MIKEL LOVINA SPORTSFEST 2023 ISINAGAWA MIKEL LOVINA SPORTSFEST 2023 ISINAGAWA
Isinagawa ang Mikel Lovina Sportsfest 2023 na nilahukan ng buong Integrated School ng University of St La Salle noong ika-30 ng Enero 2023 hanggang ika-2 ng Pebrero 2023
Nagpakitang gilas ang apat na pangkat - House of Cody, House of Ruhland, House of Masson at House of Wester sa larangan ng palakasan
20, BILANG 01
Pagkatapos ng apat na araw na paligsahan, nakalikom ng pinakamaraming puntos at itinanghal na over-all champion ang House of Wester at sumunod naman ang House of Masson na nagtapos bilang 1st runner-up
Hinirang na Athlete of the Year ang dalawang mag-aaral mula sa House of WesterElizabeth Javelosa ng 10F para
sa mga babae at si Jefran Ditchella naman ng 10B para sa mga lalaki Ibinida rin ng mga piling mag-aaral ang kanilang taglay na talento sa pagsayaw sa Rhythmic Dance Presentation na ginanap sa huling araw ng nasabing pangyayari
LASALLIAN TEACHERS' DAY IPINAGDIRIWANG LASALLIAN TEACHERS' DAY IPINAGDIRIWANG
Gleanah Ysabelle P. De Asis
Ipinakita ng mga Lasalyanong magaaral ang kanilang pagpapahalaga sa mga Lasalyanong guro sa pamamagitan ng pagdiriwang ng Lasallian Teachers' Day sa University of St La Salle noong ika-26 ng Enero 2023
Sinimulan ang araw sa pagtitipon ng mga estudyante at guro sa loob ng kaniya-kaniya nilang mga silid-aralan na kung saan ginanap ang mga napaghandaang programa, palaro, kantahan, sayawan, usapan, at kainan.
Matapos ang nasabing kaganapan ay dinaluhan naman ng mga guro ang misa sa USLS Chapel na pinangunahan ni Fr Jerryvel Celestial
Natapos ang pagdidiriwang sa pagtitipon ng lahat ng mga Lasalyanong guro sa New IS Building Lobby kung saan nagkaroon ng paglalaro, pagsasalo, "photo session", at pagsasaya na pinamunuan ng Liceo Student Government at Integrated School Student Government.
2023 English Language Month IInilunsad nilunsad
2023 English Language Month
Lady Lyka S. Bendicio
Ipinagbunyi ang Buwan ng Wikang Ingles sa pamamagitan ng paglunsad ng isang programa na pinaglingkuran ng mga guro at mag-aaral mula sa iba’t ibang baitang ng University of St. La SalleIntegrated School noong ika-6 ng Pebrero 2023 sa USLS Coliseum.
Inumpisahan ni Ms. Juhanna Añonuevo ang programa sa pagbibigay ng pambungad
napananalita kung saan inilihad niya ang paksang “English Proficiency for Human-Centered Learning Recovery”
Nagkaroon ng mga tanghalan na sinimulan ni Jonnyl Esmores sa pamamagitan ng pagbabasa ng tula na pinamagatang “Oh Captain! My Captain!” at sinundan naman ng Book Character Parade kadugtong ang impersonasyon mula sa sampung mga mag-aaral
Nagpakitang gilas din pagkatapos ang mga
NOPSSCEA Hip-Hop Dancers ng USLS at masigasig na itinanghal ang kanilang talento sa pagsasayaw
Nagwakas ang programa pagkaraan ng
panghuling presentasyon mula kay Leon Antonio Besar na siyang naghatid ng isang talumpati.
OPINYON
Ang Benepisyo ng Ang Benepisyo ng
FFace-to-Face ace-to-Face
MModality odality
Gabreille Jilianne T Navor
Balik Eskwela, Balik Normal Pagkatapos ng halos dalawang taon, bumalik na sa wakas ang F2F modality Lahat ay nakatanggap ng magandang balita tungkol dito, pero may iba din na hindi, sa kadahilanang nasanay sila sa online modality noong nagsimula pa ang pandemya Kaya, pinagkagulahan na ng mga tao ang tungkol dito dahil ang bawat isa ay hindi magtugma ang kanilang mga opinyon Pero, alin kaya sa dalawang ang maganda? Online o F2F?
Para sakin, mas maganda ang F2F modality Ito ay dahil nakakatulong sa mga estudyante upang ibalik at mapabuti ang kanilang kumpiyansa sa sarili Nung nagsimula ang pandemya, lumala ang mental health ng mga estudyante dahil sa "online modality" nang dahil sa napakaraming modyuls o mga takdang-aralin Lahat ay napagod, nawalan ng gana, at nahihirapan Isa pa, mas makaluwag ang mga mag-aaral kapag nasa paaralan kaysa sa nakakatutok lang buong araw sa gadyets para sa online class o di kaya’y sa mga tambak na modyuls Ang isyung ito ay nangangailangan ng pansin at agarang aksiyon
Ayon kay Sen Sherwin Gatchalian, “Makatutulong naman sa mental health ng mga estudyante ang pakikipag-ugnayan nila sa kanilang mga kapwa mag-aaral kapag natuloy na ang face-to-face classes lalo na sa low risk areas Sa pamamagitan din ng limited faceto-face classes, maaaring makatanggap ang mga mag-aaral ng sapat na paggabay mula sa kanilang mga guro”. Ipinahayag ni Sen Gatchalian ang benepisyo ng Face-to-Face Classes sa mga kabataan Sumasang-ayon ako dahil inoobserbahan ko na ang kalagayan ng mga estudyante pati na rin ang mga guro na mas magaan sa kanila kapag nasa F2F modality sila
Sa palagay ko, dapat na ipatuloy ang F2F modality dahil mas mabisa ito para sa mga mag-aaral matuto at makipag-ugnayan Mas madaling intindihin ang mga aralin kapag nasa silid-aralan para hindi na sila mahirapan kung ano ang dapat gawin na itinakda ng mga guro at hindi rin mahirapan maipahayag ang kanilang opinyon o saloobin tungkol sa mga aralin sa mga guro nila Idinagdag ni Sen Sherwin Gatchalian na, ito na din ang solusyon pagkatapos ng dalawang taon na pagkasara ng mga paaralan at sa nawalan at kulang na kaalaman at produktibo ng mga kabataan Sa sinabing pahayag, ito’y makakatulong ibalik muli ang pangkaraniwang gawain sa eskwelahan nung bago pa mangyari ang pandemya
Nagbibigay ito ng tulong upang “mag-adjust” ang mga estudyante sa kalagayan nila sa pag-aaral Sa aking pananaw, dahilan kung bakit mas maganda ang F2F modality ay para din makasama nila ang kanilang klasmeyts Sa panahon wala pa ang pandemya, halos lahat ay magkasama upang mag-aral, gumawa ng mga takdang-aralin o di kaya'y mga projects, at maraming pang iba Sa dalawang taon sa online modality, sila ay nahihirapan dahil sa sitwasyon hinaharap ng buong mundo at ang matinding pagbago sa sistema ng edukasyon sa panahon ng pandemya
Ayon kay Iya Therese Parpan, isang estudyante, "Nung face-to-face [class] po, we had the chance to study each lesson for a week, which made it easier for us to understand almost everything, but when online classes came, cramming po nangibabaw and umaasa kami sa YouTube when it comes to lessons na hindi namin naintindihan". Patunay ito na mas madali kapag nasa Face to Face classes dahil nagdadagdag ito ng mabuting kaalaman sa pag-aaral Sa pagtatapos, ang Face-to-Face Classes ay mas maganda at epektibo na modality Ito'y nagbibigay ng maraming mabuting benepisyo para sa kaalaman at kalagayan ng mga estudyante Malaki talaga ang tulong ang modality ito dahil mas madali ito para sa mga mag-aaral Ipinakita din na ito ang sagot na solusyon sa problema ng mga kabataan Kaya kapag may problema, gawan ng solusyon
OPINYON
Kalidad ng Edukasyon ng Kalidad ng Edukasyon ng Pilipinas, debunked? Pilipinas, debunked?
Ang kalidad ng edukasyon ay ang
katatagan ng isang bansa at ang holistic na pag-unlad ng isang tao habang
buhay Mula sa aking pananaw, ang estado ng edukasyon sa Pilipinas ay patuloy na kontraproduktibong mga
hakbang at sinisira ang sistema ng
pagkatuto sa loob ng mga institusyon at mga taong sangkot Rebolusyonaryo at maraming nalalaman, ang edukasyon ay naghahanap ng kaliwanagan na kailangan ng isang tao ngunit paano kung ang kalibre nito ay insupisiyente?
Paatras na umuusbong ang kalagayan ng dekalidad ng edukasyon
Bago pa man ang 2019 Corona virus, ang sistema ng edukasyon ay nagdurusa sa kakulangan upang
makipagkumpitensya sa mga
internasyonal na pamantayan kabilang ang mas mataas na edukasyon, tersiyaryo at pangunahing antas
Bagama't ang kapaligiran ng K-12 ay nagpapataw ng pandaigdigang
kakayahan, ang pangunahing pagtutuon
dito ay binabalewala pa rin ang mga naturang pundasyon tulad ng mga kawani na sobra sa trabaho at kulang sa suweldo at ang kanilang mga alalahanin. Ang pagpopondo nang walang sapat na pagsasaalang-alang, tapat na alokasyon at pangmatagalang pangako ay dapat na iakma upang mas mahusay na mapaunlakan ang masa
Aicelyn Rose H GomezAng mga Pilipino ay inuuna ang mga inaasahan Walang hustisyang maibibigay sa mga ganitong pagpapabuti at pagbabago kapag laganap ang problema at nagsisilbing hadlang sa karapatan ng edukasyon. Pamantayan kaysa sa hindi alam o pinigilan na mga regression at kahirapan Ang kawalan ng interes na ituloy ang mas mataas na edukasyon at makakuha ng pagbubuwis sa mga trabahong may mahusay na bayad ay naglilinang ng pagkawala ng sarili sa lipunan sa isang progresibong mundo Bagama't ang gap years ay na-normalize sa buong mundo, hinihikayat ng mga magulang ang kanilang mga anak na magtapos nang maaga sa buhay upang maging tulong pinansyal sa pamamagitan ng pagiwas sa emosyonal at mental na pagkabalisa ng isang bata.
Ang karamihan sa mga naghahangad na kabataan ay walang pribilehiyo sa pananalapi upang ituloy ang kanilang mga hilig at tiyakin ang isang backup na plano. Maaari mo ba talagang ipagpatuloy ang pagtitiis sa pressure na binuo sa mga tahanan, relasyon at mga setting ng paaralan upang mabuhay ang iyong buhay sa paraang gusto mo? Ang edukasyon ay nagiging isang pang-eksperimentong modality
Ang pagkakapare-pareho ng pagbabago ng pandemya ay nangangailangan ng agarang pagtugon kaya ang mga limitasyon ng teknolohiya ay sinusubok araw-araw Lahat ay umayon ngunit lahat ay pagod din. Sa partikular, ang mga magaaral at guro ay may iba't ibang pamamaraan sa pag-aaral at pagtuturo at upang makinabang sa mahusay na resulta, ang mga institusyong pangedukasyon ay nagsagawa ng buong online, kalahating araw na iskedyul, hati sa mga grupo, binawasan ang mga asignatura hanggang sa kamakailang DepEd batas ng 5 araw na f2f na klase Hanggang ngayon, bata man o hindi, ikaw ay natigil sa isang estado kung saan ang oras ay palaging mabilis at hindi magiging sapat. Ang edukasyon ay isang proseso ng moral na integridad at tagapagpahiwatig ng pag-unlad sa loob ng iyong sarili, pamilya, lipunan at bansa Ang de-kalidad na edukasyon ng Pilipinas ay kailangang suriing muli, magsimula sa pagtugon sa mga isyu dahil ito ay bunga ng kapakipakinabang na pagbabago at panghuli, limitahan ang mga pamantayan sa makatotohanan at makatwiran na pagunawa Ipapatupad mo ba ang nararapat na hustisyang kailangan para sa ating kalidad na sistema ng edukasyon?
OPINYON
LIBRENG PAMPUBLIKONG WI-FI LIBRENG PAMPUBLIKONG WI-FI
Gian Carlo Barcoma
Dito sa ating lipunan, kasama ang ebolusyon ng ating ekonomiya at mga mauunlad na teknolohiya, ang Free Public Wi-Fi ay isang napakahalagang mapagkukunan para sa marami
Ang Libreng Pampublikong Wi-Fi ay pinagmulan ng iba't ibang bagay na kinakailangan nating lahat sa ating buhay Nagbibigay-daan ito sa karamihan, kagaya na lamang sa mga guro, mag-aaral, at marami pang iba, na isagawa ang kani-kanilang mga pang-araw-araw na gawain.
Talagang kinakailangan nila ang Libreng
Pampublikong Wi-Fi sapagkat hindi sa lahat ng pagkakataon ay may kaniya-kaniya silang wifi na dala-dala o 'di kaya'y ipinatayo sa kanilang bahay sa kadahilanang marahil wala silang gaanong pera upang tustusan ito Sa aking pananaw, ang nasabing Libreng Pampublikong Wi-Fi ay tunay ngang mahalaga
Sa tuwing sila'y tutungo sa ibang lugar na kung saan mahirap ang komunikasyon dulot ng ganap na kalayuan, magagawa nilang kumonekta sa Free Public Wi-Fi at ito'y lubos na nakakabuti para sa kanila. Ang pagkakaroon ng Libreng
Pampublikong Wi-Fi ay siyang mapapakinabangan ng mga indibidwal. Sa tuwing mayroon silang mahahalagang bagay na kinakailangang gawin, maaaring makatulong sa kanila ang paggamit ng Wi-Fi at mas lalong mapapadali ang kanilang mga tungkulin
Sa makabago, matatanyag, at mauunlad na mga teknolohiya, ang Libreng Pampublikong WiFi ay lubhang kinakailangan ng karamihan; ito'y hindi lamang nagbibigay ng pakinabang sa isa o iilang mga indibidwal, kundi lahat sa kabuuan ay natutulungan.
EDITORYAL
Paninigarilyo: Nakakasama ba? Paninigarilyo: Nakakasama ba?
2 0 2 2 - 2 0 2 3
TAGAPAMAHALA
Bb Ma Jheade Suclan
PUNONG PATNUGOT
Monique Angeline Judith
PANGALAWANG PATNUGOT
Atasha Mae Gregorio
TAGAPAMAHALANG PATNUGOT
Lady Lyka Bendicio
Gleanah Ysabelle De Asis
TAGASULAT NG BALITA
Monique Angeline Judith
Lady Lyka Bendicio
Gleanah Ysabelle De Asis
TAGASULAT NG EDITORYAL
Trisha Anne Segumban
TAGASULAT NG OPINYON
Gabreille Jilliane Navor
Aicelyn Rose Gomez
Gian Barcoma
TAGASULAT NG LATHALAIN
Ana Maristella Be
Lady Lyka Bendicio
Isabelle Casanova
Sofea Garzon
Katrina Ynez Gunday
Elizabeth Javelosa
Monique Angeline Judith
TAGASULAT NG AGHAM AT TEKNOLOHIYA
Atasha Mae Gregorio
Keana Deane Nemenio
Alexander Uy
Andre Benedict Valencia
TAGASULAT NG PAMPALAKASAN
Elizabeth Javelosa
Jillian Elaine Reysoma
TAGAULO AT TAGAWASTO NG BALITA
Gleanah Ysabelle De Asis
TAGADIBUHO NG LARAWANG TUDLING
Alfritz Vargas
TAGAKUHA NG LARAWANG PAMPAHAYAGAN
Juliana Marie Benitua
Gabrielle Buenaventura
Jhon Nicole Detablan
Archibard John Gale
TAGA-ANYO NG PAHINA
Frederic Louis Obillo
Laurein Soliguen
Eizelle Zabyne Verzosa
Lady Lyka Bendicio
Sa kasalukuyang panahon, nakakaalarma ang malaking persyento ng mamamayan na naninigarilyo ilan sa mga ito ay mga menor de edad na ginagawa sa mga pinagbabawal na lugar, katulad ng paaralan Ayon sa Lung Center of the Philippines, dalawamput-walo sa 17 3 milyong Pilipino na labing-limang taong gulang pataas ay naninigarilyo Kung karamihan ay nagsasabi na ito ay pampawala ng pagod, tama ba ang paninigarilyo kung ito’y may maraming negatibong epekto sa kalusugan, mga tao sa paligid, at sa buhay pinansyal?Kalusugan ng mga
naninigarilyo ay nasa
panganib dahil sila’y malapit sa mga sakit na nakakamatay
Ang paninigarilyo ay nagdudulot ng
kanser sa baga at halos sa kahit saang parte ng katawan kabilang dito ang labi, dila, bibig, ilong, esophagus, lalamunan, voice box, tiyan, atay, bato, pancreas, pantog, at dugo Ang paninigarilyo ay isang pangunahing sanhi ng cardiovascular disease at stroke Ito ay dumdagdag ng panganib sa mga namuong dugo na humaharang sa daloy ng dugo sa puso, utak, o mga binti Ang paninigarilyo ay maaring magdulot ng diabetes Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention, ang mga taong naninigarilyo ay may 30%–40% na posibilidad na magkaroon ng ikalawang uri ng diabetes kaysa sa mga taong hindi naninigarilyo
Ang mga taong hindi naninigarilyo pero nalantad sa
secondhand smoking, kahit na sa maikling panahon, ay maaaring makaranas ng
nakakapinsalang epekto sa kalusugan Ang secondhand smoke ay naglalaman ng
daan-daang kemikal na kilala na nakakalason o carcinogenic, kabilang ang formaldehyde, benzene, vinyl chloride, arsenic ammonia at hydrogen cyanide Ayon sa Institute of Medicine, maaaring magdulot ng atake sa puso ang secondhand smoke; kahit ang maikling
pagkalantad ay maaaring magdulot ng atake sa puso
Ang paninigarilyo ay maaaring humantong sa
kahirapan Isang halimbawa ay ang pera na napupunta sa paggastos para sa tabako sa halip na gastusin ang pera para sa pagkain at mga pangunahing
pangangailangan Mataas ang presyo ng sigarilyo kung kaya't makikinabang ka sa paghinto ng paninigarilyo dahil ika’y makakatipid sa iyong pera at sa mga gastos sa kalusugan sa mga susunod na taon
Ang paninigarilyo ay nakakasama at may maraming negatibong epekto sa katawan na maaring magdulot ng iba't ibang sakit sa kalusugan ng isang tao, sa mga mamamayan na naapektuhan ng secondhand smoking, at sa buhay pinansyal Kailangan ng mga mamamayan na ibukas ang kanilang isipan at huminto sa paninigarilyo para sa mabuting kalagayan sa kalusugan at magandang kalidad ng buhay
LATHALAIN 7
rito?
Ngayon na halos lahat ng mga paaralan ay maayos na isinasagawa ang Face-to-Face modality, ang mga estudyante ay patuloy pa rin sa Online Learning dahil sa mga kadahilanang medikal , nakatira sa malayo o di kaya sa ibang bansa Sa katotohanan ay, oo, gusto naming makauwi ng Pilipinas, pumasok sa paaralan, makita ang aming mga kaklase at guro, at maranasan ang mga kaganapang nangyayari doon Ngunit dahil sa mga kadahilanang hindi namin maiiwasan, ang magagawa lang namin ay magpatuloy sa aming pagaaral sa panahong ito Sa nakikita ko sa internet, ang dami ng mga estudyante na pumapasok sa paaralan at dumadalo sa mga kaganapan sa eskwelahan, ako’y nakaramdam ng kaunting panghihinayang at gusto ko rin makisama sa sayang iyon.
Maliban dito, naniniwala ako na pag ako’y pumasok sa paaralan, magiging mas masaya ang aking pag aaral Ito ay dahil nakikita ko ang aking mga kaklase at mga guro. Magkakaroon ako ng oportunidad na magamit ang aking kasanayan sa panlipunan sa pakikisalamuha sa aking mga kaklase. Kaya bilang isang studyanteng nakatira sa ibang bansa at pumapasok sa aking mga klase sa pamamagitan lang ng aking kompyuter, ako’y sabik na dumating ang pagkakataon na maari na akong makauwi ng Pilipinas, makita ang pamilya at mga kaibigan ko, at pumasok sa paaralan at maranasan ang mga kaganapang pang-estudyante na isinasagawa doon.
Nais mo rin bang umuwi sa Pilipinas at pumasok sa Nais mo rin bang umuwi sa Pilipinas at pumasok sa paaralan para paaralan para maranasan ang mga kaganapang maranasan ang mga kaganapang nangyayari
nangyayari rito?
Katrina Ynez D Gunday
LATHALAIN
Bahid ng Kaligayahan Bahid ng Kaligayahan
Lady Lyka S BendicioSabi nga nila, sa buhay, kapag ikaw ay may gusto, palaging merong paraan; mula sa mga kahilingan, kagustuhan, pangangailangan, at hanggang sa malalaking ambisyon na nais nating hantungan.
Oras, sikap, at sariling kaginhawaan ay inialay para sa kapakanan ng iba; buhay pagseserbisyo, buhay bilang isang guwardiya Isipin niyo man na bilang isang guwardiya ay isang madaling trabaho sapagkat sila ay nakatayo lamang sa iisang lugar habang pinapanood ang ibang taong pabalik-balik, ngunit kayo’y nagkakamali. Marami pa silang mabibigat na mga responsibilidad at tungkulin na pinanghahawakan at kinakailangang gampanan kagaya na lamang ang pumagitna sa mga aktibidad na maaaring humantong sa isang pinsala, pagbibigay patnubay at gabay sa mga pamatnugutan at mga indibidwal, at marami pang iba. Ang pagtitiyak ng seguridad, kaligtasan, at mabuting kalagayan ng lahat ay ang kanilang pangunahing layunin.
Isang taong piniling hagarin ang karerang “Security Guard” nang para sa kanya ay mas madaling aplayan at pasukan, siya ay si kuya Armando Mahilum Larayos, 45 taong gulang. Siya ay isang guwardiya ng paaralang University of St. La Salle - Integrated School at nagtatrabaho na nang halos 12 na taon Kanyang isinaad na akala niya noon ito ay isang madaling trabaho lamang ngunit sa katunayan ay mahirap naman pala
Ang kanyang buhay bilang guwardiya ay hindi lamang mapayapa at matiwasay sa pakiramdam dahil may mga pagtitiis
din siyang pinagdadaanan na mahirap titingnan at makayanan. Isa, ang makatanggap ng mga reklamo at daing laban sa kanya kahit alam naman niya sa sarili na tama ang kanyang mga ginagawa sa trabaho. At, sa mga pagkakataong siya’y ilipat o itakda sa ibang lugar at mapalayo sa minamahal niyang pamilya. Mabigat man para sa kanyang damdamin, ngunit upang harapin ang lahat ng paghihirap na ito, pilit niya na lang ikinasasaya ang kanyang hanapbuhay at itinatakda sa kaisipan na lahat ay likas na katangian lamang ng kanyang trabaho at bahagi lamang ng mga sakripisyo sa buhay. “Ang mga taong araw-araw kong binabantayan at sinusubaybayan, at syempre ang pamilya ko, sila ang nagbibigay motibasyon upang ako’y magpatuloy.” ani niya.
Bagama’t halos 12 na taon na siyang nagtatrabaho sa USLS, may mga sandali pa ring pinagninilayan niya ang landas na kanyang tinahak. Paminsan-minsan, dumadating sa kanyang isipan at ‘di mapigilang tanungin ang sarili kung bakit ang pagiging guwardiya ang trabahong kanyang pinasok sapagkat hindi ito kailanman naging kaugnay sa kanyang mga hilig at kagustuhan noon. Ngunit ,sa kabila ng kanyang mga katanungan tungo sa hanapbuhay na kanyang nahantungan, ipinarating niya na bilang isang guwardiya sa isang unibersidad, kaluguran ay kanyang natanaw hindi lamang sa araw ng sweldo, kundi pati na rin sa pagseserbisyo sa mga pamatnugutan at higit sa lahat, sa mga estudyante
“Sa mga taong araw-araw naming nakakasalamuha,
lalong-lalo na sa mga estudyante, nakikita at nararamdaman namin ang inyong pagrerespeto sa aming trabaho. We really appreciate that and salamat sa inyo.” ang kanyang huling pahayag.
Ngayon, sa muli, sa buhay, kapag ikaw ay may gusto, palaging merong paraan; mula sa mga kahilingan, kagustuhan, pangangailangan, at hanggang sa malalaking ambisyon na nais nating hantungan. Ngunit, hindi sa lahat ng pagkakataon ito ay naangkop dahil tadhana’y ‘di kahula-hula at sadyang mapaglaro kumbaga. Bagama’t may iba’t ibang intensyon, adhikain, at layunin tayo sa buhay, minsan ay tunay nga itong malabong makamtan sapagkat tadhana mismo ang lumalayo nito mula sa atin, dinadala tayo sa isang kabuhayang hindi kaugnay sa ating mga kagustuhan. Subalit isang bagay na sadyang kasigu-sigurado, kahit saang lupalop man tayong dalhin ng kapalaran, makakahanap pa rin tayo palagi ng kaligayahan kahit saan man ang ating hantungan.
LATHALAIN
Manong Michael
Ana Maristella S. BeLahat tayo ay may kanya-kanyang depinisyon ng salitang “bayani”. Ito ay maaaring isang taong may malaking lakas o kakayahan, o isang taong magpapakamatay para sa sariling bayan Pero para sa akin, ang halimbawa ng bayani ay ang taong nagpapaaliwalas ng paaralan. Ito ay ang ating mga dyanitor.
Isa sa mga bayani natin sa paaralan ay si Manong Michael. Sa loob ng 12 taon, siya ay isang manggagawa ng paglilinis sa University of St. La Salle.
Ayon kay Manong Michael, pinili niya ang pagiging isang dyanitor sapagka’t gusto niyang makatulong sa pagkakaroon ng malinis na mga silid-aralan. Walang sawa niyang binibigay ang kanyang pagsisikap para tayong mga estudyante ay makakapagaral nang mabuti sa kaginhawaan sa loob ng ating mga silid
Bilang isang ama, medyo mahirap pagsabayin ang kanyang trabaho at ang pagaalaga sa kanyang anak, ani niya. Ngunit sa kabila ng iba’t-ibang hamon, nagagawa niya pa ring tuparin ang kaniyang mga gawain.
Bilang dyanitor, si Manong Michael ay nagbibigay ng pagbabago sa mga estudyanteng may pangarap na inaabot Sa pag-apak sa silid aralan, ang iyong makikita ay malinis na pisara, pantay-pantay na mga upuan, at mahawan na sahig Kung wala ang mga to’, hindi tayo makakakinig nang mabuti sa klase. Ito’y maaaring maliliit na mga bagay, ngunit ito ang nagsisilbing daanan nating mga mag-aaral patungo sa matagumpay na kinabukasan.
Ang pagiging isang dyanitor ay hindi madali ngunit napapagaan ito kapag meron kang magandang layunin Katulad ni Manong Michael, layunin niyang mapaganda ang ating pag-aaral sa pamamagitang ng pagkaloob sa atin ng magandang pag-aaralan. Kaya ating pahalagahan at alalahanin ang ating mga bayani sa paaralan - ang ating mga dyanitor
LATHALAIN
Manong Ronilo: 14 na Taong Paglilingkod sa mga Lasalyano
Sa kabila ng maambon, makulimlim na hapon, at malamig na simoy ng hangin, may isang guwardiyang nananatiling nakamasid sa Gate 9 ng University of St. La Salle.
Si Ronilo Montesa, o si Manong Ronilo ay isa sa mga pinakamatagal na guwardiya ng paaralan. Sa 14 na taong paninilbihan niya ay kaniyang nasubaybayan ang pagbabago ng panahon
Bago pa ang nagsimula ang pandemya, siya ay nakapwesto sa International Culinary Arts (ICA). Sa araw-araw, maraming mga estudyante ang kaniyang nakakasalamuha Kasama ang iba pang mga guwardiya, ang kanilang itinalagang posisyon ay nagbabago pagkatapos ng 15 araw.
Noong kasagsagan ng pandemya, ayon kay Manong Ronilo, ang sitwasyon ay mahirap. Sa loob ng 15 na araw, anim lamang ang pinakamataas na numero ng mga araw ng kaniyang pagtatrabaho. Dahil sa biglaang pagiba ng iskedyul, ito ay nakaapekto sa dati niyang nakagawian
“Kita mo tanan nga studyente nga daw malipay ka bala. Indi parihos sang una sang time sang pandemic pwerte gid kamingaw.” Wika ni Manong Ronilo noong tinanong kung ano ang kaniyang nararamdaman sa kasalukuyang sitwasyon.
Sa kahabaan ng kaniyang pagtatrabaho, lahat ng mga estudyante, faculty, at staff ay pamilya na ang turing sa kaniya Sa araw-araw na pagpasok at labas ng mga estudyante sa paaralan, marami na siyang nabati at nakilala. Ayon kay Manong, mapalabas man o loob ng unibersidad, ang pagiging isang Lasalyano ay talagang naiiba.
Sa pagsikat ng araw sa umaga ay isang makabagong oportunidad na pasalamatan ang mga kagaya ni Manong Ronilo Sa bawat pultahan ay may nag-aabang, at sa likod ng pakiramdam ng katiwasayan ay isang guwardiyang magdamag na nagbabantay
“Bisan agency lang kami, ang akon heart ya ari lang gid di subong sa La Salle. Tungod sa pila ka years, ari lang ko di gyapon.” Huling pahayag ni Manong Ronilo
Medalya ng Tagumpay Medalya ng Tagumpay
Iniuwi ni Elizabeth “Isay”
Javelosa mula sa House of Wester ang titulong Female Athlete of the Year sa 2023 Mikel Lovina
Sporstfest na ginanap sa loob ng
USLS Coliseum noong ika-2 ng Pebrero.
Matapos ang ilang taon na
pagkakabilanggo sa ating mga
tahanan nang dahil sa Novel Corona Virus-19, o mas kinikilala
bilang CoVid-19, muling nag-ingay
angpaaralanngUniversityofSt.La
Salle nang ito ay magdiwang ng
Mikel Lovina Sportsfest nakaraang
Enero 30 hanggang Pebrero 2 ng
taong 2023. Ang bantog na
karangalang Athlete of the Year ay ibinibigay sa atletang nagpakita ng
kahusayan at kagalingan sa iba't
ibang larong kanyang sinalihan.
Kabilang sa mga listahan ng
maaaring magkamit ng pamosong
parangal ay sina Elizabeth Javelosa
at Keana Deane Nemenio (House ofWester),AudreyValenciaat
Jessica Gonzaga (House of Masson), at si Savannah Gaile Dinageba(HouseofRuhland)
TinaguriangkampeonsiJavelosa sa larong Volleyball, Basketball, Frisbee,LawnTennis(Singles),
at Lawn Tennis (Doubles), habang sa larong swimming naman ay kanyang nakamit ang iba’t-ibang karangalan katulad ng pangunguna sa 4x25 Freestyle at pang-apat sa Breaststroke, at 1st Runner-Up naman sa larong Dodgeball Sa kabila ng kanyang pagod at pagsisikap, “During the last day of Sportsfest, I didn’t really thought of winning the award because, like, I was so tired But at the same time, there’s like– there’s like a small part in me that really wanted that win... Because I was, like, ‘Grabe! Nageffort nako nga like mahampang di, kag hampang da, tapos for what?’ pero at the same time, as what I’ve said awhile ago, no matter who wins,meorKeana..It’sstillgoingto be a win for Wester, so.. Pero you know, Once I received the trophy, you know, there’s this like sign of relief inside me because I won! And all the efforts of the people who helped me, not only my efforts but the people who are alongside me nag-pay off man gid siya” aniya nang siyang tanungin kung mayroon bang pagdududa sa kanyang sarili o kung siya ba’y malakasangpaniniwalanakanyang makakamit ang kanyang pagkapanalo.
“Daw ka worth it man And it felt really great! Standing up on that stage and then looking at my batchmates, it felt so good. And winning it alongside Jefran was a really great opportunity for us” patungkolniJavelosasadumadaloy na kasiyahan sa kanyang naramdaman noong araw ng parangalan Nasisilayan ang nakakasilaw na tagumpay na kumikinang sa kanyang mga mata nang siyang umakyat sa entablo patungo sa pintong nagbubukas ng mga hindi malilimutang pangyayari na kanyang dadalhin sa lakad ng buhay.
Saad ng tinaguriang kampeon, “My motivation during the games was simply to win I’m an athlete myself, and wanting to win for our school is a big thing to me, and wanting to win brings out a lot in you, especially confidence and the drive to do best in your sport And during Sportsfest, My main motivation was to win for Wester.” Nagsilbing tulay ang kanyang mga kasamahan at kaibigan sapagkat sila’y nagbuhos ng paniniwala at suporta patungo sa kanyang tagumpay. Ang paniniwala na ang kanyang pagkapanalo ay pagkapanalo rin ng kanyang kasamahan
LATHALAIN
ANG MANOK ANG MANOK NG HOUSE NG HOUSE OF WESTER OF WESTER
Itinanghal na “Male Athlete of the Year” si Jefran Ditchella ng House of Wester sa Mikel Lovina Sportsfest 2023 na ginanap noong ika-30 ng Enero 2023 hanggang ika-2 ng Pebrero 2023.
Malaki ang agwat ni Ditchella sa bawat laro niya, ibinahagi niya kung gaano siya ka sipag sa pag-eensayo at kung gaano niya ka gustong magtagumpay "What keeps me motivated is that quote “mind over matter” no matter how tired I am, sleep-deprived, lack of appetite to eat well. Still, it’s the mind that I need to convince because I believe the body really achieves what the mind can do That’s what keeps me going " wika niya
"First of all, I am proud as I could have not done this without the help of my fellow teammates and friends and the utmost support from my family I cannot claim this achievement as my own There are so many people who have supported me on this journey, who believed and have inspired me to become the best version of myself Their support, encouragement, and their unwavering faith in me have made all the difference. And so, I stand loud and proud as a testament to the power of hard work, dedication, and perseverance. All for the House of WESTER!" aniya. Para kay Ditchella, lahat ng paghihirap at pagod na inilaan niya sa isang linggong paligsahan ay naging sulit dahil matagumpay niyang naitaas ang bandera ng House of Wester
Binati ng masigabong palakpakan ang 16anyos na atleta pagkatapos tawagin bilang Male Athlete of the Year "Winning is the last thing that I expected, knowing that the NOPSSCEA swimming competition is near so I need to be extra careful not to get injured or be careless enough that may hinder me in participating in that said event. Also, there are a lot of strong athletes who are up against me, who are stronger, faster, and more versatile. However, despite the situation I still have the will to take the risk rather than lose the chance to represent the House of WESTER." saad ni Ditchella, noong tinanong kung inasahan niya bang mananalo siya.
Nagpakitang-gilas si Jefran Ditchella ng House of Wester matapos magtagumpay sa tatlong paligsahan sa Swimming. Inuwi niya ang ginto sa “50 meter Breaststroke”, “25 meter Butterfly”, at “4x50 meter Medley Relay” kontra sa House of Cody, House of Ruhland at House of Masson Sumali rin siya sa Individual Wall Handball, Basketball, Volleyball, at Frisbee, kung saan nagwagi siya bilang kampeon sa lahat.
KAYA MO PA BA? KAYA MO PA BA?
Alam mo ba yung pakiramdam na tila iniipit ka sa gitna ng iyong mga responsibilidad at pang-araw-araw na gawain?
Tensyon Pagod Eyebags Iniiwasan at tinatakbuhan ang mga problema, pinipiling matulog na lamang, sinusubukang hanapin ang solusyon sa sanhi ng suliranin; ano ang iyong paraan upang labanan ang bagay na tila hinihila ka pababa?
Ang stress ay isang natural na tugon ng tao kapag nakaramdam tayo ng pressure o pagbabanta mula sa mga hamon, problema at mga pangyayari sa buhay na hindi natin kayang kontrolin Ito ay nakakaapekto sa isip at katawan ng isang tao; lahat tayo ay nakakaranas nito Ang kaunting stress ay makakatulong sa pang-araw-araw na gawain kung saan ay nagbibigay ito sa atin ng pampalakas kumilos
upang matapos ang kinakailangang gawin, ngunit ang pagsobra nito ay magdulot ng mga problema sa pisikal at mental na kalusugan
Pakiramdam sa ilalim ng maraming presyon o pressure, matinding pag-aalala ukol sa isang bagay, pagharap sa mga malalaking pagbabago sa iyong buhay, pagkakaroon ng responsibilidad na sa tingin mo ay napabigat at hindi mo kaya, dumadaan sa panahon ng kawalan ng katiyakan, nakararanas ng diskriminasyon o pang-aabuso at tila natatambakan ng mga gawain sa paaralan; ito ay ilan lamang sa mga dahilan kung bakit tayo nakararanas ng stress at ano nga ba talaga ang epekto nito sa bawat indibidwal?
Dahil sa stress, nahihirapan tayong mag-relax at maaaring may kasamang iba't ibang emosyon, kabilang ang pagkabalisa at pagkamayamutin Nahihirapan tayong mag-concentrate o maka pokus sa isang bagay, lalong lalo na kapag marami ang iyong dapat gawin at hindi mo alam kung ano ang sisimulan
Maaari tayong makaranas ng pananakit ng ulo o iba pang pananakit ng katawan, pagkasira ng tiyan o problema sa pagtulog Maaari ring mawalan tayo ng ganang gumawa at kumain at tila gusto na lamang magpahinga ng medyo pangmatagalan
Maraming paraan ang pwedeng gawin upang pamahalaan o kontroling ang stress, isa na rito ang pag-alaga sa sariling katawan Kumain ng mga malulusog at balanseng pagkain, magehersisyo, matulog nang husto at sa tamang oras, at talagang maglaan ng oras upang bigyan ang iyong sarili ng pahinga kung nakakaramdam ka man ng stress Iwasan na muna ang mga bagay na nagsasanhi ng iyong stress at subukang libangin ang iyong sarili sa pamamagitan ng paggawa ng mga aktibidad na iyong kinagigiliwan upang mabigyan ng pahinga ang iyong utak at ihanda ito sa pagharap ng kung ano mang problema na mayroon ka sa oras na iyon Subukan ring makipagusap sa mga taong iyong mapagkakatiwalaan
Ibahagi ang iyong mga problema at mga pangangambang nadarama Kilalanin kung kailangan mo ng karagdagang tulong Kung magpapatuloy ang mga problema o iniisip mo ang tungkol sa mga bagay na hindi na maganda, makipag-usap sa isang psychologist, o propesyonal na tagapayo Ang paraan ng pagtugon natin dito ay iba-iba kung kaya’t maaari ay huwag na huwag kumapit sa mga bagay na talagang makakasama sa kalusugan kagaya ng alak, sigarilyo o pinagbawal na droga
Ang bawat tao'y nakakaranas ng stress sa ilang antas, at tandaan na hindi ka nag-iisa sa laban kung saan ang stress ay ang kontrabida Sa dami ng iyong pinagdaanan at naramdaman sa iyong paglalakbay, at sa stress na tila hindi ka talaga tatantanan; kaya mo pa ba?
Produksiyon ng Impeksiyon Produksiyon ng Impeksiyon
Alexander S. Uy
Masarap talaga ang lasa ng mga karne, lalong-lalo na ang baboy. Pwedeng gawing sisig, adobo, kare-kare, shanghai at hinding-hindi talaga ito
mawawala sa ating mga diyeta. Pero paano kung malaman natin na pwede pala
tayong mahawaan ng sakit na mayroon ang mga baboy?
Ano nga ba ito?
Ang swine flu o trangkaso ng baboy ay kumakalat sa pamamagitan ng direkta at hindi direktang pakikipagugnayan aerosol at mula sa mga baboy na nahawaan. Ang
sakit na ito ay maaaring maipasa sa tao. Ito ay sobrang nakakahawang sakit sa
pahinga, sanhi ng isa sa maraming mga virus ng “Influenza A ” Nakakaapekto ito sa kalusugan ng lahat. Batay nga sa “who.int,” ang
mga sintomas ng swine flu ay trangkaso na may kasamang pagsakit ng katawan, panginginig, ubo, sakit ng ulo, pamamaga ng lalamunan, lagnat at pagod.
