6 minute read

AGHAMAT TEKNOLOHIYA ang artIKULONG ITO AY ang artIKULONG ITO AY ang artIKULONG ITO AY

Isinilulat Ng Isang Tao Isinilulat Ng Isang Tao Isinilulat Ng Isang Tao

Ang ating utak ay isa sa pinakamahalagang organ sa ating katawan Dito galing ang katalinuhan, at kung paano tayo nakakaisip, nakakakilos, at nakakaalala Ang utak din ang dahilan kung bakit mayroon tayong mga damdamin Kung wala ito, hindi natin kayang maging malungkot, matakot, magalit, mainggit, o matuwa

Advertisement

Pero ano kayang mangyayari kung bibigyan natin ng utak ang isang kompyuter? Anong mangyayari kung susubukan nating kunin ang lahat na nagbibigay sa atin ng ating katauhan at ipasok ito sa isang programa?

Maraming kahulugan ang Artificial Intelligence (A I ) na ginagamit sa computer science at iba pang mga larangan, pero sa pagkakaunawa ng nakararami, ang A I ay ang mga programa sa kompyuter na sinusubukang isalamin ang katalinuhan ng tao Ang mga gawaing karaniwang magagawa lamang ng tao – kagaya ng paghanap ng mga pattern sa mga larawan at bidyu, pag-intindi sa mga salita, at pagsulat ng mga pangungusap – ay maaaring magawa ng A I Sa ibang pananalita, ang A I ay mga matalinong programang nakakagawa ng desisyon batay sa pag-iisip nito

Alam ng lahat na si Siri, ang virtual assistant na ginagamit ng mga produkto ng Apple Inc , ay isang AI Ang hindi alam ng marami ay kung gaano kadalas ginagamit ang A I sa mga website at apps na ginagamit natin araw-araw

Yung mga online na store katulad ng

Lazada at Shopee ay gumagamit ng

A I para mahulaan kung ano ang nais mong bilhin upang mailagay nila ito sa iyong home page Habang ang mga apps katulad ng Netflix at Youtube ay nagpapakita sa iyo ng mga bidyu at pelikula na baka magustuhan mo, ayon sa kanilang A I algorithm Pero hind lang ito ang kagamitan ng A I sa kasalukuyan Halimbawa nito ay ang mga self-driving na kotse na ginawa ng Tesla na may kakayahang magmaneho at bumiyahe na walang drayber, at ang A I lang ang ginagamit Sa edukasyon naman, mayroon na ngayong mga plagiarism checkers na pwedeng magamit ng guro para manigurado na walang nangongopya ng sagot sa internet

Ang kahulugan ng Intelligence, ayon sa Cambridge Dictionary, ay ang abilidad ng isang bagay na matuto, mag-unawa, at magpasya Kasunod nito, ang A I ay madalas na nagpapakita ng katalinuhan sa pamamagitan ng pagkuha ng maraming datus, pag-aaral nito at pag-unawa ng mga kaugnayan, kaibahan, at ang mga pattern na mahahanap dito, at sa huli, paggawa ng prediksyon na magkatugma sa pattern na nahanap Kapag naipaghanda ng mga programmer ang A I , pinapalabas ito sa mga customer Mayroong dalawang uri ng A I na maaring gamitin ngayon sa kasalukuyan, ang Reactive Machines at

Limited Memory Ang mga reactive machines ay ang mas simple sa dalawang sistema, kung saan ang A I ay nagrereact lamang sa impormasyon na binibigay Wala itong memorya na binabalikan para makagawa ng ibang desisyon Isa sa unang paggamit ng A I na sumikat ay ang Deep Blue chess computer ng International Business Machines Corporation (IBM) na nakatalo ng isang international grandmaster na si Garry Kasparov noong 1997

Maituturing reactive machine ang Deep Blue dahil ito ay nagbabasa lamang ng chess board at hinuhulaan kung ano ang tamang galaw na gagawin Wala itong memorya sa mga nakaraang galaw, at ang kasalukuyan lang ang tinitingnan nito Ang Limited

Memory naman ay mga A I na nakakaalala

Maaaring mag-imbak ng impormasyon ang mga limited memory na sistema galing sa mga karanasan nito, at muling buksan sa kinabukasan Isang halimbawa nito ay ang mga self-driving cars na gumagamit ng

Limited Memory A I para matandaan ang impormasyon kagaya ng bilis at distansya ng ibang kotse, ang lokasyon ng mga harang sa daan, at ibang mahalagang impormasyon kagaya ng speed limit Gamit ng mga natutunan nito, mas mabilis na makaliko, pumili ng lane, at makagawa ng desisyon ang A I ng kotse Ang mga digital assistant kagaya ni Siri at Alexa ay gumagamit din ng

Limited Memory para maalala ang personalidad at ugali ng gumagamit nito para mahulaan kung ano ang kinakailangan ng user

Ang isa sa pangunahing grupo na nag-uunlad ng Artificial Intelligence, Machine Learning, at ang isang malalim na larangan ng Machine Learning – Deep Learning, ay ang OpenAI, isang research laboratory na nakatutok sa Artificial Intelligence

Ang isa sa kanilang proyekto na sumikat kailan lamang ay ang ChatGPT Ito ay isa sa pinakabagong Chatbot, isang AI programa ng kompyuter na ginawa upang makipag-usap na parang tao Mahirap makita ang kaibahan ng sagot ng ibang mga advanced na Chatbot, at ang sagot ng mga tao Ayon sa OpenAI, ang ChatGPT ay isang language model na nakikipag-usap, sumasagot ng tanong, umaamin ng pagkakamali, at nakakatanggi ng hindi tamang hiling ng user Ito ay tinuruan makipag-usap gamit ng Reinforcement Learning, kung saan binibigyan ng gantimpala ang A I kung ito ay gumawa ng tamang desisyon, at pinaparusahan kapag ito’y nagkamali Magkatulad sa paraan kung paano natin ineensayo ang mga alagang aso at pusa Kapag tinuturuan mo na umupo ang isang aso, bibigyan mo siya ng treat kapag sinunod niya ang utos, pero kapag siya’y hindi umupo, hindi siya makakakuha ng pagkain

Ang isa sa katangian ng ChatGPT ay ang abilidad nito na mag-intindi ng wikang hindi Ingles Para maipakita ang kakayahan ng ChatGPT, binigyan ko ito ng isang prompt para sagutin Prompt: “Ipaliwanag mo ang addition, subtraction, multiplication, at division sa pamagitan ng isang tula na mayroon lamang 4 na linya ”

Sagot: “Narito ang aking tula para ipaliwanag ang mga konsepto ng addition, subtraction, multiplication, at division sa loob lamang ng apat na linya: Ang addition ay nagdudulot ng paglaki, Subtraction ay pagliit naman sa halaga ng ating bigay, Multiplication ay tumitimbang sa dalawa, At division naman ay hatiin ang isa sa isa, tama?”

Ang isang paksa na madalas na pinag-uusapan sa tabi ng A I ay ang pagkakaroon ng Sentient A I Ang ideya na ang isang kompyuter ay talagang makipag-isip nang malaya, magkaroon ng mga gusto, at maaaring kumilos ng walang anumang limitasyon ay talagang nakakatakot, lalo na dahil sa kasikatan ng mga pelikula at librong nagpapakita ng A I na walang pakialam sa kahalagahan ng kabuhayan ng tao

Mga pelikula kagaya ng The Terminator (1984), The Matrix (1999), Blade Runner (1984), at M3GAN (2023) Sa katotohanan, napakalayo pa ang mga ganitong antas ng A I Ayon kay Arend Hintze, isang professor sa Michigan State University (MSU), mayroong 4 na uri ng A I Tinalakay na kanina ang unang dalawa, yung mga Reactive Machines at Limited Memory; ang itong dalawa ay madalas na ginagamit ngayon Ang natirang dalawa ay hindi pa naabot ng kasalukuyang teknolohiya, ang ito ay ang Theory of Mind at Self-awareness na uri ng A I Ang Theory of Mind na A I ay ang ikatlong uri ng A I pagkatapos ng Limited Memory – kung ang mga ito ay inaayos sa uri ng katalinuhan Sa larangan ng cognitive science at sikolohiya, ang Theory of Mind ay ang teorya na nagsusuri kung paano natin hinuhulaan ang gagawin ng isang tao batay sa nababasa nating kalagayan ng kanyang kaisipan Sa ibang salita, ang Theory of Mind ay kung paano natin nababasa at naiintindihan ang damdamin ng ibang tao Batay dito, ang mga A I na tinutukoy sa uring Theory of Mind ay maaaring mabasa ang emosyon ng isang tao, mahinuha kung ano ang gagawin niya sunod, at baguhin ang kilos nito ayon sa nabasang emosyon Ang Self-awareness naman na uri ng A I ay ang binibilang mas matalinong ekstensyon ng Theory of Mind kung saan ang A I ay maaari ring makagawa ng sarili nitong damdamin katulad ng mga tao Maaaring gawin nito ang lahat ng ginagawa ng Theory of Mind, pero pwede din gamitin sa sarili Magkakaroon ng sariling mga reaksyon sa mga karanasang kaniyang dinadaanan, at mayroon siyang tunay na kaunawaan sa mga emosyon ng iba dahil mayroon siyang sarili niyang emosyon Ang ganitong uri ng A I ay mahirap abutin dahil sa kakulangan ng ating pagintindi sa ating sariling kamalayan; kung hindi natin maunawaan ang sarili nating kaalaman, paano natin iyon ibibigay sa isang kompyuter?

Kahit matagal pa bago natin mabigyan ng tunay na konsensya ang isang A I , andami paring gamit ang ganitong teknolohiya na napakahalaga sa kasalukuyan at pati na rin sa kinabukasan Isang patak lang ng ating katalinuhan ay ang kailangan ng A I para makagawa ng nakakamanghang programa sa kompyuter na maaaring gamitin ng kahit sinuman

Babangon Tay0 Babangon Tay0

Ma. Eleca G. Gustilo

“Para kanino ka ba bumabangon?” tanong ng isang popular na komersyal sa Pilipinas. Para kanino nga ba ako bumabangon? Sa kabila ng mga pagsubok sa buhay, patuloy akong bumabangon para sa aking pamilya. Sa mga araw na kulang ako sa motibasyon at may pinagdadaanan pagsubok, nandyan sila palagi para sa akin. Gagawin ko ang lahat para sa kanila.

Isang magandang katangian ng mga Pilipino ay ang pagiging matatag.

Patuloy bumabangon at nakangiti kahit na may pinagdadaanan Dahil ito sa inspirasyon na bigay ng ating pamilya at mga mahal sa buhay Tayo ay likas na malapit sa ating pamilya kaya kahit anong pagsubok ay malalampasan natin

This article is from: