4 minute read

PANITIKAN S A N D A L I S A N D A L I S A N D A L I

100 Billion Galaxies

Ganyang karaming sanlibutan ang nadiskubre ng NASA Hubble Space Telescope sa paglalakbay nito sa kalawakan Isang Daang Billion Sa kada oras na naiisip ko ito’y namamangha ako sa ideyang kasing-liit lang natin ang isang mikrobyo kapag tayo’y nakumpara sa kabuuang daigdig.

Advertisement

Tama Ang liit liit lang natin at hindi ganoon ka mahalaga kaysa sa mga bagay na sinlaki ng isang planeta. Kaya bigla akong nagtaka kung bakit pa ba ako nagsisikap at nagaaral nang mabuti para makakuha ng mataas na marka, bakit sinusunod ko pa ang lahat na utos ng nanay ko, at bakit pilit kong tinatapos ang mahimbing na paghiga para lang ilakad ang aso ko.

Mayroong milyong-milyong posibilidad, at literal na kinabukasan ay pwede lang akong mabagsakan ng malaking bato at mamatay Kaya bakit ko pa ba sinisikap ang bawat araw?

Bigla akong napabangon nang makita ang orasan 5:00 AM na May pasok pa ako, at bawal akong mahuli Tumayo na ‘ko’t nagtungo sa sala para kumain. “Morning Ma”, bati ko sa nanay kong nagluluto ng aming almusal. Matapos ang ilang minuto ay natapos na kaming kumain, at ako’y agad na naligo at nagbihis Bago ako umalis ay nagpaalam muna ako sa kanya “Bye Ma, Love you” “Love you too ‘nak. Mag ingat ka”, sagot niya Sunod ay umalis na ako at pumunta ng paaralan

Ngayong araw ipamimigay ang aming iskor sa pagsusulit noong nakaraang linggo Untiunting bumibilis ang puso ko sa kaba nang biglang naalala ang mga gabing puno ng pagpuyat at ang mga kamay na namamanhid sa kakasulat ng mga talakayin

“Pinaghirapan ko ito Karapatdapat akong makakuha ng mataas na punto” bulong ko sa sarili Maya-maya’y isa-isa na kaming tinawag ng guro para ipamigay ang test papers Pagkatapos ng pagtawag sa 22 kong kaklaseng parang nangyari lamang sa isang segundo, pangalan ko na ang sinabi Agad na akong nagtungo sa lamesa ng aming guro habang taos-pusong nagdadasal Nang makuha’y dahan-dahan akong napasilip sa papel na hawak ng mga nanginginig at namamawis kong kamay 75/80 Bigla akong napangiti sa pakiramdam na namunga ang lahat ng paghihirap

Natapos na ang aming klase at umuwi akong suot pa rin ang ngiting nakuha mula sa kinalabasan ng pagsusulit Nakarating na ako sa bahay at umidlip Nakatulog ako ng ilang minuto nang gumising na’t lumabas para ilakad ang aso Habang sinusuot ko sa kanya ang kanyang kadena ay hindi ko maiwasang haplusin ang maputi niyang balahibo. Araw-araw ko itong ginagawa dahil kapag nahahawakan ko siya’y nakakaramdam ako ng kaginhawahan

Tatlong magkaibang kulay ngunit napaghalo ng himpapawid sa napakaperpektong paraan. Ako’y napahanga at napatanong kung paano naging sobrang maganda ang bagay na nagsisimbolo ng katapusan Napaupo ako sa gilid ng kalsada nang tinabihan ako ng aking aso Ang madulas niyang balahibo, ang sariwang hangin, at ang nakakabighaning mga ulap. Kung pwede lang ay mananatili ako sa sandaling ito

Habang naglalakad ay bigla akong napatitig sa malawak na kalangitan Pula, kahel, at kulay rosas

Dito ko naunawaan ang lahat Kaya ako sumisikap na bumangon araw-araw ay dahil sa mga napakamaliit na dahilan

Ito’y dahil sa mga butil na para sa akin ay ang buong daigdig Ang mga simpleng salitang nagmumula sa bibig ng aking ina na sapat na para magpalakas sa aking harapin ang isang buong araw, ang mataas na numero sa aking test paper na kapag makita’y parang natunaw ang mabigat na mundong pinapasan, ang mga balahibo ng aking asong kapag mahaplos ay parang nahahawakan ko ang lahat ng mabuting bagay sa buong mundo, at ang napakagandang takip-silim na humaharang sa kadilimang nananatili sa kalawakan Ito ang mga sanhi kung bakit patuloy kong binibigay ang lahat ng aking makakaya araw-araw kahit na bukas ay pwede lang akong mawala. Ito ang mga dahilan kung bakit ang katulad ko na walang halaga sa napakamalaking daigdig ay nagpaparamdam sa akin na ako ang sentro ng sansinukob

Kasingliit man tayo ng isang mikrobyo, ang isang saglit lamang ay sapat na para iparamdam sa’yo na ang buhay mo ay ang buong sanlibutan Kaya sa susunod, damdamin mo ang bawat segundong mararanasan at gawin mo itong mundo mo. Ang mga sandaling ito’y maaaring ang pinakasimpleng bagay, pero ito ang makakapag-udyok sa’yong ipagpatuloy ang mga ginagawa mo Kaya ikaw, kung tatanungin kita, para saan ka ba bumabangon?

PARA SAAN KA BUMABANGON? PARA SAAN KA BUMABANGON?

AKO’YBUMABANGON PARASAPUBLIKASYONG ANGLAYAG.

Jhon Nicole M. Detablan

ANGDIYOSANGUNANG DAHILANKUNGBAKITKO IPINAGPAPATULOYANG AKINGBUHAY.

Archibard John S. Gale

Rruhland Uhland Kkampeonato Ampeonato Sa Swimming Sa Swimming

Elizabeth C. Javelosa

Malupit na sinungkit ng House of Ruhland ang kabuuang kampeon sa kamakailan lamang na “2023 Mikel Lovina

Sportsfest Swimming Competition” sa “University of Saint La Salle Integrated School Swimming Pool” noong ika-31 ng Enero.

Hindi biro ang dominasyon ng koponan ng Ruhland, sapagkat kampeon ang Swimming-Girls ng Ruhland at pangalawa naman ang Swimming-Boys.

Ang mga “events” sa laro na nangingibabaw ang koponan ng Ruhland ay:

25m Backstroke - Boys and Girls

25m Freestyle - Girls

25m Breaststroke - Boys and Girls

50m Backstroke - Girls

50m Freestyle - Girls

4x25m Freestyle Relay - Boys

4x25m Medley Relay - Girls

4x50m Medley Relay - Girls

Malaki rin ang tulong ng mga varsity players ng Ruhland, sila ay sina Candace

Ayagan, Chrysille Evidente, Franslyn Zulueta, Kyle Maguad, Christlyle Vingson, at Gabby

Gonzales

Pumangalawa naman ang koponan ng

Wester, na sinundan ng koponan ng Masson, at panghuli ang koponan ng Cody.

HOUSE OF HOUSE OF WESTER, WESTER, KAMPEON SA KAMPEON SA

Lawn Tennis Lawn Tennis

Jillian Elaine Reysoma

Ang House of Wester ay pinarangalan bilang kampeon sa larong Lawn Tennis sa Mikel Lovina Sportsfest 2023 na ginanap noong ika-2 ng Pebrero 2023 sa University of St La Salle Lawn Tennis Court

Pinarangalan sila bilang kampeon matapos talunin ang House of Ruhland at House Masson sa nasabing palakasan. Naiwagi nina Karelle Chloe Sayson at Alyssa Legaspi ang Doubles Girls Category laban sa House of Ruhland, gayundin sina Matthew Locson at Aaron Dapasuca sa Doubles Boys Category. Natalo rin ni Josh Nicavera ang House of Ruhland at House of Masson sa 1st Singles Category. Hindi pa rin natatapos ang pagdominar ng House of Wester sa laro ay naipanalo rin nila ang paligsahan laban sa House of Masson sa doubles category na inirepresenta nina Locson at Dapasuca sa boys category, at Elizabeth Javelosa at Sayson naman sa Girls Category

Matapos talunin ng House of Wester ang House of Ruhland at House of Masson, pinarangalan sila bilang kampeon sa closing program na ginanap sa

USLS Coliseum noong ika-2 ng

Pebrero 2023 ng hapon

This article is from: