahanan

37 | SIAS: SINAG AT ALPAS

Jed Cuadra TOMO 18, BILANG 2


ang Pilipinas para mas maging tanyag? opinyon sa mga banyagang ginagamit para mas maging tanyag? Ano ang iyong ANO ANG IYONG OPINYON sa mga banyagang ginagamit ang Pilipinas SA MGA BANYAGANG mas maging tanyag? Ano ang iyong opinyon GINAGAMIT ANG PILIPINAS banyagang ginagamit ang Pilipinas para PARA MAS MAGING TANYAG? tanyag? Ano ang iyong opinyon sa mga ginagamit ang Pilipinas para mas maging Ano ang iyong opinyon sa mga banyagang Madaling ligawan ang interes ng mga Pinoy, sapagkat tayo ay aktibo sa iba’t ibang plataporma Kung ako tatanungin nyo, walang sa social media. Sa ganang akin, ito ay isang masama ang pagamit sa Pilipinas stratehiyang ginagamit ng mga banyagang upang maging sikat, basta ang “influencers”; pinapakilala raw ang ating kultura sa buong mundo, intensyon ng mg banyagang ito ngunit katumbas ng pagdulot ng delusyonal na pananaw ay ay mabuti. Sa panahon ngayon na sa internet na ang pagpapakita ng kung gaano tayo kabilis malinlang. Dahil umiikot ang mundo natin, ito ang naging paraan sa Eurosentrismo, tinataguri natin ang mga banyaga bilang mas nila na mag ka pera, inadvertise ang atin kultura nakatataas o superior. Dahil nilalaman ng kanilang blogs ay at lugar sa kapwa nila at mga dayuhan. dahil sa ang ating kultura, at dahil sa kanilang mahusay na pagbobola, ginagawa nila maraming lugar dito sa Pilipinas pabiglang nagiging makabayan ang iba na nagbubunga ng ang naging tourist attraction na, kung maraming mataas na views- nangangahulugang pera at katanyagan sa mga tourista ang dumadayo mas umunlad ang Pilipinas banyagang vloggers. Nakakalungkot lang isiping pinagkikitaan ang lalong lalo na ang ekonomiya. pagkakahunghang ng mga Pinoy. Ngunit mayroong mga vloggers na dalisay ang intensyon, kaya dapat tayong maging mapanuri sa mga layunin ng mga influencers- nanglilinlang ba ito o tunay na Ang Pilipinas ay isang bansang mayaman nagpapakilala ng ating kultura sa buong mundo. sa kultura, magagandang pook, at magalang na mga tao. Sa paglipas ng mga taon, napagtanto ng mga banyaga ang Iba’t iba ang mga paraang kagandahang ito, kaya natural lang na ipakita nila ang ginagawa ng mga banyaga sa kanilang pagkamangha, lalo na sa mga pumupunta rito. paggamit ng Pilipinas upang sila ay Mabuti ito upang umunlad ang ekonomiya nating nakasentro makilala. Sumakatuwid, mayroon sa turismo. din itong benepisyo sa ating bansa sapagkat mas Ngunit, kahit nakabubuti ito, hindi ako sang-ayon sa napapahalagahan ito ng iba at ng ating mga kapwa paggamit nila sa atin upang makakuha lamang ng atensyon. Pilipino dahil sa pamamahagi dito ng ilang mga Ito’y dahil tayo, mga Pilipino, ay mas lalong nagiging tanyag banyaga. Sa kabila nito, mas napapatunayan lang sa ating pagiging “makabayan” sa pag-like at share ng mga na kadalasan ay hindi nagdadalawang-isip ang mga bidyu o artikulong bumabanggit sa atin. Nagiging desperado Pilipino na magpadala sa mga stratehiyang ginagamit tayo. Ganoon na ba tayo kauhaw sa atensyon na kahit kaunti ng mga banyaga kaugnay dito. Sa tingin ko, madali lamang at pinapalabis ang mga detalye ay huhulog tayo sa nilang napupukaw ang ating interes sapagkat wala mga ‘patibong’ nila? rin tayong sapat na representasyon sa ating bansa Kahit gusto ko rin namang iparangal ang Pilipinas bilang kung kaya’t tinatanaw natin sila na superyor o higit mayaman sa mga marikit nitong mga lugar, huwag nating na nakatataas sa atin. Dahil dito, iniisip natin na isang ipagkait ang ating dignidad. karangalan na mapansin ng mga banyagang ito kaya agad tayong naniniwala sa mga sinasabi nila at Bilang isang mamamayang Pilipino, ako ay parang nagdiriwang pa nga sa tuwing ginagamit nila hindi sang ayon sa kanilang ginagawa dahil ang ating bansa para maging tanyag. Kung gayon, tinatrato nila ang bansang Pilipinas bilang kahit na mayroon itong magandang naidudulot sa parte ng kanilang bansa. ating bansa, sa palagay ko na ang paggamit ng mga Isa din na dahilan ay ginagawa nila ito na walang pahintulot banyaga sa Pilipinas upang sumikat ay nagpapakita mula sa presidente ng Pilipinas. lamang kung gaano nila tayo kabilis malinlang dahil Ako lamang ay sasangayon sa kanilang ginagawa kung patas sa pananaw natin sa kanila at sa kagustuhan nating at pareho ang pagtrato nila sa ating bansa. Isang paraan ay makilala tayo nila. pagbigay kredito.

38 | SIAS: SINAG AT ALPAS

TOMO 18, BILANG 2


Paglipas ng isang taon, bakit lumalala pa ang sitwasyon ng Pilipinas laban sa COVID-19? Isinulat ni: Asia Agsam Sining ni: Reanna Villanueva

N

oong Marso 11, 2020 inanunsyo sa publiko ang pagtama ng pandemya sa bansa. 2021 na, isang taon na ang nakalipas ngunit wala pa ring mga pagbabagong nangyayari ukol sa pagresponde sa COVID. Nasa higit 684,311 na ang kabuuang kaso at araw-araw ay nadadagdagan ito nang hindi bababa sa 6,658 ka-tao. Bawat araw ay mas nagiging delikado ang sitwasyon para sa mamamayang Pilipino. Maraming proyekto ang ginagawa at inihahanda ng pamahalaan para sa mga tao sa bansa laban sa pandemya ngunit ang iba rito ay hindi naipatupad agad dahil sa kakulangan sa pondo at kagamitan. Isa sa mga problemang sinasapit ngayon ng karamihan ay gutom dahil marami ang nawalan ng trabaho kaya marami ang umaasa sa bigayan ng ayuda ng gobyerno ngunit naibalita rin noon sa ibang rehiyon ng bansa na kinakaltasan ang mga Special Amelioration Program (SAP) na dapat ay para sa taong bayan. Bilang isang tagapaglingkod sa mamamayan, ikaw dapat ay maging patas at iwasang maging korap o makasarili. Ang korapsyon ay isa sa puno’t-dulo ng lahat kung bakit hindi pa rin umuunlad at kung bakit walang pagbabago sa sitwasyon natin ngayon. Kung may sapat na pondo sana para pagtuunan ng pansin ang mga pangangailangan ng mga tao kagaya ng hospital beds at mga pasilidad, face mask, face shields, PPE, pagkain at kung ipapatupad lang sana nang husto ang lockdown at quarantine para hindi na lumabas ang mga bata at mga taong wala namang gagawin sa labas, maaaring may pagbabagong mangyayari sa ating bansa. Ang COVID vaccine ay isa sa mga proyekto na inuna para sa kapakanan ng karamihan lalong-lalo na sa mga nagtatrabaho bilang mga frontliner tulad ng mga doktor, nars, sekyu, bank teller at iba pa. Ang pamahalaan ng gobyerno ay humingi ng tulong sa mga tao na maging boluntaryo upang makita kung ano ang maaring maging epekto nito. Mahigit 500,000 ka-tao na sa ngayon ang naturukan ng bakuna, marami ang mga nagbigay sa bansa at isa na doon ang Tsina. 600,000 mahigit ang ibinigay nilang dosis ng Sinovac at Astrazeneca na galing naman sa COVAX. Ngunit, kamakailan lang ay naibalita sa publiko ang pagkaantala nito dahil sa indemnification fund na kinakailangan ng Pilipinas upang makakuha ng bakuna sa pharmaceutical companies. Ang pagpapaturok nito ay pinagbabasehan sa botohan at opinyon ng mga tao, ngunit sa kabila ng mga donasyon na natanggap ng Pilipinas ay marami pa rin ang nangamba at hindi pumayag na tanggapin ito dahil sa mga iba’t ibang reaksyon na natanggap at isa na doon, ang mga balitang may namatay dahil dito. Ang mga tao ay natatakot dahil sa walang katiyakang resulta nito sa ating katawan. Marami ang mga nanghihikayat, lalong-lalo na ang gobyerno, na ligtas naman daw ito at sana makiisa ang lahat para sa ganoon ay maging maayos ang kalagayan ng ating bansa mula sa pandemya. Masasabing lahat ng opinyon tungkol dito ay tama at mapagsasang-ayunan dahil may mga nagpaturok din at magkaiba ang naging reaksyon ng kanilang katawan. Ang iba ay nagkalagnat ng tatlong araw subalit mayroong hindi at maayos naman ang naging kalagayan.

