2 minute read

AGHAMAT TEKNOLOHIYA

Alin, Alin ang Naiba? Alin, Alin ang Naiba?

Keana Deane B Nemenio

Advertisement

Sa paglipas ng panahon ay makikita natin ang pagunlad ng teknolohiya kung saan ay nasaksihan ng sangkatauhan ang paglika ng mga sasakyan, iba’t ibang mga gadyet at internet kung saan ay kaakibat din nito ay ang paggawa ng mga eBooks

Ang eBook ay isang uri ng publikasyong makikita sa inyong mga selpon, laptop, o kompyuter. Ito ay maaaring isang teksto, larawan, o libro

Naging laganap ang paggamit ng eBook noong 2000s hanggang sa kasalukuyan lalo na sa mga kabataang mahilig magbasa, dahil ito ay madaling gamitin at sa isang pindot mo lamang ay mahahanap mo ang libro o mga magasin na kailangan.

Nakakatulong din ito sa ating kalikasan sapagkat hindi na kinakailangang magputol ng puno upang gawing papel para sa paggawa ng mga aklat Sa ngayon, ang mga eBook ay may kasamang mga bidyo o audio file na mapapakinabangan ng mga tao lalo na ang may mga kapansanan sa mata dahil maaari na nilang marinig ang mga aklat na kanilang hangad na basahin

Aklat na papel o hard copy books naman ay ang aktwal na anyo ng isang libro. Gawa ito sa iba’t ibang uri ng papel na siya ring mahahanap sa mga aklatan. Bago pa naging kilala ang eBook ay laganap na sa tao ang mga aklat na hard copy na siyang ginagamit sa paaralan, trabaho, libangan, at iba pa Ayon sa ilang pag-aaral, ang pagbasa gamit ang aktwal na aklat ay makakatulong sa pagpapahusay ng inyong memorya dahil mas naibibigay ang pokus ng mambabasa sa libro kaysa na lumipat pa sa ibang aplikasyon sa selpon Ang mga ganitong libro ay nagbibigay din ng kasiyahan at pananabik sa mambabasa lalo na kapag ito’y bagong bili o hiram, sapagkat makikita mo ang kaakit-akit na pabalat ng libro

Kahit na matagal na tayong gumagamit ng aktwal na libro, hindi maipagkakaila na tila mas marami ang magagandang katangian ang mga eBooks kagaya na lamang ng pagpapalaki ng mga font ng bawat teksto kung sakaling nahihirapan kang makita ito, at mas madali at magaan dalhin sapagkat ito ay nasa loob lamang ng isang programa sa iyong gadyet

Ngunit sa kabila ng kagandahan nito ay may hindi magandang dulot ito sa mga mambabasa. Ang matagalang pagbasa mula sa iyong mga gadyet ay maaaring magdulot ng problema sa iyong mga mata. May posibilidad ding mawalan ng atensyon ng tao sa babasahin dahil sa mga animasyon at iba’t ibang tunog na nagmumula sa libro Para namang sa mga aktwal na libro, talagang prinoproblema ang espasyo kung saan ba ito pwede pang ilagay. Isa pa ay kung paano ito maalagaan ng mabuti kung saan ay hindi ito masisira at maninilaw.

Bawat tao ay may sariling kagustuhan kung ano man ang gagamitin kung kaya’t pagkatapos basahin ang ilan sa mga pangunahing pakinabang at kahinaan ng pagbasa ng mga hardcopy na libro o eBook, dapat ay mas madaling pagpasiyahan kung anong mas ayos, praktikal at nararapat para sa iyo.

This article is from: