1 minute read

Produksiyon ng Impeksiyon Produksiyon ng Impeksiyon

Alexander S. Uy

Masarap talaga ang lasa ng mga karne, lalong-lalo na ang baboy. Pwedeng gawing sisig, adobo, kare-kare, shanghai at hinding-hindi talaga ito mawawala sa ating mga diyeta. Pero paano kung malaman natin na pwede pala tayong mahawaan ng sakit na mayroon ang mga baboy?

Advertisement

Ano nga ba ito?

Ang swine flu o trangkaso ng baboy ay kumakalat sa pamamagitan ng direkta at hindi direktang pakikipagugnayan aerosol at mula sa mga baboy na nahawaan. Ang sakit na ito ay maaaring maipasa sa tao. Ito ay sobrang nakakahawang sakit sa pahinga, sanhi ng isa sa maraming mga virus ng “Influenza A ” Nakakaapekto ito sa kalusugan ng lahat. Batay nga sa “who.int,” ang mga sintomas ng swine flu ay trangkaso na may kasamang pagsakit ng katawan, panginginig, ubo, sakit ng ulo, pamamaga ng lalamunan, lagnat at pagod.

Ayon sa website na ncbi.nlm.nih.gov, ang pagsiklab ng 2009 sa swine flu na nahawaan ang mga tao ay may H1N1 subtype. Kung saan ay dahil sa takot, naapektuhan nito ang mga taong may trabaho kagaya ng pag-aalaga ng mga baboy o ‘di kaya ay pagbebenta ng karne lalo na ang baboy.

Sa kasalukuyan, mayroon nang bakuna para sa swine flu na siya namang nagpawala sa pangamba ng maraming mamamayan. Ang mga sintomas na inilahad ay dapat din iwasan sa pamamagitan ng paggamit ng “mask,” at kalinisan sa tahanan

Dapat nating tulungan ang ating kapwa sapagkat ito’y para rin sa ating sariling kabutihan. Kung maaari, ipagbawal ang kumain ng produktong baboy na mula sa ibang bansa o lugar.

Kumain ng mga masustansyang pagkain na puno ng bitamina at mineral para sa iyong katawan upang maging malusog. Kung may sintomas man ay magpatingin na agad sa pinakamalapit na doktor; at huwag matakot na magpabakuna dahil ito ay nakakabuti sa atin, Magsimula tayo sa ating sarili upang makatulong sa ating komunidad; tigilan natin ang produksiyon ng impeksiyon.

This article is from: