4 minute read

Wushu team

problemang kanilang naranasan

Ngunit sa kabila ng mga pagsubok, mas nangibabaw pa rin sa kanilang mentalidad ang sipag, tiyaga at determinasyon na madala ang pangalan ng QCHS at mairepresenta ang Quezon City sa NCR meet.

Advertisement

Ayon naman kay Gold medalist Peñarendo, "Masaya kasi lahat ng pagod ko sa training hindi nasayang at hindi napunta sa wala lang"

"Sabi nga may next year pa, and we were able to at least send the message across that QC is bound to return to the top in Wushu" ika ng tagapagsanay ng QCHS Wushu team na si G Ilao

Isa sa mga naging paghahanda ng Pencak Silat team bago ang NCR meet ay ang pagkakaroon ng Lunes hanggang Byernes na pag-eensayo, body conditioning at ang mga bagong kakayahan na dapat matutuhan

Kahit pa mayroong maayos na iskedyul ang koponan, hindi pa rin naiwasan ang pagkakaroon ng mga liban sa trainings, ayon kay Gng Rasco: isa sa mga naging kalaban nila ay ang menstruation ng mga babaeng miyembro ng koponan, dumagdag pa rito ang papalapit na Ikatlong Markahang Pagsusulit aniya

Sinipang Pangarap

Nagsimula sa pagsipa sa loob ng tiyan, hangg sa pagsipa sa iba't ibang kompetisyon Sipa, si sipa! O kay sarap mabigyan ng talento sa laran ng Taekwondo

Ilang hakbang ng hagdan ang nilampasan par mapalapit tungo sa pangarap na inaasam A tinahak na daan ay hindi biro para sa Taekwon player at black belter na si Elijah Miguel Tampus

Naging matagumpay ang karera ni Elijah sa taong ang kaniyang pangalan sa mundo ng Taekwond nagsumikap upang maabot ang pangarap na map

Pambansa Ngunit sa bawat pag-abante, mayroon makapagpapaatras sa isang tao, paano nalang kung isang araw ay maglaho na parang bula ang pangarap na mapunta sa Palarong Pambansa? Tinanggal sa hanay ng mga maglalaro si Elijah, bakas sa mukha niya ang pagkadismaya noong natanggal siya sa hanay ng mga manlalaro Hindi uso ang default, mabula ang sistema, matinag ang mga nasa likod Kahit na may panig si Elijah ng onting pagkalungkot dahil sa pagkawala niya sa hanay, sa isang banda naman ay sinabi niyang "aanhin ko ang pagkapanalo, kung win by default naman ito "

Kahit na bigong makasungkit ng gintong medalya, disiplina at sportsmanship naman ang tingin nila'y naging lamang nila sa mga kalaban

Sa huli, taos-pusong nagpasalamat ang Pencak Silat team sa mga tulong na kanilang natanggap mula sa mga guro, magulang at lalonglalo na sa bagong Punongguro ng QCHS

Pencak Silat Team

Samu't saring batikos ang natanggap ng koponan ng

Cambodia matapos nilang mapatumba ang Gilas

Pilipinas sa finals ng Souteast Asia games 3x3 basketball Ang koponan ng Cambodia ay binubuo ng tatlong Naturalized player at isang local player Apat na Pinoy kontra sa tatlong 'Cano at isang Cambodian, 'di ba't hindi yata patas ang labanan? Ang SEA games ay isang kaganapan kung saan buong pusong inirerepresenta ng bawat manlalaro ang kani-kanilang sariling bansa

Gayunpaman, hindi ito napangatawanan ng Cambodia, habang ang iba ay maipagmamalaking ipinaglaban ang kanilang bansa, ang Cambodia naman ay kumuha ng mga

Naturalized player para makasungkit ng medalya laban sa ibang bansa

Kahit pa sabihin nating mayroon silang isang Naturalized player, para sa akin; masasabi kong ginawa lang nila ito para kahit papano ay masabing mayroon silang isang local player, hindi rin naman pinaglaro masyado ang nag-iisa nilang local player at ang pinaka binabad ay ang mga 'Cano

Idinaing din ng Coach ng Gilas Pilipinas na ang nakasulat sa hanay ng mga manlalaro ng Cambodia ay iba, siya ay nagulat sapagkat ibang pangalan ang nakita niya bago ang laban

Talaga nga namang masakit ang matalo ng koponang para sa atin ay hindi naman karapat-dapat manalo, ngunit ano pa nga bang magagawa natin? Kung hindi tanggapin nalang ang pagkatalo at suportahan ang iba nating kababayan na lumalaban nang buong puso para sa ating bansa

Mas masarap pa rin manalo, kapag hindi taga USA ang manlalaro!

'3-peat' para sa SIBOL MLBB men's team

Nanatiling hari ng Mobile Legends: Bang Bang(MLBB) sa Timog-Silangang Asya ang SIBOL Pilipinas MLBB men's team matapos nilang maiuwi ng Bren Esports ang Gold medal dahil sa solido nilang 3-0 kontra Malaysia sa nagdaang SEA games noong Mayo 14, 2023 sa Phnom Penh, Cambodia

Hindi gaanong naging mataas ang ekspektasyon ng mga Filipino fans sa Bren Esports, dahil 4th place lamang ang nakamit ng Bren sa playoffs ng pinakamalaking MLBB tournament sa Pilipinas na MLBB Professional League(MPL)

Damang-dama ang pagpapahirap na ginagawa ni PHI CANON(Lapu-lapu) sa Malaysia sa pamamagitan ng pagso-zone sa kanila, dahilan para makuha agad ng Pilipinas ang Lord kahit na syam na minuto pa lamang ng laro ang nakalilipas

Tumagal ng 26:35 minuto ang laban, ang pickoff ni PHI REQUITIANO(Karrie) sa Atlas ang naging dahilan para unti-unting maubos ng Pilipinas ang Malaysia sa huling Lord fight at makuha ang unang panalo sa serye

Sa early stage ng game 2, momentum ang nais ng Malaysia, dalawang magkasunod na death count agad ang naitala sa Pilipinas Hindi rin naman pumayag si PHI SAYSON(Lancelot) na magtuloy-tuloy ang arangkada ng Malaysia matapos niyang mapatay si MAS CHIBI(Martis)

12 minuto ng laban ay nasakop na ng Pilipinas ang mapa, ngunit dahil sa matyagang pagpa-farm ng Malaysia ay napatagal nila ang laban hanggang umabot na sa puntong nakuha ng Pilipinas ang Lord at sinabayan ito para mabasag ang base ng Malaysia, nagtapos ang game 2 sa kill count na 16-7.

Bakas sa mukha ng mga manlalaro ng Pilipinas ang kumpyansa dahil sa 2-0 na kalamangang kanilang dinadala Imbis na kumuha sila ng Karrie, ginulat nila ang Malaysia sa kanilang Harith gold lane pick, ito ang isa sa nagpahirap sa Malaysia dahil sa mobility at damage nitong ambag; nagtapos naman ang laban nang isa lang ang nababasag na tore sa Pilipinas habang siyam naman ang nabasag nilang tore ng Malaysia, kasama pa nito ang tambak na kill count na 21-6.

'Three-peat' para sa Pilipinas ang medalyang ito matapos makasungkit ng SIBOL MLBB men's team ng Gold medal noong SEA games 2019 at 2022

This article is from: