2 minute read

KAYA MO PA BA? KAYA MO PA BA?

Alam mo ba yung pakiramdam na tila iniipit ka sa gitna ng iyong mga responsibilidad at pang-araw-araw na gawain?

Tensyon Pagod Eyebags Iniiwasan at tinatakbuhan ang mga problema, pinipiling matulog na lamang, sinusubukang hanapin ang solusyon sa sanhi ng suliranin; ano ang iyong paraan upang labanan ang bagay na tila hinihila ka pababa?

Advertisement

Ang stress ay isang natural na tugon ng tao kapag nakaramdam tayo ng pressure o pagbabanta mula sa mga hamon, problema at mga pangyayari sa buhay na hindi natin kayang kontrolin Ito ay nakakaapekto sa isip at katawan ng isang tao; lahat tayo ay nakakaranas nito Ang kaunting stress ay makakatulong sa pang-araw-araw na gawain kung saan ay nagbibigay ito sa atin ng pampalakas kumilos upang matapos ang kinakailangang gawin, ngunit ang pagsobra nito ay magdulot ng mga problema sa pisikal at mental na kalusugan

Pakiramdam sa ilalim ng maraming presyon o pressure, matinding pag-aalala ukol sa isang bagay, pagharap sa mga malalaking pagbabago sa iyong buhay, pagkakaroon ng responsibilidad na sa tingin mo ay napabigat at hindi mo kaya, dumadaan sa panahon ng kawalan ng katiyakan, nakararanas ng diskriminasyon o pang-aabuso at tila natatambakan ng mga gawain sa paaralan; ito ay ilan lamang sa mga dahilan kung bakit tayo nakararanas ng stress at ano nga ba talaga ang epekto nito sa bawat indibidwal?

Dahil sa stress, nahihirapan tayong mag-relax at maaaring may kasamang iba't ibang emosyon, kabilang ang pagkabalisa at pagkamayamutin Nahihirapan tayong mag-concentrate o maka pokus sa isang bagay, lalong lalo na kapag marami ang iyong dapat gawin at hindi mo alam kung ano ang sisimulan

Maaari tayong makaranas ng pananakit ng ulo o iba pang pananakit ng katawan, pagkasira ng tiyan o problema sa pagtulog Maaari ring mawalan tayo ng ganang gumawa at kumain at tila gusto na lamang magpahinga ng medyo pangmatagalan

Maraming paraan ang pwedeng gawin upang pamahalaan o kontroling ang stress, isa na rito ang pag-alaga sa sariling katawan Kumain ng mga malulusog at balanseng pagkain, magehersisyo, matulog nang husto at sa tamang oras, at talagang maglaan ng oras upang bigyan ang iyong sarili ng pahinga kung nakakaramdam ka man ng stress Iwasan na muna ang mga bagay na nagsasanhi ng iyong stress at subukang libangin ang iyong sarili sa pamamagitan ng paggawa ng mga aktibidad na iyong kinagigiliwan upang mabigyan ng pahinga ang iyong utak at ihanda ito sa pagharap ng kung ano mang problema na mayroon ka sa oras na iyon Subukan ring makipagusap sa mga taong iyong mapagkakatiwalaan

Ibahagi ang iyong mga problema at mga pangangambang nadarama Kilalanin kung kailangan mo ng karagdagang tulong Kung magpapatuloy ang mga problema o iniisip mo ang tungkol sa mga bagay na hindi na maganda, makipag-usap sa isang psychologist, o propesyonal na tagapayo Ang paraan ng pagtugon natin dito ay iba-iba kung kaya’t maaari ay huwag na huwag kumapit sa mga bagay na talagang makakasama sa kalusugan kagaya ng alak, sigarilyo o pinagbawal na droga

Ang bawat tao'y nakakaranas ng stress sa ilang antas, at tandaan na hindi ka nag-iisa sa laban kung saan ang stress ay ang kontrabida Sa dami ng iyong pinagdaanan at naramdaman sa iyong paglalakbay, at sa stress na tila hindi ka talaga tatantanan; kaya mo pa ba?

This article is from: