3 minute read
sabansa,tumaas
Naitalang higit 96 nang mga binatilyo ang namatay mula sa taong 1950 hanggang ngayong taon(2023) dahil sa mga Hazing o Fraternity na kinasasangkutan ng mga lalaking nagpapahirap sa isang baguhan upang maging ganap na kasapi ito sa kanilang grupo(Gang).
Pinakamalaking fraternity umano ang Tau Gamma Phi(ΤΓΦ) dito sa Pilipinas na kasalukuyang pinakakasuhan ng Kagawaran ng Katarungan (DOJ) kaugnay sa pagkamatay ng isang 24-taong gulang noong ika-apat ng Marso sa Laguna na si John Matthew Salilig
Advertisement
Dahil sa pangyayaring ito, nangangamba ang ilang mga magulang mula sa paaralang Quezon City High School sa mga nababalitang kaso ng Hazing dito sa Pilipinas, na kung saan patuloy pa ring isinasagawa dahil sa kanilang nakasanayang tradisyon
"Talagang nakababahala iyon para sa'kin, kasi biruin mo kahit hindi naman kailangan ay ginagawa para lang mapatunayang tigasin ka," ayon sa isang magulang na aking nakapanayam.
Dagdag pa niya, masyadong mapanganib daw ang sinasagawa nilang tradisyon at hinding hindi nila pasasalihin ang kanilang anak sa mga gan'yang bagay lalo na kung hindi ito makabubuti sa kanila
"We want to give a blessing to you, we want you to have healthier family by adopting you " , ito ang pahayag ni Pastor Michael Cariño
Isa sa mga nag-organisa ng proyektong 'Adopt a student project' ng Christian Bible Church of the Philippines
Batay sa kwalipikasyon ng CBCP, labindalawa ang napili at sinala na mga mag-aaral ng Quezon City High School(QCHS) na nagmula sa baitang sampu ang nabigyan ng scholarship assistance noong Abril 18(Martes) sa ganap na 10:00‐10:30 ng umaga
Sila ay makatatanggap ng ₱1,000 tuwing katapusan ng buwan at ani rin Pastor Cariño, ang tulong pinansyal ay maaaring tumaas base sa magiging dagsa o pagdami ng sponsor ng nasabing proyekto
Sila rin ay inaatasang dumalo sa values and religious study sessions tuwing linggo upang patuloy na maisama sa listahan ng may mga scholarship assistance
Ang unang pagkikita-kita ng mga scholars, pastors at ang mga sponsors ay naganap noong May 2, 2023 sa mismo nilang simbahan (Christian Bible Church of the Philippines)
NationalIDparasaQuezonians,umarangkada
aumpisahan na noong Abril 11 ang pagpaparehistro ng mga estudyante sa Quezon City High School ng kanilang National Identification Card, ito ay kwalipikado mula baitang pito hanggang Senior High Students
Ayon kay G Peter Tagab, ito ay itutuloy hanggang Biyernes (Abril 14) tuwing 8:00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon sa loob ng covered court ng nasabing paaralan
Ngayong araw, ang mga nasa baitang sampu ang naka eskedyul sa pagpaparehistro ng kani-kanilang National ID
Ang mga nakatalaga sa pag-aasikaso ng National ID registration ngayong araw ay sina G Ernesto C Balubar, Gng Arianne D Catibog, Gng Grace F Cristobal para sa seksyon STE Photon, SPA at Rizal; Gng Evangeline Cecille Y Garvida, G Christian James A Reyes at Romana E Collado para sa seksyon Bonifacio, Aquino at Burgos; Gng April Wilma A Navera, Gng Rowena B Bassig at Peter H Tagab para sa seksyon Jacinto, Jaena at Lakandula; Gng Rowena P Llamera at Gng Emily Solanoy para sa seksyon Lapu-lapu, Luna at Mabini; At Gng Rowena P Llamera , G Jessie A Matriano at Gng Ginalyn A Rasco para sa seksyon Magbanua, Ponce at Silang
NationalIDparasaQuezonians,tagumpay
Matagumpay na nabigyan ng kaniya-kanyang National Identification Card (PhilSys) ang mga Quezonians mula baitang pito hanggang Senior High Students ng paaralang Quezon City High School sa loob ng limang araw mula Abril 11-Abril 14
Ito ay isinaayos at paraan ng Philippine statistics kung saan sila na mismo ang pupunta sa mga paaralan upang makapagparehistro ang mga batang mag-aaral ng ating bansa para maging mas madali at mabilis ito sa mga estudyante na hindi pa nakapagpaparehistro ng National ID
Naging maayos at malinis naman ang nasabing aktibidad na inilalayan ng mga staffs at guro ng paaralan
Ang kanilang isinasagawang proyekto ay naumpisahan na noong taong 2021 na kung saan ang unang mga nabigyan nito ay ang mga estudyante sa paaralang Kamuning Elementary School na sa ngayon ay mayroon ng 20 benepisyaryo ng QCHS nakarehistro na para sa National ID
Ayon sa isang Quezonian, nakatutuwa raw sapagkat nagkaroon daw ng ganitong pagkakataon ang mga estudyante at higit sa lahat ay mas mainam daw na magkaroon ng National ID kasi maaaring magamit at kailangan ito sa trabaho
"Masaya ako kasi nabigyan ng pagkakataon yung mga mag-aaral na hindi na makipagsiksikan sa mga malls para magparehistro ng National ID at saka nakakatuwa rin sapagkat sila mismo ang bumababa sa mga eskwelahan para mas mapabilis, magandang sistema yan ng Philippine statistics ngayon " , ani ni Gng Evangeline Cecille Garvida