Kung ating seseryosohin at pagtuunan ng pansin ang kaganapan sa kasalukuyan, ‘wag na tayong lumabas pa kung hindi naman kinakailangan at dapat sundin ang mga health protocols upang maiwasan ang pagdadala ng bayrus sa sarili at sa mga bahay na maaari pang makaapekto sa iyong pamilya. Base sa aking obserbasyon, ang mga tao ay hindi nagsusuot ng faceshield o facemask na ito mismo ay isa sa mga bagay na napapabilang sa pinakaimportanteng bagay na kailangang suotin at dalhin kung saka-sakali mang lalabas ng tahanan. Ang pagiging matigas na ulo ng Pilipino ay siyang magpapahamak sa kanilang kalusugan at bansa; hindi ito matatapos hangga’t hindi tayo natututo. Kamakailan lang ay bumalik na naman ang ibang lugar sa bansa sa lockdown dahil tumataas ang bilang ng kaso ng COVID doon. Ang isa sa mga naging problema natin ay ang pagdidisiplina sa sarili dahil noong pinagbawalan na lumabas at gumala ang mga bata lalong-lalo na ang mga menor-de-edad. Pinapaalalahanan na ang pandemya ay hindi pagkakataon upang tayo ay maglakwatsa kung hindi ay maglaan ng panahon sa sarili at makasama ang ating mga pamilya. Dapat lahat tayo ay maging mapagmatyag sa kung ano ang mga nangyayari sa ngayon at imulat ang mga mata para magkaroon ng solusyon at pagbabago sa bansa. Bilang isang kapwa Pilipino tayo ay makiisa at tumulong dahil tayo-tayo rin naman ang magbebenepisyo sa lahat ng mga ginagawa natin. 39 | SIAS: SINAG AT ALPAS

TOMO 18, BILANG 2


AGWAT Isinulat ni: Alexa Chua Sining ni: Reanna Villanueva

N

oon, pagpatak ng tanghali ay makakakita ka ng mga batang naglalaro sa kalsada ng iba’t ibang tradisyunal na laro tulad ng tumbang-preso, tagu-taguan, habul-habulan, o agawan-base. Halos lahat ng kalaro mo, pati ikaw, ay nangangamoy-araw na. Palakad-lakad nang mayroon pang lampin sa likod o kung minsan ay dyaryo. Yung iba mas hilig umakyat sa mga puno ng mangga o saging para kumuha ng bunga na kakainin habang pauwi sa bahay pagkatapos maglaro. Dati hindi ka pwedeng umalis ng bahay at kitain ang mga kalaro mo kapag hindi ka nakatulog sa hapon o nag-siesta. Minsan, nang dahil sa katigasan ng ulo ay mapapalo ka pa ng istik, walis tingting, hanger, tsinelas o sinturon – pumili ka lang ng gusto mong ihampas sa sarili mong puwet. Kapag tapos na maglaro at magdadapit-hapon na ay panahon nang kumaway sa mga kalaro at sabihing “Tinatawag na ako ni mama, bukas naman uli ha,”. Ganito kasimple noon. Sa katunayan ay naranasan ko pa ang mga iyan at bago pa iyon kaagad na umusbong ang teknolohiya. Masasabi kong mula nang naging uso ang mga selpon, tablet at kompyuter, naiwan ang mga kalsada na tahimik. Wala nang pumapansin sa basketbol na halos wala nang hangin, wala nang maiingay na hiyaw at mga batang tumatakbo pabalik-balik. Wala nang maririnig na yapak ng tsinelas na tila pudpod na, wala na ring naiiwang balat ng kendi, wala nang nanunungkit ng bunga sa mga puno. Ganito kabilis at kalaki ang naidulot ng teknolohiya at ng panahon. Ang kabataan ngayon, sa edad na tatlong-taong gulang ay marunong nang gumamit ng selpon para maglaro ng online games. Alam na nila kung paano pumunta sa YouTube at manood ng CocoMelon. Kung ikukumpara sa akin, una akong natutong magselpon noong nasa ikaapat na baitang na ako. Isa pa, marunong na silang mag-pose sa mga litrato o mag-selfie nang sila lang at may kasama pang OOTD o Outfit Of The Day. ‘Di tulad ko noon na napakabaduy ng suot papunta ng studyo para lang mapa-develop ng mga magulang ko ang mga litrato kong nakabewang lang lahat at halos hindi marunong ngumiti para sa isang litrato. Ang kabataan noon, nagpapabonggahan ng laruan na natanggap noong Pasko tulad ng mga yoyo, pogs, Barbie, lutu-lutuan, at laruang selpon. Ngayon, paramihan at pataasan na ng specs at model ng gadyet. Kung dati ay nagbabasa pa ang mga bata mula sa libro, ngayon ay diretso search na lang sa Google.

40 | SIAS: SINAG AT ALPAS

TOMO 18, BILANG 2


Makikitang laganap talaga ang generation gap. Mailalarawan ang generation gap bilang ang pagkakaiba ng ugali at pananaw ng mga henerasyon, partikular ng mga anak at magulang, ayon kay Nancy Mendez ng Springer Link. Hindi talaga ito maiiwasan dahil araw-araw ay mas napapalapit tayo sa pagtawid sa tulay ng modernisasyon na dulot mismo ng teknolohiya. Bukod sa pagkakaiba sa paraan ng paglilibang ay nag-iba na rin ang mga ugali ng kabataan sa ngayon. Dahil sa impluwensiya ng social media tulad ng Facebook, Instagram, Twitter at Tiktok ay natututunan ng mga bata ang mga bagay o “content” na hindi angkop sa kanilang edad. Nakadidiskubre sila ng mga paraan ng pagmumura at pagsagot sa mga nakatatanda nang hindi maayos. Mayroon ding mga bidyo na kumakalat na nagpapakita ng karahasan kahit sa mga prank lamang. Hindi nagiging nakatatawa ang mga ito, imbes, napapahamak lang ang mga kasali rito. Kaya nga mas nagiging normal para sa kanila na sumagot sa mga magulang nang pabalang, ‘di tulad ng mga bata noon kakaunting pamimilosopo ay palo na agad ang kahahantungan. Sa kabilang dako, naging malaking tulong naman ang generation gap na ito. Itinuturing na Information Age ang ika-20 siglo kung saan mas mabilis ang pagkalap ng impormasyon sa

! ?

pamamagitan ng media lalo na online. Dahil dito, mas napupukaw ang mga kabataan tungkol sa mga isyung kinakaharap ng iba’t ibang klase ng tao sa lipunan gaya ng mga LGBT, Black Americans, mga kababaihan, mga mahihirap at iba pa. Sa tulong ng bagong henerasyon, mas mabilis silang magbigay kaalaman sa iba pati na sa kanilang mga magulang tungkol sa pagputol ng stigma o kahihiyan laban sa iba. Nagkakaroon ng mas malinaw na pagpapaliwanag at pangangatwiran ang mga taong sa mata ng iba ay masama tulad ng mga sex workers at LGBT. Nabibigyan sila ng boses upang ipagtanggol ang kanilang mga karapatan bilang isang tao. Marami mang pagbabago dahil sa generation gap, mananatili na lamang na alaala ang paraan ng pamumuhay natin noon sapagkat ang pagbabago ay bumibisita araw-araw at hindi ito titigil. Mayroong mga magagandang bagay sa bawat henerasyon ngunit mayroon namang hindi gaano kaganda. Ngunit sa kabila nito ay dapat nating isipin na tayo ay dapat umusad at tanggapin ang mga pagbabagong ito. Masaya mang tumakbotakbo sa kalsada kada tanghali, hindi ba’t masaya ring manood ng TV at Netflix sa bahay?

41 | SIAS: SINAG AT ALPAS

TOMO 18, BILANG 2


Tiktok Tiktok Ang Sabi ng Clock Isinulat ni: Zyronne Giltendez

A

minin nating lahat, nakababagot naman talaga matulala sa paulit-ulit na takbo ng buhay habang nasa quarantine. Kumain, maligo, matulog, tila isang gulong na paikot-ikot sa halos isang taong pagkakabilanggo sa pinsala’t pahamak na dulot ng pandemya at habang umaasa ang buong mundo sa walang katiyakang katapusan ng krisis, higit na kakaunti ang naiipon nating positibong pananaw sa buhay. Ito ay nagdulot ng biglang pagliko nating lahat sa social media upang hindi tayo mabaliw sa mga salangsang na saloobin na nakapalibot sa atin. Gayunpaman, sa nakaraang mga buwan, binansagang social media giant ang app na Tiktok; isang video-sharing app na nangibabaw sa iba’t ibang parte ng mundo. Dito bibigyan ka ng pagkakataong ipahayag ang iyong sarili mula sa kanilang malawak na saklaw ng musika o filters na maaaring gamitin sa 15 or 60 segundo na bidyo. Naging inspirasyon ang mga ito ng iba’t ibang mga uso katulad ng musikang Bored In The House ni Curtis Roach at Old Town Road ni Lil Nas X. Dito rin pinanganak ang mga naging usong Dalgona Coffee, Cloud Bread, at Nature Cereal. Hindi rin nahuli ang Tiktok bilang pinanggagalingan ng viral na mga sayaw na naging pukaw-sigla ng iba’t ibang mananayaw sa buong mundo. Sa Tiktok umikot ang kaisipan at kalibangan ng mga kabataan

42 | SIAS: SINAG AT ALPAS

sa nakakabagot na kadena ng pandemya. Hindi rin natin maitatanggi na ito ay nagsilbing bukal ng impormasyon at kaalaman ukol sa lagay ng mundo sa gitna ng krisis. Kasama ang World Health Organization (WHO), ibinalita ng Tiktok ang paglabas ng kanilang Tiktok WHO Page na may layuning maglaan ng tumpak at napapanahong mga balita tungkol sa pandemya. Ayon sa Tiktok, nakatuon ang kanilang pansin sa pagsuporta sa paglalaan ng tumpak na impormasyon at mapagkukunan mula sa mga pampublikong opisyal sa kalusugan at patuloy na suporta at mga bidyo na makakapagbigay ng lakas na loob at tatag sa mapanghamon at madilim na buhay ngayong pandemya. Kung may kalamangan, may kahinaan. Sa mga nagdaang uso sa Tiktok, hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng sagupaan ng mga opinion at nakasisirang pagpupuna na minsan umaabot sa cyberbullying. Sa mga nakaraang maligalig na mga buwan, naging madali ang pagharang sa mga taong may malaking pampublikong plataporma o tungkulin. Umusbong ang kilalang “cancel culture” na isang pampublikong tugon ukol sa mga salitang sa tingin nila ay nanalakay sa kanilang karapatang pantao na maaaring magdulot ng pagkasira ng kanilang reputasyon at dangal. Sa samut-saring personalidad at katangian na umiikot sa Tiktok, hindi lang cyberbullying ang naging

masamang epekto nito sa iba kundi pati na rin ang pagkalat ng fake news. Inabot ng ilang libo ang mga bidyo na naglalaman ng mali o nakakalinlang na impormasyon ang nagsilitawan. Sa layuning sugpuin ang ganitong mga bidyo, inilahad ng Tiktok ang mga bago nitong kakayahan upang harapin ang mga isyung ito. Noong Abril 30, ibinalita sa lahat na mas pinahusay ang mga hakbang sa pagsugpo ng ganitong mga bidyo. Binigyan nito ang mga gumagamit ng kakayahan na i-report ang mga bidyo na sa tingin nila ay naglalaman ng mali o nakakalinlang na impormasyon, mapanganib na organisasyon, ilegal na mga gawain, nagtataglay ng bayolenteng nilalaman, pananakit, paninirang puri, kapahamakan ng mga menor de edad, at kalaswaan. Ayon sa kanila, layunin nila ang panatilihing ligtas na lugar para sa lahat ang Tiktok at walang sinuman dapat makaramdam ng panganib o peligro. Nananatili mang umiikot ang gulong ng buhay, hindi masamang tumigil sa mga pagkakataong alam natin ay sasaya tayo. At sa panahong tayo ay titigil upang libangin ang ating mga sarili, siguraduhin natin na buhay ang kakanyahan ng responsibilidad at respeto sa ating mga sasakyang uso habang tatagal ang byahe ng ating mga buhay.

TOMO 18, BILANG 2


Buhay pa rin ang Saya Isinulat ni: Ma. Liana Jeanber S. Eriso

L

ikas sa ating mga Pilipino ang mahilig sa kasiyahan. Marahil sa ating bansa makakakita ka ng mga lalaking nag-iinuman sa kanto o ‘di kaya’y mga babaeng nagtsitsismisan lalo na sa mga iskwater na lugar. Nang ipinatupad ng gobyerno ang quarantine, hindi naging madali sa lahat ang pagbabago dulot nito. Lahat tayo ay may iba’t ibang uri ng libangan o kinaaaliwang gawin. Isa na dito ang mga laro at dito sa Pilipinas ay may mga tinatawag tayong larong pambansa. Ngunit sa paglipas ng panahon, dahil na rin sa pandemya. Marami na ang mga nagsusulputang makabagong libangan na mas pinagkakaabalahan ng mga kabataan ngayon. Isa rito ang paglalaro ng “Call of Duty” or kilala sa tawag na COD at “Mobile Legends” naman or kilala sa tawag na ML. Ito ay mga online games na patok at pinagkakaguluhan ng mga kabataan ngayon. Ito ay naging tulay ng kasiyahan ng mga magkakaibigan kasi hindi pa lahat ang pwedeng lumabas sa mga publikong lugar dahil sa kumakalat na virus.

Habang ginugugol ko ang aking oras sa social media, napansin ko na marami sa aking mga kaibigan, kaklase at kakilala ang nagbibisikleta o biking. Kinausap ko ang isa sa kanila at isa din daw ito sa mga libangan nila ngayong quarantine. Nakakawala daw ito ng stress at negatibong pag-iisip. Isa din itong oportunidad para makipagkilala at makipagkaibigan sa iba. Sumusunod din sila sa utos ng pamahalaan. Ang simpleng pagsuot ng face masks at mga safety gears na kinakailangan ay sinusunod nila sa araw araw nilang paglalakbay. Ito ay isang paalala sa mga kabataan ngayon na hindi dahil sa quarantine at pandemya, ipagsisiksikan natin ang mga sarili natin sa mga negatibong balita na pumapaligid sa atin. Minsan, dapat din nating isipin ang ating kalagayan o mental health. Ito ay ang pinaka importanteng parte ng ating pagkatao dahil hindi tayo makapag-aral ng mabuti kung may sumasagabal na mabigat sa atin. Kaya sa lahat ng mga kabataan ngayon,

Huwag matakot subukan ang mga panibagong bagay na pwede nating gawin bilang isang libangan at pahinga ng ating isipan. 43 | SIAS: SINAG AT ALPAS

TOMO 18, BILANG 2



Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.