1 minute read

LATHALAIN

Manong Ronilo: 14 na Taong Paglilingkod sa mga Lasalyano

Sa kabila ng maambon, makulimlim na hapon, at malamig na simoy ng hangin, may isang guwardiyang nananatiling nakamasid sa Gate 9 ng University of St. La Salle.

Advertisement

Si Ronilo Montesa, o si Manong Ronilo ay isa sa mga pinakamatagal na guwardiya ng paaralan. Sa 14 na taong paninilbihan niya ay kaniyang nasubaybayan ang pagbabago ng panahon

Bago pa ang nagsimula ang pandemya, siya ay nakapwesto sa International Culinary Arts (ICA). Sa araw-araw, maraming mga estudyante ang kaniyang nakakasalamuha Kasama ang iba pang mga guwardiya, ang kanilang itinalagang posisyon ay nagbabago pagkatapos ng 15 araw.

Noong kasagsagan ng pandemya, ayon kay Manong Ronilo, ang sitwasyon ay mahirap. Sa loob ng 15 na araw, anim lamang ang pinakamataas na numero ng mga araw ng kaniyang pagtatrabaho. Dahil sa biglaang pagiba ng iskedyul, ito ay nakaapekto sa dati niyang nakagawian

“Kita mo tanan nga studyente nga daw malipay ka bala. Indi parihos sang una sang time sang pandemic pwerte gid kamingaw.” Wika ni Manong Ronilo noong tinanong kung ano ang kaniyang nararamdaman sa kasalukuyang sitwasyon.

Sa kahabaan ng kaniyang pagtatrabaho, lahat ng mga estudyante, faculty, at staff ay pamilya na ang turing sa kaniya Sa araw-araw na pagpasok at labas ng mga estudyante sa paaralan, marami na siyang nabati at nakilala. Ayon kay Manong, mapalabas man o loob ng unibersidad, ang pagiging isang Lasalyano ay talagang naiiba.

Sa pagsikat ng araw sa umaga ay isang makabagong oportunidad na pasalamatan ang mga kagaya ni Manong Ronilo Sa bawat pultahan ay may nag-aabang, at sa likod ng pakiramdam ng katiwasayan ay isang guwardiyang magdamag na nagbabantay

“Bisan agency lang kami, ang akon heart ya ari lang gid di subong sa La Salle. Tungod sa pila ka years, ari lang ko di gyapon.” Huling pahayag ni Manong Ronilo

This article is from: