Ang Munting Liwanag ng mga Alitaptap

Page 1


Paunang Salita Ang buhay ay binubuo ng dalawang bagay lamang at ito’y ang liwanag at kadiliman. Minsan, akala nating kinakain na tayo ng dilim na ito at kinaliligtaang masilayan ang mga liwanag sa likod nito. Nakakalimutan nating sa kabila ng sakit, kalungkutan at poot ay may karapatan pa rin tayong maging masaya at maging malaya nang walang bumabalakid sa atin. Tandaang lumiliwanag ang buwan sa gabi dahil sa sikat ng araw kahit hindi natin ito nakikita. Nais kong ipahiwatig na sa pamamagitan nitong folio ay mabatid ng bawat isa na hanapin natin ang mga munting liwanag sa kabila ng kadilimang akala nating wala nang daan palabas. Kagaya ng mga alitaptap, sila’y munti lamang ngunit kapag nakita natin sila sa gitna ng dilim ay tila nagkakaroon tayo ng munting saya sa ating mga puso at muling nabubuhayan nang puno ng pag asa. Kaya silayan ngayong gabi, ang mga Munting Liwanag ng Alitaptap.

Nagmamahal, Alexa Therese Chua Punong Patnugot


Pamatnugutan ng Ang Layag 2019-2020 Punong Patnugot Alexa Chua Ikalawang Patnugot Jasper Laguitan Hannah Maestral Tagapamahalang Patnugot Reiben Denaga Bea Legayada Layout Artists Reiben Denaga Mary Lademora Catherine Torres Reanna Villanueva

Mga Manunulat Johannes Acuña Ma. Angela Baloyo Shenelle Borja Kylene Casaig Janessa Coruña Bianca Diva Jeri Espinosa Paul Estrope Slara Garzon Cheve Gaudite John Rosh Macasero Jay Olayra Jhasmine Sese Lysander Tiu Dianelle Varrera Tagapamahala Sr. Ariel Gabiño


TALAAN NG NILALAMAN Kadiliman Ako si Binibini 8 Ang Nabasag na Itlog 11 Araw 12 Ang Prinsipe ng Katangahan 13 Ang Hari ng Kawalan 15 Bakit Nagbago? 16 Bagyong Paasa 17 Bibitaw 18 Bulag-bulagan 20 Dalagang Pilipina 22 Eroplano 23 Hoy Crush! 26 Iisang Silid 27 Kalapati 29 Kantang Nagtatapos sa Sana 30 Kulimlim 31 Lakbay 32 Likha 33 Litrato 34 Mahal Kong.. 35 Malapit na Malayo 37 Mapanuyang Kapansanan 38 Matatamis na Salita 40 Pananaw 46 Pansamantala 48 Sa aking tunay na minahal 50 Pula 51 Salamin ng Kaluluwa 52 Si Inang Kalikasan 53 Suklam 54 Sulok 55 Tiwala 57 Tuktok 58 Tuluyang Kukubli 59


Kaliwanagan Ahon 62 Ako 64 Ang Ating Sansinukob 65 Ang Mahika ng Pluma 66 Bilang ng Tagumpay 68 Bubog 70 Buhay 71 Buhay 73 Buhay Estudyante 74 Buhay Pag-Ibig nga ba? 75 CLIV 76 Dulot ng Pagmamahal 78 Gintong Pintuan 79 Hiwaga 84 Humaling 85 Indak 86 Isang Munting Larawan 88 Kahit Ano pa Man 92 Kaibigan 94 Kay Ganda ng Kalikasan Natin 96 Kung 97 Kuwentong Bilog 98 Labasan 99 Legazpi 100 Liham ni Juanchong Torpe 101 Limi’t Alumana 103 Liwanag sa Lilim 107 Liwanag 108 Liwanag; Pag-Asang Makamtan 109 Liwanag sa Dilim 110 Magpakatotoo 119 Mahal kong 8A 120 Munting Pangarap 121 Natatanging Bathala 123 Simponiya ng Dilaw 125 Sinag 126 Takipsilim 127 Tunay na Kasiyahan 129


anino, kadiliman, misteryo Mary Lademora


“sa bawat paglubog ng araw, mayroong nag-aantay na kadiliman kung saan maaari mong mapakita ang iyong mga bituin na kusang nagniningning.�


Ako si Binibini binhi

Tawagin ninyo akong Binibini. Mayumi ang aking kalooban; marilag ang maamong mukha. Bihira itong nakabalot sa kolorete sapagkat nais kong ipagmalaki ang natatangi kong kariktan. Puno man ng peklat ang aking katawan, tanda naman ang mga ito ng aking pagbangon mula sa nakaraang ginapos ako sa karimlan. Ang nakaraang ito’y puno ng dahas, kahinaan, karuwagan, at kawalan. Tawagin ninyo akong Binibini; si Binibining sinagasaan at nilupig ang kapayapaan. Noong aking kamusmusan, mahilig ang aking ina na bihisan ako ng puting bestida. Abot hanggang sa tuhod ito, kaya bagay na bagay sa aking mga bakyang may disenyong kalachuchi. Palagi rin akong ipinapasyal ni inay sa isang espesyal na hardin. Puno ito ng naggagandahang bulaklak, kung kaya’t maraming mahilig mamitas ng mga ito. Marami ring mga insektong naroon tulad ng paru-paro at bubuyog. Hindi ako pinapalapit ng aking ina sa mga bubuyog dahil baka raw matusok ako ng kanilang “karayom.� Hindi naman ako nagpadala sa kanyang sinabi kaya isang araw ay napag-isipan kong palihim na lumabas ng bahay at tumungo sa hardin. Napansin ko ang isang magandang rosas na kulay puti rin, tulad ng bestidang suot ko noong araw na iyon. Pinitas ko ito, sapagkat wala naman itong mga tinik na makakasakit sa akin. Itinago ko ito sa aking munting bayong. Noong paalis na ako, napansin kong sinusundan ako ng mga bubuyog. Tumakbo ako nang tumakbo dahil sa kaba hanggang sa napadpad ako sa isang eskinita. Umiyak ako at umasang matatagpuan ako ng aking ina, kung sakaling hahanapin niya ako, ngunit iba ang dumating. Lumipad ang mga bubuyog patungo sa akin, at unti-unting pumasok sa rosas sa loob ng aking bayong. Ninakaw nila ang lahat ng tamis at kalinisan nito hanggang sa tuluyan itong nalanta. 10


Napasigaw ako nang malakas at humikbi hanggang sa nawalan ako ng malay. Iminulat ko ang aking mga mata, at napansin nasa loob na ako ng aking kwarto. Mula noon, hindi na ako nagsuot pa ng bestida, o kahit anumang damit na mayroong palda sapagkat naaalala ko ang nangyari sa rosas na iyon. Lumipas ang mga taon. Unti-unti na akong nagdalaga. Humayo kami ni inay sa probinsya kung saan naroon sina lolo at lola upang makapagsimula muli ng isang tahimik at payapang buhay. Tinuruan nila akong magsaka at natuwa naman ako dahil sa karanasang iyon. Nasanay na rin akong nakabalot ng damit pangsaka dahil halos araw-araw ay nasa palayan lamang ako at nakabilad sa araw. Namimitas din ako ng mga prutas sa tuwing may bakanteng oras akong nalalabi. Naging masaya naman ang pamumuhay namin doon, pero iyon pala ang akala ko. Sa tuwing umuuwi ako galing sa palayan, malimit na napapatahol ang mga aso ng aming mga kapitbahay. Naglalaway ang kanilang mga bibig na para bang nakakita ng hilaw na karne. Gabi-gabi, naging ganoon ang aking karanasan, kaya sinubukan kong iwaksi ang takot at pangangamba. Bagama’t, may hangganan din pala iyon. Noong mas napagabi ako ng uwi mula sa pagsasaka, nadatnan kong nakaabang ang mga aso. Tila nauuhaw at nababaliw sila habang napadaan ako. Binilisan ko ang paglalakad, ngunit nang makawala sila sa kanilang mga kadena ay napatakbo ako nang matulin. Dulot ng matinding kaba, patuloy akong tumakbo hanggang sa ‘di ko namalayang napadpad ako sa gitna ng kapatagan. Pinalibutan nila ako upang hindi ako makawala. Nilupig na nga nila ang aking kalinisan, dinungisan ang aking kapayapaan. Umiiyak na ako noon. Sumisigaw at naaawa ako sa aking sarili. Nanginginig ako sa takot at nawalan ng patutunguhan. Pakiramdam ko’y hubo’t hubad ako dahil sa lamig na nadarama sa aking katawan. Humikbi ako hanggang sa nakatulog ako; nang gumising ako, hindi ko na matukoy kung nasaan ako. Nakulong na pala ako sa gitna ng kawalan at ng mapapait na alaala.

11


Kaya tawagin ninyo akong Binibini. Marumi ang naranasan, datapwat pilit na pinapahilom ang mga malalim na sugat ng nakaraan. Binalot ng saplot ang katawan at itinakwil ang pait, ngunit kahit anong takip at pag-iingat ang aking ginawa, walang awa pa ring binuksan ang aking daungan. Pilit na ipinasok ang mga barko kahit na labag sa aking kalooban. Dinungisan ng mga titig at tahol ang aking bestidang malinis. Ninakaw nila ang rosas kong iniingatan, at hinubaran ako ng sariling kapayapaan. Ako si Binibini, na nagsasabing mga biktima’y inosente. Musmos man, namumulaklak, o hinog; anumang kulay ng bahaghari ang pinipintig ng puso; anuman ang kasuotan-mula sa bestida hanggang sa pantalon, walang pinipili ang mga manlulupig basta’t nauuhaw ang kanilang mga mata. Ako si Binibini, at ito ang aking huling sambit: bulag man ang hustisya, mananatili at mananatiling nakabukas ang tainga ng katotohanang mabubunyag.

Claryz Wayne F. Cruz 12


Ang Nabasag Na Itlog Slara Garzon

Ang tao at itlog ay magkahambing at bahagi ng iisang sansinukob Magaspang man sa labas, babasagin naman sa loob Ang buhay nga namang mahilig sa mga pakulo Ang siyang rason na kusang tumitigas ang isipan at puso Isang order ng hard boiled para sa relasyong na-void Kahit noong una ay pilit mo na siyang ‘inavoid’ Mga nakaw na tingin kay kras na siyang kaakit-akit Ngunit heto ngayon kanyang dala-dala’y puro pasakit Isang order ng sunny side up para sa relasyong masaklap Yung tipong malabong maging kayo kahit sa hinaharap Sa larong Jack en Poy tiyak na uuwing talunan Papel mo’y hindi tatalab sa kanyang pusong bato kailan man Isang order ng omelette sa ex mong nagawa kang ipagpalit “Ayaw ko na” ang mga salitang kanyang ginamit Pusong naghihinayang ay namanhid sa narinig “Sana all” na lamang ngayon ang naging bukambibig Kung minsan maalat kung minsan matabang Huwag laliman ang pag-iisip sapagkat magmumukhang timang Isang tulang nagbibiro lamang at naglalayong magpangiti Kaya pasensya na sa mga natamaan at sa mga di mapakali

13


Araw Reid Horse

Nakamulat ang ‘yong mga mata Sa ilalim ng malaking dilaw Unti-unting balat ay namumula Tumutulo ang butil ng pawis Dulot ng init na binubuga Hindi mo maintidihan kung bakit ganito Araw-araw ika’y nagsasakripisyo Sa mula-kalawakang nakamamatay na lobo Ngayo’y bigay-tanging pasakit sa katawan mo Na dati ‘di naman nagaganap na senaryo Sa Bibliya nakasulat, may isang biyaya ang Panginoon Isang ilaw hulog ng langit, magpapanatili ng buhay sa mundo At iyon si Araw, ang napakahiwagang regalo Maraming naitutulong sa pangaraw-araw na gawain Kaya’t magpasalamat ka sapagkat meron Araw na nakaagapay sa’yo Kung ano man ang dinadanas mo, huwag mo isisi kahit kanino Sapagkat hindi ka magkakaganyan kung namili ka ng mabuti at husto Si Araw ay isa lamang sa maraming bagay na iyong inabuso Gumawa ka ng mga bagay-bagay na siyang magpapasama sa kanyang lagay Dahil buong akala, ‘di mapapagod at mahihigante ang Araw mo.

14


Ang Prinsipe ng Katangahan John Rosh Macasero

Ang masaktan ng paulit-ulit ay nagdudulot ng malubhang sakit Puso’y nasusugatan Hindi pa rin pinapakawalan Tinatago ang katotohanan na ako ay binitawan Sa halip ng isang ngiti, kalungkutan ang bumabati Munting pusong nasaktan Paano ka pa ba gagaan? Mapait na nakaraan Ang naging kahihinatnan May iniirog siyang iba Ako pala ay ginawang reserba Paano ba ako makakatakas Sa buhay na pawang palabas? Paulit ulit akong nabubuhay sa kasinungalingan Dahil sarili ko ay hindi ko ipinaglaban Kahit naglalayon lamang ng kaligayahan Ang Prinsipe ng Katangahan.

15


Catherine Torres 16


Ang Hari ng Kawalan John Rosh Macasero

Nakulong ang isipan Ng prinsipe ng katangahan Araw gabi’y nagdadasal Humahanap ng magmamahal Natagpuan sa malayong kaharian Ang isang prinsesang luntian Ikalawa sa trono ng pamahalaan Halatang lugar ay magarbo’t mayaman Nabuhayan ng pag-asa Na siya’y hindi na mag-iisa Bumuo sila ng pamilya At naging katotohanan ang pantasya Naging hari’t reyna ang dalawa Buhay ng mag-asawa ay maginhawa Ngunit unti-unting nagkasakit ang ina Sa paglalapit ng nakatakda Sa pagluwal ng masiglang bata Si kamatayan ay nagpakita Naiwan muli ang naghihinagpis na ama Dahil sa kahihinatnan ng malubhang trahedya Araw araw ay nagtatanong paano lumaban “Paano itataguyod kung ang asawa’y lumisan?” Ngiti ng sanggol hindi na mapapanagutan Dahil nagpakamatay ang Hari ng Kawalan. 17


Bakit Nagbago? Dianelle Varrera

Sa una nating pagkikita Tayo ay parang patis at suka Na kapag pinagsama Napakasarap ng lasa

Oo masakit isipin Na ang pagkakaibigan natin Ay unti unting nagbabago Pero ano pa ang magagawa ko?

Napakasarap ng lasa ng patis at suka Kagaya ng pagsasamahan natin pero binalewala Noon matalik pa tayong magkakaibigan Pero ngayon ako ay inyong napapagiwanan

Lagi niyong tandaan Na hindi ko kayo iiwan Kahit masakit na para sakin Na ako ay inyong kinalimutan

Minsan napapaisip ako Tanggap nyo pa ba ako sa inyong grupo? O may pumalit na sa aking pwesto? Na mas mamahalin niyo kaysa sa babaeng nagsusulat nito Bakit ba nagbago? Ako ba or kayo? May pagkukulang ba tayo? O sadiyang hindi lang talaga ako karapatdapat na mapabahagi sa inyo

18


Bagyong Paasa Hanna Maestral

Isang malakas na ihip ng hangin Ang sumalubong sa akin Tila ba nanginginig Balahibo’y nakatindig

Isipa’y parang eroplano Lumilipad ng walang preno Puso’y patuloy na nalilito Sa kalokohang ginawa mo

Ito na pala ang hudyat ng paparating na kidlat Di inaasahan ang lakas na sumira sa aking hiyas

Pag-ibig, sakam mo naman Pusong tahimik na nag-iintay Minahal at biglang iniwan Parang bagyong napadaan

Dumaan ang bagyo Tinamaan ako Pinatigil ang lahat Puso ko’y namulat Di katulad ng nauna Bagyong to ay naiiba Higit pa sa sampung bala Ang sakit nitong dala Pagkatapos nitong dumaan Pighati ang siya nang iniwan Dahil pinaasa lamang ako Ng minahal ko na tao

Catherine Torres 19


Bibitaw binhi

Alam kong lilisan ka na At di na tayo magkikita Sana sa sandaling ito Alaala ko’y ingatan mo Kinabukasan ay tatahakin Kahit katiyakan ay di na isipin Alam kong ayos lang na magdusa sa sakit Kaysa ang imposible’y atin pang ipipilit Dahan-dahan na nating pakakawalan Ang tamis at pait ng ating nagdaan Pipiliin pa ba kung mananatili o aalis? Ito ang tanong na kusang nagpapabilis Ng pintig ng pusong pinagtagpo At doon sa lumang daan Patungo sa ating pangarap na walang hanggan, Tayo ay magtatagpo sa pagsikat ng umaga At sa pagkagat ng dilim, unti-unti nang bibitaw Naalala ko pa ang gabing ‘di malimutan Sa isang saglit ay nakapiling ko si Paraluman, Habang nakatitig sa buwan, sa mga bituin at tala Na tanaw sa’yong mga matang nagniningning

20


Dahan-dahan na nating pakakawalan Ang tamis at pait ng ating nagdaan Pipiliin pa ba kung mananatili o aalis? Ito ang tanong na kusang nagpapabilis Ng pintig ng pusong pinagtagpo At doon sa bagong daan Patungo sa pangarap na walang hanggan, Tayo ay magtatagpo sa pagsikat ng araw At sa pagkagat ng dilim, unti-unti nang bibitaw.

Catherine Torres 21


Bulag-bulagan Cheve Grace M. Gaudite

Itong tula ay inaalay ko sa’yo mahal, Walang lokohan, ako ‘to ‘Di naka porma, walang make up, ang pangit kong tignan Tinatawag mo akong maganda kahit sa totoo ay hindi naman Nahuhumaling naman ako nung nakita kitang ngumiti Sinalubong ng yakap, mga mukhang punong puno ng saya Heto na naman tayo nagbibiruan, kahit kailan ang kulit nating pareho Palaging napagkamalahang magkaibigan lang Mga tawa ay higit pa sa tainga, umaabot hanggang sombrero Ang ‘di nila alam na mayroon na palang tayo Isang araw nagbago na lang ang lahat Sumakit ng husto ang aking mga mata Hindi na ako makakakita, hinding-hindi na talaga Tumingin-tingin sa paligid, hindi na nga ako makakakita ng mas hihigit pa sa iyo.

22


Catherine Torres 23


Dalagang Pilipina Janessa Coruña

Nung una kitang nakita Ako’y na pahanga sa taglay mong ganda Na talagang kaaya-aya Hindi lang sa aking paningin pati na rin sa iba At nung lalo kitang nakilala Mas lalo akong humanga Dahil hindi lang pala panlabas ang iyong natatanging ganda Pati na din sa loob na mapapa-ibig ka Sa isang dalaga na pinapangarap ng mga lalaki Hindi ko inaasahan na akoy mahuhulog sa tulad ko ding babae Sa tagal na panahon hindi ko na kayang sikretuhin Ang nilalaman ng isip ko’t damdamin Kaya’t pinagtapat ko sa kanyaang tunay kong damdamin Upang kanyang unawain at intindihin At siya ay nabigla sa aking pagkasabi Dahil hindi niya inakala na ang tulad niyang babae ay mahuhulog din sa babae

24


Eroplano De Press

Ilang buwan kaming hindi nag-usap nang dahil sa ‘di namin pagkakaintindihan. Masyado akong nasaktan dahil sa nagawa niya sa akin. Halos hindi ko matanggap na ang tulad niyang pinagkatiwalaan ko sa aking mga sikreto ang siyang wawarak sa tiwala ko. Naging mabait ngayon si coach kaya natapos kami nang maaga mga 9am. Pumunta ako sa pinagpatungan ko ng bag para magpalit ng damit nang makita ko ang mga bulaklak sa tabi nito at may kard kung saan nakasulat ang pangalan ko. “Reese, sorry na. Pansinin mo naman ako oh. Ilang buwan na akong humihingi ng tawad sa’yo,” nakasulat sa kard. Nung mabasa ko iyon biglang nag-init ang bungo ko at binagsak yung kard. Dumiretso ako sa CR at nagpalit ng damit. Pauwi na ako nang makita ko siya. Nakita niyang hawak ko ang bulaklak na bigay niya at ngumiti. Nung nagkasalubong ang mga mata namin agad-agad akong lumapit sa kanya at galit na sinabing: “Hindi pa ako patay, huwag mo akong bigyan ng bulaklak,” binalik ko sa kanya ang bulaklak at naglakad papalayo. Pag-uwi ko sa bahay ay sobrang pagod ko na at nakatulog ako. Paggising ko ay agad akong nag-empake ng mga damit ko at gamit na kakailanganin sa paglipad sa US. Doon na ako mag-aaral kaya matitigil na ang pag-eensayo ko at hindi na ako kabilang sa varsity. Nasayang lang ang mga araw na nagpraktis ako nang sobrang aga pero balewala lang iyon sa akin dahil nakasama ko naman ang mga kaibigan ko. Dumating na nga ang araw ng pag-alis ko. Napakabigat para sa loob ko na umalis pero kailangan ko. Pangarap kong maging piloto at nakakuha ako ng magandang oportunidad para marating ‘yon. 25


Habang nagpapaalam ako sa mga kaibigan ko ay pinigilan kong maluha. Pagtalikod ko papasok ng paliparan para icheck-in ang bagahe ko ay saka na ako naiyak. Hindi ko pa rin maiwasang maisip siya pero dahil nasaktan niya ako ay ipapakita ko sa kanya kung ano ang nawala sa kanya. Nakasakay na ako sa eroplano at mga limang oras na kaming nasa ere. Kagigising ko lang mula sa dalawang oras na tulog nang biglang may kakaibang pagalog ang eroplano. Pagsilip ko sa bintana ay napakadilim ng mga ulap. Kanina lang ay parang napakainit pero biglang nag-iba ang panahon. Parang may paparating na malaking bagyo na hindi namin nalaman. Umalog muli ang aming sinsakyan na tila hindi makontrol ng piloto ang paglipad. Biglang nagradyo ang piloto na nagsasabing manatiling kalmado ang lahat dahil sa hindi nila inaasahang pagbabago ng panahon. Lumala ang pag-alog ng eroplano at tila nagpapatay-sindi ang mga ilaw. Nagkakaroon din yata ng engine failure at dahil sa malalakas na hangin ay kayang-kaya nitong dalhin ang eroplano nang wala sa direksyon. At ayon na nga, nagraradyo ang piloto tungkol sa paghahanda dahil baka mag-crash ang eroplano. Marami pa siyang ibang sinasabi na parang hindi ko na maintindihan dahil sa takot. Nagsimula nalang akong magsuot ng life vest tulad ng ibang mga pasahero dahil hindi namin alam kung ano ang aming babagsakan. Naramdaman ko ang eroplanong tila nahuhulog na lang at ako ay nagdadasal at umaasa ring mabubuhay pa ako. Lahat kami ay takot na takot. Parang iiyak na ako sa takot pero parang hinanda ko na lang ang sarili ko kung kukunin na talaga ako sa mga oras na ito. Bumagsak ang eroplano namin sa lupa at may mga parte ng eroplanong nasusunog na. Pakiramdam ko maya-maya ay sasabog na kaming lahat dito. Nailabas ako ng mga taga-reskyu pero tila hindi ko na kaya. Duguan na ako at napakasakit ng buong katawan ko. Nandidilim na ang paningin ko.

26


Sana tumakbo ako papunta sa kanya at sinabing mahal na mahal ko siya. Sana sinabi kong napatawad ko na siya. Sana maging masaya na lang siya.

Lilipad na ako, mas mataas pa sa mga ulap.

Catherine Torres 27


Hoy Crush! Sean Castro

Hoy crush, kamusta ka na nga pala? Sana naman, ika’y maligayvta. Baka nagtataka ka, ba’t kita kinakamusta, Wala lang, mahal na mahal kasi kita.. Hoy crush! Ako nga pala si Sean Cedric Castro, Yung nababalitaan mong baliw na baliw raw sa’yo Gusto ko lang palang sabihin na napakaganda mo, Daig mo pa ang Ms. World dahil ikaw mismo ang mundo ko! Alam mo, sa sobrang ganda mo, Yung mga Ms. Universe, wala na ring masabi sa’yo Sobrang cute nga rin pala ng tawa mo, T’wing nakikita ko ‘yang ngiti mo, napapaisip ako sa sarili ko, Kailan kaya magiging tayo? Paano ko bang sasabihing ikaw ang pangarap ko? Araw-araw, ang mga tanong na ito Ang laging tumatakbo sa isip ko Tuwing pagtulog, ikaw lagi kong napapanaginipan, Sa panaginip na ito, mga kamay nati’y naghahawakan Balat nati’y nagdidikitan, pero bigla akong nagising sa katotohanan. Sa katotohanan na mayroon ngang ikaw at ako, pero wala namang tayo Sa katotohanan na kahit ilang beses ko man ialay ang puso ko sayo Hinding hindi mo kayang tanggapin ito, Sa katotohanan na kailangan kong mabuhay sa mundong ito, na wala ka sa piling ko Ngunit, wala akong magagawa, Sabi nga nila, kung mahal mo, matuto ka dapat magpalaya Kaya crush, pakinggan mo ako, Ilang beses mo man wasakin ang aking puso, ikaw’t-ikaw pa rin ang mamahalin nito. 28


Iisang Silid Slara Garzon

Mamimiss ko kayong mga kaklase ko Magulo, maingay at may pagkaloko-loko Lalo na yung mga nasa likuran Pagkain ng pasikreto’y di tinatantanan Mga nakaupo sa gitna ay di rin malilimutan Pangungulit sa katabi ay di mapigalan Kayo ding mga nakaupo sa harapan Kapag inaatake ng antok at ulo’y gumagaan Ayusin ang pagkakaupo para di mapagalitan Magkunwaring kumukopya at matulog sa ganitong pamamaraan Pagsasama natin ay maaga mang natuldokan Kasiyahang aking naranasan ay malabong pantayan Kapag naaalala’y pakiramdam ay gumagaan Paalam at maraming salamat sa di natitibag na pagsasama Mga ngiti, halakhak, luha at saya’y hindi maipinta Paalam na, at ako’y lilisang dala-dala ang mga alaala Mag-ingat ka kaibigan hanggang sa muli nating pagkikita

29


Catherine Torres 30


Kalapati Dekada Nobenta

Mula sa layong aking makita, ikaw, ay ang lumilipad na dakila. Pakpak ay pumapagaspas at nagdadala sa iyo pataas. Hangad ko’y maging katulad mo, malayang mag-isip maglaro. Malayang mahalin ang kahit sino, malayang lumipad palayo. Sa aking paglapit, tumunog ang baril na kay sakit, at tumakbo akong maliksi, nang ika’y bumagsak mula sa langit. Huli na ang lahat. Hawak sa kamay ang natitira kong pag-asa. Ngayo’y napawi na, ano pa ba ang magagawa? Manatili sa gumigipit na hawla, o samahan siya sa kataasang lipad niya?

31


Kantang Nagtatapos sa Sana Slara Garzon

Sandali nga, kailangan ba talaga tayong magmadali? Hindi ba maaari na kantang ito’y mag atubili? Marinig ka lang man sana at makasama pa ng kahit konti Bago tuldokan ang kwento ay puwede bang bumawi? Boses na kay tamis na may kasamang lamig Boses na iniiwan ang balahibong nakatindig Mga salitang binigyan niya ng katangi-tanging himig Makikila at maaalala saan man sa daigdig Paano ko pipigilan ang pusong umuwing sawi? Kung mula pa nung una ay imposible ng magwagi Kung sana lamang natuto akong maging bingi Sa inakala kong kanta ng pag-ibig ngunit ako pala’y nagkamali Mali lang ba talaga ang aking pag-iintidi Bawat salitang lumalabas sa iyong mga labi Mga pangakong ngayo’y walang ng silbi Kalungkotan ang siyang yakap-yakap ko sa huli At sa pagtapos ng kanta ay ninais kong ito’y maulit pa Ngunit di na maaari sapagkat ikaw at ako’y nagbago na Iba na ang mensaheng kanyang dala-dala Iba na rin ang iyong hinaharana at ang iyong pinapasaya

32


Kulimlim Jed Cuadra

Ang mga sugat ko ay kasinglalim ng pagsapit nitong gabing madilim unti-unting pinupunit ng sariling lumbay buhay na ibinigay tila wala nang saysay Ang lansangan ay iniilawan ng buwan dinig ang mga halakhak ng kabataan pipiliting matulog nang mahimbing kahit ang isipan ay nananatiling gising

Catherine Torres 33


Lakbay Jed Cuadra

Nagpapatuloy sa itinahak na landas Umalis nang walang naiwang bakas Naglayas sa lugar na noon ay payapa Lumisan para hanapin ang nawawala Matataas na bundok ang aking inakyat Sinisid ko rin ang malalalim na dagat Nilibot ang malalawak na kagubatan Pumaroon pati sa kabilang kalawakan Sumabak sa pakikipagsapalaran Upang marating ang kinaroroonan Maraming lugar ang aking napuntahan Ngunit ngayon, nandito na sa gitna ng kawalan Dahil ang sarili ko ay hindi ko matagpuan

34


Likha

John Rosh N. Macasero Andito naman ako Umiiyak sa mga ala-alang Walang nabuo. Masakit. Sobrang masakit. Bakit ang mga awit na pinapakinggan Nakikinig sa aking nararamdaman? Mahirap maging martir Para sa taong may iba na. Siguro kapag handa na ako Ang kalawakan ay papayag Na magtagpo ulit tayo. At kung mangyayari man iyon, Ang mga alon ay magsalpukan Ang mga tala ay magningning At ang araw ay magtapos. Kahit likha lang ang nadarama, Mahal kita, Hanggang sa huli.

Claryz Wayne F. Cruz 35


Litrato

Dianelle Varrera

Papel na hugis kuwadrado May itsura ng dalawang tao Na may magkasalungat na pagkatao Na nagmamahalan ng totoo Kaibigan lang kita Iyan ang sabi ko Pero hindi ko inakala Na mahuhulog ako sa’yo Tinanong ang sarili Ano ang nangyari? Bakit siya ang iyong pinili? Dahil mahal ko na siya at ayaw ko nang magkamali Magkamiling pakawalan siya At maagaw sa akin ng iba Mahal na mahal kita Oo mahal na pala kita o aking sinta

iben Dena kuha ni Re

n i a t i n u G

Kaya bago ko tapusin ang tulang ito Gusto ko lang tandaan mo Na hindi magbabago ang pag-ibig ko para sa’yo Kagaya ng mga litrato na hinding hindi makakalimutan ng aking puso 36

ga


Mahal kong... ‘Di pa ba halata? Oo gusto na kita. Marami na yatang nakahahalata kaya inaamin ko na lang sa kanila. Ngayon, sa pamamagitan ng liham na ‘to ay sana mabatid mo kung ano nga bang nararamdaman ko sa iyo. Noong una kaibigan lang talaga ang tingin ko sa’yo at hindi ko inasahang mahuhulog ako nang ganito. Hindi ko man lang naisip na kapag mahulog ako sa iyo ay baka maraming balakid. Kaya ayon, nahulog nga ako nang walang alam kung ano bang kalalabasan nito. Nagulat ako, noong araw na inamin ko sa sarili kong may nararamdaman na ako para sa’yo ay tila lahat ng bagay sa palibot ko ay naging komplikado. Hanggang sa pakikipag-usap ko sa mga kaibigan mo ay parang napakaraming mata ang nakatingin. Kaunting lapit lang natin sa isa’t-isa ay naiilang ako dahil sa mga usap-usapang nakararating sa akin pagkakinabukasan. Pero nanatili tayong malapit at sinigurado natin sa isa’t-isang hindi tayo paiilang sa mga tsismis at tinginan ng mga tao sa paligid natin. Naging masaya tayo habang humahaba ang panahon ng pagkakaibigan natin. Mas nakilala pa natin ang bawat isa dahil sa mga kwentuhan nating minsang umaabot pa ng madaling-araw. Iyon yata ang mga dahilan din kung bakit ako tuluyang nahumaling sa pagkatao mo at talagang nasabing “Oo nga noh. Mahal ko na siya”. Cheesy mang pakinggan, pero ganyan talaga eh. Ano pa bang ibang salitang malalarawan ko sa pagtingin ko sa iyo? Kahit ako nahihiya na sa sarili ko dahil sinasabi ko na iyan pero hindi ko na talaga kayang magsinungaling sa sigaw at dikta ng puso’t-isip ko. Iilang araw matapos tayong mag-usap ay may nalaman ako tungkol sa iyo. Isa lng pala ako sa mga pinagpipilian mo. Sabi ng iba, gusto mo rin ako. Pero isa lang ako sa kanilang lahat. Pasensya na talaga. Ayaw kong maging 37


isang 2nd choice o option mo lang. Buong pag-aakala kong ako lang ang natatangi para sa iyo at doon ako nagkamali nang lubos. Ngayon sinusubukan kong umiwas sa’yo. Kaya nga diba nakikita mo akong tumatakbo papalayo sa iyo kapag nagkakasalubong tayo. Minsan naman kapag lumalapit ka sa’kin ay hindi kita pinapansin kahit kinakausap mo na ako kasi nga hindi ko alam kung anong dapat kong gawin sa harapan mo. Gusto ko nang mawala ‘tong nararamdaman ko para sa iyo dahil sabi nila mas nakabubuti raw iyon sa akin. Iniiwas lang daw nila ako na masaktan. Kaya ayaw talaga kitang makita. Pasensya na kung sinira ko yung pangako kong papansinin na kita parati. Kasi ngayon, bawal na talaga. Maingat lang ako kasi baka masaktan pa ako nang husto. Nilalayo rin ako ng mga kaibigan ko mula sa iyo. Kasi nga, hindi ko pa kayang harapin ka at kausapin kasi ewan ko talaga kung anong sasabihin o irarason ko sa’yo kung bakit ganito ako kumilos sa harap mo. Balang araw mapapaliwanag ko sa’yo pero wag lang muna ngayon. Kung balewala sa’yo, sige lang dahil ako naman ang parating nahihirapan sa sitwasyon nating dalawa diba? Alam mo, umaasa akong magiging malapit pa rin tayo sa isa’t-isa kahit na ganito ang naging sitwasyon. Ngayon, baka mauwi nalang ako sa pagsisinungaling sa’yo para lang mapagtakpan ang totoong dahilan ko. Hindi ka naman siguro masasaktan kapag magsisinungaling ako sa’yo noh? Kung sa bagay, balewala nga lang naman ang lahat ng nararamdaman ko para sa iyo. Yun lang. Paalam na. Alam mo na kung bakit ako nagsasabi ng “Paalam” sa iyo. Simula’t-sapul ikaw ang unang nakaalam. Kaya tototohanin ko na. Paalam mahal ko. Paalam sa huling pagkakataon. Maging masaya ka at sana matuto ka mula sa pagkakaibigan nating dalawa.

Nagmamahal, Wangwang 38


Malapit na Malayo

Irad Arante, Justin Guanco, J Rosh Macasero, at Kyle Palparan Naalala mo pa nga ba ang mga araw? Ikaw ay malayo isipin sa hatinggabi Noong lahat ng mga bagay ay ‘di hinawakan Parang mga alon na lumagpak sa baybayin Isip na humahanap nang walang katapusan Sana ay ‘di nalimutan ang mga nasabi Nang nagtago sa panaginip ko’y ikaw Nang tayo ay nagpasama sa mga bituin Ako ay nakulong sa madilim na pag-ibig Gusto ko lamang malapit sa iyo, hindi ba? Halos lahat ay hinanap sa buong daigdig Pangarap kong mula sa simula hanggang Makabagabag damdamin ang aking ngayon nadarama Ginawa ko na ang lahat kahit hindi kaya Ang nais ko lang noon ay tayo’y magkasama Hindi ba gusto mo rin ang magkapares noon? Hindi ko kayang isipin na ang layo natin Na hanggang sa tingin lang tayo sa Kaya narito ang masakit na pahimakas pagvideo-chat Para magtapos na ang paghihirap ko bukas ‘Di ko alam kung ano ang posibleng Salamat sa mga alaala natin noon. dumating Paalam Maria, may iba na ako ngayon. Tadhanang-baliw ay para ba sa atin dapat? O aking sinta, huwag mag-isip ng malalim Alam ko na malayo sapagkat mahalaga Mga alaalang masarap kung igunita At mga usapang umabot hanggang takipsilim Kay sarap balikan ang nakalipas na yugto Ang palitan ng mga pangakong binitawan Sa tuwing makausap ka mundo’y humihinto At kinabukasan na ating pinag-usapan 39

Reiben Denaga


mapanuyang kapansanan Jed Cuadra

tinitignan ngunit walang makita malabong paningin, nakayuko sa lupa ako ay bulag. pagkawala ng pananaw sinasagisag pinapakinggan ngunit walang marinig tila nakahiwalay sa abalang daigdig ako ay bingi. malamang nagtataingang kawali nagsasalita ngunit walang masambit mayroong sabi bagkus ayaw bumanggit ako ay pipi. kabado, hindi magalaw ang labi humahakbang ngunit hindi makalakad nanginginig ang paa, hirap umusad ako ay pilay. walang patutunguhan sa buhay kumikilos ngunit hindi makagalaw nagmamasid lang, mata’y nakadungaw ako ay paralisado batugan, tamad, hindi makatrabaho inuunawa ngunit hindi makaintindi walang pinag-aralan kaya walang silbi ako ay mangmang hangal, kaalaman ay limitado lamang sino ako? ako ay ang mga tao ang mga tao ay ako ako si lipunan ubod ng kapansanan 40


Reiben Denaga 41


Matatamis na Salita Cassandra de la Cruz

Aasa na naman ba, Sa taong akala lamang? Masasaktan na naman ba, Sa aking maling akala? Aaasa naman ba sa isang tao Nagpapakilig mapa-araw man o gabi? Pasisiyahin sa oras ng kalungkutan, Dadamayan sa oras ng kabiguan? Aaasa na naman ba sa taong pinagpupuyatan Kaiisip sa mga bagay na hindi naman dapat pinagtutuunan? Kung sinsero nga ba, O kalokohan lamang? Bago ang ipinaparamdam Ng taong kailan lang nakilala Sa matatamis na kataga, Paniniwalaan nga ba? Ayoko nang masaktan Gamit ang sandatang Aking kahinaan Matatamis na salita. 42


Nalilito

binhi

Kolehiyo. Ito ang panahon kung saan unti-unti na nating tinatahak ang landas ng totoong buhay. Dito rin natin nakikilala nang lubos ang ating mga sarili. Ang mga pagdududa’t katanungang sumasagi sa ating isip noong nasa hayskul tayo ay nabibigyang-kasagutan sa apat na taon ng kolehiyo. Mararanasan natin ang mapaibig, mabigo, at ang masaktan; ngunit hindi rin mawawala ang masasayang alaalang ating dadalhin sa pagtanda kasama ang mga kaibigan. Hindi madali ang pumasok ng kolehiyo. Isang malaking pagbabago ang nangyayari sa tuwing tumutungtong tayo ng kolehiyo. Mas marami tayong makikilala at makakasalamuha. Marami rin tayong mga bagay na matututuhan. At higit sa lahat, dito natin mas makikita at makikilala ang ating mga sarili. Dumating man ang matitinding dagok sa ating buhay, kusa rin nating masisilayan muli ang sikat ng araw sa mga panahong ito. Para sa akin, naging kakaiba ang mga dagok na naranasan ko noong nasa kolehiyo ako. Bawat araw, mas lalo akong nawawalan ng matinong pananaw tungkol sa buhay ko. Hindi ko na naiintindihan ang aking sarili dahil sa dami ng mga hinaharap ko noong panahong iyon. Nahirapan ako, ngunit hindi umalis sa aking tabi ang kaisa-isa kong matalik na kaibigan, si Dave. Nagkakilala kami ni Dave noong nasa ika-11 baitang kami sa parehong paaralang ito. Siya ang unang lumapit sa akin at nagpakilala. Nagsimula kaming mag-usap hanggang sa naging magkaibigan na nga kami. Palagi niya akong isinasama sa tuwing gagala sila ng kanyang mga kaibigan. Isinasama niya rin ako sa tuwing mag-iinuman sila. Hindi ko magawang tumanggi noon. Naging malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil siya ang naging una at 43


siguro’y tanging magiging kaibigan ko sa baitang na ito. Lumipas ang isang taon, at hindi pa rin kumukupas ang aming pagkakaibigan. Mas lalo kaming napalapit sa isa’t isa sapagkat mas napadalas din ang aming mga pamamasyal. Sinasamahan niya akong kumain sa labas. Sinasama niya nga rin ako sa tuwing may lakad sila ng kanyang pamilya. Naaalala ko rin nung kaarawan ko, sinurpresa niya ako sa bahay namin. Binilhan niya ako ng bagong relo. Ginusto ko mang tanggihan, pero pinilit niyang ibigay sa akin. Hanggang ngayon, suot-suot ko pa rin ang relong iyon. Nagtagal nga ang aming pagkakaibigan ni Dave hanggang sa pumasok kami sa kolehiyo. Kaming dalawa pa rin ang solid na magkakaibigan, kahit ilang tao pa man ang makasalamuha namin. Sa akin siya humihingi ng payo sa tuwing may pinagdaraanan siya. Ako rin ang nagsisilbing “shoulder to cry on� niya. Syempre, minsan dinaraan na lamang namin sa simpleng inuman. Inakala kong hindi magbabago ang pagtingin ko kay Dave, ngunit nagkamali pala ako. Sa bawat minutong inaakbayan niya ako, mas lalong napapabilis ang pagtibok ng puso ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Sa tuwing kumakain kami nang sabay, bigla na lamang napapahinto ang aking mundo at para bang tanging kami lamang ang nasa sandaling iyon. Pilit kong itinaboy ang ganoong damdamin sapagkat alam kong hindi na iyon tama, datapwat kahit anong pilit ko, mas lalo pa itong nadaragdagan. Sa tuwing nag-iinuman kami kasama ng aming mga katropa, tanging siya lang ang hinahanap at tinititigan ng aking mga mata. Minsan, napapatulala na lang ako sa kanya, at sa tuwing titingin siya sa akin ay nilalayo ko ang aking titig mula sa kanya. Doon na ako nagsimulang malito sa aking dinaramdam at pagtingin kay Dave. Isang araw, tinext niya ako at sinabing tulungan ko raw siya dahil may isang magarbong paghahanda siya. Hindi niya ako sinabihan kung tungkol saan iyon, pero umasa akong para sa akin iyon. Pinuntahan ko siya sa labas ng kanilang silid-aralan, kung saan siya palaging nakatambay sa tuwing vacant 44


nila. Nang naglalakad ako palapit sa kanya, nakita ko ang mga rosas niyang dala. May nakahandang mga lobong hugis puso at mayroon din siyang bitbit na mga tsokolate at teddy bear. Hindi ko maipaliwanag, ngunit sa isang saglit na iyon ay umasa akong para sa akin lahat ng iyon (kahit alam kong malayo sa katotohanan). Tumakbo siya patungo sa akin. “Alvin, magtatapat na ako kay Janice. Ayos lang ba?” sabi niya sa akin. Unti-unting nanlumo ang aking damdamin. Biglang sumikip ang aking dibdib at para bang mayroong kirot na tumutusok dito. Magtatapat na pala siya ng kanyang damdamin kay Janice, ang babaeng matagal na niyang gustong ligawan. Balita ko, gusto rin siya ni Janice kaya parang walang magiging problema. “Oo naman. Ang gwapo mo ngang tingnan eh,” sagot ko. “Siguradong sasagutin ka na niyan.” Pinilit kong magsalita kahit na naguguluhan ang aking puso’t isipan. Hindi ko pa rin mabatid kung ano ang nararamdaman ko para kay Dave at lubos akong nasaktan sa aking narinig. Maya-maya ay dumating na si Janice na may takip na panyo sa mga mata. Naghanda na ang mga maghaharana, pati na si Dave. Nang binuksan ni Janice ang kanyang mga mata ay kitang-kitang napalundag siya sa tuwa. Umiiyak na nga siya dahil sa saya. Samantalang ako, palihim na umiiyak ang puso. Tumakbo ako sa banyo at doon ko na pinakawalan ang lahat ng luhang aking tinipon. Napakabilis ng lahat ng nangyari noong araw na iyon. Nang lumabas ako, wala na sila roon. Hindi man lang ako binalikan o hinanap ni Dave. Nasaktan ako. At nalilito pa rin. Lumipas ang mga araw, at hindi na ako nagparamdam kay Dave. Hindi naman siya nagtataka. Palibhasa’y masaya na siya sa kanyang naging syota, kaya hindi na niya ako kinukulit tulad ng dati. Akala ko, kinalimutan na niya ako, pero nagkamali pala ako. Nang sumama ako kina Laurence, ang kanyang isa pang kabarkada, nakita niya akong nakikipagtawanan sa kanila. Lumapit siya at biglang hinawakan ang aking braso. Napatayo ako. 45


“Alvin, bakit ka nandito?” agad niyang tanong. Nagitla ako dahil sa kanyang tanong. Hindi ko alam kung paano ito sasagutin. “Bakit ka nakikisama kina Laurence nang hindi ako kasama?” dagdag niya. “Eh ano? May problema ba?” sagot ko. Hindi siya nakapagsalita. Niyakap niya ako at bigla na lamang siyang umiyak. “Na-miss kita. Bakit ka ba kasi hindi sumasagot sa mga text at tawag ko? Akala ko kung ano nang nangyari sa’yo.” Bumalik naman ang damdaming hindi ko maipaliwanag. Bumilis ang tibok ng puso ko at para na ring iiyak. Sinabihan ko siyang lumayo lamang muna ako para mas mabigyan niya ng oras si Janice. Tinawanan niya ako. Aywan ko ba kung nilalait niya ako o hindi. “Ayos lang naman kami ni Janice kahit anong mangyari. Maiintindihan niya rin naman.” Kaya ayun, tinawanan na lang namin yung katangahang ginawa ko. Bumalik na ang lahat sa dati. Inakala kong iyon na ang wakas, ngunit hindi pa pala. Sa tuwing sumasama ako sa mga kaklase ko upang kumain sa labas o mamasyal, hindi niya ako pinapayagan. Hindi niya rin gustong sumasama ako kina Laurence nang hindi siya kasama. Palagi niya rin akong kinukulit sa tuwing napapadaan siya sa akin. Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari. Ayaw ko rin naman umasang may pagtingin si Dave sa akin. Mayroon naman siyang Janice. Kaibigan niya lang ako. Kaibigan lang. Pinilit kong paniwalaan ang aking sarili, pero habang tumatagal, mas lalo akong nahihirapan. Mas lalo akong nasasaktan. Ngayon, nasa 3rd year college na kami. Hindi pa rin nagbabago ang pagkakaibigan namin ni Dave. Bihira na lamang kaming nagkakausap dahil nga marami kaming inaasikasong bagay. Matatag pa rin naman ang relasyon nila ni Janice. Sa tuwing nagkakasama kami, ganoon pa rin ang ginagawa namin. Nagtatawanan, nagkukuwentuhan, at nag-aasaran. Pilit ko pa ring tinatago ang nararamdaman ko sa kanya (kung anuman ito). Hanggang 46


ngayon, umaasa pa rin akong may lihim ding pagtingin sa akin si Dave dahil sa kanyang mga kilos at pagtrato sa akin, na masasabi kong iba mula sa pagtrato niya sa iba niyang mga kaibigan. Masakit ang palihim na mahulog sa isang kapwang lalake at matalik na kaibigan, lalo na’t dahil alam kong malabo ang mangyaring mahalin niya rin ako nang tulad sa pagmamahal na ibinubuhos ko sa kanya. Ngayon, wala akong masasabi kung ano ba talaga kami o kung may mas hihigit pa ba sa aming pagkakaibigan; ngunit dahil sa lahat ng ito, nalilito pa rin ako.

47

Reiben Denaga


Pana Alexa

Ako si Arturo Alejandro P. Golez, pero Thor ang tawag sa’kin ng matalik kong kaibigan na si Christina Aurora F. Ocampo o si Chiki. Matagal na kaming magkaibigan ni Chiki at kilalang-kilala na namin ang isa’t-isa. Parang lahat na yata alam niya tungkol sa akin puwera lang ang isang bagay—mahal ko na siya. Alam kong napakalalim ng salitang “mahal” pero ito talaga ang nararamdaman ko para sa kanya. Iba kasi siya, mahilig mag-aya kung saan, masayahin at marunong pasiglahin ako kapag tila galit ang mundo sa akin. Isang araw, sinabihan ako ni Chiki na aalis na raw siya sa susunod na taon at mag-aaral sa ibang bansa. Nung narinig ko ang mga salitang iyon mula sa kanya, tila dinurog ang puso ko. Hindi ko na siya makakasama nang mas matagal pa at hindi ko rin parating makikita ang mahal ko. Dahil dito, nagdesisyon akong sabihin ang tunay kong nararamdaman para sa kanya kapag ihahatid ko na siya sa paliparan dahil ayaw kong maramdaman niyang habang nandito pa siya ay bilang ang oras naming dalawa. At hayun, iilang araw na lang bago siya umalis kaya nag-aya siyang umalis kami at sulitin namin ang natitira naming oras. Ginugol 48


anaw Chua

namin ang buong araw sa pagkain ng masasarap, tawanan, kuwentuhan at paggala sa siyudad. Habang naglalakadlakad kami, may nakita akong mataas na tore sa kabilang kalye kaya hinila ko si Chiki at dali-daling tumawid sa daan. Ngunit bago kami makatawid ay biglang “Eeekk! Peeeeepeeeep!” at biglang dumilim ang paningin ko. Ako si Edna Golez, ina ni Arturo. Dahil sa aksidente ay tatlong linggong hindi nakagising ang anak ko. Awa ng Diyos ay hindi siya kinuha mula sa akin. Ngunit sabi ng doktor na masyadong napuruhan ang bungo niya sa aksidente kaya wala siyang maalala. Dahil kay Chiki naaksidente ang anak ko at ngayo’y nakaratay na lamang sa kama nang walang maalala. Dapat lang na hindi na siya matandaan ng anak ko at sisiguraduhin kong hindi na siya makababalik sa alaala ni Arturo. Ako si Chiki Ocampo. Bago ako umalis ng bansa ay naaksidente si Thor. Dumating ang araw ng pag-alis ko pero hindi pa rin siya nagigising kaya pagdating ko dito sa Europa ay tumawag ako agad kay Tita Edna pero hindi siya sumasagot. Alam kong aligaga pa sila nang dahil sa nangyari kay Thor kaya maghihintay ako. Maghihintay akong makausap siya—dahil mahal ko na siya.

49


Pansam

Arrian

Paano ba sisimulan ang nais kong sabihin? Ayokong magmukhang parang gusto kitang pilitin, Nag-iisip, nag-iipon ng mga salita, Bigyan mo sana ng atensyon, itong munting tula. Paano ba tapusin ang hindi nagsimula? Alam ko na sa’yo ako’y walang mapapala, Hindi ako umaasa, huwag kang mag-alala, Sapat na nakasama kahit pansamantala. Paano magpatuloy, saan ba ‘to patungo? Alam ko na masasaktan lang din naman sa dulo, Kung ga’no ako kasaya sa t’wing kasama ka, Ganyan ka rin pala sa tuwing nababanggit mo siya. Paano ba magpapanggap na ‘di nasasaktan? Kapag nakikinig sa kung paano mo siya hangaan, Pinilit ang sariling kalimutan na kita, Pero naiisip ka sa bawat pansamantala. Paano ba isipin na ako ay masaya? Niloloko ang sarili para ‘di mo madama, Na sa t’wing siya ay inaalayan mo ng ‘yong kanta, Alay ko naman sa’yo ang masakit na pagsinta. Paano maniwala na hindi ‘to masakit? Na hindi nananaginip sa tuwing nakapikit? Wala namang hinihiling, wala namang problema, Basta’t ako’y sandalan mo sa pansamantala. 50

Reiben Denaga


mantala

nne Valderrama

Paano ba iwasan ang iyong mga tingin? Mahirap din naman palang hindi ka pansinin, Hindi ka espesyal, ngunit hindi ka karaniwan, Hindi ka hiningi, pero ikaw ang kailangan. Paano kalimutan ang iyong mga ngiti? Minsan ika’y magalang, minsan ay makulit, Hindi mo ba napapansin ang ‘yong ginagawa? Pinipintig ang puso ko sa pansamantala. Paano ba ikaila itong aking damdamin? Mahirap maalala na ikaw ay hindi akin, Ako’y nasasaktan, at ako’y sumasaya, Sa t’wing ako’y kausap mo nang pansamantala. Sinubukan kong pigilan, maniwala ka sa akin, Pilit kong kinalimutan ‘tong aking damdamin, Tanggap ko nang hindi ako, ngunit kahit papa’no, Pinagdarasal kong sana ay ligtas ang iyong puso. Huwag kang mag-alala, hindi rin magsasawa, Patuloy na makikinig at sabay pa ring tatawa, Sapat na ang mga panahong tinitingnan kita, Kahit na alam kong tinititigan mo rin siya. Tatapusin ko na’to, nang hindi nasimulan, Basta’t ‘di ka mawala, kahit bilang kaibigan, Habang buhay maaalala na ako’y pinasaya, Kahit siya’y pang habangbuhay, at ako’y pansamantala. 51


Sa aking tunay na minahal, Julio, kamusta ka na? Mag-iilang buwan na nang nagpakatotoo ako sa mga naramdaman ko sa iyo. Ang haba pa ng liham ko’t matagal kong sinulat at binago ang mga salita. Noon ay hindi ko inisip na pinapaasa ko pala sarili ko sa isang tao, na pinipilit ko ang sarili na makakuha ng kaulayaw, pero ngayon ay masasabi kong tanggap ko ang pagsabi mo ng ‘hindi’ sa akin. Julio, alam kong maliwanag ang iyong kinabukasan, kaya hindi ko gustong sirain iyon dahil sa munting pag-iirog. Alam kong gusto mo pang magkaroon ng pamilya, at maging marangal at banayad sa trabaho’t gantimpala. Makikita nga kita bilang huwaran ng bawat mamamayan sa bayang kinagisnan. At [kung] mamahalin mo nga ako, ano ang kapalit? Julio, ika nga nila’y hindi susuko ang pag-ibig, pero sa krisis na ito ay kinailangan kong bumitaw. Hindi ako ang tipong nagsusumikap na lumaban kung alam ko namang nasa maling posisyon ako. Alam ko ring matagal-tagal pa bago kong tanggapin ang tunay kong pagkatao, at hindi naman pwedeng mamahalin kita na hindi ko pa minamahal ang sarili ko. Sa proseso’y masasaktan lang kita, dahil sa totoo lang ay hindi ko pa rin alam kung sino talaga ako. Pero Julio, kahit konti na lamang ang natitira ay mahal pa rin kita ngayon. Hindi ko alam kung kailan aantala ang pag-ibig ko sa’yo. Iniisip ko nga nawa’y sa susunod na buhay ay nagmamahalan na tayong dalawa nang tama’t matino, nang hindi dinudusta. Sa ngayon ay iaasa ko na lang sa mga panaginip ko ang kwento nating dalawa. Kahit sa tagal ng panahon, huwag mo akong kakalimutan.

Hanggang sa Susunod, Puhon. 52


Pula

Cheve Grace M. Gaudite Pula, matingkad na pula Nakakaagaw pansin Nakatuon ang lahat ng mga mata ‘Di makakurap sa taglay na ganda

Hindi dahil maganda, marikit O iba pang mga salitang kaakit-akit Hindi ito dahilan Upang mambastos ng kababaihan

Hindi maiksi at hindi naman mahaba May mga hugis pusong, puting, nagmamantsa Aba! May headband pang terno Ibang klase talaga! Walang kapareho Sumasabay sa pagsayaw ng hangin Baywang na nagkekembot-kembot Ang mga mata ng kahit sino ay aakitin Dagdag pa sa kariktan ang buhok mong kulot

Pula ang paboritong kulay ni Anna Ang tanging natirang alaala Suot-suot niya ang paborito niyang bestida Noong siya ay labing dalawa

Maganda ang bestida Katulad ng nagsusuot nito Lahat ng babae ganito rin ang gusto Pula Pula ang nababagay sa kanya Sa labi, sa headband, sa bestida Lahat ng mga tao Bukambibig ay ganito

Reiben Denaga 53


Salamin ng Kaluluwa binhi

Sumasabay sa ihip ng hangin Ang mga ulap sa himpapawid. Tinatakpan ang sinag ng araw, At dahan-dahan na mananangis. Tumitigil ang awit ng ibon Habang mga daho’y sumasayaw. Nagagalak ang mga bulaklak; Napapaluha ang kalangitan. Bagama’t karagatang payapa Ang nakapagtatakang pagmasdan. Sinubukang salingin ang tubig, Ngunit nagulat nang kanyang damhin. Ni daliri ay ayaw lumusot. Hindi tulad ng nakasanayang Ilog kung saan nagtatampisaw Ang iisang musmos na binata. Muli niyang tinitigan ang dagat. Sa loob ng kanyang mata’y Mayro’ng unos na ‘di mapigilan; Nagsimulang bumuhos ang ulan. 54


Si Inang Kalikasan John Rosh Macasero

IV I Si Lupa ay ang ating tinatayuan. Ano pa nga ba ang ating magagawa, Sa mundong puno ng mga masasama? Noon ay mayaman ngunit ninakawan May pag-asa pa nga ba ang mundong ito? Nating mahahambog at makasarili. Kanyang kagandahan ay muling ibunyi. Pagbabago ang Kailangan natin dito. II Simulan na natin ang kuwentong ito. Si Ilaw ay diamante ng ating mundo. Ang kinang niya’y lumalaho unti-unti, Huwag lang sana tayo magsisi sa huli.

V Si Tubig ay nag eemote na naman. Kaninong pakana? Ating pag-isipan. Walang awang tinatapunan ng tao -Manhid, walang pakialam, pusong bato.

VI III Si Mundo ay walang kambal o katulad. Si Langit ay pumoprotekta sa atin. Kanyang kabuhayan, malabong umunlad. Bakit siya’y nasisira, ating alamin. Dahil sa ating mapabayang ugali, Ngayon siya naman ang ating pangalagaan. Magbago na tayo at huwag magkamali. Siya ang nanay ko, Si Inang Kalikasan.

55


suklam

Dekada Nobenta

biruin mo nga naman, sa lahat ng mali sa mundo, ikaw pa ang nakaugat sa aking pagkatao; mapanukso nga ang kapalaran ko. kahit anong baluti ang susuotin ay magagawa pa rin akong aalimurain. itong mundo’y mapanudyo sa tanikalang hinaharap ko. huwad sa pag-iibigan. walang salita o talinghaga ang makapapaliwanag niring pagsasawa. hindi galit, hindi poot, marahil suklam ang sagot. kaya gagawin ko ang makakayanan upang mapabulaanan ang tunay na pagkakakilanlan. at hindi ako ipagkakahiyan. kung makikilala mo kung sino ito, magagawa mo pa bang tingnan ako? 56


Sulok

Johannes Ericka Acuña

Madalas na itong nangyayari sa akin. Umiiyak. Nagtatago. Umiiwas sa kung anumang pakikipag-usap nila sa akin. “Ayos ka lang ba?” “Oo, maayos ako.” Maayos na maayos, sabi ko habang pinupunasan ko ang mga luha ko sa mukha ko. “’Yung totoo—” tanong mo pa rin, habang hawak mo na ang aking braso. “Ayos ka lang ba?” Hindi ko na maiiwasang ngumiti nang pilit, kahit andami ko pang tinatago at hindi nasabi. Kahit andami ko nang pagdududa at pagkukulang sa aking sarili. Kahit andami ko nang sugatHuwag! Itago mo! Tahimik kong sigaw sa aking sarili habang tinatabunan ko ang mga nagdudugong linya sa aking kaliwang braso. “May tinatago ka ba d’yan sa balikat mo?” tanong mo habang ang iyong mga mata ay naghahanap ng kung anuman ‘yung nakita. “W-wala naman—” sagot ko nang ako’y pumiglas sa iyong paghahawak. “Bakit?” Guminhawa ka nang malalim bago nagsalita. “Mapagkakatiwalaan mo ako,” ani mo, habang dahan-dahang lumapit sa akin. “Pwede mo nang masabi ang mga gusto mong sabihin. Nakikinig ako.” At pinaniwalaan nga kita. Sinabi ko sa’yo ang mga salita’t kwento na hindi ko pa man lang naisabi sa kung sinuman. Nagluha ako, nagwala ako, pero ika’y nandiyan para makita ang lahat ng iyon. At kinaibigan mo ako. Kahit ganoon ang kondisyon ko. Kahit ganoon ang 57


pagkatao ko. Tinanggap mo ako. Tinanggap. Tanggap. Kahit sinong mangmang ay malilito mo, dahil akala niya tinanggap mo siya nang buong-buo. At siya’y hindi nagkamali. Dahil ako ang mangmang pinaasa mo. Pinagsasabi mo sa tropa mo ang tungkol sa kalagayan ko, kahit alam mong ito ay dapat para lang sa’ting dalawa. Ipinagkalat mo sa lahat na ako’y buang, isang baliw na pwedeng mong pahlilituhin. Hindi ko alam na ako’y pinagtitripan mo lamang, dahil akala ko ika’y totoong nakakaintindi sa dinadamdam ko. Ibinuhos ko ang halos lahat-lahat ko: ang aking mga sugat, ang aking pagkatao, ang aking kwento na walang nakakaalam kundi ikaw. Nagtiwala ako, dahil alam kong mabuti kang tao, sa puso’t salita. Ginawan mo ako ng mga bagay na walang sinuman ang may gustong gumawa. Ang lahat ng iyon ay ipinagpalit mo lang pala dahil sa kasakiman mo. Nagaakala na lang ako nang akala hanggang ang aking mga pagdududa tungkol sa’yo ay nagkatotoo. Dito ko na lang ipahayag ang aking kinikimking ubod ng galit sapagkat alam ko’y hindi ka na makikinig sa akin. Kahit sabihin ko mang minahal kita, alam kong naubos na ang iyong pakialam. At ako’y bumalik sa dati kong posisyon; sa isang madilim na sulok, yinayakap ang aking mga tuhod, umiiyak na naman dahil sa poot na nagdaig sa aking dibdib dulot ng iyong ginawang kasamaan. Iniiwasan ko nang magalit pa, dahil ayaw kong manaig ang kadiliman sa aking isip. Dahil alam kong sobra pa ang aking magawa, hindi lang ang magmukhang kawawa. 58


alin na nga ba ang katotohanan? mga pahayag na pawang kasinungalingan huwag basta-bastang ibigay ang buong tiwala pagkat ang madaling makuha, madali ring mawala

tiwala Jed Cuadra

Reiben Denaga 59


Tuktok Reid Horse

Ikaw ang aking lubid Ako sa'yo'y kumakapit Tuwing napakasakit Dinaramdang manhid Nung ikaw ang nangailangan 'Di nagpaalam sa' yo kaibigan Alam kong naging masama Ako'y naglaho parang bula Gusto kita sanang tulungan Ngunit hiling 'di maisasakatuparan Siyang tuktok hindi ko kakayanin Masyado itong mataas para abutin Kaduwagan ang nagpadaig sa akin Ayoko kasing mahulog ng tuluyan At isugal ang meron tayong samahan Para sa pag-ibig na walang kasiguraduhan

60


Tuluyang Kukubli Dekada Nobenta

Sadyang nakahihiya. Hindi ko alam kung paano sasabihin ito. Kung pwede sana mapuksa ang nararamdaman, talagang gagawin ko; Pero pangalan mo pa rin ang nakaukit sa aking puso. Tatanggalin ko na lang yata ito?

Hahanap ako ng pag-ibig na busilak ang kalooban. Kung saan walang tututol dahil sa ito’y tama at makatotohanan. Hindi ang puro pagbabatikos at kahihiyan, pagtakbo at tagu-taguan. Isa kang sumpa.

Ang mali naman kasi.

Sumpang bumabagabag sa loob-looban ng aking sikmura, Tama lamang na kunin ang pusong napapawis, nabubulol sa mga lumalabas nalulumbay, na salita. sa kadilimang nararanasan, at sa Hanggang saan kaya ang aking kawalang-kulay. makakaya Ano kaya ang mas mainam? Basagin sa sa panindigang nilalayuan ng bawat isa? sahig na mawalay ang kamalian na palayaw lamang sa Alam ko namang imposible, pag-iibigang sablay. pero kahit isang pagkakataon lang, kahit ituturing mong biro, Hihinto na ako. pwede mo ba akong mahalin ng sikreto?

61


ilaw, liwanag, pag-asa Mary Lademora


“kapag tayo ay nasa kadiliman, huwag kang magpasya, dahil darating din ang liwanag, aalis ang galit, mababawasan ang sama ng loob, at unti-unting magkakaroon ng kapayapaan ng isip, at iyon ang oras para magpasya sa buhay.�


Ahon

Alexa Chua Umuusad ang panahon Ikaw ba mula sa sakit ay nakaahon? Mula sa masasakit na hampas ng alon Ikaw pa ba’y matapang na bumabangon? Hindi pwedeng ganito lang ang iyong buhay Akala mo wala na itong saysay Pero ikaw lamang ay maghintay Panahon ang lunas sa sakit niyang ibinigay Tumayo ka, mag-aliw at magsaya Karapatan mong maranasan ito dati pa Matagal ka na dapat nakalaya Mula sa masakit at walang-kwentang pag-ibig niya Huwag mong isping mag-isa ka sa laban na ‘to Palibutan mo ang iyong sarili ng mga mabubuting tao Isipin mong sa relasyon niyo hindi ikaw ang talo Dahil siya ang nang-iwan at ikaw ay naloko.

64


65


Ako

Dianelle Varrera Sa mundong puno ng kasinungalingan Sa mundong puno ng kasamaan Sa mundong puno ng kadiliman Nandito ako ay hindi kita iiwan Ako ang bibigay liwanag sa buhay mo Ako ang araw sa gabi mo Basta ika’y mangako Na hindi ka susuko Mahal na mahal kita o aking sinta Lumaban ka para sating dalawa Dahil ito ang aking pangako Na hanggang sa huli ang magmamahal sa’yo ay ako

66


Ang Ating Sansinukob Angela Baloyo & Jason Jeffrey Ferrer

Buhay ko ay makikipagtaya sa mga bituin Ako, isang butong matigas ay hindi masisira. Ako’y nakahiga sa salaping hindi gagalawin Pero napagtanto, paano bansang pinagtira? Sana ibinigay ko ang pag-aaruga ng puso Kahit na maitim man ito, marupok at malabo. Ang pagmamahal sa bansang mapag-alaga, tumubo Handa akong ibigay ang ‘di-binigay sa bansa ko. Ating mundo’y napuno na ng sakim na mga tao Ngunit may pagkakataon pa para tayo’y magbago. Hindi man tayo pareho ng uri, lahi at rasa Iisa pa rin ang pintig ng puso at ating ama . Tinipon niya tayo sa’ting mapaglarong sansinukob Para magsaya at ‘di madama ang pagkasiphayo. Magkaisa’t magmahalan, sa piling niya tayo’y magkubkob Sandata’t mahika niya’y pagmamahal, tayo’y humayo.

67


Ang Mahika ng Pluma Angela Baloyo

Noong makilala kita, mundo ko’y nag-iba Pamantayan sa kalalakihan, nagbago na. Pinukaw mo ang musmos kong puso at isipan Na tiyak na walang makapagbabago sinuman. Napahanga ako sa kabaitan mong taglay, At sa mga biro mong hindi nakakaumay. Sa mga ngiti mo, pagod ko ay napapawi, Tila bituin sa langit, hindi maikukubli. Kasa-kasama nga kita sa buong maghapon Maging sa paghanap ng luntiang mga dahon. Hindi ko na yata gugustuhing makabangon, Sa mahika ng iyong pagmamahal nababaon. Tuwing nandiyan ka at ako’y iyong tinanatanaw Parang ako’y isang yelo, biglang natutunaw. O kaya’y nagiging bata, gustong magtampisaw Sa labis na tuwa, buong magdamag at araw. Ang iyong mabubulaklak na mga salita Nabihag yata ang damdamin kong maralita. Mundo’y sandaling natigil at napatulala Nang sinabi mo, sayo’y luluhod ang mga tala. Bakit ba ganito na lang ang nadarama ko? Pagkagaling sa skwela, ikaw ulit ang mundo. Kung wala ka, nadarama’y pagkasipahayo Sa isip ko, pangalan mo lang ang tumatakabo. 68


Isang gabi kung saan ang langit ay maulap Dinala mo nga ako sa mga alitaptap. Ngunit lungkot at hindi saya ang nadarama Dahil patapos na pala ang ating kabanata. Ako’y nahimasmasan, masakit man sa loob Ngunit mapaglaro ang ating sansinukob. Imahinasyon at panaginip lang kita Tauhan ka pala sa libro kong binabasa. 69


Bilang ng Tagumpay Christine Joy Mangubat

Isa, takot ang aking nadarama Sinubok kong humakbang Pero ako’y natumba lamang Wala akong nagawa, kundi lumuha Dalawa, nung ulit kong sinubok Kaba sa dibdib, puso’y tumitibok Sa unang subok ay walang napala, Kaya nagdesisyong itulak ang sarili na huwag bumaba Tatlo, aking napagtanto na hindi ako nagiisa Marami sa ami’y iisa ang dinadama Kaya kami’y nagtulungan kahit mahirap man Sa madilim na daanan tungo sa aming kinabukasan Isa, dalawa, tatlo Naala ko, sa bawat minuto na pagbilang ko sa mga numerong ito, Ang mga alitaptap sa dilim na kung tipon-tipon ay mas kumukulay, Kaya heto kami ngayon, lumalanghap ng tagumpay sa hangin nang sabay-sabay.

70


71


bubog binhi

Bihira tayong nagkakausap; kasalanan ng nakaraa’y ibinaon na sa hukay, at sinubukang tahiin ang nalalabing alaala. Una mo akong nilapitan, sa panahong hindi ko inaasahang bibitawan mo ang mga katagang hapdi’t sugat ang bakas. Biglaang napaisip kung bakit kaya ganito ang paraan ni Bathala upang mas lalo tayong magkakilala. O kaibigan, alam kong nais mong mapalapit sa akin; mula noong natanggap ko ang liham na iyon, sinubukan ko ring buksan ang pintuan ko. Gayundin habang hindi pa masyadong magkakilala, tandaang handa ako sa anumang nais ikuwento; handang pakinggan ang sigaw ng pusong durog.

72


Buhay

Cheve Grace M. Gaudite Nagsimula sa Wala Tinawag na mataba Natapos na duguan ang paa Umuwi ng ikalima Sapat na ba ang aking napanalunan? Sapat na ba ang aking pinaghirapan? Matatawag ba itong isang karangalan? Naging sapat ba ako, kailanman? Umuwing pagod at luhaan Bumabangon ulit para lumaban Bumabangon ulit para muling subukan Nakakatuwa dahil para lamang sa karangalan Bago ang kompetisyon, ako ay napadasal Ang manalo sa laban Tanging hingi sa Maykapal Nanalo naman ako pero sa ibang paraan Sinasabing hindi ko na kaya Lagi pang kinukumpara sa iba Mataba daw ako at mas magaling si “ano� Determinasyon at matapang na puso ang tanging lakas ko Hindi man ako naging kampyon May nauwi man akong bagong leksyon Ngayon pa ba ako susuko? Kung kalian nandito na ako? 73


74


Buhay

Marianne Javier Ang buhay ay hindi puro ligaya Ngunit huwag magpatalo sa mga problema Tibay at tiyaga ang sandata at laging isa-alala na meron kang kasama Dumilim man ang kalangitan Pawang mga problema’y di masolusyunan Tibayan lang ang kalooban at maging positibo, yan ang tandaan Isaisip na ang ulan ay titigil din sa pagbuhos Biyaya ay aagos, paghihirap ay matatapos Manampalataya lang ng lubos Dahil hindi madamot ang Dios

75


Buhay Estudyante Asia Agsam, Jelane Sorallo, Ariana Lim

Alam ko na karamihan sa atin ay ayaw o minsan tinatamad ng pumasok sa paaralan pero paano nga ba kung ang inaakala mong hindi mo makakasundong mga kaklase ay sila pala ang iiyakan mo sa huli ng inyong pasok? Sa totoo lang noong unang araw pa lang ng pasukan ay masyado na akong kinakabahan, andaming kong mga bagong kaklase dahil ang iba ay nagmula sa mga iba’t ibang sections, yung iba ay naninibago pa. Lunes hanggang Biyernes araw ng klase na naman! Pero iyan ang araw na makikita natin ang mga taong di mo akalain na magpapasaya sa iyo. Araw-araw tayo’y nagsasabik makita ang mga kaklase natin. Kaklaseng mahigit pa sa pamilya ang turingan ng bawat isa. Sa kalagitnaan ng klase, diyan mo makikita ang kahulugan ng isang tunay na kaibigan. Sa mga bagong kabanata na ating pinagdaan alam kung mararamdaman niyo ang lungkot dahil baka sa susunod na taon ng pasukan tayo ay magkawatak-watak na. Para nang pamilya ang turing ko sa mga kaklase ko. Kahit anong hirap ang pinagdaanan namin ay sabay sabay pa rin kaming lumaban. Sa totoo lang, magkakapatid na talaga ang turingan ng bawat isa samin. Hindi ko nga namalayang napamahal na pala ako sa kanila at hindi ko na sila kayang pakawalan sa puso’t isip ko. Sila ang nagbibigay inspirasyon at nag-uudyok sakin na masosolusyonan ko ang mga problema ko. Kaya sobrang hirap at lungkot isipin na magkakahiwalay kami sa susunod na taon. Minsan kinakailangan din natin ng mga alitaptap sa ating buhay para kahit man madami tayong pinagdadaanan ay may mag bibigay parin ng liwanag sa madilim nating araw o karanasan. 76


Buhay Pag-ibig Nga Ba? Jelane Sorallo

Ang buhay ko ay masaya Kapag ika’y nakikita Bawat ngiting ipinapakita Dahilan kung bakit ako’y ligaya. Noong una kitang nakita Ako ay nabighani sa iyong ganda Mukhang anghel ang nagpakita Kasayahan ay di maipagkaila Mas lalo akong nabibighani sa iyo Nang makilala kita ng higit pa Di ko na mapigilan ang sarili ko Na sabihin, mahal na mahal kita Pagmamahal ko’y lumalakas Sa bawat pagtingin sa iyo Na para bang walang wakas Na pagsusuyo sa iyo. Akoy nagugulat pa rin Kung paano ikaw ay akin Kahit ngayon, ako’y nagtatanong pa Kung ito ay buhay pag-ibig nga? 77


CLIV

John Rosh Macasero Hulyo 26-28, 2019 noong nagsimula tayo bilang mga paslit halos ‘di akalain na tayo’y naging malapit panahon man ay lumipas mga ala-ala natin sa puso ay ‘di lalagpas isa. isang pamilya. walang sinuman ang hihigit at lalamang sa atin nagtutulungan sa gitna ng mga problema isa para sa lahat lahat para sa isa lima. limang litratong pinako halaga ay higit pa sa ginto at pilak mga ngiting ‘di papalitan saan man pumunta tayo’y iisa apat. apat na katangian ang ating nataglay na sa Kanya ay inaalay ito’y ating mga gabay sa mahabang paglalakbay sa tatlumpu’t dalawa na bumuo ng isang pagsasama nawa’y baunin natin ang mga magagandang ala-ala dahil bahagi tayo ng isa’t isa 78


salamat sa lahat isang daan limampu’t apat. 79


Dulot ng Pagmamahal Kciarah Patrata

“Mahal kita” dalawang salita Na sa magulo nating buhay ay nagsisilbing paminta, Na sa kabila ng mapapait na mga kuwento sa tabi-tabi Ito’y parang ilaw ng alitaptap sa dilim na dala ng gabi Mapa galing man ito sa ating mga kaibigan o magulang Ito’y pumupuno sa kung ano man sa atin ang kulang Ito’y paalala na sa kabila ng mga masasamang pangyayari Mayroong mga tao na nagmamahal satin sa bawat sandali Ka’y simpleng sabihin ng mga salitang ito Pero sing laki ng Mayon ang epekto nito sa ating mga puso Ito’y mga katagang hindi madaling limutin Dahil para sakin, ito’y dapat palaging baunin “Mahal kita” apat na pantig Ngunit kay sarap ulit-ulitin at marinig Ito’y bumubuo ng buhay ko At nagdudulot ng kasiyahan ko

80


Gintong Pintuan Dekada Nobenta

Umaga, nasinagan ang madilim naming kwarto dulot ng mga butas sa loob ng dampa. Kay ganda talaga ng bagong araw. Hindi ganoon ang masasabi ko sa aking buhay, pero titiisin na lang kung maaari-titiisin ang liit na nakukuha namin mula sa pinagtatapunan ng basura. Mabaho pa nga ‘to, pero nagpapasalamat na lamang ako na may magagamit pa mula rito.Walang maitutulong ang pagreklamo kapag wala namang babago sa sitwasyon. Dumagundong ang laman ng papalapit na trak. Tumayo ako’t tumingin sa bintana; dala nito ang basura na aming paghahanapan ng makakain at mabebenta. Mukhang marami ang nakaloob dito ngayon. “Jordan! Dali, magbihis ka na.” sigaw ng aking kuya sa labas. Dali-dali kong inayos ang sarili at dinala ang plastik na magsisilbing lagayan ng mga madiskubre namin. Hinalughog namin ang tambak-tambak na basura nang makakita ako ng isang gintong pulseras. Ang sayang nama’t tinapon lamang ng may-ari. “Kuya! Tingnan mo ‘to.” “Maswerte ka talaga ngayon ah,” puri niya. Elegante ang dating ng alahas. Sa gitna nito ay may disenyong kalapati. Ibinigay ko sa kanya ito at siya’y ngumiti. Matagal na nung siya’y naging masaya. Kung pwedeng sana ganito na lang palagi. “Sigurado kang hindi mo talaga ‘to gustong suotin?” tanong pa niya. “Mas bagay sa’yo iyan,” sinuot niya sa kanyang kamay ang pulseras at muli kaming bumalik upang makahanap pa ng ibang mga kagamitan at pagkain.

81


Hapon na nang makatapos kami. Madali kaming naligo sa batis at umuwi upang makapagluto na si kuya ng aming kainin. Dumapo ang gabi at ako’y nakaupo sa tapat ng aming pinto, nakapangalumbaba’t tumitingin sa buwan at mga bituin. Ano kaya ang pakiramdam kapag ika’y nasa itaas? Kapag ika’y malayo sa mapait na mundo, makakamusta ba kaya ang araw? Makakalipad ka ba kasama ang mga tala? “O, nandiyan ka na naman, ano bang nasa isip mo ngayon ha?” umupo sa tabi ko si kuya. “Wala lang. Napapaisip lang talaga ako sa gabi,” umubo ako ng saglit at bumalik sa aming pinag-uusapan. “Ano ba kaya ang buhay natin kung wala tayo dito? Sa ibang mundo kaya, may ina at ama tayo?” “Naku ang pilosopikal mo namang mag-isip. Musmos ka pa lamang upang maintindihan ang mga pasikot-sikot ng tadhana. Sadyang ganito lang ang nahulog sa atin,” mapoot niyang sinabi ang huling pangungusap. “Huwag ka nang malungkot kuya,” niyakap ko siya. Pumasok ako at humiga sa kama. Ilang segundong lumipas ay unti-unting nagsara ang aking mga mata. ‘Di nagtagal ay bumago ang aking hinihigaan; naging damo ito sa aking likuran. Langhap ko ang halimuyak ng maraming bulaklak, habang ako’y hinahaplos ng simoy. Dinig ko ang daloy ng malapit na ilog, kalakip ng kanta ng mga nagliliparang ibon at ng iba pang hayop. Binuksan ko ang aking mga mata, at ako’y saksi sa isang malaking hardin na mistula’y paraiso sa akin. Sa malayuanay may lumapit, magarbo ang kanyang suot at may dala pang mga susi sa kamay. “Halika, sasamahan kita sa palasyo,” hinawakan ng gabay ang aking kamay. Ramdam ko ang kaligtasan at kasiguraduhan nang ginawa niya ito, at naglakad kami papunta roon. Ang bago ng lahat na ito, ‘di gaya sa nakasanayang buhay ng pagyuyurak sa basura. 82


Umabot kami sa sinabi niyang palasyo, at nagulat ako sa kataasan nito. Binuksan ng dalawang gwardya ang pinto. Daralita’y nakalimutan sa angking ganda ng mga palamuti sa loob. “Dito tayo,” dinala niya ako sa bandang kaliwa kung saan nakaloob ang isang malaking hapag kainan. Nakahanda na ang mga pagkain sa gitna, at malugod ang pagbati sa akin ng mga bisita. Umupo ako at sinundan sila sa pagdasal. Saka kaming kumain matapos; napakasarap ng mga pagkain, tila prestihiyosong kasangkapan ang gamit sa bawat isa. Hindi ko namalayang may isa pa palang upuang nakaharap sa akin kaya naisipan kong tanungin sila tungkol dito. “Nakareserba iyon para sa pinakamahalagang tao dito, ang May-ari ng palasyo,” sagot ng taong nakasuot ng berde na may alagang manok sa kanyang gilid. “Makikita’t makikilala ko rin ba siya rito?” “Oo naman, pero hindi pa ngayon ang takdang panahon,” ngumiti ako’t pumikit muli, at sa pagbukas ng aking mata’y nawala ang palasyo. Nakahiga lamang ako sa kama, tumitingala sa kisame. Sinabi ko ang lahat na nangyari sa aking kapatid. Siyempre pinabayaan niya lamang ito at napagtantong produkto ng isip ng isang bata-bumalik kami sa pagtahak sa mala-bundok na mga basura. Pero bawat gabi ay napapaginipan ko muli ang palasyo, at sa bawat bisita ay dinadala ako sa mga panibagong sulok. Napakasaya talaga. Ang daming gawin sa loob dahil sa angking laki nito. Sa kasamaang palad ay mas humina ang aking resistensya. Bawat araw ay nahihirapan ako sa pagginhawa’t paglalakad, hanggang sa tuluyan na lamang akong nakagapos sa aking kama. Lumala ang mga naramdaman kong sakit noon pa man, subalit ay walang tigil ako sa pagkwento sa kanya hanggang sa nasawa na siyang marinig ang mga ito.

83


“Ganyan na lang ba palagi ang iyong maging bukambibig? Jordan, may sakit ka! Diba dapat ‘yun ang iyong mas pagtuunang-atensyon?” napahinto ako. Tuluyan na siyang nawalan ng interes sa mga istorya. Ang sakit ng mga salitang kanyang binitawan; naramdaman ko ang paghihina ng aking puso. “Pasensya ka na kuya. Sa gitna ng aking nararamdamang sakit, ito na lamang ang nagpapasaya sa akin.” tahimik akong humikbi. Malas, ‘di ako mahahagkan ni kuya. Muli akong bumalik sa palasyo. Natapos na naming libutin ang buong lugar. Hindi ako sigurado noon kung ano pa ang madidiskubre sa loob. “Oras na.” pumili ng susi ang gabay at dinala ako sa kataasan ng palasyo. Iilang palapag ang aming tinahak nang napansin ko ang pagliliwanag ng paligid. Huminto kami sa isang malaking pinto, yari sa ginto at metikulosong dinisenyuhan. “Malapit na ang takdang oras.” aniya. Doon ko lamang nalaman ang lahat. “Paano ang aking kuya?” paiyak kong sinabi. “Huwag kang mabalisa. Gagabayin namin siyang maiahon ang sarili’t matahak ang tamang landas. Hindi siya mag-iisa,” kalmado niyang sinabi. Lumuhod siya sa aking harapan at pinahid ang tumutulong luha.

84


“Matagal ka nang naghihinagpis. Naging mabait ka sa kapwa’t inuna ang iba, sa kabila ng sitwasyon na iyong pinagtitirhan. Hinding hindi ka Niya iiwanan, sapagkat sa Kanya’y mahal ka, ang iyong kapatid, at ang sanlibutan.” “Pwede ba muna akong magpaalam sa aking kuya?” “Oo naman,” at sa sabi nito’y namulat ako sa tunay na buhay.

Mabilis ang pagdidilim ng aking mga mata noon, kaya nasiyahan ako nung makaabot si kuya na nakayuko. “Jordan? Jordan!” tumakbo siya papalapit. “Pasensya na, walang gustong magpapasok sa akin.” “Ok lang iyan kuya. Ang dami mo nang ginawa para sa akin.” “Ano ang iyong ibig sabihin?” pinatong niya ang aking ulo sa kanyang tuhod. “Tanggap ko na ang mangyayari sa akin.” doon niya rin nalaman ang katotohanan. “Jordan, bago pa man iyan, pasensya na’t sinigawan kita kanina. Hindi ako naging responsableng kuya para sa iyo-“ “-Huwag mong sabihin iyan. Nakita Niya ang lahat na tulong na ginawa mo sa akin, bilang karamay sa oras ng aking pagkasakit, at bilang isang kapatid.” sa puntong ito ay humagulgol na si kuya. “Jordan, salamat din. Mahirap man tanggapin para sa akin ay alam kong magiging ok ka rin sa huli.” “Ligtas ako sa Kanyang kalinga kuya, at ikaw rin. Huwag na huwag mong pagdudahan iyon.” “Paalam,” bumigat ang aking mga mata’t nagsira muli. Mulat ako sa palasyo, kasama ang gabay. Pinasok niya ang susi sa gintong pintuan, at naramdaman ko ang presensya ng Maykapal.

85


Hiwaga Reid Horse

Sa mga panahong lumalayag Damdamin ay lubhang nabihag Mundo’y umiikot sa mga ulap Simoy ng hangin kung anong sarap

Mula sa dagat, tiling malakas ang naririnig Nag-uumapaw na kasiyahang abot langit Nakikita ang hiwagang Diyos ang gumuhit Pusong ligaw pinapana nang rosas ni pag-ibig Bahaghari’y nagtataglay ng ningning Hindi mapaliwanag, ito’y nakalalasing Sa talon, sinasapian ng umaapaw na tubig Natitikman ang hindi karaniwang lamig Pagsapit ng gabi, diyamanteng bituin ang lumilitaw Kadiliman’y binibigyang buhay ng kumikislap na ilaw Ginigising ang batong isang siglong natulog Na siyang kumanta ng napakapamilyar na tunog Nabubuksan ang panibagong pintuan Isang magandang mirasol ang nasisilayan Angkin ang talinong siya lamang ang biniyayaan Walang nilalang hihigit sa kanya kailanman

86


humaling. Giada Padilla

para sa aking iniirog na nagdudulot ng munting kasiyahan ika’y nakakaaliw pagmasdan tulad ng mga alitaptap sa kalangitan parang isang alitaptap ikaw’y dumadalaw na nagbibigay saya sa aking araw-araw pagmamahal ko sayo’y umaapaw dahil ang aking puso, ikaw ang sinisigaw ang nararamdaman ko sayo’y malinaw ako’y narahuyo, puso koy iyong ninakaw sa pag-ibig mo ako’y nauuhaw sa aking buhay, ikaw ang ilaw

87


indak

Jed Cuadra

sumasayaw ang katawan ay napapagalaw sa himig na dala ng buhay minsan mahina, minsan maingay tiyaking nasa tiyempo dapat naaayon sa ritmo ang bawat pagkilos mararamdaman ang agos humahataw nakakagaan, parang lumilitaw ginagalingan ang bawat kumpas dahan-dahan, baka madulas koordinasyon bawat segundo umaaksyon isinasagawa ng buong husay punong-puno ng buhay bawal huminto isabay sa pagtibok ng puso tumataas na ang pulso hindi magpapatalo

88


sa sayawan ay hindi aatras ang oras man ay lumipas mapa boogie man o chacha mapa baile man o salsa ngunit paborito ay ang tango kailangan ang dalawang tao parehong nakahanda ang kapares hindi dapat mawala walang pagod kung may kasama ibubuhos ang enerhiya hahabulin ang paghinga hanggang sa pagtigil ng musika kahit lumang tugtugin kayang-kayang sayawin tiyak na gagalingan mabilis o mabagal man magbibilang, isa hanggang walo halika rito, sayaw tayo ang pawis ay pumapatak halina’t mag-indak -huwag mo sanang aapakan ang aking mga paa

89


Isang Munting Larawan Isang munting larawan Sa dingding ay nakabitin Tulad ng nararamdaman Walang makita kundi puti’t itim

Mary Lademora

Kasalukuyang tinititigan Ang isang blankong larawan Sa mundong puno ng negatibong pagtingin Ito ay simbolo ng aking damdamin Hanggang sa ika’y dumating Ang isang munting larawan Ay lubos naging makulay Nabusog sa pagmamahal Na ibinigay ng Maykapal Ang diyos, nang siyang may kapal Na nagbigay ng mabuting kaibigan, Malusog at masayang pamilya Na ating minamahal Ang dating blanko Ang dating itim at puti Itong larawan na gustong maglaho Itong larawan na kinulayan mo

90


Salamat sa pagkulay ng buhay ko Salamat sa pagmulat ng aking mata Salamat sa pagsindi ng mga ilaw Na hindi ko kinayang magawa Salamat sa iyong tulong Salamat sa inyo, sa’yo Dahil kung wala kayo Baka ngayon ay wala na ako Ipinagmamalaki kong sabihin na ang larawan ko ay makulay na ngayon Kaya para sa mga may pinagdadaanan dito Ikaw Wag kang sumuko Wag isipin na walang may gusto Na mahalin ka nang buo Dahil laging may naghihintay sa’yo Laging may nandito para tumulong Maaring hindi ngayon, mamaya o bukas Pero itong mga taong ito Ang mga taong naghihintay sa’yo Handa kang labanan sa mga problema mo Kaya tumigil ka Wag umiyak sa maling akalain Wag mong isipin na hindi mo na kaya Dahil alam ko, alam namin Na kaya mo pa

91


Pakiusap ay wag sirain ang iyong larawan Kahit ito pa’y puti’t itim Dahil ang isang munting larawan Ay napakahirap gawin Pero napakadali bawiin At balang araw ay may handang kumulay nito May mga kaibigang handang tumigil ng iyong bisyo At ang pamilyang handang magsakripisyo Baka hindi mo lang nakikita Ang paghihirap na kanilang nadarama Sa huli, ang mga taong nagmamahal sa iyo ay laging nandiyan para samahan ka sa mga hadlang mo sa buhay. Nandiyan sila sa tabi mo para alalayan ka sa mga kasamaang namumuhay dito sa mundong ito Salamat sa pagkinig sa kwento kong ito Maaari bang ibahagi mo sakin ang istorya ng iyong larawan?

92


93


Kahit Ano Pa Man Johannes Erika Acuña

I. Ang iyong ngiting kabigha-bighani, Ay katulad ng mga ulap sa langit, Na kahit ano pa man kadilim, Ito’y sumisikat pa rin.

II. Ang boses mong nagpapatibok sa puso ko, At ang iyong presensyang kaba ang dulot, Na kahit ano ka pa man kalayo, Ika’y maririnig at makikita pa rin.

III. Ang iyong paghawak ng aking kamay, Ay makapagwawala ng aking lumbay, Dahil kahit ano pa man ang aking dinadaanan, Ikaw lang ang tanging nasa puso’t isipan.

94


IV. Ang pagtawag nila ng iyong pangalan, Ay talagang kusang nagpapangiti sa aking labi, Dahil kahit ano pa man ang mangyari, Ang pag-iisip tungkol sa’yo ay hindi na mapipigilan.

V. Ang pag-ibig na ito ay aking biglang nadama, Ito’y hindi ipinilit o sadyang ipinagkusa. Sapagkat ang aking puso’y wala pang nilalaman, Sa halip, ito noon ay durog, wala pang kapayapaan.

VI. Ngunit nang nakilala kita, buhay ko ay nagbago, Ipininta mo ito ng kulay at ito na ay kompleto. Nang dahil sa hindi kita nakilala noong una pang panahon, Hindi ko mailalarawan ang buhay kong dulot sa’yo

95


Kaibigan Jasmine Cortes

Aking kaibigan ikaw ay nasaktan Aking kaibigan ikaw ay iniwasan Aking kaibigan ikaw ay lumayo Aking kaibigan bumalik ka na at humayo Patawad sa lahat ng aking mga kasalanan Patawad sa mga ka kulangan Patawad kung ganito ako Patawad kase ito ang tunay na ako Masakit Mapait Makapagbagbagdamdamin Ang pag-iwas mo sa akin Ngunit ano ang magagawa Kung ikaw na ay na wala Ngunit ano pa ang pwedeng gawin Kung ikaw ay wala na sa aking piling Mahal kita kaya masakit Mahal kita kaya ma pait Mahal kita kahit masakit Mahal kita kahit hindi na tayo mag ka dikit

96


Araw araw parang ayaw ka nang makita Araw araw na parang mamatay ka na Araw araw parang akong isang gago na umaasa na magiging okay pa tayo Araw araw ako ay ngumingiti kahit masakit sa aking damdamin Kaibigan sana ako’y patawarin Kaibigan sana tayo ay bumalik na sa dati Kaibigan sana ma tupad natin ang ating mga mithhiin Kaibigan ikaw lng ang na sa isip ko parati Kaibigan salamat Kaibigan patawad Kaibigan sana masaya ka Kaibigan sana ikaw pa rin yung taong na kilala ko Paalam na aking kaibigan.

97


Kay Ganda ng Kalikasan Natin Jelane Sorallo

Asul na mga karagatan Na inilikha ng Diyos para sa atin Kay ganda mong tingnan sa paningin Kay tamis mo ring isipin Matataas na berdeng bundok Na kayang lumampas hanggang langit Na kahit saan mang sulok Ay may kapayapaang mababatid

Nakakasilaw sa mga mata Ang kagandahan ng ating kalikasan Ang mga lugar na kay payapa Na buhat dulo ng ating pagkalinisan

Reanna Villanueva

Ang kagandahan ng kalikasan ay sadyang nakakamangha Kung ito ay paano nabuo’t nilikha, Ito’y dapat pagyamanin Upang tayo magkaroon ng sariwang hangin at magandang tanawin 98


Kung

Reid Horse

Bakit kailangan magtago sa lungga Kung pwede man lang mabuhay ng maligaya? Bakit kailangan ipikit ang mga mata Kung pwede man lang harapin ang umaga?

Ngayon ako’y narito sa’;yong harapan Hindi ka na mag-aalala, o kaibigan Dahil heto ako sasabay sa iyong laban Mga kamay mo’y mahigpit kong hahawakan Pangako ko, kahit kailan hindi kita bibitawan Makakikita ka ng sinag ng araw Magagandang tanawin ay iyong madadalaw Makakalanghap ka ng sariwang hangin At mabibilang mo ang mga bituin

Sa oras na lahat ay napakita at nabigay ko, Panghabambuhay na kaligayahan makakamit mo Ito na ang huling tanong sa iyo Kaya mo bang mabuhay na wala ako? Kung hindi, isuot mo ang singsing na ito.

99

Reanna Villanueva


Kuwentong Bilog Slara Garzon

Mahiwaga ang pagkakahubog ng hugis bilog Maganda ito at may taglay na alindog May kakayahang mag dugtong ng mga buhay na parang gulong Nagsimula sa walang imikan Hanggang sa naging matalik na magkaibigan Ating pagsasama’y iyong mababatid May tunay na halaga sa iyong pagmasid

Huwag hayaang mahulog sa bangin Bulong ko sa sariwang hangin Walang mamamaalam Haggang sa susunod nating agham Sa kuwento nating hugis bilog Mga alaala’y mahiwaga ang pagkakahubog Mga buhay natin ay ipinagdugtong Pagsasama’y patuloy na uusad na parang gulong 100 100

Reanna Villanueva


Labasan

Cheve Grace M. Gaudite Ibibigay ko na ‘tong susi sa’yo Upang makapasok ka sa pintuan Sa gitna, papasok ng aking puso Ang lugar na ito ay wala ng labasan Puno ng saya minsan meron ding kalungkutan Ikaw ay mananatili o ako’y iyong iiwanan Nakadepende pa rin ito sa iyong kagustuhan Ang lugar na ito ay wala ng labasan Ligtas at malayo sa kapahamakan Mahal, ito’y lagi mong maramdaman Nakadepende pa rin ito sa ating kapalaran Ang lugar na ito ay wala ng labasan Pagnagawa mong sirain ang mga pader na nakapaligid dito Parang winawasak mo na rin ang bahagi ng aking puso Nakadepende pa rin ito kung ako’y iyong susukuan Walang ibang susi’t walang ibang nabigyan Tanging ito lang, iniingatang kayamanan Ibibigay sa’yo ‘tong susi ng buong tiwala Ano kaya ang mukha ng pusong merong nag-aalaga?

101


Legazpi Reid Horse

Sa pagdating ng isang anunsyo Tinakpan ng higanteng panyo Ang mukhang noo’y ‘di nagpapatalo Na ngayo’y mas mabuting itago Napako sa krus ang pusong ‘di makapaniwala Matalim na espada ni Legazpi ang tumama Buong katawan ay unti-unting namutla Hindi kinalauna’y tuluyang natumba Sa punong ugat dumadaloy ang katatagan Kaya’t ‘di dapat nagpapadaig sa kahit anong laban Aahon pa rin kahit durog na durog ang katawan Basta’t maipanalo ang inaasam na kalayaan

Reanna Villanueva 102


Liham ni Juanchong Torpe Aking Maria, Noong una, hindi ko inaakala na ikaw pala ang bibihag sa puso ko. Elementary pa lamang, alam mo na kung bakit naging ganito ako, ibang-iba sa kanila.

Mga kagawian ko kasi, parang hindi panglalake. Imbis na maglaro ng teks, pogs, jolens, o ano pa dun na puwedeng gawin noong kabataan, Chinese Garter talaga yung peg ko noon. Alam ko, alam ko baka hindi mo ako tatanggapin kapag sinabi ko nahuhulog na ang loob ko sa’yo dahil sa kagandahan ng iyong katangian.

Reanna Villanueva 103


Noong High School, naging torpe ako. Plus, akala ng mga tao nagiging bading na’ko. Kapag gumegewang akala nila papunta ka sa isang fashion show sa Ermita, hindi ba puwedeng na-injured lang noong Volleyball practice? Pero mahal, kung darating man ang panahon kung magpapakita ka, baka patay na ako. HEHEHEHE, basta darating ka talaga sa kamay ko. Even though hindi ka totoo, umaasa pa rin ako na ihahatid ka ng langit para lang sa akin—sa akin lang talaga.

Nagmamahal, Juancho Fierro de Makapili

104


Limi’t Alumana Kylene Casaig

Kalungkutan, kasakiman, kapaitan Mga katagang laging sinisigawan Ano na ba ang nangyayari sa kasalukuyan? May madadatnan pa ba ang kinabukasan? Mga kababaihan, respeto ay pinagmamakaawaan Hustisya ang pinaglalaban Sa pait na nangyayari sa kanilang paninindigan At dignidad na iniingatan Mga kalalakihan ay patagong iniiyakan Ang mga problemang nilalabanan Sapagkat nahihiya’t takot na mahusgahan Ng mga taong paninira lamang ang nalalaman Mga kabataan ay labis ang hinagpis Sa realidad na bumubuhos na tila bang dawis Nagkakasakitan at di nagkakaunawaan Dahil sa henerasyon na hindi na maintindihan Mga magulang ay nasasaktan Sa bawat pagbuhos ng panibagong ulan Na mismo nahihirapan di lamang sa kanilang mga kabataan Kundi pati na rin sa bawat tao ng sanlibutan

105


Iyakan dito, iyakan doon Lunos dito, lunos doon Krimen dito, krimen doon Ito ba ay atin pang maiaahon? Edukasyon ay mismo nang inaayawan Dahil sa kapagurang di alintana Kun para ba talaga na maging inspirasyon sa kinabukasan O maging sakit lamang para sa mga kabataan Napapasobra na ata ang pang aabuso Na para bang tayo ay nasa kalayo Nauuhaw at nagugutom sa bagay Na dapat lahat tayo nakakaalam Lahat tayo ay nagbubulag bulagan! Lahat tayo ay nagtutulog tulogan! Lahat tayo ay nagiging mangmang! Lahat tayo ay sinasayang ang katalinuhan! Kinalimutan natin ang solusyon sa bawat problema Dahil sarili lamang natin ang inuuna Sarili lamang natin ang pinapakinggan Sarili lamang natin ang pinapahalagahan

106


Kung naisip natin bakit nangyayari ito ngayon? Bakit hindi natin naisip na baka it ay talagang naaayon? Naaayon sa plano ng Tagalikha Naaayon sa mga salita ng ating Tagagawa Nauuhaw tayo sa presensya ng ating Panginoon Sapagkat nadadala na tayo ng mga selebrasyon Selebrasyon na iba ang may hawak Na nagdudulot na tayo ay mawasak Nagugutom tayo sa kaluwalhatian ng ating ama Sapagkat mundo ang ating inuuna Nagagawa nating husgahan ang mga tao’t pangyayari Ngunit hindi magawang ipagdasal ang bawat hapdi Gumising na tayo sa ating bangungot Atin ng ipagwalang bahala ang antok Ito ay panahon na para maging buhay sa ating Diyos Na pagmamahal sa atin ay di nauubos Bumalik na tayo sa kanya Dahil kahit ano man tayo ka makasalanan Ay handa niya tayong patawarin Dahil ganon ka lubos niya tayo kung mahalin

107


Napakasakit na Siya ay ating nasasaktan Atin lamang lubos na maiintindihan Ang mga nangyayari kung sa una palang Ay Siya na ang ating inuna at pinahalagahan Mga kababaihan ay hindi na magmamakaawa Mga kalalakihan ay hindi na lalaban ng patago Mga kabataan ay hindi na malulungkot Mga magulang ay hindi na masasaktan Ano na ba ang nangyayari sa kasalukuyan? Ito ay naayaon sa plano at salitaan Na dapat na natin Siyang kilalanin At bumalik na Sakanyang piling May madadatnan pa ba ang kinabukasan? Siya lamang ang nakakaalam Sapagkat Siya ay makapangyarihan At walang sinuman ang kaya Siyang pantayan Sa henerasyon ngayon Dapat gawin ay huwag ng tumalikod Bagkus tayo ay bumalik na at lumuhod Higit ay magsimula ng lakbay kasama Siya na di na tayo malulunod Ang mga mata ay ituon Sakanya Kahit pa sa gitna ng mga problema Ang mga puso ay buhayin sa ating Ama At tayo ay habang buhay liligaya.

108


Liwanag sa Lilim Juliana Villavert

Tila humihinto ang aking panahon Walang naririnig kundi malamig awit ng hangin Tila ako’y naguguluhan ngayon Pwede ba munang oras ay patigilin Sa ilalim ng iyong liwanag Ako’y magpapahinga Sa ilalim ng iyong liwanag Kung saan isipan ko ay mapayapa Tila ako’y sinasakop ng takot Napapaligiran ng dilim Tila ako’y nalulunod sa lungkot Napapagod sa mundong sakim Sa ilalim ng iyong liwanag Siguradong ako’y ligtas Sa ilalim ng iyong liwanag Ako ay nasa tamang landas

Reanna Villanueva 109


Liwanag

Kristen Shane Morales Sa mga sandaling ako’y nasa ilalim Paglangoy pababa ang siyang aking lihim Nasasakal sa sariling isip at damdamin Nakakulong sa sariling imahe sa harap ng salamin Ngunit sa mga panahong lumulubog sa kadiliman May munting liwanag na lumulutang Ito ang nagsilbing aking gabay Upang makaahon sa hirap ng buhay Pinalibutan ang sarili Ng mga taong makakatulong at magsisilbi Upang maging mas maginhawa Ang buhay na talagang napaka-halaga At ngayon na nakamit ko na ang tunay na ligaya Masasabi ko na dapat tayo’y maging malaya Mula sa sakit at hirap na nadarama Upang ang buhay ay mas maging masaya Ang bawat araw ay may dala-dalang Pag-asa na magsisilbing daang Patungo sa pagbabago ng sarili Kaya ang oportunidad na ito ay huwag nating sayangin muli.

110


Liwanag; Pag-asang Makamtan Ashley Britania

Sa paglubog ng araw, Bughaw na langit di a matanglaw. Binalot ng kulay itim Ang gabing kay dilim. Damhin man ang poot at lungkot Sa takipsilim ay huwag matakot. Paggunita sa kahapon Ngiti at ligaya ay wag itapon. Pagsubok ng buhay Sa atin ay nagbibigay kulay, Tanging Pamilya ang ating gabay. Pagmamahal sa kanila ang ating alay. Saan man ako dadako Hiling at dasal ko sa aking puso Manatili ang pagmamahal at pagtitiwala. Sa tulad kong maysala. Salamat sa iyo Alitaptap, Buhay na dating maulap Ngayon kagalakan ng puso ang tanging sulyap. Positibo at may buong pag-asa sa Maykapal ang aking nahanap 111


Liwanag Sa Dilim Kylene Casaig at Jay Olayra

“Bakit ka nandito?” tanong saakin ng aking ina nang makita niya ako sa aming balkonahe. “Nagpapahangin lang po ako inay.” Sagot ko naman sakanya. “Sigurado ka bang okay ka lang? Parang tumatamlay kana anak?” sabi ni ina na nagpatahimik sa akin. “Ha? Okay naman po ako ina.” “Kung ano man yan, Tina, nandito lang kami ng pamilya mo para sa iyo.” Sabi ni ina sabay yakap saakin. Ako si Tina Angela Monteverde, laki ako sa isang normal na pamilya. Napakasaya ng aming pamilya kahit hindi kami ganoon ka yaman. May apat akong mga kababatang kapatid at lahat sila ay lalaki. Ang tatay ko ay isang office worker at isang housewife naman ang aking ina. Lumaki ako na masayahin at mapagmahal. Ngunit ng ako’y tumungtong ng kolehiyo biglang nagbago ang lahat. Namatay ang aming tatay dahil sa sakit sa puso at lahat ng responsibilidad sa pamilya ay saamin ni nanay napunta. Sobrang sakit ng pagkawala saamin ni tatay ngunit unti unti namin itong tinatanggap. Nagtatrabaho ako bilang student assistant sa umaga at nagaaral sa hapong hanggang alas otso ng gabi.. 112


Isang araw habang naglalakad ako sa aming paaralan ay nakaramdam ako ng pagkahilo. Nakita ko ang aking kaibigan na si Nika na tumatakbo papalapit saakin ngunit bago pa siya makalapit ay nawalan na ako ng malay. Nagising ako sa isang puting silid at sa amoy palang alam ko na na nasa ospital ako. “Nika, anong nangyari?” tanong ko sa aking kaibigan “Tina, may sasabihin ang doktor sa iyo.” “Iha, kamusta kana ngayon? Palagi ka bang nagpapagod? Palagi bang sumasakit ang ulo mo? Napakabata mo pa para magkaroon ng ganito.” Sabi sa akin ng doktor na nagpalito saakin. “Po? Ano po ba ang nangyari?” “Iha, may sakit ka. Brain tumor. Masyado na itong malala at 50/50 chance na mabubuhay kapa kapag naoperahan ka.” Ang mga linyang iyon ay hinding hindi ko makakalimutan. Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig at biglang tumulo ang aking mga luha. Hindi ako nagpalipas ng gabi sa ospital dahil ayaw kong mag-alala ang aking pamilya. Sinabihan ko si Nika na huwag na itong sabihin sa aking pamilya lalong lalo na kay nanay. Lumipas ang isang buwan na tinatago ko sa pamilya ko ang sakit kong ito. Dumadalas ang pagkahilo at pagkasakit ng ulo ko kaya nagiingat ako na hindi ito mapansin ng aking ina. Paano na lang sila pag nawala ako? Paano ang aking ina? Ang aking mga kapatid? Wala pang isang taon ng mawala si tatay, at ngayon ako naman? Sumpa ba ito sa aming pamilya? Habang umiiyak ako ay nakita ko ang bibliyang bigay sa akin ng tatay. 113


“Anak, sa pahanong sukong suko kana, ito ang kakapitan mo ha.” Bigla kong narinig ang boses ng aking tatay. Iyon ang sinabi niya saakin ng huling beses ko siyang nakausap. Lalo akong napahagulgol habang yakap yakap ko iyon. Binasa ko ang biblya sabang usal ng isang taos-pusong panalangin. “Anak, kumapit kalang. Hinding hindi kita papabayaan.” Nagising ako dahil sa boses na iyon. Hindi ako sobrang relihiyosong tao ngunit biglang nabuhay ang aking pananampalataya sa May Kapal. Napagdesisyonan ko na sabihin ang sakit ko sa aking pamilya. Humagulgol sa iyak ang aking ina gayun din ang aking mga kapatid. Sobrang sakit na makita ko sila na nasasaktan dahil sa lagay ko. “Nanay, magpapaopera po ako. Handa po akong tanggapin kung ano man ang plano ng Diyos sa buhay ko.” Niyakap ako ng aking ina, na mas lalong nagpaiyak saakin. Sinamahan nila ako sa ospital hanggang sa dumating ang araw ng operasyon ko. Ang tanging kinakapitan ko ay ang boses ng Diyos na narinig ko at ang nabuhay kong pananampalataya sakanya. Nanay POV Hindi ako mapakali habang nasa loob ng operating room ang aking anak. Biglang lumabas ang doktor na natataranta. “Dok, kamusta na ang anak ko?” “Misis di nakakayanan ng anak niyo ang operasyon. Maiwan ko muna kayo.” Nagmamadaling sabi niya.

114


Nanigas ako sa aking kinatatayuan na hindi malaman ang gagawin. “Diyos ko, wag niyo naman sanang pabayaan ang anak ko. Marami akong pagkakamali at pagkukulang sainyo. Patawad mahal na Panginoon. Pero sana huwag niyo munang kunin ang anak ko. Napakabait na bata iyon at hinding hindi ko makakaya na bata pa siyang mawawala. Panginoon.” piping dasal ko. Hindi ako tumigil sa pagdarasal hanggang sa lumabas uli ang doktor matapos ng dalawang oras. “Misis, isang himala na nakaligtas ang anak niyo.” Masayang balita ng doktor. “Salamat po dok. Salamat Panginoon.” Tina’s POV Nagising ako na sumasakit ang katawan. Tumingin ako sa aking ina na ikinagulat niya. Nagmamadali niyang tinawag ang mga doktor para e check ako. Pagkatapos lumabas ng mga doktor humagulgol ang aking ina sa harapan ko. “Anak, anak mabuti namang nagising kana. Miss na miss kana ni nanay.” Umiiyak na naglalambing na sabi niya. “Nay, kamusta kana? Anong nangyari? Totoo ba to? Buhay pa ba talaga ako?” Naiiyak na natutuwa kong tanong. “Matapos mong operahan nakatulog ka ng mahigit dalawang buwan. Pero anak isang himala na nabuhay ka muli. Akala ko.. akala ko tuloyan ka nang kukunin sa akin--saamin.” “Dalawang buwan nay? Paano ang mga bayarin natin?” 115


“Dalawang buwan nay? Paano ang mga bayarin natin?” Biglang ngumiti ang aking ina “Wag mo ng problemahin iyon anak. Napakabait ng anak ng doktor na naging assistant niya sa pagopera sa iyo. Sinagot niya ang mga gastusin sa hindi ko malamang kadahilanan. Napakabait ng Diyos anak. Binigyan ka niya ng pangalawang buhay at binigay niya si Dok Gelo na maging instrumento sa pagsagot ng mga gastusin mo.” Bigla akong naiyak at naisip kung gaano kabuti ang Diyos sa buhay ko. Tumagal pa ako ng isang linggo sa ospital at pagkatapos ay pinalabas naako. Hindi ko parin lubos maisip na buhay paako. Lumipas ang dalawang buwan at palagi akong nasa simbahan. Naging volunteer ako sa mga church activities at mas tumitibay ang pananampalataya ko sa May Kapal. Nagsisisi ako sa mga oras na sinayang ko dati. Nawalan ako ng oras sa Kanya at mas binigyan atensyon ang mga gawain sa mundo na kailanman ay hindi natin mararamdaman ang genuine happiness na tanging ang Diyos lang ang kayang magbigay. Isang linggo habang nagsisimba ako ay may lalaking umupo sa tabi ko. Parang artista ang kanyang mukha at sobrang tangkad niya. Pinagmasdan kong maigi ang lalaking katabi ko. Makapal ang mga kilay, mahaba ang mga pilik mata, hindi ko masyadong maaninag ang mga mata dahil naka pikit ito pero alam kong maganda rin ang mga ito, matangos ang ilong, mapupula ang medyo pouty niyang labi tapos ang ganda ng jawline. Jusko Lord, ang perpekto ng mukha. Noong nagpaulan siguro ang Diyos ng kaguwapohan siya ang sumalo lahat. Haaayyy. Habang nag “prpraise and worship” ay nakita ko ang pagtulo ng kanyang mga luha habang nagdadasal. Natulala ako sa kanya at biglang dumilat ang kanyang mga mata. Nagtama ang aming mga mata at ngumiti siya ng pagkatamis tamis. Makalaglag panty! Ay charot hihis 116


Pagkatapos ng misa ay kinausap ako ng aming pastor para ipakilala ang lalaking nakatabi ko kanina. Thank you Lord for this opportunity! HAHAHA ay! Tin umayos kaa!! Anokaba! Dalagang Pilipina! Lumapit ako sakanila with my dalagang Pilipina aura. “Tina, ito pala ang sabi ko sa iyo dati na doktor na isa ring miyembro dito sa simbahan. Tin, siya si Angelo o Gelo at Gelo siya naman si Tina.” Nilahad niya ang kanyang kamay at nakipagkamay ako sakanya. Parang pamilyar ata ang kanyang pangalan. “Gelo? Ikaw yung doktor na sumagot sa mga gastusin ko sa ospital? Tanong ko sakanya ng gulat nang napagtanto ko kung saan ko narinig ang pangalan niya. “Ah? Eh? Oo ako nga.” Tila nahihiya niyang sabi. “Hala salamat. Bakit mo naman pala sinagot iyon?” Ang swerte ko naman hihi “Gods will.” Sabi niya na nagpalito saakin. Huh? Ano daw? Pagkatapos ng araw na iyon ay nagpatuloy ako sa pagaaral at naging magkaibigan kami ni Gelo. Isang araw nagising nalang ako na sobrang lapit na namin sa isa’t isa at siya ang naging sandalan ko sa bawat pangyayari sa buhay ko. Lord, salamat talaga! HAHAHA Napalapit na rin siya sa aking pamilya. Napahanga ako sakanya kung gaano siya kalapit at mapagmahal sa Panginoon. Naka graduate ako sa kolehiyo na hindi parin siya nawawala sa tabi ko. Nang ika 21 kaarawan ko ay niyaya niya akong mag hapunan sa labas. Pagkatapos ng hapunan ay niyaya niya akong pumunta sa park at manood ng fireworks. “Happy Birthday Tin.” Sabay abot niya saaking ng bulaklak. “Salamat Gelo.” Nahihiya kong sabi. Oo na! Nahihiya parin ako kay Gelo no. “Tin.. alam mo ba bat binayaran ko lahat ng gastusin mo sa opsital?” “Bakit nga ba Gelo?” Bakit nga ba? Ito palagi ang katanungan ko na nahihiya kong itanong sakanya. 117


“Nang araw kasi na iyon ay tinawagan ako ni daddy na kailangan niya ng assistant para sa isang operasyon. Nagmamadali akong pumunta sa ospital at nabigla ako ng makita ko na ikaw ang ooperahan. Kasi ikaw yung babae sa panaginip ko Tin. Ikaw yung babae na nakikita ko na kinakasal saakin. Ikaw yung babae na laman ng mga panalangin ko. Ikaw yung babae na alam kong inihanda at binigay ng Diyos saakin.” Ano daw? Totoo ba to? Lord? Huhu “Geloo..” “Noong una may pagaalinlangan pa talaga ako. Pero noong naging magkaibigan tayo nabura lahat ng iyon. Mas lalo pa akong nahuhulog sa iyo. Makita ko lang ang iyong mga ngiti nawawala na ang pagod ko. Makita lang kitang tumatawa gumaganda na ang araw ko. Tin, kung hindi man tayo parehas ng nararamdaman. Handa akong maghintay tin. Pero sana, sana payagan mo akong ligawan ka.” “Gelo, hindi ko alam ang sasabihin. Pero.. pero handa akong magpaligaw sayo.” Sabi ko na may matamis na ngiti at bigla na lamang akong niyakap ni Gelo. Hindi nga ako binigo ni Gelo. Araw araw niya akong nililigawan. Sinabi na rin niya sa pamilya ko at sa pamiya niya ang panililigaw niya saakin. Kaya matapos ang walong buwan ay sinagot ko na siya. Naging magkasintahan kami ni Gelo ng mahigit walong taon bago siya nag propose saakin na e panghabambuhay ang relasyon namin. Hindi maiiwasan ang mga tampohan sa isang relasyon pero dahil sa pagmamahal namin ni Gelo sa isa’t isa at sa Panginoon na siya ang sentro ng aming pagiibigan ay nalampasan namin lahat ng iyon. 118


Walang tigil na tumutulo ang aking luha habang sinasabi ni Gelo ang kanyang wedding vow. “.. araw araw kitang liligawan Tin. Araw araw akong magpapasalamat sa Panginoon na binigay niya saakin ang babae sa panaginip ko. Pinapangako ko na maging faithful ako sayo at lalong lalo na sa Panginoon. Pinapangako ko na uunahin palagi ang Panginoon, at maging instrumento sa iyo at sa ibang tao na mas lalong mapalapit sakanya. Kapit lang tayo sakanya Tin. Kung hindi dahil sakanya wala tayo dito. Sobrang blessed ako na ikaw yung babaeng magiging ina ng mga anak ko at ang babaeng kasama ko hanggang pagtanda. I promise to love you until death do us part, hon.” “Dati nawalan ako ng faith kay God hanggang sa dumating ang pinaka greatest challenge sa buhay ko. Akala ko matatapos na ang lahat dahil dun. Pero doon ako nagkamali. Dahil pala sa greatest challenge na iyon ay babalik muli ang faith ko kay Lord na mas stronger than before at yun pala ang daan para makilala ko ang lalakeng habambuhay kong mamahalin; ang lalakeng hindi ko akalain na siyang itinakda pala para saakin ng MayKapal. On that very day that I saw you shed tears in front of the Lord, that was the day I asked God kung pwede ikaw nalang at ibinigay ka talaga saakin HAHAHA. Gelo.. salamat at dumating ka sa buhay ko. Pinapangako ko na maging faithful sa Panginoon dahil gaya ng sabi mo kung di dahil sa kay Lord wala tayo rito. I also vow to be faithful wife to you. I vow to always put God first. Pinapangako ko na hinding hindi kita iiwan lalo na sa mga panahon ng kadiliman sa ating buhay. Pinapangako ko na mas mamahalin kita araw araw. Mahal na mahal kita Gelo. I love you very much, hon. You are my unexpected blessing.”

119


Sinong mag aakala na dahil sa brain tumor ay babalik ako muli sa aking Tagalikha at makikilala ang lalaking inihanda niya na makasama ko habang buhay. Kahit napakarami ng kasalanan ko ay mas nangingibabaw ang p a g mamahal sa akin ng Panginoon. Kahit sukong suko na ako ay siya mismo ang lumaban para saakin. Kaya ikaw na nagbabasa nito, huwag ka mawalan ng pag asa. Kahit minsan hindi mo na maintindihan ang mga nangyayari, patuloy kalang sa pagdasal at mas patibayin mo pa ang pananampalataya mo sa Mahal na Diyos. Wag kang magmadali at maging careless na pairalin ang mga gusto mo lang. Ang mga plano niya ay mas malaki at mas maganda sa mga gusto lang natin. God’s plan is always the BEST! Ako si Tina Angela Monteverde- Sarmiento. Asawa ni Angelo Jacob Sarmiento. Nagkasakit, naghirap, nakatulog ng mahigit dalawang buwan, lumaban kasama ang Diyos, nakilala ang man of God na makakasama habang buhay. Lahat ng mga nangyayari sa buhay natin ay may rason. Kaya patuloy lang tayong lumaban dahil sa huli sulit lahat ng sakit at paghihirap natin. Isuko lang natin lahat sa Panginoon at hayaan natin Siyang gawin ang plano niya sa ating buhay.

120


Magpakatotoo Janessa CoruĂąa

Magpakatotoo at ihayag sa mundo Ang tunay na pagkatao Ipahayag ang tunay na saloobin Para makilala ka nila at kanilang tanggapin Ipakita kung ano ka talaga At ihayag kung sino ka Huwag ikahiya ang tunay na ikaw Ipahayag ito at iyong isigaw Dahil hindi ka naiiba Damhin na kasama ka rin nila.

Reanna Villanueva 121


Mahal Kong 8A Dianelle Varrera

Mga bagong mukha sa klase Mga babaeng pabebe Mga lalakeng kj Iyan ang klaseng 8A Hindi man Tayo nakapagpaalam sa isat isa Dahil wala ng oras na natitira Lagi niyong tandaan maghihintay ako Sa muli nating pagkikita mga kaibigan ko Mula sa mayor ng klase niyo Ang tulang inaalay Para sa inyo Sa mga taong nakasama ko Ang pamilyang nabuo sa taong ito.

Reanna Villanueva 122


Munting Pangarap Jelane Sorallo

Buhay na parang libro Maraming kabanata rito Pero ang paborito Ay ang pag-abot ng pangarap ko Ako’y nakatulala sa mga bituin Na kay gandang abutin Gaya ng munting pangarap Na aking hinahanap-hanap Balang araw maabot din kita Kung itoy samahan ng determinasyon Munting pangarap ko’y nilikha Ngunit ngayon ito ay isang imahinasyon Sa susunod na araw Ika’y nasa kamay ko na Munting pangarap aking tinatanaw Sa pag-abot ng aking tadhana

123


Ang langit nga ay aking naabot Buhat ng aking pagsisikap at tiyaga Ngayon ko lang nadama ang saya Na nagmula sa pagod at lungkot. Naging masaya na ang buhay ko Dahil sa aking pagtiyatiyaga, nakamtan na ang mga bituin Ang lahat na aking pagsisikap ay hindi laman para sa akin, Kundi sa magulang ko rin ilalahad ang lahat ng ito.

124


Natatanging Bathala

Bea Besa

Minsan ang buhay ay puno ng problema Puno ng lungkot atmga pagdurusa Para bang wala ng pag-asa Gusto ng sumuko at wala ng sigla Ngunit sa kabila ng mga pasanin May palaging nandiyan para sa atin Para siyang kumikinang na bituin Ang ating liwanag sa dilim Siya’y palaging maasahan sa oras ng pangangailangan Nagsisilbing sandalan sa panahon ng kalungkutan

125


Lahat ng problema’y atingmalalampasan Hinding-hindi niya tayo pababayaan Mapa-umaga man o ma-pagabi Siya’y nasa ating tabi Siya’y kakaiba at siya’y nag-iisa Siya ay walang iba kundi ang Diyos, ating Ama Natatanging Bathala at walang kapantay Pagmamahal niya sati’y walang humpay Kaya’t huwag mabahala tayo’y hindi nag-iisa Sa lahat ng pagsubok ay nariyan siya Siya’y ating kasama saan man mapunta Tayo’y maniwala at magtiwala lang sa kanya.

126


Simponiya ng Dilaw Lysander Tiu

Kulay dilaw, ang kulay ng kasiyahan, Napakahalimuyak at maluningning. Nagbibigay-buhay at diwa sa lahat, Ating liwanag, siklab, at katibayan. Maputla, makinang, kahit anong lilim, Ang kulay dilaw bistado kahit saan. Ang pagsayaw ng alitaptap sa gabi, At ang malinamnam na sarap ng mangga. Dilaw, para sa tingkad ng pantag-araw, Para sa ating sikap at integridad. Simponiya ng dilaw, Kulay ng pakay, Ito’y makabuluhan, nakakapukaw

Dilaw, para sa pagtitikbo ng lahat, Katamistamisan ng pulut-pukyutan. Ang kulay dilaw, ang paglanghap ng lahat, Simponiya ng dilaw, nakakaakit. Ang kulay dilaw, ang kulay ng tadhana, Kulay ng mundo’y mapayapa’t sagana. Ang dilaw, ang katamtaman ng liwanag. Para sa kalamlaman ng ating balat. Dito’y tatapos ang itong simponiya, Simponiya ng Dilaw, malawak at ganda. Nababaluktot, ginagamit ng lahat. Simponiya ng wakas at pagtatapos.

Dilaw, naghihiwatig ng kahalingan. Mga dahong dilaw na nagsasayawan, At ang kabigha-bighaning dapit-hapon. Talaga! Isang simponiya ang dilaw.

127


sinag.

Elysha Pinlac lumabas ako ng bahay at nanatiling nakatayo habang tinitignan ko ang pagsikat ng araw. napatingin ako sa relo ko, at alas singko y medya pa lang sa umaga. hindi ko ‘rin alam kung saan ako nakakuha ng enerhiya para bumangon sa ganitong oras, pero parang nasanay na rin ako. naglakad-lakad ako sa harap ng aming bahay, at ang liwanag ng araw ay tumama sa aking mukha. ito’y lumiwanag sa ilalim ng mga ulap, at ang langit ay nagmukhang canvas ng asul, rosas, kahel, at dilaw. ako’y napangiti. nagsimula ako sa pagtugtog, at ito’y magandang pakinggan. tinuloy ko lang iyon, hanggang sa napatigil ako. pagkatapos, ako’y kumanta. mahina lang sa simula, hanggang pinalakasan ko na ito. wala na akong pakialam kung sino pa ang makarinig sa akin. taos-puso akong kumanta, hanggang ako’y napagod na.

128


naramdaman ko ang simoy ng hangin, at napagaan ang aking loob. napatingin ako sa araw, at napaisip; balang araw, makakakita rin ako ng taong sasamahan ako na panoorin ang pagsikat ng araw hanggang sa huling paglubog nito sa buhay ko. Salamat sa lahat ng mga alaala. Napakaswerte ko na nakasama ko kayo sa aking buhay. Salamat dahil ako ay tinanggap nyo. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil binigay niya saking ang mga taong wala sawa nagmamahal sakin. Kahit napaka mainitin ng ulo ko ay lagi niyo akong iniintindi. Minsan masakit na makita kayong masaya kapag wala ako pero pinaparamdam niyo naman sakin na napakahalaga ko. Itong sulat na ito ay napakaikli pero ang laman nito ay ang aking pag-ibig. Mahal na mahal ko kayo lagi niyong tandaan. Mamahalin ko kayo magpakailanman

129


takipsilim Jed Cuadra

sa mabagal na paglubog ng araw dahan-dahan, mgahinanakit ay ibibitaw tumitingala sa kahel na kalangitan kuha ni Nohup nag-aabang sa dala ng kinabukasan pagmasdan, nakakamanghang tanawin nakakabighani, masarap sa paningin mistulang paraiso sa malayo hindi mapipigilang marahuyo pagbukang liwayway muling aahon simbolo ng pag-asa at pagbangon pagkat ang problema ay lilipas rin sumasabay sa pag-ihip ng hangin hindi sasayangin ang pagkakataon ngayong pagdalo ng dapithapon mga natitirang sandali ay sinusulit panibagong araw ay muling sasapit at kung sakaling bukas ay hindi na matanaw ang mga ulap na bughaw at ang pagsikat ng araw magsisilbi itong aking pahimakas dahil lahat ng bagay ay may wakas ang takipsilim ay isang patunay na sa dulo ng ating buhay makikita ang ginintuang kulay at ang kayamanang naghihintay Reanna Villanueva 130


Sa mundong pabago-bago, Sa mundong puno ng gulo, Huwag mong hayaan na baguhin ka nito, Huwag mong hayaan na saktan ka lang nito. Sa mga panahong parang susuko ka na, Sa mga panahong nawawalan ka na ng pag-asa, At parang wala ka nang gana, Lakasan mo ang loob mo, at lumaban ka. Sa mga panahong pumapatak na ang iyong luha, Sa mga panahong parang hindi mo na kaya, At umaapaw ang lungkot na nakadarama, Maging matatag ka.

Tunay na Kasiyahan Jireh Clarisse Cartel

Tandaan mong hamon lamang ito, Hamon na susubukin ang tapang mo, Hamon na magbibigay lakas sa’yo, Hamon na magbibigay ng maraming aral sa’yo. Lahat ng problema ay may katapusan, Kaya patuloy kang lumaban kahit ano pa iyan, Mahahanap mo ang tunay na kaligayahan, Pagkatapos ng matinding unos at ulan. Lumaban ka, dahil sa pagsikat ng bagong umaga, Dala nito ang mga aral na iyong madadala, Dala nito ang pag-asa, Dala nito ang tagumpay at saya. Kumapit ka sa Diyos nating dakila, Hindi ka Niya iiwang luhaan, At lalong hindi ka Niya pababayaan, Dahil nasa piling Niya ang tunay na kasiyahan. 131



Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.