Ayon sa website na ncbi.nlm.nih.gov, ang pagsiklab ng 2009 sa swine flu na nahawaan ang mga tao ay may H1N1 subtype. Kung saan ay dahil sa takot, naapektuhan nito ang mga taong may trabaho kagaya ng pag-aalaga ng mga baboy o ‘di kaya ay pagbebenta ng karne lalo na ang baboy.
Sa kasalukuyan, mayroon nang bakuna para sa swine flu na siya namang nagpawala sa pangamba ng maraming mamamayan. Ang mga sintomas na inilahad ay dapat din iwasan sa pamamagitan ng paggamit ng “mask,” at kalinisan sa tahanan
Dapat nating tulungan ang ating kapwa sapagkat ito’y para rin sa ating sariling kabutihan. Kung maaari, ipagbawal ang kumain ng produktong baboy na mula sa ibang bansa o lugar.
Kumain ng mga masustansyang pagkain na puno ng bitamina at mineral para sa iyong katawan upang maging malusog. Kung may sintomas man ay magpatingin na agad sa pinakamalapit na doktor; at huwag matakot na magpabakuna dahil ito ay nakakabuti sa atin, Magsimula tayo sa ating sarili upang makatulong sa ating komunidad; tigilan natin ang produksiyon ng impeksiyon.
AGHAMAT TEKNOLOHIYA
Alin, Alin ang Naiba? Alin, Alin ang Naiba?
Keana Deane B NemenioSa paglipas ng panahon ay makikita natin ang pagunlad ng teknolohiya kung
saan ay nasaksihan ng
sangkatauhan ang paglika ng
mga sasakyan, iba’t ibang mga
gadyet at internet kung saan
ay kaakibat din nito ay ang
paggawa ng mga eBooks
Ang eBook ay isang uri ng publikasyong makikita sa
inyong mga selpon, laptop, o
kompyuter. Ito ay maaaring
isang teksto, larawan, o libro
Naging laganap ang paggamit ng eBook noong 2000s
hanggang sa kasalukuyan lalo
na sa mga kabataang mahilig
magbasa, dahil ito ay
madaling gamitin at sa isang
pindot mo lamang ay
mahahanap mo ang libro o
mga magasin na kailangan.
Nakakatulong din ito sa ating
kalikasan sapagkat hindi na
kinakailangang magputol ng
puno upang gawing papel para sa paggawa ng mga aklat Sa
ngayon, ang mga eBook ay may kasamang mga bidyo o
audio file na
mapapakinabangan ng mga
tao lalo na ang may mga
kapansanan sa mata dahil
maaari na nilang marinig ang
mga aklat na kanilang hangad na basahin
Aklat na papel o hard copy books naman ay ang aktwal na anyo ng isang libro. Gawa ito sa iba’t ibang uri ng papel na siya ring mahahanap sa mga aklatan. Bago pa naging kilala ang eBook ay laganap na sa tao ang mga aklat na hard copy na siyang ginagamit sa paaralan, trabaho, libangan, at iba pa Ayon sa ilang pag-aaral, ang pagbasa gamit ang aktwal na aklat ay makakatulong sa pagpapahusay ng inyong memorya dahil mas naibibigay ang pokus ng mambabasa sa libro kaysa na lumipat pa sa ibang aplikasyon sa selpon Ang mga ganitong libro ay nagbibigay din ng kasiyahan at pananabik sa mambabasa lalo na kapag ito’y bagong bili o hiram, sapagkat makikita mo ang kaakit-akit na pabalat ng libro
Kahit na matagal na tayong
gumagamit ng aktwal na libro, hindi maipagkakaila na tila mas marami ang magagandang
katangian ang mga eBooks
kagaya na lamang ng
pagpapalaki ng mga font ng
bawat teksto kung sakaling
nahihirapan kang makita ito, at mas madali at magaan dalhin
sapagkat ito ay nasa loob lamang ng isang programa sa iyong gadyet
Ngunit sa kabila ng
kagandahan nito ay may hindi magandang dulot ito sa mga
mambabasa. Ang matagalang pagbasa mula sa iyong mga gadyet ay maaaring magdulot ng problema sa iyong mga mata. May posibilidad ding mawalan ng atensyon ng tao sa babasahin dahil sa mga animasyon at iba’t ibang tunog na nagmumula sa libro Para namang sa mga aktwal na libro, talagang prinoproblema ang espasyo kung saan ba ito pwede pang ilagay. Isa pa ay kung paano ito maalagaan ng mabuti kung saan ay hindi ito masisira at maninilaw.
Bawat tao ay may sariling kagustuhan kung ano man ang gagamitin kung kaya’t pagkatapos basahin ang ilan sa mga pangunahing pakinabang at kahinaan ng pagbasa ng mga hardcopy na libro o eBook, dapat ay mas madaling pagpasiyahan kung anong mas ayos, praktikal at nararapat para sa iyo.
AGHAMAT TEKNOLOHIYA
ang artIKULONG ITO AY ang artIKULONG ITO AY ang artIKULONG ITO AY
ISINILULAT NG ISANG TAO ISINILULAT NG ISANG TAO ISINILULAT NG ISANG TAO
Ang ating utak ay isa sa pinakamahalagang organ sa ating katawan Dito galing ang katalinuhan, at kung paano tayo nakakaisip, nakakakilos, at nakakaalala Ang utak din ang dahilan kung bakit mayroon tayong mga damdamin Kung wala ito, hindi natin kayang maging malungkot, matakot, magalit, mainggit, o matuwa
Pero ano kayang mangyayari kung bibigyan natin ng utak ang isang kompyuter? Anong mangyayari kung susubukan nating kunin ang lahat na nagbibigay sa atin ng ating katauhan at ipasok ito sa isang programa?
Maraming kahulugan ang Artificial Intelligence (A I ) na ginagamit sa computer science at iba pang mga
larangan, pero sa pagkakaunawa ng
nakararami, ang A I ay ang mga programa sa kompyuter na
sinusubukang isalamin ang katalinuhan ng tao Ang mga gawaing karaniwang
magagawa lamang ng tao – kagaya ng
paghanap ng mga pattern sa mga
larawan at bidyu, pag-intindi sa mga
salita, at pagsulat ng mga pangungusap – ay maaaring magawa ng A I Sa ibang
pananalita, ang A I ay mga matalinong programang nakakagawa ng desisyon batay sa pag-iisip nito
Alam ng lahat na si Siri, ang virtual assistant na ginagamit ng mga produkto ng Apple Inc , ay isang AI Ang hindi alam ng marami ay kung gaano kadalas
ginagamit ang A I sa mga website at apps na ginagamit natin araw-araw
Yung mga online na store katulad ng
Lazada at Shopee ay gumagamit ng
A I para mahulaan kung ano ang nais mong bilhin upang mailagay nila ito sa
iyong home page Habang ang mga apps
katulad ng Netflix at Youtube ay
nagpapakita sa iyo ng mga bidyu at pelikula na baka magustuhan mo, ayon sa kanilang A I algorithm Pero hind lang ito ang kagamitan ng A I sa
kasalukuyan Halimbawa nito ay ang mga self-driving na kotse na ginawa ng Tesla na may kakayahang magmaneho at bumiyahe na walang drayber, at ang A I lang ang ginagamit Sa edukasyon
naman, mayroon na ngayong mga
plagiarism checkers na pwedeng magamit ng guro para manigurado na walang nangongopya ng sagot sa internet
Ang kahulugan ng Intelligence, ayon sa Cambridge Dictionary, ay ang abilidad ng isang bagay na matuto, mag-unawa, at magpasya Kasunod nito, ang A I ay madalas na nagpapakita ng katalinuhan sa pamamagitan ng pagkuha ng maraming datus, pag-aaral nito at pag-unawa ng mga kaugnayan, kaibahan, at ang mga pattern na mahahanap dito, at sa huli, paggawa ng prediksyon na magkatugma sa pattern na nahanap Kapag naipaghanda ng mga programmer ang A I , pinapalabas ito sa mga customer Mayroong dalawang uri ng A I na maaring gamitin ngayon sa kasalukuyan, ang Reactive Machines at
Limited Memory Ang mga reactive machines ay ang mas simple sa dalawang sistema, kung saan ang A I ay nagrereact lamang sa impormasyon na binibigay Wala itong memorya na binabalikan para makagawa ng ibang desisyon Isa sa unang
paggamit ng A I na sumikat ay ang Deep Blue chess computer ng International Business Machines Corporation (IBM) na nakatalo ng isang international grandmaster na si Garry Kasparov noong 1997
Maituturing reactive machine ang Deep Blue dahil ito ay nagbabasa lamang ng chess board at hinuhulaan kung ano ang tamang galaw na gagawin Wala itong memorya sa mga nakaraang galaw, at ang kasalukuyan lang ang tinitingnan nito Ang Limited
Memory naman ay mga A I na nakakaalala
Maaaring mag-imbak ng impormasyon ang mga limited memory na sistema galing sa mga karanasan nito, at muling buksan sa kinabukasan Isang halimbawa nito ay ang mga self-driving cars na gumagamit ng
Limited Memory A I para matandaan ang impormasyon kagaya ng bilis at distansya ng ibang kotse, ang lokasyon ng mga harang sa daan, at ibang mahalagang impormasyon kagaya ng speed limit Gamit ng mga natutunan nito, mas mabilis na makaliko, pumili ng lane, at makagawa ng desisyon ang A I ng kotse Ang mga digital assistant kagaya ni Siri at Alexa ay gumagamit din ng
Limited Memory para maalala ang personalidad at ugali ng gumagamit nito para mahulaan kung ano ang kinakailangan ng user
Ang isa sa pangunahing grupo na nag-uunlad ng Artificial Intelligence, Machine Learning, at ang isang malalim na larangan ng Machine Learning – Deep Learning, ay ang OpenAI, isang research laboratory na nakatutok sa Artificial Intelligence
Ang isa sa kanilang proyekto na sumikat kailan lamang ay ang ChatGPT Ito ay isa sa pinakabagong Chatbot, isang AI programa ng kompyuter na ginawa upang makipag-usap na parang tao Mahirap makita ang kaibahan ng sagot ng ibang mga advanced na Chatbot, at ang sagot ng mga tao Ayon sa OpenAI, ang ChatGPT ay isang language model na nakikipag-usap, sumasagot ng tanong, umaamin ng pagkakamali, at nakakatanggi ng hindi tamang hiling ng user Ito ay tinuruan makipag-usap gamit ng Reinforcement Learning, kung saan binibigyan ng gantimpala ang A I kung ito ay gumawa ng tamang desisyon, at pinaparusahan kapag ito’y nagkamali Magkatulad sa paraan kung paano natin ineensayo ang mga alagang aso at pusa Kapag tinuturuan mo na umupo ang isang aso, bibigyan mo siya ng treat kapag sinunod niya ang utos, pero kapag siya’y hindi umupo, hindi siya makakakuha ng pagkain
Ang isa sa katangian ng ChatGPT ay ang abilidad nito na mag-intindi ng wikang hindi Ingles Para maipakita ang kakayahan ng ChatGPT, binigyan ko ito ng isang prompt para sagutin Prompt: “Ipaliwanag mo ang addition, subtraction, multiplication, at division sa pamagitan ng isang tula na mayroon lamang 4 na linya ”
Sagot: “Narito ang aking tula para ipaliwanag ang mga konsepto ng addition, subtraction, multiplication, at division sa loob lamang ng apat na linya: Ang addition ay nagdudulot ng paglaki, Subtraction ay pagliit naman sa halaga ng ating bigay, Multiplication ay tumitimbang sa dalawa, At division naman ay hatiin ang isa sa isa, tama?”
Ang isang paksa na madalas na pinag-uusapan sa tabi ng A I ay ang pagkakaroon ng Sentient A I Ang ideya na ang isang kompyuter ay talagang makipag-isip nang malaya, magkaroon ng mga gusto, at maaaring kumilos ng walang anumang limitasyon ay talagang nakakatakot, lalo na dahil sa kasikatan ng mga pelikula at librong nagpapakita ng A I na walang pakialam sa kahalagahan ng kabuhayan ng tao
Mga pelikula kagaya ng The Terminator (1984), The Matrix (1999), Blade Runner (1984), at M3GAN (2023) Sa katotohanan, napakalayo pa ang mga ganitong antas ng A I Ayon kay Arend Hintze, isang professor sa Michigan State University (MSU), mayroong 4 na uri ng A I Tinalakay na kanina ang unang dalawa, yung mga Reactive Machines at Limited Memory; ang itong dalawa ay madalas na ginagamit ngayon Ang natirang dalawa ay hindi pa naabot ng kasalukuyang teknolohiya, ang ito ay ang Theory of Mind at Self-awareness na uri ng A I Ang Theory of Mind na A I ay ang ikatlong uri ng A I pagkatapos ng Limited Memory – kung ang mga ito ay inaayos sa uri ng katalinuhan Sa larangan ng cognitive science at sikolohiya, ang Theory of Mind ay ang teorya na nagsusuri kung paano natin hinuhulaan ang gagawin ng isang tao batay sa nababasa nating kalagayan ng kanyang kaisipan Sa ibang salita, ang Theory of Mind ay kung paano natin nababasa at naiintindihan ang damdamin ng ibang tao Batay dito, ang mga A I na tinutukoy sa uring Theory of Mind ay maaaring mabasa ang emosyon ng isang tao, mahinuha kung ano ang gagawin niya sunod, at baguhin ang kilos nito ayon sa nabasang emosyon Ang Self-awareness naman na uri ng A I ay ang binibilang mas matalinong ekstensyon ng Theory of Mind kung saan ang A I ay maaari ring makagawa ng sarili nitong damdamin katulad ng mga tao Maaaring gawin nito ang lahat ng ginagawa ng Theory of Mind, pero pwede din gamitin sa sarili Magkakaroon ng sariling mga reaksyon sa mga karanasang kaniyang dinadaanan, at mayroon siyang tunay na kaunawaan sa mga emosyon ng iba dahil mayroon siyang sarili niyang emosyon Ang ganitong uri ng A I ay mahirap abutin dahil sa kakulangan ng ating pagintindi sa ating sariling kamalayan; kung hindi natin maunawaan ang sarili nating kaalaman, paano natin iyon ibibigay sa isang kompyuter?
Kahit matagal pa bago natin mabigyan ng tunay na konsensya ang isang A I , andami paring gamit ang ganitong teknolohiya na napakahalaga sa kasalukuyan at pati na rin sa kinabukasan Isang patak lang ng ating katalinuhan ay ang kailangan ng A I para makagawa ng nakakamanghang programa sa kompyuter na maaaring gamitin ng kahit sinuman
BABANGON TAY0 BABANGON TAY0
Ma. Eleca G. Gustilo
“Para kanino ka ba bumabangon?” tanong ng isang popular na komersyal sa Pilipinas. Para kanino nga ba ako bumabangon? Sa kabila ng mga pagsubok sa buhay, patuloy akong bumabangon para sa aking pamilya. Sa mga araw na kulang ako sa motibasyon at may pinagdadaanan pagsubok, nandyan sila palagi para sa akin. Gagawin ko ang lahat para sa kanila.
Isang magandang katangian ng mga Pilipino ay ang pagiging matatag.
Patuloy bumabangon at nakangiti kahit na may pinagdadaanan Dahil ito sa inspirasyon na bigay ng ating pamilya at mga mahal sa buhay Tayo ay likas na malapit sa ating pamilya kaya kahit anong pagsubok ay malalampasan natin
INSPIRASYON AT INSPIRASYON AT MMOTIBASYON OTIBASYON
Caele Emmanuel G. Gustilo
Para kanino ako bumbangon? Bumabangon ako para sa aking mga mahal sa buhay- pamilya at kaibigan.
Mga mahal natin sa buhay na nagbibigay inpirasyon at motibasyon sa atin Palaging naka supporta at alalay hanggang sa magtagumpay tayo Sila ang kayamanan natin sa buhay higit pa sa pera o materyal na bagay.
PANITIKAN
S A N D A L I S A N D A L I S A N D A L I
100 Billion Galaxies
Ganyang karaming sanlibutan ang nadiskubre ng NASA Hubble Space Telescope sa paglalakbay nito sa kalawakan Isang Daang Billion Sa kada oras na naiisip ko ito’y namamangha ako sa ideyang kasing-liit lang natin ang isang mikrobyo kapag tayo’y nakumpara sa kabuuang daigdig.
Tama Ang liit liit lang natin at hindi ganoon ka mahalaga kaysa sa mga bagay na sinlaki ng isang planeta. Kaya bigla akong nagtaka kung bakit pa ba ako nagsisikap at nagaaral nang mabuti para makakuha ng mataas na marka, bakit sinusunod ko pa ang lahat na utos ng nanay ko, at bakit pilit kong tinatapos ang mahimbing na paghiga para lang ilakad ang aso ko.
Mayroong milyong-milyong posibilidad, at literal na kinabukasan ay pwede lang akong mabagsakan ng malaking bato at mamatay Kaya bakit ko pa ba sinisikap ang bawat araw?
Bigla akong napabangon nang makita ang orasan 5:00 AM na May pasok pa ako, at bawal akong mahuli Tumayo na ‘ko’t nagtungo sa sala para kumain. “Morning Ma”, bati ko sa nanay kong nagluluto ng aming almusal. Matapos ang ilang minuto ay natapos na kaming kumain, at ako’y agad na naligo at nagbihis Bago ako
umalis ay nagpaalam muna ako sa kanya “Bye Ma, Love you” “Love you too ‘nak. Mag ingat ka”, sagot niya Sunod ay umalis na ako at pumunta ng paaralan
Ngayong araw ipamimigay ang aming iskor sa pagsusulit noong nakaraang linggo Untiunting bumibilis ang puso ko sa kaba nang biglang naalala ang mga gabing puno ng pagpuyat at ang mga kamay na namamanhid sa kakasulat ng mga talakayin
“Pinaghirapan ko ito Karapatdapat akong makakuha ng mataas na punto” bulong ko sa sarili Maya-maya’y isa-isa na kaming tinawag ng guro para ipamigay ang test papers Pagkatapos ng pagtawag sa 22 kong kaklaseng parang nangyari lamang sa isang segundo, pangalan ko na ang sinabi Agad na akong nagtungo sa lamesa ng aming guro habang taos-pusong nagdadasal Nang makuha’y dahan-dahan akong napasilip sa papel na hawak ng mga nanginginig at namamawis kong kamay 75/80 Bigla akong napangiti sa pakiramdam na namunga ang lahat ng
paghihirap
Natapos na ang aming klase at umuwi akong suot pa rin ang ngiting nakuha mula sa kinalabasan ng pagsusulit Nakarating na ako sa bahay at umidlip Nakatulog ako ng ilang minuto nang gumising na’t lumabas para ilakad ang aso Habang sinusuot ko sa kanya
ang kanyang kadena ay hindi ko maiwasang haplusin ang maputi niyang balahibo. Araw-araw ko itong ginagawa dahil kapag nahahawakan ko siya’y nakakaramdam ako ng kaginhawahan
Tatlong magkaibang kulay ngunit napaghalo ng himpapawid sa napakaperpektong paraan. Ako’y napahanga at napatanong kung paano naging sobrang maganda ang bagay na nagsisimbolo ng katapusan Napaupo ako sa gilid ng kalsada nang tinabihan ako ng aking aso Ang madulas niyang balahibo, ang sariwang hangin, at ang nakakabighaning mga ulap. Kung pwede lang ay mananatili ako sa sandaling ito
Habang naglalakad ay bigla akong napatitig sa malawak na kalangitan Pula, kahel, at kulay rosas
Dito ko naunawaan ang lahat Kaya ako sumisikap na bumangon araw-araw ay dahil sa mga napakamaliit na dahilan
Ito’y dahil sa mga butil na para sa akin ay ang buong daigdig Ang mga simpleng salitang nagmumula sa bibig ng aking ina na sapat na para magpalakas sa aking harapin ang isang buong araw, ang mataas na numero sa aking test paper na kapag makita’y parang natunaw ang mabigat na mundong pinapasan, ang mga balahibo ng aking
asong kapag mahaplos ay parang nahahawakan ko ang lahat ng mabuting bagay sa buong mundo, at ang napakagandang takip-silim na humaharang sa kadilimang nananatili sa kalawakan Ito ang mga sanhi kung bakit patuloy kong binibigay ang lahat ng aking makakaya araw-araw kahit na bukas ay pwede lang akong mawala. Ito ang mga dahilan kung bakit ang katulad ko na walang halaga sa napakamalaking daigdig ay nagpaparamdam sa akin na ako ang sentro ng sansinukob
Kasingliit man tayo ng isang mikrobyo, ang isang saglit lamang ay sapat na para iparamdam sa’yo na ang buhay mo ay ang buong sanlibutan Kaya sa susunod, damdamin mo ang bawat segundong mararanasan at gawin mo itong mundo mo. Ang mga sandaling ito’y maaaring ang pinakasimpleng bagay, pero ito ang makakapag-udyok sa’yong ipagpatuloy ang mga ginagawa mo Kaya ikaw, kung tatanungin kita, para saan ka ba bumabangon?
PARA SAAN KA BUMABANGON? PARA SAAN KA BUMABANGON?
AKO’YBUMABANGON PARASAPUBLIKASYONG ANGLAYAG.
Jhon Nicole M. Detablan
ANGDIYOSANGUNANG DAHILANKUNGBAKITKO IPINAGPAPATULOYANG AKINGBUHAY.
Archibard John S. Gale
RRUHLAND UHLAND KKAMPEONATO AMPEONATO SA SWIMMING SA SWIMMING
Elizabeth C. Javelosa
Malupit na sinungkit ng House of Ruhland ang kabuuang kampeon sa kamakailan lamang na “2023 Mikel Lovina
Sportsfest Swimming Competition” sa “University of Saint La Salle Integrated School Swimming Pool” noong ika-31 ng Enero.
Hindi biro ang dominasyon ng koponan ng Ruhland, sapagkat kampeon ang Swimming-Girls ng Ruhland at pangalawa naman ang Swimming-Boys.
Ang mga “events” sa laro na nangingibabaw ang koponan ng Ruhland ay:
25m Backstroke - Boys and Girls
25m Freestyle - Girls
25m Breaststroke - Boys and Girls
50m Backstroke - Girls
50m Freestyle - Girls
4x25m Freestyle Relay - Boys
4x25m Medley Relay - Girls
4x50m Medley Relay - Girls
Malaki rin ang tulong ng mga varsity players ng Ruhland, sila ay sina Candace
Ayagan, Chrysille Evidente, Franslyn Zulueta, Kyle Maguad, Christlyle Vingson, at Gabby
Gonzales
Pumangalawa naman ang koponan ng
Wester, na sinundan ng koponan ng Masson, at panghuli ang koponan ng Cody.
HOUSE OF HOUSE OF WESTER, WESTER, KAMPEON SA KAMPEON SA
LAWN TENNIS LAWN TENNIS
Jillian Elaine Reysoma
Ang House of Wester ay pinarangalan bilang kampeon sa larong Lawn Tennis sa Mikel Lovina Sportsfest 2023 na ginanap noong ika-2 ng Pebrero 2023 sa University of St La Salle Lawn Tennis Court
Pinarangalan sila bilang kampeon matapos talunin ang House of Ruhland at House Masson sa nasabing palakasan. Naiwagi nina Karelle Chloe Sayson at Alyssa Legaspi ang Doubles Girls Category laban sa House of Ruhland, gayundin sina Matthew Locson at Aaron Dapasuca sa Doubles Boys Category. Natalo rin ni Josh Nicavera ang House of Ruhland at House of Masson sa 1st Singles Category. Hindi pa rin natatapos ang pagdominar ng House of Wester sa laro ay naipanalo rin nila ang paligsahan laban sa House of Masson sa doubles category na inirepresenta nina Locson at Dapasuca sa boys category, at Elizabeth Javelosa at Sayson naman sa Girls Category
Matapos talunin ng House of Wester ang House of Ruhland at House of Masson, pinarangalan sila bilang kampeon sa closing program na ginanap sa
USLS Coliseum noong ika-2 ng
Pebrero 2023 ng hapon
ANGOPISYALNAPUBLIKASYONGFILIPINONGUNIVERSITYOFST.LASALLE-INTEGRATEDSCHOOL AKADEMIKONG2022-2023